Share

Chapter 3

Author: eleb_heart
last update Huling Na-update: 2022-05-22 14:52:30

Three

HANGGANG sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nagsi - sink in sa utak ni Via ang lahat ng napag - usapan nilang mag - ama kaninang hapon lang. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isipin sa sinabi sa kanya ng kanyang ama. Ano bang pumasok sa utak nito para magdesisyon ng ganun?

Napakatanda na niya para ganitong klaseng bagay. Arranged marriage my foot! She said to herself. Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang salitang arranged marriage kaya laking - gulat niya ng sabihin ng kanyang ama ang isang bagay na ikinagulat niya.

Kailangan niya daw magpakasal sa taong anak ng kaibigan niya. 

Napapikit siya ng mariin habang nakaupo sa kanyang kama pagkatapos ay bumalik sa kanyang isip ang naging pag - uusap nila ng kanyang ama kanina lamang hapon.

Napaka-ganda ng gising niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit. May ngiti pa nga siya sa kanyang mga labi nang bumangon siya mula sa kanyang kama.

Agad siyang nag - inat at sumandal sa headboard ng kanyang kama at pagkatapos ay napatanaw siya sa kanyang bintana kung saan natatanaw niya ang sikat ng araw na pumapasok na rin sa kanyang silid. Napangiti siya habang nakatitig sa sikat ng araw na pumapasok sa kanyang silid. 

Ilang saglit niya muna itong tinitigan bago siya tuluyang bumangon upang pumunta sa teresa ng kanyang silid at tumanaw mula doon.

Itinulak niya ang kanyang pintong salamin papunta sa kanyang teresa at hinawi ang kurtina upang tuluyan na nga siyang makalabas doon. Sumalubong sa kanya ang pang umagang sikat ng araw, nasilaw siya kaya itinaas niya ang kanyang kanang kamay upang iharang sa kanyang mga mata.

Tumanaw siya sa ibaba ng kanilang bahay kung saan naroon ang garden ng kanyang ina na punong - puno ng mga namumulaklak na tanim ang hardin kung saan napakaganda nitong pagmasdan. Napangiti siya dahil paano ba namang hindi iyon gaganda ng ganun kung wala ng ginawa ang kanyang ina kundi ang magtanim ng magtanim at alagaan ang mga tanim nito.

Her mother loves flowering plants kaya naman ganuon na lamang ang tingkad ng kanilang hardin dahil sa mga tanim nito.

Napahawak siya sa barandilya ng kanyang teresa na gawa sa bakal at pumikit. Hinayaan niya ang kanyang mukha na masinagan ng pang umagang sikat ng araw at napahugot siya ng isang buntung hininga.

May kailangan pa nga pala siyang tapusin ngayon sa kanyang thesis. Nasa huling taon na siya sa kurso niyang business management sa isang pribadong unibersidad sa kanilang lungsod. Iyon ang kinuha niyang kurso dahil alam niyang makakatulong ito sa kanya balang araw dahil siya ang nag - iisang tagapagmana ng kanilang mga negosyo kaya dapat lang na may alam siya bagay na iyon pagdating ng panahon.

Ilang saglit pa siyang nanatiling nakatayo doon bago tuluyang umalis na mula doon upang simulan na ang kanyang thesis. Siguro ay hindi na muna siya bababa o lalabas ng kanyang silid dahil kailangan niya munang tapusin ang kanyang thesis.

Magpapahatid na lamang siguro siya ng pagkain sa loob ng kanyang silid sa isa sa mga katulong nila.

------

Hapon na nang makalabas si Via sa kanyang silid, katatapos niya lamang na tapusin ang kanyang thesis. Kung hindi pa nga siya pinapatawag ng kanyang ama ay hindi pa nga sana siya lalabas. Agad na lamang siyang sumunod sa katulong nila na inutusan ng kanyang ama dahil ang sabi nito ay importante daw ang sasabihin nito kaya siya nito ipinatawag. Nagkibit balikat na lamang siya at pagkatapos ay nakakunot ang noong pumunta sa study room ng kanyang ama na nagsisilbing opisina nito sa loob ng bahay nila.

--------

"WHAT?" Naguguluhang tanong ni Via habang nakatingin sa kanyang Ama. Halos ayaw mag - rehistro sa kanyang utak ang narinig niyang sinabi nito ng mga oras na iyon.

"Dad, this is ridiculous!" She exclaimed habang nakatayo at nakaharap sa kanyang Daddy. Nanlalaki din ang kanyang mga mata habang nakatingin dito at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito ng mga oras na iyon.

"No." mariing wika ni Alberto na kanyang ama habang nakaupo sa tabi ng kanyang ina.

"Ama mo ako Via kaya alam kong ito ang dapat na gawin mo sa buhay mo. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para rin sayo. Wala ka ng ginawa kundi ang maging happy go lucky at maraming beses na rin kitang hinikayat na tutunin ang pagpapatakbo ng mga negosyo natin pero ano? Lagi mo nalang tinatanggihan kase sabi mo marami ka pang gustong gawin at puntahan, pero halos naikot mo na yata ang buong mundo pero hindi ka pa rin nakukuntento magpahanggang ngayon. Kaya ngayon, young lady sinisiguro kong susunod ko sa gusto ko. At ito ngayon ang gusto ko." Galit na sabi nito. 

Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin pa rin dito hanggang ngayon at hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi ng kanyang Ama. Halos ayaw niyang maniwala sa kung ano ang sinasabi nito, halos hindi niya rin maibuka ang kanyang bibig upang makapagsalita.

Tumulo na lamang ang luha ni Via dahil hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maging reaksiyon sa sinasabi ng kanyang ama sa mga oras na iyon. Nasasaktan siya sa mga oras na iyon at isa pa ay hindi niya lubos maisip kung ano ang pumasok sa utak ng kanyang Daddy para gumawa ng isang desisyon na katulad nito. Ipinagkasundo siya ng kanyang Ama sa isang taong ni hindi niya man lang kilala. Sa tanang buhay niya ngayon pa lang nagsalita ang Daddy niya ng ganito at hindi niya iyon matanggap. 

Totoo naman na lahat ng gusto niya ay nagagawa niya, sa madaling sabi ay sunod sa luho siya, e bakit ba? Ano ba ang masama doon e bukod sa nag - iisa na nga lang siyang anak ay mayaman naman sila. Marami naman silang pera kaya hindi ipaghihirap ng kanyang mga magulang kung sundin niya man ang lahat ng luho niya sa katawan.

"Mommy..." Humihikbing tumingin siya sa kanyang Mommy, agad naman itong lumapit sakanya at niyakap siya. Hinaplos nito ang kanyang buhok at niyakap siya, habang yakap - yakap siya nito ay hindi niya mapigilan ang mapahikbi dahil sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Sana ay maintindihan siya ng kanyang ina, alam niyang kakampi niya ito. Niyakap niya din ito ng mahigpit.

"I'm sorry hija, pero tama ang daddy mo. Hindi na kami bumabata hija. Matanda na kami at malapit ng manghina, sino ang mag aalaga sayo pag nagkataon?" May pag - aalalang tumingin ito sa kanya. Bigla siyang napahiwalay mula sa pagkakayakap niya rito at hindi makapaniwalang tumingin dito. Hindi na niya naitago ang pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata habang nakatingin dito. 

Pati ba naman ang kanyang ina ay sinang ayunan ang desisyon ng kanyang ama na hindi niya alam kung tama nga ba talaga. Pilit siya nitong inaabot ngunit mabilis siyang lumayo mula rito. Wala itong nagawa kundi ang manatili sa kinatatayuan nito at nakatitig sa kanya habang nangingilid din ang luha sa kanyang mga mata.

"Pero mommy..." Humihikbi paring tumingin siya sa kanyang ina at patuloy ang pag agos ng kanyang luha sa kanyang mukha. Hindi na niya inabala pa ang sariling punasan ang mga luha niyang bumabagsak sa kanyang mga mata.

"Gusto niyo ba akong maikasal sa taong hindi ko gusto? At ni hindi ko kilala? Hindi bat ang kinakasal lamang ay yung mga taong nagmamahalan?" Nagpalipat lipat ang tingin niya sa kanyang mga magulang, hindi niya itinago ang pait sa kanyang boses habang nakatingin sa mga ito. Parehas na nag - iwas ang mga ito ng tingin sa kanya at hindi siya matingnan sa kanyang mga mata. Nanatili lamang na tahimik ang mga ito at nung walang sumagot sakanya ay nagpatuloy siya sa sinasabi niya. 

Pinahid niya muna ang kanyang luha bago siya muling nagsalita.

"Kayo ba mommy?" Binalingan niya ang kanyang ina na nakatayo pa rin sa harap niya. Agad naman itong nag - angat ng paningin ng tawagin niya ito at sinalubong ang mga mata niya.

"Ipinagkasundo ka ba ng lolo kay daddy?" Tanong niya rito, kitang - kita niya ang pagkagulat nito dahil sa tanong niya at nakita niya ang pagbuka ng bibig nito ngunit agad din nitong isinarado iyon at walang salitang lumabas mula sa bibig nito.

"Sa ginagawa ninyong iyan ay para niyo lang akong ipinamimigay, para akong isang laruan na ipapahingi. Bakit daddy? mommy? sawa na ba kayong alagaan ako? Sawa na ba kayo sa ugali ko? Nag iisa ninyo akong anak pero bakit kailangan kayo ang pumili ng taong pakakasalan ko. Noong nag college ako tinanong niyo ba kung anong course ang gusto ko, hindi diba? Yung gusto niyo lang ang gusto ninyong sinusunod ko wala kayong pakialam sa mararamdaman ko tapos heto ngayon at gusto ninyo akong ipakasal?" Puno ng pait niyang sabi habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata, pagkatapos niyang sabihin ito ay tumalikod na siya para umakyat sa kanyang kwarto.

"Via!" Tawag sa kanya ng kanyang ama, ngunit nagtuloy - tuloy siya sa kanyang silid na akala mo walang narinig. Ini - lock niya agad ang pinto pagkatapos niyang makapasok sa loob at pagkatapos ay inilugmok ang sarili sa kama at doon ibinuhos ang kanyang sama ng loob.

Kaugnay na kabanata

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 4

    FourDIS - oras na ng gabi ay dilat pa rin ang mga mata ni Via habang nakatitig sa kanyang kisame sa mga oras na iyon. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang nalaman niya kanina lamang, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya matanggap ang lahat.Muli niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang dibdib dahil sa muli na namang pagsagi sa kanyang isip ng bagay na iyon. Hindi niya na rin namalayan na muli na namang nag - init ang sulok ng kanyang mga mata dahil dito.Bakit ba kase kailangan pa na gawin iyon ng Daddy niya? Bakit kailangan na sila ang mamili ng taong pakakasalan niya?Oo, alam niya na magulang niya ang mga ito at mas nakatatanda sa kanya ngunit ang pagpili ng taong makakasama niya sa kanyang buhay ay hindi na dapat pa nilang sinasaklaw dahil unang - una ay hindi naman sila ang makikisama sa taong pinili ng mga ito para sa kanya balang araw kundi siya, kaya napakalaking tanong sa kanyang isip kung ano ang pumasok sa isip ng Daddy niya sa pakikipagkasundo nito para

    Huling Na-update : 2022-05-22
  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 5

    FiveANG kanyang paningin ay medyo nanlalabo na dahil sa matinding pagkahilo dahil sa alak na ininom niya sa bar. Kaninang bago siya umalis doon ay hindi pa naman ganun ang pakiramdam niya.Ni wala nga siyang nararamdaman na hilo kanina kaya nagtataka siya kung bakit ganun na lamang katindi ang hilo niya ng mga oras na iyon. Pilit niyang tinitingnan ang kanyang suot na relo upang tingnan kung anong oras na nga ba, ngunit kahit anong pilit niyang tingnan ay hindi na niya makita pa iyon ng malinawag dahil malabo na nga ang kanyang paningin nang mga oras na iyon.Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela ay napahawak naman ang isa sa kanyang sentido upang hilutin ito upang maibsan man lang sana ang pagkahilong nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapamura dahil sa nararamdaman niya. Hindi siya ganun kadaling malasing at alam niya iyon sa sarili niya kaya nasisiguro niya na may sumabutahe sa ininom niya kanina.Sa isip isip niya ay malama

    Huling Na-update : 2022-05-22
  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 6

    SixAGAD na may sumalubong sa kanilang mga nurse na may dala - dalang stretcher dahil kanina bago siya makarating sa ospital na alam niyang pinakamalapit ay agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigan na isang doktor sa ospital na iyon.Sa tawag pa lamang ay idinetalye na niya rito kung ano ang nangyari at kung bakit niya ito nabangga. Sunod na sunod na buntung - hininga na lamang ang naging tugon nito sa kanya. Agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan kung nasaan ang babaeng hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring malay habang patuloy pa rin ang pag - agos ng dugo mula sa ulo nito. Noon niya lang din napansin na may dugo rin na pumapatak mula sa mga mata nito kaya napakunot ang kanyang noo dahil dito.Hindi niya maintindihan kung bakit may dugo na umaagos sa mata nito, napano kaya iyon at bakit may dugong tumutulo doon? Napinsala kaya ang mga mata nito?Hindi niya na naman napigilan ang magmura sa kanyang isip dahil rito idagdag pa na halo

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 7

    SEVEN--------------Walang nagawa si Ivan kundi iuwi ang babaeng yun dahil wala itong maalala sa pagkatao nito. Isa pa ay siya naman ang dahilan kung bakit ito nadisgrasya at maaatim ba niyang pabayaan ito? Sa townhouse ni Ivan niya dinala ito, ito ay matatagpuan sa Batangas na malapit sa dagat upang maging presko ang kapaligiran nito.Sinalubong kami agad ni Yaya Yuling na nagtatanong ang mga mata."Sino siya iho?" Tanong ng matanda pagkakababa niya ng mga maleta sa harap ng pintuan."Siya si Elle, Nana." maikling sagot niya na agad binalikan ang babae sa kotse at inalalayan sa paglalakad patungo sa bahay."Nasaan tayo?" Tanong nito."Nasa bahay ko dito sa Batangas," sagot niya at iginiya niya ito sa loob ng bahay at pinaupo sa couch na nasa may sala. "Gusto kong magpahinga," sabi ni Elle at nagpakawala ng isang buntung hininga. Mababakas sa magandang mukha nito ang pagkapagod, pagkapagod sa mahabang biyahe."Halika at ipapanhik na kita sa kwarto mo," saad nito sabay alalay niya

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 8

    ----------------"Anong ginagawa mo dito sa tabing dagat?! alam mo ba kung anong oras na ha?!" Napapitlag si Elle ng marinig ang boses nito. Sa tono ng boses nito ay alam niyang galit ito.Napalingon nalang siya sa pinagmulan ng baritonong boses. Hindi niya man makita ang ekspresyon nito ngayon nasisiguro niyang galit na galit ito at umuusok pa ang ilong habang bumubula ang bunganga sa sobrang inis. She just rolled her eyes at tatayo na sana kaso agad nitong nahawakan ang kamay niya. Hinila siya agad nito patayo at napangiwi nalang siya sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.Di nalang siya nagsalita at nagyuko nalang ng ulo. Ayaw niyang salubungin ang init ng ulo nito dahil baka siya pa ang mapasama. Hinila siya nito papasok ng bahay."Pano nalang pag nalunod ka dun ha?! For pete's sake hindi ka nakakakita!" Sigaw nito sa kanya at itinulak siya paupo sa couch na nasa sala.She just bit her lower lip, e sa wala nga siyang masabi e? Baka kase pag sumagot siya ay

    Huling Na-update : 2022-08-02
  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 9

    ------------Napaangat ang ulo ni Alberto ng marinig ang yabag na pababa ng hagdan, It was Amelia her wife. Ibinalik niya uli ang konsentrasyon sa pagbabasa ng diyaryo habang humihigop ng kape. At dumiretso ito sa lamesa at umupo sa tabi niya. Tiningnan niya ito, mukhang hindi ito nakatulog ng maayos kagabi dahil nangingitim ang ilalim ng mata nito, indikasyon na hindi nga talaga ito nakatulog. "Good morning." nakangiting bati niya rito, marahil ay nahawa ito kaya agad din itong ngumiti sakanya."Good morning din, ang anak mo?" She asked."Hindi pa bumaba, baka tulog pa o kaya wala talagang balak lumabas." kibit balikat nitong sagot. Napabuntong hininga naman si Amelia habang binabalikan ang usapan nila kagabi."What?" Naguguluhang tanong ni Via habang nakatingin sa kanyang Ama."Dad, this is ridiculous." sagot nito."No." mariing wika ni Alberto."Ama mo ako Via kaya alam kong ito ang dapat na gawin mo sa buhay mo. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para rin sayo. Wala k

    Huling Na-update : 2022-08-02
  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 10

    --------------Nang lumabas si Elle para kumain ay wala na ang lalaki. Mas maganda iyon para hindi sila magkailangan. Si Nana Yuling ang kasabay niyang naghapunan pero hindi niya makuhang tanungin kung nasaan si Ivan. Kahit kating kati na ang bibig niyang tanungin kung nasaan ito ay pinigil niya ang kanyang sarili dahil sino ba sana siya para magtanong?Napabuntong hininga na lamang siya. Kung sana nakakaalala na siya, kung sana bumalik na ang kanyang memorya kasabay ng panunumbalik ng kanyang paningin. Nakapagdesisyon siyang magtungo nanaman sa tabing dagat, nagpahatid siya kay Nana Yuling dahil baka matapilok siya at madapa siya. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin sa tabing dagat, parang tinatangay nito ang anumang alalahanin niya sa mundo. Gaya ng dati ay sumalampak ulit siya sa buhangin at pumikit. Kung sana lang nakakakita na siya e di sana nakikita niya ang kagandahan nito. Ang sabi sakanya ni Nana Yuling ay napakaganda daw ng paglubog ng araw doon sa hapon. Gusto man

    Huling Na-update : 2022-08-02
  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 11

    __________________________Masayang gumising si Elle, ewan niya rin pero parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya ng umagang iyon. Nag inat siya at iminulat ang kanyang mga mata. Nagulat siya dahil nakakaaninag na siya.Kaya lang ay medyo malabo pa talaga. Mukhang babalik na ang paningin ko. Nakangiting bulong niya sa kanyang sarili.May ngiti sa labi na tinungo niya ang banyo at naligo. Pagbaba niya ay napansin agad ni Nana Yuling ang kakaibang aura niya ngayong umaga."Mukhang maganda ang gising mo ah Elle." nakangiting bati nito sakanya.Ngumiti siya bago sumagot."Mukha nga Nana, nakatulog kase ako marahil ng maayos." na may katotohanan naman, parang kumbaga namamahay siya kaya hindi siya agad nakakatulog at hirap na hirap siyang dalawin ng antok."Normal lang iyon, o siya kumain kana." at ipinaghanda siya nito ng makakain."Si Ivan ho?" Tanong niya rito. Hindi na kase siya nakatiis."Maagang umalis e, parang nag aapura pa nga baka may maagang meeting nanaman iyon." iiling iling n

    Huling Na-update : 2022-08-02

Pinakabagong kabanata

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   End

    I can feel the breeze from the afternoon wind from the sea. Niyakap ko ang tuhod ko at tumanaw sa dagat. I closed my eyes and feel the fresh air, at ngumiti sa kawalan.Tumayo ako at lumakad papunta sa dalampasigan. Hinubad ko ang aking sandals at hinayaang abutin ng tubig ang aking mga paa.Lumingon ako sa aking dinaan at nakita ko kung paano tinangay ng alon ang marka ng aking mga paa.Sana ganun din kadali makalimot ang tao na sa isang iglap ay wala na agad.Itinuloy ko ang ang aking paglalakad hanggang umabot sa ako sa isang malaking bato na nasa tabing-dagat din. Sumampa ako doon at tahimik na umupo at pinanuod ang papalubog na araw. Ang ganda, ang ganda ng kulay ng araw at ang ulap na nakapaligid dito pati na rin ang kumikintab na dagat na nagkukulay orange.Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga.I closed my eyes. Its been 6 months, yeah six hell months. Bigla nanamang uminit ang gilid ng mga mata ko.He's gone for six months. I don't know where is he if he died or what. Hin

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 25

    Nagising ako na nakatali ang mga kamay at nakatali sa isang upuan. May panyo rin sa aking bunganga kaya hindi ako makapagsalita.Nakita ko si Ivan sa harapan ko na kasalukuyan nilang binubugbog. Gusto ko man sumigaw ay hindi ko magawa kaya napaiyak nalang ako.Tulungan niyo kami.Nakita kong dumura ng dugo si Ivan at binitawan nila ito. Naiwan siyang nakalugmok doon.Iniwan nila kaming dalawa roon at lumabas sila. Narinig ko ang kalansing ng mga kadena sa labas. Kumawag-kawag ako para sana makaalis ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin.Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Sino sila?Sino ang mga taong may gawa nito?Kahit hirap siyang bumangon ay pinilit pa rin niyang tumayo upang puntahan ako. Mas lalo akong napaiyak nang masubsob siya sa mismong mga hita ko. Putok ang labi, may pasa sa pisngi at may umaagos na dugo sa kanyang kaliwang kilay.Tumingala siya sa akin kahit na alam kong sobrang sakit ng katawan niya ay ngumiti siya sa akin."Don't cry babe..." Marahang bulong n

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 24

    Nakatingin siya sa kanyang repleksiyon sa salamin. Nakasuot siya ng tan gown at kitang kita ang hubog na kanyang katawan. Hindi daring ang tabas nito dahil ayaw ni Ivan ng ganun. Ito rin ang pumili sa damit niya, isinuot niya na ang kanyang kwintas na binili rin nito at ang pares na hikaw. Nakangiti siya ng mapagmasdan ang sariling repleksyon.Perfect!Narinig niya ang katok sa pinto."Lalabas na ako." Sigaw niya at pinulot ang kanyang purse ng bumukas ang pinto at pumasok si Ivan.Napatitig siya rito dahil ang gwapo nito sa suot niyang coat and tie.Ngumiti ito sa kanya kaya sinuklian niya rin ito ng isang ngiti."You are so beautiful babe." He said while his eyes is twinkling."And you are so handsome." She said and walk towards him."Lets go?" Tanong niya at bilang sagot ay itinaas nito ang braso kayat kumapit naman siya agad dito.Sabay silang lumabas ng silid at bumaba."Bagay na bagay talaga kayo." Nakangiting sambit ni Nana Yuling. Ngumiti naman kami pareho at nagpaalam na dit

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 23

    Hindi mapakali si Via sa kanyang kwarto. Agad siyang umakyat pagkatapos nilang kumain ng agahan. Kinakabahan pa rin siya. Tumayo siya at palakad-lakad sa harap ng kanyang kama ng malingunan ang kanyang cellphone.Anong gagawin ko? Tatawagan ko ba si Nate? Argh!Naisabunot niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Nafru-frustrate na siya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.May gustong pumatay kay Ivan. Sino kaya ito at ano ang motibo? Hindi kaya isa sa mga kakomptensiya niya ito sa negosyo?Naupo siya sa kanyang kama at huminga ng malalim. Kailangan malaman ito ni Nate.Saktong pagtayo niya ay ang pagbukas naman ng pinto ng kanyang silid. Sumungaw doon si Ivan na naka walking shorts at naka V-neck na T-shirt.Pumasok ito sa kanyang silid at sumandal sa pintuan. "Magbihis ka at may pupuntahan tayo." Seryosong sabi nito."Sa-saan?" Nauutal niya namang tanong."Sa isang boutique. Kailangan nating pumili ng ating isusuot sa engagement party natin bukas."Bukas na pala iyon.Isang tan

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 22

    Nakadulog na si Via sa lamesa at si Nana Yuling ay naghahain na ng almusal. Nangalumbaba siya habang nakatingin sa nakatalikod na matanda habang nagsasandok ng sinangag.Humikab pa siya at napapikit saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa ako. At muli siyang humikab ulit."O mukhang puyat na puyat ka ah." Puna sa kanya ng matanda kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niyang ibinaba na nito ang sinangag sa lamesa at ang pinirito nitong itlog, hotdog at bacon. Nalanghap niya kaagad ang mabangong amoy ng sinangag."Ah hindi naman ho pero parang kinulang parin ako sa tulog." Lie. Sagot niya rito. Ang totoo napuyat talaga siya dahil sa bruhong lalaki paano ba naman hindi na ito matanggal sa isip niya. Sa kanyang pagpikit ay mukha nito ang nakikita niya kaya imbis na matulog siya ay nanatili siyang gising na gising. Nakaidlip naman siya pero nagising din siya kaagad dahil umaga na pala. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon dahil ayaw niya namang tanghaliin ng gising

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 21

    Nakatanaw si Via sa dagat habang nakaupo sa buhanginan. Katatapos lang nilang kumain at talaga namang busog na busog siya. Sa totoo lang ang dami niyang nakain at hindi niya malaman kung saan niya inilagay ang lahat ng mga iyon. Hindi niya rin maimagine sa sarili niya na ganun siya kalakas kumain. Para bang hindi siya kumain ng isang dekada. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Lets swim." halos masigaw siya dahil sa pagkagulat. Masama niya itong tiningnan. Nasapo niya tuloy ang kanyang dibdib. "Wag mo nga akong ginugulat. Gusto mo naman na ata akong mamatay sa gulat." "Sorry." mahinang usal nito at umupo sa tabi ko. "Maligo tayo." at tumingin siya sa akin at ang mga mata niya ay tila may ibang kislap, kasiyahan o kapilyuhan? Aba ewan. "Ayoko." Nakangusong sagot ko at saka humalukipkip. "Ayaw mo?" "Oo ayaw ko." Sagot ko at tumayo na siya. Napangiti naman ako ng lihim. Hindi dahil sa ayokong maligo. Ayoko lang talagang maligo sa dagat natatakot ako baka malunod

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 20

    Sinag ng araw ang gumising sa kanya. Medyo masakit na ito sa kanyang balat kaya siguro nagising siya. Nag-iinat siya ng mapadako ang tingin niya sa orasan na nakapatong sa side table niya. Mag-aalas onse na! Agad siyang napabalikwas ng bangon at dali daling nagtungo sa banyo. Ano bang klaseng gising ang oras na alas-onse? Gising iyon ng tamad. Hindi kase siya nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Ivan. Hindi maalis-alis sa kanyang sistema ang halik ni Ivan kagabi. Biling-baliktad lang siya kagabi at hindi niya alam kung paano siya makakatulog dahil sa kanyang pagpikit ang mukha ni Ivan ang lumilitaw sa kanyang isipan kahit pa pilit niya itong iwinawaksi. Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga at tumingin sa salamin. Pinagmasdan niya ang sarili kung maayos ba ang suot niya. Teka? Bakit ba pinagkakaabalahan niya pang tingnan kung maayos o maganda ang itsura niya na haharap sa bruhong iyon. Iiling-iling nalang siyang lumabas sa banyo at bumaba sa kusina. Napakunot a

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 19

    Pagkatapos kumain ng hapunan ay umakyat na agad si Via sa kaniyang silid. Hinagilap niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang pinsan. "Nate... " bulong niya habang nakabusangot saka nahiga sa kaniyang kama. "Oh princess, how are you? Ikaw ah, balita ko ikakasal ka na pala dimo pa sinasabi sa akin." Nagtatampong sabi nito. She rolled her eyes. At talagang ipinagkalat na ng mga magulang niya ang nalalapit niyang kasal. Napabuntung-hininga nalang siya. "Nate alam mo naman siguro kung bakit ako ikakasal hindi ba? What an arrange marriage para sa panahon natin napaka imposible diba? Tulungan mo ako Nate. Ayokong magpakasal, sa kanya." Pagsusumamo niya rito. Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito sa kabilang linya. "I'm sorry princess, pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko na si Ivan kesa sa Blake na yun." Napanganga siya. Wala na ba talaga siyang pag-asa na hindi matuloy ang kasal? Akala niya pa naman ay tutulungan siya nito. Para siyang binagsakan ng langit at lup

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 18

    Ang akala ni Via ay dadalaw lang sila roon. Pero laking gulat niya ng tumambad sa kaniya ang dalawang maleta sa sala ng town house ni Ivan. Punong-puno ang mga iyon ng mga gamit niya. Anong binabalak ng mga magulang niya? Napasalampak siya sa sofa. "Nako e, kanina pa ang mga iyan rito hija. Ipinahatid daw ng mga magulang mo." Nasapo niya ang kanyang mukha. Ano ba ang tingin sa kanya ng mga magulang niya? Bakit pakiramdam niya ay ipinamimigay siya ng mga ito. Tiningnan niya ng masama si Ivan. Ano ba ang ipinakain nito sa kaniyang mga magulang para pagkatiwalaan siya ng mga ito ng lubos? Tumayo siya at nagmartsa papunta sa kwartong o-okupahin niya. Isinunod ni Ivan ang mga maleta niya at walang salita ring lumabas agad sa kaniyang silid. Agad siyang nagbihis. At humiga sa kama. Ano ang balak ng mga magulang niya at dinala rito ang mga gamit niya? Hindi niya namalayan sa ka-kaisip niya ay nakaidlip pala siya. Pasado alas kwatro na ng magising siya. Saktong nagpanhik naman si Nana

DMCA.com Protection Status