" C-Caramel, p-please ibaba mo na ako! Walang kapatawaran ang ginawa mo sakin! Talagang isusumbong kita kay daddy sa pagpapahirap mo s-sakin! " atungal ni Fourth habang nakabitin ng patiwarik. Hindi niya pinansin ang hinaing nito. Nagpatuloy lamang siya sa pag-eensayo. Mamaya, pagkatapos niya sa curl-ups, mag pu-push up naman siya sa harapan ng nakabitin niyang amo. " H-Hindi ka ba makikinig s-sakin? Amo mo ako kaya inuutusan k-kitang ibaba mo ako rito! " bulyaw nito. Napatayo siya at inabot ang towel sa may mesa. Nagpahid siya ng pawis at lumapit sa kinaroroonan nito. " Anak ka lang ng totoo kong amo, Fourth. Kung magsusumbong ka sa daddy mo, edi magsumbong ka. At huwag mong aasahan na tatahimik lang ako sa tabi at kakalimutan ko ang karapatan na ipaglaban ang sarili ko, " seryosong tugon niya rito. " This is not good! This is against humanity, Caramel! Tingnan mo nga ang ginawa mo sakin?! This is fucking torture! " Napangisi siya rito at humalukipkip. " Pasalamat ka nga
INILAPAG ni Caramel ang wine glass sa counter island. Kumuha ito ng wine at sinalinan ang kan'yang baso. Nagsalin rin ito ng wine sa sarili nitong baso. Sandali niyang tinitigan ang alak bago sumimsim. Napansin niyang hindi ginalaw ni Caramel ang baso nito. " May nilagay ka rito? " usisa niya. Baka kasi may binabalak na naman ang babaeng 'to sa kanya. Sa pagmumukha palang ni Caramel, wala na siyang tiwala. " Naalala ko ang rules na pinermahan ko. Sabi mo, hindi ako puwedeng uminom kapag umiinom ka, " wika nito. Napangiti naman siya. " Kalimutan mo muna 'yang rules. Gusto kong may kasamang uminom " sagot niya. " Mababa ang tolerance ko sa alcohol at wild rin ako kapag nalalasing " paalala nito. " Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. Mag-beer ka nalang. Hindi ka naman siguro malalasing sa beer 'di ba? " Napatango naman ito at kumuha ng beer. Marami siyang ikuwenento kay Caramel. Madaldal talaga siya kapag nakainom. Mabuti nga dahil nakikinig lamang ito sa mga pinagsasabi niya. S
PANAY ang sulyap ni Fourth kay Caramel, kanina pa kasi ito hikab nang hikab at mukhang inaantok habang bumibiyahe sila patungo sa hotel. Kaya pala palagi itong nakakaidlip sa biyahe dahil sa puyat kaka-ensayo sa gabi at siguro pinupuyat rin ni Sixto. Napatingin siya sa kamay nito, may nakalagay na band-aid sa mga daliri nito. " Hoi, Caramel , bakit palagi kang puyat? " tanong niya. Kunwari hindi niya alam. Napalingon naman ito sa kanya. " Hindi lang ako makatulog sa gabi, " sagot naman nito. Napa-ismid naman siya. " Baka naman may taong dahilan kung bakit ka nagpupuyat? " taas kilay na tanong niya. " Hindi ka kasi maalis sa isip ko Fourth kaya palagi akong puyat. Ini-imagine ko kasi kung paano kaya kung ikaw ang mag-drive sakin patungong langit, " nakangising wika nito. Napangiwi naman siya. " Hindi kita ipagd-drive patungong langit, ididiretso kita sa impyerno kasi doon ka nababagay! Tse! " masungit na tugon niya bago humalukipkip. " Edi ako nalang ang magd-drive sayo pa
Inulublob ni Fourth ang katawan sa tubig. Siya rin ay sobrang nahihirapan sa sitwasyon nilang dalawa ngunit wala siyang choice kundi ang magpakasal. Kapag hindi matuloy ang kasal nila ni Feng ay mawawala ang suporta ng mga Xian sa Misuaris, lalo na sa kanya. Kinabukasan, sinundo siya ni Sixto sa hotel. Natapos na rin sa wakas at guminhawa na ang kanyang pakiramdam. Napansin niya rin ang hawak na bagay ni Sixto na nakapatong sa mga hita nito pagkapasok niya mismo sa kotse. Mahabang bagay na nakabalot sa pulang tela. " Ano 'yan, Sixto? " tukoy niya sa hawak nito. " Katana para kay Caramel. Ireregalo ko sa kanya. Ini-order ko 'to 2 weeks ago at kahapon lang dumating galing Japan, " tugon nito. " Nakakahalata na ako sayo. Are you interested in Caramel? May affair ba kayong dalawa? " usisa niya. Natawa naman ang kapatid n'ya. " Ano bang pinagsasabi mo? Wala kaming affair, at saka kung interesado man ako sa kanya hindi niya naman ako type. At kung type niya naman ako, hindi rin na
NAGHANAP siya ng daanan para mahabol ang lalaking may bitbit ng ninakaw nitong bag. Mabilis siyang kumilos at patakbong nakipagsiksikan sa mga sasakyan. Nakipagsiksikan s'ya sa mga taong nakakasalubong niya. Halos kalahating oras siyang naghanap sa mga lalaking suspek. Dumaan siya sa mga posibleng eskinitang pagtataguan ng mga ito. Napahinto siya sa isang banda nang marinig niya ang tawanan at boses ng isang lalaking nagmamakaawa. Sumilip siya at nakita niya ang lalaking nakaluhod sa lupa at nagmamakaawa sa limang mga kalalakihan. Puro pasa at putok na ang labi nito dahil sa bugbog. " Pakiusap, nandiyan na ang bag sa inyo. A-Ano pa ba ang kailangan n-niyo sakin? " Nanghihinang wika nito sa lider na nakabunit. Napadaing ang kaawa-awang lalaki sa ginawang pag-apak ng lalaki sa kamay nitong nakalapag sa lupa. " Muntik mo na nga kaming ipahamak sa mga pulis tapos balak mo pang solohin ang pera na 'to?! " Pakita nito sa makapal at malutong na halaga ng pera. " P-Pangako hindi ko
" Miss, pakiusap! Huwag mo akong ipakulong! Tulungan mo ako, please! " nagmamakawang pakiusap ng lalaki habang paulit-ulit na sumasamba sa kanya. " 'Di ba nangako ka sakin na magbabago ka na? Sabi mo, hindi ka na magnanakaw pero hindi mo naman tinupad kaya sumama ka narin sa limang unggoy na 'to sa kulungan, " tugon niya naman. " Pakiusap! Ayaw kong makulong! Mamamatay ako sa kulungan! " wika nito habang walang tigil na nagmamakaawa sa kanya. " Sana inisip mo 'yan bago ka gumawa ng masama, " aniya. " Pangako magbabago na talaga ako! Wala na kasi akong ibang matakbuhan at walang pamilyang nagmamahal sakin kaya ganito ang naisip kong paraan. Kahit mali ang magnakaw at manloko ng tao, ginagawa ko 'yon para mabuhay ko ang sarili ko. Kapag tinulungan mo ako, gagawin ko lahat ng gusto mo. Lahat-lahat gagawin ko para mabayaran ko ang utang na loob ko sayo, Miss! Please, please!" pursigidong wika nito. Napabuga naman siya ng hangin. " Ano pa nga bang magagawa ko, " may pagsukong tur
NASA ilalim ng malaking puno ng mangga sina Burma at Firlan. Nilalasap ang sariwang hangin sa probinsiya. Kumuha ng sigarilyo si Burma para sana sindihan nang magsalita si Firlan. " Ang sariwa ng hangin dito, huwag mo naman sanang dumihan " pigil nito. Kaagad naman ibinalik ni Burma ang sigarilyo sa bulsa ng suot nitong coat. Kapwa silang nanonood sa masayang pamilya ni Caramel na nagtungo rito sa isang park para mag-picnic. Masayang naglalaro ng habol-habolan ang mga nakababatang kapatid ng dalaga, samantalang ito naman ang taya. Dumako ang tingin ni Firlan kay Carmela na tahimik na nagbabasa ng libro sa ilalim ng nilagay nilang malaking payong. " Interesado ka sa isang 'yon? " pansin ni Burma sa kanya. " Hindi. Naalala ko sa kanya si Ate Filea. Mahilig rin kasing magbasa ng libro 'yon, " tugon niya naman at napatingin kay Burma. Nakamasid ito kay Caramel. " Mukhang ikaw ang may gusto kay Caramel, " nakangiting bentang ni Firlan kay Burma. Napangiti ito napailing. " Hindi
Ilang ulit na napabuntong-hininga si Fourth habang pinaglalaruan ang mamahaling necklace na balak niya sanang ibigay kay Finn para sana sa kaarawan nito. Ilang araw na rin s'yang nababagot kakatambay sa bahay. Dumako ang tingin n'ya sa kahon na pinadala sa kanya ng designer. Nasa loob nito ang susuotin n'ya para sa nalalapit n'yang kasal. Talagang wala na ngang atrasan ang magaganap na kasalan. Walang ganang n'yang binuksan ang kahon bago humarap sa salamin. Bakas ang lungkot sa kan'yang mga mata. Hindi n'ya alam kung bakit ganito s'ya kalungkot. Dahil ba ito sa broken hearted s'ya o dahil wala s'yang ibang makausap sa bahay kundi ang sarili n'ya? Napalingon siya sa may pinto noong marinig ang isang katok. " Kuya Fourth, wala ka bang balak maki-join samin? Magpapa-inom si Sebastian, " wika ni Fifth sa kanya. Birthday kasi ni Sebastian ngayon. Simpleng birthday party lang dahil 'yon ang gusto nito. " Sige, mauna na kayo. Magbibihis lang ako saglit, " sagot n'ya naman sa kapatid. “
Tuluyang nawala ang kaba ni Fourth noong makita niyang ligtas si Caramel. Hindi n'ya talaga alam kung anong gagawin kapag may nangyaring masama rito. Napansin niya ang lalaking sumilip sa kanila ni Caramel. Kilala niya ito. Si Sink. Kaagad namang nag-iba ang templa n'ya. Humiwalay siya kay Caramel. " Bakit kasama mo ang damulag na 'yan? " turo niya kay Sink. Ang alam niya kasi ay baliw na baliw si Caramel kay Sink. Bukambibig ni Caramel si Sink noon at todo ang kilig nito kapag tinutukso ni Garnet ang kaibigan sa matipuno at g'wapong katrabaho. " Bahay n'ya 'to. Siya ang tumulong sakin na makatakas sa mga pekeng pulis na gusto akong tudasin, " paliwanag naman ni Cara. Napanguso naman s'ya. " Kaya pala dito ka dumiretso at walang balak na magpahatid sa mansiyon dahil narito ang crush mo, " may halong selos na aniya. Bigla na lang talagang kumulo ang dugo niya dahil sa selos. " Ano ka ba. Gusto ko naman talagang umuwi ngunit delikado na, ” paliwanag nito. “ Tsk. Ang sabihi
" Doon tayo! " wika ni Sink sabay hila sa kanya. Walang alinlangan s'yang sumunod rito. Muli s'ya nitong hinila pababa noong may humarang na kalaban sa may unahan at walang habas silang pinagbabaril. Muli silang nagtago sa malaking puno. Kaagad namang inabot sa kanya ni Sink ang bitbit nitong baril. Malugod niya iyong tinanggap at ikinasa. " Anong ginagawa mo rito, Sink? Paano mo nalaman na naririto ako? " tanong niya sa dating comrade sa SIA. Magkasabay silang lumabas sa pinagtataguan at sila naman ang nagpaulan ng bala. Magkasabay rin silang muling nagtago at nagsalin ng panibadong magazine. “ Napansin kita sa checkpoint kanina at dinala ka ng mga pulis kaya palihim akong sumunod, ” sagot naman nito at muling nagpaputok ng baril. " Kailangan nating makaalis rito dahil naiipit tayo sa labanan ng dalawang grupo! " dugtong pa ni Sink. Napatango naman siya at magkasabay silang lumabas sa lungga. Walang habas nilang pinagbabaril ang mga kalaban. Pagkatapos ay mabilis silang t
Fourth couldn’t believe that it was Caramel who had prepared the coffee to poison them all. Every cup handed to them by Uno's assistant had been laced with poison. Fortunately, the President drank first, sparing the others from harm. He couldn’t help but shake his head. He knew Caramel would never do something like that. ***** Habang nasa biyahe ang police mobile na sinasakyan ni Caramel, pinakiramdaman niya ang mga kasamang pulis. Pansin niya kasing lumihis at hindi patungong presinto ang kanilang ruta. Hindi na bago ang ganoong set-up kaya ramdam niyang may binabalak ang mga ito sa kanya. " A-Akala ko ba sa presinto tayo pupunta?" Kunwareng natatakot na ika n'ya sa mga ito. Napangiti sa kanya ang lalaking katabi na naka-uniforme pampulis at naka-imprenta ang pangalang Galencio P. Galenciaga sa pen name nito. " Makakarating rin tayo sa presinto. Relax ka lang, " ani nito sabay posas ng kan'yang mga kamay. " Bakit kailangan pa akong posasan? Akala ko interrogation lang? ”
Pagkarating nila sa building, akmang lalabas na sana ng limousine si Caramel ngunit kaagad siyang hinila ni Fourth. Binigyan s'ya nito ng isang matamis na halik sa labi. Pagkatapos, s'ya naman ang humalik kay Fourth. " Huwag kang magpapahalik kay Van, " paalala nito na may kaseryosohan ang boses. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Napatango siya bago naunang lumabas ng limousine. Bakas naman ang saya sa mukha ni Fourth noong pumasok siya sa kan'yang opisina. Ang gaan ng pakiramdam n'ya dahil nakadilig na naman s'ya. Nawala ang kan'yang ngiti noong mabilis n'yang napansin si Feng. Muntik n'ya nang makalimutan na dito pala ito nagta-trabaho. " Nakita ko kayong naghalikan kanina, " panimula ni Feng na s'yang ikinatahimik n'ya. Grabe naman ang mata nito, ang bilis makakita. " Mukhang hindi na yata mapipigilan ang nararamdaman ninyo sa isa't isa, " dagdag pa nito. Walang imik siyang nagtungo sa kanyang mesa. Komportable s'yang na upo sa kan'yang puwesto at pinakialaman ang m
Tahimik silang bumiyahe pabalik ng mansiyon. Panay ligaw-tingin ang ginagawa ni Caramel para i-check kung ayos lang ba si Fourth. Ang tahimik ni Fourth. Hindi s'ya sanay na ganito ito. Buong araw siyang naghintay na tawagan siya nito sa telepono kung magpapatimpla ba ito ng kape o may iuutos ba ito ngunit hindi talaga ito tumawag sa kan'ya kahit isang beses. Siguro galit pa rin ito dahil sa nakita nito kanina. Napatingin siya sa kamay nitong nakalapag sa naka-krus nitong mga hita. Akmang hahawakan niya ang kamay nito ngunit kaagad nitong iniwas ang iyon sabay humalukipkip. Galit nga ito sa kanya. “ Nagseselos ka pa rin ba? " tanong n'ya. Napaismid lamang ito. " Yung tungkol sa kiss... hindi ko akalain na gagawin 'yon ni Van, " paliwanag niya. Nanatili pa rin itong walang imik. Ayaw n'yang maging ganito sila hanggang sa magising sila bukas ng umaga. " Fourth, wala ka bang balak na kausapin ako?" Wala pa rin. Ayaw pa rin s'ya nitong kausapin. “ Fourth. I am sorry. Dapat hind
Kinaumagahan, ang sama ng umaga ni Fourth. Ang sakit kasi ng buo niyang katawan sa ginawa nila ni Caramel. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito. “ Hayop talaga ang babaeng 'yon! ” nanggagalaiting saad n'ya. Ang wild masyado. Sa sobrang wild nito parang turong gusto s'yang tudasin! " Good morning! " masiglang bati ni Caramel sa kanya pagkalabas niya ng kwarto. Pareho na silang nakabihis at handa nang pumasok sa opisina. " Morning lang. Walang good, " nakaismid na tugon niya at tinarayan ito. " May problema ba? " pa-inosenteng tanong nito. Masamang tingin ang ipinukol niya rito. " Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sakin kagabi? " Umuusok na sa inis ang kan'yang ilong. Saglit na napahalakhak si Caramel at kaagad rin binawa ang tawa. " Wala akong maalala. Ano bang nangyare? " tanong nito na may kaseryosohan ang boses. Napadaing naman si Cara noong pitikin niya ang noo nito. " Hayop ka! Bakit hindi mo sinabi sakin na mukha ka palang wild beast kapag nalalasing? "
BACK AT WORK... Caramel and he walked side by side down the hallway, exchanging smiles with the employees they passed. He felt on cloud nine because, at last, Caramel shared the same feelings he had. It’s such a wonderful feeling to be loved by the one you love, right? If only everyone could experience that kind of love. Caramel took the lead, holding the door open for him with a bright smile, and he entered the room with a heart full of joy. But the moment they stepped inside, his smile vanished like a puff of smoke when he saw Feng, lounging comfortably in his seat. Napatingin ito sa kanilang dalawa. " Oh, good morning! " bati nito. " What are you doing here? " tanong niya naman kay Feng. " Ito ang panibago kong opisina, " tugon naman nito. Napakunot noo naman siya. " Papalitan mo si Caramel sa pagiging secretary ko? " taas kilay na tanong niya. Natawa naman ito. " Of course not, Fourth. Uno recommended me here to become the Executive Assistant of the President, "
" The wedding between you and Feng is still happening. Ling Xian said nothing will change in the agreement, even if Dad is dead, " pagbibigay-alam sa kan'ya ni Sixto. He looked down from the balcony. Fifth and her friends were by the pool. It’s been two months since her dad passed away. He was happy to see Fifth getting her energy back. Among the siblings, Fifth was the closest to their dad, so she was the most affected by the loss. " What’s your decision?" his brother asked. " I don’t want to continue the wedding if it’s possible," he replied, lost in thought. " We can work it out, but... your reputation will be ruined," Sixto responded. He turned to look at him. " Why... what are you thinking now, Sixto?" he asked, curious. “ Don’t show up at your wedding with Feng," his brother suggested. Could he do that? But if he couldn't, what would happen between him and Caramel? He couldn’t bear the thought of not being with Caramel. He kept telling himself that he wouldn’t fall
Wednesday, Committee Election. The entire company board gathered in the spacious conference room. This wasn’t a simple committee election—the position of President was at stake, the highest role in Misuaris ModernTech World Company, which he and Uno were vying for. Magkatabi sila ni Caramel, yet he couldn't resist stealing glances at Caramel's serious expression. When Caramel briefly turned to face him, a faint smile crossed their lips. He let out a deep sigh. He felt nervous about what might happen. He had never held a high-ranking position, not even in the Philippine branch of Misuaris ModernTech World Company. How could he convince the other members of the company with his limited business experience? He glanced at the chairman, who sat comfortably in his seat alongside the other top company officials. The major meeting had begun, and soon, the election would take place. Walang gustong kumalaban sa kapatid niyang si Uno. Dahil karamihan ay boto rito. They clearly based thei