MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO

MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO

last updateLast Updated : 2022-08-02
By:  eleb_heart  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
26Chapters
5.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang salitang kasal ay wala pa sa isip ni Olivia dahil inienjoy niya pa ang kanyang buhay. Inuubos niya ang kanyang panahon sa pagta-travel sa ibat ibang bansa. She is enjoying her life. She just turned 22 and yet, hindi pa rin niya natatapos ang kinukuha niyang kursong business management. Not until she found out about her marriage. His father agreed to an arranged marriage with the son of his kumpare years ago. She was dumbfounded with the news and she couldn't believe that his father made a decision like this. "How could I marry a man that I don't love? How could I get into marriage when I am not yet ready?" She asked her parents while crying. Hindi niya matanggap ang lahat kaya isa lamang ang pumasok sa isip niya, ang pagtakas. Can she really runaway to her soon to be husband?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

One UMALINGAW- ngaw ang pagsuntok sa lamesa ni Ivan pagkatapos niyang marinig ang isinasaad ng testamentong hawak - hawak ng abogado ng kanilang pamilya ng mga oras na iyon. Naroon ito upang basahin sa kanya ang nilalaman ng last will testament ng kanyang ama kung saan ilang taon na itong namayapa. Hindi niya inasahan na may iniwan pala itong last will and testament dahil nag - iisa lang naman siyang anak nito kaya laking pagtataka niya na meron pa itong ganuon. Hindi niya napigilan na mapakuyom ang kanyang mga kamay ng mga oras na iyon, wala sa sarili siyang napasandal sa kanyang swivel chair pagkatapos ay inagaw ang hawak - hawak na papel ng kanilang abogado na nasa harap niya lamang at nakaupo. Binasa niya ang sinasaad ng kasulatan, hindi niya napigilan na magtagis ang kanyang mga bagang nang mabasa nga ang kasulatan. Hindi siya makapaniwala sa nakasaad doon, it was insane. Ivan needs to marry the daughter of my kompare to have all my wealth. If he don't, all the assets and mo

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
RIAN
Update po... Ang ganda Author............
2022-07-31 22:42:05
1
26 Chapters

Chapter 1

One UMALINGAW- ngaw ang pagsuntok sa lamesa ni Ivan pagkatapos niyang marinig ang isinasaad ng testamentong hawak - hawak ng abogado ng kanilang pamilya ng mga oras na iyon. Naroon ito upang basahin sa kanya ang nilalaman ng last will testament ng kanyang ama kung saan ilang taon na itong namayapa. Hindi niya inasahan na may iniwan pala itong last will and testament dahil nag - iisa lang naman siyang anak nito kaya laking pagtataka niya na meron pa itong ganuon. Hindi niya napigilan na mapakuyom ang kanyang mga kamay ng mga oras na iyon, wala sa sarili siyang napasandal sa kanyang swivel chair pagkatapos ay inagaw ang hawak - hawak na papel ng kanilang abogado na nasa harap niya lamang at nakaupo. Binasa niya ang sinasaad ng kasulatan, hindi niya napigilan na magtagis ang kanyang mga bagang nang mabasa nga ang kasulatan. Hindi siya makapaniwala sa nakasaad doon, it was insane. Ivan needs to marry the daughter of my kompare to have all my wealth. If he don't, all the assets and mo
Read more

Chapter 2

TwoMEDYO ramdam na ni Ivan ang pagkahilo ng mga oras na iyon. Nasa bar siya sa mga oras na iyon. Kaninang umalis siya sa kanyang opisina pagkatapos niyang malaman kung ano ang isinasaad ng last will and testament ng kanyang Ama ay dumiretso siya doon.Hanggang sa mga oras kase na iyon ay halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nabasa niyang nakasulat doon. Anong petsa na ba? Anong taon na ba para sa isang kasal na katulad n'yon dahil sa pagkakatanda niya ay nasa 21st century na kaya wala na isip niya na pwede pa palang mangyari ang mga bagay na iyon.Napasapo siya sa kanyang ulo habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa counter ng bar kung saan siya nakaupo nang may lumapit na namang isang babae sa kanyang tabi. Hindi niya man iyon lingunin ay alam niya na babae iyon dahil amoy na amoy niya ang matamis nitong pabango.Lumingon siya rito at nasalubong niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Sa pagkakatitig pa lamang nito sa kanya ay nasisiguro na niyang gusto siya nito dahil ki
Read more

Chapter 3

ThreeHANGGANG sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nagsi - sink in sa utak ni Via ang lahat ng napag - usapan nilang mag - ama kaninang hapon lang. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isipin sa sinabi sa kanya ng kanyang ama. Ano bang pumasok sa utak nito para magdesisyon ng ganun?Napakatanda na niya para ganitong klaseng bagay. Arranged marriage my foot! She said to herself. Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang salitang arranged marriage kaya laking - gulat niya ng sabihin ng kanyang ama ang isang bagay na ikinagulat niya.Kailangan niya daw magpakasal sa taong anak ng kaibigan niya. Napapikit siya ng mariin habang nakaupo sa kanyang kama pagkatapos ay bumalik sa kanyang isip ang naging pag - uusap nila ng kanyang ama kanina lamang hapon.Napaka-ganda ng gising niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit. May ngiti pa nga siya sa kanyang mga labi nang bumangon siya mula sa kanyang kama.Agad siyang nag - inat at sumandal sa headboard ng kanyang kama at pagkatap
Read more

Chapter 4

FourDIS - oras na ng gabi ay dilat pa rin ang mga mata ni Via habang nakatitig sa kanyang kisame sa mga oras na iyon. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang nalaman niya kanina lamang, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya matanggap ang lahat.Muli niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang dibdib dahil sa muli na namang pagsagi sa kanyang isip ng bagay na iyon. Hindi niya na rin namalayan na muli na namang nag - init ang sulok ng kanyang mga mata dahil dito.Bakit ba kase kailangan pa na gawin iyon ng Daddy niya? Bakit kailangan na sila ang mamili ng taong pakakasalan niya?Oo, alam niya na magulang niya ang mga ito at mas nakatatanda sa kanya ngunit ang pagpili ng taong makakasama niya sa kanyang buhay ay hindi na dapat pa nilang sinasaklaw dahil unang - una ay hindi naman sila ang makikisama sa taong pinili ng mga ito para sa kanya balang araw kundi siya, kaya napakalaking tanong sa kanyang isip kung ano ang pumasok sa isip ng Daddy niya sa pakikipagkasundo nito para
Read more

Chapter 5

FiveANG kanyang paningin ay medyo nanlalabo na dahil sa matinding pagkahilo dahil sa alak na ininom niya sa bar. Kaninang bago siya umalis doon ay hindi pa naman ganun ang pakiramdam niya.Ni wala nga siyang nararamdaman na hilo kanina kaya nagtataka siya kung bakit ganun na lamang katindi ang hilo niya ng mga oras na iyon. Pilit niyang tinitingnan ang kanyang suot na relo upang tingnan kung anong oras na nga ba, ngunit kahit anong pilit niyang tingnan ay hindi na niya makita pa iyon ng malinawag dahil malabo na nga ang kanyang paningin nang mga oras na iyon.Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela ay napahawak naman ang isa sa kanyang sentido upang hilutin ito upang maibsan man lang sana ang pagkahilong nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapamura dahil sa nararamdaman niya. Hindi siya ganun kadaling malasing at alam niya iyon sa sarili niya kaya nasisiguro niya na may sumabutahe sa ininom niya kanina.Sa isip isip niya ay malama
Read more

Chapter 6

SixAGAD na may sumalubong sa kanilang mga nurse na may dala - dalang stretcher dahil kanina bago siya makarating sa ospital na alam niyang pinakamalapit ay agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan na isang doktor sa ospital na iyon.Sa tawag pa lamang ay idinetalye na niya rito kung ano ang nangyari at kung bakit niya ito nabangga. Sunod na sunod na buntung - hininga na lamang ang naging tugon nito sa kanya. Agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan kung nasaan ang babaeng hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring malay habang patuloy pa rin ang pag - agos ng dugo mula sa ulo nito. Noon niya lang din napansin na may dugo rin na pumapatak mula sa mga mata nito kaya napakunot ang kanyang noo dahil dito.Hindi niya maintindihan kung bakit may dugo na umaagos sa mata nito, napano kaya iyon at bakit may dugong tumutulo doon? Napinsala kaya ang mga mata nito?Hindi niya na naman napigilan ang magmura sa kanyang isip dahil rito idagdag pa na halo
Read more

Chapter 7

SEVEN--------------Walang nagawa si Ivan kundi iuwi ang babaeng yun dahil wala itong maalala sa pagkatao nito. Isa pa ay siya naman ang dahilan kung bakit ito nadisgrasya at maaatim ba niyang pabayaan ito? Sa townhouse ni Ivan niya dinala ito, ito ay matatagpuan sa Batangas na malapit sa dagat upang maging presko ang kapaligiran nito.Sinalubong kami agad ni Yaya Yuling na nagtatanong ang mga mata."Sino siya iho?" Tanong ng matanda pagkakababa niya ng mga maleta sa harap ng pintuan."Siya si Elle, Nana." maikling sagot niya na agad binalikan ang babae sa kotse at inalalayan sa paglalakad patungo sa bahay."Nasaan tayo?" Tanong nito."Nasa bahay ko dito sa Batangas," sagot niya at iginiya niya ito sa loob ng bahay at pinaupo sa couch na nasa may sala. "Gusto kong magpahinga," sabi ni Elle at nagpakawala ng isang buntung hininga. Mababakas sa magandang mukha nito ang pagkapagod, pagkapagod sa mahabang biyahe."Halika at ipapanhik na kita sa kwarto mo," saad nito sabay alalay niya
Read more

Chapter 8

----------------"Anong ginagawa mo dito sa tabing dagat?! alam mo ba kung anong oras na ha?!" Napapitlag si Elle ng marinig ang boses nito. Sa tono ng boses nito ay alam niyang galit ito.Napalingon nalang siya sa pinagmulan ng baritonong boses. Hindi niya man makita ang ekspresyon nito ngayon nasisiguro niyang galit na galit ito at umuusok pa ang ilong habang bumubula ang bunganga sa sobrang inis. She just rolled her eyes at tatayo na sana kaso agad nitong nahawakan ang kamay niya. Hinila siya agad nito patayo at napangiwi nalang siya sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.Di nalang siya nagsalita at nagyuko nalang ng ulo. Ayaw niyang salubungin ang init ng ulo nito dahil baka siya pa ang mapasama. Hinila siya nito papasok ng bahay."Pano nalang pag nalunod ka dun ha?! For pete's sake hindi ka nakakakita!" Sigaw nito sa kanya at itinulak siya paupo sa couch na nasa sala.She just bit her lower lip, e sa wala nga siyang masabi e? Baka kase pag sumagot siya ay
Read more

Chapter 9

------------Napaangat ang ulo ni Alberto ng marinig ang yabag na pababa ng hagdan, It was Amelia her wife. Ibinalik niya uli ang konsentrasyon sa pagbabasa ng diyaryo habang humihigop ng kape. At dumiretso ito sa lamesa at umupo sa tabi niya. Tiningnan niya ito, mukhang hindi ito nakatulog ng maayos kagabi dahil nangingitim ang ilalim ng mata nito, indikasyon na hindi nga talaga ito nakatulog. "Good morning." nakangiting bati niya rito, marahil ay nahawa ito kaya agad din itong ngumiti sakanya."Good morning din, ang anak mo?" She asked."Hindi pa bumaba, baka tulog pa o kaya wala talagang balak lumabas." kibit balikat nitong sagot. Napabuntong hininga naman si Amelia habang binabalikan ang usapan nila kagabi."What?" Naguguluhang tanong ni Via habang nakatingin sa kanyang Ama."Dad, this is ridiculous." sagot nito."No." mariing wika ni Alberto."Ama mo ako Via kaya alam kong ito ang dapat na gawin mo sa buhay mo. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para rin sayo. Wala k
Read more

Chapter 10

--------------Nang lumabas si Elle para kumain ay wala na ang lalaki. Mas maganda iyon para hindi sila magkailangan. Si Nana Yuling ang kasabay niyang naghapunan pero hindi niya makuhang tanungin kung nasaan si Ivan. Kahit kating kati na ang bibig niyang tanungin kung nasaan ito ay pinigil niya ang kanyang sarili dahil sino ba sana siya para magtanong?Napabuntong hininga na lamang siya. Kung sana nakakaalala na siya, kung sana bumalik na ang kanyang memorya kasabay ng panunumbalik ng kanyang paningin. Nakapagdesisyon siyang magtungo nanaman sa tabing dagat, nagpahatid siya kay Nana Yuling dahil baka matapilok siya at madapa siya. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin sa tabing dagat, parang tinatangay nito ang anumang alalahanin niya sa mundo. Gaya ng dati ay sumalampak ulit siya sa buhangin at pumikit. Kung sana lang nakakakita na siya e di sana nakikita niya ang kagandahan nito. Ang sabi sakanya ni Nana Yuling ay napakaganda daw ng paglubog ng araw doon sa hapon. Gusto man
Read more
DMCA.com Protection Status