Amber PovPagdating namin sa loob ng silid ng ospital kung saan naka-confined ang lolo ni Phil na si Don Fidel ay agad na yumakap si Karen sa matandang lalaki na nakahiga sa kama na tila sobrang missed na missed niya ito. Lihim akong napaismid at napataas ng kilay dahil parang ang OA ng reaksiyon ni Karen. Kung umasta siya ay parang siya ang apo ni Don Fidel at hindi si Phil. Pero sa tingin ko ay gusto lamang ipakita sa akin ni Karen na sobrang close ito sa lolo ng asawa ko. Samantala, si Phil naman ay nakatayo malapit sa pintuan at hinahayaan ang dalawa na mag-usap muna. Habang ako naman ay nakatayo sa kanyang tabi at nakatingin lamang kay Karen na tila ba iniinggit ako at nais pagselosin. Ngunit kung inaakala niya na magseselos ako o di kaya ay maiinggit sa nakikita kong closeness niya sa lolo ni Phil ay nagkakamali siya. Sa nakikita ko ay talagang tunay na apo ang turing ng matanda sa kanya kaya wala akong dapat na ikaramdam ng selos. Dahil kung nais ni Lolo Fidel si Karen para ka
Amber PovWala sana akong balak na pansinin si Jigo ngunit nang tumapat siya sa akin ay bigla na lamang niyang hinablot ang aking kanang braso at hinawakan ng mariin. Sa sobrang diin ng pagkakahawak niya ay halos bumaon ang kanyang mga daliri sa aking balat. Tiyak na magkakaroon ako ng pasa mayamaya lamang."Ang suplada mo naman, Amber. Dahil ba asawa ka ng mayabang kong pamangkin kaya pinagmamalakihan mo rin ako?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin habang naniningkit ang mga mata.Sa halip na sagutin ay pinilit kong baklasin ang mga daliri niya na parang octupos na matindi ang pagkakapit sa braso ko. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay sa aking braso. Lalaki siya at babae ako kaya natural lamang na mas malakas siya kaysa sa akin."Bitiwan mo ang braso ko," mariin ng boses na utos ko sa kanya. Nararamdaman ko na ang hapdi ng kanyang mga kuko na bumaon sa aking balat ngunit hindi ko ipinakita sa kanya na nasasaktan ako sa ginagawa niya."Sina
Phil's PovNasa loob ako ng isang night bar at tahimik na umiinom ng alak habang hinihintay ko ang pagdating ni Alex. Ang aking matalik na kaibigan simula pa nang mga bata kami. Pinili ko ang maupo sa pinakasulok na bahagi ng bar dahil mas kaunti ang mga customers na umuupo rito. Mas gusto nila na malapit sa harapan kung saan makikita ang mga babaeng sumasayaw na nakasuot ng maikling shorts. Grupo ang mga babaeng sumasayaw at masasabi kong hindi naman sila malaswang tingnan. Hindi naman malaswa ang kanilang mga suot kahit maikling shorts pa iyon at hindi rin naman malaswa ang kanilang ginagawang pagsayaw. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Amber. Siguro sa ganitong night bar din siya nagtatrabaho dahil sabi niya ay wala raw masama sa trabaho niya. At sa tingin ko ay hindi ang tipo niya ang papasok sa maruming trabaho. Mukhang ma-pride at ma-prinsipyo si Amber kaya natitiyak ko na hindi siya magtatrabaho sa isang lugar na alam niyang makakasama sa kanya. And speaking of Amber, pagdati
Amber Pov"Pigilan mo ang sarili mo, Mildy. Baka may sipsip na katrabaho natin ang nakatingin sa'yo ay isumbong ka pa sa manager natin na nananakit ka ng customer. Tiyak na matatanggal ka sa trabaho," mahina ang boses na wika ko sa kaibigan at katrabaho kong si Mildy. Nakita kong palapit siya kay Sir Alex kaya naglakad naman ako palapit sa kanya. Alam ko kasi na baka mapikon na naman siya kay Sir Alex kaya ako lumapit para pigilan siya sakaling sampalin na naman niya ng lalaki.Ang regular customer namin na si Alex Falcon ay isang playboy. Gabi-gabi ay paiba-ibang babae ang dinadala niya sa night bat kung saan kami nagtatrabaho ni Mildy. At kapag nagtutungo siya rito ay madalas si Mildy ang waitress na nag-aasikaso sa kanya dahil eksaktong siya ang walang ginagawa kapag dumarating ito. Madalas biruin ni Sir Alex ang kaibigan ko na ikinagagalit naman nito. Galit kasi si Mildy sa mga playboy dahil isa ting playboy ang ex-boyfriend nito na minahal nito ng sobra.Actually, mabait si Sir
Amber PovNakakapagod ang gabing ito ngunit okay lang dahil medyo malaki-laki rin naman ang tip na naipon ko mula sa mga galanteng customers. "Uuwi ka na ba, Amber?" tanong sa akin ni Mildy. Katulad ko ay inaayos na rin niya ang kanyang mga gamit dahil mag-time out na siya. Pasado alas nueve na ng gabi kaya dumating na ang aming mga karelyebo sa trabaho."Oo, uwi na ako. Sabay na tayong lumabas," sabi ko sa kanya."Bakit? Natatakot ka bang harangin ulit ni Santi? Hina-harass ka ba niya ulit?" may pag-aalala ang boses na tanong sa akin ni Mildy. Kanina kasi pagkaalis nina Alex at Phil sa bar ay biglang dumating si Santi kasama ang mga kaibigan niya. Kahit ayoko siyang i-entertain ay napilitan pa rin ako dahil nag-request siya sa manager namin na ako lamang ang waitress na magse-serve sa mesa nila. At dahil isa rin s amga VIP ng bar si Santi kaya walang nagawa ang manager namin kundi ang utusan ako na estimahin ang grupo ni Santi.Habang nagse-serve ako ng alak sa kanila ay ilang beses
Amber PovAng inaasahan kong sermon na gagawin sa akin ni Phil ay hindi nangyari. O baka hindi pa mangyayari. Tahimik lang kasi siya habang nagmamaneho pauwi sa bahay. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Nang hindi na ako makatiis ay ako na ang bumasag sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa pagitan naming dalawa."Sabihin mo na ngayon kung ano ang gusto mong sabihin, Phil. Alam ko marami kang gustong sabihin sa akin dahil sa nangyari," pag-uumpisa ko sa usapan. Sa halip na sundin ang sinabi ko ay tiningnan lamang niya ako ng ilang segundo pagkatapos ay muling ibinalik sa pagmamaneho ang kanyang konsentrasyon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil wala man lang akong nababasang expression o anumang damdamin sa kanyang mukha. Blangko lamang ang expression niya na kadalasang nakikita ko sa kanya. Dahil hindi naman niya ako sinagot kaya hindi na rin ulit ako nagsalita at nanahimik na lamang ako sa kinauupuan ko. Ngunit pagdating namin sa tapat ng gate ng
Amber PovGaya ng sinabi ni Phil ay sinamahan nga niya akong bumili ng kotse kinabukasan. Wala akong choice kundi amin sa kanya ng totoo na marunong naman talaga akong mag-drive ng kotse. Isang black Honda Civic ang pinili ko dahil ito lamang ang pinakamura sa lahat ng mga brand ng kotse na nais niyang bilhin sa akin. Ang gusto niyang bilhin ay ang puting BMW ngunit tumanggi ako dahil sobrang mahal ng price nito. Halos malula na nga ako sa presyo ng Honda Civic mas lalo na nang malaman ko ang presyo ng BMW. Mabuti na lamang at pumayag siyang Honda Civic na lamang ang bilhin niya. Maganda rin naman ang kotseng ito at mahal din. Kapag natapos na ang marriage contract namin ay isasauli ko na lamang sa kanya ang kotse na napakamahal.Pagkatapos naming bumili ng kotse ay ay sinamahan niya ako para kumuha ng driver's liscene. Ang sabi niya ay papasahamahan niya ako kay Mang Estong ngunit ewan kung ano ang nakain niya at siya na lamang ang sumama sa akin para kumuha ng lisensiya. Pagkatapos
Amber PovAbala ako sa pagtatanggal ng mga tuyong dahon sa mga halaman sa hardin nang makarinig ako ng paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ni Phil. Bahagya akong sumilip sa may gate para tingnan kung si Phil na ba ang dumating. Pero sa pagkakaalam ko ay nasa Hongkong siya para sa kanyang apat na araw na business trip at ngayon ay pangatlong araw pa lamang niya roon. Siguro ay may bisitang dumating. Nagkibit na lamang ako ng balikat pagkatapos ay nagbalik ako sa hardin para ipagpatuloy ang ginagawa ko.Muli kong inabala ang aking sarili sa pag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga halaman. Hindi ko naman kilala ang bisitang dumating at natitiyak ko na hindi gugustuhin ni Tita Aloha na humarap ako sa bisita nila lalo na ang ipakilala ako bilang asawa ni Phil. Kaya mabuti pang dito na lang ako hanggang sa umalis ang kung sino mang bisita nila. Kasalukuyang kong winawalis ang mga tuyong dahon sa lupa nang bigla na lamang may mga paang tumayo sa harapan ko at biglang inapakan ang dulo ng wa
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak