Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang acting CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na anak ng pinagkakatiwalaang secretary ng mga magulang niya kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
View MoreAmber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak
Amber's Pov"Uy, tiba-tiba ka ngayon, Amber. Ang daming customers na nagbigay sa'yo ng tip ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mildy na kasamahan ko bilang waitress sa pinapasukan kong night bar at matalik ko ring kaibigan. Hindi naman bar na may nagsasayaw na mga GRO ang pinapasukan kong bar kundi mga babaeng kumakanta at sumasayaw sa stage na maayos ang mga kasuotan ang nagpe-perform sa stage. Pero siyempre, kapag naririnig ng mga tao ang salitang night bar ay iniisip nilang mga naghuhubad na babae ang sumasayaw sa stage kahit naman hindi lahat ng bar ganoon. Ngunit alam ko na may mga kasamahan akong waitress na pumapayag na mailabas sila ng mga customer ng bar. Nasa aming mga waitress na ang desisyon kung papayag kaming "mag-all the way" at walang kinalaman ang management ng bar. Ngunit kung ang ibang mga waitress ay pumapayag sa ganoon para mas malaki ang kanilang kitain ay hindi ako. Kuntento na ako sa kakarampot na kinikita ko bilang waitress basta sa malinis na paraan nang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments