Hiding the twins of a blind billionaire

Hiding the twins of a blind billionaire

last updateHuling Na-update : 2023-04-25
By:  B.NICOLAY/Ms.Ash  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.6
9 Mga Ratings. 9 Rebyu
77Mga Kabanata
38.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Eugene Alvarez ay isang bulag. To be specific a blind billionaire! He had a one-night-stand with a girl he doesn't know and it was Irene Legazpi. They got separated for six years and reunited again with a hot night! Nakakawindang hindi ba? At ito pa, aalukin siya ni Eugene ng kasal na hindi niya alam ito pala ang ama ng kaniyang kambal na anak. Ano nga ba ang mangyayari kung magtagpo muli ang landas nila? Si Irene na matagal ng hinahanap ni Eugene at si Irene na hindi kilala ang ama ng kaniyang mga anak. Halina’t basahin ang kwentong pag-ibig na may halong aksyon at dramang buhay ni Irene at Eugene Alvarez.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

NAGISING si Eugene dahil sa tapik sa kaniya at naramdaman niya na mayroong nakayakap sa kaniya. “Pftt! Lupit mo Eugene! Iniwan lang kita tapos may kasama ka ng babae?!” Dahil sa sinabi ni Mason ay natauhan siya at naalala ang mga nangyari. "Tsk." Tanging sabi niya at dali-daling inalis ang kamay ng babae sa kaniyang tiyan at bumangon. Dahil sa ginawa niya ay napabaling ang babae sa kabilang parte at niyakap ang unan doon. “Grabe ang harsh,” tawang sabi ni Mason at hinagis sa kaibigan ang damit nito. Inintay niya na matapos sa pagbibihis ang kaibigan ng maisipan niyang lapitan ang babae at tignan ang muka nito. “Don’t you dare go near her!” mahina ngunit may diing malamig na sabi nito. Napataas naman ang kamay ni Mason dahil doon at natawa. “Grabe talaga talas ng pandinig mo Eugene! Titignan ko lang si chika babes mo e! Magkano bayad mo? Baka pwede 'rin—ouch!” Napadaing si Mason ng batuhin siya ni Eugene ng telephone na nakuha niya sa isang tabi na ikinatanggal nito sa saksak

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
Bakit Kaya ayaw na ituloy Ng author saying nman ang nasimulan maganda pa nmn ang story
2024-09-17 03:57:38
0
user avatar
Lina Sibal Palpallatoc
ano Ang aasahan nyo Marami syang story na di matapus tapus style ni miss A yan
2024-08-09 17:13:49
0
user avatar
Gen Gamarza Villacampa
npakaganda Ng kwento author Sana mag update Ka lagi ...️...️...️...️
2024-07-19 20:28:48
0
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
kelan uli ang update ky Eugene author sobrang tagal na
2024-06-09 14:43:04
0
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
ayaw n yta ni author uupdate ang story n to Eugene and Irene sayang ang ganda p nmn
2024-04-08 08:38:28
0
user avatar
Mercy Billones Sumiga
kailan po ang update nito
2024-01-03 23:04:29
0
user avatar
Mia Gagarin
magnd badahin ndi nakakasawa
2023-05-04 13:02:39
1
user avatar
Docky
another good book from ineng (⁠´⁠∩⁠。⁠•⁠ ⁠ᵕ⁠ ⁠•⁠。⁠∩⁠`⁠)
2023-03-23 19:12:59
1
default avatar
Kiesha Esmenda
maganda ang storya
2024-09-24 12:35:29
0
77 Kabanata

Chapter 1

NAGISING si Eugene dahil sa tapik sa kaniya at naramdaman niya na mayroong nakayakap sa kaniya. “Pftt! Lupit mo Eugene! Iniwan lang kita tapos may kasama ka ng babae?!” Dahil sa sinabi ni Mason ay natauhan siya at naalala ang mga nangyari. "Tsk." Tanging sabi niya at dali-daling inalis ang kamay ng babae sa kaniyang tiyan at bumangon. Dahil sa ginawa niya ay napabaling ang babae sa kabilang parte at niyakap ang unan doon. “Grabe ang harsh,” tawang sabi ni Mason at hinagis sa kaibigan ang damit nito. Inintay niya na matapos sa pagbibihis ang kaibigan ng maisipan niyang lapitan ang babae at tignan ang muka nito. “Don’t you dare go near her!” mahina ngunit may diing malamig na sabi nito. Napataas naman ang kamay ni Mason dahil doon at natawa. “Grabe talaga talas ng pandinig mo Eugene! Titignan ko lang si chika babes mo e! Magkano bayad mo? Baka pwede 'rin—ouch!” Napadaing si Mason ng batuhin siya ni Eugene ng telephone na nakuha niya sa isang tabi na ikinatanggal nito sa saksak
Magbasa pa

Chapter 2

(ONE MONTH LATER) ISANG buwan ang lumipas at simula ng araw na mahimatay si Irene dahil sa kagagawan ng pinsan niya ay hindi na siya tinigilan nito’t palaging inuutusan. Sa dami nilang maid na naroroon ay siya lang ang tanging inuutusan nito. Nanjan at bubuhusan siya nito ng juice na tinimpla, o ‘di kaya naman itutulak siya sa swimming pool. Mabuti nalang at marunong siyang lumangoy kaya walang problema. Ngunit sa nakalipas na isang buwan na hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga pagpapahirap nito lalo na at nakaramdaman siya ng kakaiba sa kaniyang katawan. Nagsimula na siyang mapagod ng mabilis, palaging antukin at nagsusuka sa umaga. Mayroon na nga siyang maliit na timba sa loob ng kanilang kwarto dahil napapagod na siya kakapabalik-balik sa banyo. “Hindi kaya may sakit ka na Irene?! Hindi ka na kumakain! Ang payat-payat mo na!” sermon sa kaniya ni Eva. Simula ng i-announce na siya ay maid na sinabihan nalang ‘din niya ang mga ito na alisin na ang tawag na 'Ms.' Sa
Magbasa pa

Chapter 3

IRENE TEKA, nasaan ako? Bakit madilim dito? Bulag na ba ako at wala na akong makita? Sinubukan kong tumingin kahit saan at nagawa ko pang kapain ang mata ko kung bukas ba o hindi ngunit bukas naman ito. Wala talaga akong makita kahit isa. Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa takot sa dilim. Simula ng mawala si mommy at daddy ay naging matatakutin na ako sa dilim lalo na’t alalang-alala ko pa na sobrang dilim ng paligid ng magpunta kami sa ospital dahil madaling araw iyon. Napatingin ako sa isang parte ng may makita akong Liwanag, hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papunta doon. Ngunit sa dulo ng Liwanag na iyon ay nakita ko ang scene na ayaw na ayaw ko ng balikan. “M-mommy! Daddy! Please fight for me! Hindi ko alam ang gagawin ko mag-isa!” Umiiyak ang batang ako sa isang tabi kasama si Eva at ang ilang katulong namin at driver. Naalala ko ang gabing iyon na nagising ako sa kalampag ni Eva sa kwarto ko at binalitang naaksidente sila mommy at daddy. Takot na takot ako ng p
Magbasa pa

Chapter 4

“KAPAG sinabi ko na umire ka umire Irene, okay?!” Parang nag-eeco sa pandinig ni Irene ang boses ng kaniyang doktora. Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito lalo na ramdam na ramdam niya ang sakit sa kaniyang balakang na parang mahihiwalay ito sa dalawa. Ngunit sa panahon na iyon ay wala siyang lakas ng loob para manganak, nanghihina siya. “Irene!” Muling tawag sa kaniya na ikinailing niya ng marahan. “H-hindi ko kaya doktora,” Hindi nagustuhan ng kaniyang doktora ang narinig na iyon kung kaya tinapik tapik nito ang kaniyang pisnge. “Kapag hindi mo ginawa ay mawawala sa’yo ang anak mo! Ang tagal mong inalagaan ang bata sa loob ng tiyan mo ngayon ka pa ba susuko?” Pagpapalakas ng loob nito habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Dahil sa narinig ay sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha. “P-pero si Kayla…” Natigilan sandali ang doktora niya at napatingin sa mga nurses na kasama niya. Hindi lingid sa kanila ang nangyari kay Kayla dahil nakita nila ito ng dinala sa ospital
Magbasa pa

Chapter 5

SUMAKAY nalang ako sa Taxi para makauwi na sa bahay. Napabuntong hininga ako ng sumandal sa kinauupuan ko. Anim na taon na ang nakalipas, sa anim na taon na ‘yon ay marami na ang nangyari. Noong una ang akala ko ay hindi na gagaling pa si Kayla. Unang taon, pangalawang taon, nawawalan na ako ng pag-asa pero dumating bigla ang isang araw ng sabihin ng doctor na nagkaroon na ng progress ang sakit niya. Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang progress niya at nitong nakaraang taon lang ay gumaling na siya. Yes, inabot ng halos limang taon ang gamutan ni Kayla, pabalik balik kasi ang sakit niya. Nakailang operasyon na ‘din siya at sa awa ng Diyos ay gumaling ang kaibigan ko. Cancer free na siya! Wala ng mas sasaya pa saakin ng ideklara siyang cancer free ng doctor. Halos sambahin ko na nga sila dahil sa pagliligtas sa kaibigan ko. Ang kaso sa kabila ng paggaling niya ay ang pagkaubos ng pera na naitabi niya pati na ako. May kaunti akong pera kaso para sa panggastos nalang namin araw-araw
Magbasa pa

Chapter 6

“MOMMY, you are spacing out again!” Napakurap ako ng magsalita si Kylie na kaharap ko nga pala ngayon. Naiwan kaming dalawa sa hapagkainan dahil wala na si Kayla at Ivan at mayroon ‘daw panonoorin sa TV. Linggo ngayon at naisip ko na ‘wag na munang maghanap ng trabaho dahil pagod pa ako, pagod sa mga nalaman ko. “S-sorry anak, iniisip ko lang kung matatanggap ba ako sa trabaho ko,” Well, half true naman ang sinabi ko. Sana lang talaga matanggap ako sa mga pinag-applayan ko, ang dami kaya nu’n! Kapag ni isa walang tumawag saakin ipapasunog ko kumpanya nila, joke lang. “Do not worry mommy! Alam ko pong matatanggap ka, ikaw pa po ba?! Bukod sa maganda na matalino pa! Sa inyo nga po ako nagmana ng kagandahan at katalinuhan,” Natawa ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong nito. Kahit kailan talaga ang ang taas ng self confidence ng anak ko, ayos lang naman ‘yun dahil alam ko na walang mang-aapi sa kaniya kapag pumasok na sila. Mabuti nalang tinuruan namin silang magtagalog ni Kayla,
Magbasa pa

Chapter 7

ROGER “WHO do they think they are? My parents?!” As I expected, alam kong kanina pa siya kating-kati magreklamo pero hindi niya lang ginawa. Katatapos lang ng board meeting ni Eugene at maging ako ay nagulat sa sinabi ng isa sa mga andoon. Ayon dito ay kailangan na niya ng asawa o ‘di kaya ng tagapagmana. Kung hindi siya magkakaroon ay isa-isa ‘daw silang aalis sa kumpanya. Gusto ko ngang matawa kanina kaso baka ma-offend ko pa sila. My name is Roger Salazar, matagal na akong naninilbihan sa mga Alvarez at noong una ay butler nila ako pero ngayon palagi na akong kasama ni Eugene dahil na ‘rin hindi siya nakakakita. “I want you to handle that old man, Roger. Lintik lang ang walang ganti,” “Paano mo siya gustong patay!n?” taka kong tanong sa kaniya. Sa ilang taon kong kasama si Eugene kabisadong kabisado ko na ang mga hilig niya at gawin. Nakita ko ang pag ngisi niya na nagpatayo ng balahibo ko. “Make him suffer until he begs us to kill him instead,” “Copy that, Eugene.” Pagk
Magbasa pa

Chapter 8

“TINANGGIHAN niya. Actually, hindi ko pa nasasabi sa kaniya pero inunahan na niya ako ng no,” Sabi ko kay Eugene pag pasok ko sa kotse niya. Nandito kami ngayon sa eskwelahan ng anak ni Irene. Nalaman ko kasi na ngayon ang first day ng mga ito kaya binalak ni Eugene na puntahan ito at alukin muli ng kasal. Katulad ng inaasahan ko, hindi talaga papayag si Irene lalo na’t mas mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ng mga anak niya kahit gaano kalaking pera pa ang iharap mo sa kaniya. “As expected from her,” ngising sabi ni Eugene na ikinatahimik ko. Don’t tell me nahulog nanaman siya sa naka one-night-stand niya?! Ngayon ko lang siya nakitang ganitong ka-interesado sa babae pagkatapos nang anim na taon simula ng ipahanap niya ‘yung babaeng ‘yun! “Did you do what I ask you to do Roger?” “Yes. Nasabihan ko na ang mga kumpanya na ‘wag siyang tanggapin,” “Good. Now, let’s go to her next destination,” Napabuntong hininga ako ng tahimik dahil sa sinabi niyang iyon at pina-andar na ang sasa
Magbasa pa

Chapter 9

IRENE “WELCOME to our company, Ms. Irene Legazpi,” Tayong sabi ng nakausap ko na lalaki at inilahad ang kamay sa aking harapan kaya tumayo ‘din ako at nakangiti kong tinanggap ang kamay niya. “Thank you! Kung alam mo lang kung gaano ka ka-hulog ng langit para saakin,” Katatapos ko lang pirmahan ang kontrata na ibinigay niya saakin. Three year contract lang iyon pero sapat na para makaipon ako sa laki ba naman ng sweldo! Walang wala ang sweldo ko noong nasa ibang bansa pa ako. Ngunit pagkatapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang pag ngiwi niya kaya nagtaka ako. “May problema ba?” Mukang natauhan naman siya sa tanong ko at nakangiting umiling saakin. “So, ano? Tara na? Siguradong inaabangan na tayo ni boss ngayon. Akala ko matatagalan ako sa paghahanap ng kapalit e,” Tumango ako sa kaniya at nakangiting sumunod. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may trabaho na ako. Hindi na ito katulad kanina na ‘they made a mistake’ dahil totoong totoo na! Nakapirma na ako ng
Magbasa pa

Chapter 10

LAKING pasasalamat ko dahil umalis sila Eugene isang oras matapos kong makita ang muka niya. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na kamukang-kamuka niya si Ivan. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang ama ng kambal pero bakit kamukang-kamuka niya ang anak ko?! Arghh! Masisiraan ako ng bait e! Dahil sa nalaman ko hindi ako makapag focus ng maayos sa trabaho, mabuti nalang at kahit papaano may nagawa ko. Actually, hindi ko naman talaga kailangan na mag trabaho ngayon dahil katatanggap lang saakin pero gaya ng sabi ko gusto ko magpakita ng magandang impression kahit na hindi maganda ang pagkakakilala ko sa boss ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3:30 na pala ng hapon. Sigurado akong uwian na ng kambal ngayon. Napabuntong hininga ako dahil doon, paano kung totoong si Eugene ang ama nila? Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila lalo na sinabi ko pa naman na iniwan kami ng daddy nila. Isa pa paano ko nga ba malalaman na siya talaga ang ama ng kambal? Ipa-DNA ko kaya? Napatapik a
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status