Warning ️️ READ AT YOUR OWN RISK ️ WILD SCENES️(EXPLICIT CONTENT! SEX AND RAPE SCENES!) Nagsimula sa kan'ya ang lahat. Naging uhaw sa kapangyarihan at pera. Bumuo ng iba't ibang organization. Ang grupo ng mga Mafia at Assassin. Kan'yan-kan'yang hinahawakan na organization pero iisa ang mga layunin nila. Ang maging isang makapangyarihang Mafia Lord at titingalain ng lahat. Pinapapatay ang mga matitinik na negosyante. Lalo may kinalaman sa mga negosyo na kinakalaban sila. Ang mga kaibigan niyang sina Zeus Santiago, Vernan Walton, Jarred Vicente, Jayvee Rivas. Sila ang nagsimula at bumuo ng grupo pero nagkawatak-watak dahil sa mga babaeng pinili nila kay'sa sa kanilang delikadong trabaho. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, palihim pa rin ito hinawakan at pinapalago ni Caden ang organization. Paano kung nakilala niya ang babaeng gagawin ang lahat para magbago lang ito? Kahit buong pagkatao niya ibibigay sa binata, na kahit sobrang baba na ang tingin nito sa kan'yang pagkatao.
View MoreLiana anak, pupunta ako mamaya sa mansion," saad ni Nanay habang nagpapakain ito ng mga baboy na alaga namin.
"Sige ho, Nay. Mamayang gabi na lang ako pupunta doon."
Napabuga naman ako ng hangin.
Sobrang hirap ng buhay namin sa probinsya ng Samar. Si Tatay may maliit na bukirin ito. Tama lang na nakaraos kami sa araw-araw. Tumigil muna ako sa pag-aaral. Sa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Talaga namang hindi na nakayanan ng magulang ko na paaralin ako. Hindi naman ako nagtatampo, dahil alam ko naman na sobrang hirap ng buhay namin at wala talaga pantustos sa bayarin sa school.
Bente tres na ako at hindi naman ako kagandahan. Kahit papaano may nanligaw din sa akin dito sa aming baryo. Wala pa isip ko ang magkaroon ng kasintahan lalo ang pag-aasawa. Marami pa akong pangarap, at isa na roon na iahon sa kahirapan ang parents ko.
"Anak, ibinta mo na lang ang kamoteng kahoy sa bayan. Para may ibili tayong bigas at konting grocery," saad ni Tatay na bakas ang pagod sa mukha.
Sobrang naaawa ako sa kanila Nanay at Tatay. Si Nanay katulong ito sa mansion ng Salvacion. Ang pamilyang Salvacion ang pinakamayaman dito sa buong Samar. Ang ninuno ng Salvacion ang halos nagpagawa at nagpaganda sa lugar namin. Iyong daan na bako-bako ay pinaganda ng mga matatandang Salvacion.
May mga pangarap din ako sa buhay. Iyon ay maiahon sa kahirapan ang parents ko. Pangarap ko rin makapunta sa Manila. Gusto ko makipagsapalaran doon at baka sakali makahanap ng magandang trabaho at maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral.
Saglit muna akong pumunta sa taniman naming okra at talong. Medyo malayong lakarin pa ito at may dadaanan pa akong ilog. Balot na balot ako lagi dahil sobrang init, kahit papaano gumagamit rin ako na nilalalagay sa mukha. Paliko na sana ako sa kabilang daan at nasa tabihan lang ang ilog na sobrang lakas ang agos, kaya rinig na rinig ang ingay ng tubig.
"Ahhh!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa lakas ng sigaw ng boses babae.
Napalunok naman ako at kinakabahan.
Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang lumapit sa lugar na kung saan nandoon ang nagsisigaw. Parang humihingi ito ng tulong.
"N-No please! H-Help!"
Habang palapit ng palapit ako, parang may daga na naghahabulan sa aking dibdib. Ang boses ng babae ay paos na ito at parang pagod na pagod.
Napatigil ako sa isang malagong halaman at nakasilip sa nag-uumpukan na mga kalalakihan.
Lima sila. May babaeng nakahiga at hubo't hubad ito. Ang limang lalaki, wala rin itong saplot.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Nilagay ko rin ang aking kamay sa aking bibig.
Jusko!
Ginagahasa nila ang babae!
Nakikita ko ang pagmumukha ng limang lalaki. Masasabi kong mayayaman ang mga ito. At ang iba may lahing banyaga.
"We need to kill her after this!" aniya ng isa na nagsusuot na ito ng brief.
Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatingin sa isang lalaki na pumatong pa ito sa babae.
God!
Gusto ko siya tulungan pero paano?!
"Damn you, Santiago! Tama na iyan, nakailang putok ka na ah!" aniya ng isa pang lalaki na nagsitawanan naman silang lahat.
"Walton, ikaw na bahala sa pamilya niya," saad naman ng isa.
"Hey, Salvacion! Patayin na ba natin?!" tanong ng isa pang kasamahan nila.
Salvacion?!
Ibig sabihin, kamag-anak niya ang mayayamang Salvacion dito?
Napatayo ako bigla. Hawak-hawak ko ang aking dibdib. Dahan-dahan akong tumalikod pero sa sobrang malas ko nakasalubong ko pa ang ahas at napasigaw naman ako.
"Yahhh!"
Medyo nagulat pa ang ahas sa sigaw at mabilis din itong umalis.
My God!
"Damn, may tao, bro!"
Nanlalaki naman ang mga mata ko.
Humarap ako sa kanila. Buti na lang medyo tago ang mukha ko. Walang sabi-sabing mabilis akong tumakbo. Tinapon ko na ang basket na dala-dala ko.
"Damn! Habulin niyo!"
Nanay! Tatay! Tulong!
Umiiyak ako habang tumatakbo ng mabilis. Panigurado papatayin nila ako. Kailangan ko makalayo at makapagtago. Buti na lang, alam ko na ang pasikot-sikot dito. Agad naman ako nakakita ng bangin. Dumausdos ako pababa at doon nagtago.
Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hangin. Hirap na hirap akong huminga.
Sino-sino sila. Bakit ginahasa nila ang babaeng iyon. At ano ang koneksyon ng isang lalaki na tinatawag nilang Salvacion sa mayayamang Salvacion na nakatira sa aming lugar?
Halos hindi ko na namalayan ang oras. Pagabi na rin. Dahan-dahan akong tumayo at panay ang tingin ko sa paligid.
Sana nakaalis na sila. Nakakatakot silang lima.
Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasan na makaramdam ng sobrang kaba.
Pagdating sa bahay wala na ang parents ko. Baka nandoon na sila sa mansion ng mga Salvacion.
Kainis! Hindi ko tuloy naibinta ang mga gulay. Pero hindi talaga mawala sa isipan ko ang babae. Gusto ko bumalik sa ilog at magbaka-sakali na nandoon pa siya. Gusto ko siyang tulungan.
Pero natatakot ako. Baka pati sila Nanay at Tatay, mapadamay.
Napakamot naman ako sa aking buhok na sobrang gulo na ang pagkatali.
Kailangan ko rin gumayak at susunod sa mansion. Mabilisang naligo ako at nagbihis ng isang simpleng bestida. Sinuot ko na rin ang flat sandal. Kahit mumurahin lang ang bestida ko, bagay na bagay ito sa akin. Balingkinitan kasi ang katawan ko at medyo matangkad din ako ng konti. Maputi at makinis ang aking balat. Hindi naman katangusan ang aking ilong. Makipot at maganda ang hugis ng mapula kong mga labi. Pero sabi nila ang mata ko raw ang nagdala sa buong mukha ko. Mahaba kasi ang pilik-mata ko at maganda ang hugis ng kilay ko.
Hindi naman kalayuan ang mansion. At safe naman maglakad dahil may mga kabahayan sa daan.
Pagdating ko sa mansion, marami-rami na rin ang mga tao.Dumiretso na ako sa likod, doon dumaan papunra sa kusina. Naanutan ko sila Nanay at Tatay na abala sa pagluluto. Main cook kasi si Tatay dito.
"Nay."
Lumapit ako rito.
"Tulungan mo muna ako gumayat ng mga rekado," aniya ni Nanay at inabot sa akin ang isang malaking supot.
"Hi, Liana," bati sa akin ng mga katulong sa mansion.
"Hi."
Naging abala kaming lahat dahil malapit na mag-alas otso at magsisimula na ang kainan. Imbitado lahat ng mga tao rito. Mayaman ka man o mahirap, pantay-pantay ang pagtingin ng pamilyang Salvacion.
Buti na lang, dumating abg isang cook na kasamahan ni Tatay at napabilis ang pagtapos ng pagluluto.
"Tulungan mo muna sila ilabas ang mga pagkain, anak," utos ni Nanay sa akin.
"Sige po."
Pabalik-balik kami sa paghahatid ng pagkain sa labas. Sobrang lawak ng garden dito sa mansion. Ang mga bulaklak, alagang-alaga ng mga tauhan.
"Liana, pakisuyo naman ilagay sa kabilang buffet table ang mga desserts," utos ng mayordoma sa akin.
"Sige po."
Halos pagod na rin ako at kanina pa ako pabalik-balik sa pag-ayos at paghatid ng mga pagkain.
"Are you sure she's dead?"
Napatigil ako sa pag-ayos ng pagkain dahil sa aking narinig.
Dahan-dahan akong lumingon sa kabilang lamesa. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa limang lalaki.
God!
Sila iyon!
Dead?
Pinatay talaga nila ang babae?!
Iyong Salvacion na tinatawag ng isang lalaki, ibig sabihin, isa siya sa mga anak ni Don Cai Salvacion!
Jusko!
"Miss?"
Nanigas naman ang katawan.
Ako ba ang tinatawag niya?
Humarap naman ako.
"Can you give me a vegetable salad?" Nakangiting saad niya.
"Y-Yes, Sir."
Nanginginig naman ang kamay ko na nagsasalin ng salad sa maliit na plato. Agad ko naman ito hinatid sa kanilang lamesa.
Nagsalubong ang mga mata namin ng anak ni Don Cai Salvacion. Pakiramdam ko ang tagos ng pagtitig niya sa akin
Sana hindi nila ako makilala.
Buti na lang nakasumbrero ako at naka-jacket kanina.
"Thank you."
"Y-You're welcome, Sir."
Mabilis akong tumalikod at bumalik sa kusina.
"N-Nay, mauna na akong umuwi sa inyo."
Nakakunot naman ang noo ni Nanay.
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Oho. Medyo nahilo lang ako."
"Oh, sige. Pasamahan na lang kita kay.-"
"Huwag na ho! Kaya ko na," natatarantang sagot ko naman.
"Mag-ingat ka," aniya naman ni nanay.
Nagpaalam din ako kay Tatay.
Hiniram ko ang flashlight ni Tatay. Dahil babalikan ko ang babae. Sa likod din ako dumaan. Umikot na lang ako sa kabilang daan na mas malapit sa ilog. Kahit malamok at magubat, tiniis ko na lang basta makarating agad sa ilog.
Sana buhay talaga siya. Sana okay pa siya.
Grabe ang kaba ko ngayon. Pakiramdam ko, susugod ako sa giyera.
Malapit na ako sa ilog at halos mabingi na rin ako sa sobrang kaba at lakas ng tibok ng puso ko.
Pagdating ko sa tabing ilog, wala akong nakitang katawan ng babae.
Nasaan siya?!
Napatigil naman ako at napatingin sa isang bato na puno ng dugo.
"Jusko?!" napalakas na sambit ko.
Hindi ko napigilang umiyak.
"What are you doing here?"
Nabitawan ko ang flashlight na hawak-hawak ko.
Nanginginig ang katawan ko.
Dahan-dahan akong humarap sa lalaking nasa likuran ko.
Ang nagbabaga niyang mga mata ang bumungad agad sa akin.
Nakangisi ito sa akin.
"You're the witnessed."
"H-Hindi k-ko alam ang s-sinasabi mo!" Nangangatal na saad ko naman.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin.
Umatras naman ako.
"H-Huwag please!" Umiiyak na pakiusap ko rito.
"I asked you, what are you doing here?" diin na tanong niya na umigting pa ang kan'yang panga.
"M-Maliligo!" natatarantang sagot ko at puno na ng luha ang aking mga mata.
"Really? Late night?"
Nagpapadyak naman ako.
"M-Maawa ka sa akin! Promise, hindi ko sasabihin ang nakita k-ko!"
Umiiling-iling ito. Lalo akong nataranta nang hinubad niya ang kan'yang damit.
Mabilis naman akong tumakbo pero isang hagip lang niya sa aking braso.
"H-Huwag!"
Nakatitig lang ako sa mukha niya. Nagmamakaawa.
"Remember my name. I'm Caden Salvacion."
"TAMARI."LUMIPAS ang buwan, lagi na lang ako nakatulala. Gusto umiyak, pero wala na along luha na mailabas."Tam?"Napalingon naman ako. Si Dra. Hyde. Simula na dumating ako sa Lugar na ito, siya na ang kasa-kasama ko."Gusto mo ba mamasyal tayo? May ipapakita ako sa'yo," aniya na malapad ang ngiti.Napabuntonghininga naman ako. "Ayoko. Gusto ko lang mapag-isa."Hinawakan naman ni Dra. ang kamay ko."Gusto mo ba gumanti?"Nabigla naman ako sa sinabi ni Dra. Hyde."W-What do you mean po?""I'm your mom, close friend. Masakit din sa akin ang nangyari sa kanila. I'm gonna train you, Tamari. Papasok ka bilang assassin'. Pagdating ng panahon, magagamit mo ito.""A-Assassin? Ano po ibig niyo sabihin?"Ngumiti ito."Balang araw, maintindihan mo rin ito. Magtiwala ka lang sa akin.""Baka hindi ko kaya-."" Kaya mo! Kayanin mo! Ipaghiganti mo ang iyong pamilya!"Kinuyom ko naman ang aking kamay. "PAYAG na ako!""Pero kailangan mo mangpanggap na wala kang naalala, Tamari. Kailangan protektah
EPILOGUE…….EVERYTHING WAS PERFECT. COMPLETE FAMILY. WEALTH. OF COURSE, THE LOVE AND CONTENTMENT."MOM?"Nakatitig lang ako kay mommy habang nag-iimpake ito."Aalis si mommy. Nandito naman si daddy," nakangiting saad ni mommy sa akin.Malungkot naman ako nakatingin rito habang naglalagay ng mga gamit sa kanyang bag.Sa edad ko na sampung taon, naintindihan ko na ang klaseng trabaho nila mommy at daddy.Isang magiting na sundalo ang parents ko. At sobrang proud kami ni Kuya Jarred."Kailan po ang balik niyo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko naman."Ahmm..maybe next week. Don't worry, after this, magbabakasyon tayo."Nangislap naman ang mga mata ko."Mommy?"Napatingin naman ako kay Kuya Jarred. Panay ang kusot ng kanyang mga mata. Bagong gising lang kasi ito."Hi, my prince. How's your sleep?" Tanong ni mommy.Lumapit naman si kuya at pinitik ako sa noo."Mommy, ohh!" Nakasimangot naman ako."Tamari Faye, you're so bad. Nilagyan mo ng palaka ang ilalim ng unan ko!" Napahagikhik naman
SHEREESOBRANG SAKIT. Hindi ko alam kung paano mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin, wala na ang matalik kong kaibigan."What happened?" Mahina pero diin na tanong ko sa tauhan ni Tamari.After five months na nakaratay ako, ngayon ko lang nakausap ang lalaking malapit kay Tamari. Si Lieutenant Deon Monteverde."Sobrang bilis ng pangyayari, Gemini. Pauwi na kami, pero may sniper sa paligid namin. Ang nakapagtataka, si Captain lang ang binaril," aniya ni Deon na nakatingin ito sa malayo.Kasalukuyan na pinuntahan ko ang binata sa resthouse nito. Hindi ko ito mahagilal noong nakaraang buwan. Mabuti na lang, itinuro sa akin ni Hepe na nandito ito sa Tagaytay na pag-aari rin ng binata ang resthouse na ito.Napabuntonghininga naman ako."Nalaman niyo ba kung sino Ange may kagagawan?" Diin na tanong ko Kay Deon.Humarap naman ito sa akin. "No. Hanggang ngayon, Wala pa resulta ang imbestigasyon."Mahina naman ako napatawa. At masama na tiningnan si Deon."Impossible! Alam
JARRED"VERY GOOD, DR.VICENTE," nakangising saad ni Mayor sa akin.Huminga naman ako ng malalim. "Ginagawa ko lang ito dahil sa kaligtasan ng mga tao dito, mayor."Humalakhak naman ito. "I don't care, Vicente. May making transaction ako sa isang linggo. Kailangan matapos ito within 5 days. Kailangan kita sa laboratory ko." Seryosong turan niya sa akin.Umigting naman ang panga ko. "Tao ang ginagamot ko, hindi sa paggawa ng droga, mayor!""Well, I don't care. Alalahanin mo, nandito rin ang iyong mag-ina." Ngising aso na saad niya."Kung sasabog ang lugar na ito, kasama rin ang pamilya mo, Mayor." Sagot ko naman.Humalakhak naman ito ng pagkalakas."They are not my real family. So, I don't care!"Sunod-sunod naman ang paghinga ko ng malalim."Payag na Ako, Mayor. But after this, tuparin mo ang ipinangako mo sa akin!"Nakangisi naman ito. "Sure. May isang salita ako, Dr.Vicente." Kung tutuusin kaya ko naman patumbahin ng walang kahirap-hirap si mayor, pero hindi muna sa ngayon. I need t
PISCES"Papunta na kami," aniya ng kausap ko sa kabilang linya."Good. Ako na bahala kay mayor. Ang misyon niyo, ligpitin ang mga kasamahan niya.""Got it, captain!"Isa sa dahilan kung bakit nagtatrabaho si Jarred kay Mayor, dahil gusto niya isalba ang lugar na ito. Marami ang mapapahamak na mga inosenteng tao na nakatira dito.Hawak ni mayor ang mga otoridad dito. Siguro nga hindi pa nakarating ito sa taas ang pinanggagawa ni Mayor. Iba talaga ang nagagawa ng pera.NAPATINGALA ako sa kalawakan. Huminga ng malalim at ipinikit saglit ang aking mga mata."Nice place," Turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.Itinuro sa akin ni Gemini ang lugar kung saan nakatago ang isang warehouse. Posible doon daw pumunta si Jarred. Magubat pero balewala naman sa akin. Mas malala pa nga ito sa ibang bansa na naging misyon ko.May binigay naman na skitch sa akin si Gemini kaya mabilis lang ako nakarating. Hindi naman kalakihan ang warehouse na ito. May mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid. Ku
PISCES/ TAMARI GREEN"THE hell!" Inis na sinipa ko ang lata na nakaharang sa dinadaanan ko.Nasa misyon ako ngayon. Bumalik lang ako sa Pilipinas dahil may bago akong tinatrabaho. Isa akong secret agent sa ELITE EAGLE ORGANIZATION. Kahit saan-saang bansa lang ako naka-destino.Pinabalik ako sa Pilipinas dahil isa sa mga wanted na drug lord ang pinapahuli ng Presidente. Dead or alive, iyan ang utos sa taas.Kasalukuyan nasa squatter area kami sa Tondo, Manila. Dito kasalukuyang nagtatago si Joem Trellis, ang wanted na drug lord at criminal sa Pilipinas."Matinik talaga iyang si Trellis. Hanggang ngayon, hirap hulihin!" Aniya sa akin ng isang pulis.Napabuntonghininga naman ako."Really? Or sadyang makupad lang kayo," nakataas na kilay na sagot rito.Naningkit naman ang mga mata niya na napatingin sa akin."Ano? Parang sinasabi mo na wala kaming binatbat. Sino ka ba? Di ba, agent ka lang?"Mahina naman ako napatawa. "Lang? By the way, I'm Captain Tamari Green. I'm working as a secret a
SHEREENIGHT. HINDI naman masyado madilim. Kahit papaano, ang bituin sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.Napatingin naman ako sa aking mag-ama na sobrang himbing ng kanilang tulog. Mabilis akong nagpalit ng damit at dali-daling umalis. Babalikan ko ang bahay na iyon sa gitna ng kagubatan. Mabilis naman ako nakarating dahil nga alam ko na ang daan. Tahimik ang paligid, may mga security na nakabantay sa palibot. Pinag-aralan ko muna kung paano ako makapasok sa loob ng warehouse na iyon."Mayor Gallego?" Mahinang sambit ko. Nakita ko na galing ito sa loob. Paalis na ang mga ito at sumakay sa sasakyan.Siya ang may-ari ng warehouse na ito?"Seems, you're back again as a detective," baritonong boses na nagsasalita sa likuran ko."Jarred!""Ang tigas talaga ng ulo mo. Umuwi na tayo," aniya at hinawakan ng mahigpit ang aking braso."What are you doing here?!" Inis na tanong ko rito."Sinundan kita. Para kang aswang. Gabing-gabi na lumalabas ka pa!" Sinamaan ko naman it
SHEREEMASAYA na pinapanuod ko ang aking mag-ama habang nagtatampisaw sa tubig. Hindi naman kalakihan ang ilog dito pero napakalinaw at sobrang ng tubig. Dati na akong dinala dito ni Jarred."Mommy, come here!" Sigaw ni Jaime habang nakipagaharutan sa kanyang ama.Nginitian ko lang ito. Tumayo ako at hinubad ang suot kong pajama. Hinubad ko na rin ang aking t-shirt. Nahagip agad ng aking tingin si Jarred na nakatitig sa akin.Lumusong na ako sa tubig at sinakay ko sa aking likuran si Jaime."Yeyyy!" Tuwang sigaw ng anak ko habang nakayapos ito ng mahigpit."I like it there!" Turo sa akin ni Jaime."Okay," natatawang umahon na kami.Habang naglalaro sa tabi si Jaime, nagpatuloy naman ako sa pagligo."J-Jarred!"Nagulat pa ako dahil bigla lamang sumulpot sa aking harapan si Jarred."A-Anong ginagawa mo diyan! Basta ka na lang sumusulpot!" Bulyaw ko rito.Napalunok naman ako dahil halos magkadikit na ang aming katawan. Boxer short lang ang suot niya."You so hot," aniya na umikot ito SA
SHEREEHINDI ko alam kung sinasadya ba na pahirapan ako ni Jarred o sobrang galit lang ito sa akin."Bakit puro exotic food ang pinapakain mo kay Jaime Will?" Naiiritang tanong ko rito.Pinipigilan ko lang na Magalit o mainis sa kanya. Kagabi doon ako pinatulog sa baba na may papag na nakalagay naman. Tiniis ko ang mga lamok na panay ang kagat sa aking balat. Mabuti na lang, makapal ang kumot na ibinigay sa akin kaya hindi ako nakaramdam ng lamig."Mas maganda na masanay siya sa buhay probinsya. At puwede ba, hindi nga nagrereklamo ang bata, at Ikaw pa panay ang dada!""Paano naman magrereklamo iyon kung hindi rin niya alam kung ano ang mga pinapakain mo! For God sake, he's just only three, Jarred!" Gigil na sagot ko naman."So, ikaw maghanap ng pagkain natin," aniya at tumalikod na ito.Napabuga naman ako ng hangin."Abnormal talaga!" Pumasok ako sa loob ng kubo at kinuha ang rifle na nakasabit sa pinto."May papatayin ka ba?" Tanong sa akin ni Jarred.Pinipigilan ko lang na pagtaas
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments