(ONE MONTH LATER)
ISANG buwan ang lumipas at simula ng araw na mahimatay si Irene dahil sa kagagawan ng pinsan niya ay hindi na siya tinigilan nito’t palaging inuutusan. Sa dami nilang maid na naroroon ay siya lang ang tanging inuutusan nito.Nanjan at bubuhusan siya nito ng juice na tinimpla, o ‘di kaya naman itutulak siya sa swimming pool. Mabuti nalang at marunong siyang lumangoy kaya walang problema.Ngunit sa nakalipas na isang buwan na hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga pagpapahirap nito lalo na at nakaramdaman siya ng kakaiba sa kaniyang katawan.Nagsimula na siyang mapagod ng mabilis, palaging antukin at nagsusuka sa umaga. Mayroon na nga siyang maliit na timba sa loob ng kanilang kwarto dahil napapagod na siya kakapabalik-balik sa banyo.“Hindi kaya may sakit ka na Irene?! Hindi ka na kumakain! Ang payat-payat mo na!” sermon sa kaniya ni Eva.Simula ng i-announce na siya ay maid na sinabihan nalang ‘din niya ang mga ito na alisin na ang tawag na 'Ms.' Sa kaniya tutal ay hindi na siya ang amo ng mga ito.Sinabihan siya ng mga ito na tumakas nalang at magpakalayo-layo tutal may naitabi naman siyang pera ngunit natatakot siya na hindi tigilan ng mga ito at hanapin pa ‘rin.“Hindi doon, mukang buntis ako,” malungkot na sabi ni Irene na ikinatinginan ng mga ito at may panlalaki ng mata.“Ayun naman pala dahil buntis—ano buntis ka?!” gulat na bulalas ni Eva na ikinatango ni Irene.“Naalala niyo ba nu’ng nahimatay ako? Hindi ba galit na galit si Hannah? Dahil may nangyari saamin nu’ng lalaki niya.Actually, hindi ko talaga maalala kahit kaunti kaya nga kahit ako ay nagtataka. Pero ngayon na may sintomas ako ng pagbubuntis, mukang nagbunga ‘yon,”Hindi makapaniwala ang mga ito dahil sa sinabi ni Irene lalo na’t hindi nito namalayan na umiiyak na siya.“B-bakit ako umiiyak? Bakit nakakaiyak?” hirap na sabi nito na ikinatawa naman nila.Ang cute kasing tignan ni Irene lalo na't noon pa 'man ay humahanga na sila sa ganda ng kanilang dating mga amo.“Kasi nga buntis ka! Hahaha,” tawa nilang sabi dito.Ang hindi nila alam ay narinig lahat iyon ni Hannah. Mas lalong sumiklab ang galit nito kay Irene at hindi siya papayag na malaman ni Eugene na nagbunga ang pagniniig nila ng gabing iyon.Galit na galit itong pumunta sa kaniyang kwarto at nag-isip ng paraan kung paano mawawala sa landas niya ang bata at si Irene.“Hindi pwede ito! Sa oras na malaman ni Eugene ang tungkol sa bata siguradong pananagutan niya ito! Arghhh! Ako dapat iyon! Ako dapat ang nandoon hindi si Irene!”Galit na sabi nito at inilaglag niya lahat ng gamit na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa.Noong pumasok palang siya sa bar ng gabing iyon ay napansin niya agad si Eugene. Sino bang hindi makakapansin sa kagwapuhan nito kahit na ito ay bulag marami pa ‘ring humahanga na babae sa kaniya.Nakilala niya ang lalaki sa social media at ngayon na nasa harapan na niya ito ay gagawin niya ang lahat upang maangkin ito. At dahil nga bulag ang lalaki nasisiguro niya na madali ng paamuhin ito lalo na kahinaan ng lalaki ay ang alindog ng babae.Pangisi-ngisi siya habang binabantayan si Eugene ngunit maya-maya ay nawala ito sa kaniyang paningin kung kaya dali-dali niya itong hinanap.Alam niya ang kwarto na kinuha ng kaibigan nito dahil kinausap niya ang waiter na kausap ng mga ito.Pero hindi niya nagustuhan ang kaniyang nakita. Si Eugene nasa ibabaw nito si Irene at kapwa nagtatampisaw sa mainit pagnanasa sa isat-isa.Galit na galit siya, hindi niya inaasahan na mauunahan siya ng kaniyang pinsan kung kaya susugudin niya na sana ito ng biglang dumating si Mason.Dahil doon ay napilitan siyang magtago at umalis sa lugar na iyon. Nakita pa niya si Mason na ni-lock ang pinto habang iiling-iling at nakangiti ng malaki.“Magbabayad ka Irene! Gagawin ko ang lahat para mawala ka sa landas namin ni Eugene! Hindi kita titigilan!”---WALANG magawa si Irene kundi ang maglakad papunta sa pinakang malapit na seven-eleven sa kanilang tinitirhan.Pasado alas dose na ng madaling araw at hindi pa ‘rin siya natutulog dahil sa napakaraming pumapasok sa kaniyang isipan. Hanggang sa makaramdam siya ng gutom at naisip ang siopao na kaniyang gustong kainin.Wala sana siyang balak lumabas o ‘di kaya sundin ang gusto niyang kainin kaso bigla siyang nanghina na mukang magkakasakit kung hindi niya makakain ang gusto kaya no choice siyang lumabas.Ang hindi niya alam ay nakasunod sa kaniya si Hannah dahil nakita siya nitong papalabas ng bahay kanina. Malaki ang ngisi ng babae habang inaabangan si Irene na lumabas sa seven-eleven at maisagawa niya ang kaniyang plano.Katulad ng inaasahan ni Irene nawala ang bigat ng pakiramdam niya matapos makain ang gusto at iiling-iling na lumabas upang umuwi. Kaso sa gitna ng kaniyang paglalakad ay mayroon nalamang tumulak sa kaniya papunta sa highway at nanlaki ang mata niya ng makita ang paparating na kotse sa kaniyang harapan.NAPATAYO si Kayla ng sa wakas ay mag ring ‘din ang cell phone ng kaniyang kaibigan na si Irene. Isang buwan na ang nakakaraan simula ng mawala ito, ayon sa sa tita nito at kay Hannah ay umalis na ‘daw doon si Irene ngunit hindi siya naniniwala kaya pilit niya itong kinokontak.Sa araw-araw na pagsubok na kontakin ang dalaga ay finally nag-riring na ito.“Ano?!”Ngunit hindi naging maganda ang nakuha niyang balita matapos malaman na nasa ospital ang kaniyang kaibigan. Dali-dali niyang ginising ang kaniyang mga magulang upang puntahan nila ang ospital na kinalalagyan ng kaibigan.Kilala ng magulang niya si Irene dahil matagal na silang magkaibigang dalawa kaya maging ang mga ito ay nag-aalala para dito.Nang makarating sila sa ospital ay naghintay sila ng isa’t kalahating oras bago tuluyang makalabas ang doctor.“Ligtas na po silag mag-ina, mabuti nalang at naagapan dahil kung hindi baka wala na ang bata sa sinapupunan niya,”Nanlaki ang mata ni Kayla ng marinig ang sinabi ng doctor.“Bata po?! Buntis ang kaibigan ko?!”Hindi makapaniwalang tanong niya na ikinatango naman nito at nagpaalam na't marami pang aasikasuhin.Hindi makapaniwalang napalingon siya sa mga magulang niya at niyakap siya ng mga nito. Hindi na niya napigilan pa ang umiyak lalo na at alam niya na may hindi magandang nangyari sa kaibigan.Ngayon na nalaman niya na buntis ito pakiramdam niya ay wala siyang kwentang kaibigan dahil hindi niya manlang alam ang pinagdaraanan nito.SAMANTALANG galit na ibinato ni Eugene ang lahat ng mahawakan niya sa ibabaw ng kaniyang table dahil hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin niya mahanap-hanap ang babae na nakasama niya isang buwan na ang nakakalipas.“Eugene kumalma ka!” awat sa kaniya ni Mason ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin kahit na hindi talaga ito nakatingin sa kaniya.“Calm down?! Dalawa na kayo ni Roger na naghahanap sa kaniya pero bakit hindi niyo pa ‘rin siya makita-kita?!”Nagkatinginan si Mason at Roger dahil sa sinabi ni Eugene.Nang hindi ito mahanap ni Mason ay pinatulong na ni Eugene si Roger sa kaibigan ngunit maging ito ay hindi mahanap ang babae. Paano nga ba nila mahahanap ang isang tao na hindi manlang nila kilala?Basta ang alam nila ay babae ito, funny right? Napakaraming babae sa mundo kaya napapailing nalang silang dalawa.“Eugene, nahihirapan kaming maghanap dahil kahit kaunting information sa kaniya ay wala tayo,” kalmadong sabi ni Roger na ikinatigil ni Eugene at mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo.Nagkatinginan muli si Mason at Roger at sabay na nagkibit balikat. Ngunit si Mason ay kating-kati na ang kaniyang dila upang magtanong sa kaibigan. Isang buwan na niyang tinitiis na ‘wag magtanong dito kaya tingin niya ay hindi na niya kayang ilihim pa iyon.“Sabihin mo nga Eugene, mahal mo na ang babaeng iyon hindi ba?”Hindi nakasagot si Eugene dahil sa tanong sa kaniya ng kaibigan.Napaupo siya sa kaniyang swivel chair at muling bumalik sa kaniya ang ala-ala ng gabing may mangyari sa kanila ng misteryosong babae.---MALAKAS ang tugtog sa loob ng bar na siyang ikinaiirita ni Eugene.Umiinom siya ngayon kasama ang kaibigan niya na si Mason. Nag-aya ito na uminom dahil niloko nanaman siya ng babaeng minahal niya na ex na niya ngayon.Kung hindi lang dahil dito ay hindi pupunta doon ang lalaki lalo na’t naiirita siya sa maingay.“Eugene! Tara sayaw tayo!”Sinubukan siyang hilahin ni Mason paalis sa kinauupuan nito ngunit sumama ang expression niya na ikinalunok ng lalaki.Hindi man ito tuluyang nakatingin sa kaniya dahil hindi siya nito nakikita ay nakaramdam pa ‘rin siya ng takot sa kaibigan. Kahit pa sabihin na kaibigan niya ang isang Eugene Alvarez, takot pa ‘rin siya dito lalo na’t iba ito kung magalit.Si Eugene ang pinakabatang bilyonaryo sa buong mundo, kilala ng karamihan at hinahangaan ng maraming kadalagahan, ‘yun nga lang siya ay bulag.Matapos ang aksidente na iyon ay hindi na siya nakakita pang muli.“Okay fine, pumunta ka nalang sa kwarto at doon nalang kita susunduin mamaya kapag pauwi na tayo,” buntong hininga nito sa lalaki at iniwan na niya ito doon.Tumayo na si Eugene at agad naman siyang nilapitan ng isang waiter doon at inasist papunta sa kwartong sinasabi ni Mason.Hinanda talaga iyon ng kaibigan para sa kaniya lalo na’t alam niyang ayaw nito sa maingay.Dahil inaabangan ni Eugene ang pagdating ni Mason ay bukas ang pintuan kaya malayang nakapasok ang babaeng hindi niya kilala.Nagising siya ng mayroong bigla nalamang humiga sa kaniyang tabi.“Mason?” inakala niya na ang kaibigan iyon at lasing na lasing na kaya hindi siya nito nasagot ngunit ng maramdaman niya ang isang payat at malambot na braso kaya doon siya natigilan.“B-bakit ang bango?” wala sa sariling sabi ng isang boses na ikina-alerto ni Eugene lalo na’t babae ang nagsalita.Aalis na sana siya mula doon ngunit parang malakas ang babae at niyakap siya nito ng mahigpit.“S-sandali! Saan ka pupunta tabihan mo ako...”Parang musika ang boses ng babae ng magsalita itong muli.Napakunot ang noo ni Eugene sa isiping iyon at naramdaman niya ang kamay nito na kinakapa ang kaniyang katawan hanggang sa mapunta ito sa kaniyang ibabang bahagi.Agad niyang hinawakan ang kamay nito at pinigilan. “Don’t,” mahina ngunit sapat na upang marinig ng babae.Imbes na sundin siya ay bigla itong bumangon at pumatong sa kaniya.“Look do we have here! You are a boy! Samahan mo ako ngayong gabi,”Hindi niya maintindihan ang sarili dahil ng halikan siya nito ay hindi na siya nakakilos pa at kusang napayakap sa likuran nito.Ang sinisigaw ng isip niya ay tumigil at itulak palayo ang babae ngunit parang magnet ang katawan ng babae dahil hindi niya ito magawang ilayo sa kaniya.Unti-unti ay nagustuhan na niya ang mga nangyayari at kahit na hindi siya nakakakita ay nagawa niyang paingayin ang babae na pumuno sa apat na sulok ng kwartong iyon.---NAPAKUYOM ng kamao si Eugene ng maalala niya ang nangyari ng gabing iyon.Naiinis siya sa sarili niya dahil sa tuwing maaalala niya ang kakaibang gabi na iyon ay hindi niya maiwasan na mabuhayan ng dugo. Tila ba pakiramdam niya gusto niyang maulit ang gabing iyon, gusto niyang makatabi ang babae at mayakap ito.Noong magising nga siya ay nainis siya kay Mason dahil narinig niya na nilapitan nito ang babae.Siya nga ay hindi niya ito makita tapos ginusto pa ng kaibigan nito na kunin ito sa kaniya. Sa totoo lang hindi niya ‘rin maintindihan ang sarili, bakit nga ba siya nagagalit? Bakit niya ito pinapahanap ngayon?Napapikit siya ng mariin at napasandal sa kaniyang kinauupuan.‘W-wag sa loob, fertile ako…’Bigla siyang napadilat ng bumalik sa kaniya ang sinabi ng misteryosong babaeng iyon.Ngayon naalala niya ang dahilan, maaaring nagbunga ang nangyari sa kanila.“Find her! ‘Wag kayong titigil hangga’t hindi niyo siya nahahanap. I am sure by now she is pregnant,”Nanlaki ang mata ni Mason at Roger sa sinabi ni Eugene. Hindi nila alam kung maniniwala ba sila sa sinasabi nito pero ng makita ang seryosong muka nito ay wala silang nagawa kundi ang pumayag.Lumabas silang dalawa dahil sinabihan sila nito na gusto niya munang mapag-isa.“Kuya Roger, nababaliw na ba si Eugene?” hindi makapaniwalang tanong ni Mason.“Siguro nga, baliw na baliw sa babaeng ‘yon,” sagot nito na ikinatinginan ng dalawa at sabay na tumawa.IRENE TEKA, nasaan ako? Bakit madilim dito? Bulag na ba ako at wala na akong makita? Sinubukan kong tumingin kahit saan at nagawa ko pang kapain ang mata ko kung bukas ba o hindi ngunit bukas naman ito. Wala talaga akong makita kahit isa. Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa takot sa dilim. Simula ng mawala si mommy at daddy ay naging matatakutin na ako sa dilim lalo na’t alalang-alala ko pa na sobrang dilim ng paligid ng magpunta kami sa ospital dahil madaling araw iyon. Napatingin ako sa isang parte ng may makita akong Liwanag, hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papunta doon. Ngunit sa dulo ng Liwanag na iyon ay nakita ko ang scene na ayaw na ayaw ko ng balikan. “M-mommy! Daddy! Please fight for me! Hindi ko alam ang gagawin ko mag-isa!” Umiiyak ang batang ako sa isang tabi kasama si Eva at ang ilang katulong namin at driver. Naalala ko ang gabing iyon na nagising ako sa kalampag ni Eva sa kwarto ko at binalitang naaksidente sila mommy at daddy. Takot na takot ako ng p
“KAPAG sinabi ko na umire ka umire Irene, okay?!” Parang nag-eeco sa pandinig ni Irene ang boses ng kaniyang doktora. Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito lalo na ramdam na ramdam niya ang sakit sa kaniyang balakang na parang mahihiwalay ito sa dalawa. Ngunit sa panahon na iyon ay wala siyang lakas ng loob para manganak, nanghihina siya. “Irene!” Muling tawag sa kaniya na ikinailing niya ng marahan. “H-hindi ko kaya doktora,” Hindi nagustuhan ng kaniyang doktora ang narinig na iyon kung kaya tinapik tapik nito ang kaniyang pisnge. “Kapag hindi mo ginawa ay mawawala sa’yo ang anak mo! Ang tagal mong inalagaan ang bata sa loob ng tiyan mo ngayon ka pa ba susuko?” Pagpapalakas ng loob nito habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Dahil sa narinig ay sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha. “P-pero si Kayla…” Natigilan sandali ang doktora niya at napatingin sa mga nurses na kasama niya. Hindi lingid sa kanila ang nangyari kay Kayla dahil nakita nila ito ng dinala sa ospital
SUMAKAY nalang ako sa Taxi para makauwi na sa bahay. Napabuntong hininga ako ng sumandal sa kinauupuan ko. Anim na taon na ang nakalipas, sa anim na taon na ‘yon ay marami na ang nangyari. Noong una ang akala ko ay hindi na gagaling pa si Kayla. Unang taon, pangalawang taon, nawawalan na ako ng pag-asa pero dumating bigla ang isang araw ng sabihin ng doctor na nagkaroon na ng progress ang sakit niya. Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang progress niya at nitong nakaraang taon lang ay gumaling na siya. Yes, inabot ng halos limang taon ang gamutan ni Kayla, pabalik balik kasi ang sakit niya. Nakailang operasyon na ‘din siya at sa awa ng Diyos ay gumaling ang kaibigan ko. Cancer free na siya! Wala ng mas sasaya pa saakin ng ideklara siyang cancer free ng doctor. Halos sambahin ko na nga sila dahil sa pagliligtas sa kaibigan ko. Ang kaso sa kabila ng paggaling niya ay ang pagkaubos ng pera na naitabi niya pati na ako. May kaunti akong pera kaso para sa panggastos nalang namin araw-araw
“MOMMY, you are spacing out again!” Napakurap ako ng magsalita si Kylie na kaharap ko nga pala ngayon. Naiwan kaming dalawa sa hapagkainan dahil wala na si Kayla at Ivan at mayroon ‘daw panonoorin sa TV. Linggo ngayon at naisip ko na ‘wag na munang maghanap ng trabaho dahil pagod pa ako, pagod sa mga nalaman ko. “S-sorry anak, iniisip ko lang kung matatanggap ba ako sa trabaho ko,” Well, half true naman ang sinabi ko. Sana lang talaga matanggap ako sa mga pinag-applayan ko, ang dami kaya nu’n! Kapag ni isa walang tumawag saakin ipapasunog ko kumpanya nila, joke lang. “Do not worry mommy! Alam ko pong matatanggap ka, ikaw pa po ba?! Bukod sa maganda na matalino pa! Sa inyo nga po ako nagmana ng kagandahan at katalinuhan,” Natawa ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong nito. Kahit kailan talaga ang ang taas ng self confidence ng anak ko, ayos lang naman ‘yun dahil alam ko na walang mang-aapi sa kaniya kapag pumasok na sila. Mabuti nalang tinuruan namin silang magtagalog ni Kayla,
ROGER “WHO do they think they are? My parents?!” As I expected, alam kong kanina pa siya kating-kati magreklamo pero hindi niya lang ginawa. Katatapos lang ng board meeting ni Eugene at maging ako ay nagulat sa sinabi ng isa sa mga andoon. Ayon dito ay kailangan na niya ng asawa o ‘di kaya ng tagapagmana. Kung hindi siya magkakaroon ay isa-isa ‘daw silang aalis sa kumpanya. Gusto ko ngang matawa kanina kaso baka ma-offend ko pa sila. My name is Roger Salazar, matagal na akong naninilbihan sa mga Alvarez at noong una ay butler nila ako pero ngayon palagi na akong kasama ni Eugene dahil na ‘rin hindi siya nakakakita. “I want you to handle that old man, Roger. Lintik lang ang walang ganti,” “Paano mo siya gustong patay!n?” taka kong tanong sa kaniya. Sa ilang taon kong kasama si Eugene kabisadong kabisado ko na ang mga hilig niya at gawin. Nakita ko ang pag ngisi niya na nagpatayo ng balahibo ko. “Make him suffer until he begs us to kill him instead,” “Copy that, Eugene.” Pagk
“TINANGGIHAN niya. Actually, hindi ko pa nasasabi sa kaniya pero inunahan na niya ako ng no,” Sabi ko kay Eugene pag pasok ko sa kotse niya. Nandito kami ngayon sa eskwelahan ng anak ni Irene. Nalaman ko kasi na ngayon ang first day ng mga ito kaya binalak ni Eugene na puntahan ito at alukin muli ng kasal. Katulad ng inaasahan ko, hindi talaga papayag si Irene lalo na’t mas mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ng mga anak niya kahit gaano kalaking pera pa ang iharap mo sa kaniya. “As expected from her,” ngising sabi ni Eugene na ikinatahimik ko. Don’t tell me nahulog nanaman siya sa naka one-night-stand niya?! Ngayon ko lang siya nakitang ganitong ka-interesado sa babae pagkatapos nang anim na taon simula ng ipahanap niya ‘yung babaeng ‘yun! “Did you do what I ask you to do Roger?” “Yes. Nasabihan ko na ang mga kumpanya na ‘wag siyang tanggapin,” “Good. Now, let’s go to her next destination,” Napabuntong hininga ako ng tahimik dahil sa sinabi niyang iyon at pina-andar na ang sasa
IRENE “WELCOME to our company, Ms. Irene Legazpi,” Tayong sabi ng nakausap ko na lalaki at inilahad ang kamay sa aking harapan kaya tumayo ‘din ako at nakangiti kong tinanggap ang kamay niya. “Thank you! Kung alam mo lang kung gaano ka ka-hulog ng langit para saakin,” Katatapos ko lang pirmahan ang kontrata na ibinigay niya saakin. Three year contract lang iyon pero sapat na para makaipon ako sa laki ba naman ng sweldo! Walang wala ang sweldo ko noong nasa ibang bansa pa ako. Ngunit pagkatapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang pag ngiwi niya kaya nagtaka ako. “May problema ba?” Mukang natauhan naman siya sa tanong ko at nakangiting umiling saakin. “So, ano? Tara na? Siguradong inaabangan na tayo ni boss ngayon. Akala ko matatagalan ako sa paghahanap ng kapalit e,” Tumango ako sa kaniya at nakangiting sumunod. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may trabaho na ako. Hindi na ito katulad kanina na ‘they made a mistake’ dahil totoong totoo na! Nakapirma na ako ng
LAKING pasasalamat ko dahil umalis sila Eugene isang oras matapos kong makita ang muka niya. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na kamukang-kamuka niya si Ivan. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang ama ng kambal pero bakit kamukang-kamuka niya ang anak ko?! Arghh! Masisiraan ako ng bait e! Dahil sa nalaman ko hindi ako makapag focus ng maayos sa trabaho, mabuti nalang at kahit papaano may nagawa ko. Actually, hindi ko naman talaga kailangan na mag trabaho ngayon dahil katatanggap lang saakin pero gaya ng sabi ko gusto ko magpakita ng magandang impression kahit na hindi maganda ang pagkakakilala ko sa boss ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3:30 na pala ng hapon. Sigurado akong uwian na ng kambal ngayon. Napabuntong hininga ako dahil doon, paano kung totoong si Eugene ang ama nila? Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila lalo na sinabi ko pa naman na iniwan kami ng daddy nila. Isa pa paano ko nga ba malalaman na siya talaga ang ama ng kambal? Ipa-DNA ko kaya? Napatapik a
“KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a
BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya
Napahinto si Elijah sa paglalakad at napatingin muli sa kaniya. “Anong plano?” Sinabi niya dito ang naiisip niya na ikinangiti ng malaki ni Elijah at hinawakan ang magkabilang balikat ng tauhan niya na iyon. “Magaling! Sabi ko na nga ba at ikaw ang pinakang pinagkakatiwalaan ko sa lahat!” Napangiti ng malaki ang tauhan ni Elijah dahil sa papuri niya na iyon at yumuko ng bahagya dito bilang paggalang. “Now go! Dalhin mo siya saakin!” Nagpaalam na ang lalaki kay Elijah at naiwan siya mag-isa doon. Iyon nalang ‘din ang naiisip niyang huling plano para makuha si Irene. Dinadalangin niya na sana makuha na niya ang mahal niya dahil kung hindi niya ito makukuha sisiguraduhin niya ‘din na hindi ito makukuha ni Eugene. Maya-maya pa ay bumalik na muli ang tauhan niya at tinulak nito papasok sa loob si Hannah na nanghihina dahil hindi pa siya kumakain at pinapahirapan pa siya ng mga ito. “Well, well! Welcome again Hannah!” Napatingin si Hannah sa nagsalita at napakuyom ng kamao ng makit
“H-hindi kami naniniwala na ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Jess!” Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita si RC. “Tama si RC! Biktima lang kayo! Diba sabi mo may kumuha sa inyo? Malamang na sila ang may kasalanan kaya ‘wag kang himingi ng tawad saamin Ms. Violet—I mean Irene,” segunda na sabi ni Lyn na ikinailing ko. “H-hindi niyo naiintindihan—” “They are right mommy! Wala kang kasalanan!” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat ang kambal. Lalo akong naiyak dahil doon, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Naramdaman ko na mayroong humawak sa magkabila kong balikat at paglingon ko kay si Eugene iyon. “Wife, I already told you that it is not your fault. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay si Elijah iyon. Kung nandito si Jess alam ko na yun din ang sasabihin niya kaya please lang ‘wag mong sisihin ang sarili mo.” Napayakap ako kay Eugene dahil sa sinabi niya at umiyak sa dibdib niya. Ilang minuto ‘din kami na nasa ganoong ayos hanggang sa kusa akong humiw
IRENE NANG idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang kisame na familiar saakin. “’Wag kang maingay Kylie baka magising si mommy,” “Anong ako? Ikaw kaya ang maingay kuya!” Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang kambal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil isang linggo ko silang hindi nakita, akala ko nga ay hindi na ako makakauwi sa kanila dahil kay Elijah. “Mommy!” Nakita ako ni Kylie na gising na kaya dali-dali itong lumapit saakin at niyakap ako. Kita ko na nagulat ‘din si Ivan pero agad ‘din itong sumunod sa kambal niya at niyakap ako ng mahigit. Nagsimula na silang umiyak kaya maging ako ay lalong napaiyak dahil doon. “M-mommy bakit ang tagal mong nawala! Hindi ko po kaya na wala ka!” iyak na sabi ni Kylie kaya hinimas ko ang likuran niya. “I-I’m sorry mommy, I’m not strong enough to save you…” mahina namang sabi ni Ivan ngunit sapat na para marinig ko dahil sa leeg ko siya nakasuksok habang umiiyak. Si Kylie naman ay nasa bewang ko nakayaka
“W-WALA na si Jess…” Paulit-ulit na sinasabi ni Irene ‘yan sa kaniyang sarili matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ni Elijah at nag tauhan nito. Isang linggo na ‘rin ang nakakaraan magmula nang kunin siya nito. Sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya magawa, nahuhuli pa nga siya. Mabuti at hindi siya sinasaktan ni Elijah kapag nahuhuli siya dahil nagpapalusot lang siya na naiinip na doon. Sinakyan niya ang gusto ni Elijah, sasakyan niya ito hanggang sa makakuha na siya ng pagkakataon na makatakas. Pero lahat ng iyon ay nasira nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Bumalik sa kaniya ang huling araw na magkasama sila ni Jess. Nangako pa siya dito na magkikita pa sila ulit. “My love? Umiiyak ka ba?” Agad na napalingon si Irene sa nagsalita at sumiklab ang galit niya ng makita si Elijah. “W-wag kang lalapit saakin! You liar! Sinungaling ka at mamamatay tao Elijah!” Natigilan sandali si Elijah dahil sa sinabi ni Irene pero sinubukan pa ‘rin niyang lapitan ang babae
SAMANTALANG si Jess naman ay takot na takot at palingon-lingon sa likod niya kung mayroon bang sumusunod sa kaniya. Ayon sa naghatid sa kaniya oalabas ay dumeretsyo lang siya at lumiko sa kanto na madadaanan niya at may high way na doon. Hindi naman siya nabigo dahil kita na niya ang high way. Hindi siya makapaniwala na pinakawalan talaga siya ng mga ito! Ngunit kusa siyang napahinto ng biglang may sumulpot na ilang lalaki. Napaatras siya dahil doon at agad na kinabahan. “W-wag kayong lalapit!” sigaw niya sa mga ito pero seryoso lang sila at sa isang iglap ay nakalapit na ang dalawang lalaki’t sabay nilang pinaputok ang baril sa tagiliran niya. Sa bilis nang pangyayari ay nakaramdam nalang ng sakif si Jess sa kaniyang katawan at kusang bumagsak sa lupa. “M-ms. Violet…” mahinang sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha nito. Nakita pa niya ang pag-alis ng dalawang lalaking bumaril sa kaniya. Tama, sino bang gugustuhin na magpakawala sa kaniya gayong nakita niya ang lahat. Sunod-suno
BIGLANG tumawa si Irene matapos niyang marinig ang sinabi ni Hannah. Si Jess naman na nanginig dahil sa takot sa sinabi ni Hannah ay napatingin ‘din kay Irene nang hindi makapaniwala. “Anong tinatawa-tawa mo?!” “Ikaw! Nakakatawa ang sinabi mo Hannah! Inamin mo lang naman na ikaw talaga ang pumatavy sa magulang ni Kayla.” Biglang tumingin ng seryoso si Irene kay Hannah. “Yeah, finally you confess it. I have my reason now to k!ll you. Buhay ang kinuha, buhay ‘din ang kapalit.” Napaatras si Hannah dahil sa nakikita niyang Irene ngayon. Sa ilang taon niya itong nakasama noon nang bata pa sila ay tahimik lang ito at palaging sumusunod sa mga magulang niya. Nang mawala ang ari-arian nito at tuluyan nang naging walang-wala si Irene and to think na nagka-trauma ito sa kaniya. Pero ang kaharap niya ngayon? Ibang-iba na ito. Parang hindi na si Irene Legazpi na takot sa kaniya at uto-uto. “H-hindi mo ako madadaan sa salita!” Ngumisi si Irene dahil sa sinabi ni Hannah lalo na nautal ito. “
Laking pasasalamat ni Randy at nanjan si Ivan dahil binitawan na siya ni Eugene. Akala niya takaga katapusan na niya. “Ivan?” hindi makapaniwalang sabi ni Eugene at agad na yumakap sa kaniya ang anak. “Nakita ko na pinalo nila sa ulo si mommy, daddy! I’m not strong enough to save her kaya tinawag ko si tito Randy kaso wala na sila! It’s my fault daddy!” Agad na lumuhod si Eugene para makapantay niya ang anak. Pinahid niya ang luha sa pisnge ng anak at umiling dito. “No, don’t blame yourself. Kasalanan ni daddy dahil iniwan namin siya. Wag kang mag-alala anak hahanapin natin si mommy. Hindi ako papayag na may kumuha sa kaniya.” Tumayo na si Eugene matapos niyang yakapin sandali ang anak at tinignan si Randy na agad naman nitong ikinakuha ang ibig nitong mangyari at dali-daling naglakad oalabas. Sumunod lang sila kay Randy hanggang sa makarating sila sa 20th floor kung saan ang floor na pinagtatrabahuhan ng tatlong babaeng iyon. Iisa lang ang department nila at sakto na kabab