Chapter: CHAPTER 9Alora's POVNapatampal ako sa aking noo noong makita hindi nga nagbibiro kagabi si Azrael. Pinalitan niya nga ang hadgan ng escalator. Nagmukha tuloy mall ang bahay!"Oa mo naman, pwede namang hindi mo na palitan mag-iingat na lang ako sa susunod. Sayang ang pera." Tinignan niya ako. "Walang nasasayang na pera kung ginagamit ko iyon para protektahan ka." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya hindi ko maiwasang mag-isip. Ganito rin ba siya sa totoong Alora? Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-aalala niya, ang bawat pag-aaruga, ang bawat kilos niya na para bang pinaparamdam sa akin na espesyal ako pero hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Para ba talaga sa akin ang pag-aalala na iyon o para sa babaeng may-ari ng pwesto na kinatatayuan ko? Minsan ay hindi ko alam kung saan ako lulugar pero minsan rin nararamdaman kong ito talaga ang pwesto ko. Nakakalito kase dahil sa kilos na binibigay ni Azrael sa akin pero mas nakakalito d
Last Updated: 2025-01-24
Chapter: CHAPTER 8Alora's POVTatlong araw na simula noong nalaman kong buntis ako at wala pa ring nakakaalam maliban sa akin. Hindi pa rin umuuwi sa bansa si Azrael at habang tumatagal ay mas dumadami rin ang tauhan niya dito sa bahay. "Manang may boiled egg po ba diyan?" Kakapasok ko lang sa kusina at ibinigay naman agad sa akin ni Manang ang hinihingi ko. Dinampot ko rin ang ketchup at dinala iyon sa kwarto ko. Doon sa may veranda kinain ko ang dala kong boiled egg habang sinasawsaw iyon sa ketchup. Maganda ang view doon pero mas agaw pansin ang mga tauhan ni Azrael na nagkakalat sa kahit saang parte ng bakuran."Calem kailan ba uuwi si Azrael?" inip kong sabi, hindi ko alam pero naiinis ako. "Hindi pa raw naayos yung problema kaya hindi pa rin sure kung kailan siya makakauwi." Nakakainis naman ang boss niya. Parang walang iniwang pamilya dito sa pinas! Sabagay hindi naman pala ako ang tunay niyang asawa kaya wala akong karapatang magreklamo. Dumaan pa ang mga araw pero wala pa ring Azrael na u
Last Updated: 2025-01-24
Chapter: CHAPTER 7Alora's POV Nagising ako dahil bigla ko na lang naramdaman na nasusuka ako kaya naman tumakbo ako agad papunta sa cr. Ilang araw nang ganon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at hindi ko rin naman masabi kay Azrael dahil busy siya masyado sa trabaho. "Manang meron po bang mangga diyan?" tanong ko pagkababa ko sa pero umiling lang ang taga-luto. Bumalik na lang akonsa kwarto ko at bumaba lang ulit noong kakain na ako ng hapunan. Kakain na sana ako pero noong maamoy ko ang steak ay bigla na lang akong naduwal kaya todo takbo na naman ako sa cr. Ano bang nangyayari sa katawan ko? "Asan si Azrael?" tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Azrael noong makalabas na ako ng cr. Hindi ko siya kilala. Hindi ko naman memoryado ang mga pangalan nila dahil sa sobrang dami ng tauhan ni Azrael. Umiling lang siya at sinabing maaga na nagpunta sa trabaho ang boss niya. Pumunta na lang tuloy ako sa kusina para sabihin kay Manang na dalhin na lang ang pagkain ko sa kwa
Last Updated: 2025-01-24
Chapter: CHAPTER 6Alora's POV Nakatakas kami sa lugar na iyon dahil na rin sa hidden exit na alam ni Azrael. Marami rin ang nasugatan at natamaan sa mga tauhan ni Azrael pero nanalo naman sila sa mga tauhan ni Koen. "Simula noong sinabi mo ang pangalan niya, hinigpitan ko pa lalo ang pagmamasid sa bawat galaw at negosyo nila." panimula niya habang naglalakad papunta sa sofa at nakasunod lang ako sa kanya. "Especially him, alam kong kapag gusto niya ang isang bagay hindi niya iyon susukuan and I was very sure that he will come after you and I was right." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil pinapayagan niya akong lumabas ng bahay at mag-enjoy kahit alam niyang delikado ang lagay ko. "Alam kong malaking risk ang ginagawa ko sa bawat araw na isinasama kita sa labas pero gusto ko lang mag-enjoy ka. Kasama mo naman ako, I will protect you." Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ko lang iyon. Oo nga at kasama ko siya pero paano na lang kung hindi kami makatakas
Last Updated: 2025-01-21
Chapter: CHAPTER 5Alora's POV Dumaan ang ilang linggo na hindi kami nagpansinan dahil sa naging pag-uusap namin sa kwarto ko. Actually, ako ang hindi pumapansin sa kanya. "Bakit ang dilim at bakit ang daming kandila dito sa garden?" tanong ko kay Stella na siyang nagdala sa akin dito pero hindi siya sumagot bagkus tinulak niya lang ako papunta sa mga kandilang nakatusok sa damo. Hindi naman araw ng mga patay ngayon kaya bakit may ganito sa bahay ni Azrael? Habang humahakbang ako ay mas dumarami ang mga kandila sa paligid hanggang sa matanaw ko si Azrael sa may duyan. "Anong meron?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto niya. "You've been ignoring me for almost a month so I did this." Tinuro pa niya ang mga kandila at inabot ang kumpol ng bulaklak na hawak niya. "Akala ko araw ng mga patay, ang dami kaseng nakatirik na kandila." Natawa siya sa sinabi ko at nakarinig din ako ng tawa mula sa loob ng bahay. "Sorry kase hindi ko sinabi sayo yung about sa pagiging mafia ko. Alam ko
Last Updated: 2025-01-20
Chapter: CHAPTER 4Alora's POV Sa mga kunting ginagawa ni Azrael para sa akin katulad na lamang nang pagbibigay niya ng bulaklak at pasalubong sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho, ang paglabas namin ng bahay paminsan-minsan at ang mga pag-uusap namin sa iba't-ibang mga bagay ay naging daan iyon para maging komportable ako sa kanya. Masaya ako kapag kasama ko siya at hindi lang yun, ramdam ko rin na ligtas ako kapag nasa piling ko siya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit sa anim na buwan kong pananatili sa bahay niya ay hindi ko naisipang umalis. "Bakit may d-dugo ang kamay mo?" isang hakbang paatras ang ginawa ko. Bigla na lang bumalik sa isip ko ang isang pangyayari. I was at my room noong pumasok ang mga tauhan ni Koen at sinimulan nila akong paluin ng isang bakal. Normal na iyon para sa akin dahil walang araw ang lumilipas na hindi nila ako sinasaktan. Wala akong magawa kundi mamilipit sa sakit at protektahan ang ulo ko gamit ang mga payat kong kamay at balikat. Nagdarasal na sana
Last Updated: 2025-01-20