The Second Mrs. Guillermo

The Second Mrs. Guillermo

last updateHuling Na-update : 2022-12-27
By:  Thale01  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
36Mga Kabanata
1.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Elysse Dela Serna ay pangalawa at bunso sa magkapatid. Subalit sa kanilang magkapatid ni Elizabeth ay mas siya ang matured at umaaktong nakatatanda. Matiyaga siya sa lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay. Mahal na mahal niya ang kapatid dahil sila na lamang dalawa ang magkasama mula nang mamatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang. Upang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid ay hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng dating asawa ng nakatatandang kapatid at maikasal din dito. Doon niya natuklasan ang lahat ng katotohan pati na ang toong ugali ng ina ng kanyang asawa. Upang makuha ang hustisya para sa kapatid ay walang takot na hinarap ni Elysse ang lahat ng panganib. Kahit lalong lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Carson ay itinuloy pa rin niyang kalabanin ang ina nito. Ngunit, hindi naman niya inaasahang buhay pa pala ang kanyang kapatid at ngayon ay malaki ang galit sa kanya dahil sa pag-aakalang tinaraydor niya ito. Si Celestine na kanyang biyenan din ang pilit na sumisira sa kanilang kapatid. Upang magkaayos silang magkapatid ay ginawa niya ang lahat upang mailabas ang katotoohanan sa mga kasamaan ni Celestine Sa huli ay nakamit din nina Elysse at Elizabeth ang hustisya. Sila naman ni Carson ay nauwi rin sa pagiging masayang pamilya dahil bawat isa ay nagkapatawaran na. Inamin din nitong totoong pag-ibig ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya sa kabila ng mga nangyari sa kanilang trahedya.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

Five years ago...“ELYSSE, puwede bang humingi ng pabor sa ʼyo?” tanong ng kanyang kapatid na si Elizabeth habang sila ay nanonood ng movie sa sala nang araw na iyon.“Ano iyon, ate?” sagot naman niyang hindi inanaalis ang paningin sa tv screen.“Si C-Carson...”Doon naman niya saka nagawang lingunin ang kapatid nang mabanggit nito ang pangalang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.“Si Carson? B-bakit, ate?” Pinilit niyang huwag kabahan sa mga maaaring susunod na sasabihin ni Elizabeth.“Gusto ko sanang tulungan mo akong imbitahan si Carson sa JS prom night para siya ang maging date ko roon.”Pilit siyang ngumiti sa kanyang ate. “H-hindi ko alam kung maku—”“Please, Elysse. Alam kong mas nauna mo siyang nakilala kaysa sa akin. Baka kapag ako ang nagsabi, mailang pa siya sa ʼkin. Tingin ko, kapag ikaw ang nagsabi, hindi siya tatanggi. Please, Elysse. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.”Nasa first year high school pa lamang siya nang makilala niya si Carson sa isang charity eve

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
VeronicaVito3
Readers, should really take a minute to read this book... Just the first chapter and I'm hook. I love it and I'm continuing to read until its completed. Lovely storyline...️...️
2022-12-03 05:28:48
0
user avatar
Ângela Rodrigues Pereira
I’m starting to read ...️
2022-12-03 05:21:23
0
user avatar
Jared Altez
interesting...
2022-11-10 16:12:59
0
36 Kabanata

Chapter 1

Five years ago...“ELYSSE, puwede bang humingi ng pabor sa ʼyo?” tanong ng kanyang kapatid na si Elizabeth habang sila ay nanonood ng movie sa sala nang araw na iyon.“Ano iyon, ate?” sagot naman niyang hindi inanaalis ang paningin sa tv screen.“Si C-Carson...”Doon naman niya saka nagawang lingunin ang kapatid nang mabanggit nito ang pangalang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.“Si Carson? B-bakit, ate?” Pinilit niyang huwag kabahan sa mga maaaring susunod na sasabihin ni Elizabeth.“Gusto ko sanang tulungan mo akong imbitahan si Carson sa JS prom night para siya ang maging date ko roon.”Pilit siyang ngumiti sa kanyang ate. “H-hindi ko alam kung maku—”“Please, Elysse. Alam kong mas nauna mo siyang nakilala kaysa sa akin. Baka kapag ako ang nagsabi, mailang pa siya sa ʼkin. Tingin ko, kapag ikaw ang nagsabi, hindi siya tatanggi. Please, Elysse. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.”Nasa first year high school pa lamang siya nang makilala niya si Carson sa isang charity eve
Magbasa pa

Chapter 2

Present...SA sari-saring kulay ng ilaw sa bar na iyon ay tulala sa kawalan si Elizabeth. Kahit nasa isang mamahaling bar siya kasama si Veronica ay hindi niya lubusang mag-enjoy. May bago ba sa pagpunta niya sa bar kasama ang kaibigan? Wala. Ang pagtungo nila roon ay para nang normal kay Elizabeth, lalo na nga kung out of the country si Carson dahil sa business nito.Sa tatlong taon nila bilang mag-asawa ay palagi nang ganoon ang kanyang sitwasyon. Aalis ito at maiiwan na naman siyang nag-iisa. Mag-asawa sila ngunit parang magnobyo. Palagi na ay wala si Carson para sa kaliwa’t kanang business meetings.Bago niya panakasalan ang lalaki ay hindi sumagi sa kanyang isipan ang ganitong sitwasyon. Kung minsan naman ay gusto siya nitong isama ngunit hindi siya sumasama. Para sa kanya ay ganoon pa rin naman ang magiging sitwasyon kapag sumama siya rito. Maghihintay pa rin naman siya. Ang kaibahan nga lang ay nasa ibang bansa siya at wala sa bar na parati niyang pinupuntahan kasama ang kaibi
Magbasa pa

Chapter 3

KAHIT mahapdi ay pinilit pa ring imulat ni Elizabeth ang mga mata. The first thing that registered in her mind was that the room she was in is unfamiliar. Very masculine ang interior design at maging ang air purifier na kanyang naaamoy ay iba at hindi pamilyar sa kanya.Mayamaya pa ay napabalikwas na lamang siya ng bangon nang maalalang si Jarren ang kanyang huling kasama kagabi. Kaagad siyang napalingon sa gilid at doon ay natagpuan niya ang lalaking natutulog pa. Kapwa sila mga hubad at ang tanging nagiging takip lamang ay ang puting malaking comforter. Sa sobrang pagkadismaya sa sarili ay naihilamos ni Elizabeth ang dalawang palad sa sariling mukha. 'You did it again, Elizabeth!' pangangastigo niya sa sarili. 'Napakat*nga mo!'Hindi na siya naghintay pa ng ilang sandali. Umahon siya mula sa kama. Binalewala niya ang sariling malantad ang kahubdan saka isa-isang pinulot ang mga kasuotan. Nang matapos ay siya namang harap niya kay Jarren na ngayon pala ay nakatunghay lamang sa kany
Magbasa pa

Chapter 4

“ELIZABETH.”Elizabeth immediately stopped from her doing when she heard her husband’s voice. Naroon siya sa bandang likuran ng bahay kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Doon ay kasalukuyan niyang nililinis ang kotse.She saw the furious look on Carson’s face when she looked at him. Nakasuot pa ito ng pang-opisinang damit at mukhang kakarating lang mula sa biyahe. After looking at his appearance, her eyes flew to the papers that he was holding tightly. Malinaw na mababanaag sa anyo ng kanyang asawa ang galit. Dahil naman doon ay unti-unting bumangon ang kaba sa kanyang dibdib.“Hon—” kaagad na naputol ang mga sasabihin ni Elizabeth nang iabot nito sa kanya ang mga hawak ng asawa na papel.But to her surprise, it was a picture and she became uneasy when she saw who was in the picture. It was her with Jarren and they are so close to each other. Halos nakayakap na siya sa lalaki. Kinunan ang litrato mula sa labas ng building ng pad nito and they were about to get inside. Bahagya nama
Magbasa pa

Chapter 5

“MANANG Selma, ang ate po? May dala akong oranges, paborito niya,” sabi ni Elysse sa punong mayordoma ng pamamahay ng mag-asawang Guillermo.Tanghali na nang mga oras na iyon at naisipan niyang bisitahin at kumustahin ang nakatatandang kapatid na si Elizabeth. Matagal na ang huling beses na nakasama at naka-bonding ang kapatid mula nang magpakasal ito kay Carson Guillermo— the most handsome, powerful and eligible bachelor of their batch during their college days na ngayon ay isa nang doktor sa isa mga pinakamalaking hospital dito sa Pilipinas. Katunayan nga niyan ay high school pa lamang siya nang makilala mula sa malayo ang lalaki. Noong isang araw ay biglang nagpakita ang kanyang kapatid ngunit mabilis lamang. “Hindi pa rin po nakakauwi, Maʼam, eh.”Buhat sa sinabi nitoʼy nahinto siya sa paglalagay ng mga prutas sa loob ng refrigerator. “Bakit, saan siya nagpunta?”“H-hindi ko po alam. Basta maaga po siyang umalis kaninang umaga.”Mabilis siyang dumukot sa bulsa upang ilabas ang p
Magbasa pa

Chapter 6

ISANG buwan ang lumipas, nananatiling madilim pa rin ang daan para kay Elysse. Hindi pa rin niya makapa ang mga bagay na dapat gawin gayong hindi pa rin natatagpuan ang kanyang kapatid. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatagpuan si Elizabeth. Ang sabi pa ng mga rescuers ay maaaring nilapa na ng mga mababangis na hayop ang katawan ng kanyang kapatid kung kayaʼy wala silang matagpuang katawan. O kaya naman ay maaaring nahulog sa ilog ang katawan nito at humantong sa dagat. Sa dulo kasi ng masukal na kagubatan ay ang ilog na may malakas na agos ng tubig at nagdudugtong sa malawak na karagatan. Ang pangyayaring iyon kay Elizabeth ay kaagad na pumutok sa mga balita. Kahit sa social media ay trending ang balitang namatay na ito bagay na hindi na ipinagtataka ni Elysse. Asawa ito ng isang business tycoon kaya natural lamang iyon subalit, siya ay nananatiling tikom ang bibig sa pangyayari.Hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng mga awtoridad patungkol sa labi ng kanyang ate. Hindi pa
Magbasa pa

Chapter 7

PAGBABA niya ng kotse ay agad siyang sinalubong ng police officer na siya ring tumawag sa kanya.“Nasaan po siya?” tukoy niya sa bangkay.“Sumunod po kayo sa akin,” saad nito kasabay ng pagpapatiuna sa paglalakad.Humantong sila sa isang silid at nasa gitna ang isang mesang siguradong kinalalagyan ng bangkay. Natatakpan iyon ng puting kumot. Doon sila huminto at hinayaan siya ng pulis na iangat ang kumot upang tingnan ang nasabing bangkay.Sa nanginginig na kamay ay dahan-dahan niyang hinila ang kumot na tumatabon sa mukha nito.She suddenly took a step backward when she finally saw the face of the corpse. Nabubulok na iyon at hindi na makilala. Mayroon na rin itong hindi nakakaayang amoy. Dahil sa hindi niya matagalan ang pagmasdan ang mukha ng bangkay ay napilitan siyang ibalik muli ang takip sa mukha nito. Still, she couldnʼt take away her eyes off that corpse. Hindi matanggap ng kalooban ni Elysse na iyon nga ang kanyang kapatid.Mayamaya pa ay bigla na lamang dumating si Carson a
Magbasa pa

Chapter 8

“MULA nang mawala si Elizabeth, palagi na lamang ganyan si Carson. He always gets drunk. Hindi rin siya kumakain. And every time I tried to reach him, he would just ignore me,” puno ng pag-aalalang lahad ni Celestine kay Elysse. “Mahal na mahal niya ang ate mo.” Sinulyapan niya ang bahagyang nakapinid na pinto ng kuwarto ni Carson mula sa ibaba. Nakatulog na ang lalaki nang siya ay lumabas. Marahil, dala na rin ng alak at pagod ay nakatulog ito. Ngayon, nasa sala na sila ng ginang at nag-uusap. “Hija, thank you for helping Carson this time. Alam ko, nagluluksa ka pa rin pero hetoʼt inaalala mo pa ang iba. Pasensya—” “No, Tita. Itʼs fine. Mabuti nga po at tinawagan niyo agad ako. Carson is like a brother to me.” “Ngayon ako nagsisisi kung bakit nag-iisang anak lang si Carson. I mean, sana hinayaan kong mabuntis pa ako ulit para naman may kapatid pa siyang matatakbuhan at mapagsasabihan ng mga problema. You know Carson well, very secretive. He didnʼt wants to share his feeling even
Magbasa pa

Chapter 9

PAGDATING sa bahay ni Carson ay kaagad nang isinalang ni Elysse ang dalang ulam sa microwave oven upang initin. Pagkatapos, ang mesa naman ang kanyang inasikaso. Ngunit kaagad rin siyang tumigil sa ginagawa. Sa tingin ba ng dalaga ay mapapalabas niya ng silid ang lalaki at dudulog sa hapag nang ganoon ang sitwasyon nito? Bumuntong hininga siya. Hindi niya gaya si Carson na bahagya nang nakakaahon mula sa lungkot. Inayos na lamang niya ang pagkain upang dalhin iyon sa kuwarto ng lalaki. Binilinan muna niya si Andres na abala namang naglalaro sa sala. “Baby, bibigyan ko lang ng food ang Tito Carson mo, okay?” “Mom, is he sick?” “Ah, parang ganoʼn na nga. Hintayin mo ako dʼyan. Pagbalik ko, tayo naman ang kakain, ha?” “Opo.” Pagkatapos, tinungo na niya ang silid ni Carson. Inabutan niyang nakabukas ang pinto ng silid nito kaya pumasok na siya. “Carson?” Walang nakuhang sagot si Elysse kaya dumiretso na siya ng pasok. Kagaya ng una ay malungkot ang awra sa kuwarto ng lalaki. Madi
Magbasa pa

Chapter 10

“RICHARD, pasok ka,” saad ni Elysse sa kaibigan at executive assistant ni Carson.Nang makaupo si Richard sa sala ay agad niya itong binigyan ng maiinom.Si Richard ang matalik na kaibigan ni Carson mula pa noong nasa high school pa lamang sila. Ito ang tumawag kanina sa cellphone ni Carson na siya ang nakasagot.“Kumusta si Carson? Tumatawag ako sa kanya para kumustahin pero hindi siya sumasagot.”Bago si Elysse magsalita ay napasulyap muna siya sa pinto ng silid ni Carson. “Ganoon pa rin siya. Hindi lumalabas ng kuwarto at nagluluksa pa rin. Halos ayaw ding kumain. Panay ang paglalasing.”Nakita niya ang pag-iling ng lalaki. Maging ito man ay sobrang nag-aalala sa kaibigan.“Can I see him?”Mabilis siyang tumango. “Oo naman.”Makalipas ang isang oras ay nagbalik na si Richard. Bumuntong hininga ito. “Tama ka nga. Naabutan ko siyang naglalasing na naman.”Hindi na siya kumibo. “He loves Elizabeth that much. Hindi ko inaasahang mararanasan nang maaga ni Carson ito. Ang maging isang b
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status