CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

last updateLast Updated : 2025-03-17
By:  Anne LarsOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
8 ratings. 8 reviews
94Chapters
5.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain. Fourth Misuaris has everything—yaman, kagwapuhan, at kalayaang gawin ang kahit anong gusto niya. His life? Puro wild parties, gala with his gay squad, at pagtakas sa bawat bodyguard na hinahire ng dad niya. Women? Completely, he's not interested. But then, Caramel Morgan came to be his secretary and bodyguard which turned his world upside down. She’s not ordinary bodyguard. Dati siyang secret agent—matapang, astig, at walang inuurungan. Sa lahat ng nagtangkang kontrolin siya, only Caramel dared to stand up to him. Pero sa likod ng asaran at kulitan, she’s hiding something, isang sikretong hindi niya inaakala. What happens when their endless fights turn into something real? When a game they thought was just for fun becomes something serious? Isang kwentong puno ng kilig, kulitan, at pagmamahal na komplikado ngunit masarap.

View More

Chapter 1

PROLOGUE

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

WARNING: This story contains mature scenes and language that is not suitable for minors. Read at your own risk.

*****

PROLOGUE

Napangiwi sa sakit si Caramel nang matamaan siya ng isang malakas na suntok mula sa kalaban, direkta sa kanyang tagiliran. Paulit-ulit siyang umatras sa tuwing susugod ito sa kanya. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito. Ang itsura pa lang ay parang kahit papanain ay hindi tatamaan.

Maraming manonood ang sabik na naghihintay kung sino ang matitirang nakatayo sa loob ng ring ang siyang idedeklarang panalo. Nasa audience din ang kanyang kuya na si Brandon, tahimik na nanonood habang pinagmamasdan ang alanganing galaw niya. Mukhang dehado siya sa laban.

Malaki ang pustang inilagay ni Brandon sa kanya, at kung mananalo siya, triple ang balik ng pera nila. Napangisi ang amasonang kalaban ni Caramel at muling sumugod, handang itumba siya. Mabilis niyang naiwasan ang malakas na suntok na pinakawalan nito, ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong umatake. Patuloy ang agresibong pagsugod ng kalaban, kaya napaatras siya sa bawat bigwas na nakakalusot sa kanyang depensa.

Kailangan niya ng tamang tiyempo para maitumba ito. Mas malaki ang katawan ng kalaban kumpara sa kanya, kaya kailangan niyang makahugot ng sapat na puwersa upang direktang tumama sa panga nito.

"Come on, bitch! Huwag kang duwag!" mayabang na hamon ng kalaban, nakangisi habang pinalalapit siya.

Hindi niya ito pinansin. Konsentrasyon ang kailangan niya. Nang muling gumalaw ang kalaban, mabilis niya itong naiwasan. Kasabay ng suntok na paparating ay ang sarili niyang pag-atake, isang uppercut ang tumama, dahilan upang mapaatras ang kalaban.

Napabuntong-hininga si Brandon, halatang nanghihinayang. Mukhang hindi napuruhan ang kalaban sa halip na madala, natawa pa ito kay Caramel. Subalit, ang ginawa niya ay hindi lamang isang atake kundi isang pagsubok para masukat kung gaano kalakas ang puwersang kakailanganin niya upang pabagsakin ito.

Samantala, sa isang pribadong lugar sa itaas ng arena, seryosong nanonood si Primero, isang business tycoon, kasama ang kanyang mga alipores at ang may-ari ng arena. Habang humihithit ng sigarilyo, at bumaling siya sa kasama.

"Gusto ko ang galaw ng babaeng 'yan. Gusto ko siyang kunin," pabulong niyang sabi sa may-ari ng arena.

"Sino sa kanila? Yung malaki ang katawan?" tanong ng may-ari.

"Hindi. Hindi ako mahilig sa babaeng mala-Mister Muscle ang hubog ng katawan, Kael," sagot ni Primero, dahilan upang matawa ang kausap.

"Hindi ko siya pagmamay-ari, pero puwede mo siyang hiramin," sagot ni Kael, inilapit ang bibig kay Primero.

“Hiramin mo siya sa Supreme Intelligence Agency," bulong nito. Napangiti ang negosyante.

Sa ring, patuloy ang laban. Maliksing kumilos si Caramel, paulit-ulit na iniiwasan ang mga suntok ng kalaban. Isang mabilis na suntok ang ibinigay niya sa tiyan nito, dahilan upang mapaatras ito nang bahagya. Agad siyang sumugod upang sundan ito ng isa pang suntok sa mukha, ngunit mabilis itong naka-ilag. Hindi niya inaksaya ang pagkakataon ay isang flying kick ang pinakawalan niya, tumama sa panga ng kalaban.

Hindi nito inaasahan iyon, kaya hindi na nito napigilan ang sumunod-sunod na suntok na pinakawalan niya.

Nagawang itulak siya ng kalaban upang makalayo. Humawak ito sa lubid ng ring at napangisi.

“'Yun lang ba ang kaya mo?” pang-aasar nito sa kanya. Hindi siya sumagot, nanatili lamang sa depensa.

“Sugod!” sigaw ng kalaban, nakangisi habang muling umaatake.

Mabilis na nagpakawala si Caramel ng sipa, pero nasangga ito ng kalaban. Hinawakan nito ang kanyang hita at walang kahirap-hirap na binuhat siya, saka ibinalibag sa sahig.

Biglang napatayo si Brandon, dismayado, kasabay ng ibang pustero na mukhang natatalo na.

Napabuka ang bibig ni Caramel sa matinding sakit ng pagbagsak. Sumigaw ang kalaban, ipinagmamalaki ang nagawang pagpapatumba sa kanya. Naririnig niya ang sigaw ng kanyang kapatid mula sa audience. Pilit niyang iginagalaw ang katawan upang makaupo.

Nang makita ng kalaban na bumabangon siya, agad itong sumugod upang tapusin ang laban. Balak nitong daganan siya at bagsakan ng siko ang kanyang tiyan. Pero mabilis siyang gumulong upang makaiwas. Agad niyang hinawakan ang lubid at pilit na tumayo.

Nang makabangon siya, nagpagpag lamang ng kamay ang kanyang amasonang kalaban, tila hindi iniinda ang laban. Pero muling nabuhayan ang mga pustero ni Caramel, hindi pa siya tapos!

Hindi siya susuko. Hindi siya magpapatalo sa babaeng ito.

Muling sumugod ang kalaban, pero ginamit niya ang kanyang paa upang patamaan ng malakas na sipa ang panga nito. Napayuko ito, kaya agad niyang sinundan ng siko sa likuran at isang malakas na tuhod sa tagiliran.

Napaluhod ito sa sahig. Susundan pa sana niya ng isa pang suntok, ngunit pumagitna na ang referee at sumenyas sa mga hurado.

Panalo na siya.

Tuluyang bumagsak sa sahig ang kalaban.

Napasigaw si Brandon sa tuwa at agad na umakyat sa ring. Niyakap niya si Caramel at itinaas ang kanyang mga kamay. Hindi siya makapaniwala at nanalo siya!

Habang nakahiga siya kanina sa sahig, marami siyang naisip. Mabuti na lang at sumilay ang mukha ni Carmen sa isip niya, nagbigay ng panibagong lakas.

Agad niyang sinuot ang t-shirt na inabot sa kanya ni Bran. Boxer bra lang ang kanyang suot sa pang-itaas, at nakasuot siya ng maskara upang walang makakilala sa kanya kagaya ng iba pang kalahok sa laban.

Iniwan niya si Brandon sa arena upang kunin ang napanalunang pera at naunang nagpunta sa locker room. Hinubad niya ang t-shirt at hindi namalayang may taong pumasok at pinagmasdan ang kanyang magandang hubog.

Hinubad niya rin ang maskara at ipinasok sa bag. Pero napahinto siya sa paghahalungkat ng gamit nang maramdaman ang presensya ng iba.

Pagkaharap niya ay tama nga ang hinala niya.

Isang pamilyar na ngiti ang bumungad sa kanya. Ang business tycoon na si Primero Misuaris, kasama ang kanyang mga naka-armang alipores. Lumapit ito sa kanya.

"Congratulations! It's a tough fight, but you won with power and determination," puri ng matanda.

Kilala niya ito, ito ang ama nina Third at Fourth.

"May kailangan ka ba sa akin, Sir?" tanong niya.

Napangiti ito.

"I didn’t come here just to waste my precious time. Kilala mo naman siguro ako?"

Tumango siya.

"Sinabi sa akin ni Kael na nagtatrabaho ka sa Supreme Intelligence Agency."

"Matagal na akong nag-resign," sagot niya habang kinakalas ang bendahe sa kamay.

"Gusto ko na rin kasi ng panibagong trabaho. Nakakabagot na maging isang agent—monitoring agent," paglilinaw niya. Medyo natawa si Primero.

"Kung gano’n, puwede kang magtrabaho sa akin. Malaki ang sahod."

Mataman siyang tumitig sa matanda.

Seryoso ba ito? Kung pera lang ang usapan ay game siya.

"Anong klaseng trabaho?" tanong niya.

"Bodyguard. Bodyguard ng pasaway kong anak."

Medyo nag-alangan siya... ngunit ok na rin lalo na't mayaman naman ang magiging amo niya.

At ang dating secret agent ay mukhang magiging bodyguard na naman ng anak ng isang bilyonaryo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Anne Lars
Hi, everyone. This book is under editing but I want to say thank you for supporting this book
2025-04-09 23:20:44
1
user avatar
Anne Lars
Hi everyone, I started writing on the sequel of this book, especially Fourth's brother Sixto. I hope makapasa ako sa contract application para ma-publish ko kaagad dito ang libro. Share ko lang hehe
2025-03-01 13:52:17
1
user avatar
Minatokizaki
nice story. underrated story. underrated author. looking for ur nxt story keep writing po
2025-01-23 23:10:57
1
user avatar
Rona
Finally done reading. Good story I love it
2025-01-22 13:30:18
1
user avatar
joseph Larona
tbh this one is a fresh plot for me. I love badass fl character saka laughtrip na nkakakilig then nkakaiyak. good job author kudos to u po
2025-01-19 11:19:57
3
user avatar
La Memeng
I recommend this story...ang ganda kakaiba po talaga siya
2025-01-19 10:04:30
3
user avatar
GORGEOUSSTEEL
Love the story po Ms. A keep writing
2025-01-15 08:43:42
3
default avatar
michelbagares24
grabe pinagpuyatan ko talaga basahin to, ang ganda ng story kakaiba kaya nagustuhan ko. more pa po sana sa mga kapatid ni fourth naman. hehehe
2025-01-15 02:42:14
2
94 Chapters
PROLOGUE
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. WARNING: This story contains mature scenes and language that is not suitable for minors. Read at your own risk. ***** PROLOGUE Napangiwi sa sakit si Caramel nang matamaan siya ng isang malakas na suntok mula sa kalaban, direkta sa kanyang tagiliran. Paulit-ulit siyang umatras sa tuwing susugod ito sa kanya. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito. Ang itsura pa lang ay parang kahit papanain ay hindi tatamaan. Maraming manonood ang sabik na naghihintay kung sino ang matitirang nakatayo sa loob ng ring ang siyang idedeklarang panalo. Nasa audience din ang kanyang kuya na si Brandon, tahimik na nanonood habang pinagmamasdan ang alanganing galaw niya. Mukhang deh
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more
KABANATA 1
MAAGANG nagising si Caramel upang makapag-impake ng kanyang mga gamit. Binigyan lamang siya ng tatlong araw ni Don Primero upang makapagdesisyon sa trabahong inaalok nito. Kapag lumampas siya sa palugit, hahanap na ito ng iba. Sayang naman kung tatanggihan niya sobrang laki pa naman ng sahod, at libre pa ang lahat. Saan naman siya makakahanap ng ganoong klaseng trabaho? Malaki na ang sweldo, may kasama pang household, health and personal insurance, saan ka pa? Napalingon siya sa kanyang kapatid na si Brandon nang biglang pumasok ito sa condo unit. Magulo pa ang buhok ng kanyang kuya at mukhang may hangover na naman. May band-aid pa sa ilong at halatang may nadaanan na namang gulo sa labas. "Saan ka pupunta?" tanong nito nang mapansin ang dalawang maletang dala niya. Nag-inat muna siya ng katawan bago sumagot. "May bago akong trabaho," tugon niya, sabay tungo sa lalagyan ng sapatos upang kunin ang kanyang boots at iba pang mamahaling sapatos na ibinigay sa kanya ni Garnet. "Saan?"
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more
KABANATA 2
**MISUARIS MANSION** Pagkabukas ng pinto ng sasakyan, agad na bumaba si Caramel at napatitig sa napakalaking bahay sa harapan niya. Tila isa itong mala-palasyong estruktura sa isang high-end luxury magazine. Mataas ang gate, makinis ang driveway, at sa bawat gilid ay may mga tanim na mamahaling halaman. Halatang hindi ito basta-basta kundi bahay ito ng mga Misuaris, isang pamilyang kilalang-kilala hindi lang sa yaman kundi pati sa impluwensiya. Pagkapasok niya sa main gate, bumagal ang mga hakbang niya nang mapansin ang grupo ng mga lalaking nagkakasiyahan sa tabi ng pool. Ang ilan ay may hawak pang alak, ang iba’y abala sa tawanan, at lahat sila ay halatang sanay sa marangyang pamumuhay. Sa gitna ng tawanan at ingay, isa sa kanila ang biglang napatigil nang mapansin ang kanyang presensya. Sinundan iyon ng katahimikan, isa-isang napalingon ang mga lalaki sa direksyon niya, at sa isang iglap, tila siya na ang naging sentro ng mundo ng mga ito. Napalunok si Caramel. Ramdam niyang may
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more
KABANATA 3
Tahimik na nagpapahinga si Caramel sa maluwag at marangyang kwartong pansamantala niyang tutulugan. Kasama niya roon ang tatlong kasambahay, dalawa sa mga ito ay may edad na, halatang sanay na sa trabaho, habang ang isa nama’y mas bata sa kanya ng limang taon, medyo nahihiya pa at palaging nakayuko. Sa kwartong iyon muna siya magpapalipas ng gabi. Kinabukasan, inihanda na ang paglipat niya sa isa pang bahay na pagmamay-ari pa rin ng mga Misuaris, doon nakatira ang baklang si Fourth. Naalala na naman niya ang baklang iyon. Diyos ko talaga! Hindi man lang siya sinabihan na may mga gwapo pala itong mga kapatid. Kung tutuusin, halos limang taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita. Sa totoo lang, ayaw na sana niyang muling makita ang pagmumukha ni Fourth, pero kailangan niya ng malaking sahod, at para sa pamilya, tiis muna siya. Napatingin siya sa sulok ng kama kung saan nakapatong ang itim niyang bag, ang lalagyan ng pinakamamahal niyang mga armas. Matagal-tagal na rin sim
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more
KABANATA 4
Napahawak si Fourth sa sugat niyang nakabenda habang naglalakad palabas ng ospital. Mabagal ang bawat hakbang niya, hindi lang dahil sa kirot sa braso kundi dahil na rin sa bigat ng iniisip. Sa loob-loob niya, hindi pa rin niya matanggap kung bakit kailangan pa siyang pilitin ng kanyang ama na pasukin ang mundo ng negosyo, gayung may mga kapatid naman siyang mas bukas at mas interesado sa pagpapalago ng kanilang imperyo. Halos lahat sa kanila pati na rin ang mga pinsan niya ay abala na sa kani-kanilang papel sa kompanya. Mga kasangga sa pagpapatatag ng pangalan ng pamilya Misuaris. Siya lang ang tila laging lumilihis ng landas. Ayaw niyang makisawsaw sa usapang negosyo, ayaw niyang makigulo sa sistemang hindi naman niya pinangarap. Napabuntong-hininga siya sumakay sa puting van. Pilit mang pumasok sa isip niya ang responsibilidad na hinihingi ng pamilya, hindi pa rin iyon magawang pumasok sa puso niya. Wala talaga sa loob niya ang salitang "negosyo." Hindi iyon ang mundong gusto niy
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more
KABANATA 5
Limitado ang kilos ni Caramel habang naglalakad sa tabi ng dalawang bodyguard ni Fourth. Nakasunod sila kay Don Primero. Tahimik silang sumunod sa matanda papasok sa loob ng mansiyon, at hindi niya naiwasang mapahanga sa lawak at kagandahan ng paligid. Napapalibutan ang buong lugar ng mamahaling kasangkapan at antigong kagamitan, habang sa mga dingding ay nakadisplay ang mga obra ng ilang kilalang pintor. Sa pagkakaalam niya, dito rin umuuwi ang dalawa pang kapatid ni Fourth na sina Sixto at Fifth. Silang tatlo na lamang ang wala pang asawa. Madalas daw ginaganap sa mansiyong ito ang mga party ng pamilya, lalo na ng mga anak at pamangkin ni Don Primero. Bukod sa marangya, mas malapit ito sa siyudad kumpara sa unang mansiyon na malayo sa syudad. Pagkapasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng tatlong kasambahay na sabay-sabay na yumuko bilang pagbati sa kanilang amo. “Where’s Fourth?” tanong ni Don Primero sa isa sa mga kasambahay. Si Luna, isa sa mga recently hired na katulong
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more
KABANATA 6
Nakarating sila sa malawak na golf field na pagmamay-ari ng Xian Family. Kasama ni Caramel sina Fourth at Don Primero sa pagpunta sa kinaroroonan ni Ling Xian, na abala sa seryosong paglalaro ng golf. Kumalat naman sa paligid ang mga bodyguard bilang dagdag na seguridad sa lugar. “Ling, how are you?” bati ni Don Primero kay Ling Xian habang papalapit siya rito. “I’m feeling well, Primero,” tugon naman ni Ling Xian na agad ding yumakap sa kaibigan. Matapos iyon ay nakipagkamay rin si Fourth, na may paggalang, sa matalik na kaibigan ng kanyang ama. “Mabuti naman at pumayag si Fourth na pumunta rito. Excited na akong makita silang magkasama ni Feng,” natutuwang pahayag ni Ling Xian habang nakatingin sa kanyang kumpare. Pilit naman na ngumiti si Fourth, halatang may pag-aalinlangan na makita ang matanda. “Where’s Feng?” tanong ni Don Primero habang inililibot ang paningin sa paligid upang hanapin ang inaanak. “Ayon siya, nag-eensayo,” sagot ni Ling Xian sabay turo sa anak na kasalukuy
last updateLast Updated : 2024-12-26
Read more
KABANATA 7
Muling pinulot ni Caramel ang espada na nahulog sa damuhan. Bahagyang nag-atubili, ngunit agad siyang pumuwesto para sa pangalawang pagtatangkang talunin ang kanyang kalaban. Buo ang loob niyang sumugod, subalit gaya ng naunang pag-atake, sinalo lamang ito ni Feng nang walang kahirap-hirap. Naglalaban ang kanilang mga titig, parehong seryoso at puno ng tensyon. Humahalimuyak sa hangin ang banggaan ng matatalim na espada sa bawat kiskis ng bakal. Ngayon, si Feng naman ang umatake, kaya maingat siyang dumipensa. Ramdam niya ang bigat at lakas ng bawat hampas ng espada nito, dahilan upang mapaatras siya ng kusa. Hindi inakala ni Caramel na sanay pala si Satoh sa paggamit ng espada. Buong akala niya na sa pagtipa lamang ng keyboard magaling ito. Dahil sa pagkabigla, sandali siyang nawalan ng pokus kaya isang pagkakamaling nagdulot ng pagkatalsik muli ng kanyang espada. Habol-hininga siyang napatingin sa kalaban, na ngayo’y nakangisi lamang. “Mukhang kailangan ka nang palitan. Kung ga
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
KABANATA 8
“Miss, naihanda na po namin ang bathtub,” magalang na sabi ng isang katulong kay Caramel, na noo’y nakaupo sa sofa habang tahimik na nanonood ng palabas sa telebisyon. Narinig iyon ni Fourth habang pababa siya ng hagdan. Agad na umarko ang makapal niyang kilay, tanda ng pagkainis sa bago niyang bodyguard. “At sino’ng nagsabi sa inyo na pagsilbihan n’yo ang impaktang ’yan?” mataray niyang tanong sa dalawang katulong, ang tinig niya’y may halong panenermon. “Iyon po ang bilin sa amin ni Don Primero,” maingat na sagot ng isa, bahagyang yumuko sa paggalang. “Isa rin po siyang mahalagang tauhan ng bahay kaya kailangan din po naming siya’y pagsilbihan.” Muling tumingin si Fourth kay Caramel, na tila walang narinig at nanatiling kalmado sa pagkakaupo. “Hoy, babae! Bodyguard lang kita! Bakit kailangan mo pang magpasilbi sa mga katulong?!” sigaw niya, halatang naiinsulto. Isinandal ni Caramel ang likod sa malambot na sandalan ng sofa, saka marahang pinagkrus ang mga hita at nagsa
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
KABANATA 9
FIRST DAY OF OFFICE WORK Tulo-laway pa si Fourth habang nakadapang natutulog sa malambot at malapad na kama nang abutan siya ni Caramel sa kwarto. Dahan-dahang lumapit ang dalaga at sinulyapan muna ang orasan sa dingding. Sigurado kapag hindi niya ito magising ay ma-lalate sila sa trabaho. Unang araw pa naman ng pasok nila ngayon. Kaya naisipan niya gumawa ng paraan upang mabulabog ang tulog nito. Buong lakas niyang hinipan ang bitbit niyang tambuli. Naalipungatan si Fourth sa biglaang ingay at agad na tinakpan ang magkabilang tainga. Wala pa siya sa wisyo, inaantok pa, kaya kusa niyang inabot ang unan at mariing itinakip iyon sa tainga niya upang hindi marinig ang malakas na tunog ng tambuli. Pero tàngina! Ang lakas pa rin kasi ng tunog kaya no choice siya kundi ang tuluyang magising. “Tumigil ka na! Bruha ka!” sigaw niya habang nakatalukbong pa ang unan. Galit na galit ang tono niya. "Púta ka!" Mura niya. Ngunit lalo lang siyang naiinis nang hindi tumigil si Caramel sa pa
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status