SUMAKAY nalang ako sa Taxi para makauwi na sa bahay.
Napabuntong hininga ako ng sumandal sa kinauupuan ko. Anim na taon na ang nakalipas, sa anim na taon na ‘yon ay marami na ang nangyari.Noong una ang akala ko ay hindi na gagaling pa si Kayla. Unang taon, pangalawang taon, nawawalan na ako ng pag-asa pero dumating bigla ang isang araw ng sabihin ng doctor na nagkaroon na ng progress ang sakit niya.Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang progress niya at nitong nakaraang taon lang ay gumaling na siya.Yes, inabot ng halos limang taon ang gamutan ni Kayla, pabalik balik kasi ang sakit niya. Nakailang operasyon na ‘din siya at sa awa ng Diyos ay gumaling ang kaibigan ko.Cancer free na siya!Wala ng mas sasaya pa saakin ng ideklara siyang cancer free ng doctor. Halos sambahin ko na nga sila dahil sa pagliligtas sa kaibigan ko.Ang kaso sa kabila ng paggaling niya ay ang pagkaubos ng pera na naitabi niya pati na ako. May kaunti akong pera kaso para sa panggastos nalang namin araw-araw at para sa kambal.Malalaki na si Ivan at Kylie, nag-aaral na ‘rin sila ng grade one. Mabuti nga at nairaos ko pa ang nursery nila kahit na gipit na gipit ako last year.Nakahanap naman ako ng panibagong trabaho, kaso ito, ilang buwan lang ang lumipas lumabas ang tunay na kulay ng boss ko.Akala ko pa naman tatagal na ako sa kaniya dahil hindi nalalayo ang edad namin at may lahing Filipino siya, kaso kainis! Nakakainis talaga!“Mommy!”Agad akong napangiti ng marinig ko ang boses ng kambal. Kahit na bad trip ako dahil sa pag reresign ko ay nawala iyon ng salubungin ako ng mahigpit na yakap ng dalawa.“Mommy we miss you! But what is this? Did your boss do something bad again?!”Napatawa ako sa sinabi ng panganay ko na si Ivan.Lumaking matalinong bata ang kambal at isang taon pa nga lang kaya na nilang magbasa ng alphabet at kung ano-ano pa.Sa kanilang dalawa si Ivan ang pinakang matured, madaling sabihan. Ganoon ‘din naman si Kylie pero pabebe kasi ‘yang anak ko na ‘yan may pagka-maarte, ewan ko nga kung kanino namana ‘yun ‘di naman ako ganoon.Tahimik lang si Ivan samantalang si Kylie maingay. Reklamador si Kylie while si Ivan ang tagapagpakalma sa kambal niya, mabuti naman at nakikinig sa kuya niya kaya wala akong problema.Pero kahit ganoon, si Kylie ang pinakang malambing. Palagi ako niyang niyayakap kahit na nasa kusina lang ako at nagluluto.Si Ivan naman ganoon ‘din pero hindi siya ganoon ka-showy tulad ni Kylie. At ang mas nakakatuwa ay kamukang-kamuka ko si Kylie, parang siya ang minnie me version ko. While si Ivan naman ay mukang kamuka ng daddy niya. Siguro nga kapag may nakita akong lalaki na kamuka niya ay siya na ang ama ng kambal kaso alam kong malabong mangyari ‘yun.Baka nasa ibang universe na ‘yun joke. Ang sabi ko nalang sa kambal ay iniwan kami ng daddy nila at hindi na babalik pa.“Don’t worry anak, I kick him hard on his manhood,” kindat na sabi ko na agad ikinangiti ni Ivan.“Good job mommy!” nakipag-apir pa siya saakin kaya natawa ako.Siya kasi ang nagsabi saakin na ganoon ‘daw ang gawin ko kapag binastos pa ako ng boss ko. Alam kasi ng kambal ang ginagawa ng mga boss ko kaya ako umaalis sa trabaho.“Ako ‘din apir mommy!” pagsingit ni Kylie saakin kaya natatawang nakipag-apir ako dito.“Pang-ilan mo na ba ‘yan Irene? Bawas-bawasan mo ‘daw kasi pagiging maganda mo,”Sabi saakin ni Kayla habang nandito kami sa kusina at kakain na.Siya ang naghanda ng pagkain namin dahil sabi niya ay pagod ‘daw ako sa trabaho. Pero napairap ako sa sinabi niya saakin, maganda? Duh! Nagpaka-nerd na nga ako para hindi na ako pansinin kaso ang lalaking ‘yun!“Oh? Baka naman mabasag ang plato niyan,” napatingin ako sa plato ko ng sabihin iyon ni Kayla at tinawanan nila akong tatlo.Tinusok ko na pala ng malakas ang tinidor sa plato ko.“Nakakainis kasi, akala mo sinong mabait sa una pero ganoon ‘din pala! Tsk,”“Wews, sabihin mo crush mo lang e,”Nabilaukan ako sa sinabi niya mabuti nalang at inabutan ako agad ni Kylie ng tubig.“Water mommy,”Agad ko naman iyong ininom at sinamaan ng tingin si Kayla.“Crush?! Yuck! Nagsisisi na akong nagkagusto ako doon! Makita ko lang kahit paa niya naiinis na ako!”---“ANONG problema at nag-iinom ka?”Hindi ko na kailagang lingunin ang nagsalita dahil alam kong si Kayla iyon.It has been a week simula ng mawalan ako ng trabaho at nahirapan na akong maghanap ng trabaho. Hindi ko alam kung dahil ba ito doon sa manyak kong huling amo o dahil wala lang talagang gustong tumanggap saakin, tsk.“Irene, diba sabi ko sa’yo nandito lang ako palagi? Ngayon na magaling na ako hindi mo na kailangang pasanin lahat ng problema. Alam kong naging malaki akong problema sa’yo pero tapos na iyon, pwede na tayong magtulungan ngayon,”Kinunutan ko ng noo si Kayla dahil sa sinabi niya at inilingan siya.Anong sinasabi niya? Gusto niya bang makatanggap ng batok?Nga pala, nakasuot palagi si Kayla ng bonet dahil hindi pa tuluyang mahaba ang buhok niya, tingin namin ay mga isang taon pa bago tuluyang umabot ng leeg manlang ang buhok niya. Sa ngayon kasi sobrang iksi palang nito at parang buhok ng baby.“Anong malaking problema ka jan? Never kang naging problema saakin,”Natawa siya sa sinabi ko at tumingin ako sa malawak na tanawin sa terrace na kinalalagyan namin.“Naisip ko kasi na bumalik na sa Pilipinas Kayla. Ngayon na magaling ka na, siguro pwedeng doon nalang tayo? Baka mas mababait ang mga boss doon, masyado kasing liberated dito,”Ilang araw ko ng pinag-iisipan ang bagay na ito. Hindi naman mahirap itransfer ang mga anak ko, may pamasahe pa naman kami pauwi at may paunang pera para makapagsimula sa Pilipinas.Kapag nakauwi kami hahanap ako agad ng trabaho, sa dami ko ba namang experience sa malalaking kumpanya sa ibang bansa siguradong hindi ako mahihirapan maghanap ng trabaho.“Hmm… alam mo tama ka, na-mimiss ko na ‘rin ang pollution ng Pilipinas,”Napatingin ako kay Kayla dahil sa sinabi niya at sabay kaming natawa.“Alam mo bang malaki ang pinagbago ng boses mo? Parang naging mas sexy at malaki! Lalo na kapag kumakanta ka!” parang excited na sabi niya na ikinailing ko sa kaniya.“Pang isang daan mo na atang sabi saakin ‘yan, take note hindi lang ikaw kundi pati ang kambal,”Nakaugalian ko na kasing kumanta, hindi sa pagmamayabang pero may talent ako sa pagkanta pero kapag trip ko lang kumanta tyaka ako kumakanta.Noong maliliit pa ang kambal nakakatulog sila agad kapag kinakantahan ko sila, sabagay hanggang ngayon ‘din pala.Napailing nalang ako doon at pinag-usapan nalang namin ang tungkol sa pag-uwi sa Pilipinas.---DAPAT pala hindi na kami umuwi sa Pilipinas!“Arghh! Ano nanamang katang*han ito Irene!” sabunot na sabi ko sa aking sarili at pilit na ibinabalot sa katawan ko ang kumot.Tama nga ang kasabihan na nasa huli ang pag-sisisi.Tatlong linggo na ang nakakaraan simula ng makauwi kami sa Pilipinas at sa tatlong linggo na ‘yon ay hindi pa ‘rin ako nakakahanap ng trabaho.Hindi ko naman akalain na mas mapili pa pala sa Pilipinas kainis! Kailangan ‘daw college graduate edi sila na ang graduate tsk!Kaya ayun sa sobrang frustrated ko at wala na kaming pera panggatos ay naisipan kong maglibang sa bar.Diba sinong tang* na iinom pa wala na ngang pera tsk!And to make the story short katulad nang nangyari saakin six years ago, nalasing nanaman ako at nakipag one-night-stand!Arghh! Irene ang boba mo! Nakita ko ang damit ko sa sahig kaya pinulot ko iyon at nagbihis.“And where do you think your going?”Napahinto ako ng marinig ko ang malamig na boses na iyon.Agad akong napatingin sa pinaggalingan ng boses at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng blue na polo na parang puputok na dahil sa laki ng muscle niya tapos naka itim lang ito na slacks. Ang ikinataka ko ay talagang naka sunglasses pa siya.“A-ah ano kasi aalis na—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng manlaki ang mata ko ng magsimula siyang maglakad palapit saakin.Pero hindi iyon ang kinagulat ko, mayroon siyang hawak na white cane, ibig sabihin bulag siya?!“I know what you are thinking,”Nagulat ako ng nasa harapan ko na siya. Sinubukan kong humakbang palayo sa kaniya pero umabot na ako sa may pader kung kaya na-corner niya ako.“Yeah, I am blind. That is why you must take responsibility of me,”Hindi ako nakakilos dahil amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Napahawak na ‘din ako sa malapad niyang dibdib na ang tigas! Siguradong may abs siya. Siya ba ang naka-one-night-stand ko? Ang hot naman!Pero teka, anong sinabi niya?!“What?! Take responsibility?!”Ngumisi siya sa sinabi ko na ikinatunaw ko. Bakit ang gwapo niya?!—Ay hindi! Erase! Erase!“Yes, you have to marry me.”Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.“Marry?! As in Kasal?!”“Yup, marriage. You must marry me, what is your name?”Laking pasasalamat ko ng lumayo siya saakin. Siguro kung hindi siya lumayo ay baka hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit niya.Pero taka ano ‘daw?! Bakit ko naman siya kailangang pakasalan?“At paano mo nasabing papayag ako na pakasalan ka? Tyaka hindi ko sasabihin sa’yo ang pangalan ko! Malay ko ba kung sino ka?!”Nanlaki muli ang mata ko ng humarap siya saakin at mabilis na nakalapit.Bulag ba talaga ‘to?! Bakit ang bilis niyang kumilos at nakalapit siya agad saakin?!“I am Eugene Alvarez. You have to marry me because that is the payment of what happened last night,”Eugene Alvarez? Bakit parang narinig ko na ang pangalan na ‘yun? Saan nga ba? Ay ewan! Ang mahalaga ngayon ay ang sinasabi niya.Ano ‘daw?! Pakakasalan ko siya dahil lang doon, like what the he!ll!“’Yun lang? Dahil lang may nangyari satin kagabi? Haha ano ka ba babae? Hello, ako ang babae dito!”“I am not joking.”Napalunok ako ng biglang sumeryoso ang boses niya at pakiramdam ko ay bumigat ang atmosphere sa paligid.Teka bakit natatakot ako sa aura niya bigla?!Humiwalay siya saakin na ikinahinga ko naman ng maluwag. ‘Wag ka ng lalapit ulit saakin! Baka kung anong magawa ko sa’yo—este baka maaga akong mamatay sa pagka-intimidate!“I knew it, you will not remember. You are the one who dragged me here, hinila mo ako at sinabing samahan kita. Hindi ka ‘din tumigil hangga’t hindi kita sinasamahan, pinagbantaan mo pa ako na sa iba sasama kung hindi kita sasamahan,”Ano?! Sinabi ko ‘yun!?Umakyat ang dugo ang muka ko dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko ang mga bagay na ‘yon. Ganoon ba ako kapag nalalasing? Basta-basta nanghihila ng mga lalaki?Like seriously? Gusto ko lang naman makalimot sa problema!“You also told me that I am handsome that is why I must go with you. Wow, I cannot believe a girl like you, you are so wild—”“Stop!”Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw. Baka kapag tinuloy pa niya ang sasabihin niya ay tuluyan na akong lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan! Hindi ko nga maalala ang mga pinag-gagagawa ko kagabi, basta ang alam ko umiinom ako ng marami at mayroon nga akong nakausap na lalaki at siya pala ‘yun.“P-please stop it, nakakahiya…” mahina kong sabi na ikinangisi niya.“Ngayon ka pa mahihiya tapos na. Well, you must marry me,” muli ay nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Narinig ko nanaman ang kasal na ‘yan?!“Bakit ba kailangan pakasalan kita? Daig mo pa ‘yung mga nasa teleserye na naghahanap ng pakakasalan eh! Makapag-utos akala mo kung sino tsk,”Bigla siyang natahimik dahil sa sinabi ko kaya nailang naman ako. Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita, pakiramdam ko kasi tinitignan niya ako.Teka sandali, totoo ba talagang bulag siya?“Then let’s have a deal. If you want, I can pay you just to marry me. We can get divorce after two years,”Nagulat ako sa sinabi niya at nakangangang napatingin sa kaniya.Seryoso ba siya? Bayad? Tapos may divorce pa?! Sandali, hindi kaya prank to? May camera ba sa paligid? Lakas maka-kwento sa libro ng linyahan niya eh.“So, what do you think?”“W-wait… prank ba ‘to? Nasaan ang camera? Haha ilabas mo na!”Napatigil ako sa pagtawa ng makita kong seryoso pa ‘rin ang muka niya. Dahil doon ay napatayo ako ng maayos at tumikhim.“A-ah sabi ko nga seryoso ka. Pero it is a no, sorry pero ‘di kita matutulungan. Hanap ka nalang ulit ng ibang babae sa bar. Sige na aalis na ako, siguradong hinahanap na ako sa bahay.”Mabuti nalang nakapagbihis ako agad kanina. Lalagpasan ko na sana siya ng magulat ako ng bigla niya akong hawakan.“Sandali, bulag ka ba talaga?! Paano mo nalalaman na nandito ako?!”Bulalas ko sa kaniya ng lingunin ko siya matapos niya akong pigilan.“What kind of question is that? Hindi mo ba alam na kilala ako ng karamihan bilang bulag? Saang planeta ka ba nanggaling?”Napanga-nga ako dahil sa sinabi niya. Ang kapal naman ng muka! Porket hindi ko siya kilala ganiyan na siya makapagsalita! Alam kong gwapo siya pero sorry siya dahil hindi ko talaga siya kilala!“Nagsalita ang akala mo matino! Ikaw nga ‘tong basta-basta nag-aaya magpakasal. At isa pa hindi talaga ako pwede okay? Maghanap ka nalang ng iba, kung nadistorbo ‘man kita I am sorry, okay? Mukang pareho naman tayong nag-enjoy sa nangyari sa kagabi kaya quits lang tayo,”Aalisin ko na sana ang braso ko mula sa pagkakahawak niya pero mas humigpit ang kapit niya doon kaya napakunot ang noo ko.“A-ano ba masakit!”Mukang natauhan naman siya sa sinabi ko dahil agad na lumuwag ang kapit niya sa braso ko at nawala na ang pagtiim bagang niya.Nagalit siya sa sinabi ko? Saang parte doon?“What is the reason?”Napahinto ako sa paghakbang palayo ng magsalita ito.“Give me a reason why you don’t want to have a deal with me,”Napalingon ako sa kaniya dahil sa dinugtong niya at ngumiti ng malaki.“Dahil may mga anak na ako. So, stop bordering me and find another bride, okay? Di ko alam kung bakit ka naghahanap ng pakakasalan pero good luck. Well, mukang ‘di ka naman mahihirapan maghanap kasi gwapo ka naman, gamitin mo ‘yang looks mo makakahanap ka ‘din,”***NAKASALUBONG ni Irene si Roger ng dali-dali itong lumabas sa silid na kinalalagyan nila ni Eugene.Natigilan pa sandali si Roger ng makaharap niya ito ng face to face, parang namumukaan niya talaga ang babae hindi niya lang mawari kung saan.Hindi na nagawa pang pigilan ni Roger si Irene dahil dali-dali na itong tumakbo palayo sa kaniya.“Eugene, what happened?”Tanong niya sa alaga ng makarating siya sa loob.“She said she had a child, is it true?”Hindi na nagulat pa si Roger ng sabihin iyon ni Eugene.Tinawagan siya ni Eugene ng sobrang aga para pa-imbestigahan ang babae. Mayroon siyang nakuhang parang ID sa bag nito kaya pinicturan niya iyon at sinend kay Roger kaya hawak nito ngayon ang information ng babae.“Yes, it was true. Mayroon siyang kambal na anak, isang lalaki at babae. Ivan and Kylie Legazpi parehong anim na taon. Mayroon pa silang isang kasama sa tinutuluyan nila, si Kayla Tan. Ang pangalan naman niya ay Irene Legazpi, 24 years old, walang asawa dahil iniwan ‘daw ng nakabuntis dito. Nalaman ko ‘rin na pareho silang nanggaling sa mayamang pamilya pero ngayon hindi na.Si Irene, nang tumuntong siya ng wastong gulang nalipat ang ari-arian niya sa uncle niya na si Oleander Legazpi. Sila na ngayon ang namamahala sa business nila, while si Kayla naman simula ng mamatay ang magulang ibinenta niya lahat ng ari-arian nila ang business.Nalaman ko na anim na taon sila sa states dahil pinagamot doon si Kayla sa sakit na anaplastic ganglioglioma. Kagagaling niya lang last year at kauuwi lang nila dito sa Pilipinas dahil wala na siyang mahanap na trabaho sa ibang bansa.Nalaman ko na kaya siya nag-inom kagabi dahil hindi pa ‘rin siya nakakahanap ng trabaho at siya lang ang inaasahan ng mga kasama niya sa bahay. ‘Yan lang ang nakuha ko tungkol sa kaniya,”Mahabang sabi niya na ikinatango naman ni Eugen kasabay ng pagngisi niya.“Sure ka ba na siya ang makakatulong sa'yo? I know you can two have a contract agreement but she already had a child. What you need is an heir, at paano na 'yung babaeng hinahanap mo? Anim na taon na ang nakakalipas ah?”Parang napantig ang tenga ni Eugene sa kaniyang narinig at napakuyom ng kamao pero kinalma niya ang sarili at nagsalita.“We will not stop finding her, since that girl Irene had a child, we can use them and I can divorce her immediately if we found my girl. She needs money, right? Then I will give her money,”***IRENESINO ba ‘yun?! Ang creepy niya! Basta-basta nalang nag-aalok ng kasal porket may nangyari saamin?Siya lang ang nakilala kong lalaking napaka demanding. Ang lakas ng tiwala sa sarili na papayag ako porket gwapo siya, kahit na kailangan ko ng pera ngayon hindi ko ibebenta katawan ko noh!Kahit na nakipag one-night-stand pa ako… arghhh! Nakakinis pa ‘din! Ang tang* ko sa part na ‘yun! Hindi na talaga ako iinom sa bar kainis.“At saan ka nanggaling na bruha ka?! Alam mo bang hinahanap ka ng kambal kagabi? Gumawa nalang ako ng palusot!”“Kayla naman! Aatakihin ako sa puso dahil bigla-bigla ka nalang sumusulpot!” gulat na sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Kapapasok ko palang ng bahay tapos bigla-biglang susulpot akala mo multo eh.Dumeretsyo ako sa kusina para uminom ng malamig na malamig na tubig para maalis ang sakit ng ulo ko.“Aha! Sabi ko na nga ba uminom ka, amoy alak ka Irene!”Nang matapos akong uminom ng tubig ay sawakas nawala ‘din ang sakit ng ulo ko.Nanghihinang napaupo ako sa upuan sa aming kainan na siyang ikinasunod saakin ni Kayla.“May nangyari ba Irene? Bakit ka uminom kagabi? Umiinom ka lang kapag may problema ka,”Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, kilala talaga ako ni Kayla. Pero ayokong sabihin sa kaniya ang totoo. Siguradong maging siya ay mag-aalala, hindi ko pa kasi siya pinagtatrabaho dahil gusto kong mag rest muna siya ng dalawang taon.Saaming dalawa ay siya ang nakatapos pero wala saakin ‘yun. Madali lang siyang makakahanap ng trabaho panigurado ako.“Kapag hindi mo sinabi magtatampo talaga ako sa’yo,” cross arms na sabi nito kaya napabuntong hininga akong muli.“Kita mo! Pang ilang buntong hininga mo na ‘yan! Irene naman, sabi ko sa’yo nandito ako diba?!”Tumango ako sa sinabi niya at naghanda para ikwento sa kaniya ang buong nangyari. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero inuna ko nalang ‘yung tungkol sa hindi pangtanggap saakin ng trabaho hanggang doon sa naka one-night-stand ko na demanding.“OMG! SI Eugene Alvarez?! ‘Yung gwapong bulag na si Eugene Alvarez?! True ba ‘yan Irene?! Baka niloloko mo ako ah?!”Natakpan ko ang bibig niya dahil sa lakas ng boses niya. Alam kong tulog pa ang kambal dahil masyado pang maaga. Tyaka kilala niya ba ‘yung Eugene na ‘yon? Sabagay, naalala ko sabi niya saakin saang planeta ‘daw ako nanggaling at hindi ko siya kilala.Abat malay ko ba sa kaniya, edi totoo nga na bulag siya?“Ang ingay mo! Pero totoo nga, sabi niya Eugene Alvarez ‘daw ang pangalan niya. Kilala mo ba siya?” kunot noo kong tanong sa kaniya.“Seriously?! Nakalimutan mo na ba mga kwento ko sa'yo?! Siya si Eugene! Si Eugene ang pinakang batang bilyonaryo sa mundo! At isa pa mas nakilala ‘din siya dahil nga bulag siya, remember? I already told you about him! Siya talaga yung naka one-night-stand mo?! Wow! Ang swerte mo girl!”Literal na napanga-nga ako dahil sa sinabi ni Kayla.Seryoso?! Ang lalaking ‘yun bilyonaryo?!Kaya naman pala nakaka-intimidate ang aura niya, tapos sinabihan pa ako na babayaran niya para lang pakasalan ko siya. At kaya naman pala familiar saakin ang name niya dahil kay Kayla!Wait, come to think of it, bakit naghahanap siya ng pakakasalan? Hmm… siguro kailangan niya munang makasal bago tuluyang makuha ang ari-arian nila? Luh, lakas talaga maka-kwento sa libro ng buhay niya ah! Hahaha!“OMG!”Napatigil ako sa pagtawa sa aking naisip ng bigla nalamang sumigaw si Kayla.Muli ko siyang sinaway dahil sa ingay niya pero inilingan niya ako kaya nagtataka ko siyang tinignan.“Ngayon alam ko na kung bakit parang familiar saakin ang muka ni Ivan! Oh my god! Si Eugene, Irene! Si Eugene kamuka niya ang anak mo! Hindi kaya siya ang ama ng kambal?!”“Ano?!”“MOMMY, you are spacing out again!” Napakurap ako ng magsalita si Kylie na kaharap ko nga pala ngayon. Naiwan kaming dalawa sa hapagkainan dahil wala na si Kayla at Ivan at mayroon ‘daw panonoorin sa TV. Linggo ngayon at naisip ko na ‘wag na munang maghanap ng trabaho dahil pagod pa ako, pagod sa mga nalaman ko. “S-sorry anak, iniisip ko lang kung matatanggap ba ako sa trabaho ko,” Well, half true naman ang sinabi ko. Sana lang talaga matanggap ako sa mga pinag-applayan ko, ang dami kaya nu’n! Kapag ni isa walang tumawag saakin ipapasunog ko kumpanya nila, joke lang. “Do not worry mommy! Alam ko pong matatanggap ka, ikaw pa po ba?! Bukod sa maganda na matalino pa! Sa inyo nga po ako nagmana ng kagandahan at katalinuhan,” Natawa ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong nito. Kahit kailan talaga ang ang taas ng self confidence ng anak ko, ayos lang naman ‘yun dahil alam ko na walang mang-aapi sa kaniya kapag pumasok na sila. Mabuti nalang tinuruan namin silang magtagalog ni Kayla,
ROGER “WHO do they think they are? My parents?!” As I expected, alam kong kanina pa siya kating-kati magreklamo pero hindi niya lang ginawa. Katatapos lang ng board meeting ni Eugene at maging ako ay nagulat sa sinabi ng isa sa mga andoon. Ayon dito ay kailangan na niya ng asawa o ‘di kaya ng tagapagmana. Kung hindi siya magkakaroon ay isa-isa ‘daw silang aalis sa kumpanya. Gusto ko ngang matawa kanina kaso baka ma-offend ko pa sila. My name is Roger Salazar, matagal na akong naninilbihan sa mga Alvarez at noong una ay butler nila ako pero ngayon palagi na akong kasama ni Eugene dahil na ‘rin hindi siya nakakakita. “I want you to handle that old man, Roger. Lintik lang ang walang ganti,” “Paano mo siya gustong patay!n?” taka kong tanong sa kaniya. Sa ilang taon kong kasama si Eugene kabisadong kabisado ko na ang mga hilig niya at gawin. Nakita ko ang pag ngisi niya na nagpatayo ng balahibo ko. “Make him suffer until he begs us to kill him instead,” “Copy that, Eugene.” Pagk
“TINANGGIHAN niya. Actually, hindi ko pa nasasabi sa kaniya pero inunahan na niya ako ng no,” Sabi ko kay Eugene pag pasok ko sa kotse niya. Nandito kami ngayon sa eskwelahan ng anak ni Irene. Nalaman ko kasi na ngayon ang first day ng mga ito kaya binalak ni Eugene na puntahan ito at alukin muli ng kasal. Katulad ng inaasahan ko, hindi talaga papayag si Irene lalo na’t mas mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ng mga anak niya kahit gaano kalaking pera pa ang iharap mo sa kaniya. “As expected from her,” ngising sabi ni Eugene na ikinatahimik ko. Don’t tell me nahulog nanaman siya sa naka one-night-stand niya?! Ngayon ko lang siya nakitang ganitong ka-interesado sa babae pagkatapos nang anim na taon simula ng ipahanap niya ‘yung babaeng ‘yun! “Did you do what I ask you to do Roger?” “Yes. Nasabihan ko na ang mga kumpanya na ‘wag siyang tanggapin,” “Good. Now, let’s go to her next destination,” Napabuntong hininga ako ng tahimik dahil sa sinabi niyang iyon at pina-andar na ang sasa
IRENE “WELCOME to our company, Ms. Irene Legazpi,” Tayong sabi ng nakausap ko na lalaki at inilahad ang kamay sa aking harapan kaya tumayo ‘din ako at nakangiti kong tinanggap ang kamay niya. “Thank you! Kung alam mo lang kung gaano ka ka-hulog ng langit para saakin,” Katatapos ko lang pirmahan ang kontrata na ibinigay niya saakin. Three year contract lang iyon pero sapat na para makaipon ako sa laki ba naman ng sweldo! Walang wala ang sweldo ko noong nasa ibang bansa pa ako. Ngunit pagkatapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang pag ngiwi niya kaya nagtaka ako. “May problema ba?” Mukang natauhan naman siya sa tanong ko at nakangiting umiling saakin. “So, ano? Tara na? Siguradong inaabangan na tayo ni boss ngayon. Akala ko matatagalan ako sa paghahanap ng kapalit e,” Tumango ako sa kaniya at nakangiting sumunod. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may trabaho na ako. Hindi na ito katulad kanina na ‘they made a mistake’ dahil totoong totoo na! Nakapirma na ako ng
LAKING pasasalamat ko dahil umalis sila Eugene isang oras matapos kong makita ang muka niya. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na kamukang-kamuka niya si Ivan. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang ama ng kambal pero bakit kamukang-kamuka niya ang anak ko?! Arghh! Masisiraan ako ng bait e! Dahil sa nalaman ko hindi ako makapag focus ng maayos sa trabaho, mabuti nalang at kahit papaano may nagawa ko. Actually, hindi ko naman talaga kailangan na mag trabaho ngayon dahil katatanggap lang saakin pero gaya ng sabi ko gusto ko magpakita ng magandang impression kahit na hindi maganda ang pagkakakilala ko sa boss ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3:30 na pala ng hapon. Sigurado akong uwian na ng kambal ngayon. Napabuntong hininga ako dahil doon, paano kung totoong si Eugene ang ama nila? Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila lalo na sinabi ko pa naman na iniwan kami ng daddy nila. Isa pa paano ko nga ba malalaman na siya talaga ang ama ng kambal? Ipa-DNA ko kaya? Napatapik a
“E-EUGENE ALVAREZ?!” Sabay na sabi ni Irene at Kayla na halos pa sigaw na nga dahil sa pagkabigla nila. Tumango naman ng sunod-sunod si Kylie dahil doon. “Yes po mommy, he told us that she knows you. Is he, our daddy? He looks exactly like kuya!” Napakurap si Irene dahil sa tanong ni Kylie. Napatingin siya kay Kayla at kita niya na pinanlakihan siya nito ng mata na tila sinasabi na magpaliwanag ka saakin mamaya. Napabuntong hininga siya dahil doon at muling tumingin sa mga anak. “Can mommy not answer that question? I’m so tired today, I want to sleep early.” Napa cross finger si Irene sa ilalim ng kanilang lamesa matapos niyang sabihin iyon. “Oo naman po mommy! Kylie, stop asking mommy questions. For sure she was very tired,” Napatingin siya kay Ivan dahil sa sinagot nito na iyon. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa sinabi ng kaniyang panganay. Kahit na nakangiti ito sa kaniya ay alam niya na nagtataka na ‘rin ito. “Ganon po ba? It’s okay mommy! Kami nalang po bahala dito at
MAAGANG pumasok si Irene dahil pursigido pa ‘rin siya na ipakita na hindi magsisisi sila Eugene na tinanggap siya nito bilang secretary niya. Ngunit ang akala niyang maayos na kaniyang pagpasok ay hindi pala. “Hey you!” Narinig niya ang sigaw na ‘yun pero hindi siya lumingon tutal wala naman pangalan niya. Ngunit napahinto siya ng biglang mayroong humila ng kaniyang buhok na ikinatigil niya sa paglalakad. “Arghh!” daing niya. “Kapag tinatawag ka huminto ka! Kebago-bago mo dito maka-asta ka kala mo kung sino?! Anong pinagmamayabang mo na ikaw ang secretary ni boss?!” Napakunot ang noo niya dahil doon at laking pasasalamat nalang niya dahil binitawan na ng kung sino mang babaeng iyon ang kaniyang buhok dahil kung hindi hindi siya magdadalawang isip na gantihan ito. Napatingin siya sa kaniyang likuran kung saan andoon ang babaeng galit na galit sa kaniya o tamang mas sabihin na inggit? Hindi iyon ang unang beses na nakaranas nang ganon si Irene dahil sa totoo nga ay mas marami s
PAGKALABAS ni Roger ay agad siyang nag punta sa elevator upang habulin si Irene ngunit napansin niya na walang gumamit doon kaya isang daan lang ang alam niyang dinaanan nito ay sa hagdan. Dali-dali siyang pumunta doon at tatakbo pa sana pababa ng hagdan ng matigilan siya dahil nakita niya ito na nasa sahig na at tila nanghihina. “Irene!” Narinig ni Irene ang boses ni Roger ngunit wala siyang lakas para lingunin ito o kahit pigilan manlang na lumapit sa kaniya. Ayaw niya sana na may makakita sa kaniya sa ganoong sitwasyon ngunit hindi niya makontrol ang kaniyang sarili. Nasasaktan siya dahil sa nalaman mula kay Eugene, naisip niya na ang tingin sa kaniya ng lalaki ay madaling bayaran at pera lang ang mahalaga. Ang mas ikinainis pa niya ay nadamay pa ang kaniyang mga anak. Nang marinig niya ang pangalan na matagal na niyang hindi naririnig o naiisip manlang ay doon palang nagsimula na siyang mahirapan huminga. At nang makilala niya si Hannah ay doon na siya tuluyang hindi makahing
“KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a
BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya
Napahinto si Elijah sa paglalakad at napatingin muli sa kaniya. “Anong plano?” Sinabi niya dito ang naiisip niya na ikinangiti ng malaki ni Elijah at hinawakan ang magkabilang balikat ng tauhan niya na iyon. “Magaling! Sabi ko na nga ba at ikaw ang pinakang pinagkakatiwalaan ko sa lahat!” Napangiti ng malaki ang tauhan ni Elijah dahil sa papuri niya na iyon at yumuko ng bahagya dito bilang paggalang. “Now go! Dalhin mo siya saakin!” Nagpaalam na ang lalaki kay Elijah at naiwan siya mag-isa doon. Iyon nalang ‘din ang naiisip niyang huling plano para makuha si Irene. Dinadalangin niya na sana makuha na niya ang mahal niya dahil kung hindi niya ito makukuha sisiguraduhin niya ‘din na hindi ito makukuha ni Eugene. Maya-maya pa ay bumalik na muli ang tauhan niya at tinulak nito papasok sa loob si Hannah na nanghihina dahil hindi pa siya kumakain at pinapahirapan pa siya ng mga ito. “Well, well! Welcome again Hannah!” Napatingin si Hannah sa nagsalita at napakuyom ng kamao ng makit
“H-hindi kami naniniwala na ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Jess!” Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita si RC. “Tama si RC! Biktima lang kayo! Diba sabi mo may kumuha sa inyo? Malamang na sila ang may kasalanan kaya ‘wag kang himingi ng tawad saamin Ms. Violet—I mean Irene,” segunda na sabi ni Lyn na ikinailing ko. “H-hindi niyo naiintindihan—” “They are right mommy! Wala kang kasalanan!” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat ang kambal. Lalo akong naiyak dahil doon, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Naramdaman ko na mayroong humawak sa magkabila kong balikat at paglingon ko kay si Eugene iyon. “Wife, I already told you that it is not your fault. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay si Elijah iyon. Kung nandito si Jess alam ko na yun din ang sasabihin niya kaya please lang ‘wag mong sisihin ang sarili mo.” Napayakap ako kay Eugene dahil sa sinabi niya at umiyak sa dibdib niya. Ilang minuto ‘din kami na nasa ganoong ayos hanggang sa kusa akong humiw
IRENE NANG idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang kisame na familiar saakin. “’Wag kang maingay Kylie baka magising si mommy,” “Anong ako? Ikaw kaya ang maingay kuya!” Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang kambal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil isang linggo ko silang hindi nakita, akala ko nga ay hindi na ako makakauwi sa kanila dahil kay Elijah. “Mommy!” Nakita ako ni Kylie na gising na kaya dali-dali itong lumapit saakin at niyakap ako. Kita ko na nagulat ‘din si Ivan pero agad ‘din itong sumunod sa kambal niya at niyakap ako ng mahigit. Nagsimula na silang umiyak kaya maging ako ay lalong napaiyak dahil doon. “M-mommy bakit ang tagal mong nawala! Hindi ko po kaya na wala ka!” iyak na sabi ni Kylie kaya hinimas ko ang likuran niya. “I-I’m sorry mommy, I’m not strong enough to save you…” mahina namang sabi ni Ivan ngunit sapat na para marinig ko dahil sa leeg ko siya nakasuksok habang umiiyak. Si Kylie naman ay nasa bewang ko nakayaka
“W-WALA na si Jess…” Paulit-ulit na sinasabi ni Irene ‘yan sa kaniyang sarili matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ni Elijah at nag tauhan nito. Isang linggo na ‘rin ang nakakaraan magmula nang kunin siya nito. Sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya magawa, nahuhuli pa nga siya. Mabuti at hindi siya sinasaktan ni Elijah kapag nahuhuli siya dahil nagpapalusot lang siya na naiinip na doon. Sinakyan niya ang gusto ni Elijah, sasakyan niya ito hanggang sa makakuha na siya ng pagkakataon na makatakas. Pero lahat ng iyon ay nasira nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Bumalik sa kaniya ang huling araw na magkasama sila ni Jess. Nangako pa siya dito na magkikita pa sila ulit. “My love? Umiiyak ka ba?” Agad na napalingon si Irene sa nagsalita at sumiklab ang galit niya ng makita si Elijah. “W-wag kang lalapit saakin! You liar! Sinungaling ka at mamamatay tao Elijah!” Natigilan sandali si Elijah dahil sa sinabi ni Irene pero sinubukan pa ‘rin niyang lapitan ang babae
SAMANTALANG si Jess naman ay takot na takot at palingon-lingon sa likod niya kung mayroon bang sumusunod sa kaniya. Ayon sa naghatid sa kaniya oalabas ay dumeretsyo lang siya at lumiko sa kanto na madadaanan niya at may high way na doon. Hindi naman siya nabigo dahil kita na niya ang high way. Hindi siya makapaniwala na pinakawalan talaga siya ng mga ito! Ngunit kusa siyang napahinto ng biglang may sumulpot na ilang lalaki. Napaatras siya dahil doon at agad na kinabahan. “W-wag kayong lalapit!” sigaw niya sa mga ito pero seryoso lang sila at sa isang iglap ay nakalapit na ang dalawang lalaki’t sabay nilang pinaputok ang baril sa tagiliran niya. Sa bilis nang pangyayari ay nakaramdam nalang ng sakif si Jess sa kaniyang katawan at kusang bumagsak sa lupa. “M-ms. Violet…” mahinang sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha nito. Nakita pa niya ang pag-alis ng dalawang lalaking bumaril sa kaniya. Tama, sino bang gugustuhin na magpakawala sa kaniya gayong nakita niya ang lahat. Sunod-suno
BIGLANG tumawa si Irene matapos niyang marinig ang sinabi ni Hannah. Si Jess naman na nanginig dahil sa takot sa sinabi ni Hannah ay napatingin ‘din kay Irene nang hindi makapaniwala. “Anong tinatawa-tawa mo?!” “Ikaw! Nakakatawa ang sinabi mo Hannah! Inamin mo lang naman na ikaw talaga ang pumatavy sa magulang ni Kayla.” Biglang tumingin ng seryoso si Irene kay Hannah. “Yeah, finally you confess it. I have my reason now to k!ll you. Buhay ang kinuha, buhay ‘din ang kapalit.” Napaatras si Hannah dahil sa nakikita niyang Irene ngayon. Sa ilang taon niya itong nakasama noon nang bata pa sila ay tahimik lang ito at palaging sumusunod sa mga magulang niya. Nang mawala ang ari-arian nito at tuluyan nang naging walang-wala si Irene and to think na nagka-trauma ito sa kaniya. Pero ang kaharap niya ngayon? Ibang-iba na ito. Parang hindi na si Irene Legazpi na takot sa kaniya at uto-uto. “H-hindi mo ako madadaan sa salita!” Ngumisi si Irene dahil sa sinabi ni Hannah lalo na nautal ito. “
Laking pasasalamat ni Randy at nanjan si Ivan dahil binitawan na siya ni Eugene. Akala niya takaga katapusan na niya. “Ivan?” hindi makapaniwalang sabi ni Eugene at agad na yumakap sa kaniya ang anak. “Nakita ko na pinalo nila sa ulo si mommy, daddy! I’m not strong enough to save her kaya tinawag ko si tito Randy kaso wala na sila! It’s my fault daddy!” Agad na lumuhod si Eugene para makapantay niya ang anak. Pinahid niya ang luha sa pisnge ng anak at umiling dito. “No, don’t blame yourself. Kasalanan ni daddy dahil iniwan namin siya. Wag kang mag-alala anak hahanapin natin si mommy. Hindi ako papayag na may kumuha sa kaniya.” Tumayo na si Eugene matapos niyang yakapin sandali ang anak at tinignan si Randy na agad naman nitong ikinakuha ang ibig nitong mangyari at dali-daling naglakad oalabas. Sumunod lang sila kay Randy hanggang sa makarating sila sa 20th floor kung saan ang floor na pinagtatrabahuhan ng tatlong babaeng iyon. Iisa lang ang department nila at sakto na kabab