Share

Chapter 3

Author: AtengKadiwa
last update Huling Na-update: 2022-07-28 20:07:28

Ilang sandali pa ay may dalawang crew na lumapit sa kanila. Inilapag nila ang pagkain sa mesa. Mukhang masarap ang pagkaing nihain nila. Natigilan si Zac ng lagyan ni Cryzel ng pagkain ang plato niya. Napatanga siya at napatitig sa dalaga.

Mukhang napansin nito na nakatingin siya dito, kaya naman nag-angat ito ng mukha at nagtama ang kanilang mga mata. Tumikhim si Zac para mawala kahit papaano ang hiyang nararamdaman niya dahil nahuli siya ni Cryzel na nakatingin dito. Bago pa man siya makapagsalita para humingi ng paumanhin ay naunahan na siya nito.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sa kaniya at napakagat-labi.

Hindi niya tuloy maiwasan na mapatingin sa labi nito na kaypupula at kaysarap halikan. F*ck! Mura niya, ano ba itong iniisip niya? Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano sa dalaga. Napaka-inosenti nito, tapos heto siya at pinagnanasahan ito. Nakakahiya ka Zac! Pagalit niyang ani sa sarili.

"Zac?" tanong sa kaniya ni Cryzel na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Napakurap-kurap siya at napatitig sa maganda nitong mga mata.

"Yes, Cryzel?" tanong niya. Gusto niya tuloy kutusan ang sarili dahil sa pinaggagagawa. Tumawa ng mahina si Cryzel. Bakit ba ang sarap pakinggan ng tawa niya?

"Mukhang naglalayag ang isip mo. Sino ba ang iniisip mo?" tanong nito.

"Wala May naisip lang ako." pagdadahilan niya. Napatango-tango lamang si Cryzel.

"Tara kain na tayo." anyaya ni Cryzel. Tumango siya. Sabay silang kumain na dalawa, minsan ay nagkwekwentuhan sila ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili nila.

"Mag-iingat ka, Zac." ani Cryzel kay Zac ng ihatid siya nito sa parking area pagkatapos nilang kumain at ang panaka-nakang pagkwekwentuhan. Ngumiti siya dito.

"Oo, mag-iingat ako." para sayo, nais niyang idugtong pero pinigilan niya ang sarili. "Salamat sa pananghalian, nabusog ako. Mukhang mapapadalas ang punta ko rito." biro niya rito na tinugon ng mahinhin na pagtawa.

Hindi tuloy niya maiwasang mapatitig dito, maging sa mapupula nitong labi. Kelan kaya niya iyon mahahalikan? Sh*t! Iwinaksi niya iyon agad sa isipan.

"Sure! Basta sabihin mo agad para maratnan mo ako, yun pa rin naman ang cellphone # ko." anito na parang nahihiya.

Binuksan na niya ang pintuan sa driver's seat at pumasok. Bago tuluyang isinara ay kinawayan muna niya ang dalaga at pinasibad ang sasakyan paalis sa lugar na iyon na may ngiti sa labi at masayang damdamin na ang dahilan ay ang dalagang hindi na naalis sa isipan niya. Si Cryzel.

Pagdating ni Zac sa mansiyon, napakunot-noo siya ng makitang may kulang pulang kotse na nakaparada sa sa compound. Kilala niya kung kaninong kotse iyon. Pagmamay-ari iyon ni Arlene, ang anak ng ninang niya na si Carmina Figuerroa. Huminga siya ng malalim at naglakad papasok sa bahay.

Nang malapit na siya sa pintuan na bahagyang nakaawang. Nakarinig siya ng mga tawanan. Itinulak niya paloob ang pintuan,na naging dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ng mga tao na nasa loob.

Si Mrs. Galvañez na may hawak na baso at may lamang juice na akmang iinumin ay naudlot dahil sa pagdating niya. Si Manang Dhalia na nabitin sa gagawing pagsalin ng juice sa baso ni Arlene. Mukhang nakabawi si Mrs. Arlene dahil inilapag nito ang hawak sa center table.

"Saan ka galing, Zac?" tanong nito.

Pumasok na ng tuluyan si Zac at naupo sa sofa na nasa kaliwang bahagi ng sala at sinimulang tanggalin ang suot na sapatos.

"I dated someone i like." aniya habang tinatanggal ang kabilang sapatos. Napasinghap si Arlene, samantalang pagkamangha naman ang makikita sa mukha ni Vivian.

"Sino?" tanong ni Arlene na may bahid ng inis ang buo at may kasamang pag-ilap ng mga mata.

Tiningnan ni Zac si Arlene, agad namang ibinalik sa normal ang mga mata nito. Umalis na rin si Manang Dhalia at nagtungo sa kusina dahil alam nito na hindi siya dapat nakikinig sa usapan ng mga ito.

"Bakit kailangan mo pang malaman, Arlene? Is none of your business." aniya at tumayo tsaka kinuha ang sapatos para ilagay sa shoe rack niya sa kwarto.

Nakita niya nag pagguhit ng sakit sa mukha ni Arlene, pero wala siyang pakielam. Nagpakatotoo lang siya. Ayaw niyang umasa ito sa kaniya lalo at may nagpapatibok na ng puso niya.

"Zac! Treat Arlene well! She's your godmother daughter!" galit na pasigaw ng kaniyang ina.

Hindi lingid kay Vivian ang pagtrato niya kay Arlene. Huwag naman sanang hahantong na bastusin niya ito. Babae pa rin si Arlene. Masaya si Vivian dahil may babae nang nagugustuhan ang unico hijo niya. Lumingon si Zac sa ina at kay Arlene na kababakasan ng lungkot ang mukha, at muling ibinalik sa ina ang tingin.

"I'm just being true to myself, Mom." aniya at tuluyan ng umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang kwarto. Bumuntong hininga si Vivian at tiningnan si Arlene.

"Pasensiya ka na sa inasal ng anak ko, Arlene. Intindihin mo nalang siya." anito sa dalaga. Ngumiti ng pilit si Arlene pero hindi maipagkakaila na labis itong nasasaktan sa mga binitawang salita ni Zac sa kaniya.

"Okay lang po, Tita. Siya pa man din ang sadya ko dito." tumayo ito. "Aalis na po ako, babalik nalang po ako kapag hindi po mainit ang ulo ni Zac." aniya at naglakad patungo sa pintuan. Tumayo na rin si Vivian at inihatid ang dalaga sa labas, sa may compound kung saan naroon ang kotse nito.

Si Zac naman na nasa kwarto ay tinititigan ang calling card na ibinigay ni Cryzel sa kaniya ng ihatid niya ito sa Restaurant dala ang mga pinili nito. Nagdadalawang-isip kung tatawagan ba si Cryzel o hindi. Naroon na ididial ang cellphone number nito pero pagdaka'y buburahin rin. Marahan siyang napabuntong-hininga, inilagay sa tabi ang cellphone at pinakatitigan ang kisame. Subalit, mukha ni Cryzel na nakangiti ang nakikita niya.

"Ilang minuto pa lang ang nakakalipas simula ng makasama kita, pero gusto ko ng hilain ang oras para makasama kang muli." aniya.

May dinner date sila mamaya at gusto niyang dalhin ang dalaga sa isang pinakasikat na Restaurant sa bayan na ito lang ang bukod-tanging babae na dadalhin niya roon. Ni minsan hindi niya dinala roon ang exes niya at maging ang mga flings na hindi nagtatagal ng dalawang buwan.

Iba si Cryzel sa mga nakilala niya. Kakikitaan ito ng kasipagan sa mga bagay na magbibigay rito ng kasiyahan. May pagpupursige at hindi basta-basta nagpapadala sa mga lalaking kagaya niya. Napakaswerte niya kung sakaling mpasakaniya ang dalaga.

Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ng kaniyang ama noong nasa Hongkong siya.

"Kailangan mong maghanap ng mapapangasawa mo, para magkaroon ka ng anak para may magmamana sa lahat ng iyong mana at magpapatuloy sa pamamahala sa kompanya! Kapag wala ka pang nahanap, ipapakasal kita kay Arlene!" ang boses na iyon ng kaniyang ang umalingawngaw sa kaniyang pandinig.

Humugot siya ng malalim na hininga. Sana bigyan siya ng senyales ng Manlilikha para yayaing magpakasal si Cryzel sa kaniya. Hindi naman pwedeng basta nalang niyang aalukan ito ng kasal, baka matakot ito sa kaniya.

Dahil sa labis na pag-iisip hindi niya namalayan na dinalaw na pala siya ng kadiliman.

Nagising si Zac, pasado alas singko na ng hapon. Napabalikwas ng bangon at kinuha ang cellphone nang nasa tabi at idinial ang cellphone # ni Cryzel. Ilang ring lang ay sinagot na ng nasa kabilang linya ang tawag.

"Yes, good afternoon. Sino po sila?" ang malamyos na boses na iyon ang bumungad sa kaniyang pandinig.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang magandang boses na iyon. Sino ang mag-aakala na makilala niya ito? Tadhana na ba ito? Tumikhim muna siya bago sinagot ang katanungan nito.

"Si Zac ito, Cryzel." aniya. Narinig niya na napasinghap ito.

"Ah, okay. Ahm, anong oras pala yung dinner date natin? Tsaka saan tayo magkikita?" sunod-sunod nitong tanong na ikinatawa niya ng mahina. Ramdam niya na kinakabahan ito sa pakikipag-usap sa kaniya.

"Relax, Cryzel. Ako lang ito. Huwag kang kabahan, hindi ako nangangain ng tao." pero pwede kitang kainin anang bahagi ng isip niya na dagli niyang sinaway.

"Hindi ko lang maiwasan. CEO ka, pero makikipag-date ka sa kagaya kong simpleng babae lamang na hindi maipagmamalaki sa mga tao. Ibig kong sabihin, mahirap lang kami Zac, hindi bagay sa kagaya mong mayaman." pumiyok ito.

Nakaramdam siya ng awa sa dalaga. Dinodown nito ang sarili. At yun ang hindi niya papayagang mangyari, anuman ang pinagdadaanan nito, lagi niyang palalakasin ang loob nito hanggang sa mahulog ang loob nito sa kaniya.

"Cryzel, don't down yourself. CEO ako kapag nasa kompanya ako eto simpleng lalaki lamang ako kapag wala na ako roon. Cryzel, mahirap man kayo hindi yun ang basehan ko para pakisamahan ka. Dahil ang basehan ko ay ang puso mo, malinis ang konsensiya at mabuti ang kalooban.

Kaya please, hayaan mong tayo ang magpatunay na hindi basehan ang estado ng buhay para magkaroon tayo ng relasyon bilang magkaibigan." aniya na may diin ang bawat salita. Sana sa mga sinabi niya pumanatag na si Cryzel at huwag ng mag-isip ng kung ano-ano.

"Salamat— naputol ang sasabihin nito dahil sa sigaw ng isang babae na sa hinuha ni Zac ay ina niya.

"Cryzel! Ano bang ginagawa mo?! Gawin mo itong pinapagawa ko sa iyo! Hindi iyang nagtetelebabad ka sa cellphone!" pasigaw nitong ani. Napakunot si Zac dahil klarong-klaro sa kaniyang pandinig ang sinabi ng babae.

"Hm, Zac tinatawag ako ni inay. Itext mo nalang ang mga mahahalagang detalye." anito at pinatay na ang tawag.

Kaugnay na kabanata

  • The Obscure Truth   Chapter 4

    Hindi mapakali si Cryzel sa pag-aayos sa sarili. Naeexcite siya na kinakabahan para sa date nilang dalawa ni Zac. Hindi niya mawari kung ano itong sumisibol na damdamin na lumulukob sa kaniyang pagkatao. Mukhang nagugustuhan na niya ang binata. Huminga ng malalim at kinalma ang sarili.Sunod-sunod na busina ang kaniyang narinig na nagmula sa labas ng bahay. Dahil sa ang bintana ng kaniyang kwarto ay nakaharap sa gate, dumungaw siya roon at nakita ang itim nitong ducati. Hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan lalo at nakasuot ito ng jacket at maong pants na hapit na hapit tsaka tenernuhan ng rubber shoes. Nagkasya nalang sila kanina sa palitan ng mensahe dahil baka magalit ang kaniyang ina kapag nagtelebabad na naman siya. Gusto nito na sunduin siya sa pamamagitan ng sports car pero nagpumilit siya na kung maaari ay magmotor nalang sila. Pumayag ito basta aangkas siya sa Ducati nito dahil ayaw nito na bumiyahe siya. Hindi nga niya maiwasang kiligin kani

    Huling Na-update : 2022-07-30
  • The Obscure Truth   Prolouge

    PROLOUGEGABI, Abala ang Pamilya Lorenzo na pinagsasaluhan ang isang simpleng hapunan sa hapag-kainan na sina Cryzel na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa, si Honeyzel, na kaniyang kapatid na nasa kaniyang tabi, ang kaniyang ama at ina na sina Valeno at Ricaella Lorenzo na nakaupo sa kanilang harapan. Simple lang ang buhay na mayroon sila. Hindi mahirap, hindi mayaman sakto lang. Nakararaos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pero sa lipunang kanilang ginagalawan, mahirap pa rin ang lagay nila.Dahil sa katahimikang namamagitan sa kanila, nagpasya si Cryzel na magbukas ng isang paksa para kahit papaano mawala ang katahimikan na lumulukob sa kanila. Tiningnan niya ang kaniyang ama, ina at kapatid na maganang kumakain."Nay, Tay. Dahil may ipon na ako kahit papaano. Binabalak ko po na iparenovate itong bahay kahit iyong salas lang po sana. Sang-ayon po ba kayo sa binabalak ko?" tanong niya. Ayaw gumawa ng hakbang si Cryzel ng wala ang pahintulot ng kaniyang ina, dahil tiyak na katakot-tak

    Huling Na-update : 2022-07-07
  • The Obscure Truth   Chapter 1

    ABALA si Cryzel sa pagkuha ng sukli ng ibinayad sa kaniya ng isang masugid nilang Costumer nang tumunog ang ring tone ng cellphone niya. Nang matapos ibigay ang sukli, bumalik siya sa counter at napakislot nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa ilalim ng counter at tiningnan kung sino ang caller. Nang makitang ang kaniyang kapatid na si Honey ang tumatawag agad niyang sinagot iyon. Madalang lang kung tumawag si Honey sa kaniya. Minsan tumatawag si Honey kapag kinakailangan o may emergency. Hiniling ni Cryzel na sana may kailangan ang kapatid at hindi emergency lalo kapag ibang emergency na ang pinag-uusapan. Inilagay niya sa taenga ang cellphone. Magsasalita pa lang sana siya para batiin ang kapatid ng isang magandang tanghali ng magsalita ito."Ate! Si itay, naaksidente sa construction site! Kailangan ka namin dito sa FGH ate. Hintayin ka namin ate, papunta na rin dito si inay." naghihisteryang ani Honey. Nilukob si Cryzel ng nerbiyos at pangamba

    Huling Na-update : 2022-07-07

Pinakabagong kabanata

  • The Obscure Truth   Chapter 4

    Hindi mapakali si Cryzel sa pag-aayos sa sarili. Naeexcite siya na kinakabahan para sa date nilang dalawa ni Zac. Hindi niya mawari kung ano itong sumisibol na damdamin na lumulukob sa kaniyang pagkatao. Mukhang nagugustuhan na niya ang binata. Huminga ng malalim at kinalma ang sarili.Sunod-sunod na busina ang kaniyang narinig na nagmula sa labas ng bahay. Dahil sa ang bintana ng kaniyang kwarto ay nakaharap sa gate, dumungaw siya roon at nakita ang itim nitong ducati. Hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan lalo at nakasuot ito ng jacket at maong pants na hapit na hapit tsaka tenernuhan ng rubber shoes. Nagkasya nalang sila kanina sa palitan ng mensahe dahil baka magalit ang kaniyang ina kapag nagtelebabad na naman siya. Gusto nito na sunduin siya sa pamamagitan ng sports car pero nagpumilit siya na kung maaari ay magmotor nalang sila. Pumayag ito basta aangkas siya sa Ducati nito dahil ayaw nito na bumiyahe siya. Hindi nga niya maiwasang kiligin kani

  • The Obscure Truth   Chapter 3

    Ilang sandali pa ay may dalawang crew na lumapit sa kanila. Inilapag nila ang pagkain sa mesa. Mukhang masarap ang pagkaing nihain nila. Natigilan si Zac ng lagyan ni Cryzel ng pagkain ang plato niya. Napatanga siya at napatitig sa dalaga. Mukhang napansin nito na nakatingin siya dito, kaya naman nag-angat ito ng mukha at nagtama ang kanilang mga mata. Tumikhim si Zac para mawala kahit papaano ang hiyang nararamdaman niya dahil nahuli siya ni Cryzel na nakatingin dito. Bago pa man siya makapagsalita para humingi ng paumanhin ay naunahan na siya nito."May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sa kaniya at napakagat-labi. Hindi niya tuloy maiwasan na mapatingin sa labi nito na kaypupula at kaysarap halikan. F*ck! Mura niya, ano ba itong iniisip niya? Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano sa dalaga. Napaka-inosenti nito, tapos heto siya at pinagnanasahan ito. Nakakahiya ka Zac! Pagalit niyang ani sa sarili. "Zac?" tanong sa kaniya ni Cryzel na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Na

  • The Obscure Truth   Chapter 1

    ABALA si Cryzel sa pagkuha ng sukli ng ibinayad sa kaniya ng isang masugid nilang Costumer nang tumunog ang ring tone ng cellphone niya. Nang matapos ibigay ang sukli, bumalik siya sa counter at napakislot nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa ilalim ng counter at tiningnan kung sino ang caller. Nang makitang ang kaniyang kapatid na si Honey ang tumatawag agad niyang sinagot iyon. Madalang lang kung tumawag si Honey sa kaniya. Minsan tumatawag si Honey kapag kinakailangan o may emergency. Hiniling ni Cryzel na sana may kailangan ang kapatid at hindi emergency lalo kapag ibang emergency na ang pinag-uusapan. Inilagay niya sa taenga ang cellphone. Magsasalita pa lang sana siya para batiin ang kapatid ng isang magandang tanghali ng magsalita ito."Ate! Si itay, naaksidente sa construction site! Kailangan ka namin dito sa FGH ate. Hintayin ka namin ate, papunta na rin dito si inay." naghihisteryang ani Honey. Nilukob si Cryzel ng nerbiyos at pangamba

  • The Obscure Truth   Prolouge

    PROLOUGEGABI, Abala ang Pamilya Lorenzo na pinagsasaluhan ang isang simpleng hapunan sa hapag-kainan na sina Cryzel na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa, si Honeyzel, na kaniyang kapatid na nasa kaniyang tabi, ang kaniyang ama at ina na sina Valeno at Ricaella Lorenzo na nakaupo sa kanilang harapan. Simple lang ang buhay na mayroon sila. Hindi mahirap, hindi mayaman sakto lang. Nakararaos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pero sa lipunang kanilang ginagalawan, mahirap pa rin ang lagay nila.Dahil sa katahimikang namamagitan sa kanila, nagpasya si Cryzel na magbukas ng isang paksa para kahit papaano mawala ang katahimikan na lumulukob sa kanila. Tiningnan niya ang kaniyang ama, ina at kapatid na maganang kumakain."Nay, Tay. Dahil may ipon na ako kahit papaano. Binabalak ko po na iparenovate itong bahay kahit iyong salas lang po sana. Sang-ayon po ba kayo sa binabalak ko?" tanong niya. Ayaw gumawa ng hakbang si Cryzel ng wala ang pahintulot ng kaniyang ina, dahil tiyak na katakot-tak

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status