Dandelion Nights

Dandelion Nights

last updateLast Updated : 2022-11-15
By:   sachtych  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
30Chapters
863views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Wala ng ideyang pumapasok sa utak ni Crysaline Lopez para sa mga librong isinusulat niya at unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Naisip niya na maling landas na ata ang tinatahak niya dahil wala na siyang maisulat na kahit anong eksena sa mga istorya niya. Bukod pa rito ay patong-patong na din ang gusto niyang gawin sa buhay para kumita ng pera pero kulang naman sa kanya ang bente kwatro oras. Ngunit nagbago ang lahat ng subukan niyang maghanap ng makakausa sa isang sikat na website na nagagamit niya noon pa. Makakakuha nga ba siya ng inspirasyon sa taong makakausap niya o hahantong lang ang lahat sa pagkabigo at galit para sa taong minsan ay nagpakilig sa kanya?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

"Crysaline!" napalingon ako sa likod ko.Nakita ko iyong manager ko na humahangos na lumapit sa akin."Naiwan mo sa loob ng van." inabot niya sa akin iyong lumang iPad ko.Kinuha ko iyon at nginitian siya."Salamat. Ingat kayo pauwi ha?" sabi ko sa kanya.Sinuklian niya rin ako ng ngiti bago tumalikod at sumakay ulit sa van.Pumasok na ako sa lobby ng condominium kung saan ako nakabili ng sarili kong unit. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Kuya Jose at pinagbuksan ako ng glass door."Magandang gabi po, Ms. Lopez." bati niya sa akin."Magandang gabi rin po, Kuya Jose." bati ko pabalik sa kanya.Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot iyong button. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, inabala ko ang sarili ko sa pagre-reply sa Senior Editor ko."Crysaline?" narinig kong tawag sa pangalan ko kaya napaangat ako ng ulo.Napalabi ako at kulang na lang ay manlaki ang mga mata ko nang makita si Charles. Nakasuot siya ng uniporme na pang-piloto at maayos ang pagkaka-gel...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
sachimoonie
Fighting! Waiting for more chapters
2022-11-01 14:49:50
0
30 Chapters
Prologue
"Crysaline!" napalingon ako sa likod ko.Nakita ko iyong manager ko na humahangos na lumapit sa akin."Naiwan mo sa loob ng van." inabot niya sa akin iyong lumang iPad ko.Kinuha ko iyon at nginitian siya."Salamat. Ingat kayo pauwi ha?" sabi ko sa kanya.Sinuklian niya rin ako ng ngiti bago tumalikod at sumakay ulit sa van.Pumasok na ako sa lobby ng condominium kung saan ako nakabili ng sarili kong unit. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Kuya Jose at pinagbuksan ako ng glass door."Magandang gabi po, Ms. Lopez." bati niya sa akin."Magandang gabi rin po, Kuya Jose." bati ko pabalik sa kanya.Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot iyong button. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, inabala ko ang sarili ko sa pagre-reply sa Senior Editor ko."Crysaline?" narinig kong tawag sa pangalan ko kaya napaangat ako ng ulo.Napalabi ako at kulang na lang ay manlaki ang mga mata ko nang makita si Charles. Nakasuot siya ng uniporme na pang-piloto at maayos ang pagkaka-gel
last updateLast Updated : 2022-09-22
Read more
Chapter 1
Nakatulala lang ako sa kisame at hindi malaman ang gagawin sa buhay ko. Nagkakaroon ata ako ng career crisis nitong mga nakaraang araw."Crysaline, ano na? Kaya pa ba?" tanong ko sa sarili ko habang pinaglalaruan ang hawak kong maliit na wireless keyboard.Ilang linggo na akong hindi nakakapag-sulat ng manuscript at malilintikan na ako sa editor ko. Bukod sa madami akong pending na istoryang kailangan tapusin, mayroon pa akong full-time na trabaho na kailangan matapos sa pang-araw araw.Bente tres anyos na ako pero pakiramdam ko hindi umuusad ang buhay ko. Bukod sa wala akong ipon, ubos palagi ang sinahod ko sa full-time job ko pati na rin sa mga sideline ko. Kailangan ko kasing makatulong sa pamilya ko at malaki talaga ang pangangailangan nila.Nitong mga nakaraang buwan kasi ay sunod-sunod ang nagkakasakit sa pamilya namin at nawalan pa nga ng trabaho ang iba kong pinsan. Mama ko na lang ang inaasahan pati na din kung minsan ay ako kapag nangangailangan talaga sila ng pera.Hindi na
last updateLast Updated : 2022-09-22
Read more
Chapter 2
Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko.Hindi ko maiwasang mairita dahil kulang na naman ako sa tulog. Ayan. Crysaline Lopez. Napaka-landi naman kasi.Tamad na tamad akong bumangon sa kama at hindi na nag-abala pa mag-almusal. Binuksan ko agad ang computer ko at nag-in sa trabaho. Heto lang talaga ang kagandahan kapag work from home. Hindi mo na kailangan mag-ayos bago pumasok.Kahit nga nagta-trabaho ako habang naga-almusal, Hindi pa nagto-toothbrush o kahit pa mukha akong bungol pagkagising ko, kiber lang eh.Nag-simula na akong mag-trabaho nang biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sunod-sunod ang pumasok na messages sa akin. Kinuha ko iyong cellphone ko at ni-replyan agad si Charles.Sa totoo lang hanggang ngayon eh nagda-dalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko pa ba 'to. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon at paniguradong issue pa kung may makaalam na nakaka-usap ko siya.Alam ko naman na judgemental ang iba sa pamilya namin. Kahit p
last updateLast Updated : 2022-09-22
Read more
Chapter 3
Maaga pa lang ay gising na ako kahit pa puyat na naman ako sa pakikipag-usap kay Charles. Kung hindi ko lang kasi kailangan na samahan yung pinsan ko sa mall, wala akong balak gumising ng maaga. Kailangan niya kasi bumili ng regalo para sa boyfriend niya pati na rin mag-grocery para naman supply sa bahay nila.Katulad ng nakasanayan, hindi na ako nag-abala pa na mag-almusal. Dumiretso agad ako sa cr para maligo. Pagkatapos ng halos labing limang minuto na pagligo ay nagbihis na ako. Napili ko iyong paborito kong chiffon black short skirt at crop top na halos palagi ko atang suot kapag lalabas ako. Tinali ko ng pa-pigtail ang buhok ko.Nang makuntento na ako sa itsura ko ay inayos ko naman ang mga gamit sa tote bag ko. Syempre hindi ko dapat kalimutan ang credit card ko. Wala na kasi akong cash na natitira sa bank account ko. Lagapak ang savings ko sa buwan na ‘to.Nang matapos ako ay lumabas na ako ng condo ko at ni-lock ang pinto. Nag-book na lang din ako ng grab dahil mura lang nama
last updateLast Updated : 2022-09-22
Read more
Chapter 4
Hating gabi na pero magka-chat pa rin kaming dalawa ni Charles at masasabi kong wala atang dull moments sa taong 'to. Madaldal kasi siya at aliw kausap.Para kasi sa taong katulad ko na boring kausap at hindi marunong mag-handle ng conversation, masaya ako tuwing may taong nage-effort para lang kausapin ako at dalhin ang usapan.Nakokonsensya rin ako madalas lalo na kapag seen na lang ang ginagawa ko. Wala kasi akong maisip na topic at hindi ko ugali magtanong ng buhay ng tao dahil baka ma-offend ko sila. Naghihintay na lang talaga ako minsan na sila na mismo iyong mag-open up sa akin kaysa ako pa ang makielam ng buhay nila.At sa ugali ni Charles nitong mga nakalipas na araw, hindi ko maiwasang matuwa talaga sa bilis niya mag-reply lalo na sa mga effort niya. Minsan naiisip ko agad, paano kapag nag-sawa na siya kausap ako tapos nasanay ako na ganoon siya kalambing at kabilis mag-reply? Edi mukha akong tanga at maghahabol sa kanya?"Matanong ko lang, umiinom ka?" "Medyo. Sinasali ka
last updateLast Updated : 2022-11-01
Read more
Chapter 5
Nagising ako nang marinig ko ang cellphone ko na walang tigil sa kaka-ring simula pa kanina.Wala na naman akong naging sapat na tulog dahil sa pakikipag-usap kay Charles. Masyado kasing madaming napag-uusapan at naaaliw ako sa kanya masyado. Napapikit ako ng mariin bago tamad na inabot yung cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Tita Naira sa screen. Napakunot ang noo ko at agad sinagot ang tawag."Bakit po?" inaantok na tanong ko habang nakatapat sa akin ang camera."Ang Kuya Jerome mo…H-hindi na namin alam ang gagawin, Linlin. Ilang araw na nilalagnat tapos ngayon may mga tigdas na lumabas sa katawan niya. Hirap na rin daw makahinga sabi ng Tita Mia mo." pambungad niya sa akin kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Sakto naman na may kumakatok sa labas ng condo na inuupahan ko. Bumangon ako sa kama at lumapit sa pinto. Sumilip ako sa peep hole. Nang makitang si Mama iyon ay agad kong binuksan ang pinto.Napatitig ako sa mukha ni Mama. Halatang galing sa pag-iyak at kita ko ang
last updateLast Updated : 2022-11-01
Read more
Chapter 6
Lumipas ang halos tatlong buwan na nakakausap ko si Charles. Habang tumatagal din ay mas lalo akong naa-attach sa kanya. Pakiramdam ko nasanay na ang sistema ko na palagi siyang kausap kaya pakiramdam ko mas mabilis na ata akong mag-reply kaysa sa kanya."Naku, sinasabi ko sa'yo ha! Huwag ka masyadong mag-tiwala sa lalaking kausap mo. Iyang mga katulad ni Cocomelon na hindi nakikipag-usap sa personal account nila, delikado. Malay mo poser pala 'yan o kaya ang mas malala, kabit ka pala ng hindi mo alam." sabi ni Ate Hannah habang kasabay ko kumain sa hapag kainan.Nginuya ko muna yung kinakain ko at uminom ng tubig bago magsalita."Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Tinanong ko naman sa kanya umpisa pa lang kung may iba pa ba siyang kausap o may girlfriend ba siya. Ang sabi naman niya wala." depensa ko kahit nag-uumpisa na akong mapaisip."Bakit? May umaamin bang manloloko?" sabi ni Ata Hannah kaya natahimik ako lalo.Totoo nga naman. May punto ang pinsan ko. Paano nga kaya kung talag
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more
Chapter 7
Hapong-hapo ako buong araw dahil sa dami ng sideline na tinapos ko. Bukod pa sa pagod na nararamdaman ko, nangingibabaw ang lungkot at panghihinayang sa puso ko. Wala pa rin akong natatanggap ni isang message galing kay Charles.Napahilot ako sa sintido ko.Heto na nga ba ang sinasabi ko. Sa mga nakalipas na buwan na kausap ko siya, masyado akong nasanay na palagi siyang nandyan. Na sa tuwing kailangan ko ng kausap, bigla na lang siya magcha-chat out of nowhere.Nagsimula na siguro siyang mawalan ng interest sa akin. Ganoon siguro talaga ako ka-walang kwenta kausap kaya hindi niya na kinaya pang tiisin na replyan ako araw-araw. Talo ko pa maging jowa ampota naman.Ginulo ko ang buhok ko at napatitig sa kawalan. Buysit. Nagugulo niya masyado ang sistema ko. Sana kasi pala hindi na ko gumamit ng app na 'yun. Edi sana hindi ko na siya nakilala.Aminado na ako eh. Madali naman talaga akong ma-attach sa tao at malaking sampal sa akin ito na mukhang ako pa ang maghahabol sa kanya. Ano siya
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more
Chapter 8
Isang linggo ang nakalipas at masasabi ko na naging maayos naman ulit ang pag-uusap naming dalawa. Nandoon pa rin ang pagkaaliw ko sa kanya. Mas lalo nga ata akong naa-attach sa kanya eh. Ewan ko ba.Naisipan kong magpaliban sa trabaho ngayon para bisitahin ang mga pinsan ko pati na rin ang lola ko. Matagal na rin kasi noong huli ko silang nakita at nakasama gawa nga ng sobrang busy ako sa trabaho ko.Busy sa trabaho o busy sa pag-landi?Minsan kung pwede lang i-factory reset ang utak, gagawin ko na. Hindi na siya nakikisama sa akin ngayon.Namili muna ako ng kaunting grocery bago ako bumiyahe papunta sa kanila. Nang makarating ako sa subdivision namin ay nag-chat na ako sa pinsan ko na malapit na ako. Ilang sandali lang ay huminto na ang sinasakyan kong grab sa may kulay puting bahay na may kalumaan na. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng mga pinsan ko sa labas ng gate."Ate Crysaline! Akala ko scammer ka na talaga eh. Lagi mo sinasabi na pupunta ka pero hindi naman natutuloy." s
last updateLast Updated : 2022-11-03
Read more
Chapter 9
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Charles at hindi ko alam kung sino ba ang may mali sa aming dalawa. Ako ba o siya? O wala naman talagang may mali sa aming dalawa. Baka rin pareho kaming may mali.Baka sadyang hindi lang talaga ito iyong tamang panahon para humarot kami. Hindi naman kasi kami. Kumbaga wala akong habol sa pagiging MU niya kasi kahit ako nga hindi nagco-commit ng buo.So anong inaarte ko ngayon?Napasimangot ako at tumulala na naman sa harapan ng iPad ko. Ngayon ko lang naiisip. Never niya pala nabanggit sa akin yung pangalan niya social media. Ni hindi niya din madalas sine-send photos niya kaya hindi malinaw sa akin kung ano ba talagang itsura niya.Madalas kasi nakatakip lang iyong bandang labi niya sa mga photos na sine-send niya samantalang ako buo palagi. Though choice ko naman iyon at hindi naman din niya ako pinilit na gawin iyon.Wala sa sariling binuksan ko ang isang social media account ko at hinanap siya gamit iyong mga impormasyon na alam ko sa kanya
last updateLast Updated : 2022-11-03
Read more
DMCA.com Protection Status