Tahimik na nagpapahinga si Caramel sa maluwag at marangyang kwartong pansamantala niyang tutulugan. Kasama niya roon ang tatlong kasambahay, dalawa sa mga ito ay may edad na, halatang sanay na sa trabaho, habang ang isa nama’y mas bata sa kanya ng limang taon, medyo nahihiya pa at palaging nakayuko.
Sa kwartong iyon muna siya magpapalipas ng gabi. Kinabukasan, inihanda na ang paglipat niya sa isa pang bahay na pagmamay-ari pa rin ng mga Misuaris, doon nakatira ang baklang si Fourth. Naalala na naman niya ang baklang iyon. Diyos ko talaga! Hindi man lang siya sinabihan na may mga gwapo pala itong mga kapatid. Kung tutuusin, halos limang taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita. Sa totoo lang, ayaw na sana niyang muling makita ang pagmumukha ni Fourth, pero kailangan niya ng malaking sahod, at para sa pamilya, tiis muna siya. Napatingin siya sa sulok ng kama kung saan nakapatong ang itim niyang bag, ang lalagyan ng pinakamamahal niyang mga armas. Matagal-tagal na rin simula nang huli niya iyong gamitin, lalo pa't matagal na siyang naka-assign sa monitoring team. Noong huli siyang sumama sa isang misyon kasama ang ibang unit ng SIA, muntik na siyang bawian ng buhay. Dahil doon, agad siyang pinarusahan ng Superior at pinababa sa mababang posisyon. Ilang beses na rin siyang nagbitiw sa trabaho, pero palagi siyang kinukulit ng ahensya na bumalik. Sa huli, wala rin siyang ibang mapagpipilian, lalo't kailangan niya ng trabaho. Kaya nagtagal siya roon at tinitiis na lang ang pagmumukha ni Satoh sa loob ng monitoring room. Nagbukas ng pinto ang dalagang kasambahay, isang 27-anyos, at tahimik na pumasok sa loob ng kwarto. “Miss, kain na raw po kayo, sabi ni Don Primero,” magalang nitong wika. Nag-inat muna si Caramel bago dahan-dahang bumangon sa kama. “Yung apat, andiyan pa ba?” tanong niya, tinutukoy ang anak at mga pamangkin ni Don Primero. “Umalis na po sila, Miss. Abala po kasi ang mga 'yon sa kani-kanilang buhay,” nakangiting tugon ng dalaga. Sumunod siya palabas ng kwarto. Paglabas, natanong niya ang kasambahay habang naglalakad sila sa hallway. “Sa kanilang apat, sino ang pinaka-guwapo?” Kaagad namula ang pisngi ng dalaga, halatang nagulat sa tanong. “S-Siyempre… si Sir V-Van,” nahihiyang sagot nito habang bahagyang nakangiti. Napatango si Caramel. “Ah, crush mo si Van?” tanong niya na may halong panunukso. “H-Hindi po!” mabilis na tanggi nito habang namumula ang mukha. Napahawak pa ito sa sariling pisngi na tila gustong itago ang pamumula. “Asus! Tanggi ka pa. Kitang-kita sa pisngi mo, namumula ka, eh,” natatawang komento ni Caramel. Natahimik ang dalaga pero hindi maikakailang natamaan siya sa sinabi. “Matagal mo na siyang crush, no?” dagdag pa ni Caramel, lalo pang inusisa. Hindi na sumagot ang kasambahay. Halatang ayaw pang umamin. Maya-maya, bumalik sa kanya ang tanong ng dalaga. “Eh ikaw, sino ang pinaka-gwapo para sa’yo?” Bigla siyang napaisip. Totoo namang lahat sila guwapo. Ang hirap mamili. “Ang hirap makapili lalo na't beautiful face is subjective,” tanging tugon na lamang ni Caramel. “Pero para sayo? Sino sa Misuaris boys ang mas lamang ang looks paningin mo, maliban kay Van," dagdag pa niya. Sandali namang napaisip si Kyline. "Yung magkambal siguro. Sa dinami-dami ng anak ni Don Primero sa iba't ibang nanay ay sina sir Fourth at sir Third na siguro ang mas lamang," ani nito. Napakunot naman ang noo ni Caramel. “Ang ibig mong sabihin... maraming naanakan si Don Primero?” Mabilis na tumango ang dalaga. “May dalawa siyang babaeng pinakasalan," tugon nito. Napa-“ah” na lang si Caramel habang inalala ang paraan ng pagtitig sa kanya ni Sixto kanina. Kaya naman pala ganun kung makatingin, para siyang ina-assess kung potensyal ba siyang maging ‘kerida’ ni Don Primero. Hindi inaasahan, biglang tanong ng dalaga. “S-Sigurado ka bang hindi ka... kabit ni Don Primero?” Bahagyang nasamid si Caramel, at napatitig sa kausap. Sa dami-dami ng puwedeng isiping pagkakakilanlan niya, kabit pa talaga? “Siyempre hindi! Bakit mo naman natanong?” balik-tanong niya. Nagkibit-balikat lamang dalaga bago muling nagsalita. “Mahilig kasi siya sa mga babaeng kasing-edad mo. Sexy, batang tingnan, maganda, at makinis ang kutis ng mga natitipuhan niya.” Napataas ang kilay ni Caramel at napatango-tango. Ah, so ganun pala. Kung iyon ang ‘type’ ni Don Primero, naiintindihan na niya kung bakit nagkaroon ng pagduda si Sixto at ang ibang tao sa mansiyon. Pero kahit ano pa ang itsura niya, hindi niya kailanman maiisipang pumatol sa isang matandang parang tatay niya na lamang. Marami na siyang naging manliligaw, karamihan may edad na, may pera, may kapangyarihan pero wala siyang pinatulan sa mga ito. “Kahit pa maging interesado siya sa akin, hindi naman ako interesado sa kanya,” diretsong pahayag ni Caramel. “At sa palagay ko, mahilig siya sa mga babaeng mapusok at materialist girl. Sa panahon ngayon, kusa na talagang lumalapit ang bulaklak sa paru-paro, lalo na kung makulay at maharlikang paru-paro,” dugtong pa niya habang may bahagyang ngisi sa labi. Lumapit siya sa dalaga at mahinahong tinapik ito sa balikat, sabay banggit ng babala, “Pero ito ang sasabihin ko sa’yo, Kyline... huwag na huwag kang padadala sa mga maharlikang paru-paro na ‘yan. Dahil ang mga ‘yan, hanggang dapò lang ang alam. At pagkatapos, lilipat na naman sa ibang bulaklak,” payo niya rito. Tahimik lang si Kyline habang pinagmamasdan si Caramel na naglakad palayo. Naiwan siyang tila nag-iisip. “She's right,” pagsang-ayon niya bago sumunod kay Caramel. ---- **HOSPITAL** “Aw! Dahan-dahan naman!” inis na daing ni Fourth habang nililinis ng nurse ang sugat sa kanyang braso. Nadaplisan siya ng bala noong gabing tinakasan niya ang apat na bodyguard na in-hire ng kanyang ama upang bantayan siya. Sa isip niya, sobra naman ‘yon kasi parang ginawa siyang priso sa higpit ng ama sa kanya. Kaya’t noong nakahanap siya ng pagkakataon, nakalusot siya sa bantay at nagtungo sa isang gay bar para makipag-party at mag-unwind. Naka-disguise naman siya, pero sadyang matalas ang mga mata ng mga kalaban ng mga Misuaris. Hindi niya inakala na may balak pala talagang ipatumba siya. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakaamoy ng panganib at nakatakas bago pa siya tuluyang mapuruhan. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. “Huwag ka nang magreklamo, Fourth, dahil ginusto mo ‘yan!” sabat ni Third pagkapasok, agad na sumalubong ang boses nitong may bahid ng inis. Tinapunan siya ni Fourth ng masamang tingin, pero deadma lang ito. “Kung nakinig ka lang sana kay Dad, edi sana hindi ka umabot sa ganyan,” dugtong pa ni Third habang nakatayo sa paanan ng kama. “E ‘di ayaw ko nga siyang sundin!” mariing tugon ni Fourth, halos pabulyaw. “Gusto niyang mag-quit ako sa pagiging artista. Tapos ano? Gagawin niya akong alalay sa negosyo niya? Ayoko nga!” Tumaas ang kilay ni Third. “Hindi naman ‘alalay’ ang tawag doon, Fourth. Isa ka rin sa magmamana ng mga ari-arian ni Dad, katulad ko. Ang gusto lang naman niya ay tumulong ka sa business. Hindi ‘yung puro pasikat at pa-party ang inaatupag mo!” “A.Y.O.KO. As in, no way! Gagawin ko ang lahat ng gusto ko. At wala siyang magagawa tungkol doon!” madiing giit niya. Napabuntong-hininga si Third, halatang inis na inis na ngunit hindi na rin nagulat sa katigasan ng ulo ng kakambal. “May magagawa si Dad,” mariin na sagot ni Third, “at sigurado akong hindi mo ‘yun magugustuhan.” Napalingon si Fourth, napatingin kay Third na tila may gustong ipahiwatig. Ano na naman kaya ang iniisip ng kanyang ama? Muli siyang nagduda, alam niyang hindi biro ang mga hakbang ng kanilang ama kapag may gusto itong ipatupad. “Be prepared, and good luck,” panghuling sabi ni Third bago lumakad palabas ng silid, iniwan siyang nakatunganga. “Edi good luck! Like, duh!” asar na saad ni Fourth sa hangin, sabay hair flip ng kanyang imaginary hair, parang walang pakialam pero sa loob-loob niya, may kaba na unti-unting pumipiglas sa kanya.Napahawak si Fourth sa sugat niyang nakabenda habang naglalakad palabas ng ospital. Mabagal ang bawat hakbang niya, hindi lang dahil sa kirot sa braso kundi dahil na rin sa bigat ng iniisip. Sa loob-loob niya, hindi pa rin niya matanggap kung bakit kailangan pa siyang pilitin ng kanyang ama na pasukin ang mundo ng negosyo, gayung may mga kapatid naman siyang mas bukas at mas interesado sa pagpapalago ng kanilang imperyo. Halos lahat sa kanila pati na rin ang mga pinsan niya ay abala na sa kani-kanilang papel sa kompanya. Mga kasangga sa pagpapatatag ng pangalan ng pamilya Misuaris. Siya lang ang tila laging lumilihis ng landas. Ayaw niyang makisawsaw sa usapang negosyo, ayaw niyang makigulo sa sistemang hindi naman niya pinangarap. Napabuntong-hininga siya sumakay sa puting van. Pilit mang pumasok sa isip niya ang responsibilidad na hinihingi ng pamilya, hindi pa rin iyon magawang pumasok sa puso niya. Wala talaga sa loob niya ang salitang "negosyo." Hindi iyon ang mundong gusto niy
Limitado ang kilos ni Caramel habang naglalakad sa tabi ng dalawang bodyguard ni Fourth. Nakasunod sila kay Don Primero. Tahimik silang sumunod sa matanda papasok sa loob ng mansiyon, at hindi niya naiwasang mapahanga sa lawak at kagandahan ng paligid. Napapalibutan ang buong lugar ng mamahaling kasangkapan at antigong kagamitan, habang sa mga dingding ay nakadisplay ang mga obra ng ilang kilalang pintor. Sa pagkakaalam niya, dito rin umuuwi ang dalawa pang kapatid ni Fourth na sina Sixto at Fifth. Silang tatlo na lamang ang wala pang asawa. Madalas daw ginaganap sa mansiyong ito ang mga party ng pamilya, lalo na ng mga anak at pamangkin ni Don Primero. Bukod sa marangya, mas malapit ito sa siyudad kumpara sa unang mansiyon na malayo sa syudad. Pagkapasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng tatlong kasambahay na sabay-sabay na yumuko bilang pagbati sa kanilang amo. “Where’s Fourth?” tanong ni Don Primero sa isa sa mga kasambahay. Si Luna, isa sa mga recently hired na katulong
Nakarating sila sa malawak na golf field na pagmamay-ari ng Xian Family. Kasama ni Caramel sina Fourth at Don Primero sa pagpunta sa kinaroroonan ni Ling Xian, na abala sa seryosong paglalaro ng golf. Kumalat naman sa paligid ang mga bodyguard bilang dagdag na seguridad sa lugar. “Ling, how are you?” bati ni Don Primero kay Ling Xian habang papalapit siya rito. “I’m feeling well, Primero,” tugon naman ni Ling Xian na agad ding yumakap sa kaibigan. Matapos iyon ay nakipagkamay rin si Fourth, na may paggalang, sa matalik na kaibigan ng kanyang ama. “Mabuti naman at pumayag si Fourth na pumunta rito. Excited na akong makita silang magkasama ni Feng,” natutuwang pahayag ni Ling Xian habang nakatingin sa kanyang kumpare. Pilit naman na ngumiti si Fourth, halatang may pag-aalinlangan na makita ang matanda. “Where’s Feng?” tanong ni Don Primero habang inililibot ang paningin sa paligid upang hanapin ang inaanak. “Ayon siya, nag-eensayo,” sagot ni Ling Xian sabay turo sa anak na kasalukuy
Muling pinulot ni Caramel ang espada na nahulog sa damuhan. Bahagyang nag-atubili, ngunit agad siyang pumuwesto para sa pangalawang pagtatangkang talunin ang kanyang kalaban. Buo ang loob niyang sumugod, subalit gaya ng naunang pag-atake, sinalo lamang ito ni Feng nang walang kahirap-hirap. Naglalaban ang kanilang mga titig, parehong seryoso at puno ng tensyon. Humahalimuyak sa hangin ang banggaan ng matatalim na espada sa bawat kiskis ng bakal. Ngayon, si Feng naman ang umatake, kaya maingat siyang dumipensa. Ramdam niya ang bigat at lakas ng bawat hampas ng espada nito, dahilan upang mapaatras siya ng kusa. Hindi inakala ni Caramel na sanay pala si Satoh sa paggamit ng espada. Buong akala niya na sa pagtipa lamang ng keyboard magaling ito. Dahil sa pagkabigla, sandali siyang nawalan ng pokus kaya isang pagkakamaling nagdulot ng pagkatalsik muli ng kanyang espada. Habol-hininga siyang napatingin sa kalaban, na ngayo’y nakangisi lamang. “Mukhang kailangan ka nang palitan. Kung ga
“Miss, naihanda na po namin ang bathtub,” magalang na sabi ng isang katulong kay Caramel, na noo’y nakaupo sa sofa habang tahimik na nanonood ng palabas sa telebisyon. Narinig iyon ni Fourth habang pababa siya ng hagdan. Agad na umarko ang makapal niyang kilay, tanda ng pagkainis sa bago niyang bodyguard. “At sino’ng nagsabi sa inyo na pagsilbihan n’yo ang impaktang ’yan?” mataray niyang tanong sa dalawang katulong, ang tinig niya’y may halong panenermon. “Iyon po ang bilin sa amin ni Don Primero,” maingat na sagot ng isa, bahagyang yumuko sa paggalang. “Isa rin po siyang mahalagang tauhan ng bahay kaya kailangan din po naming siya’y pagsilbihan.” Muling tumingin si Fourth kay Caramel, na tila walang narinig at nanatiling kalmado sa pagkakaupo. “Hoy, babae! Bodyguard lang kita! Bakit kailangan mo pang magpasilbi sa mga katulong?!” sigaw niya, halatang naiinsulto. Isinandal ni Caramel ang likod sa malambot na sandalan ng sofa, saka marahang pinagkrus ang mga hita at nagsa
FIRST DAY OF OFFICE WORK Tulo-laway pa si Fourth habang nakadapang natutulog sa malambot at malapad na kama nang abutan siya ni Caramel sa kwarto. Dahan-dahang lumapit ang dalaga at sinulyapan muna ang orasan sa dingding. Sigurado kapag hindi niya ito magising ay ma-lalate sila sa trabaho. Unang araw pa naman ng pasok nila ngayon. Kaya naisipan niya gumawa ng paraan upang mabulabog ang tulog nito. Buong lakas niyang hinipan ang bitbit niyang tambuli. Naalipungatan si Fourth sa biglaang ingay at agad na tinakpan ang magkabilang tainga. Wala pa siya sa wisyo, inaantok pa, kaya kusa niyang inabot ang unan at mariing itinakip iyon sa tainga niya upang hindi marinig ang malakas na tunog ng tambuli. Pero tàngina! Ang lakas pa rin kasi ng tunog kaya no choice siya kundi ang tuluyang magising. “Tumigil ka na! Bruha ka!” sigaw niya habang nakatalukbong pa ang unan. Galit na galit ang tono niya. "Púta ka!" Mura niya. Ngunit lalo lang siyang naiinis nang hindi tumigil si Caramel sa pa
Tahimik silang bumiyahe pabalik ng mansiyon habang katabi si Caramel. Palihim na napatingin si Fourth kay Cara na seryosong nakatitig sa cellphone nito habang nagt-type. Medyo na-kuryos siya kung sino ang ka-chat nito ngunit kaagad rin siyang napaatras nang napatingin ito sa kanya. "Wala kang ka-chat? Gusto mong bigyan kita?" malamig na sabi ni Caramel. Nakakatakot talaga ang babaeng ito kapag nagseryoso. "No thanks. Alam ko naman na pangit ang ibibigay mo sakin," aniya ni Fourth sabay halukipkip. Iniharap ni Caramel ang cellphone sa kanya kaya nanlaki ang mga mata ni Fourth nang makita ang picture. Tumulo yata ang laway niya sa matipuno at nag-uumigting na muscle ng isang lalaki. "Ito ang ka-chat mo gurl?" Talagang kinuha pa niya ang cellphone ni Caramel at sabay zoom out ng picture. Talagang naglalaway siya sa ganitong klaseng lalaki. "Ibibigay ko sana sayo pero mukhang ayaw mo naman," sabay agaw ni Caramel ng cellphone. Gusto sana ni Fourth pero bigla niyang naisip si Finn. A
"MAY bago tayong gagawin ngayong araw," nakangising wika ni Sixto habang hawak-hawak ang sabon na binili niya para kay Caramel. Umupo siya at inilapag sa mesa ang sabon para ipakita sa kanyang mga pinsan. Kumunot ang noo ni Van at nagkatinginan naman sina Valentino at Sebastian. "Anong gagawin natin diyan? Maliligo tayo tapos 'yan ang gagamitin nating sabon?" walang malay na tanong ni Sebastian. "Gago! Syempre hindi! Allergic ang Caramel na 'yon sa sabon na 'to kaya ito ang gagamitin natin para i-bully siya. Exciting, 'di ba?" excited na wika ni Sixto. "Does not a good idea, Sixto. May iba't ibang klase ang allergic, paano kung mas malalang allergic reaction ang makuha ni Cara sa sabon na 'yan?" kontra ni Van. Cool ito kung magsalita at siya rin ang palaging kumokontra sa tuwing nakakaisip ng masamang ideya ang magpipinsan. "Van, don't be overreacting. Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan si Mommy. Kahit hindi pa niya aminin na may relasyon sila ni Dad, alam na alam niyang kabi
Hi readers, my new book has been released on GN! Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong It is the love story of Olivia Carmen, the daughter of Caramel and Fourth. Si Olivia muna ang inuna ko dahil isinali ko siya sa contest; sunod na lang ang mga kapatid ni Fourth. I hope magustuhan niyo po at suportahan ako sa panibago kong libro. Sana maglagay kayo ng rating para matulungan akong maka-attract ng ibang readers, lalo na dahil kasali po ito sa contest. Medyo slow update po ako kasi marami po akong ina-update-an sa ibang platform, hindi lang po sa platform na ito. Salamat po sa pag-intindi. —Anne
Sa aking minamahal na mga mambabasa, Sorry, kung late na akong nag-author's note. Salamat nga pala sa pagsubaybay ng istoryang ito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo, sa mga nagbasa, naghintay, nagbigay ng komento, at nagpakita ng pagmamahal sa kwentong ito. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng buhay. Sa bawat emosyon na ating pinagsaluhan, sa saya, sakit, galit, at pagmamahal... sana ay may iniwan akong bakas sa inyong mga puso, gaya ng iniwan ninyo sa akin. Hindi ito paalam, kundi isang bagong simula. Sana’y samahan niyo pa rin ako sa mga susunod ko pang kwento. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming, maraming salamat po. God bless you all. —Anne
May biglang tumalamsik na kung ano sa mukha ni Fourth. Kaya muli n'yang naimulat ang mga mata at nagulat siya nang bigla natumba sa sahig si Dos. Dumanak ang dugo nito sa sahig patungo sa kanyang paanan. He's dead! Dos was dead on the spot! Nagulat ang mga kalalakihan sa nangyare kaya kaagad na-alarma ang mga ito at humugot ng baril para sana lumaban ngunit inisa-isa na ang mga ito at tuluyang nagsibagsakan sa sahig. Sandaling natulala si Fourth sa kinauupuan n'ya. Bago s'ya napatingala sa pinakamataas na bahagi ng bodega. Maayos na nakapuwesto roon si Caramel hawak ang high caliber silencer gun. Tulala siyang nakatingala rito. Wala itong awa na inisa-isa ang mga kalaban sa mismong harapan n'ya. Ang suot n'yang white coat ay natalamsikan ng dugo. Napaupo sa sahig si Caramel nang maubos niya ang mga kalaban. Hindi napigilan ni Caramel ang ubusin ang mga ito at tadtarin ng bala si Dos. Kung nahuli siya ng ilang minuto baka napatay na nito si Fourth. Bumaba ng hagdan si Caramel a
ITINALI sa isang upuan si Fourth. Nakabusal ang bibig at nakatakip ang mga mata. Takot na takot sa p'wedeng mangyare sa kanya. Nasa lumang bodega sila kasama ang mga taong dumukot sa kan'ya. Dinig na dinig niya ang mga ito na parang nagbibilang ng pera. " O, bakit mas malaki yung sayo! Dapat pantay-pantay tayong lahat, pareho tayong naghirap sa pagkidnap sa kanya! " Inis na reklamo ng isa. Isang putok naman ang dumagundong sa tahimik na bodega. Binaril pala ng pinaka-leader ang nagreklamo. " Sino pang magre-reklamo? " tanong nito sa mga kasamahan. Nagulat ang iba sa ginawa nito kaya hindi na umimik bago pa sila ang isunod na itumba. " Iyan lang ibinigay sa atin ni Boss at matuto tayong makuntento! " Asik naman nito sa mga kasamahan. " Siya? Anong gagawin natin sa kanya? " Tanong ng isa noong mapansin siya sa may gilid. " Hintayin nalang natin ang utos ni Boss na patayin 'yan, " sagot nito. Napalunok naman ng laway si Fourth. ‘ Ayaw ko pang mamatay. Bagong kasal pa lan
Nagsimulang mangilid ang kanyang luha nang masilayan niya si Caramel na nakasuot ng puting wedding gown. Nasa likuran nito si Carmela na maid of honor nito. Sandali itong huminto sa may bukana ng pintuan. Humakbang siya para klarong matitigan ang kanyang magiging asawa. “ God, she's so beautiful ” tulalang bulong n'ya sa sarili. Hindi n'ya maiwasan na mapahanga sa ganda nito. Ito ang pinakamagandang babae sa mga mata niya kaya hindi n'ya maialis ang tingin rito. Kahit dati, noong hindi pa sila masyadong close, hindi n'ya pinapansin ang ganda nito. Hindi binibigyan ng kahulugan ang kuryente sa tuwing nagdadaiti ang kanilang mga balat. Hindi n'ya pinapansin ang sayang bumubukadkad sa kan'yang puso sa tuwing nakikita niya ito. Talagang pinairal n'ya ang inis upang hindi tuluyang ma-in love rito. Ngunit, wala eh... nahulog pa rin s'ya sa bitag ng pag-ibig. Bigla nitong tinuwid ang liko-liko n'yang daan. Ang baklang katulad niya na mataray, maarte, pasaway ay walang kahirap-hirap na t
Pagkatapos niyang maligo, magpapasuyo sana siya kay Fourth na i-blower ang kanyang buhok ngunit wala na ito sa loob ng kwarto. Hinanap niya ito sa loob ngunit ni anino nito wala talaga. Kumabog bigla ang kanyang dibdib dahil sa takot at pagkabahala. Baka may kumidnap kay Fourth. Hindi maaalis sa isip n'ya ang ganoong tagpo lalo na't may taong gusto ipatumba si Fourth. Hindi siya nagdawalang isip na abutin ang kanyang bag at kinuha ang dala niyang baril. Kinasa niya iyon. Mabilisan siyang nagpalit ng damit, pagkatapos ay isinuksok niya sa tagiliran ang baril bago lumabas ng kwarto. Nawala ang antok n'ya dahil sa negative instinct niya. Paglabas n'ya, ang tahimik ng hallway, wala man lang siyang nakakasalubong na ibang tao. Sumakay siya ng elevator pababa ng groundfloor, habang nasa loob siya ay paulit-ulit niyang tinawagan ang cellphone number ni Fourth ngunit hindi niya ito ma-kontak. Tinawagan n'ya rin si Burma at gan'on rin ito. Nagpanic siya bigla, paano kung may nangyareng masam
WARNING: R18+ Napakapit s'ya sa gilid ng mesa noong muli itong umintràda. Nanggigil itong kumilos sa likuran n'ya habang hawak nito ang kan'yang buhok. Tanging úngol ang kumawala mula sa kan'yang bibig sa sénsasyong hatid ng ginagawa ni Fourth. Hindi naman nito maiwasan na mapàmura noong maramdaman nito ang pàninikip n'ya. Mas lalo nitong binilisan ang pagbàyo hanggang sa malapit na itong labàsan. “ I'm c-cúmming...” “ Sabay na tayo, ” aniya. Mas lalo itong nanggigil kaya hindi n'ya maiwasan na mapahalinghing. Humigpit ang kapit n'ya sa mesa dahil malapit na s'ya sa clímàx. “ Fúck...” tanging ika nito noong tuluyang makamit ang rúrók ng ligaya. Nakahinga naman s'ya ng maluwag habang pinagpapawisan. “ Ahw! ” daing niya noong pinalo nito ang p'wet n'ya. “ That was awesome, babe ” masayang puri nito. Napatayo s'ya at hinarap ito. “ What's next? ” “ Clean up yourself. May pupuntahan tayo, ” seryosong saad nito. Napatango naman s'ya. Mabilisan siyang nag-ayos ng sarili. N
WARNING: R18+ " I miss you so much, " bulong na wika nito. Gusto niya nga sana itong sapakin baka kasi pinagtitripan na naman siya nito ngunit bigla siyang natigilan noong tumaas ang mga kamay nito mula sa kanyang baywang patungo sa kanyang dibdib. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi noong maramdaman niya ang mainit nitong labi na dumadampi sa kanyang leeg sabay galaw ng mga palad nito. " uhmm...F-Fourth, " namamalat na boses na sambit niya sa pangalan nito. " Yes? " sagot nito mismo sa tapat ng kanyang taenga. Tinanggal niya ang nakapulupot ng braso nito at hinarap ito. Hinaplos niya ang pisngi ni Fourth habang nakatitig sa mga mata nito at maya-maya ay sinuri niya kung may nakain ba itong kakaiba. " Ayos ka lang ba? May nakain ka bang kakaiba kanina? Bakit parang ang landi mo yata sakin? " sunod-sunod na katanungan niya rito. Masamang tingin lamang ang ipinukol nito sa kanya. " Wala ka bang sense of seriousness, Caramel? Talagang pinakanganak ka ba na mangbabasa
Natigilan si Fourth sa pagtawa nang maramdaman ang paa ni Caramel na humaplos sa kanyang binti, gumapang iyon paitaas. Seryoso itong nakatitig sa kanyang mga mata habang ginagawa ang bagay na iyon. Akmang huhuliin niya ang paa nito ngunit mabilis nitong nabawi. " Isa pa," utos niya kay Cara ngunit napailing naman ito. Napangisi naman si Fourth dahil siya ang magpapatuloy sa kapilyahan nito kanina. He did the same. Hinaplos n'ya ang hita ni Caramel gamit ang kan'yang paa. Seryoso itong napatitig sa kan'ya. Napangisi lamang s'ya at itinaas iyon. Walang alinlangang idiniretso sa loob ng palda kaya medyo napaatras si Caramel. " Masyado kang malayo, hindi ko maabot, " nakakalokong komento niya. Kaagad naman hinawakan ni Caramel ang paa niya at kusa iyong inalis. " Tama na nga 'tong kalokohan natin. Baka ma-late pa tayo sa trabaho at ako pa ang sisihin mo," saway nito sa kan'ya. " I just checking you out if you wear pànties," ika ni Fourth. " Huwag ka ngang eng-eng! Siyempre nagsu