Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)

Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)

last updateLast Updated : 2024-03-22
By:   Rhod Selda  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
69Chapters
10.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Rated 18 Read at your own risk Walang ibang nais si Monica kundi ang makaahon sa hirap at buhayin ang kaniyang isang anak na lalaki, na bunga ng one-night stand sa isang estranghero. Kahit anong trabaho pinapasok niya maging ito ay kapit sa patalim. Pinatos niya ang trabaho bilang ispiya ng mafia organization. Subalit sinubok ang kaniyang prinsipyo nang makilala si Federico Sartorre, ang mafia boss na unang target na ibinigay ng kaniyang amo. Si Federico ay isa sa miyembro ng pinakamalaking mafia organization, ang Cosa El Gamma. Bukod sa pamilyar ito sa kaniya at hawig ng kaniyang anak, nakitaan niya ito ng tattoo na katulad sa lalaking nakaniig niya noon sa isang bar sa Japan. Habang nasa puder siya ni Federico bilang maid, hindi lamang trabaho ang kaniyang pakay, kundi ang tuklasin ang misteryo sa pagkatao nito. Ngunit mabilis nahulog ang puso niya sa binata at nag-assume na ito ang ama ng kaniyang anak. Paano kung si Federico nga ang tatay ng kaniyang anak? Susuwayin ba niya ang misyon at piliin ang sigaw ng puso?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

ISANG buwan pa lamang sa Osaka Japan si Monica at nagtatrabaho bilang waitress sa malaking bar. First time niyang nangibang bansa upang makaahon sa hirap, at makalimutan na rin ang lalaking minahal niya. Pinagtaksilan siya ng ex-boyfriend niya at nahuli ito na kasama sa apartment ang kaniyang pinsan na si Mayla. Inamin ng lalaki na hindi na siya nito mahal.Hindi niya hinayaang lamunin siya ng depresyon kaya minabuti niyang ibuhos sa trabaho ang oras. Nasasanay na siya sa trabaho roon sa Japan, pero noong gabi ng Sabado ay tinambakan sila ng gawain. Mayroong grupo ng mga negosyante na umukupa sa VIP function hall ng bar, mga kaibigan umano ng boss nila.“Monica, kindly check the VIP room if there are guests remaining there,” utos sa kaniya ng supervisor na lalaki.“Yes, sir!” Tumalima naman siya.Nagsiuwian na ang ibang bisita sa VIP room pero may iilan pang naiwan kaya hindi nila puwedeng iligpit kaagad ang mga gamit. Mascara party pala ang tema ng mga negosyante at merong sugal. May...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Fam O. Marcelino
Nice Story. Kudos to Author
2025-01-03 04:07:32
0
69 Chapters
Prologue
ISANG buwan pa lamang sa Osaka Japan si Monica at nagtatrabaho bilang waitress sa malaking bar. First time niyang nangibang bansa upang makaahon sa hirap, at makalimutan na rin ang lalaking minahal niya. Pinagtaksilan siya ng ex-boyfriend niya at nahuli ito na kasama sa apartment ang kaniyang pinsan na si Mayla. Inamin ng lalaki na hindi na siya nito mahal.Hindi niya hinayaang lamunin siya ng depresyon kaya minabuti niyang ibuhos sa trabaho ang oras. Nasasanay na siya sa trabaho roon sa Japan, pero noong gabi ng Sabado ay tinambakan sila ng gawain. Mayroong grupo ng mga negosyante na umukupa sa VIP function hall ng bar, mga kaibigan umano ng boss nila.“Monica, kindly check the VIP room if there are guests remaining there,” utos sa kaniya ng supervisor na lalaki.“Yes, sir!” Tumalima naman siya.Nagsiuwian na ang ibang bisita sa VIP room pero may iilan pang naiwan kaya hindi nila puwedeng iligpit kaagad ang mga gamit. Mascara party pala ang tema ng mga negosyante at merong sugal. May
last updateLast Updated : 2023-11-21
Read more
Chapter 1
NO choice na si Monica kundi tanggapin ang trabahong alok ng kaibigang si Terra. Kailangan niya ng malaking sahod dahil lumalaki na ang kaniyang anak. Magkasunod ba naman ang kamalasang dinanas niya mula sa Japan. Halos tatlong taon na rin ang lumipas simula noong matanggal siya sa trabaho sa Japan. Nalaman kasi ng boss nila na buntis siya.Obligado siyang umuwi ng Pilipinas na may lamang sanggol ang sinapupunan. Hindi naman niya sinisi ang anak niya sa kamalasang iyon, kundi ang sarili niyang natukso sa estrangherong lalaki. Ni hindi niya nalaman ang pangalan niyon dahil walang picture sa list ng bisita ng bar, mga pangalan lang. Kahit naman may picture ay mahirapan siyang mamukhaan dahil may takip sa mga mata ang lalaki. Saan niya hahanapin ang lalaki sa isang libong pangalang nasa listahan?Nag-move on na siya sa kagagahan niya. Kaso, ilang buwan lang pag-uwi niya ng Pilipinas, namatay ang tatay niya dahil sa stroke. Ang nanay naman niya ay sumama sa lalaki nito at iniwan siya sa k
last updateLast Updated : 2023-11-21
Read more
Chapter 2
KAHIT nag-aalangan ay tinanggap pa rin ni Monica ang trabahong alok ng boss nila. Malaki kasi ang offer na bayad at hindi naman ganoon kahirap ang trabaho. Kailangan niyang makalapit sa target na mafia boss at manmanan ito, alamain lahat ng kilos nito at mag-report sa boss.Ang problema niya ay kung paano siya mas mabilis makalapit sa target. Dumalo siya sa meeting kasama si Boggy.“Monica, halika rito,” tawag sa kaniya ni Boggy.Lumipat naman siya sa katabi nitong silya. “Yes, sir?” aniya.“Ang target m ay si Federico Sartorre, isang Italian-Filipino. And he’s one of the wealthiest and most dangerous mafia bosses of Cosa El Gamma,” sabi nito.Natigilan siya. Hindi niya naisip na may lahing pinoy ang target niya at isa ring latino. Mas mukha kasi itong may lahing American.“Eh, paano ko po malalapitan ang target?” tanong niya.“You have to find ways. Maraming option. Pero ayon sa source ko, ang company ni Mr. Sartorre ay hiring ng secretary, office staff, at saka manager.”Napangiwi s
last updateLast Updated : 2023-11-21
Read more
Chapter 3
PINAGPAPAWISAN ng malamig si Monica habang palapit sa opisina ni Mr. Sartorrei. Panay ang sermon niya sa sarili dahil tila naduduwag na ito. Hindi naman siya ganoon, palaban siya. Panay ang buga niya ng hangin at napadasal nang wala sa oras.“Maghintay lang po kayo rito sa labas. May tatawag sa inyo,” sabi ng lalaking nag-asisst sa kaniya.“Sige, salamat.” Lumuklok naman siya sa couch.Nasa lobby na siya ng fifth floor at kaharap ang opisina ng CEO. Habang naghihintay ay nag-reply siya sa chat ni Terra. Ang dami nitong tanong at kabado baka hindi umano siya magtagumpay sa misyon.Mayamaya ay may lalaking naka-suit at may eyeglasses na lumabas sa opisina ng CEO.“Ms. Soria, pasok na po kayo,” sabi ng lalaki sa kaniya.Isinilid niya sa bag ang kaniyang cellphone at tumayo. Tumulin ang tibok ng kaniyang puso habang papasok sa opisina. Ginabayan naman siya ng lalaki patungo sa mismong tanggapan ng CEO. Nalula siya sa lawak ng silid, tila buong bahay na.“Tuloy na po kayo sa loob,” sabi ng
last updateLast Updated : 2023-11-21
Read more
Chapter 4
HINDI makapag-focus si Monica sa sinasabi ni Federico. Tango lang siya nang tango kahit hindi naintindihan ang iba. May listahan naman ng daily task niya na binigay si Federico, at ito ang kaniyang pinagbasehan. Hindi pa rin siya maka-get over sa tattoo na nakita sa likod ng binata. Iba ang pakiramdam niya rito. Lalo tuloy siyang nahiwagaan sa pagkatao ng kaniyang amo. “I will leave around nine, Monica. You don’t need to cook for me. Kung nagugutom ka, maraming stock na pagkain sa kusina at ref. Magluto ka ng para lang sa ‘yo,” sabi ni Federico. “Iyong kuwarto ko po?” aniya. “Come with me.” Sumunod naman siya rito. Dinaanan niya ang kaniyang maleta na naiwan sa salas. Iginiya siya ni Federico sa isang silid doon sa ground floor. Namangha siya sa laki ng kuwarto, may sariling banyo at merong air-con. Hindi ito basta kuwarto para sa katulong dahil parang hotel suite. “Wow! Ang ganda naman nitong kuwarto, sir! Puwede ko bang gamitin ang air-con?” aniya. “Of course. This is the gue
last updateLast Updated : 2024-01-16
Read more
Chapter 5
AYAW paawat sa pagkabog ang dibdib ni Monica dahil sa pag-usig sa kaniya ni Federico tungkol sa kaniyang anak. Maaring napansin na nito na may hawig dito ang bata. Muli nitong tiningnan ang picture at pinakatitigan maigi.“You said you didn’t meet your son’s father again after the one-night stand, right?” ani Federico.“Opo. Kasi noong nabuntis ako, umuwi na ako rito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam ang pangalan ng lalaki.”“Give me the details about the company where you worked in Japan.”Sinabi naman niya ang mga detalye kay Federico na lalong ikinawindang nito. Nagduda na rin siya kasi alam nito ang kumpanya na nabanggit niya. Maging ang petsa kung kailan may nakaniig siyang lalaki ay pareho sa sinabi ni Federico, na umano’y inukupa ng grupo nito ang isang VIP room ng restaurant.“F*ck! It’s not a coincidence!” bulalas nito sabay hilot sa sintido. “I was there at the same time you mentioned, but I can’t remember what happened after the party. I was drunk, and I felt there was someth
last updateLast Updated : 2024-01-17
Read more
Chapter 6
HINDI kinaya ni Monica ang hotness ni Federico kaya hindi siya sumabay rito kumain kahit niyaya siya nito. Sa kusina lang siya kumain habang si Federico ay nasa dining. Tinanggap naman niya ang salad na gulay at fruit shakes na bigay ng binata. Food is life sa kan’ya kaya wala siyang hihindian.Naunang natapos kumain si Federico at sana’y huhugasan ang pinagkainan nito pero pinigil niya.“Ilagay n’yo lang po riyan ang plato n’yo, sir. Ako na ang maghuhugas niyan mamaya para isahan na lang,” aniya.“Okay. Thank you.” Naghugas lang ng mga kamay ang binata. “Nakausap mo na ba ang tita mo, Monica?” pagkuwan ay tanong nito.“Ah, opo. Pinahahanda ko na ang anak ko.”“Okay lang ba kung dito muna ang anak mo?”“Walang problema, sir. Kaso mahahati ang oras ko kasi aasikasuhin ko ang bata.”“It’s okay. Hindi mo naman kailangang mag-general cleaning araw-araw. Mga pusa lang naman ang kailangan mong tutukan.”“Sige po. Pero hanggang kailan dito ang anak ko?”“After the DNA test, or depende sa res
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Chapter 7
HINDI maipaliwanag ni Federico ang excitement na nararamdaman niya habang yakap ang anak ni Monica. When his chest pressed the child’s chest, he felt the heartbeat. Wari lumukso ang kaniyang puso sa saya. He didn’t feel any doubt while hugging the innocent kid. He assumed that this little one belonged to him. Niyaya kaagad niya si Monica na umuwi matapos makausap ang tiyahin nito. Pumayag naman ito na dalhin nila ang bata. “I’ll call my assistant to help me process the DNA test,” he said. Lulan na sila ng kotse pauwi. Nakaupo sa tabi niya si Kenji, napagitnaan nila ni Monica. Halos ayaw niyang bitawan ang kamay ng bata. He’s adorable and very warm to strangers, which is the opposite of his personality, but close to his brother. “Ngayon mo rin ba ipapa-DNA ang anak ko?” tanong ni Monica. “Yes. I want to rush it.” “Sige.” Tinawagan na niya si Leo. Mabuti sumagot kaagad ito. “Nasa office na ako, sir. I’m waiting for the investors,” ani Leo. “Good. After your meeting with the inv
last updateLast Updated : 2024-01-19
Read more
Chapter 8
“ANG ibig mo bang sabihin, kung sakaling anak nga ng kapatid mo si Kenji, mamanahin niya ang shares ng kapatid mo?” tanong ni Monica kay Federico. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa sinabi nito tungkol kay Kenji. “That’s right, Monica. Since wala na ang kapatid ko, mapupunta sa anak niya ang share niya. Dalawa lang kaming magkapatid, at hindi ko ipagdadamot ang karapatan ng kapatid ko. Hintayin nating lumaki si Kenji para mailipat sa pangalan niya ang rights na makukuha niya. Pero habang wala pa siyang eighteen, ako muna ang hahawak ng shares niya. I’ll give you Kenji’s monthly allowance, too.” Hindi makapaniwala si Monica sa naririnig. Naka-jackpot nga siya ng tatay ng kaniyang anak. Kahit pala sino kina Federico at kakambal nito ang tatay ng anak niya, makukuha pa rin niya ang karapatan para kay Kenji. “Ah, eh hindi ko alam kung paano ang setup natin. Kukunin mo ba si Kenji?” kabadong tanong niya nang may mapagtanto. “Of course. I will change his surname to become the offic
last updateLast Updated : 2024-01-20
Read more
Chapter 9
KINABUKASAN ay inagahan ni Monica ang gising at sinimulan ang paglalaba. Una niyang nilabhan ang mga damit nila ni Kenji. Tulog pa si Federico kaya hindi niya makuha ang labahin sa kuwarto nito. Nagising na rin ang kaniyang anak kaya nagtimpla siya ng gatas nito. Mayamaya ay nagising na rin si Federico at diretso ang pasok sa kusina. Nilapitan nito si Kenji na nakaupo sa silya at hinalikan sa pisngi. Puting t-shirt lang ang suot nito at puti ring jogging pants. “What are you eating, Kenji?” tanong nito sa bata. “Da-Da!” sagot lang ni Kenji. May bago na itong salita. Kumakain ng chocolate cookies si Kenji. “It’s daddy, right?” Umupo na ito sa tabi ng bata. “Daddy nga siguro ang gusto niyang sabihin, sir,” ani Monica. Ibinigay na niya ang gatas ni Kenji na nasa plastic na baso. Marunong naman itong uminom basta hindi masyadong mainit ang gatas. “Yeah. He heard that word from me.” Tinulungan nito si Kenji sa pag-inom ng gatas. Sinasawsaw ni Kenji ang cookies sa gatas kaya nagkalat
last updateLast Updated : 2024-01-21
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status