"Bakit naman biglang umulan ngayon!" reklamo ni Azriel habang pinupunasan ang basang braso. Kanina lang, tahimik silang naglalakad ni Zaraeah sa isang maaliwalas na daan, pero bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
Mabilis silang tumakbo, naghahanap ng masisilungan, pero tila malas sila ngayon—walang kahit anong matibay na bubong sa paligid. "Kaya nga po eh," sagot ni Zaraeah habang pinipisil ang kanyang mga damit na basang-basa na sa ulan. Napatingin si Azriel sa dalaga. Dumidikit na sa balat nito ang suot niyang puting blusa, aninag ang panloob na tela. Agad niyang iniwas ang tingin pero hindi niya napigilang muling lingunin ito. Para bang nag-slow motion ang lahat, at kasabay nito, naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "What the hell is this feeling?" bulong niya sa sarili. “Azriel, basang-basa ka na rin!” nag-aalalang sabi ni Zaraeah. Kinuha nito ang tissue mula sa kanyang bag at walang alinlangang pinunasan ang dibdib ni Azriel. Nagulat siya sa ginawa ng dalaga. Isang hindi maipaliwanag na init ang biglang bumalot sa kanya, na tila baga higit pa sa lamig ng ulan. Gusto niyang hawakan ang kamay ni Zaraeah, ngunit sa halip, hinawakan niya ang pulso nito upang pigilan. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Puno ng pag-aalala ang tingin ni Zaraeah, habang kay Azriel naman ay isang emosyon na hindi niya pa kailanman naramdaman. Kapwa sila namula at mabilis na nag-iwasan ng tingin. “S-sorry, you don’t have to do that,” aniya, bahagyang nahihiya. “Look at yourself, you’re drenched.” Pero nanatiling tahimik si Zaraeah. Para bang may malalim itong iniisip. “Zaraeah?” tawag ni Azriel. “Are you even listening?” Nagulat ang dalaga, para bang ngayon lang bumalik sa realidad. “A-ah! Opo!” sagot niya, halatang wala sa sarili. Azriel narrowed his eyes. "She seems a bit distracted... What is she thinking about?" “You seem out of it. Is something wrong?” “Opo, may naalala lang ako,” sagot ni Zaraeah, pero halatang iniiwasan ang tingin niya. Napansin naman ni Azriel na bahagya itong nanginginig sa lamig kaya’t hinubad niya ang kanyang coat at ipinatong sa balikat ng dalaga. “You look cold. Here, wear this.” Nagulat si Zaraeah, pero hindi na tumanggi. “Thank you po,” mahinang tugon niya. “Mahihirapan tayong bumaba ngayon. Madulas na ang daan at medyo dumidilim na rin. We should wait until the rain stops,” suhestiyon ni Azriel. Napalingon si Zaraeah sa paligid, at doon niya napansin ang isang maliit na bahay sa may di kalayuan. “Ayun! May maliit na bahay doon! Baka pwede tayong sumilong,” masiglang sabi niya. Agad silang tumakbo papunta roon. Pagdating sa harap ng pinto, marahang kumatok si Zaraeah. “Tao po? May tao po ba?” Walang tugon. Mukhang walang nakatira. “Tara na, pumasok na tayo. You’ll get sick if you stay out here any longer,” aya ni Azriel, bahagyang nag-aalala. Pagpasok nila, napansin nilang may lumang tsiminea sa isang sulok. Agad silang naghanap ng kahoy upang magpaningas ng apoy. Habang abala si Azriel sa pag-aayos ng kahoy, napansin naman ni Zaraeah ang isang banga na nakapatong sa mesa. "Ano kaya ito?" tanong niya sa sarili habang tinitignan ang loob nito. “Azriel, can I drink this?” tanong niya, nilalapit sa ilong ang banga upang amuyin ang laman. Hindi man lang lumingon si Azriel at patuloy lang sa ginagawa. “I don’t know, you tell me. If you don’t die from it, then I guess it’s fine,” sarkastikong sagot nito. Napangiwi si Zaraeah. "Napaka-antipatiko talaga nito!" Ngumisi naman si Azriel nang makita ang ekspresyon niya. Gustong-gusto niyang asarin ito. Maya-maya, nang maisindi na ni Azriel ang apoy sa tsiminea, muli niyang nilingon si Zaraeah—at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang umiinom ito mula sa banga. “Teka, what the hell are you drinking? Is that alcohol?” tanong niya at lumapit upang kunin ang inumin ng dalaga. Pero huli na. Namumula na ang pisngi ni Zaraeah, at tila bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata. “Why the hell are you drinking that?” inis na tanong ni Azriel. “Saaabeee mooo icheeck kooo kuung laaaason baa…” sagot ni Zaraeah, lasing na at halos hindi na maintindihan ang sinasabi. Napailing si Azriel. "Ano ba ‘tong babaeng ‘to?" “Tsk, sabi ko tikman mo lang, hindi laklakin!” naiinis niyang sabi. “Mahaaapdiii sssaa lalamunaaann pero ang saaaraap!” tawa ni Zaraeah, halatang tinamaan na nang husto. Napailing na lang si Azriel at inalalayan ang dalaga papunta sa harap ng apoy. "Alright, fine. Just don’t pass out on me." Lumipas ang ilang minuto. Tahimik silang nakaupo sa harap ng nagniningas na apoy, pareho nang umiinit hindi lang dahil sa apoy kundi pati na rin sa epekto ng alak. "Ang iniiit eeeeh," reklamo ni Zaraeah. "Huh? Akala ko kanina giniginaw ka?" tanong ni Azriel, ngunit bago pa siya makapagsalita pa, napamulagat siya sa nakita. Unti-unting tinatanggal ni Zaraeah ang butones ng kanyang blouse. Nanlaki ang mga mata ni Azriel. "Wait—what the hell are you doing?" taranta niyang tanong, sabay hawak sa mga kamay ng dalaga upang pigilan ito. "Ayyy, ang llaamiiiggg ehh..." bulong ni Zaraeah, sabay pisil sa braso ni Azriel at lumapit pa sa kanya. Napalunok si Azriel. Pambihira. It was at that moment he knew… He was in trouble“Ang iniiiit eeeeh,” reklamo ni Zarraeah habang napapapikit, halatang hindi na alam ang ginagawa. Napalunok si Azriel at napailing. “Naku po! Ilayo n’yo po ako sa tukso,” bulong niya habang pilit na iniiwas ang sarili. Pero nang makita niyang halos kita na ang panloob ni Zarraeah dahil nakabukas na ang mga butones ng suot nitong damit, agad niyang dinampot ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ng dalaga. “Ayoko nitooo,” reklamo ni Zarraeah at bigla niyang hinila ang kumot, tinanggal ito sa kanyang katawan. Napaurong si Azriel, pulang-pula ang mukha, at pilit na hindi tumitingin sa dalaga. Ramdam niya ang mainit na pagdaloy ng dugo sa kanyang mukha, at kahit malamig ang paligid, butil-butil ang pawis sa kanyang noo. “Bakit ka namumula?” tanong ni Zarraeah na may halong panunukso sa tinig. Napaatras si Azriel nang maramdaman niyang dumikit ang malambot na dibdib ng dalaga sa kanyang braso. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya, para bang may kumakabog na martilyo sa kanyang dib
Dalawang Buwan ang Nakalipas Sa gitna ng marangyang bulwagan, nagkalat ang mga piling panauhin, suot ang kanilang pinakamagarbong kasuotan. Ang malalaking chandelier na kristal ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa buong silid, na parang mga bituing nakabitin sa kisame. Sa isang sulok, nakatayo si Azriel Dela Vega sa tabi ng wine bar, hawak ang isang basong alak. Ang kanyang mamahaling suit ay bumagay sa kanyang matikas na tindig, lalo pang pinatingkad ng awtoridad na natural niyang isinusuot tulad ng isang korona. Pero sa kabila ng kanyang matikas na postura, panay ang tingin niya sa kanyang relo, tila may hinihintay. Sa tabi niya, nakasandal sa bar counter si Dylan, ang matalik niyang kaibigan. “Sa loob ng tatlong taon, ni katiting, wala kang naramdamang kahit ano para kay Zephyrine?” tanong ni Dylan, bahagyang nakakunot ang noo. Bahagyang natawa si Azriel at umiling. “Paano naman ako magkaka-feelings sa babaeng ’yun, bro? Halos araw-araw kaming nagbabangayan. Parang laging ma
Sa gitna ng musika at sayawan, isang matinding sakit ang biglang sumapul sa ulo ni Zephyrine. Para bang may matalim na kutsilyong bumabaon sa kanyang sentido, dahilan para mapahawak siya sa noo at bahagyang mapaluhod. "Wag naman ngayon..." pakiusap niya sa sarili, halos hindi marinig ang kanyang mahinang bulong sa sobrang ingay ng paligid. Alam niyang hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan, lalo na sa harap ni Azriel. Kailangan niyang manatiling matatag, kahit na sa loob-loob niya ay nagsisimula nang lumobo ang kanyang pangamba. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nahagip niya ang malamig ngunit matalas na tingin ni Azriel. Nakita nito ang pamumutla niya at agad siyang inalalayan, marahang hinawakan ang braso niya upang suportahan siya. "Are you okay?" tanong nito, ang boses ay bahagyang lumambot, ngunit hindi niya mabasa kung may tunay na pag-aalala sa mga mata nito o isa lamang itong pagpapakitang-tao. Hindi niya nagawang sumagot agad. Mabilis siyang pinaupo ni Azriel sa isang
Pinilit ni Zephyrine na bumaba ng hagdan kahit nanghihina. Hindi niya alintana ang pananakit ng ulo at ang panlalabo ng kanyang paningin. Ang tanging mahalaga ay makalabas siya bago pa siya mahuli ni Azriel. Sa kanyang bawat hakbang, dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib, ngunit hindi siya puwedeng huminto. Hindi ngayon.Sa labas, mabilis niyang sinuri ang paligid. Malapit lang ang isang makipot at madilim na alleyway—doon siya maaaring magtago. Alam niyang delikado, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. Nanginginig ang mga daliri niya habang tinatype ang kanyang lokasyon kay Aiden. Hindi siya sigurado kung aabot pa siya, pero ito na lang ang natitirang pag-asa niya.***********Habang nasa daan, mabilis ang pagmamaneho ni Aiden, halos lumipad ang sasakyan niya sa kalsada. Hindi niya kayang balewalain ang kaba sa kanyang dibdib, lalo na’t alam niyang nasa panganib si Zephyrine. Nang makita ang lokasyon sa kanyang phone, pinilit niyang bilisan pa lalo ang pagmamaneho. Wala siyang
Sa loob ng ilang sandali, napagpasyahan niyang sundan ang babaeng pamilyar sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero may kung anong puwersang nagtutulak sa kanya upang hanapin ito. Subalit, bago pa man siya makalapit, nawala na ito sa kanyang paningin. Sinubukan niyang hanapin, sinuyod ang bawat sulok ng lugar, ngunit bigo siyang makita ito. Sa huli, napabuntong-hininga na lang siya at nagpasiyang bumalik sa pinagmulang lugar. Pagkarating niya sa shop ng mga teddy bear, isang hindi inaasahang tagpo ang bumungad sa kanya. Muli niyang nakita ang babaeng kamukha ni Zephyrine—nakatayo sa harapan ng hanay ng mga stuffed toys, tila isang batang sabik na pumipili ng paborito niyang laruan. Ngunit may kakaiba sa kanya—sa kilos, sa paraan ng kanyang pagtitig, sa ngiti na hindi niya kailanman nakita mula sa kanyang asawa. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Ang mga mata ng babae ay kumikislap sa saya habang tinatanaw ang mga teddy bear, at sa loob lamang ng ilang saglit, napansin niya
"Ah, ganun ba? Ako pala ang—" Sasambitin na sana ni Azriel ang tungkol sa pagiging asawa niya ng kambal nito, pero may kung anong pumigil sa kanya. Anong silbi ng pagbanggit kung ilang buwan na lang ay maghihiwalay rin sila? Walang saysay. Sa halip, inilabas niya ang kamay niya at nagpakilala. “I'm Azriel.” Napangiti si Zaraeah. Isang inosenteng ngiti na tila walang bahid ng bigat ng mundo. “Nice to meet you, Kuya Azriel,” aniya bago niya inilahad ang kanyang maliit at malamig na kamay. Para bang bumilis ang pintig ng puso ni Azriel sa saglit na iyon. Nang magdikit ang kanilang mga palad, isang kakaibang init ang dumaloy sa kanyang balat—mainit pero magaan, parang isang marahang haplos ng hangin. “Kuya?” bulong niya sa sarili. Walang kahit sinong babae ang tumawag sa kanya ng ganito. Mas lalo siyang naguluhan. Hindi ito ang Zephyrine na kilala niya. Agad namang sumingit si Aiden at hinila palayo si Zaraeah. “Mauuna na kami.” Bago pa tuluyang lumayo, lumingon muli si Zaraeah at k
Tahimik ang gabi, pero hindi ang damdamin ni Zaraeah. Sa kabila ng pagod, hindi pa rin siya makatulog. May kung anong bumabagabag sa kanya—parang may bahagi ng sarili niya na naghahanap ng kasiguraduhan. Kaya sa halip na manatili sa kanyang silid, nagtungo siya sa isang lugar na matagal nang nagsilbing kanlungan niya. Sa dulo ng hardin ng kanilang mansyon, naroon ang isang lumang stockroom—isang imbakan ng mga nakalipas na alaala. Isang kwarto na matagal nang kinalimutan ng kanyang ina, pero hindi ng kanyang puso. “Manong Berto,” mahinahon niyang tawag nang madaanan ang maliit na bahay ng matanda. Sa kabila ng dilim, agad siyang napansin ng matandang katiwala ng kanilang pamilya. Si Manong Berto—ang tanging taong, bukod kay Aiden, na tinatrato siya bilang isang tunay na tao, hindi bilang isang anino ni Zephyrine. “Aba, Zara,” bati nito, may bahagyang ngiti sa labi. “Gising ka pa?” Tumango siya. “Gusto ko lang pong bumisita sa stockroom.” Alam ni Manong Berto ang ibig niyang sabi
“Ma’am,” tawag ng lalaki mula sa labas. Napahinto si Zaraeah sa pagpasok niya sa stockroom. Kilala niya ang boses na iyon—si Mang Berto. “Nakita mo ba si Zara?” tanong ng mama niya, si Tita Elena, halatang iritado. “Naku, Ma’am, wala po siya rito. Baka nasa labas at namasyal,” sagot ni Mang Berto, halatang pinagtatakpan siya. “Naku, yung batang ‘yon talaga! Pinapasakit ang ulo ko. Sabi ko nang bawal siyang lumabas, napakatigas talaga ng ulo!” reklamo ni Tita Elena. Tahimik na nakikinig sina Azriel at Zaraeah mula sa loob. Narinig nilang unti-unting lumalayo ang yabag ng mga paa, senyales na lumayo na si Tita Elena at ang iba pang kasambahay. Napabuntong-hininga si Zaraeah at napaupo sa sahig. Ramdam ni Azriel ang tensyon sa katawan nito—parang ilang segundong naglakbay ang kaluluwa niya sa peligro. “Grabe, muntik na ako dun ah,” bulong ni Zaraeah, nanginginig pa rin ang boses. Tahimik lang si Azriel habang inoobserbahan siya. Napansin niyang namumula ang pisngi ng dalaga, halat
Azriel froze.The world stopped.At ang tanging narinig niya ay ang munting iyak ng kanilang baby."Congratulations! It’s a baby girl!"Dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ni Azriel habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "Oh my God… she's here…"Ngunit hindi pa sila tapos."Okay, Mr. Dela Vega, isa pa!" sabi ng doktor.Napabalikwas ulit si Azriel. "Ha?! May isa pa?!"Napairap si Zarraeah sa kabila ng pagod. "TWINS, AZRIEL! TWINS! KUNG GUSTO MONG BUMUO NG TEAM, TAPUSIN MO NA ANG ARENA TOUR MO NGAYON!"Muling napahawak si Azriel sa kamay niya, halos mapaigtad ulit nang lalo pang lumakas ang kapit ng asawa. "Yes, yes, love! Kaya mo 'to! Isa pa, promise, tapos na!"At isang huling pag-ire pa, isang panibagong iyak ang pumuno sa silid."Congratulations! A healthy baby boy!"Azriel was speechless.Napaluhod siya sa tabi ni Zarraeah, humahagulgol na parang bata habang hinahalikan ang kamay ng asawa. "Love… you did it. We did it."Napahinga nang malalim si Zarraeah, pagod na pagod ng
Maagang nagising si Azriel, puno ng sigla habang naghahanda ng almusal para kay Zarraeah. Naka-apron pa siya, seryosong nagpiprito ng bacon habang sinisiguradong perfect ang sunny-side-up eggs. Everything had to be perfect—his wife was carrying their twins, and he wanted to make her morning special."Hmm, smells good," narinig niyang mahinang bulong ni Zarraeah mula sa likod niya. Napangiti siya at lumingon, pero bago pa siya makapagsalita, bigla siyang natigilan.Napangiwi si Zarraeah, hawak ang tiyan. "Azriel... I think my water just broke."Nanlaki ang mga mata ni Azriel, napaatras siya at natabig ang frying pan. "WHAT?!""My. Water. Just. Broke." Inulit ni Zarraeah, mas mabagal, habang pilit na pinapanatili ang kalmado.Nataranta si Azriel. "Oh my God. Okay! Okay! Ano'ng gagawin ko?!""Dadalhin mo ako sa ospital?" sagot ni Zarraeah, kunot-noo pero halatang inaaliw ang sarili sa kakulitan ng asawa."Yes! Yes! Ospital!" Nagsimula siyang maglakad papunta sa pinto, pero walang sapatos
Habang tinatanggap nina Azriel at Zarraeah ang pagbati ng kanilang mga bisita, hindi maitatanggi ang saya sa kanilang mga mata. Hawak ni Azriel ang kamay ng kanyang asawa, mahigpit ngunit may banayad na pag-iingat, parang natatakot siyang mawala ito sa kanya muli."Are you happy?" bulong ni Azriel habang nakatitig kay Zarraeah.Zarraeah smiled softly, hinayaan ang sarili niyang lumubog sa init ng pagmamahal ni Azriel. "More than I ever thought I could be."Azriel’s lips curled into a soft smile, then he tightened his grip on her hand. "Good. Because I'm never letting you go."---Nagpatugtog ng isang romantic song at tinawag ng host ang bagong kasal para sa kanilang first dance. Tumayo sila sa gitna ng dance floor habang pinapalibutan ng mga ilaw at petals na unti-unting bumabagsak mula sa itaas.Azriel pulled Zarraeah close, wrapping his arms around her waist. Zarraeah rested her hands on his chest, feeling the strong, steady beat of his heart."You look stunning, Mrs. Dela Vega," bu
Samantala, nakatayo si Aiden sa loob ng isang sikat na unibersidad sa Amerika, hawak ang isang stack ng books habang lumalakad palabas ng library. Matagal na rin mula nang umalis siya sa Pilipinas, at sa kabila ng lahat ng nangyari, alam niyang kailangan niya itong gawin—para sa sarili niya, para sa bagong simula.Ngunit kahit anong pilit niyang ituon ang sarili sa pag-aaral, hindi niya maiwasang mapaisip tungkol sa nakaraan. Kay Zarraeah. Kay Zephyrine. Sa lahat ng hinanakit at pagsubok na pinagdaanan nila.Huminga siya nang malalim at itinulak ang pinto palabas ng gusali. At doon, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya siya.Isang babae ang nakatayo sa may courtyard, tila may hinahanap sa loob ng kanyang bag. Mahangin ang paligid, at bahagyang lumipad ang kanyang buhok, dahilan upang mas lumitaw ang kanyang maamong mukha.Napahinto si Aiden.Ang puso niya ay biglang bumilis ang tibok.Mula sa malayo, para siyang si Zarraeah—ang bawat kilos, ang postura, maging ang paraan ng pa
Ang araw na hinihintay ni Azriel ay dumating na. Lahat ng plano niya, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay nasa lugar na. Isang napakagandang garden venue sa isang private resort ang pinili nila para sa proposal—punong-puno ng fairy lights, eleganteng mga bulaklak, at isang intimate na ambiance na perpektong akma sa gabing ito.Si Miguel ang nag-asikaso ng security at VIP treatment ng mga guests. Si Dylan ang nag-manage ng decorations, ensuring na perpekto ang romantic setup. Si Nagi naman ang nag-aasikaso ng musical arrangement, kasama ang isang violinist na tutugtog ng romantic melody habang nangyayari ang proposal.---Sa Hotel Room ni Zarraeah“Bakit kailangan ko pa talagang mag-dress up?” reklamo ni Zarraeah habang nakatingin sa sarili sa salamin. Suot niya ang isang eleganteng white dress na may soft, flowy fabric, na lalong nagpapatingkad sa kanyang natural na ganda.Tumawa si Serenity habang inaayos ang buhok niya. “Wala namang masama kung maganda ka, ‘di ba? Special dinner lan
Maagang nagising si Azriel kinabukasan, pero hindi niya inalis ang braso niyang nakayakap kay Zarraeah. Pinagmasdan niya ito—ang mapayapang mukha nito habang natutulog, ang bahagyang pagtaas-baba ng dibdib nito sa bawat hininga.He smiled. After everything, she was finally his again.Dahan-dahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakalugay sa pisngi nito bago niya marahang hinalikan ang noo nito. Pero nang gumalaw si Zarraeah at bahagyang dumilat ang mga mata nito, napangisi si Azriel.“Good morning, Mrs. Dela Vega,” he whispered in a teasing voice.Napakislot si Zarraeah, at nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Azriel malapit sa kanya, agad siyang bumalikwas ng bangon, hinatak ang kumot para itakip sa katawan. “Azriel!” she gasped, her face turning red in an instant.Tumawa si Azriel sa reaksyon nito, halatang natutuwa sa hiya ni Zarraeah. “Bakit parang nagulat ka? Gabi pa lang, alam mo na namang hindi ka na makakatakas sa akin.”“Shut up,” she mumbled, avoiding his gaz
Ang araw na hinihintay ni Azriel ay dumating na. Lahat ng plano niya, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay nasa lugar na. Isang napakagandang garden venue sa isang private resort ang pinili nila para sa proposal—punong-puno ng fairy lights, eleganteng mga bulaklak, at isang intimate na ambiance na perpektong akma sa gabing ito.Si Miguel ang nag-asikaso ng security at VIP treatment ng mga guests. Si Dylan ang nag-manage ng decorations, ensuring na perpekto ang romantic setup. Si Nagi naman ang nag-aasikaso ng musical arrangement, kasama ang isang violinist na tutugtog ng romantic melody habang nangyayari ang proposal.---____“Bakit kailangan ko pa talagang mag-dress up?” reklamo ni Zarraeah habang nakatingin sa sarili sa salamin. Suot niya ang isang eleganteng white dress na may soft, flowy fabric, na lalong nagpapatingkad sa kanyang natural na ganda.Tumawa si Serenity habang inaayos ang buhok niya. “Wala namang masama kung maganda ka, ‘di ba? Special dinner lang naman ‘to.”Si Xena
Maagang nagising si Azriel kinabukasan, pero hindi niya inalis ang braso niyang nakayakap kay Zarraeah. Pinagmasdan niya ito—ang mapayapang mukha nito habang natutulog, ang bahagyang pagtaas-baba ng dibdib nito sa bawat hininga.He smiled. After everything, she was finally his again.Dahan-dahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakalugay sa pisngi nito bago niya marahang hinalikan ang noo nito. Pero nang gumalaw si Zarraeah at bahagyang dumilat ang mga mata nito, napangisi si Azriel.“Good morning, Mrs. Dela Vega,” he whispered in a teasing voice.Napakislot si Zarraeah, at nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Azriel malapit sa kanya, agad siyang bumalikwas ng bangon, hinatak ang kumot para itakip sa katawan. “Azriel!” she gasped, her face turning red in an instant.Tumawa si Azriel sa reaksyon nito, halatang natutuwa sa hiya ni Zarraeah. “Bakit parang nagulat ka? Gabi pa lang, alam mo na namang hindi ka na makakatakas sa akin.”“Shut up,” she mumbled, avoiding his gaz
Tahimik na nakatingin si Zarraeah kay Azriel, hindi makapaniwala sa mga salitang binitiwan nito."Because I love you, Zarraeah. And I want to make you fall in love with me again."Mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil sa kaba, sa gulat, o sa kilig na pilit niyang isinasantabi mula pa noon.Hindi siya nakasagot. Paano nga ba? Kapag tinititigan siya ni Azriel nang ganoon, parang natutunaw ang lahat ng depensang itinayo niya.Tiningala niya ito. "Azriel..."Ngunit bago pa niya maituloy ang sasabihin, hinaplos nito ang pisngi niya—banayad, halos parang panaginip."I missed you." Mahinang bulong ni Azriel, puno ng emosyon ang boses.Napapikit si Zarraeah nang maramdaman ang init ng palad nito sa balat niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong pumunit sa loob niya."Mahal mo siya."Hindi na niya kailangang itanggi. Hindi na niya kailangang lumaban.Dahan-dahan siyang lumapit. At bago pa man niya mapigilan ang sarili, nadama na niya ang labi ni Azriel