One Night With My Ex-Husband

One Night With My Ex-Husband

last updateLast Updated : 2024-11-23
By:   Scorpio93  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
33Chapters
14.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Sa loob ng dalawang taon, hindi akalain ni Jessy Flores na lokohin siya ng asawang si Philip Montana sa araw pa mismo ng wedding anniversary nila.  Simula rin ng araw na iyon ay nakipaghiwalay siya sa asawa at nagpasyang pumunta ng Baguio kung saan, muling nagkrus ang landas nila ng kaibigang si Niko Alonzo na siyang handang bumuo sa nawasak niyang pagkatao.   Paano kung bawiin siya ni Philip mula kay Niko? Manunumbalik pa ba ang naglahong pag-ibig para sa dating asawa? O haharapin si Niko at kakalimutan si Philip na unti-unting nagising sa katotohanang mahal pa siya nito?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Chapter 1. “Happy wedding anniversary, hon. May gift —”“Ako rin may gift akong ibibigay!” matigas kong sambit. Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at mabilis na pinadapo ang isang palad sa kanyang pisngi. Kuyom ang mga kamao habang matalim ko siyang tinitigan. All this time ay niloloko na pala niya ako. Minahal at inaalagaan ko siya pero ’di ko alam kung saan ako nagkulang. Mapait akong ngumiti. May kulang pala na hindi ko naibigay sa kanya. Marahil iyon ang hinahanap niya sa iba na hindi niya makuha-kuha sa akin— ang magkaroon ng anak.“Hon, what's wrong with you? May problema ba?” Bakas sa mukha niya ang gulat habang hawak ang nasaktang pisngi. “Kailan mo pa ako niloko, Philip? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nagsasawa ka na? Hindi iyong sinasaktan mo ako nang ganito. Bakit mo nagawa sa akin ito?” Hinampas ko siya sa balikat maging sa kanyang mukha. Humahagulhol ako habang walang tigil sa paghampas sa buo nitong katawan. Hindi ko alam kung saan dumapo ang mga...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Scorpio93
Everyone! I’m really sorry po if until now hindi pa rin ako makapag-update. Hindi ko pa po kaya magsulat dahil sa kalagayan ko ngayon lalo pa at may halong drama itong series na ito. I’m so sorry po talaga if ilang buwan ko kayong binitin. Hirap kasi ako makahinga kaya nag-stop muna ako. Sorry po...
2023-07-28 11:23:53
2
user avatar
Maryixxx
Maganda ang plot at talagang damang dama ang bawat eksena. Highly recommended for me.
2023-05-12 15:08:04
1
user avatar
Asiana Asia
gonna read this huhu
2023-02-24 11:51:09
1
user avatar
Avanitaxx
Wow!... ang ganda sis
2023-01-12 21:04:44
1
default avatar
Scorpio93
Sana po ay suportahan ninyo ang aking kuwento... Maraming salamat pp......
2022-11-19 15:35:39
1
user avatar
Switspy
ganda. save n"yo na po sa lib nio. waiting for more updates.
2022-11-15 15:34:08
2
33 Chapters
Chapter 1
Chapter 1. “Happy wedding anniversary, hon. May gift —”“Ako rin may gift akong ibibigay!” matigas kong sambit. Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at mabilis na pinadapo ang isang palad sa kanyang pisngi. Kuyom ang mga kamao habang matalim ko siyang tinitigan. All this time ay niloloko na pala niya ako. Minahal at inaalagaan ko siya pero ’di ko alam kung saan ako nagkulang. Mapait akong ngumiti. May kulang pala na hindi ko naibigay sa kanya. Marahil iyon ang hinahanap niya sa iba na hindi niya makuha-kuha sa akin— ang magkaroon ng anak.“Hon, what's wrong with you? May problema ba?” Bakas sa mukha niya ang gulat habang hawak ang nasaktang pisngi. “Kailan mo pa ako niloko, Philip? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nagsasawa ka na? Hindi iyong sinasaktan mo ako nang ganito. Bakit mo nagawa sa akin ito?” Hinampas ko siya sa balikat maging sa kanyang mukha. Humahagulhol ako habang walang tigil sa paghampas sa buo nitong katawan. Hindi ko alam kung saan dumapo ang mga
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more
Chapter 2
Chapter 2.“Niko?” bulalas ko. Mabilis kong ibinaba ang dalang maleta sa semento at sinalubong ko siya ng yakap. Ramdam ko rin ang pagkasabik nang gumanti siya ng yakap sa akin. “Gumanda ka pa lalo, ah. Kumusta ka na?” Natigilan ako. Kung puwede ko lang itago ang nararamdaman ko ginawa ko na pero nang titigan niya ako ay unti-unting pumatak ang aking mga luha. Pinahid ko iyon gamit ang likod ng aking palad at pilit na ngumiti. “Ayos lang ako. Ikaw ba?” balik kong tanong. Hindi siya kumibo bagkus kinuha na lamang niya ang maleta saka ako hinila papasok sa bahay ni Lola Esme. Marahas akong nagbuga ng hangin. Itabi ko muna ang problema ko at magkunwaring walang nangyari. “Lola Esme, kumusta na po kayo? Pasensiya na kung ngayon lang po ako nakadalaw,” bungad ko kay lola nang tuluyan na akong makaupo sa maliit na sofa. Nagmano ako at mabilis siyang niyakap. Matanda na siya. Bakas din sa mukha na may dinaramdam si lola. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nakita ko ang babae kani
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more
Chapter 3
Chapter 3:ISANG malakas na tili ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkatulog. Hindi na ako nag-aba pang magsuot ng bra at basta na lamang akong lumabas ng silid saka dumiretso sa sala. Naabutan kong umiiyak si Aling Bebeng, siya iyong kasa-kasama namin ni Lola Esme rito sa bahay.“Ano’ng nangyari? Bakit ho kayo umiiyak?” taranta kong tanong. Nilapitan ko pa siya para pakalmahin.Itinuro naman ni Aling Bebeng ang kuwarto ni lola habang patuloy siyang umiiyak. Mabilis kumabog ang aking dibdib nang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang dahilan kung bakit umiiyak si Aling Bebeng. Nanghihina kong inihakbang ang mga paa palapit sa silid ni lola at dito’y naabutan kong nakahiga siya sa manipis nitong kama habang wala nang buhay. Nanlumo akong napahawak sa malamig na bangkay ni Lola Esme habang walang patid ang pagtulo ng mga luha ko. “Lola Esme,” tanging nasambit ko. Napahagulhol ako nang iyak kasabay niyon ay ang pagyakap ko sa malamig niyang katawan. Isinubsob ko ang mukha
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more
Chapter 4
Parang kailan lang ay magkasintahan pa kami ni Niko. Pero ngayon magkahawak-kamay na kaming lumabas ng simbahan. Hindi ko akalain na sa mahabang panahong paghihintay ay nagkatuluyan din kaming dalawa. Sana wala nang balakid sa pagsasama namin. Sana lang ay hindi na mangyari sa kasalukuyan ang nangyari sa amin ng ex ko noon. Baka hindi ko na kakayanin.“MAHAL, may pupuntahan tayo,” bungad sa akin ni Niko. Katatapos lang namin kumain ng agahan at ngayon ay nagyaya na naman siyang umalis kami. Napangiti ako pero kaagad din napakunot ng noo nang mapansin ang butil-butil na pawis sa noo niya. Para din siyang kinakapos sa paghinga. “Mahal, may sakit ka ba?” takang tanong ko. Hindi siya sumagot. Nang makabawi ay mabilis niya akong nilapitan at ginanap ang aking dalawang kamay. Napalunok ako. Mataman niya akong tinitigan kapagkuwan ay kinintalan ako ng halik sa labi. Ramdam ko ang pananabik nito. Tinugunan ko naman ang bawat halik niya pero bago pa mauwi sa kung saan ang ginawa namin ay hi
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more
Chapter 5
“Sigurado ka ba na malaki ang sahod? Baka naman—”“Trust me, friend. Mabait naman ang batang aalagaan mo. Kung wala lang akong trabaho na maayos din, mas gusto pa roon para naman mapalapit ako sa ama niyang malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa mga babae,” putol ni Merry sa sasabihin ko.Napatango na rin ako bilang tugon. Pero kumunot din agad ang noo ko dahil sa huli nitong sinabi. Malamig pa sa yelo? Ano iyon, cold hearted ang ama ng bata? Kung totoong malaki nga ang pasahod doon bilang yaya, tiyak hindi ako aabot ng ilang buwan makapag-ipon agad ako. Mapapagamot ko na rin agad ang asawa ko.Humugot ako ng hangin saka ibinuga sa kawalan. Hawak-kamay kaming naglakad ni Merry ngayon papunta sa paradahan ng traysikel. Nakilala raw niya ang magiging amo ko— kung sakaling matatanggap ako sa isang mall kasama ang anak nito. Naghahanap daw ng mag-aalaga sa bata. Sana nga lang ay matanggap ako agad. Kailangan ko ng agarang trabaho ngayon. Kailangan ko pa si Niko.Makalipas ang ilang minuto
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more
Chapter 6
Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Matagal nag-sink in sa utak ko ang katagang, “Kapalit ng isang gabi.” Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kumuyom ang mga kamao ko na hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang paningin.“Tumatakbo ang oras, Mrs. Alonzo,” nakangisi nitong sambit. Tinitigan niya ako na tila nang-uuyam. Marahas akong bumuntonghininga bago nagtipa ng mensahe para kay Mama Pilar. Gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. “Ilang buwan na lang, magkikita na ulit tayo,” kausap ko sa sarili. Bumalong ang luha sa aking mga mata kasabay niyon ay ang unti-unti kong pagtango bilang pagsang-ayon. Lulunukin ko ang kahihiyan na ito madugtungan ko lamang ang buhay ni Niko. KINAGABIHAN, maaga pa lang nakatulog na si Precious. Naghanda na rin ako. Naligo at naglagay ng kaunting pabango. Pantulog na terno ang suot ko. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib pagkatapos ay ibinuga ito sa kawalan.Nabanggit na rin ni Philip sa akin kanina na naipadala na raw niya ang pe
last updateLast Updated : 2022-11-18
Read more
Chapter 7
ISANG buwan na simula nang mailibing si Niko. Masakit man ay kinakailangan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa isang iglap lang. Nanubig ang gilid ng mga mata ko habang matamang tinitigan ang mga naiwan niyang letrato kasama ako. Kuha pa namin ang mga ito sa bukid nila.Mapait akong napangiti. Ang pinapangarap kong masaya at matiwasay na pamumuhay ay hinaharangan ng kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay nabigo na naman akong makasama ang taong mahal ko.“Jessy, may naghahanap sa iyo.” Napalingon ako sa nagsalita. Pinahid ko muna ang natuyong luha sa aking pisngi bago nagpasyang tumayo. Nakangiti kong nilapitan ang biyenan kong babae habang nakatayo sa bukana ng pinto.Nasa poder pa rin ako ng mga magulang ni Niko. Gustong-gusto ko na sanang umalis pero hindi nila ako pinapayagan. Nahihiya man ay pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaupo si Merry sa sopa habang hawak ang kanyang cellphone. Mabilis siyang tumayo upang salubungin ako
last updateLast Updated : 2022-11-23
Read more
Chapter 8
Nagising akong sumasakit ang aking tiyan. Kumukurap-kurap ako. Ilang beses kong sinubukang bumangon pero bigo ako. Sobrang bigat ng katawan ko. Nabaling ang paningin ko sa bukana ng pinto nang iniluwa roon si Estong. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. Siya ang naisipan kong tawagan bago ako mawalan ng malay kanina. “Kumain ka mo na para malamanan ang sikmura mo.” Inilapag niya sa mesa ang pagkain. Hindi ako kumibo dahil masakit pa rin ang tiyan ko. Ano’ng klaseng sakit kaya ito at bakit hindi mawala-wala? Uminom na rin ako ng gamot para sa sakit sa tiyan pero lalo lamang itong sumasakit. Marahas akong bumuntonghininga bago sinulyapan si Estong. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang gumagalaw ang panga. Napatitig ako bigla sa kanya. Sumagi sa isip ko ang sinabi niya noong nakaraang araw. Napalunok ako. Kung puwede lang turuan ang puso, ginawa ko na. Sinubukan kong tumitig sa mga mata niya pero walang sign na may gusto ako sa kanya, kung mayro’n man akong narara
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
Chapter 9
Hindi na mabilang kung ilang beses na akong napalunok ng laway habang matamang pinagmasdan ang labas ng sasakyan. Bawat bahay na nakikita ng mga mata ko ay sinusuri ko nang mabuti. Hindi ko rin alam kung bakit. Kumakabog din ang aking dibdib sa ’di maipaliwanag na dahilan. Nilingon ko si Angelo nang gumalaw siya. Karga siya ni Nika. Nagprisenta siyang sumama sa akin. Wala rin naman daw siyang gagawin sa kanila kaya pumayag na ako at para na rin may makasama ako pagbalik sa Baguio. Bumalong ang luha sa mga mata ko nang maalala ang gagawing pag-iwan sa anak ko. Hindi ko man iyon gugustuhin pero wala na akong ibang maisip na paraan. Habang tumatagal ay palala na nang palala ang sakit ko. Hindi ko alam kung gagaling pa ba ako o hindi na.“Ate Jessy, malapit na po ba tayo? Ihing-ihi na kasi ako.” Napaigtad ako nang marinig si Nika na nagsalita. Ipinilig ko ang ulo nang makaramdam na naman ng pananakit sa aking tiyan. Pinilit kong huwag intindihin pero lalo lamang itong sumasakit. “Mala
last updateLast Updated : 2022-12-04
Read more
Chapter 10
ISANG LINGGO na ang matuling lumipas simula nang nakalabas ako ng ospital. Patuloy pa rin ang pagsusuri sa akin ng doktor na siyang binayaran ni Philip upang masusubaybayan ang kalagayan ko kahit nasa bahay lamang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran dahil sa ginawa niya sa akin. Pero sa ngayon, isa lang muna ang dapat kong iisipin, ang magpagaling para makasama ko pa nang matagal ang aking anak. “Are you alright?”Napalingon ako sa nagsalita. Kasalukuyan akong nakatayo sa veranda. Tinatanaw ko ang mga sasakyan na dumaraan.Mataman niya akong pinagmasdan na tila hinihintay ang aking sagot. May hawak siyang laptop na sa tantiya ko ay pupunta na naman siya sa library niya para doon magtrabaho.Tumango lamang ako. Ayaw kong makipagtitigan sa kanya nang matagal. Ayaw ko ring nakikita siya parati dahil binabalikan lang ako ng mga alaala namin noon. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa tuwing matitigan ko ang mga mata niya. Tumikhim ako nang hindi pa rin siya umaalis.
last updateLast Updated : 2022-12-06
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status