REVENGE OF INNOCENT WIVES

REVENGE OF INNOCENT WIVES

last updateLast Updated : 2024-01-04
By:   MissThick  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
89Chapters
8.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang inaakala ni Nadine Cruz na maginhawang buhay sa piling ni Jayson Saavedra ay isa palang bangungot. Isa lang pala siya sa apat na naging asawa ng bilyonaryong gwapo. Isa lang pala siya sa sasaktan, pahihirapan at pinaghihigantian nito dahil sa kasalan ng nauna nitong asawa sa kanya. Hindi niya kayang lumabang mag-isa. Kailangan niya ng tulong ng dalawa pang pinakasalan ng akala niya, solo niyang asawa. Ngunit ano nga ba ang magagawa nilang tatlong inosente? Kaya ba nilang pantayan ang lakas at kapangyarihan ng kanilang demonyong asawa?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter ONE

Ako si Nadine Cruz. Mahirap lang kami. Magsasaka ang Tatang ko. Magsasakang walang sariling lupa dahil kinamkam ito ng mga mga kapatid niyang may kaya at nakatapos ng pag-aaral. Mangmang kasi si Tatang, hindi nakatuntong kahit Grade 1 kaya hindi siya nakababasa at nakapagsusulat. Maluwang ang lupain ng kanyang pamilya at siya bilang walang interes sa pag-aaral ang naging katu-katulong ng lolo ko sa pagsasaka. Lumaki nang lumaki ang kanilang lupain dahil sa pawis at sipag nila ng Lolo ko. Nakatapos ang lahat ng kanyang mga kapatid sa pag-aaral dahil na rin sa kanyang kasipagan. Nakampante si Tatang na may mamanahin naman siya dahil ipinangako ng Lolo ko na magiging kanya ang malaking bahagi ng kanilang lupain. Biglaan ang pagmakatay ng aking Lolo dahil sa atake sa puso. Akala ni Tatang, masusunod ang gusto ni Lolo na malaking bahagi ng lupain nila ay sa kanya mapupunta ngunit dahil tuso ang mga kapatid ni Tatang, pinaghati-hatian lang ng mga nakatapos ang mga lupa at walang ipinangala...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
MissThick
Ang ganfa nito
2024-01-12 05:17:09
0
89 Chapters
Chapter ONE
Ako si Nadine Cruz. Mahirap lang kami. Magsasaka ang Tatang ko. Magsasakang walang sariling lupa dahil kinamkam ito ng mga mga kapatid niyang may kaya at nakatapos ng pag-aaral. Mangmang kasi si Tatang, hindi nakatuntong kahit Grade 1 kaya hindi siya nakababasa at nakapagsusulat. Maluwang ang lupain ng kanyang pamilya at siya bilang walang interes sa pag-aaral ang naging katu-katulong ng lolo ko sa pagsasaka. Lumaki nang lumaki ang kanilang lupain dahil sa pawis at sipag nila ng Lolo ko. Nakatapos ang lahat ng kanyang mga kapatid sa pag-aaral dahil na rin sa kanyang kasipagan. Nakampante si Tatang na may mamanahin naman siya dahil ipinangako ng Lolo ko na magiging kanya ang malaking bahagi ng kanilang lupain. Biglaan ang pagmakatay ng aking Lolo dahil sa atake sa puso. Akala ni Tatang, masusunod ang gusto ni Lolo na malaking bahagi ng lupain nila ay sa kanya mapupunta ngunit dahil tuso ang mga kapatid ni Tatang, pinaghati-hatian lang ng mga nakatapos ang mga lupa at walang ipinangala
last updateLast Updated : 2023-10-08
Read more
Chapter TWO
Parang nagpanting ang aking paningin. Hindi ko iyon napaghandaan. Wala sa hinagap ko na gagawin sa akin ni Tatang iyon. “Wala kang utang na loob! Iyan ba! Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan ninyo? Wala kang respeto!” “Bakit Tang? Totoo naman, hindi ba? Bakit kayo hindi nag-aral? Bakit hindi kayo sumabay sa mga kapatid ninyo, ta’s ngayon kami na mga anak ninyo ang naghihirap!” “Aba’t talagang suwail kang anak ah!” muling itinaas ni Tatang ang kanyang kamay para sampalin muli ako pero mabilis na lumapit si Nanang. Tumayo siya sa pagitan naming mag-ama. “Eddie, tama na! Sinasaktan mo nang anak mo!” “Bakit? Siya ba? Hindi ba masakit ang mga binibitiwan niyang salita sa akin na ama niya? Hindi naman ganyan dati ‘yang batang ‘yan e. Nakapatgtapos lang ng elementary, nagtapos lang na may medal akala mo, alam na niya lahat. Akala mo kaya nang burahin ng mga medal niya ang pagrespeto niya sa akin bilang ama niya.” “Tang, ayaw ko ngang maging kagaya ninyo! Ayaw kong tumanda na lang ako
last updateLast Updated : 2023-10-08
Read more
Chapter THREE
Dumaan pa ang ilang oras at gabing-gabi na. Nagugutom na rin ako. Nagsimula nang magtago ang buwan sa makapal na ulap na lalong nagpadilim sa gabing tahimik. Kanina pa ako pinapapak ng mga lamok. Noon ko lang naranasang umupo ai silong ng kahoy at inabot ng ganito kagabi. Natatakot ako sa tinaguan ko ngunit natatakot pa rin naman akong umuwi. Wala akong maisip pang ibang mapuntahan. Nagigimbal din ako dahil bigla kong naalala ang mga kuwento ng mga kalaro ko tungkol sa puno ng balite na tanaw lang sa kinauupuan kong puno ng akasya. Tumatayo ang mga balahibo ko sa nililikha ng utak kong mga haka-hakang may dambuhalang babae raw doon na may karga karagang bata na parehong namumula ang mga mata at lumilipad sa ere, kabaong na humahabol sa gabi, may paring walang ulo at dahil hindi ko na makayanan pa ang takot na nilikha ng aking isipan ay bigla akong kumaripas ng takbo palayo roon. Ang tanging alam kong tanging mapupuntahan ay ang aming munting kubo. Huminto ako sa katatakbo ko nang mal
last updateLast Updated : 2023-10-08
Read more
Chapter FOUR
“Sige anak. Kung hindi mo kaya roon, kung hindi maganda ang trato sa’yo ng kapatid ko at mga pinsan mo, uuwi ka rito. May pamilya kang uuwian. Kahit mahirap, igagapang ka namin ng Nanang mo kahit high school lang ang matapos mo.”“Sige Tang. Samalat po. Salamat po Nang.” Dahil kamag-anak, malayo sa isip kong alilain ako ng panganay na kapatid ni Tatang. Nang una, mabait naman ang Tiya Cynthia at ang asawa nito sa akin ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong ko sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan kong magising ng madaling araw para samahan ko ang tauhan nila sa karinderya para mamalengke. Pinapabitbit sa akin ang mabibigat na pinamili. Tumutulong pa ako sa pagluluto. Madalas, nahuhuli ako sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago ako makapananghalian ay kailangan ko pa rin munang tumulong sa pagese-serve sa mga kakain at makapaghugas ng mga pinggan samantalang ang mga pinsan ko ay naroon at katulong rin
last updateLast Updated : 2023-10-08
Read more
Chapter FIVE
Kahit mahirap kami ay dama ko ang kahalagahan at pagmamahalan naming pamilya. Kahit salat ang aming hapag-kainan ay siguradong lahat naman kami ay nagbabahagian ng pagmamahal at matutulog na may ngiti sa labi. Iyon na lang kasi ang mayroon kami, ang pagmamalasakit at pagmamahal namin sa isa't isa bilang pamilya. Hindi nagkulang ang Nanang at Tatang ko sa pagtatanong kung maayos lang ba ang kalagayan ko kina Tiya at kung hindi ba ako nahihirapan pero alam kong walang mabuting maidudulot ang pagsusumbong ko. Ako kasi ang mawawalan. Ako ang madedehado.Pang-apat nang pasko na nasa kanila ako. 16 years olad na ako. Sanay na sanay na ang katawan ko sa pagiging alipin. Naiugali ko na ang pagiging tahimik lang at matiisin. Wala na sa pagkatao ko yung palaban. Binago ng kahirapan ang aking dating ugali na palasagot at ipinagtatanggol ang sarili. Kaya kahit anong pagod, hirap at pang-iinsulto sa aking pagkatao at buong pamilya ko ay kakayanin kong magtiis ay kinakaya ko para lang makatapos. Ka
last updateLast Updated : 2023-10-08
Read more
Chapter SIX
“Wala bang masasaktan kung sakali?” tanong niya uli. “May mga nagpaparamdam pero gusto ko kasing mag-aral muna Sir. Gusto ko hong makatapos. Saka wala rin naman akong oras pa para harapin ang pakikipag-boyfriend sa dami ng trabaho.” “Pwede bang humiling?” “Ano ho ‘yon, Sir?” “Hindi mo naman ako siguro teacher ano? Hindi rin naman kita tauhan. Baka naman pwedeng Jayson na lang? Cut the formalities please?” “Pero, boss ho kayo ni Kuya.” “Boss niya ako. Boss mo ba ako?” “Sige ho, Kuya Jayson.” Tumawa siya. Hindi mo nga ako tinatawag na Sir, Kuya naman. Jayson lang, please?” Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanyang nahihiya. “Sige po, Jayson.” “That’s good. Ahm, Nadine, pansin ko lang, iba ang trato nila sa’yo rito. Okey ka lang ba?”“Okey naman ho ako.”“Okey lang ako. Tanggalin mo na yung po, opo at ho please?”“Okey lang ako.” Paglilinaw
last updateLast Updated : 2023-10-08
Read more
Chapter SEVEN
Kinaumagahan, maaga akong nagising o mas akmang sabihin na hindi ako nakatulog sa kaiisip. Masaya, excited, natatakot, nagdadalawang-isip at nagkakagusto. Mga iba’t ibang damdaming gumugulo sa aking isipan.Tama naman ang sinasabi sa akin ni Tiya. Ngayon na may swerteng dumating bakit ako tatanggi? Isa pa, hindi naman matanda si Jayson kagaya ng ibang napapanood ko sa mga teleserye. Nasa edad trenta lang siguro siya at bata siyang tignan sa kanyang edad. Maaring nasa sampung taon mahigit na ang agwat ng edad niya sa akin pero ang gwapo naman niya. Para siyang artista. Ako nga dapat ang mahiya sa sarili ko. Wala naman akong maipagmamalaki sa kanya. Hindi ko kasi makita sa salamin ang ganda ko na sinasabi niya sa akin. Tanga lang ba siya na sa akin nagkagusto? Sa kagaya kong wala naman akong nakikita extra-ordinary? Oo, matalino ako, matangkad, seksi rin naman siguro pero hindi ko alam, hindi ko nakikita kapag nagdadamit na ako ng mga luma kong kasuotan. Maputi na a
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more
Chapter EIGHT
“Ano pala ang pangarap mong maging?” tanong niya sa akin. “If you don’t mind sharing.” “Maging Engineer.”“You love working with men.”“I just love numbers.”“Wow, gusto ko ‘yan. Sinasagot mo ako ng English.”Ngumiti ako. Namula.“Aside sa pagiging Engineer. May pangarap ka pa ba?”“Gusto kong matulungan ang pamilya kong makabili ng sarili naming lupa. Mabigyan si Tatang ng sarili niyang lupain nang hindi na siya niloloko at maipaayos ang aming bahay. Makatulong sa pagpapa-aral ang aking mga kapatid. Basta. Marami pa akong plano at gustong gawin.” “Ibig sabihin, matatagalan pa pala kung hihintayin kita na maabot ang lahat ng iyon.” “Hindi mo naman ako kailangan hintayin. Alam ko namang madali lang sa’yo makahanap ng babaeng mapapangasawa mo. Yung hindi kagaya ko na marami pang iniisip na responsibilidad.” “Kaso ikaw kasi ang gusto ko eh. Ikaw ang pangarap ko. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.” Walang babaen
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more
Chapter NINE
“Ayaw ko hong magpaka-ipokrita. Nandito na ho yung pagkakataon, isinusubo na sa akin ang biyaya, tatanggi pa ba ako, Tang, Nang? Alam ko, iniisip ninyo ang sinasabi ng ibang tao pero mapapakain ba nila tayo? Matutulungan ba nila tayong umangat?”Huminga nang malalim si Tatang.“Mahal mo ba siya?”“Gusto ko siya, Tang. Kung mahal ko siya, hindi ko alam pero sa kagaya ni Jayson, hindi siya mahirap mahalin.”“Sa tingin mo anak, magiging masaya ka ba sa kanya?” tanong ni Nanang na mukhang nag-aalala.“Oo Nang. Magiging maayos at masaya ako sa kanya.”“Okey. Kung ganoon na rin naman pala. Anong pang pagtataluhan natin. Sigurado ka bang mabuting tao ‘yan?”“May masama bang tao na gagawa ng lahat ng ito?”“Sige papasukin mo at maipaghahanda ng makakain.”“Ano bang handa ninyo?”“Patupat saka pancit lang.”“May dala naman ho kaming pagkain. Puno rin ang sasakyan niya Nang ng mga kasangkapan sa bahay. TV, Ref, iba pang appliances. Nang, Tang mga ading (kapatid, bunso) ko, may TV na tayo sa wa
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more
CHAPTER 10
Parang na-hypnotize ang buo naming pamilya. Sa loob ng pitong araw, inihanda na ang aming kasal. Naglalakad sa altar palapit sa lalaking nagbigay sa akin at sa pamilya ko ng pagmamahal at kaginhawaan. Hindi ko alam kung paano niya ginawang posible ang iniisip kong imposible. Wala mang dumating na kaanak niya, natuloy ang aming kasal kasi ako lang naman ang menor de edad. Sa hotel kami pinatirabg buong pamilya noong araw ng kasal. Unang pagkakataon iyon noon na makapasok kami at matulog sa ganoon kalambot na higaan. Malamig na may aircon na mga kuwarto. Maligo sa swmming pool at hindi na sa mga deep-well lang sa bukid. Sa araw ng aming kasal, pinaayusan niya ako. Binihisan niya kaming lahat ng magarang damit. Pili lang sa mga kamag-anak naming ang dumalo dahil sa Tuguegarao ito ginanap ngunit sinikap kong nasa listahan ang mga kamag-anak naming kasama lang naming dati na naghuhugas ng pinggan. Mga kamag-anak naming sabik makaranas ng magarbong kainan. Mga hindi
last updateLast Updated : 2023-12-05
Read more
DMCA.com Protection Status