Thank you for your support. Hope you enjoy reading the story of Caramel and Fourth. Don't be shy to drop comments and reviews, I will highly appreciate it. Once again, Thank You, everyone ❤
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. WARNING: This story contains mature scenes and language that is not suitable for minors. Read at your own risk. ***** PROLOGUE NAPANGIWI sa sakit si Caramel nang matamaan siya ng isang malakas na suntok galing sa kalaban, sa bandang tagiliran. Panay ang atras niya sa tuwing lalapit ito sa kanya. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito kasi ang itsura palang ay kung papanain hindi matatamaan. Maraming manonood ang nag-aabang sa laban kung sino ang matitirang nakatayo sa loob ng ring ay siyang panalo. Nanonood rin ang kanyang kuya na si Brandon na medyo natahimik dahil sa alanganing galaw niya at mukhang dehado siya sa laban. Ang laki kasi ng pinusta nito sa kany
MAAGANG nagising si Caramel para makapag-impake na siya ng kanyang mga gamit. Binigyan lamang siya ng tatlong araw ni Don Primero upang makapag-desisyon sa trabahong inaalok nito, kapag lumampas siya ay hahanap na ito ng iba. Sayang naman kung tatanggihan niya. Sobrang laki ng sahod at libre pa lahat. Saan naman siya hahanap ng ganoong klaseng trabaho. Malaki na ang sahod may kasama pang insurance kapag namatay siya. Napalingon siya sa kapatid n'yang si Brandon nang kapapasok pa lamang nito sa condo unit. Magulo pa ang buhok ng kan'yang kuya at mukhang may hang-over na naman. May band-aid pa sa ilong at halatang may nadaanan na naman itong bugbugan sa labas. " Saan punta mo? " tanong nito noong mapansin ang dalawang maletang dadalhin niya. Nag-inat muna siya ng katawan. " May bago akong trabaho, " tugon niya at nagtungo sa lalagyan ng mga sapatos para kunin ang boots at iba niya pang mamahaling sapatos na binigay sa kanya ni Garnet. " Saan? " interesadong tanong ng kapatid b
Napalingon si Caramel sa iba pang mga lalaki. Tumayo rin ang tatlong kasama nito na nakasuot lamang ng pang-ibaba katulad ng kaharap niya ngayon. Mas lalo siyang kinabahan sa uri ng titig ng mga ito. Napahinto ang tatlo at tinitigan rin siya mula ulo hanggang paa. Nagbulungan pa ang mga ito ngunit naririnig niya naman ang pinag-uusapan nito. " She's pretty and look young just like an 18 years old gal. Sabi ni Tita Dahlia nasa 30's na daw yun e, " bulong ng lalaking nagkulang sa height. Medyo natawa s'ya sa isip niya. Ganun ba siya kabatang tingnan at akala nito mukha siyang nag-18 years old kahapon? " Baka, nagpa-plastic surgery kaya ganyan kabata, " bulong naman ng isa. Nagulat siya ng biglang lumapit ang isa na may mahabang buhok. Marahan nitong hinawakan ang kanyang pisngi at sinuri ang kanyang mukha. Piningot rin nito ang matangos niyang ilong at ginalaw pa ang kanyang mapulang labi. Hindi naman siya makagalaw sa ginagawa nito. Natulala rin kasi siya sa napaka-kalmadong mu
TAHIMIK na nagpapahinga si Caramel sa malaking kwarto kung saan siya matutulog. Kasama niya sa loob ang tatlong kasambahay. Medyo may edad na ang dalawang kasambahay at isa naman ay mas bata sa kanya ng limang taon. Dito muna ang pansamantala niyang tutulugan ngayon gabi. Bukas, doon na siya sa isa pang bahay ng mga Misuaris kung saan naroroon ang baklang si Fourth. Yung baklang 'yon talaga, hindi manlang siya sinabihan na may mga gwapo pala itong mga kapatid. Maglilimang taon na ang nakalipas noong huli silang nagkita ni Fourth. Ayaw niya na sanang makita ang pagmumukha ni Fourth ngunit kailangan niya talaga ng malaking sahod para matustusan ang pangangailangan ng kan'yang pamilya. Napalingon siya sa dala niyang itim na bag na naglalaman ng mga armas. Ang pinakamamahal niyang mga armas. Matagal-tagal na ring natingga ang mga iyan dahil palagi siyang nasa monitoring team kaya hindi niya magamit-gamit ang mga dekalibreng armas. Noong pumalpak na naman kasi siya sa lakad nila kasa
NAPAHAWAK si Fourth sa sugat niyang nakabendahe. Palabas na s'ya ng hospital. Bakit kaya kinakailangan pa siyang pilitin ng kanyang ama na palaguin ang mga negosyo nito kung katulong naman nito ang kaniyang mga kapatid? Halos lahat silang magkakapatid na sa business ang ruta, siya lang ang ayaw makisawsaw at makigulo sa malaking business ng kanyang pamilya. Business rin ang inaatupag ng kanyang mga pinsan kaya bakit kailangan niya pang makisali sa mga 'yon? Napabuntong hininga na lamang siya. Wala talaga sa isipan niya ang salitang negosyo. ~~~ " Sorry po sir, naka-froze po ang card ninyo. Wala po ba kayong cash? " tanong ng kahera sa kanya. Napatingin siya sa mga pinamili niyang mamahaling damit sa isang mall. " Wala akong dalang cash. Puwede pakiulit nalang baka nagloko lang ang system ninyo, " pakisuyo niya sa kahera. Agad naman itong tumalima. " Hindi po talaga mabuksan, sir " paumanhing wika nito. Inis siyang lumabas ng mall at nagtungo sa parking lot kung saan naghi
LIMITADONG kilos ang ginawa ni Caramel kasama ang dalawang bodyguard ni Fourth. Sumunod siya sa mga ito papasok ng mansiyon. Mapapalula talaga s'ya sa lawak at ganda ng buong mansiyon. Maraming naka-display na mga antigong kagamitan at ang mga mamahaling painting na naka-display sa dingding. Sa pagkakaalam niya, dito rin umuuwi ang kapatid ni Fourth na sina Sixto at Fifth. Ang tatlo nalang kasi ang wala pang asawa. Madalas naman, ang mansiyon na ito ang pinipiling venue kung magpa-party ang mga anak at pamangkin ni Don Primero dahil sa lawak at ganda ng lugar. Mas malapit rin ito sa syudad kaysa sa unang mansiyon na napuntahan niya na medyo may kalayuan talaga sa syudad. Agad silang sinalubong ng tatlong katulong. Sabay-sabay pang gumalang sa amo nila. " Where's Fourth? " tanong ni Don Primero sa unang katulong. " Natutulog pa po, sir " magalang na tugon nito. " Sinabi ko na sa kanya na gumising siya ng maaga para masamahan niya ako sa meet up namin ng ama ni Feng Xian. " Naiinis
Nakarating sila sa malawak na golf field na pagmamay-are ng Xian Family. Siya, si Fourth at Don Primero lamang ang nagtungo sa kinaroroonan ni Ling Xian na seryosong naglalaro ng golf. Kumalat naman sa paligid ang mga bodyguard for more safety and security. " Ling, how are you? " " I'm feeling well, Primero " tugon naman nito at nagyakapan pa ang dalawa. Nakipag-shake hand rin si Fourth sa matalik na kaibigan ng ama. " Mabuti naman at pumayag si Fourth na pumunta rito. Excited na akong makita silang magkasama ni Feng. " Natutuwang wika ni Ling Xian sa kumpare. Pilit naman na ngumiti si Fourth. " Where's Feng? " hanap ni Primero sa inaanak. " Ayon siya, nag-eensayo, " turo nito sa anak na nag-eensayo gamit ang katana. Agad na naging interesado si Caramel sa laban ng dalawa. Masyadong malayo ang kinalalagyan ng naglalaban kaya hindi niya maaninag ang itsura ng anak ni Ling Xen. Nakatalikod kasi ito sa dako nila. " Tara, doon tayo, " aya ni Ling Xian at agad naman silang na
MULI niyang pinulot ang espada sa damuhan at pum'westo para sa pangalawang pagtatangkang talunin ito. Muli siyang sumugod ngunit katulad kanina, sinasalo lamang nito na walang kahirap-hirap ang kanyang mga pag-atake. Seryoso at nagkakagirian ang bawat titigan habang nagkiskisan ang matalas na bahagi ng hawak nilang espada. Ito naman ang umatake kaya maingat rin siyang dumipensa. Malakas ang bawat bigwas ng kamay ni Feng kaya kusa siyang napapaatras. Hindi niya akalain na magaling pala sa paggamit ng espada si Satoh. Akala niya kasi puro sa keyboard lang ang alam nito. Nawala siya sa pokus kaya tumalsik na naman ang hawak niyang espada. Habol hininga siyang napatitig sa kalaban. Napangisi lamang ito. " Mukhang kailangan ka nang palitan. Kung ganyan ka kahina, hindi mo mapo-protekhan si Fourth " may ngising ani nito. " Ang yabang mo. Hindi naman sa espada nakasalalay ang kaligtasan ng isang tao, " iritableng tugon niya at muling inabot ang espada. Tuwid siyang tumayo at itinutok an
May biglang tumalamsik na kung ano sa mukha ni Fourth. Kaya muli n'yang naimulat ang mga mata at nagulat siya nang bigla natumba sa sahig si Dos. Dumanak ang dugo nito sa sahig patungo sa kanyang paanan. He's dead! Dos was dead on the spot! Nagulat ang mga kalalakihan sa nangyare kaya kaagad na-alarma ang mga ito at humugot ng baril para sana lumaban ngunit inisa-isa na ang mga ito at tuluyang nagsibagsakan sa sahig. Sandaling natulala si Fourth sa kinauupuan n'ya. Bago s'ya napatingala sa pinakamataas na bahagi ng bodega. Maayos na nakapuwesto roon si Caramel hawak ang high caliber silencer gun. Tulala siyang nakatingala rito. Wala itong awa na inisa-isa ang mga kalaban sa mismong harapan n'ya. Ang suot n'yang white coat ay natalamsikan ng dugo. Napaupo sa sahig si Caramel nang maubos niya ang mga kalaban. Hindi napigilan ni Caramel ang ubusin ang mga ito at tadtarin ng bala si Dos. Kung nahuli siya ng ilang minuto baka napatay na nito si Fourth. Bumaba ng hagdan si Caramel a
ITINALI sa isang upuan si Fourth. Nakabusal ang bibig at nakatakip ang mga mata. Takot na takot sa p'wedeng mangyare sa kanya. Nasa lumang bodega sila kasama ang mga taong dumukot sa kan'ya. Dinig na dinig niya ang mga ito na parang nagbibilang ng pera. " O, bakit mas malaki yung sayo! Dapat pantay-pantay tayong lahat, pareho tayong naghirap sa pagkidnap sa kanya! " Inis na reklamo ng isa. Isang putok naman ang dumagundong sa tahimik na bodega. Binaril pala ng pinaka-leader ang nagreklamo. " Sino pang magre-reklamo? " tanong nito sa mga kasamahan. Nagulat ang iba sa ginawa nito kaya hindi na umimik bago pa sila ang isunod na itumba. " Iyan lang ibinigay sa atin ni Boss at matuto tayong makuntento! " Asik naman nito sa mga kasamahan. " Siya? Anong gagawin natin sa kanya? " Tanong ng isa noong mapansin siya sa may gilid. " Hintayin nalang natin ang utos ni Boss na patayin 'yan, " sagot nito. Napalunok naman ng laway si Fourth. ‘ Ayaw ko pang mamatay. Bagong kasal pa lan
Nagsimulang mangilid ang kanyang luha nang masilayan niya si Caramel na nakasuot ng puting wedding gown. Nasa likuran nito si Carmela na maid of honor nito. Sandali itong huminto sa may bukana ng pintuan. Humakbang siya para klarong matitigan ang kanyang magiging asawa. “ God, she's so beautiful ” tulalang bulong n'ya sa sarili. Hindi n'ya maiwasan na mapahanga sa ganda nito. Ito ang pinakamagandang babae sa mga mata niya kaya hindi n'ya maialis ang tingin rito. Kahit dati, noong hindi pa sila masyadong close, hindi n'ya pinapansin ang ganda nito. Hindi binibigyan ng kahulugan ang kuryente sa tuwing nagdadaiti ang kanilang mga balat. Hindi n'ya pinapansin ang sayang bumubukadkad sa kan'yang puso sa tuwing nakikita niya ito. Talagang pinairal n'ya ang inis upang hindi tuluyang ma-in love rito. Ngunit, wala eh... nahulog pa rin s'ya sa bitag ng pag-ibig. Bigla nitong tinuwid ang liko-liko n'yang daan. Ang baklang katulad niya na mataray, maarte, pasaway ay walang kahirap-hirap na t
Pagkatapos niyang maligo, magpapasuyo sana siya kay Fourth na i-blower ang kanyang buhok ngunit wala na ito sa loob ng kwarto. Hinanap niya ito sa loob ngunit ni anino nito wala talaga. Kumabog bigla ang kanyang dibdib dahil sa takot at pagkabahala. Baka may kumidnap kay Fourth. Hindi maaalis sa isip n'ya ang ganoong tagpo lalo na't may taong gusto ipatumba si Fourth. Hindi siya nagdawalang isip na abutin ang kanyang bag at kinuha ang dala niyang baril. Kinasa niya iyon. Mabilisan siyang nagpalit ng damit, pagkatapos ay isinuksok niya sa tagiliran ang baril bago lumabas ng kwarto. Nawala ang antok n'ya dahil sa negative instinct niya. Paglabas n'ya, ang tahimik ng hallway, wala man lang siyang nakakasalubong na ibang tao. Sumakay siya ng elevator pababa ng groundfloor, habang nasa loob siya ay paulit-ulit niyang tinawagan ang cellphone number ni Fourth ngunit hindi niya ito ma-kontak. Tinawagan n'ya rin si Burma at gan'on rin ito. Nagpanic siya bigla, paano kung may nangyareng masam
WARNING: R18+ Napakapit s'ya sa gilid ng mesa noong muli itong umintràda. Nanggigil itong kumilos sa likuran n'ya habang hawak nito ang kan'yang buhok. Tanging úngol ang kumawala mula sa kan'yang bibig sa sénsasyong hatid ng ginagawa ni Fourth. Hindi naman nito maiwasan na mapàmura noong maramdaman nito ang pàninikip n'ya. Mas lalo nitong binilisan ang pagbàyo hanggang sa malapit na itong labàsan. “ I'm c-cúmming...” “ Sabay na tayo, ” aniya. Mas lalo itong nanggigil kaya hindi n'ya maiwasan na mapahalinghing. Humigpit ang kapit n'ya sa mesa dahil malapit na s'ya sa clímàx. “ Fúck...” tanging ika nito noong tuluyang makamit ang rúrók ng ligaya. Nakahinga naman s'ya ng maluwag habang pinagpapawisan. “ Ahw! ” daing niya noong pinalo nito ang p'wet n'ya. “ That was awesome, babe ” masayang puri nito. Napatayo s'ya at hinarap ito. “ What's next? ” “ Clean up yourself. May pupuntahan tayo, ” seryosong saad nito. Napatango naman s'ya. Mabilisan siyang nag-ayos ng sarili. N
WARNING: R18+ " I miss you so much, " bulong na wika nito. Gusto niya nga sana itong sapakin baka kasi pinagtitripan na naman siya nito ngunit bigla siyang natigilan noong tumaas ang mga kamay nito mula sa kanyang baywang patungo sa kanyang dibdib. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi noong maramdaman niya ang mainit nitong labi na dumadampi sa kanyang leeg sabay galaw ng mga palad nito. " uhmm...F-Fourth, " namamalat na boses na sambit niya sa pangalan nito. " Yes? " sagot nito mismo sa tapat ng kanyang taenga. Tinanggal niya ang nakapulupot ng braso nito at hinarap ito. Hinaplos niya ang pisngi ni Fourth habang nakatitig sa mga mata nito at maya-maya ay sinuri niya kung may nakain ba itong kakaiba. " Ayos ka lang ba? May nakain ka bang kakaiba kanina? Bakit parang ang landi mo yata sakin? " sunod-sunod na katanungan niya rito. Masamang tingin lamang ang ipinukol nito sa kanya. " Wala ka bang sense of seriousness, Caramel? Talagang pinakanganak ka ba na mangbabasa
Natigilan si Fourth sa pagtawa nang maramdaman ang paa ni Caramel na humaplos sa kanyang binti, gumapang iyon paitaas. Seryoso itong nakatitig sa kanyang mga mata habang ginagawa ang bagay na iyon. Akmang huhuliin niya ang paa nito ngunit mabilis nitong nabawi. " Isa pa," utos niya kay Cara ngunit napailing naman ito. Napangisi naman si Fourth dahil siya ang magpapatuloy sa kapilyahan nito kanina. He did the same. Hinaplos n'ya ang hita ni Caramel gamit ang kan'yang paa. Seryoso itong napatitig sa kan'ya. Napangisi lamang s'ya at itinaas iyon. Walang alinlangang idiniretso sa loob ng palda kaya medyo napaatras si Caramel. " Masyado kang malayo, hindi ko maabot, " nakakalokong komento niya. Kaagad naman hinawakan ni Caramel ang paa niya at kusa iyong inalis. " Tama na nga 'tong kalokohan natin. Baka ma-late pa tayo sa trabaho at ako pa ang sisihin mo," saway nito sa kan'ya. " I just checking you out if you wear pànties," ika ni Fourth. " Huwag ka ngang eng-eng! Siyempre nagsu
“ Ok. Olivia let's get inside. Umaambon na, ” aya nito sa anak dahil sa pag-ambon kahit may araw naman.“ Daddy?! ”Agaran n'yang binuhat si Olivia at inaya si Cara na pumasok sa loob ng mansiyon. Lumalakas na kasi ang ambon.Pagkalapag n'ya kay Olivia, napahalukipkip ito. Bakas sa mukha nito ang inis sa kan'ya.“ Tell her now! ” utos nito.“ 'Yung alin? ” Hindi na napigilan ni Caramel na magtanong. Muling naibaling nito ang tuon sa kan'ya.“ I'm s-sorry, ” aniya.“ Finally, ” bulong ni Olivia.“ I'm s-sorry for hurting you. I'm sorry for the words I've said. Last week ko pang gustong sabihin sa'yo 'to, Cara... that I lied. The truth is... I still love you, ” puno ng senseridad na pag-amin niya.“ Did Olivia order you to say that? ”“ No! He promised me a week ago that he will going to say sorry to you. I get mad 'cause he's so cowardly saying those simple ‘ S-O-R-R-Y ’ words! ” sabad ng bata with maldita mood.“ Is that true? ” Napatango naman s'ya.“ Ok, ” tanging sagot ni Caramel n
Pagkabukas ni Fourth ng pinto, hindi n'ya inaasahan na madatnan si Olivia. Mukhang kanina pa ito naririto sa labas at hinihintay na matapos ang usapan nila ni Cara. Marahan n'yang isinara ang pinto. “ Is it true, daddy? ” Halata sa mga mata nito ang sakit. Hindi n'ya alam kung bakit nanghihina s'ya. Tila nawawalan ng lakas ang kan'yang mga tuhod na makita itong nasasaktan. “ Is it true that you don't love mom? ” tanong nito habang namumula ang mga mata. She's going to cry any moment. Napaluhod naman s'ya at tinitigan ito sa mga mata. “ What if... I said yes? ” Napalitan ng galit ang lungkot sa mga mata nito. “ If you don't love her anymore, I hate you! ” Walang alinlangang saad ng bata. “ I hate you for hurting her! For making her cry every night! I hate you so much! ” inis na saad nito at pinagpapalo s'ya habang umiiyak ito. Naisipan n'yang yakapin ang bata. Umiiyak na niyakap niya ito habang nagpupumiglas ito at gusto s'yang itulak palayo. Hindi n'ya kayang makita itong