Chapter: Chapter 33MAHIGIT ISANG ORAS na simula nang makaalis sina Cedric at Merry. Sinubukan kong umidlip pero hindi ako makatulog. Kaya lumabas na lamang ako sa silid at dumiretso sa kusina. “Jessy! We need to talk!” Natigilan ako nang marinig ang baritonong boses ni Philip sa labas ng bahay. Gumalaw ang panga ko at kuyom ang mga kamaong tinungo ang daan palabas ng bahay. “Anong kailangan mo?” malamig kong tanong sa kanya.Kumibot ang labi niya saka bahagyang lumapit sa akin. “We need to talk, Jes—”“Wala na tayong dapat pag-usapan, Philip! Tapos na tayo! Dahil ikaw na mismo ang tumapos sa l*tseng relasyong ito!”Hindi ko na napigilan ang sariling sumabog. At sa isang iglap lang ay dumapo ang palad ko sa mukha niya.“Tapos na tayo, Philip! Tama na ang pananakit mo sa akin!” “No! Hindi ako papayag! What’s wrong with you?” seryoso niyang tanong. Napalunok ako’t napakunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya alam na katabi niya si Alma sa kama kagabi? “Sinong inuuto mo, Philip? May amnes
Huling Na-update: 2024-11-23
Chapter: Chapter 32 “Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang panggugulo mo sa buhay namin? Ano pa bang kailangan mo, ha?!”“Gusto ko lang naman mag-usap tayo, Jessy.” “Wala tayong dapat pag-usapan, Noah. Wala akong obligasyon sa ’yo, kaya umalis ka na sa buhay namin!” singhal ko sa kanya.Narinig ko ang pagtagis ng bagang niya pero nananatili akong nakatingin sa kanya nang masama. Hindi ko alam kung bakit may mga taong mahilig manggulo ng buhay ng ibang tao. “Umalis ka na, Noah! Kung ayaw mong tumawag kami ng pulis!” banta naman ni Merry sa kanya. Pero sa halip na makinig ay unti-unting humakbang palapit sa kinaroroonan ko si Noah.“Hindi pa rito nagtatapos ang lahat, Jessy,” bulong niya sa akin bagay na nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong sistema ko.Napalunok at napayakap sa sarili. Ayaw kong isipin na banta ‘yun pero kakaiba ang sinasabi ng utak at isip ko. Ilang beses akong kumukurap hanggang sa nakarinig na lamang ako ng ugong ng sasakyan, tanda na papalayo na si Noah sa bahay.“Ayos ka
Huling Na-update: 2024-10-31
Chapter: Chapter 31ISANG ORAS na ang nakalipas mula nang dumating kami rito sa hospital. Hindi na rin masyadong mataas ang lagnat ni Angelo. Hindi gaya kanina na nakakapaso ang temperatura niya.“Don’t worry, hon. Magiging maayos din ang lahat.” Mabilis akong napaangat ng tingin sa taong nagsalita. Walang buhay ko siyang tiningnan. Sa totoo lang, masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya, pero hindi rin puwedeng hindi ko sabihin sa kanya ang nangyari sa anak namin.Huminga ako nang malalim. “Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa anak ko, Philip.” “Hindi ko hahayaang mangyari ‘yan, hon. I promise na poprotektahan ko kayo. Magkasama nating harapin ang—”“Huwag ka nang mangako, Philip. Dahil alam ko naman na hanggang ngayon, may inilihim ka pa rin sa akin,” walang emosyon kong sagot. Marahas akong bumuntonghininga bago hinawakan ang maliit na kamay ng aking anak. Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang pinagmasdan ang natutulog kong anak. Wala pang muwang sa mundo pero kapag gumawa na naman
Huling Na-update: 2024-10-01
Chapter: Chapter 30Nagtagis ang bagang ko habang sinusundan palabas ng bahay si Jessy. I didn't know kung bakit nangahas na namang pasukin ng Noah na ‘yun ang pamamahay ko. Alam ko ang motibo niya simula pa lang—ang angkinin kasama ng hilaw kong pinsan ang pagmamay-ari ko. Habang nabubuhay ako, ‘yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Magkamatayan muna kami bago nila makuha ang nais sa akin o sa pamilya ko.Pagdating sa labas ng bahay, tanaw ko mula sa ‘di kalayuan si Noah habang hawak sa kabilang kamay ang itim na sun glass. Nang makita niya kami ay malapad ang ngiting iginawad sa amin na batid kong kaplastikan lang naman ‘yun.“Oh, I thought wala ka rito, Philip? Well, hindi naman talaga ikaw ang sadya ko rito kundi si Jessy. So, puwede bang bigyan mo kami ng privacy?” Umigting ang panga ko dahil sa narinig. Privacy? Minamanduhan niya ako sa sarili kong pamamahay? “F*ck you, Noah! Wala kang karapatang utos-utusan ako sa sarili kong pamamahay! Now! Get out of my house! Leave my wife alone!” “Oh, wow! Ju
Huling Na-update: 2024-09-15
Chapter: Chapter 29Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Hindi nila napansin kaya nagtago ako sa mayayabong na halaman. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Leo habang nakipagsagutan kay Alma. Hindi ko eksaktong naririnig ang pinag-usapan nila. Pero narinig ko ang pangalan ni Philip. Ano na naman kaya ang plano nila? Makaraan ang ilang minuto ay tumalikod na si Alma papasok sa loob. Kaya naman nagmamadali akong lumayo at nagtungo malapit sa pool. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagtikhim niya sa likuran ko. Hindi ako nagpapahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Wala rin naman akong masyadong naiintindihan doon.“Jessy, aalis na pala ako bukas. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Napalingon ako nang marinig ang sinabi niya. Aalis na siya bukas? Edi mas mabuti kung gano'n para mapanatag na ang loob ko. Tipid akong ngumiti saka tumango.“Oo naman, Alma. Akong bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala, aalagaan at mamahalin ko na parang tunay na anak si Princess.” “Thank you,
Huling Na-update: 2024-09-12
Chapter: Chapter 28“Anong ginagawa mo rito?” walang buhay kong tanong. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Kumuyom ang mga kamao ko habang matamang nakatitig sa harap. Napansin ‘yun ni Cedric kaya maagap niyang hinawakan ang balikat ko. “Don’t touch my woman, Cedric! Kung ayaw mong magkagulo tayo rito!” Namilog ang mga mata ko nang marinig ang malaking boses ni Philip sa likuran ko. At sa isang iglap lang ay mabilis niyang hinaklit ang braso ko. Napaigik ako nang makaramdam ng pananakit sa bandang hinawakan niya. “Hey. Relax, dude. Hindi ko aagawin sa ‘yo ang asawa mo. Nagkataon lang na nagpang-abot kami rito. Kapatid ang tingin ko sa kanya at wala nang iba,” maagap na sagot ni Cedric. Napalunok ako nang maramdamang bahagyang idiin ni Philip ang kamay niya sa braso ko. Kaya naman dahil sa gulat ay mabilis ko itong hinaklit saka dumistansya ng ilang dipa.“Hindi ba? E, malinaw naman na inaakit mo siya. May pahawak-hawak ka pa ngang nalalaman, eh!” maktol ni Philip sa kaharap. Akmang uundayan n
Huling Na-update: 2024-09-10