Alora's POV Kahit nanganak na ako ay hindi pa rin ako iniwan nila Mika at Kalo. Tinutulungan pa rin ako ni Mika sa pagtitinda ng mga naaani ko at si Kalo naman ay tumutulong pa rin sa akin sa pagtatanim kahit minsan ay siya na ang gumagawa ng lahat dahil nakapokus ang atensyon ko kay Rail. "Kalo ako na diyan. Ikaw na magduyan kay Rail doon," sabi ko noong makitang nagsasaing na siya kahit katatapos niya lang doon sa taniman. "Huwag ka nang umangal, magpahinga ka muna doon." Inunahan ko na siya agad noong maramdaman kong tatanggi siya sa sinabi ko.Nagsaing na ako at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ng anak ko at si Kalo rin ay nakatulog kaya naglinis muna ako ng bakuran. Sinulit ko na ang free time kong iyon sa pamamagitan ng paglilinis at pagpapahinga dahil sigurado mamaya kapag nagising si Rail ay mamamanhid na naman ang kamay ko sa pagkarga sa kanya. Umiiyak kase kapag hindi siya kinakarga.Mabuti na nga lang at hindi umiiyak kapag gabi si Rail. Hindi rin siya umiiyak kapa
Alora's POV"Happy birthday you. Happy birthday to you..." pagkanta namin kay Rail. Pumayag si Manang Karla na magluto ng pancit kaya naman andito kami ngayon nila Mika, Kalo at si Rail upang pagsaluhan ang luto ni Manang. Kami-kami lang dahil sinabi ko kay Manang na huwag isama dito ang ibang mga bata para na rin sa kaligtasan namin ng anak ko at pumayag naman siya. Nag-iwan na lang doon si Manang ng pancit para sa mga batang iniwan niya sa bahay niya. Kahit naman kami-kami lang ay ramdam kong masaya naman si Rail dahil hindi man lang nawala ang ngiti sa labi niya lalo na dahil magkalaro sila ni kuya Kalo at ate Mika niya. "Marami akong mga laruan doon sa bahay, ipasuyo mo na lang kay Kalo para kunin niya," sabi ni Manang, nakatingin lang kami ngayon sa tatlong bata na naglalaro. "Salamat Manang. Sobrang maraming salamat." Ngumiti lang siya sa akin bago ibalik ulit ang tingin sa anak ko at kay Mika at Kalo. Hindi lang kay Manang malaki ang pasasalamat ko kundi pati rin kay Mika
Alora's POVNoong makita ko kung sino ang taong kumakatok ay agad kong isinara ang pinto pero huli na. Sa sobrang lakas niya ay nabuksan niya pa rin ang pinto. Sobrang takot ang dumaloy sa pagkatao ko lalong-lalo na dahil si Koen ang nasa harap ko. Ang lakaking kinamumuhian ng kaluluwa ko. Wala sa saring hinawakan ko ang damit at shorts ko ng mahigpit. Ang memorya ng nakaraan ay bumubuhos sa buong isip ko. "Na-miss mo ba ako?" May galit at inis maraming emosyon sa mga mata niya pero isang emosyon ang nangingibabaw doon ay pagnanansa. Kada hakbang niya ay ang pag-atras ko at ang pagtulo ng luha ko. Kahit pa patuloy kong pinapatibay ang loob ko ay hindi ko magawa. Isang impit na sigaw ang lumabas sa bibig ko noong hilain niya ako gamit ang buhok ko papunta sa higaan namin. Pinilit kong hindi sumigaw ng malakas dahil baka magulat ang anak ko at lumabas siya pinagtataguan niya. Ayokong mangyari iyon, siya lang ang meron akon ngayon kaya kailangan ko siyang protektahan."I spend a lot
Alora's POV"Kumain na rin po ako. Sinubuan 'ko ni kuya!"Tumingin ako kay Azrael ganoon pa rin ang reaksyon niya, hindi mabasa pero alam kong maraming tanong ang nasasayawan sa utak niya. "Anak, may sasabihin si mama." Umupo ako sa kama at iknandong sa akin si Rail. "Hindi mo siya kuya," saglit akong tumingin kay Azrael. "Siya ang papa mo." Parehong gulat ang nakita ko sa mukha ng dalawang lalaki na importante sa buhay ko. Si Azrael ay bigla na lang napaupo sa kama habang si Rail ay pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Azrael."Papa ko po siya?" inosenteng tanong ni Rail na ikinatango ko. Alam niya ang salitang papa dahil itinuturo ko iyon sa kanya. "Siya po yung nasa story niyo?" Tumango ulit ako. Hindi ko lang itinuro kay Rail ang kahulugan ng salitang papa, ikinuwento ko rin sa kaniya ang masasayang alaala namin ni Azrael dahil akala ko dati hindi niya ako mahahanap at hindi niya ako hinahanap. "Can I hug you?" Naibaling naming dalawa ni Rail ang atensyon kay Azrael. Umiiya
Alora's POV "Mahal kita." Parang sirang plaka iyong paulit-ulit na tumutunog sa isip ko. Para ring napako ang paa ko sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Mahal niya ako? Ako na simpleng panakip butas lang sa pwesto ng totong asawa niya. Mahal niya kami ni Rail. "Ako naman ang sagutin mo. Iyon ba ang dahilan kung bakit umalis ka ng walang paalam? Kung bakit itinago mo sa akin ang anak natin?" Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanya at hindi umaalis sa kinatatayuan ko. "Noong marinig ko iyon sa usapan ng mga tauhan mo, natakot ako. Natakot ako na baka magalit ka kase buntis ako dahil hindi naman ako ang tunay mong asawa. Higit sa lahat natakot ako dahil baka gawin mo rin ang ginawa sa akin ni Koen at natakot rin ako dahil baka maranasan din iyon ni Rail." Patak ng luha ko sa sahig ang tangi kong naririnig sa ilang minuto na pagtahimik. "Ano bang ginawa sayo ng Koen na iyon?" Lumambot na ngayon ang boses niya. Nilapitan niya rin ako at pinaupo sa sofa. Ayokong magkwento sa
Alora's POV"Excited ka na ba sa bago mong kwarto?" tanong ni Azrael kay Rail na kanina pa hindi mapakali. Simula noong pag-uusap namin sa opisina niya ay hindi na ulit namin binuksana ng topic na iyon. Halos mabaliw na rin ako sa kakaisip matapos ang usapang iyon dahil sa pag-amin ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang bibig ko dahil sinabi niya rin naman na mahal niya ako."Ini-spoil mo naman masyado," sabi ko. Ginawan niya kase si Rail ng panibagong kwarto kung saan ilalagay ang mga laruan niya, pangalawang kwarto na iyan ng anak namin kasama na ang tinutulugan niya. "Hayaan mo na, para naman sa ganitong paraan ay makabawi ako sa anak natin." Alam ko namang seryoso siya sa pagbawi sa anak namin dahil sa effort niya pero baka masanay si Rail.Mas naging close pa nga sila masyado dahil palaging magkasama sa kwartong iyon eh. Buong araw ay hindi sila mapapakali kapag hindi naglalaro. Hindi ko na nga alam kung pumapasok pa sa trabaho itong si Azrael."Wala kang pasok ngayon?" tanong ko
Alora's POV"Azrael, Rail ready na raw ang pagkain!" tawag ko sa kanila noong sabihin sa akin ni Manang Fe na tapos na raw siyang maghanda. Siya ang taga-luto dito sa bahay at ngayon ko lang din nalaman ang pangalan niya dahil hindi naman kami nag-uusap dati. Lumabas pa ako at nagtungo sa harden kase mukhang hindi nila narinig ang pagtawag ko. "Ano ba naman yan Azrael! Bakit kayo naglalaro ng putik?!" sabi ko agad noong maabutan ang ginagawa nila. "Rail wants to build a sandcastle," sagot ni Azrael at patuloy pa rin sa paglalagay ng putik sa isang baso. Natampal ko na lang ang noo ko, hindi ko alam kung sino ba ang bata sa kanilang dalawa. "Kapag hindi talaga kayo tumigil diyan walang kakain sa inyong dalawa." Bigla namang tumayo si Rail noong marinig ang salitang kain.Naglakad din siya papunta sa loob ng bahay. "Saan ka naman pupunta Rail?" Huminto siya at humarap sa akin nagpapa-cute. "Ayy nakoo, huwag kang magpa-cute diyan hindi iyan gagana sa akin." Inilibot ko ang paningin
Alora's POV "Sigurado ka bang safe na lumabas? Kasama pa naman natin si Rail." Nag-aya kase si Azrael na mag-mall dahil para maibaw na man daw. Hindi ako pumayag noong una pero hindi ko naman pwedeng bawiin ang saya sa mukha ng anak ko at saka sinabi naman ni Azrael na safe naman daw. "Wife kalma. I have my hands on Koen so we are 100 percent safe." Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Hindi na lang kase ang buhay naming dalawa ang posibleng mailagay sa panganib pati na rin ang buhay ng anak namin. Tumuloy pa rin kami sa pagpunta sa mall at hinding-hindi maitago ng anak namin ang kasiyahan niya dahil sobrang daldal niya sa buong byahe. "Ano po ang mayroon doon? Mayroon po bang big toys?" inosente niyang tanong. First time niya kaseng makakapunta sa mall dahil noong hindi pa kami nahahanap ni Azrael ay palagi lang kaming nasa bundok."Mayroon, gusto mo bang bumili tayo ng marami?" Nagsaya naman agad si Rail dahil sa narinig mula sa ama pero tiningnan ko lang si Azrael. Ayan na nama
Azrael's POV FLASHBACKMatapos ang nangyari at ang nasabi ko sa asawa ko ay ipinokus ko na talaga ang sarili sa pagsolba sa problema namin. Pinigilan kong pumunta ulit sa bahay ni Dad para guluhin at humingi sa kanya ng tawad, saka ko na gagawin iyon kapag may patunay na akong hindi ako ang ama ng dinadala ni Alora. Hinanap ko kung saan naroroon si Alora, I was desperate to end all of this kaya noong nahanap ko siya sa isang condo niya sa Manila ay pinuntahan ko na agad siya. "Listem Azrael, huwag mo siyang sasaktan kahit gaano ang galit mo dahil buntis pa rin siya." Kanina pa ako pinapaalalahanan ni Calem, sumama din siya sa akin para pigilan niyang mangyari iyon. Hindi ko na siya pinigilan kase kahit maski ako ay hindi ako sigurado kong mapipigilan ko bang hindi siya saktan. Mabilis pa sa mabilis ang ginawa kong mga hakbang para marating ang unit ni Alora at malakas na katok ang inabot ng pinto niya noong nasa harap na ako nito, kung may pakiramdam nga lang ang pinto niya ay baka
Azrael's POV FLASHBACKAng una kong hinanap ay kung sinong babae ang nagsabi na ako ang ama ng dinadala niya at nang malaman kong si Alora iyon— ang babaeng nangloko sa akin ay mas lalo lang akong nagalit. Sinugod ko ang bahay nila, masaya akong sinalubong ng Mom at Dad niya pero deri-deritso lang ako sa kwarto ng hinahanap ko. "Nasaan si Alora?" galit kong tanong. Nagtaka ang mga magulang niya pero wala akong oras para magpaliwanag gayong mukhang kasali rin naman ata sila sa plano ng anak nila. Inilabas ko ang baril ko nang walang sumagot sa kanila. Itinutok ko iyon sa mga magulang ni Alora. "Answer me kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo." Her Dad's face was still emotionless pero ang mukha ng ina niya ay takot na takot. "Nababaliw ka na ba? Alam mo kung anong mangyayari sa oras na kinalabit mo yan," sabi pa nito pero tinawanan ko lang siya."Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako dahil sa ka-potanginahan ng anak niyo!" Mas lalo ko pang inilapit ang baril sa noo ng ama ni Alor
Azrael's POV FLASHBACKDalawang taon. Dalawang taon ko ring hinanap ang asawa ko— hindi si Alora kundi ang nagpapanggap bilang Alora. Pagsisi lang ang naramadaman ko sa loob ng dalawang taon na iyon. Hindi ko man lang naitanong sa kanya kung ano ang pangalan niya. Hindi man lang ako nakabawi sa kanya pero ngayong nahanap ko na siya ay sisiguraduhin kong gagawin ko lahat ng pinagsisihan ko. Dumiretso kami sa Sta. Cruz. Doon siya na-trace ng mga tauhan ko at nakatira daw sa isang bundok kaya iyon ang tinungo namin. Mas mabilis pa ata sa cheetah ang naging takbo ko papunta sa sinasabi nilang lokasyon at napakaraming lalaki ang naabutan ko doon kaya dumaan bigla ang kaba sa dibdib ko. Hinayaan ko sila Calem na dumispatsa sa mga lalaking nasa labas at dali-dali akong pumasok sa loog ng bahay. My wife was there at may nakapaibabaw sa kanya na lalaki. Walang pag-aatubili kong sinugod ang lalaking iyon at sinuntok para matanggal siya sa ibabaw ng asawa kong nagmamakaawa na. Isang suntok ul
Azrael's POV FLASHBACKMabilis na natapos ang araw kaya andito na naman ako sa restaurant, nag-aantay sa babaeng nakausap ko noong isang araw. Hindi ko alam ang pangalan niya at kung sino siya basta ang alam ko lang ay baka tauhan siya ni Koen o baka isa siya sa mga minamaltrato ni Koen sa lagay pa lang ng katawan niya. Katulad nang dati ay inutusan ko ulit si Calem at ang mga tauhan ko na papikitin ang mga mata sa paligid pati na rin ang tatlong sniper na nasa kaharap na building. Nalaman siguro ni Keon na ako ang kinikita ng babae niya. Bumukas ang pinto at pumasok ulit ang isang babae. Nakasuot na naman siya ng dress ngayon at maikli ito. Maputi ang hita niya kaya hindi nakatakas sa akin ang pasang nagkakalat doon. Fuck, ginagawa pa ata ni Koen ang gawain nila. I guess their human trafficking business continued? Binantaan ko na sila pero mukhang gusto ata talaga nilang magkagulo ang lahat. They usually torture the girls first and then sold it to foreigners. Is this girl one of t
Azrael's POV FLASBACKAlora Hazel Valezka, she was my first love kaya naman sobrang saya ko noong sabihin sa akin na ipinagkasundo kaming ikasal. Kahit arrange marriage lang iyon ay sobrang saya ng puso ko ngunit ang sayang iyon ay panandalian lang pala. Matapos ang kasal namin ay tumira kami sa bahay ko. Masaya naman ang pagsasama namin dahil mabait siya sa akin at maalaga taliwas sa akala kong baka galit siya at hindi ako pansinin dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa at kinasal kami— hindi namin mahal ang isa't-isa pero sigurado akong mahal ko siya. Sa mga kinikilos niya at sa pag-aalaga sa akin ay hindi ko maiwasang isipin na baka mahal niya rin ako. Umasa akong mahal niya rin ako kahit hindi naman niya binibigkas ang tatlong salita na iyon ngunit sadya atang mapagbiro ang tadhana at kanyang itinalaga na ang tanging role ko sa buhay ni Alora ay taga-asa. I caught her having sex with a man in our own house. Sa sobrang sakit ay kinaladkad ko silang dalawa palabas ng bahay k
Alora's POVNakatanga lang akong nakatingin kay Azrael na ngayon ay nasa harap ko. Mas lalo pa akong hindi nakakilos nang tumakbo siya sa akin at yakapin ako. Ang sarap sana sa pakiramdam pero ayokong namnamin dahil kay Alora, ang totoong Alora. "I miss you and Rail." Tinulak ko siya mula sa pagkakayakap sa akin. Lalapit sana siya pero pinigilan ko siya. "Huwag kang lumapit Azrael." Iniwan ko siya sa kinatatayuan ko at bumalik sa alkansya. Kukunin ko na lang iyon at doon na bibilangin sa bahay ni Manang Karla at baka gising na rin si Rail. "Nanganak na si Alora." Napatigil ako sa pagpulot ng mga pera na nasa sahig. Pumunta lang ba siya dito para ibalita sa akin iyon? Sa tingin niya ba matutuwa ako? Potangina, sana talaga inisip ko muna ang lahat bago ako pumayag na maging stand-in wife niya eh, ngayon tuloy para akong pinupunit sa bawat nangyayari sa amin. "Nanganak na siya at may maipapakita na akong patunay sayo na hindi ako ang ama ng bata. Pina-DNA test ko ang anak niya at ang
Alora's POV Whole week kaming mananatili sa bahay ni Manang Karla at ngayon ay ang aming pang-limang araw. Sobrang saya ng mga nakaraang araw at wala ring panahon na nakita kong malungkot ang anak ko maliban na lang kapag pinagdedisketahan ng mga ate niya at sinasadyang paiyakin. "Ako na po ang mamamalengke," presenta ko kay Manang Karla. Namalimos naman sila kinabukasan nang pumunta kami dito pero simula noon ay hindi na ulit dahil maliit talaga ang nalilimos nila kaya nitong mga nakaraang araw ay ang perang binigay sa akin ni Dad ang ginagamit namin para sa pagkain. Masaya rin naman ako dahil masaya ang mga bata kapag nakakakita sila ng desenteng ulam sa lamesa. Bumili ako ng tatlong kilong isda at apat na kilo ng bigas. Sapat na iyon hanggang mamayang gabi namin. Pag-uwi ko ay ako na rin ang nagtrabaho, tumulong naman sa akin si Manang Karla at ang mga bata. Mayroon nang mga sinibak na kahoy para panggatong kaya hindi ako nahirapan. Ginawa kong paksiw ang isda, hindi pa nga luto
Alora's POV Kinabukasan ay bumalik ulit si Kalo matapos ng klase niya, hinatid siya ng mga magulang niya at pinayagan pang dito matulog ngayong gabi kaya plus one na naman ang mga sardinas sa bahay ni Manang Karla. "Ate pasyal tayo," pag-aaya ni Kalo. Pumayag ako kase matagal na rin akong hindi nakakapunta at nakakapaglibot dito sa Sta. Rosa, tumira nga ako dito noong buntis ako kay Rail pero hindi naman ako bumaba sa bundok na iyon. Kasama ko si Kalo, si Rail, si Mika at si Tali na bagong bata lang din sa puder ni Manang Karla. Kahit talaga ang taray ng mukha ni Manang ay kay buti naman ng puso. Kaedad lang siguro ni Rail si Tali kaya sinama na namin para malibang silang dalawa. Maraming nagbago sa St. Rosa pero marami ang nanatili pa rin tulad ng dati. Katulad na lang ng palengke na hanggang ngayon ay kay dumi pa rin dahil mga iresponsable pa rin ang mga taga-tinda, kung saan-saan lang tinatapon ang mga sira nang prutas at gulay. Sa simbahan naman ay kay dami ring dumagdag na mg
Alora's POV Kung pakulo lang ito ng mga Valezka ay makakahinga ako ng maluwag pero kase ang katotohanan na buntis talaga si Alora ay hindi pumayag na gawin ko iyon. Kung buntis talaga siya at hindi pa rin nawala ang posibilidad na ang ama ng dinadala niya ay si Azrael.Nagpatuloy ang araw at ngayon ay dalawang linggo na kaming nakatira dito sa bahay ni Dad. Masaya naman dito dahil hindi niya kami pinabayaan kahit hindi naman talaga ako ang tunay na asawa ng anak niya. Hindi niya rin ako kinakausap tungkol sa problema namin ni Azrael palagi at dinadamayan niya ako sa mga oras na ayaw kong lumabas sa dilim. Nahanap at nakita ko talaga sa kanya ang father figure na matagal kong hiniling sa panginoon.Ilang buwan nga rin kaming ganon, hindi nakita ni Rail ang Papa niya kaya sobrang miss na daw niya iyon. Wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya na busy pa rin ang ama niya sa trabaho. Wala rin akong balita tungkol sa kanya dahil mas pinili kong ganon dahil ayokong madagdagan pa lalo ang b