Cryzel Lorenzo is a responsible and loving child. But, despite those characteristics. Her mother Ricaella did not treat her well. She was often shouted at and opposed to her decisions. However, she did not harbor resentment against his mother. She remained humble. Until she met Zacarius Galvañez who saved her from her mother’s mistreatment by offering her a marriage that her mother immediately approved in exchange for money. Cryzel never thought she was discovering the secret of her true personality. She was not the real child of her adoptive parents. That's was the reason why her mother is treated her badly. Is Cryzel willing to forgive despite hiding her true identity from him?
View MoreHindi mapakali si Cryzel sa pag-aayos sa sarili. Naeexcite siya na kinakabahan para sa date nilang dalawa ni Zac. Hindi niya mawari kung ano itong sumisibol na damdamin na lumulukob sa kaniyang pagkatao. Mukhang nagugustuhan na niya ang binata. Huminga ng malalim at kinalma ang sarili.Sunod-sunod na busina ang kaniyang narinig na nagmula sa labas ng bahay. Dahil sa ang bintana ng kaniyang kwarto ay nakaharap sa gate, dumungaw siya roon at nakita ang itim nitong ducati. Hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan lalo at nakasuot ito ng jacket at maong pants na hapit na hapit tsaka tenernuhan ng rubber shoes. Nagkasya nalang sila kanina sa palitan ng mensahe dahil baka magalit ang kaniyang ina kapag nagtelebabad na naman siya. Gusto nito na sunduin siya sa pamamagitan ng sports car pero nagpumilit siya na kung maaari ay magmotor nalang sila. Pumayag ito basta aangkas siya sa Ducati nito dahil ayaw nito na bumiyahe siya. Hindi nga niya maiwasang kiligin kani
Ilang sandali pa ay may dalawang crew na lumapit sa kanila. Inilapag nila ang pagkain sa mesa. Mukhang masarap ang pagkaing nihain nila. Natigilan si Zac ng lagyan ni Cryzel ng pagkain ang plato niya. Napatanga siya at napatitig sa dalaga. Mukhang napansin nito na nakatingin siya dito, kaya naman nag-angat ito ng mukha at nagtama ang kanilang mga mata. Tumikhim si Zac para mawala kahit papaano ang hiyang nararamdaman niya dahil nahuli siya ni Cryzel na nakatingin dito. Bago pa man siya makapagsalita para humingi ng paumanhin ay naunahan na siya nito."May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sa kaniya at napakagat-labi. Hindi niya tuloy maiwasan na mapatingin sa labi nito na kaypupula at kaysarap halikan. F*ck! Mura niya, ano ba itong iniisip niya? Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano sa dalaga. Napaka-inosenti nito, tapos heto siya at pinagnanasahan ito. Nakakahiya ka Zac! Pagalit niyang ani sa sarili. "Zac?" tanong sa kaniya ni Cryzel na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Na
ABALA si Cryzel sa pagkuha ng sukli ng ibinayad sa kaniya ng isang masugid nilang Costumer nang tumunog ang ring tone ng cellphone niya. Nang matapos ibigay ang sukli, bumalik siya sa counter at napakislot nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa ilalim ng counter at tiningnan kung sino ang caller. Nang makitang ang kaniyang kapatid na si Honey ang tumatawag agad niyang sinagot iyon. Madalang lang kung tumawag si Honey sa kaniya. Minsan tumatawag si Honey kapag kinakailangan o may emergency. Hiniling ni Cryzel na sana may kailangan ang kapatid at hindi emergency lalo kapag ibang emergency na ang pinag-uusapan. Inilagay niya sa taenga ang cellphone. Magsasalita pa lang sana siya para batiin ang kapatid ng isang magandang tanghali ng magsalita ito."Ate! Si itay, naaksidente sa construction site! Kailangan ka namin dito sa FGH ate. Hintayin ka namin ate, papunta na rin dito si inay." naghihisteryang ani Honey. Nilukob si Cryzel ng nerbiyos at pangamba
PROLOUGEGABI, Abala ang Pamilya Lorenzo na pinagsasaluhan ang isang simpleng hapunan sa hapag-kainan na sina Cryzel na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa, si Honeyzel, na kaniyang kapatid na nasa kaniyang tabi, ang kaniyang ama at ina na sina Valeno at Ricaella Lorenzo na nakaupo sa kanilang harapan. Simple lang ang buhay na mayroon sila. Hindi mahirap, hindi mayaman sakto lang. Nakararaos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pero sa lipunang kanilang ginagalawan, mahirap pa rin ang lagay nila.Dahil sa katahimikang namamagitan sa kanila, nagpasya si Cryzel na magbukas ng isang paksa para kahit papaano mawala ang katahimikan na lumulukob sa kanila. Tiningnan niya ang kaniyang ama, ina at kapatid na maganang kumakain."Nay, Tay. Dahil may ipon na ako kahit papaano. Binabalak ko po na iparenovate itong bahay kahit iyong salas lang po sana. Sang-ayon po ba kayo sa binabalak ko?" tanong niya. Ayaw gumawa ng hakbang si Cryzel ng wala ang pahintulot ng kaniyang ina, dahil tiyak na katakot-tak

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments