Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2021-12-11 05:41:58

PINIGA-PIGA ko ang palad ko habang hindi mapakali sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Simula kanina ay hindi na ako ulit nakatulog pa. Binabagabag ang puso at isipan ko ng napakaraming bagay. Hindi ito matahimik hangga't hindi ko nakukumpirma ang isang bagay.

Tinitigan ko si Maggy na mahimbing pa ang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya. 

"Sana maintindihan mo ako bakit nahihirapan akong ipakilala sa 'yo ang ama mo kahit na sobrang lapit niyo na lang sa isa't isa. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka masasaktan," bulong ko, gumuguhit ang bawat salita na 'yon sa puso ko.

Tumayo ako at walang ingay na lumabas ng kwarto. Maliwanag na sa labas.

Paglabas ng kwarto ay bumungad sa akin ang hindi makabasag-pinggan na katahimikan. 

Nilingon ko ang kwarto kung saan nakita ko si Riaz at ang isang babaeng gumagawa ng isang kababalaghan. 

Oo, wala akong karapatan magalit. Wala ako sa posisyon para makialam sa buhay niya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bigat-bigat at ayaw akong patahimikin ng puso ko?

Lumunok ako nang malalim at malaki pero magaan ang hakbang na tinungo ko ang kwarto.

Hindi pa man ako nakakalayo nang mapahinto ako sa tapat ng kwarto ni Riaz. Nakaawang ang pinto kaya hindi ako nagdalawang isip na sumilip. Naabutan ko siyang nakadapa at walang saplot ang pang itaas habang nakatakip ng kumot ang bewang niya hanggang ibaba. Mukha siyang pagod at mahimbing ang pagkakatulog. Psh.

Kumunot ang noo ko. Bakit dito siya natutulog? Nasaan na ang babaeng kasayaw niya sa kama kanina?

Muli kong binato ng tingin ang kabilang kwarto. Pumunta ako doon at pumasok. 

Wala akong naabutan. Walang kahit anong bakas ng babae dito. Napatingin ako sa kama. Sigurado akong hindi ako nananaginip. Sigurado akong totoo ang nakita ko. Malinaw pa sa tubig ang narinig kong ungol at halinghing nila kagabi.

Huwag ka ngang magtanga-tangahan, Megumi! Nagsisinungaling siya sa 'yo! 

Napapikit ako nang mariin dahil hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko. Ang sinabi niya ba na wala siyang balak magpamilya o ang mga kilos na ginagawa niya?

Napaabante ako nang biglang magsara ng malakas ang pinto at paglingon ko ay matalim na nakatingin sa akin si Riaz. 

"What brings you here?" his deep, croaky voice echoed. Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Ano… Ahm… N-Nakita kong bukas ang pinto kaya pumasok ako. Na-curious lang ako kaya pumasok ako," pagsisinungaling ko. Napaiwas ako ng tingin at hindi makatingin nang diretso.

Ngumisi siya at humakbang patungo sa direksyon ko. Yumuko ako dahil para akong natutunaw sa mga titig niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. 

Bakit ba bigla-bigla na lang siyang sumusulpot!? Kanina ay natutulog siya kaya paanong nandito na siya sa harap ko?

Gamit ang isang kamay niya ay hinawakan niya ang baba ko at iniangat ito. Muling nagtama ang mga mata namin. Kapwa nangungusap ang mga ito.

"I know you saw us last night," pagkukumpirma niya na ikinalunok ko nang malalim. 

Paano niya nalaman!?

"A-Ano bang pinagsasasabi mo. Hindi ko alam ang tinutukoy mo," asik ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa baba ko. Nandidiri ako sa kaniya! Hindi ko maintindihan, naiinis ako sa tuwing bumabalik sa isip ko ang nakita ko kanina.

"Are you jealous? Hmm?" malanding saad niya na ikinataas ko ng kilay. Ako? Nagseselos? Imposible!

"Ano!? Hindi 'no! Wala akong paki kahit magdamag kayong mag-sex diyan ng girlfriend mo!" 

Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. He caught me off guard. Itinikom ko ang bibig ko at napatampal sa noo. "Fine, aksidente ko lang kayong nakita. Sino ba naman kasing hindi magigising sa ingay niyo. Para kayong mga baboy!"

Tumawa siya na mas ikinataas ng kilay ko. Humakbang siya para mas mapalapit sa akin. Umatras ako dahil sobrang lapit na niya pero tumama ako sa matigas na bagay at wala na akong maatrasan.

"I knew it, you're jealous. Sana sinabi mo kaagad para hindi na ako nagpapunta ng ibang babae dito." Ikinulong niya ako sa mga braso niya at tinitigan. Lust can be seen in his eyes. 

"Babae? Kung ituring mo ang girlfriend mo ay parang laruan lang na pagtapos mong gamitin at pagsawaan ay itatapon mo na lang." 

"Drop the girlfriend thingy! She's not my girlfriend!" inis na sigaw niya at lumayo sa akin.

"Pero bakit—"  Napatigil ako. Balak ko pa siyang kuwestyunin nang maalala ko ang nangyari sa amin four years ago. May nangyari din sa amin nang wala naman kaming relasyon. Ni hindi nga namin kilala ang isa't isa. Ngumisi siya. 

"Stop looking at me as if it is your first time meeting a man who played with women," he said as if it didn't bother him.

He's a playboy! A fucking playboy! 

"Kaya ba ayaw mong magkapamilya kasi mas gusto mong mamuhay ng ganito? Mas gusto mong mamuhay na para kang hari na ginagawa lang laruan ang mga babae?" tanong ko sa kaniya habang mabigat ang paghinga.

Sumeryoso ang mga mata niya. Tila umapoy ang mga ito habang nakatingin sa akin. "Women love that. Gusto niyo rin naman na ginagamit kayo kahit na—" 

"Na ano?" matigas na tanong ko sa kaniya. Matalim lang siya na nakatingin sa akin habang nakakuyom ang mga kamao at tila pinipigilan ang sarili na sabihin ang gusto niyang sabihin.

Paano ko ipagkakatiwala ang anak ko sa lalaking ito? Paano ko sasabihin sa kaniya na ang tatay niya ay walang ibang ginawa kundi paglaruan ang mga babae?

Bumuga siya ng hangin at tumingala habang hinahaplos ang batok. He looked at me for the last time then went out of the room.

Tila biglang naglaho ang nakakasakal na hangin sa pagitan namin kanina. Nakahinga na ako ng maluwag pero hindi nawawala ang bigat sa d****b ko.

"Mommy, tignan mo po," utos ni Maggy sa akin. Agad na sinunod ko siya at binalingan ng tingin ang tinutukoy niya.

Tinignan ko ang buhangin na may nakadrawing na dalawang stick na tao. Kung hindi dahil sa shape na buhok nito ay hindi ko pa makikilala na babae ang mga 'yon.

"Tayo ba 'yan?" malambing na tanong ko at sinuklay ang buhok niya. Narito kami sa labas dahil sinamahan ko si Maggy na maglaro. Ayoko rin naman sa loob dahil naiinis ako kapag nakikita ko si Riaz. 

"Opo, Mommy. Kaso kulang…" malungkot na sabi niya habang nakatingin sa stick na ginamit niyang pang drawing. Nakatigil iyon at tila may gusto siyang iguhit pero hindi niya maituloy.

"Maganda naman, anak. Ano pa ba ang kulang? Gusto mo ba lagyan natin ng dress—"

"Wala po si Daddy."

Her voice broke the hell out of me. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kaniya.

"Mommy, nasa'n ba si Daddy ko? Kailan siya uuwi?" her innocent eyes looked at me as if she was begging for an answer.

Umawang ang labi ko. Nitong mga nakaraang araw ay palagi niya akong tinatanong sa bagay na iyan. Palagi niya ring nababanggit ang tungkol doon. At ang hirap dahil wala akong sagot na maibigay sa kaniya.

"Maggy, anak, makinig ka sa sasabihin ni Mommy." Lumuhod ako at hinarap siya. Hinawakan ko ang braso niya at tinitigan siya sa mata.

"Anak, sa isang masayang pamilya, hindi laging kailangan may tatay, nanay at anak," umpisa ko. "Hindi kinakailangan na kumpleto kayo para maging masaya. Alam kong bata ka pa para maintindihan ang mga ganitong bagay pero… Ang tunay na saya ay makakamtan lang natin kapag nakuntento na tayo sa kung anong meron tayo. Kaya 'wag mong iisipin na kulang tayo at malungkot dahil wala ang daddy mo."

Namalayan ko na lang na lumuluha na ang mata ko. "Kaya nating mabuo kahit tayong dalawa lang anak," dagdag ko pa. At tuluyan nang umagos ang mga luha sa pisngi ko. 

Nanumbalik sa alaala ko ang sakit at pangungulila ko noon. Noong mga panahon na wala pa si Maggy sa buhay ko. Nag-iisa ako at walang kinikilalang pamilya. Pakiramdam ko ay kulang na kulang ako. Natutunan ko lang maging masaya noong umalis ako sa puder ng umampon sa akin at pinilit mabuhay mag-isa.

Nagtakip ako ng bibig para pigilan ang paghikbi. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko at nagbabadya na namang umagos.

Nagulat ako nang umiling si Maggy. "Pero gusto ko po si Daddy. 'Yong mga batang nakikita ko may Mommy at Daddy sila. Bakit ako wala?"

Niyakap ko siya nang mahigpit. I feel sorry for her. Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko para ipagkait sa kaniya ito.

Nang maghiwalay kami ay napansin ko ang pamumula ng mata ni Maggy. She's crying and it kills me.

"S-Sana… Sana si Tito Riaz na lang ang daddy ko!" sigaw niya at mabilis na tumakbo pabalik sa mansyon.

"M-Maggy!"

Sinundan ko siya at tumakbo din papasok sa loob. Halos mapasigaw ako nang makitang nabangga sa kung ano si Maggy. 

"Damn it! Who the hell are you!?" sigaw ng matinis na boses. Nakapinta sa mukha ng anak ko ang takot habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa harap niya at nanlilisik ang mata.

"Maggy!" Nilapitan ko siya at itinayo.

"And you? Anong ginagawa niyo rito? Sino kayo ha!?" sigaw naman niya nang makita ako. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng mukhang mamahaling pulang dress at nakapostura. Tila binudburan din siya ng alahas sa katawan. Sino ba 'to?

Nagtago si Maggy sa likod ko. Halatang takot na takot siya dahil sa sigaw ng babaeng ito sa kaniya.

"Ikaw, sino ka rin ba!?" Napatingin ako sa gilid niya nang may lumitaw na batang babae na sa tantsa ko ay kaedad lang ni Maggy.

Ang nanggagalaiti na mukha niya ay napalitan ng ngisi. Tumawa siya at inayos ang buhok gamit ang nakapilantik na mga daliri. "Oh my gosh, bakit ba ako nakikipagtalo sa katulong ni Riaz. Anyway, where is your boss? I need to talk to him urgently," utos niya at saka dumukot ng salamin sa bag at tinignan ang sarili.

Hindi makapaniwala na nakatitig lang ako sa kaniya. Seryoso? Kailan pa ako naging katulong dito?

"What are you looking at? Go and call your boss!" inis na utos niya ulit.

"Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako—"

"What the hell is going on here?"

Sabay kaming napalingon ng babae na nasa harap ko kay Riaz na pababa ng hagdanan. Gulo ang buhok niya at tila kagigising lang.

Inutusan ko si Maggy na umakyat sa taas at sumunod naman siya. 

"Finally, I met you," the woman said with satisfaction. Ang kaninang maarteng tono niya ay napalitan ng maaamong boses.

Nang tumingin sa akin si Riaz ay iniba ko ang tingin ko. 

"Do I know you?" inosenteng tanong ni Riaz sa babae. Halata sa babae na napahiya siya nang bahagya. Himala yata, hindi niya kilala ang babaeng kaharap niya ngayon samantalang talamak siya sa mga ito.

"Four years kitang hinanap, Riaz. Hindi mo ba ako natatandaan? This is me, Aleeza," pagpapakilala niya. 

Tila nanlambot ang tuhod ko. Tinignan ko si Riaz kung anong magiging ekspresyon niya. Nakakunot ang noo niya habang seryosong nakatingin sa babae. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa bata na nasa tabi ni Aleeza.

"And she's my daughter, Kia," sabi niya at hinawakan ang anak. "Oh! Let me rephrase that. Our daughter, Kia," pag-uulit niya.

Bumagsak ang panga ko habang nanlalaki ang mga mata. Binalot ng lamig ang palad ko at kasabay nito ang paninikip ng d****b ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Anong ibig sabihin nito!? May iba pang anak si Riaz?

"Matagal na kitang hinahanap, Riaz. At ikaw… Ikaw ang tatay ng anak ko."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
rainbowcarrot
grabeng revelation yon ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 6

    "Mommy, saan tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo?"Sumenyas ako kay Maggy na huwag maingay. Pababa kami ng hagdanan at tumungo sa pinto palabas ng mansyon. Maingat at mabilis ang galaw ko bago pa magising si Riaz at maabutan kami."Iiwan po ba natin si Tito Riaz dito?" She's so attached with Riaz kahit na ngayon niya lang ito nakilala. Blood is indeed thicker than water.Huminga ako nang malalim at yumuko para harapin si Maggy na panay ang tanong. Sinakop ng mga palad ko ang mga pisngi niya at tinitigan siya. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa aming mag-ina."Uuwi na tayo anak, okay? 'Wag kang maingay dahil baka magising mo si T-Tito Riaz mo,"

    Last Updated : 2021-12-12
  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 7

    LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nang unang gambalain ni Riaz ang nananahimik naming buhay. Walang gabi na hindi siya bumisita para kay Megumi.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang tanging alam ko lang ay ginugulo niya kami. Nagugulo ang buhay ko dahil sa ginagawa niya.Inis na tinampal ko ang noo ko at saka umiling. Hindi ko muna dapat iniisip 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng trabaho at makaalis na sa club nang sa gano'n ay makakalayo na kami kay Riaz nang tuluyan.Napapaisip pa rin ako kung anong pangako ang tinutukoy niya. Tinatanong ko si Maggy pero secret daw nila 'yon. Hindi magandang ideya na napapalapit masyado ang anak ko sa kaniya gayong may pamilya na naghihintay sa kaniya.

    Last Updated : 2021-12-13
  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 8

    LUMABAS ako ng office ni Riaz at nagtungo sa isa pang room na hindi kalayuan sa office niya. Pumasok ako sa Pantry Area. Pumasok ako doon at hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng stock at kung gaano kaganda ang design na halatang pinaggugulan ng oras ang bawat detalye. Pagpasok pa lang ay aroma na agad ng matapang na kape ang manunuot sa ilong na talagang magigising ang diwa mo.Mas malaki ang pantry area ng kumpanya na ito kumpara sa kumpanya namin noon, este kumpanya ng tatay-tatayan ko.Nagtimpla ako ng kape gamit ang coffee maker na nandito. Matapos ay agad na nagtungo ako palabas ng pantry area bitbit ang isang tasa ng kape. Ngunit hindi ko inaasahan na may sasalubong sa akin dahilan para matapunan ko siya ng sobrang init na kape. Tila ako man ay binuhusan naman ng malamig na tubig nang makilala kung sino ang

    Last Updated : 2022-01-01
  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 9

    NATANAW ko na ang exit kaya naman mas nilakihan ko ang hakbang ko. Mabigat sa loob ko ang umalis na lang nang basta-basta lalo na trabaho ko ang maging sekretarya niya at ang senaryo na nakita ko ay umpisa pa lang dahil sa malamang ay ganoon lagi ang aabutan ko. Ano ba ang dapat kong asahan?Parang may hapdi sa puso ko ang makita silang masaya habang ang anak ko ay napilitan akong itago na lang sa dilim. Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana hindi ko na lang din naalala kung sino siya, kung sino ang ama ng anak ko. Sana ganoon na lang din kadali itago ang katotohanan. Sana ganoon na lang kadali magkunwari na wala akong alam at itago ang totoo kong nararamdaman.Sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si Maggy. Lumingon-lingon ako dahil baka nasa gilid lang pero wal

    Last Updated : 2022-01-05
  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 10.1

    "FERRIS WHEEL! Yehey!" tuwang-tuwa na sigaw ni Maggy habang nagtatatalon at nakatingala sa dambuhalang ferris wheel sa harap namin, mukhang hindi na makapaghintay na makasakay doon. Kasalukuyan kaming nakapila para sumakay sa ferris wheel.Dinala ko si Margarette sa Enchanted Kingdom para makapag liwaliw naman siya. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang palagi lang sa opisina ni Riaz ang libangan niya. Hindi naman siya naging problema doon dahil buong buwan na abala si Riaz sa meetings kaya naging abala din ako.Kahapon ang araw ng sweldo at hindi ko inaasahan na tumatagingting na isang daang libo ang sweldo ko. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang ti-triplehin niya ang sahod ko. Pinaghirapan ko naman ito kaya gagastusin ko ito nang maayos at tama. Unang-una na sa plano ko si Maggy at kahapon nga ay nagpa-schedule ako sa

    Last Updated : 2022-01-07
  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 10.2

    “KAMUSTA naman ang nanay mo? Okay na ba siya?” tanong ko kay Pauline kararating lang mula pa sa mahabang biyahe galing probinsya. Pumayat ito nang bahagya at mas lumusog ang mga eye bags. Katulad ng inaasahan ay matamis na ngiti ang namutawi sa mga labi niya. Nasa kusina kami ng club dahil kumakain ako ng almusal bago pumasok sa trabaho. Si Maggy ay tulog pa, kanina ko pa ginigising pero ayaw bumangon. “Ayos naman siya. Ako ang hindi ayos dahil butas na ang bulsa ko sa laki at dami ng gastusin namin. Kaya nga nagpasya ako na bumalik na para magtrabaho. Baon na baon na kami sa utang,” kwento niya. Sa kabila ng pilya niyang personalidad ay may mabigat itong responsibilidad na nagpapabigat sa kaniya. Hindi man niya ipahalata, alam kong nahihirapan na siya. Ina

    Last Updated : 2022-01-08
  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 11

    Tumayo si Blaze nang makita ako. Hinila niya ang braso ko at ikinulong ako sa mga bisig niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko.He didn't change. He's still clingy as hell, one thing that I hate about him."I'm sorry, I get so excited everytime we meet," he expressed as we parted.Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Ngumiti ako nang pilit. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa gilid ko. Riaz is standing near me while his arms crossed.Riaz cleared his throat. Tila may ibig sabihin ito na nakuha ko naman kaagad. Magsasalita pa lang ako nang unahan ako ni Blaze. The beaming smile on his lips quickly faded."Who's he?

    Last Updated : 2022-01-09
  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 1

    NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ang isang maliit na puti at parihabang bagay matapos ko itong patakan ng ihi. Halos naririnig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko.Napapikit ako at nagdadasal na sana hindi, na sana akala ko lang.Inilapag ko ang pregnancy test kit sa ibabaw ng sink para ayusin ang pang-ibabang suot ko. Pagkatapos ay tumayo ako sa harap ng salamin at muling kinuha ang pregnancy test kit at dahan-dahan na pinihit ito paharap sa akin. Halos himatayin ako sa sobrang pagpipigil ng hininga. Panay ang dasal ko habang unti-unting dinidilat ang mata para tignan ang result sa pregnancy test kit.Nilukob ako ng takot at kaba nang makita ang dalawang pulang guhit. Nanginginig ang mga labi ko at kamay ko. I’m pregnant.

    Last Updated : 2021-11-27

Latest chapter

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 11

    Tumayo si Blaze nang makita ako. Hinila niya ang braso ko at ikinulong ako sa mga bisig niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko.He didn't change. He's still clingy as hell, one thing that I hate about him."I'm sorry, I get so excited everytime we meet," he expressed as we parted.Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Ngumiti ako nang pilit. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa gilid ko. Riaz is standing near me while his arms crossed.Riaz cleared his throat. Tila may ibig sabihin ito na nakuha ko naman kaagad. Magsasalita pa lang ako nang unahan ako ni Blaze. The beaming smile on his lips quickly faded."Who's he?

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 10.2

    “KAMUSTA naman ang nanay mo? Okay na ba siya?” tanong ko kay Pauline kararating lang mula pa sa mahabang biyahe galing probinsya. Pumayat ito nang bahagya at mas lumusog ang mga eye bags. Katulad ng inaasahan ay matamis na ngiti ang namutawi sa mga labi niya. Nasa kusina kami ng club dahil kumakain ako ng almusal bago pumasok sa trabaho. Si Maggy ay tulog pa, kanina ko pa ginigising pero ayaw bumangon. “Ayos naman siya. Ako ang hindi ayos dahil butas na ang bulsa ko sa laki at dami ng gastusin namin. Kaya nga nagpasya ako na bumalik na para magtrabaho. Baon na baon na kami sa utang,” kwento niya. Sa kabila ng pilya niyang personalidad ay may mabigat itong responsibilidad na nagpapabigat sa kaniya. Hindi man niya ipahalata, alam kong nahihirapan na siya. Ina

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 10.1

    "FERRIS WHEEL! Yehey!" tuwang-tuwa na sigaw ni Maggy habang nagtatatalon at nakatingala sa dambuhalang ferris wheel sa harap namin, mukhang hindi na makapaghintay na makasakay doon. Kasalukuyan kaming nakapila para sumakay sa ferris wheel.Dinala ko si Margarette sa Enchanted Kingdom para makapag liwaliw naman siya. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang palagi lang sa opisina ni Riaz ang libangan niya. Hindi naman siya naging problema doon dahil buong buwan na abala si Riaz sa meetings kaya naging abala din ako.Kahapon ang araw ng sweldo at hindi ko inaasahan na tumatagingting na isang daang libo ang sweldo ko. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang ti-triplehin niya ang sahod ko. Pinaghirapan ko naman ito kaya gagastusin ko ito nang maayos at tama. Unang-una na sa plano ko si Maggy at kahapon nga ay nagpa-schedule ako sa

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 9

    NATANAW ko na ang exit kaya naman mas nilakihan ko ang hakbang ko. Mabigat sa loob ko ang umalis na lang nang basta-basta lalo na trabaho ko ang maging sekretarya niya at ang senaryo na nakita ko ay umpisa pa lang dahil sa malamang ay ganoon lagi ang aabutan ko. Ano ba ang dapat kong asahan?Parang may hapdi sa puso ko ang makita silang masaya habang ang anak ko ay napilitan akong itago na lang sa dilim. Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana hindi ko na lang din naalala kung sino siya, kung sino ang ama ng anak ko. Sana ganoon na lang din kadali itago ang katotohanan. Sana ganoon na lang kadali magkunwari na wala akong alam at itago ang totoo kong nararamdaman.Sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si Maggy. Lumingon-lingon ako dahil baka nasa gilid lang pero wal

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 8

    LUMABAS ako ng office ni Riaz at nagtungo sa isa pang room na hindi kalayuan sa office niya. Pumasok ako sa Pantry Area. Pumasok ako doon at hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng stock at kung gaano kaganda ang design na halatang pinaggugulan ng oras ang bawat detalye. Pagpasok pa lang ay aroma na agad ng matapang na kape ang manunuot sa ilong na talagang magigising ang diwa mo.Mas malaki ang pantry area ng kumpanya na ito kumpara sa kumpanya namin noon, este kumpanya ng tatay-tatayan ko.Nagtimpla ako ng kape gamit ang coffee maker na nandito. Matapos ay agad na nagtungo ako palabas ng pantry area bitbit ang isang tasa ng kape. Ngunit hindi ko inaasahan na may sasalubong sa akin dahilan para matapunan ko siya ng sobrang init na kape. Tila ako man ay binuhusan naman ng malamig na tubig nang makilala kung sino ang

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 7

    LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nang unang gambalain ni Riaz ang nananahimik naming buhay. Walang gabi na hindi siya bumisita para kay Megumi.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang tanging alam ko lang ay ginugulo niya kami. Nagugulo ang buhay ko dahil sa ginagawa niya.Inis na tinampal ko ang noo ko at saka umiling. Hindi ko muna dapat iniisip 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng trabaho at makaalis na sa club nang sa gano'n ay makakalayo na kami kay Riaz nang tuluyan.Napapaisip pa rin ako kung anong pangako ang tinutukoy niya. Tinatanong ko si Maggy pero secret daw nila 'yon. Hindi magandang ideya na napapalapit masyado ang anak ko sa kaniya gayong may pamilya na naghihintay sa kaniya.

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 6

    "Mommy, saan tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo?"Sumenyas ako kay Maggy na huwag maingay. Pababa kami ng hagdanan at tumungo sa pinto palabas ng mansyon. Maingat at mabilis ang galaw ko bago pa magising si Riaz at maabutan kami."Iiwan po ba natin si Tito Riaz dito?" She's so attached with Riaz kahit na ngayon niya lang ito nakilala. Blood is indeed thicker than water.Huminga ako nang malalim at yumuko para harapin si Maggy na panay ang tanong. Sinakop ng mga palad ko ang mga pisngi niya at tinitigan siya. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa aming mag-ina."Uuwi na tayo anak, okay? 'Wag kang maingay dahil baka magising mo si T-Tito Riaz mo,"

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 5

    PINIGA-PIGA ko ang palad ko habang hindi mapakali sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Simula kanina ay hindi na ako ulit nakatulog pa. Binabagabag ang puso at isipan ko ng napakaraming bagay. Hindi ito matahimik hangga't hindi ko nakukumpirma ang isang bagay.Tinitigan ko si Maggy na mahimbing pa ang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya."Sana maintindihan mo ako bakit nahihirapan akong ipakilala sa 'yo ang ama mo kahit na sobrang lapit niyo na lang sa isa't isa. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka masasaktan," bulong ko, gumuguhit ang bawat salita na 'yon sa puso ko.Tumayo ako at walang ingay na lumabas ng kwarto. Maliwanag na sa labas.Paglabas ng kwarto ay bumungad sa akin ang hindi ma

  • THE FALL OF THE PERFECT DAUGHTER    Chapter 4

    "Happy 4th Birthday, Maggy!"Mahigpit na yakap ang inialay ko sa anak ko. Naramdaman ko ang maliit nitong mga braso na umikot rin sa bewang ko.Kasalukuyan kaming nasa kusina ng mansyon na ito na pagmamay-ari ni Riaz. Bumigat ang paghinga ko nang maghiwalay kami sa yakap. Kitang-kita ko sa mga mata niya na malungkot siya pero pinipilit niyang ngumiti. Napaka swerte ko sa anak ko kasi siya ang naging kakampi ko sa laban ng buhay. Siya ang inspirasyon ko para magpatuloy at huwag sumuko pero siya rin ang kahinaan ko.Gusto ko na agad humingi ng sorry sa kaniya sa pagtatago ng totoo sa kaniya. Sa paglilihim ng katotohanan na narito ang ama niya, malapit lang sa kaniya.Hinaplos

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status