THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER

THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER

last updateHuling Na-update : 2022-01-09
By:   Aesthetica_Rys  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 Mga Ratings. 4 Rebyu
12Mga Kabanata
3.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Synopsis

Megumi Vergara grew up with pressure and high expectations from her family. As the oldest daughter of one of the wealthiest and influential families in the country, she must serve as a role model for her two younger siblings. But when Megumi became pregnant, she brought dishonor to her family's name and drove them to forsake her. Megumi raised her kid alone for four years while working as a server at a pub. But their peaceful life turned into chaos when Riaz Trevor entered their life, the last person to whom she will introduce her child, her daughter's father. When she tried to introduce her child to Riaz, someone's stole her chance. Another woman came and stole her identity that ended up to a big misunderstanding and made her runaway from him.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ang isang maliit na puti at parihabang bagay matapos ko itong patakan ng ihi. Halos naririnig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko.Napapikit ako at nagdadasal na sana hindi, na sana akala ko lang.Inilapag ko ang pregnancy test kit sa ibabaw ng sink para ayusin ang pang-ibabang suot ko. Pagkatapos ay tumayo ako sa harap ng salamin at muling kinuha ang pregnancy test kit at dahan-dahan na pinihit ito paharap sa akin. Halos himatayin ako sa sobrang pagpipigil ng hininga. Panay ang dasal ko habang unti-unting dinidilat ang mata para tignan ang result sa pregnancy test kit.Nilukob ako ng takot at kaba nang makita ang dalawang pulang guhit. Nanginginig ang mga labi ko at kamay ko. I’m pregnant....

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Jacee Espina
wla po ba ito ng updates
2022-04-16 00:16:20
0
user avatar
ThePurpleGoddess
Grabe! ang ganda. damang-dama ko 'yong mga emosyon!
2021-12-21 11:00:28
3
user avatar
Hell Maude
Exciting na agad nakakbwiset lang yung dumating panira bwiset
2021-12-21 10:11:24
3
user avatar
Lazy_Astrie
SUPER GANDAAA! Chapter 3 pa lang ako pero super worth it niyang basahin!!!!! ANG GANDA KASI IIIIIIIIIIH
2021-12-19 19:20:59
4
12 Kabanata
Chapter 1
NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ang isang maliit na puti at parihabang bagay matapos ko itong patakan ng ihi. Halos naririnig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko. Napapikit ako at nagdadasal na sana hindi, na sana akala ko lang. Inilapag ko ang pregnancy test kit sa ibabaw ng sink para ayusin ang pang-ibabang suot ko. Pagkatapos ay tumayo ako sa harap ng salamin at muling kinuha ang pregnancy test kit at dahan-dahan na pinihit ito paharap sa akin. Halos himatayin ako sa sobrang pagpipigil ng hininga. Panay ang dasal ko habang unti-unting dinidilat ang mata para tignan ang result sa pregnancy test kit. Nilukob ako ng takot at kaba nang makita ang dalawang pulang guhit. Nanginginig ang mga labi ko at kamay ko. I’m pregnant. 
last updateHuling Na-update : 2021-11-27
Magbasa pa
Chapter 2
HABANG BINABAGTAS KO ang kahabaan ng isang kalsada ay saka ako nakaramdam ng butil ng tubig na pumapatak sa balat ko. Hanggang sa palakas nang palakas iyon. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos rin ng mga luha ko. Basang-basa na ako pero hinayaan ko lang ang sarili ko, sa paraang ito mas gumagaan ang bigat na nararamdaman ko. Niyakap ko ang sarili ko habang humihikbi. Hindi ko na alam kung saan na ako patungo ngayon. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin. Wala ‘yong tunay na pamilya na tatanggap sa akin at mauuwian ko kahit ni pangalan nila, hindi ko alam. Kahit picture man lang nila ay wala ako. Tanging paghikbi at patak ng ulan sa kalsada ang maririnig sa kahabaan ng daan. Tumilansik sa akin ang tubig nang  may isang sasakyan na humaharurot ang nagdaan. Huminto ito sa tapat ko at muling humarurot ulit. Paglagpas nito ay napansin ko ang isang hugis ng tao. Hindi ito g
last updateHuling Na-update : 2021-11-27
Magbasa pa
Chapter 3
NAMALUKTOT ako nang malamig na ihip ng hangin ang gumapang mula sa binti pataas sa buong katawan ko. Habang nakapikit ay nangapa ako sa gilid ko ng kumot o bagay na magbibigay init sa akin. Wala akong nagawa kundi yakapin ang sarili. Napadilat ako nang mapagtanto ko na wala akong katabi. Bumangon ako at napatingin sa buong kama at bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi makita si Maggy doon.  Luminga ako sa paligid ko. Nanggagaling sa bukas na pinto na gawa sa salamin mula sa balkonahe ng kwarto ang malamig na simoy ng hangin. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. I almost slap myself, I’m still wearing the one piece dress from the bar. Kaya pala ganoon na lang ako mangatog sa lamig, kinulang pala sa tela at napaka nipis ng suot ko. Malalaki ang yabag na tinungo ko ang labas ng kwarto. Naalala kong sumama pala kami sa lalaki
last updateHuling Na-update : 2021-12-06
Magbasa pa
Chapter 4
"Happy 4th Birthday, Maggy!" Mahigpit na yakap ang inialay ko sa anak ko. Naramdaman ko ang maliit nitong mga braso na umikot rin sa bewang ko. Kasalukuyan kaming nasa kusina ng mansyon na ito na pagmamay-ari ni Riaz. Bumigat ang paghinga ko nang maghiwalay kami sa yakap. Kitang-kita ko sa mga mata niya na malungkot siya pero pinipilit niyang ngumiti. Napaka swerte ko sa anak ko kasi siya ang naging kakampi ko sa laban ng buhay. Siya ang inspirasyon ko para magpatuloy at huwag sumuko pero siya rin ang kahinaan ko. Gusto ko na agad humingi ng sorry sa kaniya sa pagtatago ng totoo sa kaniya. Sa paglilihim ng katotohanan na narito ang ama niya, malapit lang sa kaniya.Hinaplos
last updateHuling Na-update : 2021-12-10
Magbasa pa
Chapter 5
PINIGA-PIGA ko ang palad ko habang hindi mapakali sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Simula kanina ay hindi na ako ulit nakatulog pa. Binabagabag ang puso at isipan ko ng napakaraming bagay. Hindi ito matahimik hangga't hindi ko nakukumpirma ang isang bagay.Tinitigan ko si Maggy na mahimbing pa ang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sana maintindihan mo ako bakit nahihirapan akong ipakilala sa 'yo ang ama mo kahit na sobrang lapit niyo na lang sa isa't isa. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka masasaktan," bulong ko, gumuguhit ang bawat salita na 'yon sa puso ko.Tumayo ako at walang ingay na lumabas ng kwarto. Maliwanag na sa labas.Paglabas ng kwarto ay bumungad sa akin ang hindi ma
last updateHuling Na-update : 2021-12-11
Magbasa pa
Chapter 6
"Mommy, saan tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo?" Sumenyas ako kay Maggy na huwag maingay. Pababa kami ng hagdanan at tumungo sa pinto palabas ng mansyon. Maingat at mabilis ang galaw ko bago pa magising si Riaz at maabutan kami."Iiwan po ba natin si Tito Riaz dito?" She's so attached with Riaz kahit na ngayon niya lang ito nakilala. Blood is indeed thicker than water.Huminga ako nang malalim at yumuko para harapin si Maggy na panay ang tanong. Sinakop ng mga palad ko ang mga pisngi niya at tinitigan siya. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa aming mag-ina."Uuwi na tayo anak, okay? 'Wag kang maingay dahil baka magising mo si T-Tito Riaz mo,"
last updateHuling Na-update : 2021-12-12
Magbasa pa
Chapter 7
LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nang unang gambalain ni Riaz ang nananahimik naming buhay. Walang gabi na hindi siya bumisita para kay Megumi.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang tanging alam ko lang ay ginugulo niya kami. Nagugulo ang buhay ko dahil sa ginagawa niya. Inis na tinampal ko ang noo ko at saka umiling. Hindi ko muna dapat iniisip 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng trabaho at makaalis na sa club nang sa gano'n ay makakalayo na kami kay Riaz nang tuluyan.Napapaisip pa rin ako kung anong pangako ang tinutukoy niya. Tinatanong ko si Maggy pero secret daw nila 'yon. Hindi magandang ideya na napapalapit masyado ang anak ko sa kaniya gayong may pamilya na naghihintay sa kaniya.
last updateHuling Na-update : 2021-12-13
Magbasa pa
Chapter 8
LUMABAS ako ng office ni Riaz at nagtungo sa isa pang room na hindi kalayuan sa office niya. Pumasok ako sa Pantry Area. Pumasok ako doon at hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng stock at kung gaano kaganda ang design na halatang pinaggugulan ng oras ang bawat detalye. Pagpasok pa lang ay aroma na agad ng matapang na kape ang manunuot sa ilong na talagang magigising ang diwa mo.Mas malaki ang pantry area ng kumpanya na ito kumpara sa kumpanya namin noon, este kumpanya ng tatay-tatayan ko.Nagtimpla ako ng kape gamit ang coffee maker na nandito. Matapos ay agad na nagtungo ako palabas ng pantry area bitbit ang isang tasa ng kape. Ngunit hindi ko inaasahan na may sasalubong sa akin dahilan para matapunan ko siya ng sobrang init na kape. Tila ako man ay binuhusan naman ng malamig na tubig nang makilala kung sino ang
last updateHuling Na-update : 2022-01-01
Magbasa pa
Chapter 9
NATANAW ko na ang exit kaya naman mas nilakihan ko ang hakbang ko. Mabigat sa loob ko ang umalis na lang nang basta-basta lalo na trabaho ko ang maging sekretarya niya at ang senaryo na nakita ko ay umpisa pa lang dahil sa malamang ay ganoon lagi ang aabutan ko. Ano ba ang dapat kong asahan? Parang may hapdi sa puso ko ang makita silang masaya habang ang anak ko ay napilitan akong itago na lang sa dilim. Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana hindi ko na lang din naalala kung sino siya, kung sino ang ama ng anak ko. Sana ganoon na lang din kadali itago ang katotohanan. Sana ganoon na lang kadali magkunwari na wala akong alam at itago ang totoo kong nararamdaman.Sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si Maggy. Lumingon-lingon ako dahil baka nasa gilid lang pero wal
last updateHuling Na-update : 2022-01-05
Magbasa pa
Chapter 10.1
"FERRIS WHEEL! Yehey!" tuwang-tuwa na sigaw ni Maggy habang nagtatatalon at nakatingala sa dambuhalang ferris wheel sa harap namin, mukhang hindi na makapaghintay na makasakay doon. Kasalukuyan kaming nakapila para sumakay sa ferris wheel.Dinala ko si Margarette sa Enchanted Kingdom para makapag liwaliw naman siya. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang palagi lang sa opisina ni Riaz ang libangan niya. Hindi naman siya naging problema doon dahil buong buwan na abala si Riaz sa meetings kaya naging abala din ako.Kahapon ang araw ng sweldo at hindi ko inaasahan na tumatagingting na isang daang libo ang sweldo ko. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang ti-triplehin niya ang sahod ko. Pinaghirapan ko naman ito kaya gagastusin ko ito nang maayos at tama. Unang-una na sa plano ko si Maggy at kahapon nga ay nagpa-schedule ako sa
last updateHuling Na-update : 2022-01-07
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status