Amber's Pov
"Uy, tiba-tiba ka ngayon, Amber. Ang daming customers na nagbigay sa'yo ng tip ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mildy na kasamahan ko bilang waitress sa pinapasukan kong night bar at matalik ko ring kaibigan. Hindi naman bar na may nagsasayaw na mga GRO ang pinapasukan kong bar kundi mga babaeng kumakanta at sumasayaw sa stage na maayos ang mga kasuotan ang nagpe-perform sa stage. Pero siyempre, kapag naririnig ng mga tao ang salitang night bar ay iniisip nilang mga naghuhubad na babae ang sumasayaw sa stage kahit naman hindi lahat ng bar ganoon. Ngunit alam ko na may mga kasamahan akong waitress na pumapayag na mailabas sila ng mga customer ng bar. Nasa aming mga waitress na ang desisyon kung papayag kaming "mag-all the way" at walang kinalaman ang management ng bar. Ngunit kung ang ibang mga waitress ay pumapayag sa ganoon para mas malaki ang kanilang kitain ay hindi ako. Kuntento na ako sa kakarampot na kinikita ko bilang waitress basta sa malinis na paraan nanggaling ang aking pera.Ang pera na natatanggap ko mula sa pagiging waitress ay ginagamit ko panggastos sa aking pag-aaral. Nineteen years old na ako pero nasa fourth year high school pa lamang ako. Nahinto kasi ako sa pag-aaral dahil kulang ako sa pinansiyal para masuportahan ang aking sarili. May ina naman ako ngunit may pangalawang pamilya na siya. Bata pa lamang kasi ako ay namatay na ang aking ama kaya hindi ko naranasan ang lumaki na may amang nagmamahal sa akin. Ayokong iasa kay Tito Roman ang aking pag-aaral dahil hindi ko naman siya kasundo. Siya at ang kanyang malditang anak na si Ruby.Sa bahay ni Tito Roman ako nakatira ngayon ngunit nag-iipon ako para may maipang-upa ako sa kahit na maliit na kuwarto lamang. At kahit sa isang squatter's area pa ang mahanap kong paupahan ay tatanggapin ko basta makaalis lamang ako sa poder ni Tito Roman. Halos araw-araw na kasi kaming nag-aaway ni Ruby. Masyado kasi siyang m*****a at ako naman ay palaban kaya palagi kaming nagka-clash. At sa tuwing mag-aaway kaming dalawa ay siya ang kinakampihan ni mama. Isa iyon sa dahilan kung bakit gusto kong bumukod ng tirahan. Sa halip kasi na ako ang kampihan ni mama dahil ako ang anak niya ay si Ruby na kanyang stepdaughter ang pinapanigan niya. Pakiramdam ko ay excess baggage lamang ako at nakakapuno na sa bahay nila kaya aalis na lamang ako kaysa ang palayasin pa nila ako kapag hindi na sila makatiis sa akin.Lunes-Huwebes ay night shift ako since nag-aaral ako sa araw. Pagdating naman ng Friday ay dayoff ko. Sinasamantala ko ang day off ko para magawa ko ang lahat ng mga kailangan kong gawin sa school. Sabado at Linggo naman ay two o'clock ng hapon hanggang seven ng gabi ang shift ko. Okay sa akin ang schedule ko na ito dahil nagagawa ko pang makapagpahinga pagkatapos ng aking trabaho. Minsan matumal ang bigayan ng tip kapag mga kuripot ang mga customers ngunit minsan naman ay gaya ngayon na puro galante ang mga nagbibigay ng tip basta maayos ang serbisyo namin. Tiba-tiba tuloy ako ngayon at napansin iyon ni Mildy."Binabawi lamang ang ilang gabi na matumal ang tip sa akin," nakangiting sagot ko sa kanya. Nagtawanan kami at nag-high five. Katulad ko ay tiba-tiba rin siya ngayong gabi."Ngunit mukhang masisira ang gabi mo dahil nandito na naman ang mayabang na customer na palaging ikaw ang hinahanap para mag-serve sa kanya ng inumin," bulong sa akin ni Mildy sabay nguso sa pintuan kung saan pumapasok ang taong nakasalo yata ng lahat ng kayabangan na isinaboy ni Lucifer sa mundo."Mayabang na manyakis pa," nakasimangot na sagot ko kay Mildy. Akala yata ng Santi na iyon na ubod siya ng guwapo kaya ang lakas ng loob niyang magyabang. Eh, kung hindi nga lang siya galante magbigay ng tip ay tiyak walang waitress na lalapit sa kanya para mag-assist sa sobrang lakas ng hangin niya at kamanyakan."Sinabi mo pa," nakangiwing sang-ayon ni Mildy sa sinabi ko."Pero malas niya dahil mag-out na ako ngayon," nakangiti nang sabi ko kay Mildy. At bago pa ako tawagin ng Santi na iyon ay mabilis ko nang iniwan si Mildy para mag-time out sa logbook. Balak ko sanang mag-overtime ngayon dahil nga halos lahat ng mga customer ay galante ngunit dumating naman ang asungot na ito. Sayang lamang ang kikitain ko pa sana hanggang mamaya. Nakakabadtrip talaga ang Santi na ito.Pagkatapos kong magbihis ng damit ay mabilis na akong naglakad palabas ng bar. Bago ako umuuwi sa bahay ni Tito Roman ay dumadaan muna ako sa aking suki na karinderya kung saan ako palaging kumakain ng hapunan. Kumakain na ako bago pa ako umuwi dahil alam ko na wala naman akong madaratnang pagkain sa mesa at kapag meron naman ay katakot-takot na panunumbat ang maririnig ko sa mag-ama. Pandagdag daw sa ulam ko ang sumbat nila sa akin.Isang sakay ng tricycle lamang mula sa pinagtatrabahuhan kong night club pauwi sa bahay ni Tito Roman kaya naman hindi ako nahihirapang mag-commute pauwi. Pagbaba ko sa tricycle ay agad napakunot ang aking noo nang makita kong may magarang kotse na nakaparada sa tapat ng gate ng bahay ni Tito Roman. Mukhang may mayamang bisita ngayon si Tito. O di kaya ay manliligaw ni Ruby? Ang suwerte naman ng impaktang iyon kung manliligaw nga niya ang may-ari ng BMW na nasa labas.Para masagot ang curiosity ko ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan kong nasa sala sina Mama, Tito Roman at Ruby na kausap ang dalawang lalaki na parehong nakasuot ng bussiness attire. Ang isang lalaki na nakasuot ng salamin ay nasa late forties na yata samantalang ang isa naman ay mukhang nasa early thirties lamang. At ang guwapo. Ang guwapo niya kahit na seryoso ang kanyang mukha. Mukha rin itong matangkad kahit na nakaupo. Hindi ko nga lang mahulaan ang kanyang height dahil nakaupo nga siya. Sa totoo lang ay marami itong patataubin na mga artista at model mapa-local or international dahil sa hitsura nito. Medyo malago ang mga kilay nito ngunit bumagay naman sa mga mata nitong medyo pahaba. Maitim ang mga mata nito ngunit sa tingin ko ay hindi talaga itim ang kulay niyon kundi ibang kulay. Gabi kasi kaya parang itim ang kulay ng kanyang iris ngunit kapag natatapat sa ilaw ay bahagyang nagla-light ang kulay niyon kaya ang hula ko ay light brown ang kanyang mga mata sa araw. At mas nakadagdag pa sa ganda ng kanyang mga mata ang mahahaba niyang pilikmata. Matangos ang ilong nito na tila ilong ng mga Kastila. Siguro may lahing Kastila siya dahil may pagka-mestizo. Manipis at mapupula ang mga labi nito na siyempre ay natural red. Alangan namang nag-lipstick ito bago nagpunta rito sa bahay ni Tito Roman. Sa isiping iyon ay hindi ko naiwasang mapangiti. Nai-imagine ko kasi ito na namimili ng lipstick na i-aapply sa mga labi nito."What's funny, Miss? Nag-enjoy ka bang bistahan ang hitsura ko?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ng guwapong lalaki."Siyempre naman," mabilis kong sagot habang nakangiti ng matamis. Ngunit mabilis ding napalis ang ngiti ko nang ma-realized ko ang aking sagot. "Ang ibig kong sabihin ay nagtataka lamang ako kung bakit may mga guwapong bisita rito sa bahay," palusot ko na ewan kung nakalusot ba. Guwapo nga siya ngunit mukhang masungit naman. Bawas pogi points siya sa akin."Puwede bang huwag mong dalhin dito sa bahay ang ugali mo sa pinagtatrabahuhan mong night club, Ruby?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ni Ruby. Hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo dahil sa itinawag niya sa akin."Night club?" biglang tanong naman ng guwapong lalaki na tila hindi nagustuhan ang kanyang narinig."Yes, Mr. Salvatore. Sa night club nagtatrabaho ang stepsister ko," sagot ni Ruby. "Ayaw nga namin siyang papagtrabahuin doon kasi marumi ang trabaho niya kaso ayaw naman niya kaming pakinggan. Madali at mabilis daw kasi ang trabaho at pera sa pinagtatrabahuan niyang night club lalo na kung galante ang mga customer niya," paliwanag ni Ruby na ikinataas ng mga kilay ko, to the highest level."Walang masama sa pagtatrabaho ko sa night club. Ang masama ay ang mga taong marurumi ang utak na kagaya mo," pagtatanggol ko sa trabaho ko. Ramdam ko na tila gusto ni Ruby na maging masama ang tingin sa akin ng lalaking tinawag na Mr. Salvatore."Tama si Amber, Ruby. Huwag mong dalhin dito sa bahay ang ugali mo roon. Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa kuwarto mo dahil may pinag-uusapan kaming mahalagang bagay rito," kausap naman sa akin ni Tito Roman. Lalo akong naguluhan sa kanilang ikinikilos."Pumasok ka na sa kuwarto mo, Ruby at huwag ka nang makipagtalo pa kay Amber. May bisita siya at nakakahiya naman kung sa harapan pa niya ipapakita mo ang ugali mong iyan," wika naman ni Mama. As usual, si Ruby na naman ang kinampihan niya ngunit hindi na bago sa akin iyon kaya deadma na lamang ako sa ginawa niya. At napansin ko na Ruby rin ang itinawag niya sa akin kagaya ng mag-ama. Nakaramdam tuloy ako na tila may kakaiba sa paligid. Bakit ba parang ipinagtatabuyan nila ako na tila ayaw nilang marinig ko ang pinag-uusapan nila kasama ang dalawang bisita."Sorry kung naistorbo ko ang pag-uusap ninyo, Tito Roman," agad na panghingi ko ng tawad sa aking stepfather. "Pero kailangan pa kami nagkapalit ng pangalan ni Ruby? Palihim niyo ba akong bininyagan ulit habang natutulog ako kaya naging Ruby ang pangalan ko?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.Ngayon ko nasiguro na may mali nga sa nangyayari nang mapakunot ng noo ang dalawang bisita at pinaglipat-lipat sa aming dalawa ni Ruby ang kanilang mga paningin samantalang tila namutla naman ang tatlong nakatira sa bahay na ito na ipinagpipilitang Ruby ang pangalan ko."Ano ba ang pinagsasasabi mo, Ruby? Saka huwag mo ngang kausapin ng ganyan ang mga magulang mo," kausap naman sa akin ni Ruby na siyang tila unang nakabawi sa pagkabigla."Excuse me, isa lang ang magulang ko sa kanila at iyon ay si Mama lamang dahil papa mo naman ang isa. At saka bakit ka ba umaakto ng ganyan? Ganoon mo ba ka gusto ang pangalan ko para angkinin mo?" nang-iinis na tanong ko sa kanya. Muli itong namutla sa aking sinabi at tila nagpapasaklolo na tumingin sa mama ko."Sino ba talaga ang tunay na Amber Cruz sa inyong dalawa?" tila hindi na nakatiis na tanong ng lalaking nakasuot ng salamin sa mata. Kung susuriin ko ang kanyang porma ay iisipin kong isa siyang secretary. Mga katulad niya kasing maayos ang pagkakasuklay ng buhok na papunta sa kanan lahat, nakasuot ng salamin sa mata at may hawak na attaché case ang mga lalaking secretary ng isang CEO na napapanuod ko sa mga Asian drama."Ako?" magkasabay na sagot namin ni Ruby. Lalo tuloy naguluhan ang hitsura ng lalaki samantalang biglang naningkit naman ang mga mata ng lalaking guwapo na tila hindi nagugustuhan ang nangyayari."Hindi ba hate mo ang pangalan ko, Ruby? Bakit ngayon ay inaangkin mo naman ang panget kong pangalan?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya."Tama na, Ruby! Umakyat ka na sa kuwarto mo at magpahinga," mataas ang boses na utos sa akin ni Mama na biglang tumalim ang mga mata sa pagkakatingin sa akin. At katulad ng madalas kong maramdaman ay nakaramdam ako ng sakit dahil si Ruby na naman ang kinampihan niya na parang ito ang kanyang anak at hindi ako. Ano ba kasi ang masama sa tanong ko? Gusto ko lang naman malaman kung bakit inaangkin niya ang pangalan ko."Okay fine. Wala na akong pakialam kung gusto niyang angkinin ang pangalan ko," sumusukong saad ko bago sila tinalikuran."Sandali," pigil ng guwapong lalaki nang akmang aalis na ako. "Ang sabi sa akin ni Lolo ay may kuwintas daw si Amber na may palawit na singsing."Wala sa loob na napahawak ako sa kuwintas kong suot. Ang palawit ng kuwintas ko ay singsing. Ibinigay ito sa akin ni papa noong maliit pa ako. Ito raw ay galing sa mabait na boss ng papa ko at ipinabibigay sa akin bilang regalo ko dahil malapit na noon ang aking tenth birthday. May connection ba ang kuwintas kong ito sa sadya ng dalawang bisita at kung bakit nagpapanggap na Amber si Ruby?"Kuwintas ko 'yan, Ruby! Bakit nasa iyo ang aking kuwintas? Ibalik mo sa akin iyan ngayon din," ani Ruby na biglang napatayo at lumapit sa akin. Akmang hahablutin niya ang kuwintas kong suot ngunit mabilis kong naiiwas ito sa kanya."Angkinin mo na ang pangalan ko ngunit huwag ang kuwintas na ibinigay sa akin ng papa ko," mariing kausap ko kay Ruby."Ibalik mo sa akin ang kuwintas ko!" sigaw ni Ruby. Hinablot niya ang bag kong dala at itinapon sa lapag. Sa ginawa niya ay lumabas mula sa nakabukas ko palang bag ang aking school ID. Nanlaki ang mga mata ni Ruby nang makita ang ID ko at mabilis sana niya itong dadamputin ngunit naunahan ito ng guwapong lalaki sa pagdampot sa aking ID."Pauline Amber Cruz," basa nito sa buo kong pangalan pagkatapos ay seryosong tiningnan ako sa mata. "You're going to be my wife."Muntik nang malaglag ang puso ko sa sinabi ng guwapong lalaki. Tama ba ang aking narinig? Magiging asawa raw ako ng estrangherong ito? Ano namang kalokohan ito?Amber PovNanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng guwapong bisita nina Tito Roman. Halatadong gulat na gulat ang aking anyo ngunit mabilis kong hinamig ang aking sarili. Baka pinagti-tripan lamang ako ng guwapong ito. Huwag ako ang pagtripan niya't makakatikim talaga siya sa akin ng malakas na sipa kung saan naroon ang kanyang golden balls."Ano namang kalokohan ang pinagsasasabi mo, Mr? At bakit naman magiging asawa mo ako?" nakairap na tanong ko sa kanya.Saka pa lamang tumayo ng tuwid ang lalaki at natuklasan kong papasa siya bilang basketball player ng Pilipinas. Ang tangkad niya sobra. Hindi naman ako pandak ngunit kung ikukumpara ang height ko sa kanya ay magmumukha kaming beautiful David and handsome Goliath. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya para makita ang mukha niya."Hindi ba kaya mo ipinaglaban na ikaw si Amber ay dahil gusto mong ikaw ang ang maging wife ko at hindi ang kapatid mo?" nakataas ang kilay na kausap sa akin ng lalaki. Seryoso ang mukha nit
Amber PovHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lamang ay single ang status ko pero ngayon ay married na. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Oo. Bangungot para sa akin ito dahil nagpakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong kilala. Ni sa hinaganap ay hindi ko akalain na mapapapayag ako ng isang estranghero na magpakasal sa kanya at pumasok sa isang contract marriage. Kahit sabihin pang contract marriage lamang ang magaganap at maghihiwalay rin kami pagkatapos ng anim na buwan ay nag-asawa pa rin ako. Ako na ngayon si Mrs. Pauline Amber Cruz-Salvatore.Matapos akong kausapin ni Phil Salvatore noong isang araw lamang at napapayag niya akong sa inalok niyang marriage contract ay lumipad kami papuntang Hongkong para doon magpakasal. Hindi ko alam kung bakit kailangang sa ibang bansa pa kami ikasal gayong puwede rin naman dito sa Pinas na lang. Pero naisip ko na baka siguro mas madali ang paghihiwalay namin kapag natapo
Amber PovInosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan."How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin."A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa
Amber PovNang magpakasal ako kay Phil ay ini-expect ko ay inaasahan ko na sa magkaibang silid kami matutulog since hindi naman talaga kami totoong mag-asawa. Sa papel lang kami mag-asawa at sa mata ng kanyang lolo. Kaya naman hindi ko ini-expect na matutulog pala kami sa iisang silid at lalong-lalo na sa iisang kama. Kahit fake ang pagiging mag-asawa namin ay lalaki pa rin siya at babae ako. Mukhang dehado yata ako sa sitwasyon naming ito."Hindi ba puwedeng sa ibang kuwarto na lamang ako matulog? Ang dami namang silid sa mansion mo kaya hindi kailangan na magsiksikan tayo sa silid mo," suggestion ko kay Phil. Lihim kong idinadasal na sana ay pumayag siya."Paano natin makukumbinsi ang mga tao rito na mag-asawa tayo kung sa magkaibang silid tayo matutulog? Malaki ang aking kama kaya kahit gumulong ka pa ay hindi ka mahuhulog," sagot ni Phil sa akin. Sa malas ay wala siyang balak na pagbigyan ang kagustuhan ko. "At kung iniisip mo naman na gagawan kita ng kahalayan ay huwag kang mag-a
Amber PovNagising ako nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng kuwarto ni Phil na ngayon ay kuwarto ko na rin. Mabilis akong bumangon sa kama para buksan ang pintuan. Ang katulong na si Carmen ang nakita kong nasa labas ng silid na naghihintay sa akin habang nakasimangot ang mukha. Tumaas ang kanyang mga kilay matapos suyurin ng tingin ang aking kabuuan."Kanina pa naghihintay sa'yo ang mga amo namin tapos natutulog ka lang pala," masungit niyang sabi sa akin. Obvious kasi na kagigising ko lang dahil buhaghag ang aking buhok at siguro ay halata rin sa aking mukha.Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga damit sa closet ay naisipan kong maligo habang naghihintay ako na balikan ni Phil. Ngunit pagkatapos kong maligo ay bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung tama ba ang naging desisyon kong ito. Nakatulog ako nang hindi nagsusuklay kaya buhaghag pa ang aking buhok."Nakatulog ako after kong maligo kanina. Inantok kasi da
Amber PovTapos na kaming kumain ngunit pakiramdam ko ay gutom pa rin ako. Hindi kasi ako nakakain ng maayos dahil naiilang ako sa klase ng mga titig na ipinupukol sa akin ng mga kaharap ko s mesa. Sino ba naman ang makakakain ng matino kung lahat ng mga kaharap ko ay sa akin lamang nakatuon ang kanilang mga mata. Pakiramdam ko ay isa akong specimen na inoobserbahan sa ilalim ng miscro scope. Mukhang si Phil lang yata ang hindi nag-aksayang tapunan ako ng tingin habang kumakain kami. Sa ginawa niya ay tiyak na uusbong ang pagdududa sa isip ng mga kasama namin sa bahay. Hindi kasi sweet sa akin si Phil katulad ng mga newlywed na halos hindi na mapaghiwalay sa isa't isa."Phil, are you sure that this woman is your wife already?" hindi nakatiis na tanong ni Tita Aloha sa kanyang pamangkin pagkatapos niyang magpunas ng table napkin sa bibig. Ang balak kong pagtayo ay naudlot nang marinig ko ang tanong na iyon ng kanyang tiyahin. Hindi muna sinagot ni Phil ang tanong ng kanyang tiyahin sa
Amber PovNapabuga ako ng malakas na hangin pagkapasok namin ni Phil sa aming silid. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Masyadong naman kasing nakaka-tense ang mga tao sa loob ng bahay na ito. Parang gusto ko nang mag-empaki at tumakbo palabas ng bahay ni Phil. Ngunit hindi ako ganoong tao. Hindi ako umaatras gaano man kahirap ang sitwasyon."Nakilala mo na si Uncle Jigo, Amber. Dapat kang mag-ingat kapag siya ang kausap mo," kausap sa akin ni Phil matapos maupo sa mahabang sofa. "Tiyak na gagawin niya ang lahat para mapatunayan na tama ang hinala niya.""Hindi lang naman ang uncle mo ang dapat akong mag-ingat kundi pati na rin ang tita mo. Masyadong mapaghinala. Pakiramdam ko ay malalaman niya ang totoo anumang oras," sagot ko kay Phil. Naupo rin ako sa mahabang sofa ngunit malayo ang distansiya sa kanya."Hindi niya malalaman kung mag-iingat ka sa pananalita mo. At saka huwag mong kalilimutan na asawa kita," mabilis namang sagot ni Phil. Hindi ko napigilan ang ma
Amber Pov"Saan tayo pupunta, Phil?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pababa sa hagdanan. Basta na lang kasi niya akong sinabihan na magbihis dahil may pupuntahan kami. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta. Kaya habang pababa kami sa hagdan ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na mag-usisa sa kanya."Sa ospital. Bibisitahin natin ang lolo ko at ipapakilala na rin kita sa kanya bilang asawa ko. Natitiyak ko na matutuwa siya kapag nakita ka niya," sagot ni Phil na hindi na nag-abalang tapunan ako ng tingin. Medyo kinabahan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Parang hindi pa ako handa na humarap sa lolo ni Phil bilang asawa niya. Hindi ako magaling umarte. Nangangamba ako na baka madulas ang dila ko at makahalata ang matanda na contract marriage lamang ang namamagitan sa amin ng kanyang apo. Napahinto ako sa paglalakad dahil doon. Nang maramdaman naman ni Phil na hindi ako nakasunod sa kanya ay mabilis siyang lumingon. Nakakunot ang noo na nilapitan niya ako."
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak