FIRST DAY OF OFFICE WORK Tulo-laway pa si Fourth habang nakadapang natutulog sa malambot at malapad na kama nang abutan siya ni Caramel sa kwarto. Dahan-dahang lumapit ang dalaga at sinulyapan muna ang orasan sa dingding. Sigurado kapag hindi niya ito magising ay ma-lalate sila sa trabaho. Unang araw pa naman ng pasok nila ngayon. Kaya naisipan niya gumawa ng paraan upang mabulabog ang tulog nito. Buong lakas niyang hinipan ang bitbit niyang tambuli. Naalipungatan si Fourth sa biglaang ingay at agad na tinakpan ang magkabilang tainga. Wala pa siya sa wisyo, inaantok pa, kaya kusa niyang inabot ang unan at mariing itinakip iyon sa tainga niya upang hindi marinig ang malakas na tunog ng tambuli. Pero tàngina! Ang lakas pa rin kasi ng tunog kaya no choice siya kundi ang tuluyang magising. “Tumigil ka na! Bruha ka!” sigaw niya habang nakatalukbong pa ang unan. Galit na galit ang tono niya. "Púta ka!" Mura niya. Ngunit lalo lang siyang naiinis nang hindi tumigil si Caramel sa pa
Tahimik silang bumiyahe pabalik ng mansiyon habang katabi si Caramel. Palihim na napatingin si Fourth kay Cara na seryosong nakatitig sa cellphone nito habang nagt-type. Medyo na-kuryos siya kung sino ang ka-chat nito ngunit kaagad rin siyang napaatras nang napatingin ito sa kanya. "Wala kang ka-chat? Gusto mong bigyan kita?" malamig na sabi ni Caramel. Nakakatakot talaga ang babaeng ito kapag nagseryoso. "No thanks. Alam ko naman na pangit ang ibibigay mo sakin," aniya ni Fourth sabay halukipkip. Iniharap ni Caramel ang cellphone sa kanya kaya nanlaki ang mga mata ni Fourth nang makita ang picture. Tumulo yata ang laway niya sa matipuno at nag-uumigting na muscle ng isang lalaki. "Ito ang ka-chat mo gurl?" Talagang kinuha pa niya ang cellphone ni Caramel at sabay zoom out ng picture. Talagang naglalaway siya sa ganitong klaseng lalaki. "Ibibigay ko sana sayo pero mukhang ayaw mo naman," sabay agaw ni Caramel ng cellphone. Gusto sana ni Fourth pero bigla niyang naisip si Finn. A
"MAY bago tayong gagawin ngayong araw," nakangising wika ni Sixto habang hawak-hawak ang sabon na binili niya para kay Caramel. Umupo siya at inilapag sa mesa ang sabon para ipakita sa kanyang mga pinsan. Kumunot ang noo ni Van at nagkatinginan naman sina Valentino at Sebastian. "Anong gagawin natin diyan? Maliligo tayo tapos 'yan ang gagamitin nating sabon?" walang malay na tanong ni Sebastian. "Gago! Syempre hindi! Allergic ang Caramel na 'yon sa sabon na 'to kaya ito ang gagamitin natin para i-bully siya. Exciting, 'di ba?" excited na wika ni Sixto. "Does not a good idea, Sixto. May iba't ibang klase ang allergic, paano kung mas malalang allergic reaction ang makuha ni Cara sa sabon na 'yan?" kontra ni Van. Cool ito kung magsalita at siya rin ang palaging kumokontra sa tuwing nakakaisip ng masamang ideya ang magpipinsan. "Van, don't be overreacting. Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan si Mommy. Kahit hindi pa niya aminin na may relasyon sila ni Dad, alam na alam niyang kabi
Nagulat si Fourth nang bigla siyang napalingon rito, kaya nagkatitigan silang dalawa. Kaagad rin siyang napaatras at umiwas ng tingin. Maarte niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Palihim namang napangiti si Caramel sa reaksiyon nito. Bigla siyang may naisip na kalokohan kaya napangisi siya. Napatili si Fourth nang bigla niyang ibinagsak ang mukha niya sa pagitan ng mga hita nito. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nito gamit ang isa niyang palad. Agad ding inalis nito ang kanyang kamay at pilit siyang pinapaalis, ngunit hindi siya nagpatalo. Sinubsob talaga ni Caramel ang kanyang mukha sa mga hita nito. Halos kumawala ang halakhak niya sa isipan, pero pilit niya 'yong pinigilan. Nanginginig kasi ang mga hita ni Fourth kaya mas lalo siyang napangisi. Itinagilid niya ang ulo at ipinikit ang kanyang mga mata. Naramdaman niyang kumalma na ang mga hita nito, kaya naisipan niyang umidlip. She’s so freaking tired and has sleepless nights kaya kailangan niyang umidlip kahit sandali
Abalang naglilinis ng kanyang mga kuko si Caramel nang biglang lapitan siya ni Fourth at may iniabot na papel. Nagtataka siyang tiningnan ito habang marahang tinatanggap ang papel mula sa kanya. "Ano ’to?" "Papel," sarkastikong tugon ni Fourth. "Alam ko. Anong gagawin ko rito?" balik tanong ni Caramel habang napatitig sa nakasulat sa papel. Mistake Points. "Kainin mo. Try mo kung anong lasa niyan," sagot nito na may kasamang irap. Napabuga ng hangin si Caramel. Inis niyang inilapag ang papel sa mesa at pinatungan ito gamit ang kanyang paa. Muli siyang bumalik sa pag-aayos ng kanyang mga kuko na parang walang narinig. "Mistake points mo 'yan," dagdag ni Fourth. "Alam ko. Marunong naman akong magbasa," malamig na tugon ni Caramel, hindi man lang tumingin sa kausap. "Tally 'yan sa mga rules na nilabag mo araw-araw." Napahinto si Caramel at dahan-dahang itinaas ang tingin. Tumaas ang isa niyang kilay nang makita si Fourth na nakapameywang at nakangisi pa. "Oo, tama ang narinig mo
Late na silang nakarating sa mansiyon dahil sa walang katapusang traffic. Nakakairita. Noong umalis siya kanina para mamili, ayos pa ang itsura niya, fresh na fresh. Pero ngayon? Para na siyang pusang nausukan ng tambutso, lagkit na lagkit sa pawis dahil sa tagal ng biyahe at init ng panahon. Noong nakabalik sila sa mansiyon, habang bumababa ng sasakyan, tinulungan siya ni Sixto sa mga pinamili. Napahinto si Caramel at napakunot ang noo. May bigla siyang naalala. Pakiramdam niya, may mali, may kulang ngunit hindi iyon isang literal na bagay. Napansin iyon ni Sixto. "May nakalimutan ka?" tanong nito habang maingat na ibinaba ang isang kahon sa sementadong walkway ng mansiyon. Nanlaki ang mata niya. "Si Fourth! Nakalimutan ko!" halos pasigaw niyang sagot sabay mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay. Kaagad siyang nagtungo sa kwarto ng amo, at noong nasa harapan na siya ng pinto ay sunod-sunod ang katok niya sa pintuan nito. "Fourth! Fourth, nandiyan ka ba?" tawag niya, ngunit
"C-Caramel, p-please ibaba mo na ako! Walang kapatawaran ang ginawa mo sakin! Talagang isusumbong kita kay Daddy sa pagpapahirap mo s-sakin!" atungal ni Fourth habang nakabitin ng patiwarik, ang mukha niya’y namumula na sa tagal ng pagkakabiting iyon. Hindi siya pinansin ni Caramel. Nagpatuloy lang si Cara sa pag-eehersisyo. Kakatapos lang niya sa curl-ups, at ngayon ay push-ups naman sa harapan mismo ng nakabitin niyang amo na parang isang punching bag na nakatali sa kisame. "H-Hindi ka ba makikinig s-sakin? Amo mo ako kaya inuutusan k-kitang ibaba mo ako rito!" sigaw ulit nito, habang pilit na umuuga sa pagkakabitin pero wala namang napapala dahil matibay na tali ang ginamit ni Cara. Tumayo si Caramel, kinuha ang towel na nakapatong sa mesa, pinahid ang pawis sa leeg, at saka lumapit sa kinaroroonan ng pasaway niyang amo. "Anak ka lang ng totoo kong amo, Fourth. Kung magsusumbong ka sa daddy mo, edi magsumbong ka. At huwag mong iisipin na tatahimik lang ako sa tabi at kakalimuta
Inilapag ni Caramel ang wine glass sa counter island at kumuha ng alak upang punan ang baso ni Fourth. Nagbuhos din siya para sa sarili at sandaling tinitigan ang laman ng kanyang baso bago sumimsim. Napansin ni Fourth na hindi man lang ginagalaw ni Caramel ang alak sa baso nito. “May nilagay ka ba rito?” tanong ni Fourth, may halong pagdududa sa boses. Baka may binabalak na naman ang babaeng ito sa kanya. Sa itsura pa lang ni Caramel, wala na siyang tiwala. “Naalala ko 'yung rules na pinirmahan ko. Sabi mo, hindi ako puwedeng uminom kapag ikaw ay umiinom,” tugon ni Caramel. Napangiti si Fourth sa sagot nito. “Kalimutan mo muna 'yang rules. Gusto ko lang may kasamang uminom,” sagot niya. “Mababa ang tolerance ko sa alcohol. Wild rin ako kapag nalalasing,” paalala ni Caramel. “Ah oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Mag-beer ka na lang. Hindi ka naman siguro malalasing sa beer, ‘di ba?” Tumango si Caramel at kinuha ang isang bote ng beer. Marami siyang naikuwento kay Caramel.
Hi readers, my new book has been released on GN! Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong It is the love story of Olivia Carmen, the daughter of Caramel and Fourth. Si Olivia muna ang inuna ko dahil isinali ko siya sa contest; sunod na lang ang mga kapatid ni Fourth. I hope magustuhan niyo po at suportahan ako sa panibago kong libro. Sana maglagay kayo ng rating para matulungan akong maka-attract ng ibang readers, lalo na dahil kasali po ito sa contest. Medyo slow update po ako kasi marami po akong ina-update-an sa ibang platform, hindi lang po sa platform na ito. Salamat po sa pag-intindi. —Anne
Sa aking minamahal na mga mambabasa, Sorry, kung late na akong nag-author's note. Salamat nga pala sa pagsubaybay ng istoryang ito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo, sa mga nagbasa, naghintay, nagbigay ng komento, at nagpakita ng pagmamahal sa kwentong ito. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng buhay. Sa bawat emosyon na ating pinagsaluhan, sa saya, sakit, galit, at pagmamahal... sana ay may iniwan akong bakas sa inyong mga puso, gaya ng iniwan ninyo sa akin. Hindi ito paalam, kundi isang bagong simula. Sana’y samahan niyo pa rin ako sa mga susunod ko pang kwento. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming, maraming salamat po. God bless you all. —Anne
May biglang tumalamsik na kung ano sa mukha ni Fourth. Kaya muli n'yang naimulat ang mga mata at nagulat siya nang bigla natumba sa sahig si Dos. Dumanak ang dugo nito sa sahig patungo sa kanyang paanan. He's dead! Dos was dead on the spot! Nagulat ang mga kalalakihan sa nangyare kaya kaagad na-alarma ang mga ito at humugot ng baril para sana lumaban ngunit inisa-isa na ang mga ito at tuluyang nagsibagsakan sa sahig. Sandaling natulala si Fourth sa kinauupuan n'ya. Bago s'ya napatingala sa pinakamataas na bahagi ng bodega. Maayos na nakapuwesto roon si Caramel hawak ang high caliber silencer gun. Tulala siyang nakatingala rito. Wala itong awa na inisa-isa ang mga kalaban sa mismong harapan n'ya. Ang suot n'yang white coat ay natalamsikan ng dugo. Napaupo sa sahig si Caramel nang maubos niya ang mga kalaban. Hindi napigilan ni Caramel ang ubusin ang mga ito at tadtarin ng bala si Dos. Kung nahuli siya ng ilang minuto baka napatay na nito si Fourth. Bumaba ng hagdan si Caramel a
ITINALI sa isang upuan si Fourth. Nakabusal ang bibig at nakatakip ang mga mata. Takot na takot sa p'wedeng mangyare sa kanya. Nasa lumang bodega sila kasama ang mga taong dumukot sa kan'ya. Dinig na dinig niya ang mga ito na parang nagbibilang ng pera. " O, bakit mas malaki yung sayo! Dapat pantay-pantay tayong lahat, pareho tayong naghirap sa pagkidnap sa kanya! " Inis na reklamo ng isa. Isang putok naman ang dumagundong sa tahimik na bodega. Binaril pala ng pinaka-leader ang nagreklamo. " Sino pang magre-reklamo? " tanong nito sa mga kasamahan. Nagulat ang iba sa ginawa nito kaya hindi na umimik bago pa sila ang isunod na itumba. " Iyan lang ibinigay sa atin ni Boss at matuto tayong makuntento! " Asik naman nito sa mga kasamahan. " Siya? Anong gagawin natin sa kanya? " Tanong ng isa noong mapansin siya sa may gilid. " Hintayin nalang natin ang utos ni Boss na patayin 'yan, " sagot nito. Napalunok naman ng laway si Fourth. ‘ Ayaw ko pang mamatay. Bagong kasal pa lan
Nagsimulang mangilid ang kanyang luha nang masilayan niya si Caramel na nakasuot ng puting wedding gown. Nasa likuran nito si Carmela na maid of honor nito. Sandali itong huminto sa may bukana ng pintuan. Humakbang siya para klarong matitigan ang kanyang magiging asawa. “ God, she's so beautiful ” tulalang bulong n'ya sa sarili. Hindi n'ya maiwasan na mapahanga sa ganda nito. Ito ang pinakamagandang babae sa mga mata niya kaya hindi n'ya maialis ang tingin rito. Kahit dati, noong hindi pa sila masyadong close, hindi n'ya pinapansin ang ganda nito. Hindi binibigyan ng kahulugan ang kuryente sa tuwing nagdadaiti ang kanilang mga balat. Hindi n'ya pinapansin ang sayang bumubukadkad sa kan'yang puso sa tuwing nakikita niya ito. Talagang pinairal n'ya ang inis upang hindi tuluyang ma-in love rito. Ngunit, wala eh... nahulog pa rin s'ya sa bitag ng pag-ibig. Bigla nitong tinuwid ang liko-liko n'yang daan. Ang baklang katulad niya na mataray, maarte, pasaway ay walang kahirap-hirap na t
Pagkatapos niyang maligo, magpapasuyo sana siya kay Fourth na i-blower ang kanyang buhok ngunit wala na ito sa loob ng kwarto. Hinanap niya ito sa loob ngunit ni anino nito wala talaga. Kumabog bigla ang kanyang dibdib dahil sa takot at pagkabahala. Baka may kumidnap kay Fourth. Hindi maaalis sa isip n'ya ang ganoong tagpo lalo na't may taong gusto ipatumba si Fourth. Hindi siya nagdawalang isip na abutin ang kanyang bag at kinuha ang dala niyang baril. Kinasa niya iyon. Mabilisan siyang nagpalit ng damit, pagkatapos ay isinuksok niya sa tagiliran ang baril bago lumabas ng kwarto. Nawala ang antok n'ya dahil sa negative instinct niya. Paglabas n'ya, ang tahimik ng hallway, wala man lang siyang nakakasalubong na ibang tao. Sumakay siya ng elevator pababa ng groundfloor, habang nasa loob siya ay paulit-ulit niyang tinawagan ang cellphone number ni Fourth ngunit hindi niya ito ma-kontak. Tinawagan n'ya rin si Burma at gan'on rin ito. Nagpanic siya bigla, paano kung may nangyareng masam
WARNING: R18+ Napakapit s'ya sa gilid ng mesa noong muli itong umintràda. Nanggigil itong kumilos sa likuran n'ya habang hawak nito ang kan'yang buhok. Tanging úngol ang kumawala mula sa kan'yang bibig sa sénsasyong hatid ng ginagawa ni Fourth. Hindi naman nito maiwasan na mapàmura noong maramdaman nito ang pàninikip n'ya. Mas lalo nitong binilisan ang pagbàyo hanggang sa malapit na itong labàsan. “ I'm c-cúmming...” “ Sabay na tayo, ” aniya. Mas lalo itong nanggigil kaya hindi n'ya maiwasan na mapahalinghing. Humigpit ang kapit n'ya sa mesa dahil malapit na s'ya sa clímàx. “ Fúck...” tanging ika nito noong tuluyang makamit ang rúrók ng ligaya. Nakahinga naman s'ya ng maluwag habang pinagpapawisan. “ Ahw! ” daing niya noong pinalo nito ang p'wet n'ya. “ That was awesome, babe ” masayang puri nito. Napatayo s'ya at hinarap ito. “ What's next? ” “ Clean up yourself. May pupuntahan tayo, ” seryosong saad nito. Napatango naman s'ya. Mabilisan siyang nag-ayos ng sarili. N
WARNING: R18+ " I miss you so much, " bulong na wika nito. Gusto niya nga sana itong sapakin baka kasi pinagtitripan na naman siya nito ngunit bigla siyang natigilan noong tumaas ang mga kamay nito mula sa kanyang baywang patungo sa kanyang dibdib. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi noong maramdaman niya ang mainit nitong labi na dumadampi sa kanyang leeg sabay galaw ng mga palad nito. " uhmm...F-Fourth, " namamalat na boses na sambit niya sa pangalan nito. " Yes? " sagot nito mismo sa tapat ng kanyang taenga. Tinanggal niya ang nakapulupot ng braso nito at hinarap ito. Hinaplos niya ang pisngi ni Fourth habang nakatitig sa mga mata nito at maya-maya ay sinuri niya kung may nakain ba itong kakaiba. " Ayos ka lang ba? May nakain ka bang kakaiba kanina? Bakit parang ang landi mo yata sakin? " sunod-sunod na katanungan niya rito. Masamang tingin lamang ang ipinukol nito sa kanya. " Wala ka bang sense of seriousness, Caramel? Talagang pinakanganak ka ba na mangbabasa
Natigilan si Fourth sa pagtawa nang maramdaman ang paa ni Caramel na humaplos sa kanyang binti, gumapang iyon paitaas. Seryoso itong nakatitig sa kanyang mga mata habang ginagawa ang bagay na iyon. Akmang huhuliin niya ang paa nito ngunit mabilis nitong nabawi. " Isa pa," utos niya kay Cara ngunit napailing naman ito. Napangisi naman si Fourth dahil siya ang magpapatuloy sa kapilyahan nito kanina. He did the same. Hinaplos n'ya ang hita ni Caramel gamit ang kan'yang paa. Seryoso itong napatitig sa kan'ya. Napangisi lamang s'ya at itinaas iyon. Walang alinlangang idiniretso sa loob ng palda kaya medyo napaatras si Caramel. " Masyado kang malayo, hindi ko maabot, " nakakalokong komento niya. Kaagad naman hinawakan ni Caramel ang paa niya at kusa iyong inalis. " Tama na nga 'tong kalokohan natin. Baka ma-late pa tayo sa trabaho at ako pa ang sisihin mo," saway nito sa kan'ya. " I just checking you out if you wear pànties," ika ni Fourth. " Huwag ka ngang eng-eng! Siyempre nagsu