Amber Pov
Inosente ang pagkakangiti na hinarap ko ang babaeng nagsalita. "Hello po. Ikaw ba ang mayordoma rito ni Phil?" kausap ko sa kanya. Muntik na akong mapangisi nang makita kong nanlaki ang mga mata ng babae na sa tantiya ko ay nasa late forties na pero maganda pa rin. Namula ng mukha nito na tila napahiya lalo pa at hindi napigilan ng mga kasama sa bahay ni Phil ang matawa ng mahina sa sinabi ko. Ngunit nang tapunan sila ng masamang tingin ng babae ay agad nagsitahimik ang mga ito sa kinatatayuan."How dare you to call me that! Mukha ba akong mayordoma? At saka hindi mo ba narinig ang sinabi ko na pamangkin ko ang batang tumawag sa'yo ng stupid? I am Aloha. Phil's aunt. Itatak mo diyan sa utak mo," galit na sagot niya sa akin."A, tita pala kayo ng asawa ko. Mukha po kasi kayong istriktong mayordoma sa mga pelikula kaya napagkamalan kitang mayordoma. At saka hindi ko narinig ang sinabi mo kanina, medyo nabingi yata ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya na hindi apektado sa katarayang ipinapakita niya sa akin.Ang totoo ay narinig ko naman na binanggit niyang pamangkin nga niya itong little devil na ito na nakakapit sa hita ni Phil ngunit nagkunwari akong hindi ko narinig iyon para makaganti ako sa kanyang pag-iisip na isa akong stupid.Lalong namula sa galit ang mukha ng babae nang marinig ang sinabi ko. Ngunit sa halip na muli akong kausapin ay si Phil ang hinarap nito at kinausap. "Saang kanto mo ba napulot ang babaeng ito, Phil. Bakit walang galang?" galit na tanong nito kay Phil."Excuse me po, Tita Aloha. For the record lang po, hindi ako pinulot ni Phil sa kanto kundi sinundo niya ako sa bahay namin," mabilis kong sabat bago pa man makasagot si Phil."Hindi ikaw ang kinakausap ko, so shut up," inis na baling niya sa akin."Tita Aloha, huwag mo nang patulan ang asawa ko. At pagpasensiyahan mo na siya dahil ganyan talaga ang ugali niya. She'a frank. Sinasabi niya kung ano ang gusto niyang sabihin," ani Phil na biglang umawat sa pagsasagutan namin ng kanyang tiyahin. Hindi na kumibo ang tiyahin ni Phil sa halip ay tinapunan na lamang ako ng nakamamatay na matalim na tingin. Kung literal na nakakamatay lamang ang matalim na tingin ay tiyak na kanina pa gutay-gutay ang buo kong katawan dahil sa kanyang titig."What a warm welcome. Napaka-suwerte ko na ikaw ang napangasawa ko, Phil. Magaling magbigay ng entertainment ang tita mo," kausap ko kay Phil pagkatapos ay palihim ko siyang inirapan. Hindi naman kasi niya binanggit sa akin na may tigre pala siyang tita na nakatira sa bahay nila."Let's talk inside our room, Amber," seryoso ang mukha na sabi niya sa akin bago binalingan ang pamangkin. "Ipapakita ko muna kay Tita Amber ang room namin tapos pupuntahan kita sa room mo, okay?" kausap ni Phil sa bata."Okay," maikling sagot naman ng bata."And by the way, Pao. Don't call my wife stupid again. Kung hindi ay magagalit ako sa'yo. That word is not good for a child like you."Kinagat ni Pao ang kanyang pang-ibabang labi bago tumango kay Phil. "I won't like her again like that.""Good," mabilis na sagot ni Phil pagkatapos ay ginulo ng kamay nito ang buhok ng bata bago ako naman ang kinausap. "Come with me. I will show you our room."Nginitian ko ang mga kasambahay ni Phil bago ako sumunod sa kanya na nauna nang maglakad papunta sa mataas na hagdan. Ngunit hindi nakaligtas sa matalas kong mga mata ang isang kasambahay ni Phil na bahagyang umismid sa akin. At kung hindi ako nagkakamali ay siya ang yaya ng bata. Mukha itong atribida. Siguro siya ang nagturo kay Pao ng sinabi nito kanina.Mabilis maglakad si Phil kaya halos patakbo na ang ginagawa ko para makahabol sa kanya. Masyado kasing mahaba ang hallway na nilalakaran namin tapos biglang lumiko pa kaya muntik na tuloy akong maiwan. Tiyak na maliligaw ako sa loob ng mansion na ito. Napakaraming silid, kanto at hallway. Nakakalito. I wonder kung paano ang ginagawang paglilinis ng apat na katulong. Mukhang kahit abutin pa ng isang Linggo ay hindi kakayaning linisin lahat ng mga katulong ang buong mansion."Hintayin mo naman ako, Phil," malakas ang boses na kausap ko sa kanya nang hinihingal na ako. Mabuti naman at huminto ito para hintayin ako."Kung kasing-bilis magsalita niyang bibig mo ang paghakbang mo ay hindi ka sana maiiwan," nakasimangot na sabi niya sa akin nang makalapit na ako sa kanya. Kababakasan pa ng pagkainip ang boses nito na para bang ilang oras ang hinintay niya bago ako makalapit sa kanya. Nakakainis. Hindi ganitong klaseng lalaki ang pinangarap kong mapangasawa.Ang lalaking pangarap kong mapangasawa ay katulad ng tatay ko na mabait, masipag at maalalahanin. Gusto ko iyong ipinapakita sa akin na concern siya sa akin. At lahat ng mga katangian na gusto ko sa lalaking mapapangasawa ko ay wala kay Phil kahit mayaman at guwapo pa siya. Hindi naman kasi ajo naghahangad ng guwapo at mayamang mapapangasawa. Basta ang mahalaga ay ipinapakita at ipinapadama niya sa akin na mahalaga ako sa kanya at mahal niya ako ay sapat na sa akin iyon. At sana ay matagpuan ko ang taong iyon kapag natapos na ang kontrata naming dalawa ni Phil."Ang layo naman kasi ng kuwarto mo. Paano na lang kung magkasunog? Tiyak na mata-trap ka sa loob dahil tupok na ang sala ay nasa hallway ka pa lang at tumatakbo papunta sa hagdan," hindi napigilang reklamo ko sa kanya."Huwag kang mag-alala dahil hindi mangyayari na magkakaroon ng sunog sa bahay ko kahit na kailan," nakasimangot na sagot sa akin ni Phil bago ako tinalikuran para ipagpatuloy ang paglalakad papunta sa kuwarto niya. Na magiging kuwarto naming dalawa sa loob ng anim na buwan."Diyos ka ba para malaman mo na hindi magkakaroon ng sunod sa bahay mo kahit na kailan?" mahina ang boses na sagot ko sa kanya para hindi niya marinig."Ano pa ang hinihintay mo diyan? Pasko?" tanong niya sa akin nang huminto siya sa paglalakad at nakitang hindi ako tumitinag sa kinatatayuan ko."Oo. Naghihintay nga ako ng pasko para naman matikman ko na ang bonus ko mula sa'yo," nang-iinis na sagot ko sa kanya pagkatapos ay naglakad na rin ako pasunod sa kanya."Can you refrain that kind of atittude, Amber? Masyado kang palaban kaya hindi kayo magkakasundo ni Tita Aloha. Kahit ganoon ang ugali ni tita ay maaasahan ko siya sa pagma-manage sa bahay so please, give her some respect."Natawa ako ng mapakla sa kanyang sinabi. "Ano ang gusto mo, Mr. Salvatore? Maging submissive ako sa'yo at sa mga kamag-anakan mo? Malabo yatang mangyari iyon. Mabait ako sa taong mabait sa akin at magalang ako sa taong marunong din gumalang sa akin bilang tao. And besides, wala naman sa pinirmahan kong kontrata na kailangan kong maging submissive sa'yo at sa pamilya mo. Ikaw na rin ang nagsabi kanina na prangka akong tao. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin at sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin. At saka kung gusto niyang irespeto ko siya ay matuto rin siyang rumespeto sa ibang tao. Hindi uubra sa akin ang "respect me because I'm rich" at "respect me because I'm superior than you". Kaya dapat ay irespeto rin niya ako."Napabuga ng hangin si Phil nang marinig ang sinabi ko. Siguro ay pinagsisisihan na nito kung bakit ako pa ang napili niyang pakasalan at papagpanggapin bilang kanyang asawa. As if naman ginusto ko na maging fake at contract wife niya.Hindi na nagsalita si Phil sa halip ay napailing na lamang ito at pagkatapos ay huminto sa tapat ng isang silid at binuksan iyon. "This is my room and also your room starting today."Napabilis ako ng paglapit sa kanya at excited na pumasok sa silid niya. Napahanga ako nang makita ko ang kabuuan ng kuwarto. Hindi ito mukhang kuwarto kundi isang bahay na may sariling kusina, living room at bedroom. Napalapit ako sa maluwang na kama at umupo sa gilid. Ang lambot ng foam ng kama. Hindi katulad sa hinihigaan kong foam na matigas sa likod. Baka binili lamang iyon ni mama sa tabi-tabi para lamang may mahigaan ako. Ngunit itong matress ng kama ni Phil ay sobrang lambot. Sa katunayan ay lumubog pa ang pang-upo ko nang maupo ako sa gilid ng kama. Iba talaga ang sobrang yaman. Can afford bumili ng mga ganitong klaseng kagamitan."Dito ba ako sa kama na ito mahihiga?" nakangiting tanong ko sa kanya. Tiyak na maaga akong makakatulog sa malambot na kamang ito ngunit palagi naman akong malu-late sa paggising. Tiyak kasi na mapapasarap palagi ang tulog ko nito."Hindi lang ikaw kundi tayong dalawa. Because that is my bed," nakataas ang kilay na sagot sa akin ni Phil. Napaawang naman ang bibig ko. Akala ko kaya niya ako isinama sa room niya dahil ako na muna ang pansamantalang gagamit sa kuwarto niya. Iyon pala ay magsi-share pala kami sa kama niya. Paano pala kapag hindi siya nakatiis at gapangin ako sa gabi? O baka naman ako ang hindi makatiis at siya ang gapangin ko sa gabi?Amber PovNang magpakasal ako kay Phil ay ini-expect ko ay inaasahan ko na sa magkaibang silid kami matutulog since hindi naman talaga kami totoong mag-asawa. Sa papel lang kami mag-asawa at sa mata ng kanyang lolo. Kaya naman hindi ko ini-expect na matutulog pala kami sa iisang silid at lalong-lalo na sa iisang kama. Kahit fake ang pagiging mag-asawa namin ay lalaki pa rin siya at babae ako. Mukhang dehado yata ako sa sitwasyon naming ito."Hindi ba puwedeng sa ibang kuwarto na lamang ako matulog? Ang dami namang silid sa mansion mo kaya hindi kailangan na magsiksikan tayo sa silid mo," suggestion ko kay Phil. Lihim kong idinadasal na sana ay pumayag siya."Paano natin makukumbinsi ang mga tao rito na mag-asawa tayo kung sa magkaibang silid tayo matutulog? Malaki ang aking kama kaya kahit gumulong ka pa ay hindi ka mahuhulog," sagot ni Phil sa akin. Sa malas ay wala siyang balak na pagbigyan ang kagustuhan ko. "At kung iniisip mo naman na gagawan kita ng kahalayan ay huwag kang mag-a
Amber PovNagising ako nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng kuwarto ni Phil na ngayon ay kuwarto ko na rin. Mabilis akong bumangon sa kama para buksan ang pintuan. Ang katulong na si Carmen ang nakita kong nasa labas ng silid na naghihintay sa akin habang nakasimangot ang mukha. Tumaas ang kanyang mga kilay matapos suyurin ng tingin ang aking kabuuan."Kanina pa naghihintay sa'yo ang mga amo namin tapos natutulog ka lang pala," masungit niyang sabi sa akin. Obvious kasi na kagigising ko lang dahil buhaghag ang aking buhok at siguro ay halata rin sa aking mukha.Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga damit sa closet ay naisipan kong maligo habang naghihintay ako na balikan ni Phil. Ngunit pagkatapos kong maligo ay bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung tama ba ang naging desisyon kong ito. Nakatulog ako nang hindi nagsusuklay kaya buhaghag pa ang aking buhok."Nakatulog ako after kong maligo kanina. Inantok kasi da
Amber PovTapos na kaming kumain ngunit pakiramdam ko ay gutom pa rin ako. Hindi kasi ako nakakain ng maayos dahil naiilang ako sa klase ng mga titig na ipinupukol sa akin ng mga kaharap ko s mesa. Sino ba naman ang makakakain ng matino kung lahat ng mga kaharap ko ay sa akin lamang nakatuon ang kanilang mga mata. Pakiramdam ko ay isa akong specimen na inoobserbahan sa ilalim ng miscro scope. Mukhang si Phil lang yata ang hindi nag-aksayang tapunan ako ng tingin habang kumakain kami. Sa ginawa niya ay tiyak na uusbong ang pagdududa sa isip ng mga kasama namin sa bahay. Hindi kasi sweet sa akin si Phil katulad ng mga newlywed na halos hindi na mapaghiwalay sa isa't isa."Phil, are you sure that this woman is your wife already?" hindi nakatiis na tanong ni Tita Aloha sa kanyang pamangkin pagkatapos niyang magpunas ng table napkin sa bibig. Ang balak kong pagtayo ay naudlot nang marinig ko ang tanong na iyon ng kanyang tiyahin. Hindi muna sinagot ni Phil ang tanong ng kanyang tiyahin sa
Amber PovNapabuga ako ng malakas na hangin pagkapasok namin ni Phil sa aming silid. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Masyadong naman kasing nakaka-tense ang mga tao sa loob ng bahay na ito. Parang gusto ko nang mag-empaki at tumakbo palabas ng bahay ni Phil. Ngunit hindi ako ganoong tao. Hindi ako umaatras gaano man kahirap ang sitwasyon."Nakilala mo na si Uncle Jigo, Amber. Dapat kang mag-ingat kapag siya ang kausap mo," kausap sa akin ni Phil matapos maupo sa mahabang sofa. "Tiyak na gagawin niya ang lahat para mapatunayan na tama ang hinala niya.""Hindi lang naman ang uncle mo ang dapat akong mag-ingat kundi pati na rin ang tita mo. Masyadong mapaghinala. Pakiramdam ko ay malalaman niya ang totoo anumang oras," sagot ko kay Phil. Naupo rin ako sa mahabang sofa ngunit malayo ang distansiya sa kanya."Hindi niya malalaman kung mag-iingat ka sa pananalita mo. At saka huwag mong kalilimutan na asawa kita," mabilis namang sagot ni Phil. Hindi ko napigilan ang ma
Amber Pov"Saan tayo pupunta, Phil?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pababa sa hagdanan. Basta na lang kasi niya akong sinabihan na magbihis dahil may pupuntahan kami. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta. Kaya habang pababa kami sa hagdan ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na mag-usisa sa kanya."Sa ospital. Bibisitahin natin ang lolo ko at ipapakilala na rin kita sa kanya bilang asawa ko. Natitiyak ko na matutuwa siya kapag nakita ka niya," sagot ni Phil na hindi na nag-abalang tapunan ako ng tingin. Medyo kinabahan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Parang hindi pa ako handa na humarap sa lolo ni Phil bilang asawa niya. Hindi ako magaling umarte. Nangangamba ako na baka madulas ang dila ko at makahalata ang matanda na contract marriage lamang ang namamagitan sa amin ng kanyang apo. Napahinto ako sa paglalakad dahil doon. Nang maramdaman naman ni Phil na hindi ako nakasunod sa kanya ay mabilis siyang lumingon. Nakakunot ang noo na nilapitan niya ako."
Amber PovPagdating namin sa loob ng silid ng ospital kung saan naka-confined ang lolo ni Phil na si Don Fidel ay agad na yumakap si Karen sa matandang lalaki na nakahiga sa kama na tila sobrang missed na missed niya ito. Lihim akong napaismid at napataas ng kilay dahil parang ang OA ng reaksiyon ni Karen. Kung umasta siya ay parang siya ang apo ni Don Fidel at hindi si Phil. Pero sa tingin ko ay gusto lamang ipakita sa akin ni Karen na sobrang close ito sa lolo ng asawa ko. Samantala, si Phil naman ay nakatayo malapit sa pintuan at hinahayaan ang dalawa na mag-usap muna. Habang ako naman ay nakatayo sa kanyang tabi at nakatingin lamang kay Karen na tila ba iniinggit ako at nais pagselosin. Ngunit kung inaakala niya na magseselos ako o di kaya ay maiinggit sa nakikita kong closeness niya sa lolo ni Phil ay nagkakamali siya. Sa nakikita ko ay talagang tunay na apo ang turing ng matanda sa kanya kaya wala akong dapat na ikaramdam ng selos. Dahil kung nais ni Lolo Fidel si Karen para ka
Amber PovWala sana akong balak na pansinin si Jigo ngunit nang tumapat siya sa akin ay bigla na lamang niyang hinablot ang aking kanang braso at hinawakan ng mariin. Sa sobrang diin ng pagkakahawak niya ay halos bumaon ang kanyang mga daliri sa aking balat. Tiyak na magkakaroon ako ng pasa mayamaya lamang."Ang suplada mo naman, Amber. Dahil ba asawa ka ng mayabang kong pamangkin kaya pinagmamalakihan mo rin ako?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin habang naniningkit ang mga mata.Sa halip na sagutin ay pinilit kong baklasin ang mga daliri niya na parang octupos na matindi ang pagkakapit sa braso ko. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay sa aking braso. Lalaki siya at babae ako kaya natural lamang na mas malakas siya kaysa sa akin."Bitiwan mo ang braso ko," mariin ng boses na utos ko sa kanya. Nararamdaman ko na ang hapdi ng kanyang mga kuko na bumaon sa aking balat ngunit hindi ko ipinakita sa kanya na nasasaktan ako sa ginagawa niya."Sina
Phil's PovNasa loob ako ng isang night bar at tahimik na umiinom ng alak habang hinihintay ko ang pagdating ni Alex. Ang aking matalik na kaibigan simula pa nang mga bata kami. Pinili ko ang maupo sa pinakasulok na bahagi ng bar dahil mas kaunti ang mga customers na umuupo rito. Mas gusto nila na malapit sa harapan kung saan makikita ang mga babaeng sumasayaw na nakasuot ng maikling shorts. Grupo ang mga babaeng sumasayaw at masasabi kong hindi naman sila malaswang tingnan. Hindi naman malaswa ang kanilang mga suot kahit maikling shorts pa iyon at hindi rin naman malaswa ang kanilang ginagawang pagsayaw. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Amber. Siguro sa ganitong night bar din siya nagtatrabaho dahil sabi niya ay wala raw masama sa trabaho niya. At sa tingin ko ay hindi ang tipo niya ang papasok sa maruming trabaho. Mukhang ma-pride at ma-prinsipyo si Amber kaya natitiyak ko na hindi siya magtatrabaho sa isang lugar na alam niyang makakasama sa kanya. And speaking of Amber, pagdati
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak