Pinilit ni Zephyrine na bumaba ng hagdan kahit nanghihina. Hindi niya alintana ang pananakit ng ulo at ang panlalabo ng kanyang paningin. Ang tanging mahalaga ay makalabas siya bago pa siya mahuli ni Azriel. Sa kanyang bawat hakbang, dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib, ngunit hindi siya puwedeng huminto. Hindi ngayon.
Sa labas, mabilis niyang sinuri ang paligid. Malapit lang ang isang makipot at madilim na alleyway—doon siya maaaring magtago. Alam niyang delikado, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. Nanginginig ang mga daliri niya habang tinatype ang kanyang lokasyon kay Aiden. Hindi siya sigurado kung aabot pa siya, pero ito na lang ang natitirang pag-asa niya.
***********
Habang nasa daan, mabilis ang pagmamaneho ni Aiden, halos lumipad ang sasakyan niya sa kalsada. Hindi niya kayang balewalain ang kaba sa kanyang dibdib, lalo na’t alam niyang nasa panganib si Zephyrine. Nang makita ang lokasyon sa kanyang phone, pinilit niyang bilisan pa lalo ang pagmamaneho. Wala siyang pakialam kung lumabag siya sa ilang traffic rules, ang mahalaga ay makarating siya sa kaibigan bago mahuli ang lahat.
Pagdating niya sa lokasyon, dali-dali siyang bumaba ng sasakyan. Inikot niya ang paningin sa paligid, hinanap si Zephyrine. Ilang saglit lang, nakita niya ito sa isang sulok, namumutla, hirap na hirap huminga. Para bang sa isang iglap ay nawala ang lahat ng tunog sa paligid—tanging paghinga ni Zephyrine ang naririnig niya.
"Zephyrine!" Tawag niya habang mabilis na lumapit. Hindi na niya inalintana kung may nakakakita sa kanila.
Nang mahawakan niya ang kamay nito, ramdam niya ang panlalamig ng balat niya. "Halika na," malambing ngunit puno ng pag-aalalang sabi niya. "Kailangan nating umalis dito."
Sa halip na sumagot, napapikit na lang si Zephyrine. Bumagsak ang kanyang katawan sa bisig ni Aiden.
"Zephyrine!" Napalakas ang sigaw niya. Agad niyang niyakap ito, isinandal sa kanyang dibdib, at walang pag-aalinlangang binuhat papunta sa kanyang sasakyan. Mabilis niyang binuksan ang pinto at maingat na inihiga siya sa passenger seat. Bago paandarin ang sasakyan, tinitigan niya ang kaibigan, hindi maitago ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Alam niyang hindi lang ito basta simpleng panghihina. Alam niya ang totoong dahilan.
************
Matagal na niyang alam ang lihim ni Zephyrine. Hindi ito simpleng pagod o stress—may sakit ito na pilit niyang itinago sa mundo. Si Zephyrine ay may Dissociative Identity Disorder.
Lumaki siyang alam ang bigat ng pasanin ng kaibigan. Nakita niya kung paano ito trinato ng sariling pamilya—mas mahalaga sa kanila ang pangalan at negosyo kaysa sa kalusugan ng anak nila. Kaya naman, pinilit niyang aralin ang Psychology at Medicine upang matulungan ito. Ngunit kahit gaano pa niya subukang protektahan si Zephyrine, alam niyang hindi niya ito palaging maililigtas.
At ngayon, isa na namang bahagi ng kanyang pagkatao ang muling nagising.
Habang nagmamaneho siya, napansin niyang gumalaw si Zephyrine. Nang dumilat ito, hindi ang malamig at matapang na titig ni Zephyrine ang bumungad sa kanya—kundi ang maamo at inosenteng mga mata ni Zarraeah.
"Aiden..." Mahinang tawag nito, tila naguguluhan pa sa kanyang paligid.
Ngumiti si Aiden, kahit may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata. "Zarraeah... gising ka na."
Sanay na siyang makaharap si Zarraeah. Kilala niya ito—ang kabaligtaran ni Zephyrine. Kung si Zephyrine ay palaban at matigas, si Zarraeah naman ay mahinhin at masayahin. Magkaiba sila sa maraming aspeto, kahit pa iisa lang ang kanilang katawan.
***************
Hindi nagtagal, huminto sila sa isang department store. Naiilang si Zarraeah sa suot niyang backless dress kaya minabuti nilang bumili ng mas komportableng damit para sa kanya. Habang naghahanap ng isusuot, hindi maiwasan ni Aiden na mapansin kung gaano siya kaiba kay Zephyrine.
Nang lumabas ito mula sa fitting room, nakasuot na siya ng puting puff blouse at pink na floral skirt. Ang kanyang buhok ay naka-braid sa magkabilang gilid, at sa kanyang paa ay isang pares ng puting rubber shoes. Tila ibang tao ang kaharap niya. Kung si Zephyrine ay elegante at laging pormal ang pananamit, si Zarraeah naman ay simple at payak, ngunit may sariling kagandahan.
Napangiti si Aiden. "Bagay sa'yo."
Napangiti rin si Zarraeah. "Talaga? Salamat, Aiden."
"Dito ka lang muna, magbabayad lang ako," bilin niya, bago nagtungo sa cashier.
Ngunit nang lingunin niya ito makalipas ang ilang minuto, wala na siya sa kinatatayuan niya.
Napamulagat si Aiden. "Zarraeah?"
Agad siyang naghanap, sinisilip ang bawat sulok ng tindahan. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin niya. Lalo na ngayon.
*****************Samantala, si Azriel naman ay hindi na rin nagtagal sa party. Hindi talaga siya mahilig sa ganoong klaseng pagtitipon—ang tanging dahilan lang niya sa pagdalo ay ang pakikisalamuha sa mga taong may halaga sa negosyo niya. Ngunit ngayong natapos na ang kanyang pakay, minabuti na niyang umalis.
Habang nasa daan, naisipan niyang dumaan sa isang mall upang bumili ng regalo para sa mga anak ng kanyang nag-iisang pamangkin, si Serenity. Mahal na mahal niya ang mga ito, at kahit gaano pa siya kaabala sa trabaho, palagi siyang gumagawa ng paraan upang mapasaya sila.
Habang naglalakad sa mall, napansin niya ang isang babae sa di-kalayuan.
Napakunot-noo siya.
"Si Zephyrine ba 'yun?" Mahinang bulong niya sa sarili.
Ngunit may kakaiba—ang suot nito ay malayo sa pormal at sophisticated na imahe ni Zephyrine. Imbes na high heels at corporate attire, isang simpleng floral skirt at puting blouse ang suot nito. May maliit pang ngiti sa kanyang labi, bagay na bihirang-bihira niyang makita kay Zephyrine.
Hindi niya maiwasang magtaka. Bakit ganito ang itsura niya? At higit sa lahat... bakit parang ibang-iba ang dating niya?
Hindi niya napigilan ang sarili—sinundan niya ito.
At sa bawat hakbang niya papalapit, isang kakaibang kaba ang namuo sa kanyang dibdib.
Sa loob ng ilang sandali, napagpasyahan niyang sundan ang babaeng pamilyar sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero may kung anong puwersang nagtutulak sa kanya upang hanapin ito. Subalit, bago pa man siya makalapit, nawala na ito sa kanyang paningin. Sinubukan niyang hanapin, sinuyod ang bawat sulok ng lugar, ngunit bigo siyang makita ito. Sa huli, napabuntong-hininga na lang siya at nagpasiyang bumalik sa pinagmulang lugar. Pagkarating niya sa shop ng mga teddy bear, isang hindi inaasahang tagpo ang bumungad sa kanya. Muli niyang nakita ang babaeng kamukha ni Zephyrine—nakatayo sa harapan ng hanay ng mga stuffed toys, tila isang batang sabik na pumipili ng paborito niyang laruan. Ngunit may kakaiba sa kanya—sa kilos, sa paraan ng kanyang pagtitig, sa ngiti na hindi niya kailanman nakita mula sa kanyang asawa. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Ang mga mata ng babae ay kumikislap sa saya habang tinatanaw ang mga teddy bear, at sa loob lamang ng ilang saglit, napansin niya
"Ah, ganun ba? Ako pala ang—" Sasambitin na sana ni Azriel ang tungkol sa pagiging asawa niya ng kambal nito, pero may kung anong pumigil sa kanya. Anong silbi ng pagbanggit kung ilang buwan na lang ay maghihiwalay rin sila? Walang saysay. Sa halip, inilabas niya ang kamay niya at nagpakilala. “I'm Azriel.” Napangiti si Zaraeah. Isang inosenteng ngiti na tila walang bahid ng bigat ng mundo. “Nice to meet you, Kuya Azriel,” aniya bago niya inilahad ang kanyang maliit at malamig na kamay. Para bang bumilis ang pintig ng puso ni Azriel sa saglit na iyon. Nang magdikit ang kanilang mga palad, isang kakaibang init ang dumaloy sa kanyang balat—mainit pero magaan, parang isang marahang haplos ng hangin. “Kuya?” bulong niya sa sarili. Walang kahit sinong babae ang tumawag sa kanya ng ganito. Mas lalo siyang naguluhan. Hindi ito ang Zephyrine na kilala niya. Agad namang sumingit si Aiden at hinila palayo si Zaraeah. “Mauuna na kami.” Bago pa tuluyang lumayo, lumingon muli si Zaraeah at k
Tahimik ang gabi, pero hindi ang damdamin ni Zaraeah. Sa kabila ng pagod, hindi pa rin siya makatulog. May kung anong bumabagabag sa kanya—parang may bahagi ng sarili niya na naghahanap ng kasiguraduhan. Kaya sa halip na manatili sa kanyang silid, nagtungo siya sa isang lugar na matagal nang nagsilbing kanlungan niya. Sa dulo ng hardin ng kanilang mansyon, naroon ang isang lumang stockroom—isang imbakan ng mga nakalipas na alaala. Isang kwarto na matagal nang kinalimutan ng kanyang ina, pero hindi ng kanyang puso. “Manong Berto,” mahinahon niyang tawag nang madaanan ang maliit na bahay ng matanda. Sa kabila ng dilim, agad siyang napansin ng matandang katiwala ng kanilang pamilya. Si Manong Berto—ang tanging taong, bukod kay Aiden, na tinatrato siya bilang isang tunay na tao, hindi bilang isang anino ni Zephyrine. “Aba, Zara,” bati nito, may bahagyang ngiti sa labi. “Gising ka pa?” Tumango siya. “Gusto ko lang pong bumisita sa stockroom.” Alam ni Manong Berto ang ibig niyang sabi
“Ma’am,” tawag ng lalaki mula sa labas. Napahinto si Zaraeah sa pagpasok niya sa stockroom. Kilala niya ang boses na iyon—si Mang Berto. “Nakita mo ba si Zara?” tanong ng mama niya, si Tita Elena, halatang iritado. “Naku, Ma’am, wala po siya rito. Baka nasa labas at namasyal,” sagot ni Mang Berto, halatang pinagtatakpan siya. “Naku, yung batang ‘yon talaga! Pinapasakit ang ulo ko. Sabi ko nang bawal siyang lumabas, napakatigas talaga ng ulo!” reklamo ni Tita Elena. Tahimik na nakikinig sina Azriel at Zaraeah mula sa loob. Narinig nilang unti-unting lumalayo ang yabag ng mga paa, senyales na lumayo na si Tita Elena at ang iba pang kasambahay. Napabuntong-hininga si Zaraeah at napaupo sa sahig. Ramdam ni Azriel ang tensyon sa katawan nito—parang ilang segundong naglakbay ang kaluluwa niya sa peligro. “Grabe, muntik na ako dun ah,” bulong ni Zaraeah, nanginginig pa rin ang boses. Tahimik lang si Azriel habang inoobserbahan siya. Napansin niyang namumula ang pisngi ng dalaga, halat
Napansin ni Azriel ang pag-iwas ng tingin ni Zarraeah, tila may gustong sabihin pero pinipigilan ang sarili. May bahagyang pamumula sa kanyang pisngi, at ang mga mata niya ay hindi mapakali. “Nagugutom ka na ba?” tanong ni Azriel, bahagyang nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang reaksyon ng dalaga. “O-okay lang, hindi pa naman po,” pautal-utal na sagot ni Zarraeah. Ngunit halos kasabay ng kanyang pagsasalita ay ang malakas na pag-ugong ng kanyang tiyan, sapat upang marinig ni Azriel. Napamulagat si Zarraeah at agad na napahawak sa kanyang tiyan, tila nagbabakasakaling mapigil nito ang tunog. Mabilis na namula ang kanyang mukha at pilit na umiwas ng tingin. Azriel smirked. “But it seems like your stomach is saying otherwise.” Mas lalong napayuko si Zarraeah, hindi alam kung paano itatago ang kanyang kahihiyan. Napatawa si Azriel. “Hahaha! Come on, let’s eat.” --- Pagdating nila sa isang Japanese restaurant, agad na napatulala si Zarraeah sa dami ng pagkaing nasa menu. Kitang
Hindi maipaliwanag ni Azriel ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Para siyang nakuryente sa pagyakap ni Zarraeah—parang may kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naapektuhan nang ganoon. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, kaya’t agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Zarraeah at marahang inilayo ito. Nagulat naman ang dalaga sa naging kilos niya. "Wala iyon, Zarraeah," aniya, pilit na pinapanatili ang kanyang boses na kalmado. Pero hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang pisngi kaya napayuko na lang siya. Napangiti naman si Zarraeah. "Sobra akong nag-enjoy ngayon! Salamat ulit, Azriel," aniya bago tuluyang bumitaw sa kanya. "Anything for you," sagot ni Azriel, bahagyang umiwas ng tingin. "Tara na, gabi na. Baka hinahanap ka na ng magulang mo." “Sige po.” Sumakay na sila sa sasakyan, at habang nagmamaneho, hindi maiwasan ni Azriel na sulyapan ang dalaga. May kakaiba sa kanya—isang misteryong hindi
Chapter 10Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata, agad na bumungad kay Zephyrine ang matinding sakit sa kanyang katawan. Parang binagsakan siya ng mabigat na bato—ang bawat kalamnan niya ay tila nagrereklamo sa bawat kilos na kanyang gawin.“Ouch…” daing niya, marahang hinaplos ang kanyang nananakit na pisngi.Napangiwi siya habang dahan-dahang bumangon mula sa kama. Pakiramdam niya ay parang hindi siya nakapagpahinga nang maayos kahit na mahaba naman ang oras ng kanyang tulog. Ngunit ang mas nakakainis ay hindi niya maalala kung anong nangyari bago siya nakatulog. Bakit parang bugbog ang katawan niya? Bakit pakiramdam niya ay may nangyari kagabi na hindi niya maalala?Napailing siya at pilit na inalis ang gumugulo sa kanyang isipan. Siguro ay napagod lang siya nang husto.Dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Ang malamig na tubig mula sa shower ay bahagyang nagbigay ng ginhawa sa kanyang namamagang katawan, ngunit hindi nito tuluyang nawala ang kirot na bumabalot
Pagkarating ni Zephyrine sa klinika ni Aiden, agad siyang sinalubong nito. Nakatayo ang binata sa may pinto, suot ang puting coat na lalong nagpapatingkad sa kanyang pagiging psychiatrist. May bahagyang kunot sa kanyang noo, tila may iniisip na malalim. “There you are,” anito, nakatingin sa kanya na para bang may gusto itong sabihin pero nag-aalangan. Naupo sila sa malambot na sofa ng clinic, at ramdam ni Zephyrine ang pag-aalalang bumabalot kay Aiden. “So, bakit mo ako pinatawag? Hindi pa naman ngayon ang schedule ng session ko sa'yo,” tanong niya, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses. Aiden sighed, his fingers tapping lightly against the armrest of the couch. “Noong hinatid kita sa party, lumabas si Zarraeah. She wasn’t comfortable with what you were wearing, so we went to the department store to buy her clothes.” Tumigil ito saglit bago nagpatuloy, “Then, bigla na lang siyang nawala. The next thing I knew, nakita siya ni Azriel.” Nanlamig ang pakiramdam ni Zephyrine s
Tahimik na pumasok si Zarraeah sa bahay ni Azriel. Madilim pa ang paligid, ngunit alam niyang gising pa ito. Napansin niyang nakaupo ito sa balkonahe, nakatingin sa kawalan na parang may hinihintay. Nang marinig ang kanyang mga yapak, agad itong napalingon.Hindi na nagdalawang-isip si Azriel. Agad siyang tumayo at niyakap siya nang mahigpit, parang takot na baka bigla siyang maglaho."I thought you wouldn't come back," mahina niyang bulong habang nakayakap pa rin.Napapikit si Zarraeah, hinayaang maramdaman ang init ng katawan nito. “Sinabi ko sa’yo, babalik ako, ‘di ba?”Bahagyang lumayo si Azriel upang tingnan siya sa mata, hinawakan ang kanyang mukha at pinag-aralan ang bawat bakas ng pagod sa kanyang ekspresyon.“Zarraeah… tell me the truth.”“Anong totoo?” pilit niyang inilayo ang tingin.Hinaplos ni Azriel ang pisngi niya, waring hinihikayat siyang huwag umiwas. “Something feels off. Every time I see you, it feels like you're slipping away. I don’t know why, but it scares me. W
Chapter 55Tahimik ang buong bahay ni Azriel nang gabing iyon. Wala siyang ibang kasama kundi ang alak sa kanyang lamesa at ang walang katapusang pag-iisip tungkol kay Zarraeah. Ilang araw na siyang halos hindi makatulog, hindi makakain ng maayos—wala siyang ibang hinahanap kundi siya.Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang mahina ngunit pamilyar na pagkatok ang umalingawngaw sa kanyang pintuan.Agad siyang bumangon, ang puso niya’y biglang bumilis ang tibok. Hindi maaaring siya iyon… Imposible.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at sa pagbukas nito, tumambad sa kanya ang isang imahe na matagal na niyang hinahangad na makita.Si Zarraeah.Nakatayo ito sa harapan niya, nakasuot ng manipis na puting dress, ang kanyang mahahabang buhok ay malayang nilalaro ng hangin. Ang kanyang mga mata—ang mga matang matagal nang sumasagi sa panaginip ni Azriel—ay nakatitig sa kanya nang may halong pangungulila at pananabik.“Azriel…” mahina niyang tawag.Para bang tumigil ang mundo ni Azrie
Ilang araw nang hindi lumalabas ng kwarto si Zephyrine, kaya naman nagdesisyon si Aiden na bisitahin siya. Pagdating niya sa bahay, nakita niyang parang napabayaan na ang hitsura ni Zephyrine—halatang hindi siya natutulog ng maayos at matagal nang nakatambay sa kwarto, parang napuno na siya ng bigat. Pakiramdam niya, overwhelmed na siya sa lahat ng nangyari.Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nakita niyang nakahiga lang si Zephyrine, ang mata’y malalim, tila wala nang ganang gumalaw. Nang makita siya, lumapit si Aiden at tinanong ito. "Zephyrine, anong nangyari? Alam kong may mabigat kang dinadala. Huwag mong itago sa’kin."Napansin ni Zephyrine ang mga mata ni Aiden na puno ng malasakit. Nahihiya siya, lalo na’t alam niyang may nangyari sa pagitan nila ni Azriel. Hindi niya kayang aminin kay Aiden ang lahat ng nangyari, natatakot siyang magbago ang tingin nito sa kanya.“Zephyrine,” Aiden said softly, "I’m here. Just tell me what’s going on. You don’t need to carry this alone."
Chapter 53 (Revised)Nagmamadali si Azriel papunta sa mansyon ng Rivera, ang bawat hakbang ay mabigat, ngunit determinado. Alam niyang galit na galit ang mga magulang ni Zephyrine sa kanya, at kahit na alam niyang magkakaroon ng consequences, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ay si Zarraeah. Wala nang ibang gusto kundi makita siya, maramdaman siyang buhay, at alam niyang handa niyang gawin ang lahat para sa kanya.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Luis, ang mukha nito ay puno ng galit. Bago pa siya makapagsalita, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang panga. Hindi na nakapagsalita si Azriel, tumilapon siya sa gilid at naramdaman ang sakit ng suntok. Pero kahit na ang mukha niya’y masakit, ang nararamdaman niyang sakit sa puso ang pinakamabigat—ang takot na baka tuluyan na siyang mawala si Zarraeah.“Wala kang karapatan dito!” sigaw ni Luis, tinutukod siya ng lakas. “Ang lakas ng loob mong humarap dito after everything?!”Nagngangalit si Azri
Chapter 52Pagpasok ni Zephyrine sa bahay, agad na sinalubong siya ni Luis, na puno ng alala. "Zephyrine, anak, saan ka ba nagpunta? Dalawang araw kang nawawala. Si Zarraeah, wala ring balita. Anong nangyari?" tanong ni Luis, puno ng pag-aalala.Hindi makatingin si Zephyrine. Nasa ilalim pa siya ng matinding emotional turmoil. Pinagtagpi-tagpi niyang mga alaalang nangyari, at hindi pa siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa."Pa... Ma," nagsimula siya, "I have to tell you the truth... about Azriel and Zarraeah."Nag-angat ng tingin si Estella, ang mukha’y puno ng tanong at hindi maipaliwanag na galit. "Ano ang ibig mong sabihin?""I... I know the real reason why Azriel wants to separate from me," Zephyrine continued. "He doesn’t want me anymore. He wants Zarraeah."Puno ng gulat si Luis, hindi makapaniwala sa mga salitang narinig. "What? Azriel, the man you’ve been married to all these years... he wants... her?" tanong niya, ang boses ay puno ng kalitu
Tahimik ang gabi, tanging ang banayad na paggalaw ng kurtina ang maririnig habang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Sa loob ng dimly lit na kwarto ni Azriel, ang gintong liwanag mula sa bedside lamp ay lumilikha ng mahabang anino sa dingding, sumasayaw gaya ng mga hindi masabing damdamin sa pagitan nilang dalawa.Nakayakap si Zarraeah kay Azriel, ang daliri niya’y nagdodrawing ng patterns sa hubad nitong dibdib. Nakikinig siya sa rhythmic beat ng puso nito, ninanamnam ang init ng katawan niyang nakapulupot sa kanya. Parang ang moment na ito ay isang panaginip—silang dalawa lang, nakakulong sa katahimikan ng gabi. Pero sa loob niya, isang bagyong hindi niya kayang pigilan.Ito na ang huling gabi.Ayaw niyang masayang ang kahit isang segundo.Dahan-dahan siyang gumalaw, hinalikan ang gitna ng dibdib ni Azriel, ang hininga niya’y dumadampi sa balat nito. Napakislot si Azriel, mas hinigpitan ang yakap sa kanya habang ang daliri niya’y marahan
Nagising si Azriel sa malambot at mainit na pakiramdam ng katawan sa tabi niya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, at ang unang bumungad sa kanya ay si Zarraeah—nakangiti habang pinagmamasdan siya.Napakurap siya at bahagyang napangiwi, hindi sigurado kung gising na ba talaga siya o nananaginip pa rin. "You're staring at me," bulong niya, ang kanyang tinig paos pa mula sa pagtulog. "Don't tell me you stayed up all night just watching my handsome face?"Natawa si Zarraeah, ang kanyang mga mata kumikislap sa saya. "Maybe I did," biro niya, saka ginamit ang daliri upang iguhit ang hugis ng kanyang kilay. "You're actually quite fun to look at, you know?"Azriel smirked and pulled her closer, ang isang braso ay mahigpit na yumakap sa kanyang baywang. "Flattering me this early in the morning, huh? I like it."Napangiti si Zarraeah, hinayaan ang sarili na masarapan sa init ng katawan ni Azriel. Ilang beses na silang nagising sa magkaibang mundo—siya bilang Zarraeah at si Zephyri
Tahimik ang paligid nang pumasok sina Azriel at Zarraeah sa loob ng kanyang mansyon. Ang malambot na liwanag mula sa chandelier ay nagbibigay ng romantikong kinang sa buong sala, ngunit sa kabila ng engrandeng disenyo ng bahay, may kung anong pangungulila ang bumabalot dito. Ngunit ngayong gabi, hindi na iyon mahalaga.Dahan-dahang naupo si Zarraeah sa sofa, habang si Azriel ay tumayo sa harapan niya, pinagmamasdan siya nang hindi matukoy kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hinubad niya ang kanyang coat at inalis ang top button ng kanyang damit, saka bahagyang yumuko upang ipatong ang kanyang kamay sa sandalan ng sofa."You said you wanted to stay," bulong ni Azriel, ang kanyang tinig ay mababa ngunit puno ng damdamin. "So tell me, what do you really want, Zarraeah?"Napatingin si Zarraeah sa kanya, ang kanyang dibdib ay mabilis na bumibilis sa kaba at excitement na hindi niya maipaliwanag. Ito na ang huling gabing makakasama niya si Azriel bilang siya. Alam niyang pagdating ng
Maagang dumating si Zarraeah sa opisina ni Azriel. Suot niya ang isang itim na blazer at puting blusa, simple ngunit pormal—isang kasuotan na nagtatago ng bigat sa kanyang dibdib. Sa loob-loob niya, pinipilit niyang panindigan ang desisyong ginawa niya kagabi. Hindi madali, ngunit alam niyang ito ang tamang gawin.Huminga siya nang malalim bago siya pumasok sa loob ng main building ng Dela Vega Corporation. Agad siyang sinalubong ng mga empleyado na tila nagulat sa kanyang presensya. Ilang araw rin siyang hindi nagpakita, at ngayon, heto siya, tahimik ngunit determinadong tapusin ang lahat.Nang marating niya ang opisina ni Azriel, sinalubong siya ng kanyang secretary. "Ms. Rivera, good morning po. Hindi po kayo naka-schedule ngayon, pero—""Kailangan ko siyang makausap," malamig niyang tugon.Agad namang tumango ang secretary at tinawagan si Azriel sa intercom. Ilang segundo lang ang lumipas bago nito ibinaba ang telepono at sinenyasan siyang pumasok. "Pinapapasok na po kayo, Ma'am."