"Mommy, saan tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo?" Sumenyas ako kay Maggy na huwag maingay. Pababa kami ng hagdanan at tumungo sa pinto palabas ng mansyon. Maingat at mabilis ang galaw ko bago pa magising si Riaz at maabutan kami."Iiwan po ba natin si Tito Riaz dito?" She's so attached with Riaz kahit na ngayon niya lang ito nakilala. Blood is indeed thicker than water.Huminga ako nang malalim at yumuko para harapin si Maggy na panay ang tanong. Sinakop ng mga palad ko ang mga pisngi niya at tinitigan siya. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa aming mag-ina."Uuwi na tayo anak, okay? 'Wag kang maingay dahil baka magising mo si T-Tito Riaz mo,"
Last Updated : 2021-12-12 Read more