Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2023-03-06 00:12:39

IRENE

TEKA, nasaan ako? Bakit madilim dito? Bulag na ba ako at wala na akong makita?

Sinubukan kong tumingin kahit saan at nagawa ko pang kapain ang mata ko kung bukas ba o hindi ngunit bukas naman ito. Wala talaga akong makita kahit isa. Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa takot sa dilim.

Simula ng mawala si mommy at daddy ay naging matatakutin na ako sa dilim lalo na’t alalang-alala ko pa na sobrang dilim ng paligid ng magpunta kami sa ospital dahil madaling araw iyon. Napatingin ako sa isang parte ng may makita akong Liwanag, hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papunta doon.

Ngunit sa dulo ng Liwanag na iyon ay nakita ko ang scene na ayaw na ayaw ko ng balikan.

“M-mommy! Daddy! Please fight for me! Hindi ko alam ang gagawin ko mag-isa!”

Umiiyak ang batang ako sa isang tabi kasama si Eva at ang ilang katulong namin at driver. Naalala ko ang gabing iyon na nagising ako sa kalampag ni Eva sa kwarto ko at binalitang naaksidente sila mommy at daddy. Takot na takot ako ng panahon na iyan, bakit nakikita ko ito muli? Nasa panaginip ako hindi ba?

Maya-maya ay nag fast forward ang scene at lumabas ang doctor na idineklarang wala na ang dalawa. Kahit dalawang taon na ang nakakalipas ay andoon pa ‘rin ang sakit at kagaya ng 17 year old na ako ng panahon na iyon ay umiiyak na ako. Muli nagbago ang scene ay nandito naman kami sa morgue kung saan muli ko silang nakita after ng tatlong araw nilang business trip.

“M-mommy! Sabi mo saakin babalik kayo ng ligtas! Bakit nandito kayo?!” lumipat ang batang ako sa kabilang parte. “D-dad! Dad wake up! Don't leave me! Please I cannot live without you both!” hagulgol na dagdag niya at pilit siyang inilalayo ni Eva doon.

Hindi ko alam kung bakit nakikita ko ito ngayon ngunit hindi ko na kaya ang sakit kung kaya tumakbo ako palayo doon. Tumakbo lang ako ng tumakbo ngunit parang walang katapusan ang tinatakbo ko hanggang sa maging purong puti ang paligid. Napahinto ako at napatingin sa paligid, parang huminto tuloy ang luha kong kanina pa pumapatak dahil sa pagtataka.

“Irene my daughter,”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang-kilala ko ang boses na iyon—si mommy! Agad akong lumingon sa likod ko at doon na ako napaiyak muli ng makita ko silang magkasama ni daddy at pawang nakasuot ng parehong puting damit.

“M-mommy! Daddy!”

Agad ko silang niyakap ng napakahigpit. Iyon ang unang pagkakataon na nagpakita sila saakin sa panaginip. Noon ko pa pinagdarasal na sana makita ko sila kahit sandali lang at makausap manlang.

“Anak, sandali lang kami ng mommy mo dito kaya sasabihin na namin sa’yo ang dapat naming sabihin,” napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila dahil sa sinabi ni daddy.

Pinunasan ni daddy ang luha sa mga mata ko na aking ikinapikit. Ngunit hindi tulad ng huling kita ko sa kanila na malamig ang kamay nila at katawan ngayon ay mainit iyon, tila ba buhay silang dalawa.

“Anak, sorry kung naiwan ka namin agad. Pero alam namin na kaya mong mabuhay mag-isa sa kabila ng pagpapahirap ng kapatid ko sa’yo,” napadilat ako sa sinabi ni daddy. “Oo anak, nakikita namin ang ginagawa nila sa’yo at ako na ang humihingi ng tawad. Pero pakiusap ‘wag kang sumuko, ‘wag mong sukuan ang anak mo,”

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni daddy at mas napahagulgol na.

“D-daddy natatakot ako! Paano ko palalakihin mag-isa ang anak ko! Daddy isama niyo nalang po ako!”

Niyakap ako ng mahigpit ni mommy habang umiiling saakin. “Hindi pwede anak, marami ka pang magagawa hindi tulad namin. Tapos na ang buhay namin kaya ito nalang ang maitutulong namin,” inihiwalay niya ako sa pagkakayakap niya at tinitigan ako sa muka ko.

“Magpakatatag ka at alagaang mabuti ang mga anak mo. Sila ang magiging bagong pamilya mo anak, kapag dumating ang tamang panahon marerealize mo ‘rin ang ibig kong sabihin. Hindi mo kailangang matakot kung paano sila palalakihin basta mahalin mo sila ng buong-buo at magiging masaya kayo,”

“Tama ang mommy mo, Irene. Kinaya mo nga ang pagpapahirap nila ito pa kaya?”

Napatahimik ako sandali dahil sa sinabi nila ngunit kasabay niyon ang pagbalik ng ala-ala ko. Nabangga ako ng isang kotse, mayroong tumulak saakin!

“P-pero nabangga ako mommy! Siguradong hindi na ako mabubuhay o kahit ang anak ko,” umiling siya saakin at hinawakan nilang dalawa ang magkabila kong kamay.

“Hindi kayo mawawala, ito ang huling regalo namin sa’yo anak. Happy 18th birthday, Irene Legazpi,” napapikit ako ng sabay nila akong halikan sa aking noo kasabay ng biglang pagdilat ko ng aking mata.

Hindi katulad kanina na wala akong nararamdaman ngayon ay parang kay bigat ng katawan ko. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko sina tito at tita, ang magulang ni Kayla na nag-uusap sa isang tabi. Kusang tumulo ang luha ko dahil doon lalo na ng makita ko si Kayla na nakatulog na sa aking tabi na mukang binabantayan ako.

“Irene? Irene anak, gising ka na!”

Dahil sa salita ni tita ay nagising si Kayla at nagsimula na ‘ring umiyak katulad ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Maging sila tito at tita ay nagsimula na ‘ring umiyak. Naaalala ko pa ‘rin ang lahat, hindi ‘yon basta panaginip lang. Isa iyong magandang panaginip lalo na at kinausap ako nila mommy at daddy.

“A-ano bang ginagawa mong bruha ka! Natakot kami sa nangyari! Mabuti nalang at ligtas ka pati ang bata na nasa tiyan mo!”

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Kayla saakin. Totoo ang sinabi ni mommy, hindi kami mawawala ng anak ko.Ito ang regalo nila saakin.

Salamat mommy, daddy! Pangako ko na aalagaan kong mabuti ang anak ko! Pangakong lalayo na kami at palalakihin ko sila ng mabuting bata.

DALAWANG linggo ang lumipas at maayos na ang lagay ko.

Hindi na ‘rin ako bumalik pa sa bahay namin dahil nagmaka-awa na ako sa magulang ni Kayla na kupkupin ako. Ayoko nang may mangyaring masama sa anak ko kaya mas mabuti na ako nalang ang lumayo sa kanila.

Ang buong akala ko ay magiging masaya na kami dahil wala na sila Hannah iyon pala ay hindi. Nang dahil saakin nadamay ang pamilya ni Kayla.

“M-mommy! Daddy!”

Hindi makapaniwala kaming nakatingin ni Kayla sa katawan ng magulang niya na nakahiga na sa sahig at puno ng dugo ang katawan.

Kabababa lang namin para kumain ng dinner ngunit iyon ang nadatnan namin.

Napatingin saamin ang tatlong lalaki na familiar saakin, sila ‘yung tatlong lalaki na kasama ni tita at tito noon sa hotel! Sila ‘yung nagtutok ng baril sa mga attorney namin!

“T-tumakbo na tayo Irene!” kung hindi pa siguro ako hinila ni Kayla paakyat sa taas ay hindi ako gagalaw sa kinatatayuan ko.

Dumaan kami sa isang secret exit na naroroon at tumakbo sa madilim na bakanteng lote sa may likuran nila.

Natigilan ako dahil sa dilim na pumalibot sa paligid at kusang napabitaw sa kamay ni Kayla. Napaupo ako sa damuhan at napatakip sa aking tenga at umiyak.

Nang dahil saakin nadamay ang pamilya ni Kayla, nang dahil saakin nawala sila tito Donald at tita Gemma!

“I-irene kailangan nating humingi ng tulong! Please lang kailangan nating makalayo dahil baka tayo ang isunod nila! ‘Wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan!”

“P-pero tauhan sila ni tita, Kayla! Sila ‘yung sinasabi kong tatlong lalaki sa hotel! N-nang dahil saakin nabaril ang magulang mo!”

Natigilan siya sa sinabi ko at kita ko ang luha sa mga mata niya. Pero nagulat ako ng bigla niya akong lihahin patayo kaya maging ako ay napatayo ‘rin.

“Wala kang kasalanan Irene, kung may dapat mang sisihin dito ang tito at tita mo ‘yun! Gusto mo bang may mapahamak pa at may mabaril saating dalawa?! Kailangan nating humingi ng tulong!”

Hinila niya ako paalis doon kaya wala akong nagawa. Kahit na natatakot ako sa madilim na paligid ay isinawalang bahala ko nalang ito hanggang sa may makita kaming liwanag kung saan andoon na ang guard house.

Nakita namin na mayroon na ‘ring mga pulis doon kung kaya’t lalo akong napaiyak na siyang ikinahina ko.

“I-irene! Irene!”

‘Yan ang narinig ko bago pa ako tuluyang mawalan ng malay.

---

“NAGAWA niyo ba ng maayos ang utos ko?”

“Ang magulang at kasama sa bahay lamang ni Kayla Tan ang natugis namin dahil nakatakas sila—”

“Mga inutil! Ang sabi ko lahat sila at wala kayong ititira!”

Galit na sabi ni Fabia Legazpi sa kanilang mga tauhan.

Nasa tabi nito ang kaniyang asawa na si Oleander na masama ang tingin sa tatlong lalaking kanilang inutusan.

“Honey, calm down. Okay na ‘rin ang nangyari dahil siguradong wala na silang maaasahan ngayon,” biglang awat ni Oleander sa kaniyang asawa na ikinabuntong hininga ng asawa at tumango dito.

Ibinigay na nila ang bayad sa mga ito ngunit may bawas iyon dahil hindi nila nagawa ng maayos ang trabaho.

Pagkaalis ng mga ito ay siya namang pagdating ni Hannah.

“Mommy! Daddy! Ano, napatay ba nila si Irene?!”

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil doon.

Si Hannah mismo ang nag request sa kanila na gawin iyon at dahil lahat gagawin nila para sa kanilang kaisa-isang anak ay sinunod nila ito.

Isa pa para hindi na ‘rin mabawi ni Irene ang bagay na kinuha nila dito kaya nila iyon ginawa.

“Oo anak, wala na ‘rin sa landas natin si Irene Legazpi,” ngising sabi ng mommy nito na nagpasya na ilihim sa anak ang katotohanan para makampante na ito.

Binigyan nalang niya ng kakaibang tingin ang asawa na mukang na gets naman nito. Sa sobrang tuwa ni Hannah ay niyakap niya ng mahigpit ang mommy at daddy niya’t nagpasalamat dito.

Ang hindi nila alam ay narinig ni Eva ang kanilang pinag-uusapan at umiiyak na bumalik ito sa kanilang quarter at dali-daling nag empake.

“Hoy Eva! Saan ka pupunta?!” sabi sa kaniya ng isa niyang kasamahan.

“Aalis na ako! Ayoko na dito! Mamamatay tao ang mga amo natin kaya kung ayaw niyong mamatay ay umalis na kayo!”

Nagulat ito sa sinabi niya at agad na tinawag ang iba nilang kasamahan na nagtataka dahil sa binalita niyang iyon.

“P-pinatay nila si Irene! Kaya naman pala hindi na siya umiiwi! Wala na si Irene!”

Napasinghap ang mga ito dahil sa kanilang nalaman at agad ‘ding umiyak ngunit kasabay niyon ay ang desisyon nila na umalis na sa bahay na iyon.

---

(EIGHT MONTHS LATER)

IRENE

NANDITO ako ngayon sa mall at namili ako ng damit ng aking anak. Mag-isa lang ako dahil hindi sumama si Kayla at mayroon pa ‘daw siyang gagawin.

Ayaw pa nga niya akong payagan noong una dahil malapit na akong manganak pero nagpumilit ako lalo na’t alam kong sale ngayon sa mall.

Ilang buwan na ‘rin ang nakakalipas simula ng mawala ang magulang ni Kayla ng dahil sa masasama kong kamag-anak. Naalala ko na hindi namin kinayang dalawa ang nangyari pero nabigyan namin ng maayos na libing ang magulang ni Kayla.

Iyak siya ng iyak noon at ganoon ‘din ako. Sabi ko nga ay malaking kamalasan ang dala ko sa kanila ngunit itinanggi iyon ni Kayla, kung mayroon man ‘daw na malas ay iyon ang tito at tita ko.

Simula noon ay lumayo kami ni Kayla.

Ang bahay nila ay ibinenta niya pati ang negosyo nila. Sabi niya ay hindi niya ‘daw kayang pamahalaan iyon kaya wala na akong nagawa kundi ang sang-ayunan siya.

Tumira kami ng tahimik sa isang squatter area. Hindi naman siya ganon kagulo, mababait pa nga ang mga tao doon kahit na hindi nila alam na ubod ng yaman ng kasama ko. Natakot na kaming tumira mag-isa kaya pinili namin sa mataong lugar.

Sa nakalipas na buwan ay nagtulungan kami ni Kayla para matanggap namin ang masamang nangyari na iyon. Sa paglipas ng mga buwan ay kahit papaano nabawasan ang sakit at kasabay niyon ang paglaki ng tiyan ko. Kapag sinabi kong malaki, malaki talaga!

Minsan nga nahihirapan ako dahil sa bigat ng aking tiyan. Si Kayla palagi ang nanghihila saakin sa umaga na maglakad kahit na ayaw ko. Ang sabi niya ay mahihirapan akong manganak kapag hindi ko ‘yun ginawa.

Kaya ayun wala akong magawa kundi ang maglakad.

Maraming nakakakilala saamin at ang tawag pa nga saamin ay ganda 1 at ganda 2, ako si 1 at si Kayla naman ang 2.

Natawa pa nga kami dahil doon pero hinayaan nalang namin sila. Kahit papaano ay sumasaya si Kayla dahil sa mga kapitbahay namin na ikinasaya ko para sa kaniya.

Ayoko na maalala niya palagi ang masamang nangyari saamin kaya nga pinapangako ko na kapag nakapanganak ako ay ipapagpatuloy ko ang pangarap ko noon pa ‘man.

Kapag naging matagumpay ako gagawin ko ang lahat para maka-ahon kami at lalayo ng ilang taon dito sa Pilipinas pagkatapos ay babalik at sisingilin sila tito at tita.

Habang naglalakad bitbit ang mga paper bags ay nakatanggap ako ng isang tawag kung kaya agad ko naman iyong sinagot.

“Hello, Kayla pauwi na ako—”

“Ganda 1 si ate Che mo ito! Nandito kami ngayon sa ospital dahil bigla nalang bumagsak si ganda 2 kanina! Inintay muna namin ang pag-labas ng doctor bago ka tawagan at nalaman namin na may cancer pala siya Ganda! B-bakit hindi niyo sinabi saamin?”

***

“EUGENE where are you?!”

Narinig ni Eugene ang boses ni Roger sa earpiece na kaniyang suot.

“Wait me at the restaurant Roger, I will be quick. I think I heard her voice somewhere,”

Sagot niya dito na ikinabuntong hininga naman ni Roger at pumayag sa gusto nito.

Mag-iisang taon na nilang hinahanap ang babaeng nakasama ni Eugene sa bar pero hanggang ngayon wala pa ‘rin silang balita dito.

Sa lumipas na mga buwan ay mas lalong nagiging desperado si Eugene na mahanap ang babae kaya hindi alam ni Mason at Roger kung nakakabuti pa ba sa lalaki ang paghahanap dito. Hindi naman nila ito pwedeng pigilan dahil kita nila na buo ang desisyon ni Eugene na hanapin ang babae.

Sa gitna ng paglalakad ni Eugene ay mayroon siyang nakabunggo na ikinabaling niya sa kabilang parte.

Napakunot ang noo niya at nakaramdaman ng inis dahil doon, nakikita naman ng mga tao na bulag siya dahil sa white cane na hawak niya yet binunggo pa ‘rin siya.

Ah hindi, alam na niya ang ganitong motibo. Marami ng gumawa niyon sa kaniya at ginagawa nila iyon para mapansin niya.

Pwes hindi iyon gagana sa kaniya.

“Sorry.”

Malamig na sabi niya at agad ng umalis doon.

Ang hindi alam ni Eugene ay si Irene ang nabangga nito, ang babaeng matagal na niyang hinahanap at pinagbubuntis nito ang kaniyang anak.

Dahil sa pagkagulat ni Irene sa kaniyang nalaman ay nawala na ang atensyon niya sa paligid at bumangga kay Eugene na hindi ‘rin naman siya nakikita.

“Oh my god! ‘Yung buntis mukang makakanganak na!”

Gulat na sabi ng isang ginang na nakakita sa pagkakabunggo ng dalawa.

Nakasalampak na si Irene ngayon sa sahig at kagat labing tinitiis ang sakit na pumapalibot sa kaniyang tiyan.

Nagsimula ng magsilapitan ang mga tao sa kaniya at tumawag ng tulong.

Si Irene naman ay hindi na napigilan ang mapaiyak dahil doon.

Nasa ospital ang kaniyang kaibigan at nalaman na may cancer ito habang siya naman ay manganganak na.

Paano nagawang ilihim iyon ni Kayla? ‘Yan ang katanungan sa isipan ni Irene na nagiging sanhi sandali na makalimutan niya ang sakit na nararamdaman.

Ang lahat ng iyon ay nakita ni Roger.

Napailing siya dahil sa ginawa ng kaniyang alaga at dali-daling tumawag ng ambulance pagkatapos ay nilapitan niya ang babaeng buntis na si Irene.

Sinundan niya kasi si Eugene lalo na’t baka kung anong gawin nito at basta may hilahin nalang na babaeng sabihin na kaboses nito ang nakasama niya sa bar.

“T-tulongan mo ako…” iyak na sabi sa kaniya ni Irene at hinawakan ang kaniyang braso.

Natigilan siya sandali dahil doon dahil pakiramdam niya may kakaiba sa babae.

Napailing naman siya dahil sa isiping iyon.

“Oo miss! Parating na ang tulong!”

Nasabi nalang niya dito at siya pa ang nagbuhat kay Irene pasakay sa ambulance.

Iiling-iling nalang si Roger na bumalik sa loob ng mall.

Hindi na niya alam ang gagawin sa alaga, wala talaga itong puso pagdating sa mga nakapaligid sa kaniya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
thank you ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 4

    “KAPAG sinabi ko na umire ka umire Irene, okay?!” Parang nag-eeco sa pandinig ni Irene ang boses ng kaniyang doktora. Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito lalo na ramdam na ramdam niya ang sakit sa kaniyang balakang na parang mahihiwalay ito sa dalawa. Ngunit sa panahon na iyon ay wala siyang lakas ng loob para manganak, nanghihina siya. “Irene!” Muling tawag sa kaniya na ikinailing niya ng marahan. “H-hindi ko kaya doktora,” Hindi nagustuhan ng kaniyang doktora ang narinig na iyon kung kaya tinapik tapik nito ang kaniyang pisnge. “Kapag hindi mo ginawa ay mawawala sa’yo ang anak mo! Ang tagal mong inalagaan ang bata sa loob ng tiyan mo ngayon ka pa ba susuko?” Pagpapalakas ng loob nito habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Dahil sa narinig ay sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha. “P-pero si Kayla…” Natigilan sandali ang doktora niya at napatingin sa mga nurses na kasama niya. Hindi lingid sa kanila ang nangyari kay Kayla dahil nakita nila ito ng dinala sa ospital

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 5

    SUMAKAY nalang ako sa Taxi para makauwi na sa bahay. Napabuntong hininga ako ng sumandal sa kinauupuan ko. Anim na taon na ang nakalipas, sa anim na taon na ‘yon ay marami na ang nangyari. Noong una ang akala ko ay hindi na gagaling pa si Kayla. Unang taon, pangalawang taon, nawawalan na ako ng pag-asa pero dumating bigla ang isang araw ng sabihin ng doctor na nagkaroon na ng progress ang sakit niya. Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang progress niya at nitong nakaraang taon lang ay gumaling na siya. Yes, inabot ng halos limang taon ang gamutan ni Kayla, pabalik balik kasi ang sakit niya. Nakailang operasyon na ‘din siya at sa awa ng Diyos ay gumaling ang kaibigan ko. Cancer free na siya! Wala ng mas sasaya pa saakin ng ideklara siyang cancer free ng doctor. Halos sambahin ko na nga sila dahil sa pagliligtas sa kaibigan ko. Ang kaso sa kabila ng paggaling niya ay ang pagkaubos ng pera na naitabi niya pati na ako. May kaunti akong pera kaso para sa panggastos nalang namin araw-araw

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 6

    “MOMMY, you are spacing out again!” Napakurap ako ng magsalita si Kylie na kaharap ko nga pala ngayon. Naiwan kaming dalawa sa hapagkainan dahil wala na si Kayla at Ivan at mayroon ‘daw panonoorin sa TV. Linggo ngayon at naisip ko na ‘wag na munang maghanap ng trabaho dahil pagod pa ako, pagod sa mga nalaman ko. “S-sorry anak, iniisip ko lang kung matatanggap ba ako sa trabaho ko,” Well, half true naman ang sinabi ko. Sana lang talaga matanggap ako sa mga pinag-applayan ko, ang dami kaya nu’n! Kapag ni isa walang tumawag saakin ipapasunog ko kumpanya nila, joke lang. “Do not worry mommy! Alam ko pong matatanggap ka, ikaw pa po ba?! Bukod sa maganda na matalino pa! Sa inyo nga po ako nagmana ng kagandahan at katalinuhan,” Natawa ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong nito. Kahit kailan talaga ang ang taas ng self confidence ng anak ko, ayos lang naman ‘yun dahil alam ko na walang mang-aapi sa kaniya kapag pumasok na sila. Mabuti nalang tinuruan namin silang magtagalog ni Kayla,

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 7

    ROGER “WHO do they think they are? My parents?!” As I expected, alam kong kanina pa siya kating-kati magreklamo pero hindi niya lang ginawa. Katatapos lang ng board meeting ni Eugene at maging ako ay nagulat sa sinabi ng isa sa mga andoon. Ayon dito ay kailangan na niya ng asawa o ‘di kaya ng tagapagmana. Kung hindi siya magkakaroon ay isa-isa ‘daw silang aalis sa kumpanya. Gusto ko ngang matawa kanina kaso baka ma-offend ko pa sila. My name is Roger Salazar, matagal na akong naninilbihan sa mga Alvarez at noong una ay butler nila ako pero ngayon palagi na akong kasama ni Eugene dahil na ‘rin hindi siya nakakakita. “I want you to handle that old man, Roger. Lintik lang ang walang ganti,” “Paano mo siya gustong patay!n?” taka kong tanong sa kaniya. Sa ilang taon kong kasama si Eugene kabisadong kabisado ko na ang mga hilig niya at gawin. Nakita ko ang pag ngisi niya na nagpatayo ng balahibo ko. “Make him suffer until he begs us to kill him instead,” “Copy that, Eugene.” Pagk

    Huling Na-update : 2023-03-23
  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 8

    “TINANGGIHAN niya. Actually, hindi ko pa nasasabi sa kaniya pero inunahan na niya ako ng no,” Sabi ko kay Eugene pag pasok ko sa kotse niya. Nandito kami ngayon sa eskwelahan ng anak ni Irene. Nalaman ko kasi na ngayon ang first day ng mga ito kaya binalak ni Eugene na puntahan ito at alukin muli ng kasal. Katulad ng inaasahan ko, hindi talaga papayag si Irene lalo na’t mas mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ng mga anak niya kahit gaano kalaking pera pa ang iharap mo sa kaniya. “As expected from her,” ngising sabi ni Eugene na ikinatahimik ko. Don’t tell me nahulog nanaman siya sa naka one-night-stand niya?! Ngayon ko lang siya nakitang ganitong ka-interesado sa babae pagkatapos nang anim na taon simula ng ipahanap niya ‘yung babaeng ‘yun! “Did you do what I ask you to do Roger?” “Yes. Nasabihan ko na ang mga kumpanya na ‘wag siyang tanggapin,” “Good. Now, let’s go to her next destination,” Napabuntong hininga ako ng tahimik dahil sa sinabi niyang iyon at pina-andar na ang sasa

    Huling Na-update : 2023-03-23
  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 9

    IRENE “WELCOME to our company, Ms. Irene Legazpi,” Tayong sabi ng nakausap ko na lalaki at inilahad ang kamay sa aking harapan kaya tumayo ‘din ako at nakangiti kong tinanggap ang kamay niya. “Thank you! Kung alam mo lang kung gaano ka ka-hulog ng langit para saakin,” Katatapos ko lang pirmahan ang kontrata na ibinigay niya saakin. Three year contract lang iyon pero sapat na para makaipon ako sa laki ba naman ng sweldo! Walang wala ang sweldo ko noong nasa ibang bansa pa ako. Ngunit pagkatapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang pag ngiwi niya kaya nagtaka ako. “May problema ba?” Mukang natauhan naman siya sa tanong ko at nakangiting umiling saakin. “So, ano? Tara na? Siguradong inaabangan na tayo ni boss ngayon. Akala ko matatagalan ako sa paghahanap ng kapalit e,” Tumango ako sa kaniya at nakangiting sumunod. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may trabaho na ako. Hindi na ito katulad kanina na ‘they made a mistake’ dahil totoong totoo na! Nakapirma na ako ng

    Huling Na-update : 2023-03-24
  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 10

    LAKING pasasalamat ko dahil umalis sila Eugene isang oras matapos kong makita ang muka niya. Hindi pa ‘rin ako makapaniwala na kamukang-kamuka niya si Ivan. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang ama ng kambal pero bakit kamukang-kamuka niya ang anak ko?! Arghh! Masisiraan ako ng bait e! Dahil sa nalaman ko hindi ako makapag focus ng maayos sa trabaho, mabuti nalang at kahit papaano may nagawa ko. Actually, hindi ko naman talaga kailangan na mag trabaho ngayon dahil katatanggap lang saakin pero gaya ng sabi ko gusto ko magpakita ng magandang impression kahit na hindi maganda ang pagkakakilala ko sa boss ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3:30 na pala ng hapon. Sigurado akong uwian na ng kambal ngayon. Napabuntong hininga ako dahil doon, paano kung totoong si Eugene ang ama nila? Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila lalo na sinabi ko pa naman na iniwan kami ng daddy nila. Isa pa paano ko nga ba malalaman na siya talaga ang ama ng kambal? Ipa-DNA ko kaya? Napatapik a

    Huling Na-update : 2023-03-24
  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 11

    “E-EUGENE ALVAREZ?!” Sabay na sabi ni Irene at Kayla na halos pa sigaw na nga dahil sa pagkabigla nila. Tumango naman ng sunod-sunod si Kylie dahil doon. “Yes po mommy, he told us that she knows you. Is he, our daddy? He looks exactly like kuya!” Napakurap si Irene dahil sa tanong ni Kylie. Napatingin siya kay Kayla at kita niya na pinanlakihan siya nito ng mata na tila sinasabi na magpaliwanag ka saakin mamaya. Napabuntong hininga siya dahil doon at muling tumingin sa mga anak. “Can mommy not answer that question? I’m so tired today, I want to sleep early.” Napa cross finger si Irene sa ilalim ng kanilang lamesa matapos niyang sabihin iyon. “Oo naman po mommy! Kylie, stop asking mommy questions. For sure she was very tired,” Napatingin siya kay Ivan dahil sa sinagot nito na iyon. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa sinabi ng kaniyang panganay. Kahit na nakangiti ito sa kaniya ay alam niya na nagtataka na ‘rin ito. “Ganon po ba? It’s okay mommy! Kami nalang po bahala dito at

    Huling Na-update : 2023-03-24

Pinakabagong kabanata

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 56

    “KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 55

    BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 54.2

    Napahinto si Elijah sa paglalakad at napatingin muli sa kaniya. “Anong plano?” Sinabi niya dito ang naiisip niya na ikinangiti ng malaki ni Elijah at hinawakan ang magkabilang balikat ng tauhan niya na iyon. “Magaling! Sabi ko na nga ba at ikaw ang pinakang pinagkakatiwalaan ko sa lahat!” Napangiti ng malaki ang tauhan ni Elijah dahil sa papuri niya na iyon at yumuko ng bahagya dito bilang paggalang. “Now go! Dalhin mo siya saakin!” Nagpaalam na ang lalaki kay Elijah at naiwan siya mag-isa doon. Iyon nalang ‘din ang naiisip niyang huling plano para makuha si Irene. Dinadalangin niya na sana makuha na niya ang mahal niya dahil kung hindi niya ito makukuha sisiguraduhin niya ‘din na hindi ito makukuha ni Eugene. Maya-maya pa ay bumalik na muli ang tauhan niya at tinulak nito papasok sa loob si Hannah na nanghihina dahil hindi pa siya kumakain at pinapahirapan pa siya ng mga ito. “Well, well! Welcome again Hannah!” Napatingin si Hannah sa nagsalita at napakuyom ng kamao ng makit

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 54.1

    “H-hindi kami naniniwala na ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Jess!” Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita si RC. “Tama si RC! Biktima lang kayo! Diba sabi mo may kumuha sa inyo? Malamang na sila ang may kasalanan kaya ‘wag kang himingi ng tawad saamin Ms. Violet—I mean Irene,” segunda na sabi ni Lyn na ikinailing ko. “H-hindi niyo naiintindihan—” “They are right mommy! Wala kang kasalanan!” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat ang kambal. Lalo akong naiyak dahil doon, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Naramdaman ko na mayroong humawak sa magkabila kong balikat at paglingon ko kay si Eugene iyon. “Wife, I already told you that it is not your fault. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay si Elijah iyon. Kung nandito si Jess alam ko na yun din ang sasabihin niya kaya please lang ‘wag mong sisihin ang sarili mo.” Napayakap ako kay Eugene dahil sa sinabi niya at umiyak sa dibdib niya. Ilang minuto ‘din kami na nasa ganoong ayos hanggang sa kusa akong humiw

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 53

    IRENE NANG idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang kisame na familiar saakin. “’Wag kang maingay Kylie baka magising si mommy,” “Anong ako? Ikaw kaya ang maingay kuya!” Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang kambal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil isang linggo ko silang hindi nakita, akala ko nga ay hindi na ako makakauwi sa kanila dahil kay Elijah. “Mommy!” Nakita ako ni Kylie na gising na kaya dali-dali itong lumapit saakin at niyakap ako. Kita ko na nagulat ‘din si Ivan pero agad ‘din itong sumunod sa kambal niya at niyakap ako ng mahigit. Nagsimula na silang umiyak kaya maging ako ay lalong napaiyak dahil doon. “M-mommy bakit ang tagal mong nawala! Hindi ko po kaya na wala ka!” iyak na sabi ni Kylie kaya hinimas ko ang likuran niya. “I-I’m sorry mommy, I’m not strong enough to save you…” mahina namang sabi ni Ivan ngunit sapat na para marinig ko dahil sa leeg ko siya nakasuksok habang umiiyak. Si Kylie naman ay nasa bewang ko nakayaka

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 52

    “W-WALA na si Jess…” Paulit-ulit na sinasabi ni Irene ‘yan sa kaniyang sarili matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ni Elijah at nag tauhan nito. Isang linggo na ‘rin ang nakakaraan magmula nang kunin siya nito. Sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya magawa, nahuhuli pa nga siya. Mabuti at hindi siya sinasaktan ni Elijah kapag nahuhuli siya dahil nagpapalusot lang siya na naiinip na doon. Sinakyan niya ang gusto ni Elijah, sasakyan niya ito hanggang sa makakuha na siya ng pagkakataon na makatakas. Pero lahat ng iyon ay nasira nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Bumalik sa kaniya ang huling araw na magkasama sila ni Jess. Nangako pa siya dito na magkikita pa sila ulit. “My love? Umiiyak ka ba?” Agad na napalingon si Irene sa nagsalita at sumiklab ang galit niya ng makita si Elijah. “W-wag kang lalapit saakin! You liar! Sinungaling ka at mamamatay tao Elijah!” Natigilan sandali si Elijah dahil sa sinabi ni Irene pero sinubukan pa ‘rin niyang lapitan ang babae

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 51.2

    SAMANTALANG si Jess naman ay takot na takot at palingon-lingon sa likod niya kung mayroon bang sumusunod sa kaniya. Ayon sa naghatid sa kaniya oalabas ay dumeretsyo lang siya at lumiko sa kanto na madadaanan niya at may high way na doon. Hindi naman siya nabigo dahil kita na niya ang high way. Hindi siya makapaniwala na pinakawalan talaga siya ng mga ito! Ngunit kusa siyang napahinto ng biglang may sumulpot na ilang lalaki. Napaatras siya dahil doon at agad na kinabahan. “W-wag kayong lalapit!” sigaw niya sa mga ito pero seryoso lang sila at sa isang iglap ay nakalapit na ang dalawang lalaki’t sabay nilang pinaputok ang baril sa tagiliran niya. Sa bilis nang pangyayari ay nakaramdam nalang ng sakif si Jess sa kaniyang katawan at kusang bumagsak sa lupa. “M-ms. Violet…” mahinang sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha nito. Nakita pa niya ang pag-alis ng dalawang lalaking bumaril sa kaniya. Tama, sino bang gugustuhin na magpakawala sa kaniya gayong nakita niya ang lahat. Sunod-suno

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 51.1

    BIGLANG tumawa si Irene matapos niyang marinig ang sinabi ni Hannah. Si Jess naman na nanginig dahil sa takot sa sinabi ni Hannah ay napatingin ‘din kay Irene nang hindi makapaniwala. “Anong tinatawa-tawa mo?!” “Ikaw! Nakakatawa ang sinabi mo Hannah! Inamin mo lang naman na ikaw talaga ang pumatavy sa magulang ni Kayla.” Biglang tumingin ng seryoso si Irene kay Hannah. “Yeah, finally you confess it. I have my reason now to k!ll you. Buhay ang kinuha, buhay ‘din ang kapalit.” Napaatras si Hannah dahil sa nakikita niyang Irene ngayon. Sa ilang taon niya itong nakasama noon nang bata pa sila ay tahimik lang ito at palaging sumusunod sa mga magulang niya. Nang mawala ang ari-arian nito at tuluyan nang naging walang-wala si Irene and to think na nagka-trauma ito sa kaniya. Pero ang kaharap niya ngayon? Ibang-iba na ito. Parang hindi na si Irene Legazpi na takot sa kaniya at uto-uto. “H-hindi mo ako madadaan sa salita!” Ngumisi si Irene dahil sa sinabi ni Hannah lalo na nautal ito. “

  • Hiding the twins of a blind billionaire    Chapter 50.3

    Laking pasasalamat ni Randy at nanjan si Ivan dahil binitawan na siya ni Eugene. Akala niya takaga katapusan na niya. “Ivan?” hindi makapaniwalang sabi ni Eugene at agad na yumakap sa kaniya ang anak. “Nakita ko na pinalo nila sa ulo si mommy, daddy! I’m not strong enough to save her kaya tinawag ko si tito Randy kaso wala na sila! It’s my fault daddy!” Agad na lumuhod si Eugene para makapantay niya ang anak. Pinahid niya ang luha sa pisnge ng anak at umiling dito. “No, don’t blame yourself. Kasalanan ni daddy dahil iniwan namin siya. Wag kang mag-alala anak hahanapin natin si mommy. Hindi ako papayag na may kumuha sa kaniya.” Tumayo na si Eugene matapos niyang yakapin sandali ang anak at tinignan si Randy na agad naman nitong ikinakuha ang ibig nitong mangyari at dali-daling naglakad oalabas. Sumunod lang sila kay Randy hanggang sa makarating sila sa 20th floor kung saan ang floor na pinagtatrabahuhan ng tatlong babaeng iyon. Iisa lang ang department nila at sakto na kabab

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status