Unang araw ko sa kolehiyo. Naninibago pa ako sa ambiance. "Hi. Alone?"Napatingin ako sa napakagandang babae."O-Oo," nahihiyang sagot ko naman."Me too. I'm Annie, and you?" Nakangiting nakipag kamay ito sa akin."L-Liana," agad naman ako nakipag kamay sa kan'ya."Huwag ka na mahiya sa akin, Liana. Ilang taon ka na pala?""Twenty three, ikaw?" naging komportable na ako na nakipagkuwenyuhan kay Annie."Twenty two. Anong kurso ang kinuha mo?""Bachelor in Medicine and Bachelor of Surgery," nahihiyang sagot ko naman.Kayod kalabaw na itinaguyod nila Tatay at Nanay ang pag-aaral ko. Sa sobrang mahal ng gastusin sa school at tuition, tumigil na rin ako. At ngayon, maipagpatuloy ko na ang aking pangarap na maging isang magaling na doctor."Wow! Ang galing mo naman. Ako naman, nursing. Nakakatuwa at nakilala kita!"Ngumiti naman ako kay Annie. Halatang anak-mayaman ito. Pero walang kaarte-arte. Simply lang ito manamit at may salamin ito sa mata. Sobrang kinis ng kan'yang balat at sobrang p
Hating-gabi na, wala pa rin si Caden. Sino ang babaeng kasama niya kanina? Sa nakikita ko, parang may something sa kanila.Nasasaktan ako. Hindi ko alam, pero ang sakit talaga.Mahal ko na ba siya?No! Hindi puwede! Pabaling-baling ako sa higaan. Napatigil naman ako dahil sa tunog ng sasakyan. Dali-daling bumangon ako at sumilip sa bintana."Caden?"Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas onse na ng gabi. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Hinintay ko ito.Narinig ko ang tawanan ng babae at lalaki. Umigting naman ang panga ko."I enjoyed it so much, Love."Nakatingin lang ako sa babaeng kasa-kasama ng asawa ko. Siya rin ang babaeng pumunta sa opisina ni Caden.Nagkasalubong naman ang paningin namin ng asawa ko. Nagtatanong ang mga mata ko rito. "Oh. ' Di ba ikaw ang secretary ni Caden?" aniya ng babae sa akin."No. I'm his wife!" Diin na sagot ko rito.Nabigla pa ito at kalaunay naging seryoso ang kan'yang ekspresyon."Wife? I'm his girlfriend," pagtatar
"Liana!"Napapikit naman ako at pilit pinakalma ang aking sarili.Jusko! Ikaw na po ang bahala sa akin!Dahan-dahang lumapit ako kay Caden."C-Caden?"Isang malutong at nakakabinging sampal ang natanggap ko kaagad."Sino ang naglakas loob na tanggalin ang kuwentas sa leeg mo?!" Galit na sigaw niya sa akin."C-Ca-Caden..""Ilang beses ba sinabi ko sa'yo, huwag na huwag kang gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan!"Impit naman akong napahikbi. "I-I'm sorry. H-Hindi na mauulit!" "Sino ang nagtanggal?!" Ayoko sabihin. Ayoko madamay si Sir Alcantara."A-Ako. A-Ako nagtanggal, Caden!"Bigla lang niya ako hinaklit sa braso at hinila sa labas."Diyan ka matutulog sa labas! Bawal ka rin kumain!" Pasalya nia akong itinulak. Lahat ng kan'yang tauhan, nakatingin sa akin. Nagitla pa ako dahil sa lakas ng pagsarado sa pinto.Panay naman ang punas ko sa aking mukha na puno ng luha. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta na lang sa pool area. Umupo ako at nakatulalang nakatingin sa kalawakan.Pagabi
Halos maghapon hindi ako lumalabas sa kuwarto. Hindi ko na itinanong kay Manang Narsing kung nandito pa rin ang babae ni Caden.Sobrang sama pa rin ng pakiramdam ko. Kapag bumangon naman ako, pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Hinatidan na lang ako ni manang ng tanghalian at hapunan. "W-Wala pa rin po ba si Caden?" tanong ko kay manang."Wala pa. Kasama niya si Manong Selo mo." Huminga naman ako ng malalim. "K-Kilala niyo po ba si Andrea Alleya Santiago?"Napatingin naman si Manang Narsing sa akin. "Nagkita ba kayo?!"Tumango naman ako."Liana, puwede ka humingi ng tulong sa kan'ya, hija! Sundalo si Andrea!""P-Po?""Kasamahan ni Caden si Andrea. Kapag malaman niya ang sitwasyon mo, panigurado tutulungan ka ni Andrea."Napatigil naman ako. "P-Paano mo po nakilala si Andrea?""Ang Tatay niya ay kasamahan ni Selo sa military. Si Andrea, Asawa niya ang kaibigan ni Caden.""May binigay po sa akin na calling card si Andrea. Pero kinuha po ito ni Caden.""Bihira lang na nandito si Andr
Napamulat ako bigla dahil sa sinag ng araw. "M-Manang?" "Bumangon ka na at kumain ng almusal. Alas diyes na ng umaga," saad ni manang. Huminga naman ako ng malalim. "W-Wala po akong gana." "Hindi puwede na hindi ka kakain. Bumangon ka na diyan." "P-Pagod na po ako. M-Manang, t-tatakas po ako." Napatingin naman si manang sa akin. "Alanganin na, hija. Lalong dinamihan ni Caden ang mga bantay sa labas. Huwag ka mag-alala, hahanap kami ni Selo ng paraan," aniya ni manang. Tumango naman ako. " S-Salamat po. Aasahan ko po mama-." Napatigil ako bigla dahil sa pagbukas ng pinto. Si Caden. "Lumabas muna kayo, manang," utos niya kay manang. Dali-daling lumabas naman si manang. Lumapit naman sa pinto si Caden at ni-lock ang pinto. " Tatakas ka?" Nakangising tanong niya. Nanlalaki naman ang mga mata ko. Paano niya nalaman?! "C-Caden, H-Hindi!" " Again and again! 'Di ba sabi ko, ayaw ko ng sinungaling!" Napalunok naman ako ng laway. "C-Caden, please. A-Ayoko na. Tama na!" Umiiyak n
"Maiiwan muna kita dito sa Isla," saad ni Caden sa akin."S-Saan ka pupunta?""Babalik ako sa Manila. Aayusin ko lang ang bangkay ng parents ko."Malungkot naman ako napatingin rito. "N-Nakikiramay ako, Caden."Naniningkit naman ang kan'yang mga mata na nakatingin sa akin."Alam kong wala kang kinalaman dito, Liana. But you know what, gusto ko rin maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon!"Napatigil naman ako. "A-Anong ibig mo sabihin?!" "Magbabayad ang parents mo! Buhay ang kinuha nila sa akin, buhay rin nila ang kapalit!"Umigting naman ang panga ko. Malakas na sinampal ko ito. " Subukan mo! Magpakamatay ako, at isasama ko ang bata sa aking sinapupunan!" Galit na sigaw ko rito.Nanlalaki naman ang kan'yang mga mata."What did you say?!" aniya na hinawakan ako ng mahigpit sa braso."Buntis ako! Total wala ka naman pakialam sa bata, isasama ko na lang siya sa kabilang buhay! Maniwala ka, Caden, kikitilin ko ang aking buhay kapag may masamang mangyari sa parents ko!" Agad na
ISA. Dalawang araw. Hanggang umabot ng isang linggo na wala pa rin si Caden."Tunawag ba si Caden sa'yo?" tanong ko kay Amy."Nope. Sino naman ako para tawagan niya?" mataray na sagot niya.Napakagat-labi naman ako. Mabait naman si Amy. Minsan ko na itong sinundan sa gubat at doon ko nakita na nag-eensayo ito sa pagbabaril. Lalo ako napahanga sa dalaga sa bilis at galing niya."N-Nag-alala lang ako sa kan'ya.""Hindi iyon basta-basta mamamatay," aniya at tumalikod na ito.Sinundan ko naman ito ng tingin. Kapag nandito si Caden, parang ang bait-bait ni Amy."Ma'am Liana, ipinagbabawal ni Boss na umalis ka mag-isa," saad ng tauhan ng asawa ko."Diyan lang po ako maglalakad sa tabing dagat," may pagkainis na sagot ko rito."Sasamahan lang po kita. Pasensiya na, Ma'am. Sumusunod lang ako sa utos ni Boss Caden."Napabuntonghininga naman ako. Wala naman ako magagawa. Habang naglalakad, nakabuntot naman ito sa akin. Napapikit naman ako sa lamig ng hangin na humampas sa aking mukha."Gaano
GAB, kaninong bahay ito? Bakit ang daming armadong kalalakihan dito?" tanong ko sa binata. "It's mine."Nanlalaki naman ang mga mata ko."H-Hindi ka tauhan ni Caden?!""Nope."Laglag naman ang aking panga. "K-Kasamahan ka niya?! Sino ka ba talaga, Gabriel Lee?!" "I don't need to answer your questions. Ang trabaho ko lang ay proteksyunan ka, Ma'am Liana.""Huwag mo na akong tawagin na Ma'am!" inis na saad ko at tinalikuran na ito. Bumaba na muna ako sa kusina. Naabutan ko si Amy na nagluluto. "Wala ba silang katulong na babae dito?" tanong ko kay Amy."Wala. You can see naman puro lalaki," sagot ng dalaga.Nanghihinang napaupo ako sa upuan. "N-Nakontak niyo na ba si Caden?" Napatingin naman ang dalaga sa akin. "Hindi pa. Si Gabriel na ang bahala doon. Kumain ka na at magpahinga.""W-Wala akong gana," malungkot na saad ko rito."Eh 'di magpakamatay ka na lang!" aniya at inabot sa akin ang baril."A-Amy!""Huwag mo ako artehan, Liana! Ayaw mo kumain? Parang magpakakamatay ka na rin
"TAMARI."LUMIPAS ang buwan, lagi na lang ako nakatulala. Gusto umiyak, pero wala na along luha na mailabas."Tam?"Napalingon naman ako. Si Dra. Hyde. Simula na dumating ako sa Lugar na ito, siya na ang kasa-kasama ko."Gusto mo ba mamasyal tayo? May ipapakita ako sa'yo," aniya na malapad ang ngiti.Napabuntonghininga naman ako. "Ayoko. Gusto ko lang mapag-isa."Hinawakan naman ni Dra. ang kamay ko."Gusto mo ba gumanti?"Nabigla naman ako sa sinabi ni Dra. Hyde."W-What do you mean po?""I'm your mom, close friend. Masakit din sa akin ang nangyari sa kanila. I'm gonna train you, Tamari. Papasok ka bilang assassin'. Pagdating ng panahon, magagamit mo ito.""A-Assassin? Ano po ibig niyo sabihin?"Ngumiti ito."Balang araw, maintindihan mo rin ito. Magtiwala ka lang sa akin.""Baka hindi ko kaya-."" Kaya mo! Kayanin mo! Ipaghiganti mo ang iyong pamilya!"Kinuyom ko naman ang aking kamay. "PAYAG na ako!""Pero kailangan mo mangpanggap na wala kang naalala, Tamari. Kailangan protektah
EPILOGUE…….EVERYTHING WAS PERFECT. COMPLETE FAMILY. WEALTH. OF COURSE, THE LOVE AND CONTENTMENT."MOM?"Nakatitig lang ako kay mommy habang nag-iimpake ito."Aalis si mommy. Nandito naman si daddy," nakangiting saad ni mommy sa akin.Malungkot naman ako nakatingin rito habang naglalagay ng mga gamit sa kanyang bag.Sa edad ko na sampung taon, naintindihan ko na ang klaseng trabaho nila mommy at daddy.Isang magiting na sundalo ang parents ko. At sobrang proud kami ni Kuya Jarred."Kailan po ang balik niyo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko naman."Ahmm..maybe next week. Don't worry, after this, magbabakasyon tayo."Nangislap naman ang mga mata ko."Mommy?"Napatingin naman ako kay Kuya Jarred. Panay ang kusot ng kanyang mga mata. Bagong gising lang kasi ito."Hi, my prince. How's your sleep?" Tanong ni mommy.Lumapit naman si kuya at pinitik ako sa noo."Mommy, ohh!" Nakasimangot naman ako."Tamari Faye, you're so bad. Nilagyan mo ng palaka ang ilalim ng unan ko!" Napahagikhik naman
SHEREESOBRANG SAKIT. Hindi ko alam kung paano mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin, wala na ang matalik kong kaibigan."What happened?" Mahina pero diin na tanong ko sa tauhan ni Tamari.After five months na nakaratay ako, ngayon ko lang nakausap ang lalaking malapit kay Tamari. Si Lieutenant Deon Monteverde."Sobrang bilis ng pangyayari, Gemini. Pauwi na kami, pero may sniper sa paligid namin. Ang nakapagtataka, si Captain lang ang binaril," aniya ni Deon na nakatingin ito sa malayo.Kasalukuyan na pinuntahan ko ang binata sa resthouse nito. Hindi ko ito mahagilal noong nakaraang buwan. Mabuti na lang, itinuro sa akin ni Hepe na nandito ito sa Tagaytay na pag-aari rin ng binata ang resthouse na ito.Napabuntonghininga naman ako."Nalaman niyo ba kung sino Ange may kagagawan?" Diin na tanong ko Kay Deon.Humarap naman ito sa akin. "No. Hanggang ngayon, Wala pa resulta ang imbestigasyon."Mahina naman ako napatawa. At masama na tiningnan si Deon."Impossible! Alam
JARRED"VERY GOOD, DR.VICENTE," nakangising saad ni Mayor sa akin.Huminga naman ako ng malalim. "Ginagawa ko lang ito dahil sa kaligtasan ng mga tao dito, mayor."Humalakhak naman ito. "I don't care, Vicente. May making transaction ako sa isang linggo. Kailangan matapos ito within 5 days. Kailangan kita sa laboratory ko." Seryosong turan niya sa akin.Umigting naman ang panga ko. "Tao ang ginagamot ko, hindi sa paggawa ng droga, mayor!""Well, I don't care. Alalahanin mo, nandito rin ang iyong mag-ina." Ngising aso na saad niya."Kung sasabog ang lugar na ito, kasama rin ang pamilya mo, Mayor." Sagot ko naman.Humalakhak naman ito ng pagkalakas."They are not my real family. So, I don't care!"Sunod-sunod naman ang paghinga ko ng malalim."Payag na Ako, Mayor. But after this, tuparin mo ang ipinangako mo sa akin!"Nakangisi naman ito. "Sure. May isang salita ako, Dr.Vicente." Kung tutuusin kaya ko naman patumbahin ng walang kahirap-hirap si mayor, pero hindi muna sa ngayon. I need t
PISCES"Papunta na kami," aniya ng kausap ko sa kabilang linya."Good. Ako na bahala kay mayor. Ang misyon niyo, ligpitin ang mga kasamahan niya.""Got it, captain!"Isa sa dahilan kung bakit nagtatrabaho si Jarred kay Mayor, dahil gusto niya isalba ang lugar na ito. Marami ang mapapahamak na mga inosenteng tao na nakatira dito.Hawak ni mayor ang mga otoridad dito. Siguro nga hindi pa nakarating ito sa taas ang pinanggagawa ni Mayor. Iba talaga ang nagagawa ng pera.NAPATINGALA ako sa kalawakan. Huminga ng malalim at ipinikit saglit ang aking mga mata."Nice place," Turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.Itinuro sa akin ni Gemini ang lugar kung saan nakatago ang isang warehouse. Posible doon daw pumunta si Jarred. Magubat pero balewala naman sa akin. Mas malala pa nga ito sa ibang bansa na naging misyon ko.May binigay naman na skitch sa akin si Gemini kaya mabilis lang ako nakarating. Hindi naman kalakihan ang warehouse na ito. May mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid. Ku
PISCES/ TAMARI GREEN"THE hell!" Inis na sinipa ko ang lata na nakaharang sa dinadaanan ko.Nasa misyon ako ngayon. Bumalik lang ako sa Pilipinas dahil may bago akong tinatrabaho. Isa akong secret agent sa ELITE EAGLE ORGANIZATION. Kahit saan-saang bansa lang ako naka-destino.Pinabalik ako sa Pilipinas dahil isa sa mga wanted na drug lord ang pinapahuli ng Presidente. Dead or alive, iyan ang utos sa taas.Kasalukuyan nasa squatter area kami sa Tondo, Manila. Dito kasalukuyang nagtatago si Joem Trellis, ang wanted na drug lord at criminal sa Pilipinas."Matinik talaga iyang si Trellis. Hanggang ngayon, hirap hulihin!" Aniya sa akin ng isang pulis.Napabuntonghininga naman ako."Really? Or sadyang makupad lang kayo," nakataas na kilay na sagot rito.Naningkit naman ang mga mata niya na napatingin sa akin."Ano? Parang sinasabi mo na wala kaming binatbat. Sino ka ba? Di ba, agent ka lang?"Mahina naman ako napatawa. "Lang? By the way, I'm Captain Tamari Green. I'm working as a secret a
SHEREENIGHT. HINDI naman masyado madilim. Kahit papaano, ang bituin sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.Napatingin naman ako sa aking mag-ama na sobrang himbing ng kanilang tulog. Mabilis akong nagpalit ng damit at dali-daling umalis. Babalikan ko ang bahay na iyon sa gitna ng kagubatan. Mabilis naman ako nakarating dahil nga alam ko na ang daan. Tahimik ang paligid, may mga security na nakabantay sa palibot. Pinag-aralan ko muna kung paano ako makapasok sa loob ng warehouse na iyon."Mayor Gallego?" Mahinang sambit ko. Nakita ko na galing ito sa loob. Paalis na ang mga ito at sumakay sa sasakyan.Siya ang may-ari ng warehouse na ito?"Seems, you're back again as a detective," baritonong boses na nagsasalita sa likuran ko."Jarred!""Ang tigas talaga ng ulo mo. Umuwi na tayo," aniya at hinawakan ng mahigpit ang aking braso."What are you doing here?!" Inis na tanong ko rito."Sinundan kita. Para kang aswang. Gabing-gabi na lumalabas ka pa!" Sinamaan ko naman it
SHEREEMASAYA na pinapanuod ko ang aking mag-ama habang nagtatampisaw sa tubig. Hindi naman kalakihan ang ilog dito pero napakalinaw at sobrang ng tubig. Dati na akong dinala dito ni Jarred."Mommy, come here!" Sigaw ni Jaime habang nakipagaharutan sa kanyang ama.Nginitian ko lang ito. Tumayo ako at hinubad ang suot kong pajama. Hinubad ko na rin ang aking t-shirt. Nahagip agad ng aking tingin si Jarred na nakatitig sa akin.Lumusong na ako sa tubig at sinakay ko sa aking likuran si Jaime."Yeyyy!" Tuwang sigaw ng anak ko habang nakayapos ito ng mahigpit."I like it there!" Turo sa akin ni Jaime."Okay," natatawang umahon na kami.Habang naglalaro sa tabi si Jaime, nagpatuloy naman ako sa pagligo."J-Jarred!"Nagulat pa ako dahil bigla lamang sumulpot sa aking harapan si Jarred."A-Anong ginagawa mo diyan! Basta ka na lang sumusulpot!" Bulyaw ko rito.Napalunok naman ako dahil halos magkadikit na ang aming katawan. Boxer short lang ang suot niya."You so hot," aniya na umikot ito SA
SHEREEHINDI ko alam kung sinasadya ba na pahirapan ako ni Jarred o sobrang galit lang ito sa akin."Bakit puro exotic food ang pinapakain mo kay Jaime Will?" Naiiritang tanong ko rito.Pinipigilan ko lang na Magalit o mainis sa kanya. Kagabi doon ako pinatulog sa baba na may papag na nakalagay naman. Tiniis ko ang mga lamok na panay ang kagat sa aking balat. Mabuti na lang, makapal ang kumot na ibinigay sa akin kaya hindi ako nakaramdam ng lamig."Mas maganda na masanay siya sa buhay probinsya. At puwede ba, hindi nga nagrereklamo ang bata, at Ikaw pa panay ang dada!""Paano naman magrereklamo iyon kung hindi rin niya alam kung ano ang mga pinapakain mo! For God sake, he's just only three, Jarred!" Gigil na sagot ko naman."So, ikaw maghanap ng pagkain natin," aniya at tumalikod na ito.Napabuga naman ako ng hangin."Abnormal talaga!" Pumasok ako sa loob ng kubo at kinuha ang rifle na nakasabit sa pinto."May papatayin ka ba?" Tanong sa akin ni Jarred.Pinipigilan ko lang na pagtaas