NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ang isang maliit na puti at parihabang bagay matapos ko itong patakan ng ihi. Halos naririnig ko na ang malakas na kabog ng d****b ko.
Napapikit ako at nagdadasal na sana hindi, na sana akala ko lang.
Inilapag ko ang pregnancy test kit sa ibabaw ng sink para ayusin ang pang-ibabang suot ko. Pagkatapos ay tumayo ako sa harap ng salamin at muling kinuha ang pregnancy test kit at dahan-dahan na pinihit ito paharap sa akin. Halos himatayin ako sa sobrang pagpipigil ng hininga. Panay ang dasal ko habang unti-unting dinidilat ang mata para tignan ang result sa pregnancy test kit.
Nilukob ako ng takot at kaba nang makita ang dalawang pulang guhit. Nanginginig ang mga labi ko at kamay ko. I’m pregnant.
Napasalampak ako sa sahig habang bumubuhos ang luha patungo sa pisngi ko. That was a one night stand. Paano nangyaring… Nabuntis ako!? Napahagulgol ako habang nakatakip ang bibig at nakatingin sa pregnancy test kit.
Paano ko ipapaliwanag sa kanila na buntis ako? Paano ko rin sasabihin na hindi ko kilala ang tatay ng dinadala ko? Ni kahit isang impormasyon niya ay wala ako. Tanging mukha niya lang ang alam ko.
Hindi pwedeng malaman nila Mom at Dad ito. Siguradong malilintikan ako. Siguradong hindi nila tatanggapin ang batang dinadala ko. Napasabunot ako sa sarili ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Ate Megs!? Are you there!?” I heard my younger sister, Loisa, knocking continuously at my bathroom door. Napatayo ako at napapahid ng luha, inayos ko ang sarili ko upang hindi niya mahalata na umiyak ako. Itinapon ko sa basurahan ang pregnancy test kit na hawak ko bago ko binuksan ang pinto.
“W-why?” I asked as I opened the door. Mabilis na lumabas ako para hindi niya mapagmasdan ang mukha ko. Nagtungo ako sa closet at nagpanggap na may hinahanap.
Naramdaman ko ang yabag ng paa niya sa direksyon ko. “Dinner is ready and we should be there, Dad will announce something,” aniya na nagpatigil sa akin sa ginagawa ko at mabilis na napalingon sa kaniya.
Halos sumabog na ang d****b ko sa kaba at sa mga nangyayari sa akin. Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng kwarto at bumaba.
Sa pamilyang ito, I serve as an instrument and a role model to my younger sisters. Mula sa pananamit, pananalita, kilos at pagharap sa mga tao ay dapat naaayon sa estado ng buhay namin. We should act meticulously and prominently. Sa pamamahay na ito, hindi uso ang salitang ‘failure’.
Nakakuyom ang kamay ko habang nakaupo sa harap ng magara at mahabang lamesa kung saan nakahain ang iba’t ibang uri ng pagkain. At sa pinakadulo nakaupo ang pinaka pormal at striktong tao na kilala ko, si Dad. Binalot ako ng lamig nang magtama ang mata namin at mabilis na napa-iwas ako at yumuko.
“We are celebrating the upcoming wedding of Megumi and Blaze. Sinasabi ko sa inyo ito, para tumulad kayo sa ate Megumi niyo. She’s a perfect daughter, isn’t she?” puno ng awtoridad na wika ni Dad.
Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin kapag nalaman nila na buntis ako? Ngayon pang mas nalalapit na ang kasal ko. Ipinagkasundo ako ni Dad sa anak ng isa rin sa pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Wala akong ibang choice kundi ang pumayag dahil ako lang naman ang inaasahan niya sa ganitong bagay. Buong buhay ko siyang sinusunod dahil utang na loob ko sa kaniya iyon, dahil kung wala siya, baka wala na ako.
Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti sa kanila. Tumama ang tingin ko kay Mom na pormal na nagpupunas ng tissue sa bibig. Sunod sa dalawa ko pang kapatid, si Ladia, ang laging kulot ang buhok, siya ang sumunod sa akin habang si Loisa naman ang bunso, the one whose wearing a glasses.
“Dad, may I just skip this dinner? I-I’m not feeling well.” Nanginig ang labi ko at muntik pa akong mapiyok nang sabihin ko iyon. Lumunok ako nang malalim habang naghihintay sa sagot ni Dad na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
“She must be tired, hon. Let her rest. She’s been working all day,” suhestiyon ni Mom. Alam kong hindi papayag si Daddy. Hapong-hapo na ako. Gusto ko na lang itulog itong kaba at takot ko. Kailangan ko pang maka-isip ng paraan paano ipapaliwanag at sasabihin sa kanila na buntis ako. Napakalaking gulo ng pinasok ko. Hindi ko na alam ang gagawin.
“Fine, you may go,” matipid pero naroon pa rin ang awtoridad na sabi ni Dad.
Pag-akyat ko ay dumiretso ako sa bathroom para kuhanin ang pregnancy test kit na tinapon ko sa basurahan. Halos ibuhos ko na ang laman no’n dahil hindi ko makita ang pregnancy test kit. Nandito lang ‘yon kanina! Siguradong dito ko lang tinapon ‘yon.
Shit.
“Nasaan na ba ‘yon!?”
Napalingon ako nang malakas na kumalabog ang pinto ng bathroom ko pabukas at niluwa si Dad na nanlilisik at nag-aapoy ang mga mata. Nanlaki ang mga mata ko at sinundan ng malakas na kabog ng d****b. Bahagya akong napaatras.
“Ito ba!? Ito ba ang hinanahap mong malandi ka!?” sigaw niya na mas nagpakabog nang mabilis sa puso ko lalo na nang makita kong hawak niya ang pregnancy test kit. Halos dumagundong ang buong kwarto ko sa lakas no’n. Paano napunta sa kaniya ‘yon!?
Bago pa ako makapag-react, namalayan ko na lang na hila-hila niya ako habang nakasabunot sa buhok ko palabas sa bathroom. Binalibag niya ako sa sahig na halos ikasubsob ko. Natanaw ko sa bukana ng pinto ang nag-aalalang mukha ni Mom habang ang dalawa kong kapatid na nasa likuran niya ay nakangisi at tila ba natutuwa sa nangyayari sa akin. Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Loisa. Siya lang ang huling pumasok sa kwarto ko kaya—
Malakas na sampal ang nagpamanhid sa buong mukha ko at mas lalo akong nasubsob sa sahig. Napanganga ako dahil doon at tila nawindang ang buong sistema ko. Nag-umpisa nang bumagsak ang mga luha ko hindi dahil sa sakit ng sampal, kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
“Pagkatapos kitang ampunin, bihisan at bigyan ng pangalan… Nagawa mo kaming gaguhin ng ganito?” panunumbat sa akin ni Dad. Para siyang halimaw na walang bahid ng awa sa puso kung saktan ako. Napahagulgol ako ng iyak.
“S-sorry… Dad. Hindi ko po sinasadya—”
“Don’t call me your dad, we don’t share even a drop of blood! Hindi mo alam kung gaano kalaking kahihiyan ang dinala mo sa akin, sa pamilyang ito! I’m so disappointed! I regret adding my surname to your name!” Hinablot niya ang buhok ko kaya napatayo ako, pakiramdam ko ay halos humiwalay na ito sa anit ko. Halos malukot ang mukha ko sa sobrang sakit.
“M-marami naman akong nagawa sa pamilyang ito, ah!? Lahat ng gusto niyo sinusunod ko, ginagawa ko kahit labag sa loob ko para lang maabot ‘yang expectations niyo! I tried to be the perfect daughter just like what you wanted! Pero dahil lang sa isang pagkakamali ko… Sinusumbat niyo na lahat sa akin?” Napahikbi ako matapos sabihin ‘yon. “I did everything just to make you proud… Para hindi niyo pagsisihan na inampon niyo ako. Bakit ganito kayo sa akin ngayon? Bakit kung tratuhin niyo ako ngayon parang wala akong nagawang tama sa paningin niyo!?”
Binitawan ni Dad ang buhok ko at tinulak ako sa gilid ng kama. Napanganga ako dahil kumirot ang tagiliran ko nang tumama ito sa matigas na bagay.
“Fine! I’m giving you another chance. May paraan pa para itama mo ang lahat ng ito, Megumi!” Tumango-tango siya habang madilim ang mga mata na nakatingin sa akin. Nakatiim bagang ito habang nagngingitngit ang mga ngipin. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Hindi pa huli ang lahat para ipalaglag mo ‘yang bata na ‘yan,” suhestiyon niya sa matigas na boses na nagpakunot ng noo ko.
“Alejandro!” sigaw ni Mom nang marinig ang sinabi ng asawa niya.
Bumigat ang puso ko at mas lalong umagos ang mga luha sa mata ko. Paano nila nagagawa sa akin ito? Ganoon na lang ba kadali sa kanila na i-invalidate ang nararamdaman ko? Ano ba ako sa pamamahay na ito?
“Abort that child or I will abandon you?” seryosong tanong niya na nagpatigil sa mundo ko. Napaharap ako sa kaniya.
“W-what? Walang kinalaman ‘tong batang dinadala ko, Dad!” Umiiling ako habang umiiyak. Nanginginig ang mga labi ko habang hindi makapaniwala sa kaniya.
“That’s the only fucking way to fix this mess, Megumi! I don’t care who’s the father, you need to marry that Sullivan! This is final, abort that or leave my house, leave this family!”
“Napakasama mo,” sambit ko habang nanginginig ang buong kalamnan ko samantalang nanatiling walang ekspresyon ang mga mata niya. Tinalikuran niya ako at naglakad paalis pero huminto siya saglit pagdating sa pinto habang nakatalikod.
“Walang tutulong sa babaeng ‘yan, pare-parehas kayong malilintikan sa akin. Magsibalik na kayo sa mga kwarto niyo!” Pinaparinggan niya si Mom na alam kong tanging concern sa akin. Wala silang nagawa at umalis din. Pagsara ng pinto ay doon na ako napahagulgol habang yakap ang tuhod at nakasandal sa kama..
Napakagat ako sa labi ko habang umiiyak. Sobrang bigat ng loob ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Pero hindi ko ipapalaglag ‘tong batang ‘to. Hindi ako demonyo para gawin ‘yon. Kriminal lang ang tanging gagawa no’n.
I’m thankful to this family for adopting me, for giving me a house, a family… Pero kahit kailan hindi ko naramdaman ‘yong tunay na pagmamahal sa kanila.
Tumayo ako at nag-umpisang mag-impake, aalis na ako sa pamamahay na ito. Wala na akong paki kung anong kahahantungan ng buhay ko sa oras na lisanin ko ang buhay na ito. Hindi ko kayang pumatay ng batang inosente. Mas pipiliin kong magtiis sa gutom kaysa gawin ang bagay na iyon.
Lumaki ako sa bahay ampunan hanggang maglimang taon ako, walang kinikilalang magulang o kahit kamag-anak man lang. Naranasan ko at alam ko ang pakiramdam ng nangungulila at sabik sa yakap ng ina. Alam ko ang pakiramdam ng inabandona. Pinangako ko sa sarili ko na sa oras na magkaanak ako, hinding-hindi ko tatakbuhan ang responsibilidad ko. Ayokong maranasan ng anak ko ang nangyari sa akin. Gusto kong lumaki siya na alam niyang may kakampi at nagmamahal sa kaniya. Hindi ko man maibigay ang buong pamilya sa kaniya, ibibigay ko naman nang buo ang sarili ko. Pupunan ko lahat ng pagkukulang ng ama niya na kailanman hindi niya makikilala.
HABANG BINABAGTAS KO ang kahabaan ng isang kalsada ay saka ako nakaramdam ng butil ng tubig na pumapatak sa balat ko. Hanggang sa palakas nang palakas iyon. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos rin ng mga luha ko. Basang-basa na ako pero hinayaan ko lang ang sarili ko, sa paraang ito mas gumagaan ang bigat na nararamdaman ko. Niyakap ko ang sarili ko habang humihikbi.Hindi ko na alam kung saan na ako patungo ngayon. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin. Wala ‘yong tunay na pamilya na tatanggap sa akin at mauuwian ko kahit ni pangalan nila, hindi ko alam. Kahit picture man lang nila ay wala ako. Tanging paghikbi at patak ng ulan sa kalsada ang maririnig sa kahabaan ng daan. Tumilansik sa akin ang tubig nang may isang sasakyan na humaharurot ang nagdaan. Huminto ito sa tapat ko at muling humarurot ulit. Paglagpas nito ay napansin ko ang isang hugis ng tao. Hindi ito g
NAMALUKTOT ako nang malamig na ihip ng hangin ang gumapang mula sa binti pataas sa buong katawan ko. Habang nakapikit ay nangapa ako sa gilid ko ng kumot o bagay na magbibigay init sa akin. Wala akong nagawa kundi yakapin ang sarili. Napadilat ako nang mapagtanto ko na wala akong katabi. Bumangon ako at napatingin sa buong kama at bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi makita si Maggy doon.Luminga ako sa paligid ko. Nanggagaling sa bukas na pinto na gawa sa salamin mula sa balkonahe ng kwarto ang malamig na simoy ng hangin. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. I almost slap myself, I’m still wearing the one piece dress from the bar. Kaya pala ganoon na lang ako mangatog sa lamig, kinulang pala sa tela at napaka nipis ng suot ko.Malalaki ang yabag na tinungo ko ang labas ng kwarto. Naalala kong sumama pala kami sa lalaki
"Happy 4th Birthday, Maggy!"Mahigpit na yakap ang inialay ko sa anak ko. Naramdaman ko ang maliit nitong mga braso na umikot rin sa bewang ko.Kasalukuyan kaming nasa kusina ng mansyon na ito na pagmamay-ari ni Riaz. Bumigat ang paghinga ko nang maghiwalay kami sa yakap. Kitang-kita ko sa mga mata niya na malungkot siya pero pinipilit niyang ngumiti. Napaka swerte ko sa anak ko kasi siya ang naging kakampi ko sa laban ng buhay. Siya ang inspirasyon ko para magpatuloy at huwag sumuko pero siya rin ang kahinaan ko.Gusto ko na agad humingi ng sorry sa kaniya sa pagtatago ng totoo sa kaniya. Sa paglilihim ng katotohanan na narito ang ama niya, malapit lang sa kaniya.Hinaplos
PINIGA-PIGA ko ang palad ko habang hindi mapakali sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Simula kanina ay hindi na ako ulit nakatulog pa. Binabagabag ang puso at isipan ko ng napakaraming bagay. Hindi ito matahimik hangga't hindi ko nakukumpirma ang isang bagay.Tinitigan ko si Maggy na mahimbing pa ang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya."Sana maintindihan mo ako bakit nahihirapan akong ipakilala sa 'yo ang ama mo kahit na sobrang lapit niyo na lang sa isa't isa. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka masasaktan," bulong ko, gumuguhit ang bawat salita na 'yon sa puso ko.Tumayo ako at walang ingay na lumabas ng kwarto. Maliwanag na sa labas.Paglabas ng kwarto ay bumungad sa akin ang hindi ma
"Mommy, saan tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo?"Sumenyas ako kay Maggy na huwag maingay. Pababa kami ng hagdanan at tumungo sa pinto palabas ng mansyon. Maingat at mabilis ang galaw ko bago pa magising si Riaz at maabutan kami."Iiwan po ba natin si Tito Riaz dito?" She's so attached with Riaz kahit na ngayon niya lang ito nakilala. Blood is indeed thicker than water.Huminga ako nang malalim at yumuko para harapin si Maggy na panay ang tanong. Sinakop ng mga palad ko ang mga pisngi niya at tinitigan siya. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa aming mag-ina."Uuwi na tayo anak, okay? 'Wag kang maingay dahil baka magising mo si T-Tito Riaz mo,"
LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nang unang gambalain ni Riaz ang nananahimik naming buhay. Walang gabi na hindi siya bumisita para kay Megumi.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang tanging alam ko lang ay ginugulo niya kami. Nagugulo ang buhay ko dahil sa ginagawa niya.Inis na tinampal ko ang noo ko at saka umiling. Hindi ko muna dapat iniisip 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng trabaho at makaalis na sa club nang sa gano'n ay makakalayo na kami kay Riaz nang tuluyan.Napapaisip pa rin ako kung anong pangako ang tinutukoy niya. Tinatanong ko si Maggy pero secret daw nila 'yon. Hindi magandang ideya na napapalapit masyado ang anak ko sa kaniya gayong may pamilya na naghihintay sa kaniya.
LUMABAS ako ng office ni Riaz at nagtungo sa isa pang room na hindi kalayuan sa office niya. Pumasok ako sa Pantry Area. Pumasok ako doon at hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng stock at kung gaano kaganda ang design na halatang pinaggugulan ng oras ang bawat detalye. Pagpasok pa lang ay aroma na agad ng matapang na kape ang manunuot sa ilong na talagang magigising ang diwa mo.Mas malaki ang pantry area ng kumpanya na ito kumpara sa kumpanya namin noon, este kumpanya ng tatay-tatayan ko.Nagtimpla ako ng kape gamit ang coffee maker na nandito. Matapos ay agad na nagtungo ako palabas ng pantry area bitbit ang isang tasa ng kape. Ngunit hindi ko inaasahan na may sasalubong sa akin dahilan para matapunan ko siya ng sobrang init na kape. Tila ako man ay binuhusan naman ng malamig na tubig nang makilala kung sino ang
NATANAW ko na ang exit kaya naman mas nilakihan ko ang hakbang ko. Mabigat sa loob ko ang umalis na lang nang basta-basta lalo na trabaho ko ang maging sekretarya niya at ang senaryo na nakita ko ay umpisa pa lang dahil sa malamang ay ganoon lagi ang aabutan ko. Ano ba ang dapat kong asahan?Parang may hapdi sa puso ko ang makita silang masaya habang ang anak ko ay napilitan akong itago na lang sa dilim. Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana hindi ko na lang din naalala kung sino siya, kung sino ang ama ng anak ko. Sana ganoon na lang din kadali itago ang katotohanan. Sana ganoon na lang kadali magkunwari na wala akong alam at itago ang totoo kong nararamdaman.Sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si Maggy. Lumingon-lingon ako dahil baka nasa gilid lang pero wal
Tumayo si Blaze nang makita ako. Hinila niya ang braso ko at ikinulong ako sa mga bisig niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko.He didn't change. He's still clingy as hell, one thing that I hate about him."I'm sorry, I get so excited everytime we meet," he expressed as we parted.Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Ngumiti ako nang pilit. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa gilid ko. Riaz is standing near me while his arms crossed.Riaz cleared his throat. Tila may ibig sabihin ito na nakuha ko naman kaagad. Magsasalita pa lang ako nang unahan ako ni Blaze. The beaming smile on his lips quickly faded."Who's he?
“KAMUSTA naman ang nanay mo? Okay na ba siya?” tanong ko kay Pauline kararating lang mula pa sa mahabang biyahe galing probinsya. Pumayat ito nang bahagya at mas lumusog ang mga eye bags. Katulad ng inaasahan ay matamis na ngiti ang namutawi sa mga labi niya. Nasa kusina kami ng club dahil kumakain ako ng almusal bago pumasok sa trabaho. Si Maggy ay tulog pa, kanina ko pa ginigising pero ayaw bumangon. “Ayos naman siya. Ako ang hindi ayos dahil butas na ang bulsa ko sa laki at dami ng gastusin namin. Kaya nga nagpasya ako na bumalik na para magtrabaho. Baon na baon na kami sa utang,” kwento niya. Sa kabila ng pilya niyang personalidad ay may mabigat itong responsibilidad na nagpapabigat sa kaniya. Hindi man niya ipahalata, alam kong nahihirapan na siya. Ina
"FERRIS WHEEL! Yehey!" tuwang-tuwa na sigaw ni Maggy habang nagtatatalon at nakatingala sa dambuhalang ferris wheel sa harap namin, mukhang hindi na makapaghintay na makasakay doon. Kasalukuyan kaming nakapila para sumakay sa ferris wheel.Dinala ko si Margarette sa Enchanted Kingdom para makapag liwaliw naman siya. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang palagi lang sa opisina ni Riaz ang libangan niya. Hindi naman siya naging problema doon dahil buong buwan na abala si Riaz sa meetings kaya naging abala din ako.Kahapon ang araw ng sweldo at hindi ko inaasahan na tumatagingting na isang daang libo ang sweldo ko. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang ti-triplehin niya ang sahod ko. Pinaghirapan ko naman ito kaya gagastusin ko ito nang maayos at tama. Unang-una na sa plano ko si Maggy at kahapon nga ay nagpa-schedule ako sa