HABANG BINABAGTAS KO ang kahabaan ng isang kalsada ay saka ako nakaramdam ng butil ng tubig na pumapatak sa balat ko. Hanggang sa palakas nang palakas iyon. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos rin ng mga luha ko. Basang-b**a na ako pero hinayaan ko lang ang sarili ko, sa paraang ito mas gumagaan ang bigat na nararamdaman ko. Niyakap ko ang sarili ko habang humihikbi.
Hindi ko na alam kung saan na ako patungo ngayon. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin. Wala ‘yong tunay na pamilya na tatanggap sa akin at mauuwian ko kahit ni pangalan nila, hindi ko alam. Kahit picture man lang nila ay wala ako. Tanging paghikbi at patak ng ulan sa kalsada ang maririnig sa kahabaan ng daan. Tumilansik sa akin ang tubig nang may isang sasakyan na humaharurot ang nagdaan. Huminto ito sa tapat ko at muling humarurot ulit. Paglagpas nito ay napansin ko ang isang hugis ng tao. Hindi ito gumagalaw. Nag-umpisang tumibok nang mabilis ang puso ko.
Maliliit ang hakbang akong lumapit doon at napatakip ako ng bibig nang makita na isang babae ang nakahandusay sa kalsada.
“Oh my god, Ma’am! Are you okay!?” Tinapik ko ang mukha niya, mas lalo akong kinabahan nang makitang puro dugo ang mga kamay ko. Ang dugo niya ay humahalo na sa tubig ulit. Puro galos rin ang braso niya. Pinakiramdaman ko ang pulso niya at kahit papaano ay naibsan ang kaba ko nang may pulso pa ito. Tumayo ako at naghanap ng tutulong. Mabuti na lang dahil may nag-iisang tricycle ang napadaan. Nanginginig na pinara ko iyon para dalhin ang ginang sa ospital.
NAGISING ako dahil sa pagyugyog ng balikat ko. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko ang ginang na gising na.
“Sino ka, Miss?” tanong nito sa akin. Napatitig lang ako sa kaniya. She has something that made my heart tremble. She has this aura that scares me, her stares send chills down my spine. Pero naawa rin ako sa kaniya. Kagabi pa nagtatanong ang mga nurse ng impormasyon ng babae pero wala akong maibigay dahil hindi ko rin alam.
“H-hindi na po importante kung sino ako. Mabuti at ayos lang kayo. Sandali lang po, tatawagin ko ang nurse,” paalam ko at lumabas, hindi ako makatagal sa titig niya. Pagbalik ko ay kasama ko na ang isang nurse.
“Ma’am, may contact number po ba kayo ng relatives niyo? Anak o asawa po para matawagan namin at ma-inform ang lagay niyo?” tanong sa ginang ng nurse na nasa gilid ko.
Biglang lumamig ang ekspresyon ng ginang at sa pagkakataong iyon, hindi ko alam bakit awa ang nararamdaman ko. Mapakla siyang ngumiti at sumagot.
“Wala akong pamilya,” mapait na wika niya na dumurog sa puso ko. Parehas pala kami. Kaya siguro ganito ang nararamdaman ko para sa kaniya. Napatingala ako nang magtubig ang mata ko. May binigay siyang numero sa nurse. Hindi ko alam kung sino ‘yon nalaman ko lang noong dumating ang isang babaeng maikli at kinulang sa tela ang damit, may magandang hubog ng katawan. May mahabang pilik-mata at kuko.
“Madam!? Diyos ko! Hindi ka talaga tinigilan ng mga damuhong iyon, ano!? Tatlong araw ka naming hinanap!” bungad ng babae, bakas ang pag-aalala sa mukha. Lumingon ito sa akin. “Sino siya, Madam?”
“Siya ang tumulong sa akin,” sambit ng ginang sa tila empleyado niya. Bumaling ito sa akin. “Salamat pala. Sumama ka sa amin para mabayaran kita. Ayokong may tinatanaw na utang na loob sa ibang tao,” malamig na wika niya na nagpaawang sa labi ko.
“Hindi niyo ho ako kailangan bayaran, ayos lang po.”
“Hindi kita titigilan iha hangga’t wala akong naibabalik sa ‘yo,” matigas na sabi ng ginang. “Magkano ba ang gusto mo? Sumama ka sa akin dahil nasa bahay ko ang pera ko.”
Aangal pa sana ulit ako kaso sumagot naman ang babaeng kasama nito.”Girl, taggapin mo na. Hindi makakatulog ‘to,” dagdag ng babae.
“Ano bang gusto mo? Kahit ano. Pera? Trabaho? Pagkain?” tanong ng ginang habang nakataas ang kilay. Halatang desidido siya sa sinasabi niya. Mukha naman silang hindi nagbibiro. Lumunok ako nang malalim at nag-isip.
“Trabaho… Kailangan ko po ng trabaho.”
PUMASOK kami sa isang two story building. Malaki ito. Sa labas ay may nakapaskil na ‘Night Beats’. Huminto ako kaya napatigil din sila.
“Hindi ko po balak mag p****k,” sagot ko agad. Alam kong nightclub ito sa pangalan pa lang. Tumaas ang kilay ko nang tumawa ang ginang at ang babae na nakaalalay sa ginang.
“Hindi ko naman sinabing mag-dancer ka, iha. Kulang kami sa server. Taga-serve ka lang.”
Napatigil ako. I sounded judgmental just a while ago. Wala naman akong problema sa mga p****k. Profession iyon, that’s business. Pero hindi ko trip na line of work iyon.
Tumuloy kami sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa d****b dahil bukod sa trabaho ay may kasamang kwarto ito. Stay in kumbaga. Hindi na ako mahihirapan pa maghanap ng matitirhan ngayon pang umalis ako sa puder ng ama ko na gustong kumitil sa anak ko.
Tinuro nila sa akin ang mga dapat gawin. May dalawang linggong training kaya sa una ay mas mababa ang sahod pero libre naman ang pagkain at bahay. Hindi naman ako high maintenance sa sarili kaya ayos na ako sa simpleng pamumuhay na ganito. Siguro maninibago ako dahil club ang pinagtatrabahuhan ko pero ayos lang. Masasanay rin ako na tray ang hawak ko imbes na business papers. Sanay naman ako sa puyatan kaya walang problema sa night shift. Masasanay rin ako sa buhay na ito, malayo sa buhay na kinasanayan at ibinigay sa akin ng mga taong kumontrol sa buhay ko sa halos labing-limang taon.
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON…
Ang apat na taon ay hindi naging madali. Lalo na noong pinagbubuntis ko si Maggy. Hindi madaling itago kanila madam ang pagbubuntis ko lalo na lumalaki ang tiyan ko, bagay na hindi ko mapipigilan. Kailangan kong itago ang pagbubuntis ko kay Madam Mariposa lalo na kailangan ko ng trabaho sa panganganak ko.
Pero walang sikretong hindi nabubunyag. Dumating ang araw na nalaman ng lahat ang pagbubuntis ko. Sa una ay nagalit si Madam Mariposa. Ngunit may bagay na pumipigil sa kaniya na alisin ako. Sinabi niya na bumenta ang club niya simula noong dumating ako. Aniya, swerte daw ang batang dinadala ko. Pinayagan niya akong manatili doon kapalit ng isang kasunduan. Na sa oras na mag-apat na taon na ang anak ko, magtatrabaho ako bilang dancer lalo na gustong-gusto raw ako ng mga suking foreigner doon.
Hindi sapat ang ipon ko at sa oras na ‘yon ay wala akong ibang choice kundi ang sumang-ayon. At ngayon nga ang umpisa no’n.
Huminga ako nang malalim dahil parang nilalamon na ako ng kaba. Hawak ko ang kamay ng anak ko habang nakahiga kami sa kama. In her hand, I found calmness. Kumakanta ako ng lullaby para mas mabilis na makatulog siya. Minsan naiisip ko, kahit minsan ba, kinantahan ako ng nanay ko ng lullaby gamit ang malambing niyang tinig?
Pinapatulog ko muna si Maggy para hindi siya lumabas ng kwarto sa oras ng trabaho ko. Lalo ngayon ayokong makita niya kung anong klase ang trabaho ko. Ayokong kamuhian niya ako o pandirihan.
“Ang ganda-ganda mo, anak. Ang laki mo na,” naiiyak na bulong ko. Pinagmamasdan ko ang makapal niyang kilay, mahabang pilik-mata niya, ang matangos na ilong at manipis na labi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Akala ko madali lang magpalaki ng anak nang mag-isa ka, hindi pala. Lalo na kapag tinatanong ka ng anak mo tungkol sa tatay niya. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot.
Pumikit ako at hinalikan siya sa noo. Nagpunas ako ng luha.
“Galingan mo gumiling ha, keri mo ‘yan, girl!” pang-e-encourage ni Pauline o mas kilalang Magda. Kasalukuyan niya akong mine-make-up-an.
“Paano kapag hindi nila bet ang may anak na?”
“Gaga! Hindi naman halata sa ‘yo na may anak ka na. Mas mukha ka pa ngang dalaga sa akin. Isa lang naman ang pumasok at lumabas sa ‘yo, ano! Sa akin nga gabi-gabi may sumasargo!” bulalas niya habang nilalagyan ako ng blush on. Halos humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi niya. Walang preno at natural na natural ang pagsabi niya no’n.
“Ano ba ‘yang bunganga mo, Magda! ‘Wag kang magsasalita ng ganiyan sa harap ng anak ko, ha!” paalala ko sa kaniya. Sa apat na taon, si Pauline ang pinaka-close ko sa mga empleyado dito. Siya rin ang babae na kasama ni Madam sa hospital noon. Nasanay na ako sa mga pananalita ng mga tao dito. Mga term na malalaswa at hindi kaaya-aya sa mga bata, na hindi dapat makuha ng anak ko.
“Oo na. Wala ka pa rin bang balita sa tatay niyan? Ang ganda ng anak mo, maganda ka rin pero alam mo, ‘di mo siya masyadong kahawig. Mas kahawig niya siguro ang tatay niya. Siguro gwapo ang tatay niyan, ‘no?” usisa niya. Napa-ikot ang mata ko. Sawang-sawa na ako sa mga tanong niya. Paulit-ulit na lang.
“Alam mo, Magda. Kung wala kang matinong itatanong, itikom mo na lang ‘yang bibig mo,” inis na sabi ko. Ayoko nang pinag-uusapan ang tungkol sa lalaking ‘yon. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang ipakilala pa ang anak ko sa nakabuntis sa akin. Dare lang ‘yon. Baka hindi niya nga alam na may anak siya sa akin. Saglit lang naman kami nagkakilala. Dala lang ng kapusukan namin noon.
Nangangatog ang tuhod ko habang umaakyat sa stage ng night club. Mas nagpalamig sa akin ang mga mata na nakatitig sa akin mula sa mga customer ng club. Lumapit ako sa pole at tumalikod. Nauna pang magsayaw sa akin ang iba’t ibang kulay ng ilaw.
Hindi ako komportable sa one piece na suot ko. Pumikit ako at huminga nang malalim. Sobrang lakas ng kabog ng d****b ko na animo’y lalabas ito mula sa ribs ko.
Handa na akong gumiling nang tumugtog ang ‘Careless Whisper by George Michael’. Ngunit napa-upo ako kasabay ng pagtakip ko ng tenga nang makarinig ako ng malalakas na putukan ng baril. Nagpalinga-linga ako habang gulantang na gulantang sa nangyayari. Mga hiyawan ng tao ang naririnig ko at halos nagkakagulo na ang lahat. Walang pag-aalinlangan na tumakbo na rin ako papasok sa loob at umakyat sa second floor. Tinungo ko ang kwarto namin ng anak ko at halos takasan ako ng bait nang wala si Maggy sa higaan.
“M-maggy! Anak!?” sigaw ko habang hinahanap siya sa bawat kwarto na madaan ko. Hindi ko rin makita si Magda o kaya si Madam. Nagkakagulo na ang lahat. Halos mapasabunot ako sa sarili ko. Nasaan ang anak ko!? Diyos ko po! Ramdam ko ang pagtutubig ng mata ko dala ng sobrang pag-aalala.
Bumaba ako kahit na nakakarinig ako ng putukan ng baril. At tumigil ang mundo ko nang makita ko ang isang matangkad at nakasuot ng leather coat na lalaki ang may buhat sa anak ko. Tumatakbo sila habang may hawak rin na baril ang lalaki at may pinaputukan ito sa ibang direksyon..
“M-Maggy! Anak!”
Malalaki ang hakbang pero may pag-iingat na tinungo ko sila. Halos bumuhos ang luha ko nang makita na ligtas ang anak ko. Nagtago sila sa isang sulok kaya pinuntahan ko sila doon.
“Mommy!” sigaw ni Maggy nang makita ako. Bakas ang takot sa mukha niya na nagpakirot sa d****b ko. Sumenyas ako na huwag maingay at naintindihan niya naman ito. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Salamat at ligtas ka, anak!” nanginginig na wika ko habang yakap si Maggy sa mga bisig ko.
Tumingala ako para magpasalamat sa lalaking nagligtas sa anak ko pero agad na natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Tila may malaking bagay na bumara sa lalamunan ko nang makilala ang lalaki. I could still remember his facial features clearly in my mind. I can’t be wrong. That’s him!
“We don’t have time, we need to get out of here!” he yelled. Binuhat niya ang anak ko at lumabas. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya dahil buhat niya ang anak ko. Bagamat may pag-aalinlangan, inisip ko na lang na kailangan muna naming makalabas dito.
NAMALUKTOT ako nang malamig na ihip ng hangin ang gumapang mula sa binti pataas sa buong katawan ko. Habang nakapikit ay nangapa ako sa gilid ko ng kumot o bagay na magbibigay init sa akin. Wala akong nagawa kundi yakapin ang sarili. Napadilat ako nang mapagtanto ko na wala akong katabi. Bumangon ako at napatingin sa buong kama at bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi makita si Maggy doon.Luminga ako sa paligid ko. Nanggagaling sa bukas na pinto na gawa sa salamin mula sa balkonahe ng kwarto ang malamig na simoy ng hangin. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. I almost slap myself, I’m still wearing the one piece dress from the bar. Kaya pala ganoon na lang ako mangatog sa lamig, kinulang pala sa tela at napaka nipis ng suot ko.Malalaki ang yabag na tinungo ko ang labas ng kwarto. Naalala kong sumama pala kami sa lalaki
"Happy 4th Birthday, Maggy!"Mahigpit na yakap ang inialay ko sa anak ko. Naramdaman ko ang maliit nitong mga braso na umikot rin sa bewang ko.Kasalukuyan kaming nasa kusina ng mansyon na ito na pagmamay-ari ni Riaz. Bumigat ang paghinga ko nang maghiwalay kami sa yakap. Kitang-kita ko sa mga mata niya na malungkot siya pero pinipilit niyang ngumiti. Napaka swerte ko sa anak ko kasi siya ang naging kakampi ko sa laban ng buhay. Siya ang inspirasyon ko para magpatuloy at huwag sumuko pero siya rin ang kahinaan ko.Gusto ko na agad humingi ng sorry sa kaniya sa pagtatago ng totoo sa kaniya. Sa paglilihim ng katotohanan na narito ang ama niya, malapit lang sa kaniya.Hinaplos
PINIGA-PIGA ko ang palad ko habang hindi mapakali sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Simula kanina ay hindi na ako ulit nakatulog pa. Binabagabag ang puso at isipan ko ng napakaraming bagay. Hindi ito matahimik hangga't hindi ko nakukumpirma ang isang bagay.Tinitigan ko si Maggy na mahimbing pa ang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya."Sana maintindihan mo ako bakit nahihirapan akong ipakilala sa 'yo ang ama mo kahit na sobrang lapit niyo na lang sa isa't isa. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka masasaktan," bulong ko, gumuguhit ang bawat salita na 'yon sa puso ko.Tumayo ako at walang ingay na lumabas ng kwarto. Maliwanag na sa labas.Paglabas ng kwarto ay bumungad sa akin ang hindi ma
"Mommy, saan tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo?"Sumenyas ako kay Maggy na huwag maingay. Pababa kami ng hagdanan at tumungo sa pinto palabas ng mansyon. Maingat at mabilis ang galaw ko bago pa magising si Riaz at maabutan kami."Iiwan po ba natin si Tito Riaz dito?" She's so attached with Riaz kahit na ngayon niya lang ito nakilala. Blood is indeed thicker than water.Huminga ako nang malalim at yumuko para harapin si Maggy na panay ang tanong. Sinakop ng mga palad ko ang mga pisngi niya at tinitigan siya. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa aming mag-ina."Uuwi na tayo anak, okay? 'Wag kang maingay dahil baka magising mo si T-Tito Riaz mo,"
LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nang unang gambalain ni Riaz ang nananahimik naming buhay. Walang gabi na hindi siya bumisita para kay Megumi.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang tanging alam ko lang ay ginugulo niya kami. Nagugulo ang buhay ko dahil sa ginagawa niya.Inis na tinampal ko ang noo ko at saka umiling. Hindi ko muna dapat iniisip 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng trabaho at makaalis na sa club nang sa gano'n ay makakalayo na kami kay Riaz nang tuluyan.Napapaisip pa rin ako kung anong pangako ang tinutukoy niya. Tinatanong ko si Maggy pero secret daw nila 'yon. Hindi magandang ideya na napapalapit masyado ang anak ko sa kaniya gayong may pamilya na naghihintay sa kaniya.
LUMABAS ako ng office ni Riaz at nagtungo sa isa pang room na hindi kalayuan sa office niya. Pumasok ako sa Pantry Area. Pumasok ako doon at hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng stock at kung gaano kaganda ang design na halatang pinaggugulan ng oras ang bawat detalye. Pagpasok pa lang ay aroma na agad ng matapang na kape ang manunuot sa ilong na talagang magigising ang diwa mo.Mas malaki ang pantry area ng kumpanya na ito kumpara sa kumpanya namin noon, este kumpanya ng tatay-tatayan ko.Nagtimpla ako ng kape gamit ang coffee maker na nandito. Matapos ay agad na nagtungo ako palabas ng pantry area bitbit ang isang tasa ng kape. Ngunit hindi ko inaasahan na may sasalubong sa akin dahilan para matapunan ko siya ng sobrang init na kape. Tila ako man ay binuhusan naman ng malamig na tubig nang makilala kung sino ang
NATANAW ko na ang exit kaya naman mas nilakihan ko ang hakbang ko. Mabigat sa loob ko ang umalis na lang nang basta-basta lalo na trabaho ko ang maging sekretarya niya at ang senaryo na nakita ko ay umpisa pa lang dahil sa malamang ay ganoon lagi ang aabutan ko. Ano ba ang dapat kong asahan?Parang may hapdi sa puso ko ang makita silang masaya habang ang anak ko ay napilitan akong itago na lang sa dilim. Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana hindi ko na lang din naalala kung sino siya, kung sino ang ama ng anak ko. Sana ganoon na lang din kadali itago ang katotohanan. Sana ganoon na lang kadali magkunwari na wala akong alam at itago ang totoo kong nararamdaman.Sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si Maggy. Lumingon-lingon ako dahil baka nasa gilid lang pero wal
"FERRIS WHEEL! Yehey!" tuwang-tuwa na sigaw ni Maggy habang nagtatatalon at nakatingala sa dambuhalang ferris wheel sa harap namin, mukhang hindi na makapaghintay na makasakay doon. Kasalukuyan kaming nakapila para sumakay sa ferris wheel.Dinala ko si Margarette sa Enchanted Kingdom para makapag liwaliw naman siya. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang palagi lang sa opisina ni Riaz ang libangan niya. Hindi naman siya naging problema doon dahil buong buwan na abala si Riaz sa meetings kaya naging abala din ako.Kahapon ang araw ng sweldo at hindi ko inaasahan na tumatagingting na isang daang libo ang sweldo ko. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang ti-triplehin niya ang sahod ko. Pinaghirapan ko naman ito kaya gagastusin ko ito nang maayos at tama. Unang-una na sa plano ko si Maggy at kahapon nga ay nagpa-schedule ako sa
Tumayo si Blaze nang makita ako. Hinila niya ang braso ko at ikinulong ako sa mga bisig niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko.He didn't change. He's still clingy as hell, one thing that I hate about him."I'm sorry, I get so excited everytime we meet," he expressed as we parted.Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Ngumiti ako nang pilit. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa gilid ko. Riaz is standing near me while his arms crossed.Riaz cleared his throat. Tila may ibig sabihin ito na nakuha ko naman kaagad. Magsasalita pa lang ako nang unahan ako ni Blaze. The beaming smile on his lips quickly faded."Who's he?
“KAMUSTA naman ang nanay mo? Okay na ba siya?” tanong ko kay Pauline kararating lang mula pa sa mahabang biyahe galing probinsya. Pumayat ito nang bahagya at mas lumusog ang mga eye bags. Katulad ng inaasahan ay matamis na ngiti ang namutawi sa mga labi niya. Nasa kusina kami ng club dahil kumakain ako ng almusal bago pumasok sa trabaho. Si Maggy ay tulog pa, kanina ko pa ginigising pero ayaw bumangon. “Ayos naman siya. Ako ang hindi ayos dahil butas na ang bulsa ko sa laki at dami ng gastusin namin. Kaya nga nagpasya ako na bumalik na para magtrabaho. Baon na baon na kami sa utang,” kwento niya. Sa kabila ng pilya niyang personalidad ay may mabigat itong responsibilidad na nagpapabigat sa kaniya. Hindi man niya ipahalata, alam kong nahihirapan na siya. Ina