Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Matagal nag-sink in sa utak ko ang katagang, “Kapalit ng isang gabi.” Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kumuyom ang mga kamao ko na hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang paningin.“Tumatakbo ang oras, Mrs. Alonzo,” nakangisi nitong sambit. Tinitigan niya ako na tila nang-uuyam. Marahas akong bumuntonghininga bago nagtipa ng mensahe para kay Mama Pilar. Gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. “Ilang buwan na lang, magkikita na ulit tayo,” kausap ko sa sarili. Bumalong ang luha sa aking mga mata kasabay niyon ay ang unti-unti kong pagtango bilang pagsang-ayon. Lulunukin ko ang kahihiyan na ito madugtungan ko lamang ang buhay ni Niko. KINAGABIHAN, maaga pa lang nakatulog na si Precious. Naghanda na rin ako. Naligo at naglagay ng kaunting pabango. Pantulog na terno ang suot ko. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib pagkatapos ay ibinuga ito sa kawalan.Nabanggit na rin ni Philip sa akin kanina na naipadala na raw niya ang pe
Read more