Si Azriel Dela Vega, isang bilyonaryo sa edad na 35, ay nakatuon sa pagpapayaman at pagpapalago ng kanyang kompanya. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa isang contract marriage kay Zephyrine Rivera, isang maganda at sopistikadang babae na naghahangad din ng kapangyarihan sa negosyo. Sa kabila ng kanilang contract marriage, mayroon si Zephyrine na lihim na itinatago. Siya ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip kung saan siya ay may alter personality na nagngangalang Zaraeah. Dalawang pagkatao sa iisang katawan na magkaibang magkaiba ng ugali at paraan ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng kanilang kasunduang kasal, si Zephyrine ay may pagtingin sa kanyang kababata at Psychiatrist na si Aiden at batid ito ni Azriel subalit wala syang pakialam dahil wala naman syang nararamdaman sa kanyang asawa. Malapit na ring matapos ang kanilang kontrata sa kasal, ngunit isang pangyayari ang magbabago ng lahat. Makikilala ni Azriel si Zaraeah. Maaakit siya sa kanyang maamong mga mata at ang mga ngiting kahalihalina. Ibang-iba siya kay Zephyrine, na dominante at ambisyosa. Upang maitago ang kanyang sakit, nagpanggap si Zaraeah na kambal ni Zephyrine. Dahil dito, naging malapit sila ni Azriel, at sa kauna-unahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Azriel kay Zaraeah. Ang pag-ibig na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito, at nag-obses siya sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit ano ang mangyayari kapag nalaman ni Azriel ang katotohanan tungkol sa sakit ni Zephyrine? Paano kung malaman niyang isang imahinasyon lamang ang babaeng minamahal niya? Ano ang mangyayari sa kanilang relasyon kung malaman niya na dalawang magkaibang puso ang tumitibok sa iisang katawan? Ano ang kayang gawin ni Azriel para sa babaeng kanyang pinakamamahal at kanyang obsesyon?
View More“W-well, kahit kasal tayo hindi naman tayo close. Besides. We don't live on the same roof. So I guess I don’t have a reason to introduce my sister to you.” paliwanag ni Zephyrine.“You have a point, so anything else? Yun lang ba ang ipinunta mo rito?” walang emosyon nyang tanong.“Bakit mo ako hinahanap kahapon sa bahay? Mom told me na pumunta ka raw sa bahay at hinahanap mo ako.” tanong naman ni Zephyrine. Napaiwas naman ng tingin si Azriel pero agad naman niyang binawi tungo sa seryosong mukha ang expression ng kanyang itsura.“D-do I have a reason para hanapin ang asawa ko?” Sarkastiko naman nyang sabi.“Oh c'mon, we’re not the lovey dovey couple na maghahanapan sa isa't isa. So tell me, anong kailangan mo?”“Nothing, baka namissed lang kita.” Pang-aasar nito habang nakangisi.“Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo!” nagsimula na siyang mainis kaya iniwan niya na si Azriel at hindi naman siya pinansin ng lalake.Nang makaalis na si Zephyrine sa opisina, napahinto sya at muli nyang
Nang makarating sa clinic ni Aiden, agad siyang sinalubong ng matalik niyang kaibigan. Nakasuot ito ng puting coat, na nagbibigay diin sa kanyang pagiging psychiatrist.“There you are,” sabi ni Aiden.Naupo sila sa sofa at magkatabi na nag usap.“So bakit mo ako pinatawag? Hindi pa naman ngayon ang schedule ng session ko sayo?” tanong ni Zephyrine.“Noong time na sinundo kita sa party, lumabas kasi si Zaraeah and nagpunta kami sa department store para bilhan sya ng damit since hindi sya komportable sa suot nya then bigla syang nawala. Tapos nakita ko nalang na aksidente syang nakita ni Azriel.” Nagulat si Zephyrine sa ibinalita ni Aiden. Kinabahan sya dahil never pang nakikita ni Azriel ang katauhan nyang si Zaraeah na pinipilit nyang itago.“ So what happened?” nag aalalang tanong nya.“Like what we used to do, ipinakilala ko sya bilang kambal mo.” mas lalong nabakas sa mukha nya ang pag aalala nya. Ang kanyang mga mata ay nag-aalala habang kinagat niya ang kanyang kuko, ang kany
"Salamat," sagot ni Zephyrine.Pumasok si Zephyrine sa dining area. Naka-handa na ang hapag kainan. May sariwang prutas, pancit, at kape."Magandang umaga, anak," bati ng kanyang ina."Magandang umaga, Ina," sagot ni Zephyrine.Umupo siya sa mesa at nagsimula nang kumain. Habang kumakain, binasa niya ang mga balita sa kanyang tablet. Bilang isang sikat na social media influencer, mahalaga sa kanya na laging updated sa mga pangyayari sa mundo.Matapos ang almusal, nagsuot siya ng kanyang mga paboritong shades at naglakad palabas ng bahay. Papunta siya sa isang fashion show. Isa siya sa mga invited guest.Habang naglalakad sa daan, napansin niya ang maraming mga tao na tumitingin sa kanya. Ngumiti siya ng matamis, tulad ng lagi niyang ginagawa. Alam niyang kilala siya ng mga tao. Alam niyang may mga nagmamahal at may mga napopoot sa kanya. Pero hindi niya iyon pinapansin. Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang trabaho. Ang kanyang pasyon. Ang pagiging isang socia
Hindi maipaliwanag ni Azriel ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Para siyang nakuryente. Parang may kakaibang init na naglalakbay sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit siya naapektuhan ng sobra sa pagyakap sa kanya ni Zaraeah. Pakiramdam nya ay aatakihin na sya sa puso kaya hinawakan nya ang magkabilang balikat ni Zarraeah at inilayo nya ito sa pagkakayakap sa kanya.Halata namang nagulat si Zarraeah sa ginawa ni Azriel."Wala iyon, Zaraeah," sabi ni Azriel, pero hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang pisngi kaya naman nakayuko lang ito.“Sobra akong nag enjoy ngayon! Salamat ulit, Azriel,” sabi ni Zaraeah at binitawan na sya ni Azriel.“Anything for you, tara na gabi na baka hinahanap ka na ng magulang mo” wika ni Azriel.“Sige po.” Sumakay na sila sa sasakyan. Habang nasa sasakyan hindi naman mapigilan ni Azriel na mapatingin sa dalaga.“Azriel, dito mo nalang ako ibaba sa malayo sa bahay. Baka kasi mag isip ng kung ano sila mama kapag inihatid mo pa ako sa loob
““Nagugutom ka na ba?” tanong ni Azriel sa dalaga. Napansin niyang napaiwas ng tingin ang dalaga, na tila nahihiya magsabi.“O-okay lang, hindi pa naman po,” pautal-utal nitong sabi. Pero isang malakas na tunog ang narinig ni Azriel mula sa tiyan ng dalaga kaya nakita niyang namula si Zaraeah at napahawak sa tiyan niya.“Pero mukhang hindi iyan ang sinasabi ng tiyan mo?” nang-aasar na sabi ni Azriel kaya nakita niyang mas lalong nahiya ang dalaga kaya hindi na siya nakapagsalita.“Hahaha,” hindi na napigilan ni Azriel na matawa. “Sige na, tara na. Kumain tayo.”Dinala naman ni Azriel si Zaraeah sa isang Japanese restaurant. Nakita niya ang reaksyon ni Zaraeah; napatulala siya. “Ang dami! Hindi ko alam kung ano ang oorderin.”“Sige, pili ka lang,” sabi ni Azriel, nakangiti. “Kung ano ang gusto mo, kunin mo.”Nag-order si Zaraeah ng tempura, sushi, at ramen. Habang naghihintay ng kanilang pagkain, tinanong ni Azriel si Zaraeah. “May gusto ka pang kainin?”“Wala na, Kuya,” sagot ni Zarae
“Ma’am,” sabi ng lalaki sa labas na kaboses ni Mang Berto, kaya naman napahinto si Estella sa gagawin nitong pagpasok sa loob ng stockroom.“Nakita mo ba si Zara?” tanong ng mama ni Zaraeah.“Naku, Ma’am, wala po siya diyan. Baka po nasa labas at namasyal,” halatang pinagtatakpan siya ng lalaki.“Naku, yung batang iyon talaga. Pinapasakit ang ulo ko, sabi ko namang bawal siyang lumabas, napakatigas talaga ng ulo!” naiinis na sabi ng mama ni Zaraeah.Maya-maya ay naramdaman nina Azriel ang paghakbang palayo ng mga tao sa labas. Nakita ni Azriel na parang nabunutan ng tinik si Zaraeah at napaupo siya sa sahig.“Grabe, muntik na ako dun ah,” sabi ni Zaraeah; ang boses niya ay nanginginig pa rin. Tahimik namang tinitignan at inoobserbahan ni Azriel ang dalaga. Napansin ni Azriel na parang nakaramdam ng hiya ang dalaga, dahil namula ang mga pisngi nito.“Naku, Kuya, pasensya na nadamay pa kita. Ikaw yung kausap ni Kuya Aiden kagabi, di ba?” masiglang tanong ni Zaraeah; nagets agad ni Azrie
Kahit gabi na, nagtungo pa rin si Zaraeah sa lumang stockroom sa bandang garden nila. Isang lumang kwarto, imbakan ng mga nakalimutang alaala, na hindi na pinapansin ng kanyang ina. Nakisuyo siya kay Manong Berto, ang matagal nang katiwala ng kanilang pamilya, na ayusin ito para sa kanya.Si Manong Berto ay isa sa mga may alam sa sakit ni Zephyrine, at alam niyang isa lamang si Zaraeah na alter personality ng kanyang alaga. Pero hindi tulad ng iba, tinatrato niya si Zaraeah nang may pagmamahal, tulad ng pagtrato niya kay Zephyrine. Para kay Zaraeah, si Manong Berto at si Aiden ang tanging nagmamahal sa kanya nang walang pasubali.Para kay Zaraeah, ang kanyang mga magulang ang tanging mga taong ayaw sa kanya. Gusto nilang mawala siya, parang isang panaginip na nawawala pagkagising. Pero kahit pinagsasalitaan siya ng masasakit, hindi niya sila matiis. Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang.Binuksan niya ang stockroom at napangiti. Maayos at maganda pa rin ang mga painting na naga
"Ah, ganun ba. Ako pala ang—" sasabihin niya sana na asawa siya ng kapatid nito, pero bigla siyang nag-alangan na sabihin iyon. Inisip niyang ilang buwan na lang naman at maghihiwalay na sila."I'm Azriel," pagpapakilala niya at napangiti naman si Zaraeah sa kanya kaya nakaramdam na naman siya ng pagbilis ng tibok ng puso na hindi niya madalas maramdaman, parang isang paru-paro na naglalaro sa kanyang dibdib."Nice to meet you, Kuya Azriel," sabi niya at inilahad ang kamay niya; ang mga mata ni Zaraeah ay naglalabas ng kakaibang ningning na hindi niya maipaliwanag.Nakipagkamay si Azriel. Ang init ng palad nito'y nagpagtataka sa kanya—iba sa lamig ng kamay ni Zephyrine."Mauuna na kami," sabi ni Aiden at hinila na niya si Zaraeah palayo. Pero nakita niyang kumakaway pa rin si Zaraeah at nakatingin sa kanya, may ngiti pa rin sa labi. Tulala namang naiwan si Azriel sa kinatatayuan niya.Hindi niya maintindihan, pero bumibilis ang tibok ng puso niya habang papalayo si Zaraeah; ang ngiti
Ilang sandali pa, napagpasyahan niyang sundan ang babaeng pamilyar. Pero maya-maya'y nawala na siya sa paningin niya, sinubukan nyang hanapin ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto nyang mahanap ang babaeng iyon pero matapos ang ilang minutong paghahanap ay hindi nya talaga mahanap kaya hinayaan na lang niya ito.Bumalik nalang sya sa teddy bear station, bigla siyang nabigla sa nakita niya. Muli niyang nakita ang babaeng kamukha ni Zephyrine nasa loob ng shop ng teddy bear, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa mga nakapilang teddy bears, parang isang bata na naghahanap ng paboritong laruan. Pero hindi nya matukoy kung asawa ba nya ang babaeng ito o hindi dahil iba ang kilos nito. Parang may iba sa kanya.Nakita nyang nakangiti at masaya ang babae habang pinagmamasdan ang mga teddy bears na nasa shop. Ang mga ngiti ng babae, ang mga mata nitong kumikinang, ngayon niya lang ito nakita sa kanya. Pero gusto nyang makasigurado kung si Zephyrine nga ang nakikita nya kaya
“Bakit naman biglang umulan ngayon!” reklamo ni Azriel, pinupunasan ng kamay ang kanyang braso na basang-basa ng ulan. Kanina lang ay naglalakad sila ni Zaraeah sa isang maaliwalas na daan, ngunit bigla na lang bumuhos ang ulan. Mabilis silang tumakbo para maghanap ng masisilungan, ngunit wala namang nakita agad.“Kaya nga po eh,” tugon naman ni Zaraeah. Napalingon si Azriel sa kanya. Napansin niyang basang-basa na rin ng ulan ang damit na suot ni Zaraeah, anupat nakikita na ang panloob na damit nito.Agad na iniwas ni Azriel ang kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan, pero muli siyang napatingin kay Zaraeah habang pinupunasan nito ng panyo ang kanyang basang katawan. Parang nag-slow motion ang eksena para sa kanya. Nakaramdam siya ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso, at napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib.“Azriel, basang-basa ka na rin!” bulalas ni Zaraeah. Nakita ni Azriel si Zaraeah na kumuha ng tissue sa bag nito at pinunasan ang dibdib ni Azriel.Mas lalong bumilis an...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments