Alora's POVNapatampal ako sa aking noo noong makita hindi nga nagbibiro kagabi si Azrael. Pinalitan niya nga ang hadgan ng escalator. Nagmukha tuloy mall ang bahay!"Oa mo naman, pwede namang hindi mo na palitan mag-iingat na lang ako sa susunod. Sayang ang pera." Tinignan niya ako. "Walang nasasayang na pera kung ginagamit ko iyon para protektahan ka." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya hindi ko maiwasang mag-isip. Ganito rin ba siya sa totoong Alora? Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-aalala niya, ang bawat pag-aaruga, ang bawat kilos niya na para bang pinaparamdam sa akin na espesyal ako pero hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Para ba talaga sa akin ang pag-aalala na iyon o para sa babaeng may-ari ng pwesto na kinatatayuan ko? Minsan ay hindi ko alam kung saan ako lulugar pero minsan rin nararamdaman kong ito talaga ang pwesto ko. Nakakalito kase dahil sa kilos na binibigay ni Azrael sa akin pero mas nakakalito d
Alora's POVSa pader kung saan namin kinuha ang picture na siyang unang masisilayan kapag pumasok ka sa bahay ay doon inilagay ang litrato namin ni Azrael. Nakalagay iyon sa kulya ginto na frame at isinabit doon."Do you like it?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Azrael. Hindi ako tumingin sa kanya dahil ang atensyon ko ay nasa litrato naming dalawa. Masaya pareho ang ekspresyon sa mga mukha namin. Ang titig sa bawat isa ay tila ba kaming dalawa lang ang tao sa mundo kaya naman hindi ko maiwasang nakaramdam ng kakaibang saya."Yung sunod na picture natin saan na ilalagay?" Sobrang laki kase nitong unang picture namin kaya naman wala nang masyadong space ang pader. Kung gagawin talaga namin ang sinabi niya na magpi-picture kami gamit ang iba't-ibang traditional na damit ng bawat bansa ay hindi ko alam kung saan niya ilalagay ang mga iyon."Marami namang parte ang bahay natin. Ilalagay natin sa bawat sulok para palagi mong makita ang gwapo kong mukha," proud niyang sabi lalong-lal
Alora's POV"Punta tayo sa garden Ma'am," pag-aaya sa akin ni Shella. Kakabalik lang nila ngayong araw galing sa day-off nila kaya naman pumayag ako agad dahil na-miss ko rin silang kausap. Nagulat nga lang ako dahil mula sa labas ng kwarto ko hanggang sa elevator, sa pinto at sa may swimming pool ay mayroong mga tauhan ni Azrael. Lahat sila ay nakayuko at nakainat ang kanang kamay sa iisang deriksyon at ang kaliwang kamay naman ay nakatapat sa dibdib nila. Yung tipong kapareho sa napapanood ko sa TV kapag bumabati ang isang kawal sa pinagsisilbihan nila.Nagtataka man ay patuloy pa rin akong naglakad. Nakasunod pa rin sa akin si Shella hanggang sa makarating kami sa harden. Doon may isang lamesang puno ng pagkain at may kandila sa gitna nito— hindi lang basta kandila dahil may design iyon, yung parang kapareho sa nasa beauty and the best. "Upo ka po." Iniusog ni Shella ang upuan at naupo naman ako doon. Tumingin ako sa kanya ng nagtatanong pero hindi siya sumagot bagkus isang kanta
Alora's POVFLASHBACKSa tuluyang pagmulat ng mga mata ko ay mga lalaking naka-itim ang bumungad sa akin at mga babaeng may nakataling tela sa bibig tulad ko. Inilibot ko ang paningin ko at sigurado akong hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin alam kung anong oras na ngayon dahil madilim dito sa kinalalagyan namin at kaunting sinag lang ng liwanag ang nakakapasok mula sa labas. "Teka saan niyo kami dadalhin?!" sigaw ko nang bigla na lang kaming pilitin na tumayo ng mga lalaki at kinaladkad papunta sa kung saan. Naisubsub ko ang mukha ko dahil sa lakas ng tulak nila pero pinilit kong itayo ang katawan ko na hindi ko naman kinaya kaya napaluhod ako habang ang ibang mga babae ay nakasubsub pa rin sa sahig.Nasa isang kwarto ata kami dahil may isang kama sa gilid at sofa naman kung saan may nakaupong lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya nang maayos dahil sa kadiliman ng kwarto pero alam kong pinagmamasdan niya kami isa-isa base sa galaw ng ulo niya. Tinitigan ko ang lalaki na
Alora's POV FLASHBACK "Gusto kitang angkinin pero pipigilan ko muna ang sarili ko. Maghanda ka na dahil ikakasal na tayo." Gusto kong matawa sa isip ko noong marinig ang sinabi ng lalaking ito. Matapos niyang abusin ang pagiging babae ko ay inaakala niyang papayag ako na magpakasal sa kanya? Ha! Nakahithit ba siya?!Hindi ko siya sinagot at tinaponan man lang ng tingin. Nanatili akong nakaupo sa kama habang mahigpit ang hawak sa damit at short ko. "Babalik ako dito siguraduhin mong nakaayos ka na." Hinayaan ko siyang lumabas pero hindi ako kumilos. Bakit ako mag-aayos? Pumayag ba akong ikasal sa kanya? Sa tingin din ba niya makakapag-ayos ako sa kalagayan ko? Sinaktan ako ng mga tauhan niya, ginahasa niya ako sapat na iyon upang kamuhian ko silang lahat!Bumalik nga si Koen sa kwarto ko pero ganoon pa rin ang posisyon ko. Nagulat ako dahil sa galit na sigaw niya pero pinilit kong lakasan ang loob ko at hindi umiyak. Hindi ko nga lang napigilan ang mga luha ko noong umibabaw siya
Alora's POVKatulad noong pinag-usapan ay malayo sa akin ang mga bodyguard na kasama ko pati na rin si Calem kaya mag-isa lang akong nagtitingin ng mga paninda. Ngayon ay kailangan ko na lang isipin kung paano ko sila matatakasan. Sakto rin naman na may kapareho ako ng damit na pumasok sa cr kaya naman pumasok rin ako. Inantay kong lumabas ang babaeng may kapareho ng damit sa akin, inaasahan na sana akalain nila Calem na ako iyon. Nag-intay din muna ako ng sampung minuto bago lumabas doon. Inilibot ko ang tingin ko at tumakbo agad palabas noong mapansing wala na sa paligid ang mga tauhan ni Azrael. Isinuot ko rin ang cap ko at jacket na manipis na inilagay ko sa sling bag ko kanina para hindi nila ako makilala agad. Hawak sa kamay ang cash na ibinigay sa akin ni Calem kanina ay dumiretso ako sa sakayan. Sumakay ako papunta sa lugar na kinamulatan ko, ang lugar kung saan ako namamalimos dati bago pa man ako mapunta sa kamay ni Koen at Azrael. Alam kong delikado kung doon ako pupunt
Alora's POVIsang buwan na ang lumipas simula noong mapunta ako dito. Ngayon rin ang pang-lima kong buwan ng pagbubuntis at ngayon rin ang pagdalaw sa akin ni Manang Karla. Medyo natagalan bago kami nakapag-usap dahil na-busy siya sa mga bata, ang balita kase sa akin ni Mika ay mayroon na namang kinupkop si Manang Karla. Natagpuan lang daw sa daan pero kahit anong paghahanap sa mga magulang nito at wala silang natagpuan. "Sino ang ama niyan?" tanong niya agad sa akin habang nakatingin sa tiyan ko na ngayon ay halata na ang baby bump. "Hindi niyo po ba muna itatanong sa akin kung kumusta ako?" Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya. "Nawala po ako dahil dinukot ako at pinahirapan, binugbog..." Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng naranasan ko sa bahay ni Koen.Bigla na lang niya akong niyakap kaya tuloy hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Kahit basa na ang damit niya ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak at kahit pinapatigil na niya ako sa pagkwento ay pinagpatuloy ko pa rin."Hindi
Alora's POVHindi ko alam kung bakit kay bilis lumipas ng panahon, ngayon ay nasa panghuling buwan na ako ng aking pagbubuntis. Hindi na rin ako kinulit ni Manang Karla, nakita niya siguro na desidido na talaga ako. Sa halos limang buwan kong paninirahan dito ay ang pagtatanim rin ang ikinabuhay ko at nakapag-ipon rin ako para sa pang-araw-araw na pangangailangan ko sa oras na lumabas na ang anak ko. "Sasamahan ka lang muna dito ni Mika at Kalo para kapag manganganak ka na ay may magbalita sa akin." Tumango ako. Sobrang pasasalamat ko rin kay Manang na hindi talaga ako pinabayaan kahit nagtataray siya palagi. "Kalo, sa oras na sumakit na ang tiyan ng ate mo ay tumakbo ka agad papunta sa baba at pagsabihan mo ako para madala ko rito ang kumadrona." Marami pa ang bilin ni Manang sa akin at sa dalawa kong kasama na pinakinggan naman namin ng mabuti. Si Mika ay bumababa pa rin para magtinda sa palengke at para may kainin kami habang si Kalo naman ay tumutulong sa akin sa mga gawaing ba
Azrael's POV FLASHBACKMatapos ang nangyari at ang nasabi ko sa asawa ko ay ipinokus ko na talaga ang sarili sa pagsolba sa problema namin. Pinigilan kong pumunta ulit sa bahay ni Dad para guluhin at humingi sa kanya ng tawad, saka ko na gagawin iyon kapag may patunay na akong hindi ako ang ama ng dinadala ni Alora. Hinanap ko kung saan naroroon si Alora, I was desperate to end all of this kaya noong nahanap ko siya sa isang condo niya sa Manila ay pinuntahan ko na agad siya. "Listem Azrael, huwag mo siyang sasaktan kahit gaano ang galit mo dahil buntis pa rin siya." Kanina pa ako pinapaalalahanan ni Calem, sumama din siya sa akin para pigilan niyang mangyari iyon. Hindi ko na siya pinigilan kase kahit maski ako ay hindi ako sigurado kong mapipigilan ko bang hindi siya saktan. Mabilis pa sa mabilis ang ginawa kong mga hakbang para marating ang unit ni Alora at malakas na katok ang inabot ng pinto niya noong nasa harap na ako nito, kung may pakiramdam nga lang ang pinto niya ay baka
Azrael's POV FLASHBACKAng una kong hinanap ay kung sinong babae ang nagsabi na ako ang ama ng dinadala niya at nang malaman kong si Alora iyon— ang babaeng nangloko sa akin ay mas lalo lang akong nagalit. Sinugod ko ang bahay nila, masaya akong sinalubong ng Mom at Dad niya pero deri-deritso lang ako sa kwarto ng hinahanap ko. "Nasaan si Alora?" galit kong tanong. Nagtaka ang mga magulang niya pero wala akong oras para magpaliwanag gayong mukhang kasali rin naman ata sila sa plano ng anak nila. Inilabas ko ang baril ko nang walang sumagot sa kanila. Itinutok ko iyon sa mga magulang ni Alora. "Answer me kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo." Her Dad's face was still emotionless pero ang mukha ng ina niya ay takot na takot. "Nababaliw ka na ba? Alam mo kung anong mangyayari sa oras na kinalabit mo yan," sabi pa nito pero tinawanan ko lang siya."Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako dahil sa ka-potanginahan ng anak niyo!" Mas lalo ko pang inilapit ang baril sa noo ng ama ni Alor
Azrael's POV FLASHBACKDalawang taon. Dalawang taon ko ring hinanap ang asawa ko— hindi si Alora kundi ang nagpapanggap bilang Alora. Pagsisi lang ang naramadaman ko sa loob ng dalawang taon na iyon. Hindi ko man lang naitanong sa kanya kung ano ang pangalan niya. Hindi man lang ako nakabawi sa kanya pero ngayong nahanap ko na siya ay sisiguraduhin kong gagawin ko lahat ng pinagsisihan ko. Dumiretso kami sa Sta. Cruz. Doon siya na-trace ng mga tauhan ko at nakatira daw sa isang bundok kaya iyon ang tinungo namin. Mas mabilis pa ata sa cheetah ang naging takbo ko papunta sa sinasabi nilang lokasyon at napakaraming lalaki ang naabutan ko doon kaya dumaan bigla ang kaba sa dibdib ko. Hinayaan ko sila Calem na dumispatsa sa mga lalaking nasa labas at dali-dali akong pumasok sa loog ng bahay. My wife was there at may nakapaibabaw sa kanya na lalaki. Walang pag-aatubili kong sinugod ang lalaking iyon at sinuntok para matanggal siya sa ibabaw ng asawa kong nagmamakaawa na. Isang suntok ul
Azrael's POV FLASHBACKMabilis na natapos ang araw kaya andito na naman ako sa restaurant, nag-aantay sa babaeng nakausap ko noong isang araw. Hindi ko alam ang pangalan niya at kung sino siya basta ang alam ko lang ay baka tauhan siya ni Koen o baka isa siya sa mga minamaltrato ni Koen sa lagay pa lang ng katawan niya. Katulad nang dati ay inutusan ko ulit si Calem at ang mga tauhan ko na papikitin ang mga mata sa paligid pati na rin ang tatlong sniper na nasa kaharap na building. Nalaman siguro ni Keon na ako ang kinikita ng babae niya. Bumukas ang pinto at pumasok ulit ang isang babae. Nakasuot na naman siya ng dress ngayon at maikli ito. Maputi ang hita niya kaya hindi nakatakas sa akin ang pasang nagkakalat doon. Fuck, ginagawa pa ata ni Koen ang gawain nila. I guess their human trafficking business continued? Binantaan ko na sila pero mukhang gusto ata talaga nilang magkagulo ang lahat. They usually torture the girls first and then sold it to foreigners. Is this girl one of t
Azrael's POV FLASBACKAlora Hazel Valezka, she was my first love kaya naman sobrang saya ko noong sabihin sa akin na ipinagkasundo kaming ikasal. Kahit arrange marriage lang iyon ay sobrang saya ng puso ko ngunit ang sayang iyon ay panandalian lang pala. Matapos ang kasal namin ay tumira kami sa bahay ko. Masaya naman ang pagsasama namin dahil mabait siya sa akin at maalaga taliwas sa akala kong baka galit siya at hindi ako pansinin dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa at kinasal kami— hindi namin mahal ang isa't-isa pero sigurado akong mahal ko siya. Sa mga kinikilos niya at sa pag-aalaga sa akin ay hindi ko maiwasang isipin na baka mahal niya rin ako. Umasa akong mahal niya rin ako kahit hindi naman niya binibigkas ang tatlong salita na iyon ngunit sadya atang mapagbiro ang tadhana at kanyang itinalaga na ang tanging role ko sa buhay ni Alora ay taga-asa. I caught her having sex with a man in our own house. Sa sobrang sakit ay kinaladkad ko silang dalawa palabas ng bahay k
Alora's POVNakatanga lang akong nakatingin kay Azrael na ngayon ay nasa harap ko. Mas lalo pa akong hindi nakakilos nang tumakbo siya sa akin at yakapin ako. Ang sarap sana sa pakiramdam pero ayokong namnamin dahil kay Alora, ang totoong Alora. "I miss you and Rail." Tinulak ko siya mula sa pagkakayakap sa akin. Lalapit sana siya pero pinigilan ko siya. "Huwag kang lumapit Azrael." Iniwan ko siya sa kinatatayuan ko at bumalik sa alkansya. Kukunin ko na lang iyon at doon na bibilangin sa bahay ni Manang Karla at baka gising na rin si Rail. "Nanganak na si Alora." Napatigil ako sa pagpulot ng mga pera na nasa sahig. Pumunta lang ba siya dito para ibalita sa akin iyon? Sa tingin niya ba matutuwa ako? Potangina, sana talaga inisip ko muna ang lahat bago ako pumayag na maging stand-in wife niya eh, ngayon tuloy para akong pinupunit sa bawat nangyayari sa amin. "Nanganak na siya at may maipapakita na akong patunay sayo na hindi ako ang ama ng bata. Pina-DNA test ko ang anak niya at ang
Alora's POV Whole week kaming mananatili sa bahay ni Manang Karla at ngayon ay ang aming pang-limang araw. Sobrang saya ng mga nakaraang araw at wala ring panahon na nakita kong malungkot ang anak ko maliban na lang kapag pinagdedisketahan ng mga ate niya at sinasadyang paiyakin. "Ako na po ang mamamalengke," presenta ko kay Manang Karla. Namalimos naman sila kinabukasan nang pumunta kami dito pero simula noon ay hindi na ulit dahil maliit talaga ang nalilimos nila kaya nitong mga nakaraang araw ay ang perang binigay sa akin ni Dad ang ginagamit namin para sa pagkain. Masaya rin naman ako dahil masaya ang mga bata kapag nakakakita sila ng desenteng ulam sa lamesa. Bumili ako ng tatlong kilong isda at apat na kilo ng bigas. Sapat na iyon hanggang mamayang gabi namin. Pag-uwi ko ay ako na rin ang nagtrabaho, tumulong naman sa akin si Manang Karla at ang mga bata. Mayroon nang mga sinibak na kahoy para panggatong kaya hindi ako nahirapan. Ginawa kong paksiw ang isda, hindi pa nga luto
Alora's POV Kinabukasan ay bumalik ulit si Kalo matapos ng klase niya, hinatid siya ng mga magulang niya at pinayagan pang dito matulog ngayong gabi kaya plus one na naman ang mga sardinas sa bahay ni Manang Karla. "Ate pasyal tayo," pag-aaya ni Kalo. Pumayag ako kase matagal na rin akong hindi nakakapunta at nakakapaglibot dito sa Sta. Rosa, tumira nga ako dito noong buntis ako kay Rail pero hindi naman ako bumaba sa bundok na iyon. Kasama ko si Kalo, si Rail, si Mika at si Tali na bagong bata lang din sa puder ni Manang Karla. Kahit talaga ang taray ng mukha ni Manang ay kay buti naman ng puso. Kaedad lang siguro ni Rail si Tali kaya sinama na namin para malibang silang dalawa. Maraming nagbago sa St. Rosa pero marami ang nanatili pa rin tulad ng dati. Katulad na lang ng palengke na hanggang ngayon ay kay dumi pa rin dahil mga iresponsable pa rin ang mga taga-tinda, kung saan-saan lang tinatapon ang mga sira nang prutas at gulay. Sa simbahan naman ay kay dami ring dumagdag na mg
Alora's POV Kung pakulo lang ito ng mga Valezka ay makakahinga ako ng maluwag pero kase ang katotohanan na buntis talaga si Alora ay hindi pumayag na gawin ko iyon. Kung buntis talaga siya at hindi pa rin nawala ang posibilidad na ang ama ng dinadala niya ay si Azrael.Nagpatuloy ang araw at ngayon ay dalawang linggo na kaming nakatira dito sa bahay ni Dad. Masaya naman dito dahil hindi niya kami pinabayaan kahit hindi naman talaga ako ang tunay na asawa ng anak niya. Hindi niya rin ako kinakausap tungkol sa problema namin ni Azrael palagi at dinadamayan niya ako sa mga oras na ayaw kong lumabas sa dilim. Nahanap at nakita ko talaga sa kanya ang father figure na matagal kong hiniling sa panginoon.Ilang buwan nga rin kaming ganon, hindi nakita ni Rail ang Papa niya kaya sobrang miss na daw niya iyon. Wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya na busy pa rin ang ama niya sa trabaho. Wala rin akong balita tungkol sa kanya dahil mas pinili kong ganon dahil ayokong madagdagan pa lalo ang b