ISA. Dalawang araw. Hanggang umabot ng isang linggo na wala pa rin si Caden."Tunawag ba si Caden sa'yo?" tanong ko kay Amy."Nope. Sino naman ako para tawagan niya?" mataray na sagot niya.Napakagat-labi naman ako. Mabait naman si Amy. Minsan ko na itong sinundan sa gubat at doon ko nakita na nag-eensayo ito sa pagbabaril. Lalo ako napahanga sa dalaga sa bilis at galing niya."N-Nag-alala lang ako sa kan'ya.""Hindi iyon basta-basta mamamatay," aniya at tumalikod na ito.Sinundan ko naman ito ng tingin. Kapag nandito si Caden, parang ang bait-bait ni Amy."Ma'am Liana, ipinagbabawal ni Boss na umalis ka mag-isa," saad ng tauhan ng asawa ko."Diyan lang po ako maglalakad sa tabing dagat," may pagkainis na sagot ko rito."Sasamahan lang po kita. Pasensiya na, Ma'am. Sumusunod lang ako sa utos ni Boss Caden."Napabuntonghininga naman ako. Wala naman ako magagawa. Habang naglalakad, nakabuntot naman ito sa akin. Napapikit naman ako sa lamig ng hangin na humampas sa aking mukha."Gaano
GAB, kaninong bahay ito? Bakit ang daming armadong kalalakihan dito?" tanong ko sa binata. "It's mine."Nanlalaki naman ang mga mata ko."H-Hindi ka tauhan ni Caden?!""Nope."Laglag naman ang aking panga. "K-Kasamahan ka niya?! Sino ka ba talaga, Gabriel Lee?!" "I don't need to answer your questions. Ang trabaho ko lang ay proteksyunan ka, Ma'am Liana.""Huwag mo na akong tawagin na Ma'am!" inis na saad ko at tinalikuran na ito. Bumaba na muna ako sa kusina. Naabutan ko si Amy na nagluluto. "Wala ba silang katulong na babae dito?" tanong ko kay Amy."Wala. You can see naman puro lalaki," sagot ng dalaga.Nanghihinang napaupo ako sa upuan. "N-Nakontak niyo na ba si Caden?" Napatingin naman ang dalaga sa akin. "Hindi pa. Si Gabriel na ang bahala doon. Kumain ka na at magpahinga.""W-Wala akong gana," malungkot na saad ko rito."Eh 'di magpakamatay ka na lang!" aniya at inabot sa akin ang baril."A-Amy!""Huwag mo ako artehan, Liana! Ayaw mo kumain? Parang magpakakamatay ka na rin
CADEN SALVACION "I'M GOING HOME," saad ko sa mga kaibigan ko.Galing ako ng US, at kakauwi ko lang. Dito na ako dumiretso sa condo ko sa Manila. Well, mayroon din mansion ang parents ko dito pero mas pinili ko na lang muna tumuloy sa pad ko."Can we come with you, bro?" aniya naman ni Vernan Walton.Vernan Walton sits as a Mayor in the city of Manila. He's also a businessman."I don't know if I can be with you, guys," Nakangising saad naman ni Zeus.Mahina naman akong napatawa. Zeus Santiago, he's a businessman too."Ikaw, Jarred?" tanong ko naman sa lalaking nakatayo lang ito habang naninigarilyo."I don't know. Marami akong pasyente this week."Tinaasan ko naman ito ng kilay.Jarred Vicente, he's a surgeon Doctor and also a businessman."Baka si Lee, sasama," natatawang saad ni Santiago."I'll ask him later," sagot ko naman.Si Gabriel Lee, isa ito sundalo. Kasamahan ito sa serbisyo ng asawa ni Zeus.May isa pa kaming kaibigan. Si Miguel Alcantara. He's a professor and Surgeon Doc
CADEN SALVACION-"HINDI ka ba nag-iisip?!" Galit na bulyaw sa akin ni Daddy.Napahilamos naman ako. "I-I'm so sorry, Dad."Napabuntonghininga naman si Daddy. "Nasaan ka ngayon?" tanong ni Daddy."Dito sa US, Dad.""Pakasalan mo ang ang anak ni Liam. Ayoko masira ang reputasyon ko dito sa Samar dahil diyan sa panggagahasa mo!"Napahilot naman ako sa aking sentido. "Ipahatid mo na lang sa driver. Uuwi na rin ako sa Pinas."Damn!Sunod-sunod na ang problema na dumating sa akin. Na-raid ang ibang shipments ko."Nasa underground pa rin ba ng mansion mo si Lara?" tanong ni Jarred sa akin."Yeah. Why?" "Wala. So kailan mo siya pakawalan?"Humarap naman ako sa binata. "Hangga't hindi binabalik ng kan'yang ama ang malaking pera na kinuha sa akin!" Niloko ako ng Daddy ni Lara. Puwes, nagkamali ito na banggain ako."Babalik na ako bukas sa Pilipinas. Ikaw?" tanong ni Jarred."Sabay na ako sa inyo," mahinang saad ko naman. "Nasa mansion na rin si...si Liana."" Oh. Papakasalan mo ba?" nakangisi
"Anong gagawin natin kay Lara?" tanong ni Zeus na kakarating lamang galing US."Ibalik sa pamilya niya," tamad na saad ko sa kanila.Sunod-sunod na naman na problema ang dumating sa akin. Inis na sinuntok ko ang lamesa. "Goddammit! Tatlong warehouse ko ang na-raid! Halos limang shipments ang nahuli!" Galit na saad ko sa harap ng aking mga kaibigan."Hindi lang ikaw, Caden. Kahit ako, nabulyaso rin ang shipment ng mga baril ko," saad naman ni Zeus.Napabuntonghininga naman ako. "Ibalik niyo muna si Lara. Baka lalo tayo mamoroblema diyan.""Zeus, pakisabi kay Eya na mag-usap kami.""Kung uuwi siya sa bahay. Alam mo naman iyon, kung kailan lang niya gusto ako uwian.""When are you going to marry, Liana?" tanong naman ni Gab."Next week or kapag maluwag ang schedule ko."Si Liana lang ang makakatulong sa akin. Lalo hina-hunting ako ng ENFORCERS.Ilang araw na hindi muna ako umuwi. Pero ngayon gabi kailangan ko muna kausapin si Liana dahil bukas na kasal namin."Sabihin niyo kay Liana, su
"Ayoko magkuwento ka kay Liana, tungkol sa akin, sa organization at kahit sa buhay mo," paalala ko naman kay Eya."Hindi ako kasing-tanga mo, Salvacion. Lahat ng Plano mo, laging palpak!" Baling naman ni Eya sa akin.Napabuga naman ako ng hangin. Siya at si Annie lang ang may lakas loob na murahin ako."By the way, nasaan pala ang magaling kong asawa?!"Mahina naman akong napatawa. "Bakit mo siya hinahanap? Akala ko ba, wala ka ng pakialam.""Obligasyon ko pa rin siya. Saka puwede ba, huwag niyo nga kunsentihin si Zeus! Tumatanda ng paurong!""Bro, huwag mo kalimutan ang gamot mo. Aalis na ako," aniya naman ni Jarred."Okay, thanks bro."Napasandal naman ako sa swivel chair at panay ang hilot ko sa aking batok."Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Eya sa akin."I'm okay. Medyo sumasakit lang ang ulo ko.""Do you use drugs?!" Galit na tanong niya." H-Ha. Hindi ah!" Sabay iwas ko ng aking mga mata."Huwag mo akong lokohin, Caden! Oras na malaman ko na gumagamit ka, I swear, malilinti
CADEN SALVACION"NANDITO na siya sa Manila," nakangising saad ni Zeus sa akin.Napatingin naman ako sa aking kaibigan. Alam kong susunod si Liam. Akalain mo iyon, matagal na ito nagretiro, pero may koneksyon pa rin ito sa ENFOCERS. Bakit hindi, kailangan rin niya ng proteksyon galing sa organization."Hayaan muna natin siya. Hangga't hawak ko ang kan'yang anak, hindi niya ako gagalawin," mahinang saad ko.Minsan palaisipan din sa akin, kung bakit nagtitiis ito ng kahirapan kung malaki naman ang kinikita niya organisasyon. At nakapagtataka, sadya bang sa Samar ang mga ito nakatira? Or bagong salta lang ang mga ito?Kagabi lang, nag-away na naman kami ni Liana. May nakialam sa kuwentas na binigay ko rito. Tinanggal ito na nakakabit sa kan'yang leeg. At ang sabi sa akin ni Annie, si Miguel Alcantara ang nagtanggal. Yes, si Annie, naging mata ko sa university. Bawat galaw ni Liana sa university, sinasabi sa akin ni Annie. "She's here," nakangising saad ni Zeus.Napailing naman ako. Nasa
CADEN SALVACION-NAKATINGIN LANG AKO SA KAWALAN. Parang wala na naman ako sa aking sarili. Tatlo kami ang nahuli. Bago ako nahuli sa Isla, nauna na dinampot sila Zeus at Jarred."Well, well. How are you, Salvacion?" Nakangising tanong ni General Alvarez.Matapang na sinalubong ko ito ng tingin. "Buhay na buhay pa rin, General. Kamusta naman kayo?" Nakangising tanong ko rito."Masaya. Sa wakas, ang tanyag na drug Lord, nasa kamay ko na!" Humalakhak pa ito ng malakas.Umigting naman ang panga ko. "Saan niyo dinala ang dalawang kaibigan ko?!""Oh. Nasa kabilang selda sila. Mamaya, uumpisahan na ang parusa na nararapat sa kanila."Napalunok naman ako. Sa klase ng lugar na ito, hindi ito kulungan talaga. "Lumaban kayo ng patas! Kung tapat kayo sa serbisyo niyo, hayaan niyo ang korte ang humatol sa amin!" Galit na sigaw ko rito."Hindi na kaya ng korte ang nagawa niyong mga kasalanan. Wow, look at you, Salvacion. Parang basang sisiw ka! Well, gusto mo bang makita ang dalawang kaibigan mo?"
"TAMARI."LUMIPAS ang buwan, lagi na lang ako nakatulala. Gusto umiyak, pero wala na along luha na mailabas."Tam?"Napalingon naman ako. Si Dra. Hyde. Simula na dumating ako sa Lugar na ito, siya na ang kasa-kasama ko."Gusto mo ba mamasyal tayo? May ipapakita ako sa'yo," aniya na malapad ang ngiti.Napabuntonghininga naman ako. "Ayoko. Gusto ko lang mapag-isa."Hinawakan naman ni Dra. ang kamay ko."Gusto mo ba gumanti?"Nabigla naman ako sa sinabi ni Dra. Hyde."W-What do you mean po?""I'm your mom, close friend. Masakit din sa akin ang nangyari sa kanila. I'm gonna train you, Tamari. Papasok ka bilang assassin'. Pagdating ng panahon, magagamit mo ito.""A-Assassin? Ano po ibig niyo sabihin?"Ngumiti ito."Balang araw, maintindihan mo rin ito. Magtiwala ka lang sa akin.""Baka hindi ko kaya-."" Kaya mo! Kayanin mo! Ipaghiganti mo ang iyong pamilya!"Kinuyom ko naman ang aking kamay. "PAYAG na ako!""Pero kailangan mo mangpanggap na wala kang naalala, Tamari. Kailangan protektah
EPILOGUE…….EVERYTHING WAS PERFECT. COMPLETE FAMILY. WEALTH. OF COURSE, THE LOVE AND CONTENTMENT."MOM?"Nakatitig lang ako kay mommy habang nag-iimpake ito."Aalis si mommy. Nandito naman si daddy," nakangiting saad ni mommy sa akin.Malungkot naman ako nakatingin rito habang naglalagay ng mga gamit sa kanyang bag.Sa edad ko na sampung taon, naintindihan ko na ang klaseng trabaho nila mommy at daddy.Isang magiting na sundalo ang parents ko. At sobrang proud kami ni Kuya Jarred."Kailan po ang balik niyo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko naman."Ahmm..maybe next week. Don't worry, after this, magbabakasyon tayo."Nangislap naman ang mga mata ko."Mommy?"Napatingin naman ako kay Kuya Jarred. Panay ang kusot ng kanyang mga mata. Bagong gising lang kasi ito."Hi, my prince. How's your sleep?" Tanong ni mommy.Lumapit naman si kuya at pinitik ako sa noo."Mommy, ohh!" Nakasimangot naman ako."Tamari Faye, you're so bad. Nilagyan mo ng palaka ang ilalim ng unan ko!" Napahagikhik naman
SHEREESOBRANG SAKIT. Hindi ko alam kung paano mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin, wala na ang matalik kong kaibigan."What happened?" Mahina pero diin na tanong ko sa tauhan ni Tamari.After five months na nakaratay ako, ngayon ko lang nakausap ang lalaking malapit kay Tamari. Si Lieutenant Deon Monteverde."Sobrang bilis ng pangyayari, Gemini. Pauwi na kami, pero may sniper sa paligid namin. Ang nakapagtataka, si Captain lang ang binaril," aniya ni Deon na nakatingin ito sa malayo.Kasalukuyan na pinuntahan ko ang binata sa resthouse nito. Hindi ko ito mahagilal noong nakaraang buwan. Mabuti na lang, itinuro sa akin ni Hepe na nandito ito sa Tagaytay na pag-aari rin ng binata ang resthouse na ito.Napabuntonghininga naman ako."Nalaman niyo ba kung sino Ange may kagagawan?" Diin na tanong ko Kay Deon.Humarap naman ito sa akin. "No. Hanggang ngayon, Wala pa resulta ang imbestigasyon."Mahina naman ako napatawa. At masama na tiningnan si Deon."Impossible! Alam
JARRED"VERY GOOD, DR.VICENTE," nakangising saad ni Mayor sa akin.Huminga naman ako ng malalim. "Ginagawa ko lang ito dahil sa kaligtasan ng mga tao dito, mayor."Humalakhak naman ito. "I don't care, Vicente. May making transaction ako sa isang linggo. Kailangan matapos ito within 5 days. Kailangan kita sa laboratory ko." Seryosong turan niya sa akin.Umigting naman ang panga ko. "Tao ang ginagamot ko, hindi sa paggawa ng droga, mayor!""Well, I don't care. Alalahanin mo, nandito rin ang iyong mag-ina." Ngising aso na saad niya."Kung sasabog ang lugar na ito, kasama rin ang pamilya mo, Mayor." Sagot ko naman.Humalakhak naman ito ng pagkalakas."They are not my real family. So, I don't care!"Sunod-sunod naman ang paghinga ko ng malalim."Payag na Ako, Mayor. But after this, tuparin mo ang ipinangako mo sa akin!"Nakangisi naman ito. "Sure. May isang salita ako, Dr.Vicente." Kung tutuusin kaya ko naman patumbahin ng walang kahirap-hirap si mayor, pero hindi muna sa ngayon. I need t
PISCES"Papunta na kami," aniya ng kausap ko sa kabilang linya."Good. Ako na bahala kay mayor. Ang misyon niyo, ligpitin ang mga kasamahan niya.""Got it, captain!"Isa sa dahilan kung bakit nagtatrabaho si Jarred kay Mayor, dahil gusto niya isalba ang lugar na ito. Marami ang mapapahamak na mga inosenteng tao na nakatira dito.Hawak ni mayor ang mga otoridad dito. Siguro nga hindi pa nakarating ito sa taas ang pinanggagawa ni Mayor. Iba talaga ang nagagawa ng pera.NAPATINGALA ako sa kalawakan. Huminga ng malalim at ipinikit saglit ang aking mga mata."Nice place," Turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.Itinuro sa akin ni Gemini ang lugar kung saan nakatago ang isang warehouse. Posible doon daw pumunta si Jarred. Magubat pero balewala naman sa akin. Mas malala pa nga ito sa ibang bansa na naging misyon ko.May binigay naman na skitch sa akin si Gemini kaya mabilis lang ako nakarating. Hindi naman kalakihan ang warehouse na ito. May mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid. Ku
PISCES/ TAMARI GREEN"THE hell!" Inis na sinipa ko ang lata na nakaharang sa dinadaanan ko.Nasa misyon ako ngayon. Bumalik lang ako sa Pilipinas dahil may bago akong tinatrabaho. Isa akong secret agent sa ELITE EAGLE ORGANIZATION. Kahit saan-saang bansa lang ako naka-destino.Pinabalik ako sa Pilipinas dahil isa sa mga wanted na drug lord ang pinapahuli ng Presidente. Dead or alive, iyan ang utos sa taas.Kasalukuyan nasa squatter area kami sa Tondo, Manila. Dito kasalukuyang nagtatago si Joem Trellis, ang wanted na drug lord at criminal sa Pilipinas."Matinik talaga iyang si Trellis. Hanggang ngayon, hirap hulihin!" Aniya sa akin ng isang pulis.Napabuntonghininga naman ako."Really? Or sadyang makupad lang kayo," nakataas na kilay na sagot rito.Naningkit naman ang mga mata niya na napatingin sa akin."Ano? Parang sinasabi mo na wala kaming binatbat. Sino ka ba? Di ba, agent ka lang?"Mahina naman ako napatawa. "Lang? By the way, I'm Captain Tamari Green. I'm working as a secret a
SHEREENIGHT. HINDI naman masyado madilim. Kahit papaano, ang bituin sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.Napatingin naman ako sa aking mag-ama na sobrang himbing ng kanilang tulog. Mabilis akong nagpalit ng damit at dali-daling umalis. Babalikan ko ang bahay na iyon sa gitna ng kagubatan. Mabilis naman ako nakarating dahil nga alam ko na ang daan. Tahimik ang paligid, may mga security na nakabantay sa palibot. Pinag-aralan ko muna kung paano ako makapasok sa loob ng warehouse na iyon."Mayor Gallego?" Mahinang sambit ko. Nakita ko na galing ito sa loob. Paalis na ang mga ito at sumakay sa sasakyan.Siya ang may-ari ng warehouse na ito?"Seems, you're back again as a detective," baritonong boses na nagsasalita sa likuran ko."Jarred!""Ang tigas talaga ng ulo mo. Umuwi na tayo," aniya at hinawakan ng mahigpit ang aking braso."What are you doing here?!" Inis na tanong ko rito."Sinundan kita. Para kang aswang. Gabing-gabi na lumalabas ka pa!" Sinamaan ko naman it
SHEREEMASAYA na pinapanuod ko ang aking mag-ama habang nagtatampisaw sa tubig. Hindi naman kalakihan ang ilog dito pero napakalinaw at sobrang ng tubig. Dati na akong dinala dito ni Jarred."Mommy, come here!" Sigaw ni Jaime habang nakipagaharutan sa kanyang ama.Nginitian ko lang ito. Tumayo ako at hinubad ang suot kong pajama. Hinubad ko na rin ang aking t-shirt. Nahagip agad ng aking tingin si Jarred na nakatitig sa akin.Lumusong na ako sa tubig at sinakay ko sa aking likuran si Jaime."Yeyyy!" Tuwang sigaw ng anak ko habang nakayapos ito ng mahigpit."I like it there!" Turo sa akin ni Jaime."Okay," natatawang umahon na kami.Habang naglalaro sa tabi si Jaime, nagpatuloy naman ako sa pagligo."J-Jarred!"Nagulat pa ako dahil bigla lamang sumulpot sa aking harapan si Jarred."A-Anong ginagawa mo diyan! Basta ka na lang sumusulpot!" Bulyaw ko rito.Napalunok naman ako dahil halos magkadikit na ang aming katawan. Boxer short lang ang suot niya."You so hot," aniya na umikot ito SA
SHEREEHINDI ko alam kung sinasadya ba na pahirapan ako ni Jarred o sobrang galit lang ito sa akin."Bakit puro exotic food ang pinapakain mo kay Jaime Will?" Naiiritang tanong ko rito.Pinipigilan ko lang na Magalit o mainis sa kanya. Kagabi doon ako pinatulog sa baba na may papag na nakalagay naman. Tiniis ko ang mga lamok na panay ang kagat sa aking balat. Mabuti na lang, makapal ang kumot na ibinigay sa akin kaya hindi ako nakaramdam ng lamig."Mas maganda na masanay siya sa buhay probinsya. At puwede ba, hindi nga nagrereklamo ang bata, at Ikaw pa panay ang dada!""Paano naman magrereklamo iyon kung hindi rin niya alam kung ano ang mga pinapakain mo! For God sake, he's just only three, Jarred!" Gigil na sagot ko naman."So, ikaw maghanap ng pagkain natin," aniya at tumalikod na ito.Napabuga naman ako ng hangin."Abnormal talaga!" Pumasok ako sa loob ng kubo at kinuha ang rifle na nakasabit sa pinto."May papatayin ka ba?" Tanong sa akin ni Jarred.Pinipigilan ko lang na pagtaas