Share

Chapter 4

Author: Scorpio93
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Parang kailan lang ay magkasintahan pa kami ni Niko. Pero ngayon magkahawak-kamay na kaming lumabas ng simbahan. Hindi ko akalain na sa mahabang panahong paghihintay ay nagkatuluyan din kaming dalawa. Sana wala nang balakid sa pagsasama namin. Sana lang ay hindi na mangyari sa kasalukuyan ang nangyari sa amin ng ex ko noon. Baka hindi ko na kakayanin.

“MAHAL, may pupuntahan tayo,” bungad sa akin ni Niko. 

Katatapos lang namin kumain ng agahan at ngayon ay nagyaya na naman siyang umalis kami. Napangiti ako pero kaagad din napakunot ng noo nang mapansin ang butil-butil na pawis sa noo niya. Para din siyang kinakapos sa paghinga. 

“Mahal, may sakit ka ba?” takang tanong ko. 

Hindi siya sumagot. Nang makabawi ay mabilis niya akong nilapitan at ginanap ang aking dalawang kamay. Napalunok ako. Mataman niya akong tinitigan kapagkuwan ay kinintalan ako ng halik sa labi. Ramdam ko ang pananabik nito. Tinugunan ko naman ang bawat halik niya pero bago pa mauwi sa kung saan ang ginawa namin ay hinila ko na siya palabas ng kusina.

“Tara na sa bukid. May ipapakita ako sa iyo,” aniya sabay hawak sa baywang ko. 

Natatawa naman akong sumunod sa kanya. Pagdating namin sa labasan, sakto at may dumaan na traysikel. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, excited akong sumakay habang hila-hila sa kamay ang asawa ko. Makalipas ang kalahating oras ay narating din namin ang kanilang bukirin. May iba’t ibang tanim ang mga magulang ni Niko. Gulay, mais at iba pa. Masarap pagmasdan ang matataas na puno at bangin. Masarap din langhapin ang preskong hangin na dumadampi sa aking balat. 

“Mahal, mula rito ay may magandang falls sa unahan. Tara na,” nakangiting sambit ni Niko sa akin. 

Hindi na ako nagprotesta pa nang hilahin niya ako papunta sa sinasabi nitong falls.

“Wow! Ang ganda naman dito!” bulalas ko habang akay-akay pa rin ni Niko ang aking kamay.

Napansin kong hinihingal siya at namumutla.

“Mahal, ayos ka lang ba talaga?” 

Hindi niya ako pinansin bagkus, ginagap niya ang aking mukha saka hinalikan ako sa labi. Napangiti ako pero kaakibat niyon ay kakaibang kaba. Hindi ko mawari ngunit may kakaiba sa kalusugan niya.

Namitas na rin kami ng mga gulay at prutas. Lahat ng nadadaanan namin ay pinipitas namin para maibenta ng mama ni Niko sa palengke kinabukasan. 

Nang makaramdan ng pagod, niyaya ko na si Niko na umuwi. Pagdating namin sa bahay, dumiretso na ako sa kusina. Naiwan si Niko habang kausap ang kanyang ina sa sala. 

“Oh, kumusta naman ang lakad n’yo?” bungad ni papa sa akin. May hawak itong sandok habang nakaharap sa akin.

Inilapag ko muna ang dala kong mga gulay saka lumapit sa mesa para kumuha ng baso. Nagsalin muna ako ng tubig bago ibinalik kay papa ang paningin. Seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon.

“May problema ba, Jessy? May bumabagabag ba sa isip mo?” 

Marahas akong bumuntonghininga kapagkuwan ay marahan kong ibanaba ang hawak na baso. Baka may alam si papa sa kalagayan ni Niko ngayon. Ayaw naman sabihin ni Niko sa akin kaya mas mabuting kay papa ako magtanong.

“Papa, may sakit—”

“Mahal, samahan mo ako.” 

Naputol ang sasabihin ko nang marinig ang boses ni Niko sa aking likuran. Ipinilig ko ang ulo. Makahanap din ako ng tiyempo para dito. Pinilit kong ngumiti kahit may bumabagabag sa isip ko. Malalaman ko rin kung ano nga ba talaga ang sakit ng asawa ko.

Pumunta kami sa park. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ito gawain ni Niko. Kadalasan kasi, isasama niya sa bukid nila para manguha ng prutas at gulay. Lalong nadadagdagan ang katanungan sa aking isip sa pinapakita ni Niko sa akin ngayon.

“Mahal, hayaan mong mahalin kita sa paraan na gusto ko. Masaya ako dahil sa wakas, asawa na kita. Dati-rati, hanggang tingin lang ang kaya kong ibigay sa iyo dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan natin,” nakangiti niyang sambit. 

Naalarma ako nang sunod-sunod ang paghinga nito nang malalim. Hinapit ni Niko ang aking baywang. Nginitian niya ako. Ngiti na hindi umabot sa mga mata nito. Ibang Niko ang nakikita ko ngayon. Parang may mali. Napatitig ako sa mga mata niya. 

Napalunok ako. “Niko, magsabi ka sa akin nang totoo. May sakit ka ba?” Hindi ko inalis ang paningin sa kanya.

Lalong kumabog ang aking dibdib nang iniwas niya ang mukha at ibinaling sa ibang direksyon. 

“Wala,” tipid nitong tugon. Marahas siyang bumuntonghininga. 

Hindi ako kumbinsido kaya naman hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Napalunok siya kasabay niyon ay ang unti-unting paglandas ng luha sa kanyang mga mata. Walang salitang namutawi sa aking bibig nang mapagtanto ang naging sagot niya. Malinaw na sa akin ngayon na may sakit siya.

“Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi?” mangiyak-ngiyak kong tanong. 

Naghahalo ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako at nalulungkot. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko man lang alam ang kalagayan niya.

“Ilang buwan na, mahal. Huwag kang mag-alala, mawawala rin ito.” 

Niyakap niya ako saka hinalikan sa noo. 

Ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin. Pumikit ako at niyakap ko rin siya sa baywang. Kusang tumulo ulit ang mga luha ko sa mga mata. 

“Huwag naman sana. Nagkasakit lang siya at hindi siya mamamatay,” ani ko sa aking isip.

Kinagabihan, maagang nakatulog si Niko habang ako dilat na dilat pa kaiisip sa kalagayan niya. Hindi ako makatulog nang dahil sa nalaman. Ayaw makisama ng utak ko. Kaya pala sobrang laki na ng ipinayat niya. May sakit na pala siya.

“Diyos ko! Pagalingin N’yo po ang asawa ko,” naiiyak kong sambit sa kawalan. 

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Masakit ang mga mata ko nang dumilat ako. Marahil kulang ako sa tulog dahil sa matinding pag-iisip. 

Pinilit kong bumangon kahit masakit ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. Nagtungo ako sa banyo para sana magbawas pero naudlot iyon nang makakita ako ng dugo sa sahig. Kumabog ang dibdib ko at mabilis tinungo ang labas ng pinto ng silid. Naabutan kong nakaupo si Niko sa maliit na sofa habang tahimik na nakatingin sa kawalan. Napansin ko rin ang ilang pasa sa braso niya. Hindi rin muna ako lumapit. Tahimik ko siyang pinagmasdan mula sa kinatatayuan ko. Hindi naman niya ako napansin. May hinala na ako kung anong klaseng sakit mayro’n siya— leukemia.

“Anak, kailan mo balak sabihin sa asawa mo ’yang sakit mo? Lumala na ’yan, Niko. maagapan pa natin ’yan.”

Napatingin ako sa bukana ng pinto nang marinig ang sinabi ni mama. Nakahalukipkip ito habang malungkot na pinagmasdan si Niko. 

“Sasabihin ko rin sa kanya ito, ’Ma.” 

“Pero malala na nga ’yan, anak!”

Wala sa sariling naglakad ako palapit sa kinaroroonan ni Niko. Umupo ako sa tabi niya nang walang salitang lumalabas sa bibig ko. Naiinis ako dahil sa pagsisinungaling niya pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal at awa ko sa kanya. Ayaw ko siyang mawala sa akin kaya gagawa ako nang paraan.

Lumunok ako ng laway bago nag-angat ng paningin. Nasa katabing upuan na rin ang kanyang ina. 

“Maghahanap ako ng trabaho para maipagamot kita.” Napalunok ako. 

Tila may bikig sa lalamunan ko. Hindi ko alam pero natatakot ako sa posibleng mangyari. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay aalis ako upang makahanap ng perang panggamot ko sa kanya. 

“Huwag mo akong iwan, mahal. Ikaw na lang ang lakas ko ngayon,” nagmamakaawa niyang sambit. 

Napalunok ako nang makita ang isang butil ng luha sa mga mata niya. Nasa hapag kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng agahan. Bakas sa mukha niya ang hirap at sakit. 

Umiling ako. “Sorry, Niko. Pero mas kailangan natin ngayon ng pera para mapagamot ka. Madali lang ito. Kapag nakaipon na ako, babalikan kita agad,” mangiyak-ngiyak kong turan.

Nag-iwas ako ng tingin nang titigan niya ako. Sunod-sunod na rin ang pagtulo ng mga luha ko sa mga mata. Para akong sinasakal, nahihirapan akong huminga dahil sa problemang kinasadlakan namin ngayon. 

Ilang beses pa niya akong pigilan pero nagmatigas ako. Sapilitan akong umalis kahit ayaw niyang iwan ko siya. 

“Babalikan kita, mahal. At sa pagbalik ko, gagaling ka na.” 

“Mahal na mahal kita, Jessy. Minu-minuto kitang mamahalin hanggang sa huli kong hininga.” 

Bumabalik sa balintataw ko ang naging usapan namin ni Niko bago ako tuluyang umalis. Pinahid ko ang luhang kusang tumulo sa aking pisngi. Makikipagsapalaran ako rito sa Maynila upang malapatan man lang ng gamot ang aking asawa. 

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Mhonica M Librezana
unlock plss
goodnovel comment avatar
Mhonica M Librezana
so sad story
goodnovel comment avatar
Scorpio93
Now lang po ako naghalungkat, mam...... salamat po.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 5

    “Sigurado ka ba na malaki ang sahod? Baka naman—”“Trust me, friend. Mabait naman ang batang aalagaan mo. Kung wala lang akong trabaho na maayos din, mas gusto pa roon para naman mapalapit ako sa ama niyang malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa mga babae,” putol ni Merry sa sasabihin ko.Napatango na rin ako bilang tugon. Pero kumunot din agad ang noo ko dahil sa huli nitong sinabi. Malamig pa sa yelo? Ano iyon, cold hearted ang ama ng bata? Kung totoong malaki nga ang pasahod doon bilang yaya, tiyak hindi ako aabot ng ilang buwan makapag-ipon agad ako. Mapapagamot ko na rin agad ang asawa ko.Humugot ako ng hangin saka ibinuga sa kawalan. Hawak-kamay kaming naglakad ni Merry ngayon papunta sa paradahan ng traysikel. Nakilala raw niya ang magiging amo ko— kung sakaling matatanggap ako sa isang mall kasama ang anak nito. Naghahanap daw ng mag-aalaga sa bata. Sana nga lang ay matanggap ako agad. Kailangan ko ng agarang trabaho ngayon. Kailangan ko pa si Niko.Makalipas ang ilang minuto

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 6

    Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Matagal nag-sink in sa utak ko ang katagang, “Kapalit ng isang gabi.” Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kumuyom ang mga kamao ko na hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang paningin.“Tumatakbo ang oras, Mrs. Alonzo,” nakangisi nitong sambit. Tinitigan niya ako na tila nang-uuyam. Marahas akong bumuntonghininga bago nagtipa ng mensahe para kay Mama Pilar. Gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. “Ilang buwan na lang, magkikita na ulit tayo,” kausap ko sa sarili. Bumalong ang luha sa aking mga mata kasabay niyon ay ang unti-unti kong pagtango bilang pagsang-ayon. Lulunukin ko ang kahihiyan na ito madugtungan ko lamang ang buhay ni Niko. KINAGABIHAN, maaga pa lang nakatulog na si Precious. Naghanda na rin ako. Naligo at naglagay ng kaunting pabango. Pantulog na terno ang suot ko. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib pagkatapos ay ibinuga ito sa kawalan.Nabanggit na rin ni Philip sa akin kanina na naipadala na raw niya ang pe

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 7

    ISANG buwan na simula nang mailibing si Niko. Masakit man ay kinakailangan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa isang iglap lang. Nanubig ang gilid ng mga mata ko habang matamang tinitigan ang mga naiwan niyang letrato kasama ako. Kuha pa namin ang mga ito sa bukid nila.Mapait akong napangiti. Ang pinapangarap kong masaya at matiwasay na pamumuhay ay hinaharangan ng kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay nabigo na naman akong makasama ang taong mahal ko.“Jessy, may naghahanap sa iyo.” Napalingon ako sa nagsalita. Pinahid ko muna ang natuyong luha sa aking pisngi bago nagpasyang tumayo. Nakangiti kong nilapitan ang biyenan kong babae habang nakatayo sa bukana ng pinto.Nasa poder pa rin ako ng mga magulang ni Niko. Gustong-gusto ko na sanang umalis pero hindi nila ako pinapayagan. Nahihiya man ay pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaupo si Merry sa sopa habang hawak ang kanyang cellphone. Mabilis siyang tumayo upang salubungin ako

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 8

    Nagising akong sumasakit ang aking tiyan. Kumukurap-kurap ako. Ilang beses kong sinubukang bumangon pero bigo ako. Sobrang bigat ng katawan ko. Nabaling ang paningin ko sa bukana ng pinto nang iniluwa roon si Estong. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. Siya ang naisipan kong tawagan bago ako mawalan ng malay kanina. “Kumain ka mo na para malamanan ang sikmura mo.” Inilapag niya sa mesa ang pagkain. Hindi ako kumibo dahil masakit pa rin ang tiyan ko. Ano’ng klaseng sakit kaya ito at bakit hindi mawala-wala? Uminom na rin ako ng gamot para sa sakit sa tiyan pero lalo lamang itong sumasakit. Marahas akong bumuntonghininga bago sinulyapan si Estong. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang gumagalaw ang panga. Napatitig ako bigla sa kanya. Sumagi sa isip ko ang sinabi niya noong nakaraang araw. Napalunok ako. Kung puwede lang turuan ang puso, ginawa ko na. Sinubukan kong tumitig sa mga mata niya pero walang sign na may gusto ako sa kanya, kung mayro’n man akong narara

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 9

    Hindi na mabilang kung ilang beses na akong napalunok ng laway habang matamang pinagmasdan ang labas ng sasakyan. Bawat bahay na nakikita ng mga mata ko ay sinusuri ko nang mabuti. Hindi ko rin alam kung bakit. Kumakabog din ang aking dibdib sa ’di maipaliwanag na dahilan. Nilingon ko si Angelo nang gumalaw siya. Karga siya ni Nika. Nagprisenta siyang sumama sa akin. Wala rin naman daw siyang gagawin sa kanila kaya pumayag na ako at para na rin may makasama ako pagbalik sa Baguio. Bumalong ang luha sa mga mata ko nang maalala ang gagawing pag-iwan sa anak ko. Hindi ko man iyon gugustuhin pero wala na akong ibang maisip na paraan. Habang tumatagal ay palala na nang palala ang sakit ko. Hindi ko alam kung gagaling pa ba ako o hindi na.“Ate Jessy, malapit na po ba tayo? Ihing-ihi na kasi ako.” Napaigtad ako nang marinig si Nika na nagsalita. Ipinilig ko ang ulo nang makaramdam na naman ng pananakit sa aking tiyan. Pinilit kong huwag intindihin pero lalo lamang itong sumasakit. “Mala

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 10

    ISANG LINGGO na ang matuling lumipas simula nang nakalabas ako ng ospital. Patuloy pa rin ang pagsusuri sa akin ng doktor na siyang binayaran ni Philip upang masusubaybayan ang kalagayan ko kahit nasa bahay lamang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran dahil sa ginawa niya sa akin. Pero sa ngayon, isa lang muna ang dapat kong iisipin, ang magpagaling para makasama ko pa nang matagal ang aking anak. “Are you alright?”Napalingon ako sa nagsalita. Kasalukuyan akong nakatayo sa veranda. Tinatanaw ko ang mga sasakyan na dumaraan.Mataman niya akong pinagmasdan na tila hinihintay ang aking sagot. May hawak siyang laptop na sa tantiya ko ay pupunta na naman siya sa library niya para doon magtrabaho.Tumango lamang ako. Ayaw kong makipagtitigan sa kanya nang matagal. Ayaw ko ring nakikita siya parati dahil binabalikan lang ako ng mga alaala namin noon. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa tuwing matitigan ko ang mga mata niya. Tumikhim ako nang hindi pa rin siya umaalis.

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 11

    “Are you sure? Angelo is my son?” Mariing naglapat ang mga labi ko. Unti-unti akong lumingon bagay na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Kumuyom ang mga kamo ko na hindi naman nakaligtas sa paningin niya.Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan niya at binigyan siya nang masamang tingin. “Talaga ba’ng gano’n karumi ang tingin mo sa akin para pagdudahan mo? How could you, Philip? Ikaw nga ’tong unang nagloko!” Hindi ko napigilan ang sarili at mabilis ko siyang sinampal sa mukha. Natabingi ang mukha niya sa ginawa kong pagsampal dito. Hindi pa ako nakontento, sinampal ko rin ang kabila ngunit sa pagkakataong iyon ay nahuli niya ang kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Napapikit ako nang pumasok agad sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango. Umigting ang panga niya at madilim ang mukha. “I’m sorry, but I need to confirm kung nagsasabi ka nga ba talaga sa akin nang totoo.”Oo nga pala. Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang bagay na iyon sa umpisa pa lang?

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 12

    Rated SPG. PASADO alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, uminom na rin naman ako ng gatas. Sinilip ko ng tingin si Angelo sa kanyang kuna, mahimbing na ang tulog niya. Kinumutan ko siya nang mahawakan ang malamig niyang balat. Hininaan ko na rin ang air con. Napangiti ako. Napagod yata siya kanina sa pamamasyal namin. Dito na rin ako natulog sa kuwarto niya para maasikaso ko siya agad. Maaga pa naman kami aalis bukas. Marahas akong bumuga ng hangin sa aking ilong bago ipinasyang bumangon. Dahan-dahan akong naglakad upang hindi makalikha ng ingay. Nang tuluyang makalabas ng silid ay maingat kong isinara ang pinto. Napalunok ako nang makita si Philip sa sala na kasalukuyang umiinom. Dalawang bote na rin ng red wine ang naubos niya.Nag-angat siya ng mukha sa akin. Mataman niya akong tinitigan sa mga mata. Tila kinikilatis niya pa ako nang husto. Ilang saglit pa ay tumayo na siya. Umakma siyang maglakad pero mabilis din siyang natumba.“Philip

Pinakabagong kabanata

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 32

    “Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang panggugulo mo sa buhay namin? Ano pa bang kailangan mo, ha?!”“Gusto ko lang naman mag-usap tayo, Jessy.” “Wala tayong dapat pag-usapan, Noah. Wala akong obligasyon sa ’yo, kaya umalis ka na sa buhay namin!” singhal ko sa kanya.Narinig ko ang pagtagis ng bagang niya pero nananatili akong nakatingin sa kanya nang masama. Hindi ko alam kung bakit may mga taong mahilig manggulo ng buhay ng ibang tao. “Umalis ka na, Noah! Kung ayaw mong tumawag kami ng pulis!” banta naman ni Merry sa kanya. Pero sa halip na makinig ay unti-unting humakbang palapit sa kinaroroonan ko si Noah.“Hindi pa rito nagtatapos ang lahat, Jessy,” bulong niya sa akin bagay na nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong sistema ko.Napalunok at napayakap sa sarili. Ayaw kong isipin na banta ‘yun pero kakaiba ang sinasabi ng utak at isip ko. Ilang beses akong kumukurap hanggang sa nakarinig na lamang ako ng ugong ng sasakyan, tanda na papalayo na si Noah sa bahay.“Ayos ka

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 31

    ISANG ORAS na ang nakalipas mula nang dumating kami rito sa hospital. Hindi na rin masyadong mataas ang lagnat ni Angelo. Hindi gaya kanina na nakakapaso ang temperatura niya.“Don’t worry, hon. Magiging maayos din ang lahat.” Mabilis akong napaangat ng tingin sa taong nagsalita. Walang buhay ko siyang tiningnan. Sa totoo lang, masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya, pero hindi rin puwedeng hindi ko sabihin sa kanya ang nangyari sa anak namin.Huminga ako nang malalim. “Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa anak ko, Philip.” “Hindi ko hahayaang mangyari ‘yan, hon. I promise na poprotektahan ko kayo. Magkasama nating harapin ang—”“Huwag ka nang mangako, Philip. Dahil alam ko naman na hanggang ngayon, may inilihim ka pa rin sa akin,” walang emosyon kong sagot. Marahas akong bumuntonghininga bago hinawakan ang maliit na kamay ng aking anak. Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang pinagmasdan ang natutulog kong anak. Wala pang muwang sa mundo pero kapag gumawa na naman

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 30

    Nagtagis ang bagang ko habang sinusundan palabas ng bahay si Jessy. I didn't know kung bakit nangahas na namang pasukin ng Noah na ‘yun ang pamamahay ko. Alam ko ang motibo niya simula pa lang—ang angkinin kasama ng hilaw kong pinsan ang pagmamay-ari ko. Habang nabubuhay ako, ‘yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Magkamatayan muna kami bago nila makuha ang nais sa akin o sa pamilya ko.Pagdating sa labas ng bahay, tanaw ko mula sa ‘di kalayuan si Noah habang hawak sa kabilang kamay ang itim na sun glass. Nang makita niya kami ay malapad ang ngiting iginawad sa amin na batid kong kaplastikan lang naman ‘yun.“Oh, I thought wala ka rito, Philip? Well, hindi naman talaga ikaw ang sadya ko rito kundi si Jessy. So, puwede bang bigyan mo kami ng privacy?” Umigting ang panga ko dahil sa narinig. Privacy? Minamanduhan niya ako sa sarili kong pamamahay? “F*ck you, Noah! Wala kang karapatang utos-utusan ako sa sarili kong pamamahay! Now! Get out of my house! Leave my wife alone!” “Oh, wow! Ju

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 29

    Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Hindi nila napansin kaya nagtago ako sa mayayabong na halaman. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Leo habang nakipagsagutan kay Alma. Hindi ko eksaktong naririnig ang pinag-usapan nila. Pero narinig ko ang pangalan ni Philip. Ano na naman kaya ang plano nila? Makaraan ang ilang minuto ay tumalikod na si Alma papasok sa loob. Kaya naman nagmamadali akong lumayo at nagtungo malapit sa pool. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagtikhim niya sa likuran ko. Hindi ako nagpapahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Wala rin naman akong masyadong naiintindihan doon.“Jessy, aalis na pala ako bukas. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Napalingon ako nang marinig ang sinabi niya. Aalis na siya bukas? Edi mas mabuti kung gano'n para mapanatag na ang loob ko. Tipid akong ngumiti saka tumango.“Oo naman, Alma. Akong bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala, aalagaan at mamahalin ko na parang tunay na anak si Princess.” “Thank you,

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 28

    “Anong ginagawa mo rito?” walang buhay kong tanong. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Kumuyom ang mga kamao ko habang matamang nakatitig sa harap. Napansin ‘yun ni Cedric kaya maagap niyang hinawakan ang balikat ko. “Don’t touch my woman, Cedric! Kung ayaw mong magkagulo tayo rito!” Namilog ang mga mata ko nang marinig ang malaking boses ni Philip sa likuran ko. At sa isang iglap lang ay mabilis niyang hinaklit ang braso ko. Napaigik ako nang makaramdam ng pananakit sa bandang hinawakan niya. “Hey. Relax, dude. Hindi ko aagawin sa ‘yo ang asawa mo. Nagkataon lang na nagpang-abot kami rito. Kapatid ang tingin ko sa kanya at wala nang iba,” maagap na sagot ni Cedric. Napalunok ako nang maramdamang bahagyang idiin ni Philip ang kamay niya sa braso ko. Kaya naman dahil sa gulat ay mabilis ko itong hinaklit saka dumistansya ng ilang dipa.“Hindi ba? E, malinaw naman na inaakit mo siya. May pahawak-hawak ka pa ngang nalalaman, eh!” maktol ni Philip sa kaharap. Akmang uundayan n

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 27

    Nagising akong bumungad sa akin ang madilim na paligid. Nagpalinga-linga ako at pilit inaaninag ang bawat madadaanan ng mga mata ko. Mayamaya pa ay lumiwanag ang paligid. Binuksan pala ni Philip ang switch. May bitbit siyang tray na naglalaman ng pagkain.“How are you, Hon? May masakit pa rin ba sa ‘yo?” sunod-sunod niyang tanong habang papalapit sa kama. Tumango ako saka nagtangkang bumangon pero mabigat pa rin ang ulo ko. “Huwag kang bumangon baka mabinat ka pa.” Inilapag niya sa mini table ang tray bago kinuha ang kumot na nakatakip sa akin saka ako inalalayang bumangon. Ilang sandali pa, tumunog din ang kanyang cellphone. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa bago niyang kasosyo sa negosyo na si Cedric, pero nagdadalawang-isip din ako. Ayaw ko rin isipin niya na interesado ako sa lalaking ‘yun. Napalunok ako nang biglang sumagi sa isip ko ang pamilyar nitong boses. “Sure. Darating ako bukas ng 7:30 PM.” Nag-angat ako ng mukha nang marinig ang sinabi ni Philip. Mukhang minadali

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 26

    Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang cellphone. Mayamaya pa ay narinig kong huminga nang malalim ang taong nasa kabilang linya. Lalong kumunot ang noo ko dahil hindi naman siya nagsasalita. Ilang saglit pa, biglang na lang namatay ang tawag sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla na lang tinambol nang matinding kaba ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ako mapalagay habang tinititigan ko ang cellphone na kasalukuyan kong hawak-hawak. Sandali akong natigilan saka nag-isip kung paano nakuha ng estrangherong lalaking iyon ang numero ko. Sino kaya siya? Saan kaya niya nakuha ang phone number ko? Pumikit ako at nagpasyang hindi na tutuloy sa paglabas. Pinapaintindi ko na lamang kay Princess kung bakit hindi kami makaalis ng bahay. “Wow! May baby na ulit tayo, Mommy?” excited niyang tanong habang hinahaplos-haplos ang aking tiyan.Tumango ako. “Oo, Princess. Kaya hindi na muna tayo tutuloy kasi biglang sumakit ang tiyan ni Mommy, ha?” Ala

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 25

    Hindi ako nakatulog kaagad kinagabihan dahil sa misteryosong lalaking iyun. Huminga ako nang malalim. Umupo sa kama saka nag-isip ng paraan kung paano ko mahuhuli sa akto ang lalaking ’yun. Kailangan ko rin sabihin kay Philip ang tungkol doon para hindi siya mag-isip nang masama o ’di kaya’y mag-alala sa akin. Bumangon ako saka nagpasyang magtungo sa kusina. Baka sakaling dalawin na ako ng antok kapag uminom ako ng gatas. ’Yun kasi ang parating sinasabi sa akin ni Mama noon. Madali raw makatulog kapag gatas ang iniinom. Binuksan ko ang switch. Pagkatapos, dali-dali kong tinungo ang thermos saka kumuha ng baso. Habang hinahalo ko ang gatas, bigla na namang sumagi sa isip ko ang lalaking iyon. Ano kaya ang pakay niya? Bakit palagi siyang nagpapakita sa akin? Huminga ako nang malalim bago humakbang palabas ng kusina. Pagdating ko sa silid ni Philip, mabilis kong dinampot ang cellphone na nakapatong sa mini table. Hinanap ko ang numero niya. Ilang oras na siyang umalis pero hindi pa si

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 24

    Tanging tunog lamang ng kutsara’t tinidor ang naririnig mula sa hapag. Hindi ako kumibo kahit nakaramdam na ako ng inis sa taong kaharap ko ngayon. Ang lakas ng loob magpakita sa amin pagkatapos niyang lasunin ang sariling anak. Ang kapal ng mukha.Napapailing ako bago binilisan ang pagsubo. Ayaw kong makikipagplastikan sa kanya. Sa totoo lang, ang sarap sapakin ng mukha niya kung wala lang sa harap si Princess. Kumukulo ang dugo ko hanggang ngayon nang dahil sa ginawa niya sa bata. Buong buhay ko, ngayon pa ako nakaka-encounter ng ina na sinubukang patayin ang sariling anak. Para siyang hindi tao sa ginawa niya.“Mag-usap tayong tatlo pagkatapos kumain,” walang buhay na sambit ni Philip.Mabilis akong napatingin sa kanya. Blangko ang mukha niya at gumagalaw pa ang panga habang nakatingin kay Alma. Hindi pa rin ako kumikibo sa halip, binilisan ko na lamang ang pagkain. Nang matapos, nauna na akong lumabas ng kusina at dumiretso ako sa sala. “Where’s Philip?”Mabilis akong napalingon

DMCA.com Protection Status