Maaga pa lang ay gising na ako kahit pa puyat na naman ako sa pakikipag-usap kay Charles. Kung hindi ko lang kasi kailangan na samahan yung pinsan ko sa mall, wala akong balak gumising ng maaga. Kailangan niya kasi bumili ng regalo para sa boyfriend niya pati na rin mag-grocery para naman supply sa bahay nila.
Katulad ng nakasanayan, hindi na ako nag-abala pa na mag-almusal. Dumiretso agad ako sa cr para maligo. Pagkatapos ng halos labing limang minuto na pagligo ay nagbihis na ako. Napili ko iyong paborito kong chiffon black short skirt at crop top na halos palagi ko atang suot kapag lalabas ako. Tinali ko ng pa-pigtail ang buhok ko.
Nang makuntento na ako sa itsura ko ay inayos ko naman ang mga gamit sa tote bag ko. Syempre hindi ko dapat kalimutan ang credit card ko. Wala na kasi akong cash na natitira sa bank account ko. Lagapak ang savings ko sa buwan na ‘to.
Nang matapos ako ay lumabas na ako ng condo ko at ni-lock ang pinto. Nag-book na lang din ako ng grab dahil mura lang naman at malapit lang ako sa mall. Sinusumpong kasi ako ng katamaran na maglakad lalo pa ngayon na wala akong sapat na tulog.
Pagkababa ko ay sakto lang din na pumarada sa harap ng lobby iyong grab na na-book ko. Tinext ko na ang pinsan ko na papunta na ako sa mall.
"Oki. Pababa na rin akong MRT. Kita na lang tayo sa coffee shop." reply niya sa text ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na agad ako sa mall. Buti na lang at walang traffic, kundi aawayin na naman ako ni Ate Hannah.
"Salamat po, Kuya." sabi ko sa grab driver at inabot iyong bayad ko.
Naglakad ako papasok ng mall. Pumunta ako sa coffee shop na lagi namin tinatambayan ng pinsan ko. Tinawagan ko na lang din siya dahil tinatamad na ako mag-type.
"Ate Hannah, nasaan ka na? Nandito na ako."sabi ko sa kanya habang umuupo na sa may bandang sulok ng coffee shop. Ilang sandali lang din ay lumapit na ako sa may tapat ng cashier para sumilip sa estante roon.
"Sandali, be. Naglalakad na ko papunta dyan. Wait lang."
"Okay. Dalian mo gusto ko na mag-hot choco bangag na bangag na ako sa antok" sabi ko habang nakatitig sa estante ng mga crepe cake at iba pang pastries. Mukhang masarap lahat ng naka-display ngayon ha?
Hot chocolate lang naman ang ino-order ko palagi sa coffee shop pero iba ang gusto ng dila ko ngayon. Double sweetness ata ang kailangan ko. Isa pa, hindi rin ako umiinom ng kape.
Ewan ko. Siguro rin masyado na akong bitter sa buhay at lovelife ko kaya ayaw na siguro ng dila ko ng panibagong pait. Quota na yung sistema ko sa kapaitan ng buhay.
Ilang sandali lang ay natanaw ko na si Ate Hannah. Umupo siya sa katapat kong upuan at hapong-hapo na sumandal sa upuan.
"Order na tayo. Gusto ko na ng hot chocolate. Kulang talaga ako sa tulog ngayon." sabi ko sa kanya at napahikab pa.
"Ako din, be. Nag-overtime kasi ako kagabi sa trabaho dahil kailangan ko ng pera. Alam mo naman sa bahay. Madaming gastusin. Ako lang naman ang aasahan ngayon nila Mama at Papa." sabi niya.
"Halata nga sa eyebags mo, Ate. Para ka ng zombie. Huwag mo na kaya bilhan si Kuya Joseph ng regalo? Bili ka na lang face mask sa mukha atsaka serum para sa mukha mo. Yung jowa mo naman mayaman na 'yun. Kaya niya na sarili niya. O kaya naman, pwede rin na tipirin mo na lang pera mo." sabi ko sa kanya
Tumayo na kami at lumapit sa cashier para umorder.
"Good Morning, Ma'am." bati noong barista.
"Good Morning po. Isang hot chocolate, hot cappuccino and slice ng blueberry crepe cake po. Thank you." sabi ko sa barista at inabot iyong natitira na isang libo sa wallet ko.
"Okay po. Serve ko na lang po." sabi niya at nginitian kami.
"Thank you po." sabi ko sa kanya at bumalik na ulit kami sa pwesto namin.
"Musta ka naman? Kailan ka nga pala matutulog ulit sa condo?" tanong ko sa kanya habang kinukuha iyong cellphone ko sa bag.
"Next week. Maggo-grocery muna ako para may stock sa bahay. Alam mo naman diba? Para laging vacuum cleaner yung mga bibig ng pinsan natin sa bahay. Ubos lagi agad yung stock ng pagkain. Akala mo pa natae ako ng pera tuwing sahod. Puro order at pabili ng pagkain ang mga iyon. Akala mo may mga patago." sabi niya kaya natawa ako.
Nakita kong may message na si Charles kaya hindi ko maiwasang matawa sa text niya. Tinignan naman ako ni Ate Hannah ng malisyoso kaya napatuwid ako ng upo at pinigilan mag-react.
Masuri akong tinititigan ni Ate Hannah kaya nag-iwas ako ng tingin. Mas pinili ko na lang mag-reply kay Charles kaysa pansinin ang reaksyon ng pinsan ko.
From: Charles
Good Morning. Tinulugan mo na naman ako. Lol. Kumusta ka naman?
Anong magagawa ko? Sa hindi na kinakaya ng powers ko na mag-stay hanggang madaling araw. Parang hindi pa kami lagi nauubusan ng pagkwe-kwentuhan.
To: Charles
Ito kasama pinsan ko. Lumabas kaming dalawa.
From: Charles
Saan?
To: Charles
Mall lang. Sorry nga pala nakatulugan na kita. Hindi ko na napigilan eh.
From: Charles
Okay lang. Ingat kayo! Message mo na lang ako kapag hindi ka na busy. Nasa class din naman ako ngayon.
Hindi ko na siya ni-replyan pa at sakto rin na dumating na iyong order namin.
"Hoy sino 'yan ha. Malandi ka." tudyo sa akin ni Ate Hanna kaya natawa ako.
"Wala 'yun." tanggi ko sa kanya pero pinilit pa rin niya akong umamin.
"Sabihin mo na dali. Pangiti-ngiti ka dyan. Mukha kang tanga. Bihira ka lang naman maging ganyan eh." sabi niya bago ako tinawanan.
Uminom muna ako sa hot chocolate ko bago siya tignan ulit. Nag-aalangan ako sabihin sa kanya kasi minsan may pagka-matabil ang bibig niya. Hay. Bahala na nga.
"Nakilala ko lang noon isang araw sa isang app. Wala kasi akong magawa kaya nag-hanap ako ng kausap doon. Ayun, naka-chat ko. Cutie naman atsaka mabait. Plus points pa kasi matangkad. Alam mo naman marupok ako pagdating sa matangkad, diba? Lahat ng nagiging crush ko matangkad kasi kulang ako sa height? Kaso nga lang 20 years old, 'te! 20 years old!" sabi ko sa kanya at humigop ulit sa hot chocolate ko.
Natawa naman siya ng malakas at mas lalo akong inasar. Siraulo talaga 'to. Akala mo hindi siya ganoon kiligin noon kay Kuya Joseph. Gunggong talaga.
"Cocomelon 'yan?" sabi niya kaya napa-bunghalit din ako ng tawa.
"Cocomelon ka dyan! Tangkad tangkad nga e 6'3 tapos Cocomelon tawag mo? Gagi ka! Hanggang dibdib lang ako ng lalaking 'yun kapag nagkataon!" sabi ko sa kanya.
"Aysus! Kilig ka naman!" pang-aasar niya kaya binato ko siya ng tissue.
"Ayoko nga 'no! Ano ko pedophile kahit ba sabihin mong legal age na. Ganoon pa rin yung pakiramdam at dating kasi 3 years agwat namin. Atsaka ang OA mo rin! Chat lang naman. Friends lang ganon." pangangatwiran ko sa kanya.
"Dyan kami nagsimula ni Joseph noon! Sa chat chat lang kami nagka-kausap tapos lumipiat pa siya ng school para makita ako. Crush ko pa nga siya noon kaya kinilig ako noong ligawan niya ako eh. Imaginine mo 'yun may slow mo sa sa tapat ng McDonalds noong magkita kami habang kasama ko iyong walang hiya kong manliligaw na mapanakit." sabi niya at kinwento niya ulit sa akin yung love story nila.
Kabisado ko na nga ata 'yun pero nakikinig lang ako sa kanya. Wala natutuwa ako eh. Para silang bungol dalawa pero nakakakilig. Badtrip lang talaga minsan kapag nagda-date sila. Ginagawa pa akong third wheel. Pasalamat nga lang talaga minsan at libre nila pagkain ko. Kahit third wheel, keber lang kasi libre.
Nang matapos kami sa pag-inom at pagkain ng cake ay umalis na kami para mag-ikot ikot. Naisip ko. Para saan pa at nagpapaka-hirap kaming mag-trabaho kung kahit minsan hindi namin ma-pamper ang mga sarili namin diba?
Nakita kong sale sa isang paborito kong shop kaya hinatak ko si Ate Hannah papasok doon. Hindi ko maiwasang matuwa dahil bagsak presyo na naman ang mga damit. Makakabili na ako ulit!
"Tara bili tayo ng damit. Libre ko na isang damit mo." sabi ko sa kanya at nag-tingin na kami sa mga naka-display.
Natuwa ako nang makakita ako ng dalawang cute na crop top. Ang kaso napangiwi ako nang makitang small at medium lang iyong mga natitirang size.
"Siguro naman baka kasya na ako sa damit na 'to diba? Para saan pa at nag-diet ako noong mga nakaraan buwan kung hindi ko ita-try kung kasya na 'to sa akin?" sabi ko kay Ate Hannah.
"Try mo na dali. Sa isang fiitting room na lang tayo ha? Natatakot ako mag-isa eh." sabi niya kaya natawa ako.
Kinuha ko na iyong dalawang crop top at hinatak na si Ate Hannah papunta sa mga dress. Nakita ko iyong isang magandang black na bodycon dress kaya kumuha ako ng isa at inabot kay Ate. Nagkukuha pa kami ng ibang damit na pwedeng maisukat.
Hinatak ko siya papuntang fitting room at sinukat na namin iyong mga damit. Hindi ko maiwasang mapangit ng malawak nang magkasya ako sa dalawang crop top na small ang size. Sa wakas! Hindi na lang sa large at xl ako kasya!
Napatitig ako sa salamin at hindi ko maiwasang matuwa ng sobra. Worth it naman pala. Konting kembot na lang talaga pagdating sa hita at braso, okay na ako.
Nang makapili na kami ng bibilhin namin ay binayaran ko na agad iyon gamit ang credit card ko at dumiretso kami sa supermarket para mamili ng mga pagkain para kay nila Tita Naira.
“Napaka-budol mo talaga kahit kailan!” sabi sa akin ni Ate Hannah habang palabas kami ng shop.
“Deserve nga natin diba? Minsan lang naman tayo lumabas ng ganito. Mano man lang gumastos tayo para sa sarili natin.” sabi ko sa kanya ng natatawa.
“Siraulo ka, Linlin.”
ALAS TRES na ng hapon nang makauwi ako sa condo at halos hapong-hapo ako sa pagod. Ngayon lang kasi ulit ako nakaikot ng matagal sa mall ulit gawa nga ng masyado akong busy sa trabaho.
Binuksan ko iyong cellphone ko at nakitang nag-message pala siya.
"Hello! Kakatapos lang ng class ko." message niya sa akin.
"Kakauwi ko lang. Musta?" tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang sapatos ko.
Nagulat ako nang makitang typing agad siya ng reply.
"Rest ka tapos kumain ka. Nandito lang ako."
"Taena hindi ba mabilis masyado?" dugtong niya sa chat niya.
Medyo nag-hang pa ako kaya napa-reply ako ng "Ha?" sa kanya.
"Reply ko kako." sabi niya kaya napangiti ako.
"Hoy! Hindi naman! Cutie nga eh!" reply ko sa kanya kasi totoo naman.
Ewan ko. Gusto ko talaga kasi iyong mga taong mabilis mag-reply. Feeling ko may pakielam sila sa akin. Hindi naman sa kulang ako sa aruga o sa pansin kasi sa totoo lang sobra naman ako sa part na ‘yun. Maalaga at mababait naman halos lahat ng kapamilya ko kahit hindi kami mayaman.
Pero ayun nga. Yung ganitong pakiramdam. Nakakataba ng puso kapag may mabilis kang makukuhang response sa ibang tao. Parang natutuwa ako na nagi-invest ng time yung taong ‘yun para sa akin kahit hindi kami magkakilala.
"Taena kasi kapag chat mo ang bilis ko mag-reply. Hahahaha! Nakakahiya." reply niya agad ulit kaya halos hindi na mapugto ang ngiti ko.
"Cutie naman eh. Gulat lang ako kasi mabilis." reply ko sa kanya.
"Musta naman araw mo? Pagod ka? Gusto mo ulit manood ng game?"
"Sigee! Mamaya. Discord ba ulit?" tanong ko sa kanya bago umayos ng pagkakaupo sa sofa.
"Gusto mo ba? Pwede naman kung ngayon mo gusto. Miss na kita kausap eh."
Baliw na ba ako? Grabe naman karupukan 'to Crysaline! Bakit naman kasi nag-iinit ang pisngi ko? Hustisya naman! Jusko.
"OO G AKO" reply ko nang naka-capslock yung message.
"Hahaha! cutie mo!" reply niya kaya hindi ko maiwasang mapanguso.
"Wait lang ligpit at linis lang ako."
Lagi na lang akong natatawag na cute. Kailan ko naman maririnig na maganda ako? Hindi naman ako stuff toy ha? Tsk.
Napairap ako sa kawalan. Grabeng kaartehan ‘yan, girl.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at dumiretso ng cr. Nag-hilamos ako sandali at nag-palit ng damit.
"Nakabili kayo ng regalo?” tanong niya sa akin na agad ko naman ni-replyan
"Oo. Nakapag-grocery din kami atsaka nakabili ng damit. Susuotin kasi ng pinsan ko yung binili niyang dress bukas para sa birthday ng jowa niya. Ako bumili lang ako kasi wala pa-cute lang sa bahay hahahahahaha!"
"Okay lang, cute ka naman eh. Pwede rin naman suotin mo kapag nagkita na tayo." biglang hirit niya.
Napatitig ako sa screen ng cellphone ko.
Umayos ka Charles! Utang na loob. Marupok ako! Baka hindi mo rin naman ako masasalo sa huli. Ako lang yung magmu-mukhang tanga at palapatol sa huli.
Hating gabi na pero magka-chat pa rin kaming dalawa ni Charles at masasabi kong wala atang dull moments sa taong 'to. Madaldal kasi siya at aliw kausap.Para kasi sa taong katulad ko na boring kausap at hindi marunong mag-handle ng conversation, masaya ako tuwing may taong nage-effort para lang kausapin ako at dalhin ang usapan.Nakokonsensya rin ako madalas lalo na kapag seen na lang ang ginagawa ko. Wala kasi akong maisip na topic at hindi ko ugali magtanong ng buhay ng tao dahil baka ma-offend ko sila. Naghihintay na lang talaga ako minsan na sila na mismo iyong mag-open up sa akin kaysa ako pa ang makielam ng buhay nila.At sa ugali ni Charles nitong mga nakalipas na araw, hindi ko maiwasang matuwa talaga sa bilis niya mag-reply lalo na sa mga effort niya. Minsan naiisip ko agad, paano kapag nag-sawa na siya kausap ako tapos nasanay ako na ganoon siya kalambing at kabilis mag-reply? Edi mukha akong tanga at maghahabol sa kanya?"Matanong ko lang, umiinom ka?" "Medyo. Sinasali ka
Nagising ako nang marinig ko ang cellphone ko na walang tigil sa kaka-ring simula pa kanina.Wala na naman akong naging sapat na tulog dahil sa pakikipag-usap kay Charles. Masyado kasing madaming napag-uusapan at naaaliw ako sa kanya masyado. Napapikit ako ng mariin bago tamad na inabot yung cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Tita Naira sa screen. Napakunot ang noo ko at agad sinagot ang tawag."Bakit po?" inaantok na tanong ko habang nakatapat sa akin ang camera."Ang Kuya Jerome mo…H-hindi na namin alam ang gagawin, Linlin. Ilang araw na nilalagnat tapos ngayon may mga tigdas na lumabas sa katawan niya. Hirap na rin daw makahinga sabi ng Tita Mia mo." pambungad niya sa akin kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Sakto naman na may kumakatok sa labas ng condo na inuupahan ko. Bumangon ako sa kama at lumapit sa pinto. Sumilip ako sa peep hole. Nang makitang si Mama iyon ay agad kong binuksan ang pinto.Napatitig ako sa mukha ni Mama. Halatang galing sa pag-iyak at kita ko ang
Lumipas ang halos tatlong buwan na nakakausap ko si Charles. Habang tumatagal din ay mas lalo akong naa-attach sa kanya. Pakiramdam ko nasanay na ang sistema ko na palagi siyang kausap kaya pakiramdam ko mas mabilis na ata akong mag-reply kaysa sa kanya."Naku, sinasabi ko sa'yo ha! Huwag ka masyadong mag-tiwala sa lalaking kausap mo. Iyang mga katulad ni Cocomelon na hindi nakikipag-usap sa personal account nila, delikado. Malay mo poser pala 'yan o kaya ang mas malala, kabit ka pala ng hindi mo alam." sabi ni Ate Hannah habang kasabay ko kumain sa hapag kainan.Nginuya ko muna yung kinakain ko at uminom ng tubig bago magsalita."Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Tinanong ko naman sa kanya umpisa pa lang kung may iba pa ba siyang kausap o may girlfriend ba siya. Ang sabi naman niya wala." depensa ko kahit nag-uumpisa na akong mapaisip."Bakit? May umaamin bang manloloko?" sabi ni Ata Hannah kaya natahimik ako lalo.Totoo nga naman. May punto ang pinsan ko. Paano nga kaya kung talag
Hapong-hapo ako buong araw dahil sa dami ng sideline na tinapos ko. Bukod pa sa pagod na nararamdaman ko, nangingibabaw ang lungkot at panghihinayang sa puso ko. Wala pa rin akong natatanggap ni isang message galing kay Charles.Napahilot ako sa sintido ko.Heto na nga ba ang sinasabi ko. Sa mga nakalipas na buwan na kausap ko siya, masyado akong nasanay na palagi siyang nandyan. Na sa tuwing kailangan ko ng kausap, bigla na lang siya magcha-chat out of nowhere.Nagsimula na siguro siyang mawalan ng interest sa akin. Ganoon siguro talaga ako ka-walang kwenta kausap kaya hindi niya na kinaya pang tiisin na replyan ako araw-araw. Talo ko pa maging jowa ampota naman.Ginulo ko ang buhok ko at napatitig sa kawalan. Buysit. Nagugulo niya masyado ang sistema ko. Sana kasi pala hindi na ko gumamit ng app na 'yun. Edi sana hindi ko na siya nakilala.Aminado na ako eh. Madali naman talaga akong ma-attach sa tao at malaking sampal sa akin ito na mukhang ako pa ang maghahabol sa kanya. Ano siya
Isang linggo ang nakalipas at masasabi ko na naging maayos naman ulit ang pag-uusap naming dalawa. Nandoon pa rin ang pagkaaliw ko sa kanya. Mas lalo nga ata akong naa-attach sa kanya eh. Ewan ko ba.Naisipan kong magpaliban sa trabaho ngayon para bisitahin ang mga pinsan ko pati na rin ang lola ko. Matagal na rin kasi noong huli ko silang nakita at nakasama gawa nga ng sobrang busy ako sa trabaho ko.Busy sa trabaho o busy sa pag-landi?Minsan kung pwede lang i-factory reset ang utak, gagawin ko na. Hindi na siya nakikisama sa akin ngayon.Namili muna ako ng kaunting grocery bago ako bumiyahe papunta sa kanila. Nang makarating ako sa subdivision namin ay nag-chat na ako sa pinsan ko na malapit na ako. Ilang sandali lang ay huminto na ang sinasakyan kong grab sa may kulay puting bahay na may kalumaan na. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng mga pinsan ko sa labas ng gate."Ate Crysaline! Akala ko scammer ka na talaga eh. Lagi mo sinasabi na pupunta ka pero hindi naman natutuloy." s
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Charles at hindi ko alam kung sino ba ang may mali sa aming dalawa. Ako ba o siya? O wala naman talagang may mali sa aming dalawa. Baka rin pareho kaming may mali.Baka sadyang hindi lang talaga ito iyong tamang panahon para humarot kami. Hindi naman kasi kami. Kumbaga wala akong habol sa pagiging MU niya kasi kahit ako nga hindi nagco-commit ng buo.So anong inaarte ko ngayon?Napasimangot ako at tumulala na naman sa harapan ng iPad ko. Ngayon ko lang naiisip. Never niya pala nabanggit sa akin yung pangalan niya social media. Ni hindi niya din madalas sine-send photos niya kaya hindi malinaw sa akin kung ano ba talagang itsura niya.Madalas kasi nakatakip lang iyong bandang labi niya sa mga photos na sine-send niya samantalang ako buo palagi. Though choice ko naman iyon at hindi naman din niya ako pinilit na gawin iyon.Wala sa sariling binuksan ko ang isang social media account ko at hinanap siya gamit iyong mga impormasyon na alam ko sa kanya
Halos apat na buwan na rin ang nakakalipas simula noong huli kong makausap si Charles. May mga oras na nami-miss ko pa rin na may kausap pero nawalan na lang din ako ng pakielam. Masyado na akong maraming pinoproblema para isipin ko pa siya.Lalo pa ngayon na sinusubukan kong matapos yung mga librong hindi ko na natuloy-tuloy. Bukod pa roon, nakatira ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Kailangan ko magtipid ng pera dahil nag-layoff sa trabaho namin at kasama ako roon. Kasabay pa nga ng pagkawalan ko ng trabaho, wala rin akong nakukuhang freelance projects nitong mga nakaraang linggo.Napapikit ako ng mariin. Halos alas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Wala akong balak madagdagan ang sama ng loob ko sa mundo. Kung maririnig ko rin naman ang pagtatalo ng mga magulang ko dahil sa pera, mas gugustuhin ko na lang hindi kumain.Simula noong mawalan ng trabaho si Papa at nagkanda-baon sa utang ang mga kapatid ni Mama, naging mahirap na ang sitwasyon. Hirap n
After 3 years…Hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak habang nakatingin sa gilid ng stage. Rinig ko ang tilian ng mga fans habang kumakaway sa akin.Agad ko naman silang binigyan ng matamis na ngiti at kinawayan lahat. Lalong lumakas tuloy ang hiyawan nila kaya hinatak na ako ng editor ko paalis ng gilid ng stage."Ang kulit mo talaga, Crysaline! Sabi ng bawal ka sumilip doon eh. Tignan mo nga iyang itsura mo, hindi ka pa tapos make-upan tapos makasilip ka doon akala mo artists ka?" sita sa akin ng editor kong si Ms. Siana kaya napanguso ako."Sorry na. Cutie kasi nila eh. Gusto ko lang naman sila batiin." sabi ko sa kanya habang sumusunod sa kanya papasok ng dressing room."Bente sais ka na! My gosh! Act like your age! Ilang beses ka na bang umaakto na parang isip-bata. Sinabi ko rin sa'yo noong nakaraan na huwag kang lalabas ng hindi kasama iyong bodyguard mo pero hindi ka pa rin nakinig. Muntik ka na tuloy dumugin ng mga fans mo." patuloy niyang litanya hanggang makaupo na ako sa
Dalawang linggo ang makalipas simula nang kumalat sa social media yung mga photos at video namin ni Nathan. Simula noon, tinago na ni Nathan yung mga devices ko kung saan ko makikita o mababasa lahat ng mga comments ng tao. Ibig sabihin, mas madalas siyang naglalagi sa condo ko kaysa sa sa condo niya.Ang sabi niya hindi naman daw kailangan na basahin ko pa ang mga iyon kasi wala naman daw kwenta iyon. Paniguradong wala lang daw magandang maidudulot sa akin yung mga mababasa ko.Nag-release na rin ng statement ang management namin pagkalipas noon ng ilang araw tungkol sa kumakalat sa internet dahil nga nag-trending iyon sa social media. Ganoon naman talaga kasikat sa bansa si Nathan. Lahat ng gawin niya, magte-trend. Lahat ng mali-link sa kanya magiging laman din ng balita. Kapag may nagawa rin siyang mali, trending pa rin siya.Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig kay Nathan na hindi mo aakalain na pagpipitas ngayon ng mga tanim na strawberry sa farm ng mama niya.Napatingin naman siya
“Hindi ba kayo nag-iisip?!” sigaw ni Ate Chaena kaya napangiwi ako sa lakas ng boses niya.Halos mamula na siya sa galit habang naglalakad pabalik-balik sa harapan namin. Ang magaling na manager naman ni Nathan na si Kyle eh malawak lang ang pagkakangisi habang sinusundan din ng tingin ang manager ko.“What’s wrong with having a relationship with Crysaline? Nasa tamang edad na kami pareho. We are humans and we have all the rights to choose whoever we want to love.” sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.Naka-de kwatro siya at nakahalukipkip habang sinasabi ang mga katagang iyon. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya na para bang alam na alam niya lahat ng sinasabi niya.Napatingin naman ako kay Kyle nang pumalakpak siya. Nakangisi siya at tila ba parang proud pa siya sa alaga niya. Napailing na lang ako. Akala mo naman hindi siya napa-“What the fuck is going on here?!” kanina kung makapag-react siya ng ganon.“Shut up, Kyle! Kunsintidor ka! Lugi ang alaga ko sa parte na ‘to!
Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang biglang paghigpit ng yakap ni Nathan.“Hindi ko makuha yung punto bakit kailangan naka ganito pa tayo na damit. Ang init!” angal niya kaya napahagikgik ako.Umikot ako paharap sa kanya at pinisil yung tungki ilong niya. Nakasimangot siya at halatang irritable talaga siya sa suot niyang gray na hoodie at pants.“Anong hindi mo ma-gets? Hello, Rivas! Alam mo na sikat kang tao. Paano kapag may nakakita sa atin dito? Eh ‘di laman tayo ng balita? Sasabog lalo yung management pati na social media natin dalawa.” natatawa kong sabi sa kanya.“The fuck I care! Gusto ko makipag-date ng maayos hindi yung ganito. Para tayong nagtatago palagi.” nakasimangot na sabi niya.Tumingin ako sa paligid at nang makitang wala naman tao sa paligid ay agad kong dinampian ng halik ang labi niya. Ngumiti ako sa kanya at inayos yung pagkakasuot ng hoodie niya.“Huwag ka na sumimangot, pumapang
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos sa dibdib ko. Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata at napansin ko agad na nakapasok sa crop top ko ang mga kamay ni Nathan habang naka-pwesto siya sa likod ko.“Mamamaga na dede ko kakalaro mo simula nung natulog ako.” saway ko sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya.“Ang lambot kasi eh. Parang stress ball.” nakangisi niyang sabi at dinampian ng halik ang sintido ko.“Bitaw ka na. Magluluto lang ako gutom na ako.” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Minasahe na naman niya yung dibdib ko kaya hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.“Nakapagluto na ako ng hapunan. Mamaya na tayo tumayo. Dito muna tayo sa kama.” sabi niya at hinapit ako palapit sa kanya.Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya. Parang nagulat naman siya sa naging pagharap ko lalo na noong ikawit ko ang mga braso ko sa leeg niya.“Sama tayo kay nila Kairo sa Siargao. Gusto ko mamasyal.” sabi ko sa kan
Sumapit ang Sabado at nandito na naman si Nathan sa condo ko. Kulang na nga lang dito na siya tumira. Yung mga damit niya nasa guest room napakadami. Kapag wala siyang magawa, dito rin siya natutulog. "Tara date tayo?" biglang sabi niya.Napatingin ako kay Nathan habang nilalantakan iyong binili niya na ice cream na nasa pint."Tinatamad ako lumabas eh." sabi ko sa kanya sabay patong ng paa ko sa kandungan niya."Date na tayo. Dali." pagpupumilit niya na parang bata. Nag-puppy eyes pa siya kaya natawa ako."Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko sa kanya sabay subo ng isang kutsara ng ice cream.Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya at tinaasan ako ng kilay. Hay nako. Ano naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng isang ‘to?“Check-in tayo sa hotel.” nakangisi niyang sabi kaya tinadyakan ko siya sa tiyan.“Ang halay mo talaga!” sigaw ko sa kanya kaya napabunghalit siya ng tawa sabay hatak sa paa ko. Minasahe niya ‘yun at masuyo akong tinignan.“Mason and Kairo invited us to come
Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumayag ako sa panliligaw ni Nathan. Kung noon ay sobrang kulit at clingy niya, mas lumala pa ata simula noong hayaan ko siya sa gusto niya.Katulad na lang ngayon. Napabuntong hininga ako at humalukipkip habang nakatayo sa harapan niya. Nakangisi naman siya sa akin at pilit na inaabot ang beywang ko para umupo sa kandungan niya."Gusto ko lang naman matulog ngayon dito dahil pagod na akong bumiyahe pauwi. Galing pa ako sa trabaho tapos namiss kita kaya ako pumunta rito. Hindi ka ba naaawa sa akin? Alas dose na ng madaling araw oh. Paano kung ma-aksidente ako sa daan kasi biglang namanhid yung daliri ko sa paa? ‘Edi nawalan ka ng future husband?" pangangatwiran niya sa akin sa nagpa-paawang tono.Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa dahilan niya. Parang bugok din minsan ‘tong si Nathan eh. Mabilis niya akong hinatak paupo sa kandungan niya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Ipinulupot niya pa ang dalawa niyang braso sa beywang ko.
Para akong natuod sa kinatatayuan ako at hindi malaman ang gagawin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalo pa noong igalaw niya ang labi niya nakalapat sa labi ko.Mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya at pinalalim ang paghalik sa akin. Hindi ko napigilang mapaungol nang pisilin niya ang gilid ng dibdib ko.Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko nang bigla siyang tumigil sa paghalik. Inilayo niya ng kaunti ang mukha niya sa akin bago isinandal ang noo niya sa noo ko."Your lips taste so sweet. Fuck." mahinang saad niya na naging dahilan ng pag-pula lalo ng mukha ko.Parang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko at nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa kaalamang…Ninakaw niya yung first kiss ko!"First kiss ko 'yun eh!" maktol na singhal ko sa kanya at pumalahaw na parang bata.Mas lalo lang lumawak ang pagkaka-ngisi niya at hinapit ako palapit sa kanya. Kulang na lang ay lumutang ako sa paraan ng
"Ano ba, Nathan?! Naiinis na ako ha! Kung saan ako magpunta, nakasunod ka. Umuwi ka na nga lang sa inyo kaysa ginugulo mo ako!" iritang sita ko kay Nathan at pilit siyang itinutulak palayo.Ilang oras na kasi niya ako hindi tinitigilan. Ni ultimo pagpunta ko sa cr, nakasunod siya hanggang labas ng pinto. Balak pa nga niya hanggang sa loob kung hindi ko lang siya pinagsabihan."Baka kasi sumalisi ka na naman eh. Tuluyan mo na akong iwan. Akala ko ba bibigyan mo ako ng chance?" nagmamaktol na sabi niya na parang batang ewan.Nameywang ako sa harap niya at tinaasan siya ng kilay."Wala akong sinasabi na pwede mo akong ligawan. Atsaka hindi ka ba nilalamig? Kanina ka pa nakahubad dyan! Feeling mo may photoshoot ka rito sa condo ko." sita ko sa kanya.Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang beywang ko."Hindi ko na ba kailangan manligaw kasi..." inilapit niya ang bibig niya sa kaliwang tenga ko. "Gusto mo na rin ako? Dati rin naman hindi mo ko sinasaway kapag hindi ako n
"U-umayos ka nga, Nathan. Kailangan ko pa pumunta sa office kaya umuwi ka na sa bahay niyo. Nag-aalala si Tita Nara sa'yo. Atsaka siraulo ka talaga! Hindi mo naman gawain mag-drive ng umiinom tapos ginawa mo pa rin." sita ko sa kanya pero nakangiti lang ang siraulo.Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya ng matagal dahil sa kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ilapit niya ang labi niya sa gilid ng tenga ko."I just want to hear and see how much you're worried for me, Crysaline. That's the only thing that matters to me." bulong niya at yumakap sa akin ng mahigpit."Bakit? Nanay mo ba ko?" sarkastiko na sabi ko sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin at napabuntong hininga."Durog na nga ako, lalo mo pa akong dinudurog sa mga sagot mo." mahinang sabi niya.Alam kong may halong pag-iinarte yung sinabi niya, mas lamang yung nararamdaman niya na lungkot ngayon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinaplos ko na ang buhok niya. Tinapik ko ng mahina ang l