Chapter 2.
“Niko?” bulalas ko. Mabilis kong ibinaba ang dalang maleta sa semento at sinalubong ko siya ng yakap. Ramdam ko rin ang pagkasabik nang gumanti siya ng yakap sa akin. “Gumanda ka pa lalo, ah. Kumusta ka na?” Natigilan ako. Kung puwede ko lang itago ang nararamdaman ko ginawa ko na pero nang titigan niya ako ay unti-unting pumatak ang aking mga luha. Pinahid ko iyon gamit ang likod ng aking palad at pilit na ngumiti. “Ayos lang ako. Ikaw ba?” balik kong tanong. Hindi siya kumibo bagkus kinuha na lamang niya ang maleta saka ako hinila papasok sa bahay ni Lola Esme. Marahas akong nagbuga ng hangin. Itabi ko muna ang problema ko at magkunwaring walang nangyari. “Lola Esme, kumusta na po kayo? Pasensiya na kung ngayon lang po ako nakadalaw,” bungad ko kay lola nang tuluyan na akong makaupo sa maliit na sofa. Nagmano ako at mabilis siyang niyakap. Matanda na siya. Bakas din sa mukha na may dinaramdam si lola. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nakita ko ang babae kanina na nakadungaw sa akin sa kalsada. Siya na lang siguro ang kasama ni lola sa bahay na ito. “Ayos lang, Jessy. Mabuti at napasyal ka rito,” nakangiting tugon naman ni lola. “Dito po muna ako titira kung ayos lang po sa inyo.”Nakita ko ang ngiti sa labi ni lola. Tiningnan ko si Niko sa aking tabi. Tahimik lang siyang nakikinig sa amin. “Nasaan po si Ate Tina?”“Umalis siya nang walang paalam. Iniwan mag-isa ang kanyang ina,” sagot ng babae. May dala na itong tray na naglalaman ng juice. Napalunok ako. Iniwan na siya ng kanyang anak porke matanda na. Napailing ako. Tinapunan ko ng tingin si lola. Tahimik na siya at tila malalim ang iniisip. Marahil ay nami-miss na niya si Ate Tina. Iniwan ko lang siya saglit para dalhin sa kabilang silid ang aking mga gamit. “Ah, Jessy, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Magkapitbahay lang tayo.”Napatingin ako kay Niko. Tinitigan ko siya. Malaki na ang pinagbago niya. Tumangkad, pumuti at gumanda na rin ang katawan. Alagang gym ito. Lalong tumangos ang ilong niya na bumagay sa kanyang manipis na labi. Napalunok ako nang mapansing nakatitig na rin siya sa akin.“Salamat, Niko,” nakangiti kong sambit. PAGSAPIT ng hapon. Isinama ako ni Niko sa palengke. Malaki na rin ang pinagbago ng naturang lugar. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas simula noong umalis ako sa bayan na ito. Napansin ko ang panaka-nakang sulyap sa akin ni Niko. Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon at pinagpatuloy na ang pamimili namin ng gulay, isa at iba pang kakailanganin namin sa kusina. Binilhan ako ni Niko ng isaw, isa rin kasi ito sa paborito kong kainin.“Wala ka pa ring pinagbago, Jes, ang takaw mo pa rin sa pagkaing ’yan,” aniya sabay kamot sa kanyang ulo. Panandalian kong nakalimutan ang nangyari sa akin. Mas mabuti na rin siguro para tuluyan ko nang makalimutan ang taong iyon. Hindi siya kawalan sa akin. Sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko deserve ang masaktan nang ganito. Pero sa kabila niyon, masakit pa rin. Sobrang sakit pa rin sa dibdib. “Jessy, ’yong totoo. Nag-away ba kayo ng asawa mo? Kasi, hindi ka naman pupunta rito kung walang dahilan.” Tama naman ai Niko. Siguro kung hindi pa kami nagkaproblema ni Phillip, marahil ay hindi ko pa naapakan ulit ang Baguio. Marahas akong bumuntonghininga. Tipid akong ngumiti.“Hiwalay na kami,” tugon ko habang nakatingin ng deretso sa kanya.Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero napalitan din iyon nang pag-alala.“Ayos ka lang ba?”“Oo naman. Sa una lang ito masakit pero mawawala rin ang sakit kapag makalimutan na siya ng puso ko.” Sa paglipas ng mga araw at buwan naming magkasama ni Niko, unti-unti na rin nabura sa isip ko si Philip. Masayang kasama ang kaibigan ko. Inaamin kong, muling napalapit ang loob ko sa kanya. Palagi rin siya sa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng makakausap. “Hey, tulala ka na naman. Naiisip mo na naman ba siya?” malungkot na sambit ni Niko sa akin.Kumunot ang noo ko. Parang may iba sa kinikilos niya ngayon. Hindi rin siya mapakali. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi. Napailing ako. “May problema ba?” nag-alalng tanong ko. Dinala niya ako sa tulay na gawa lamang sa kahoy. Ilang beses na rin niya akong dinala rito. Maganda kasi ang tanawin. Nakakawala ng problema. Maingat akong umupo dahil tubig ang nasa tapat namin. Medyo mataas pa naman ang tulay na ito pero matibay pa rin naman kahit gawa lamang siya sa kahoy. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga bago ibinaling sa kanya ang paningin.“Nakalimutan ko na siya, Niko. May gumugulo lang sa isip ko ngayon.” Mariin akong napapikit.Napasinghap ako nang hawakan niya ang isa kong kamay. Napatingin ako sa kanya. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Nakakapanibago lang. “Magsimula kang muli malayo sa kanya. Hindi ko deserve ang masaktan, Jessy. Huwag lang talaga magpakita sa akin ang lokong iyon dahil babalatan ko siya nang buhay,” gagad niya habang nakakuyom pa ang mga kamao.Napailing ako at bahagyang tumawa. “Jessy!” Napatingin ako sa may-ari ng boses.“Merry!” Lumapit siya sa tabi ko. Nakangiti niyang inabot sa akin ang hawak na supot na naglalaman ng hinog na mangga. Kumunot ang noo kong napaharap sa kanya.“Nakita ko kayo kanina na napadaan sa isawan. Nando’n ako pero hindi mo naman ako tiningnan,” aniya na bahagya pang ngumuso. Natatawa akong napailing. Iba rin ang babaeng ito. Feeling close na kahit hindi pa kami masyadong magkakilala. Hindi naman siya mahirap pakisamahan kasi friendly siya at parang mabait din.“Sa kabilang kanto lang ang bahay namin. Hinanap kita noong una tayong nagkakilala kaso umalis ka kaagad.”“Pasensiya ka na. Nagmamadali kasi ako nang araw na iyon,” hinging paumanhin ko.Kinuha ni Merry ang numero ko. Natutuwa ako dahil palagi niya rin akong tinatawagan. Hindi ko alam kung babae talaga siya o tomboy. Panay kasi ang pagpa-cute niya sa akin sa tuwing tatawagan niya ako. Kinompronta ko pa siya pero ang sabi, hindi raw kami talo. Gustong-gusto lang daw niya akong maging kaibigan. Natatawa na lang ako sa sariling naiisip. LINGGO at abala kaming dalawa ni Merry sa pagluluto. Gusto kong surpresahin si Niko sa araw na ito. Ilang gabi ko na rin itong pinag-isipan. Nitong nakaraan lang ay hindi na siya mawala-wala sa isip ko. Hindi rin ako mapakali sa t’wing sumagi sa isip ko ang mga bonding naming dalawa. Maalaga siya kaya hindi siya mahirap mahalin. Napapikit ako at marahas na bumuntonghininga. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi na ito masakit bagkus, napalitan na iyon ng malakas na pagkabog. “Nakalimutan ko na nga ba talaga siya?” kausap ko sa aking sarili. Siguro nga, kasi sa halip na si Phillip ang nasa isip ko ay si Niko ang palaging umeeksena sa puso ko. Napangiti ako. “Oo na, ikaw na ang in-love,” nakangising pukaw sa akin ni Merry nang makita nitong tulala ako.“Bilisan mo na kaya r’yan,” dugtong niya at tatawa-tawa pa.Napailing na lang ako saka lihim na napangiti.“Oo, heto na. Patapos na rin naman tayo,” masigla kong tugon bago tinanggal ang suot na apron.Nang matapos ayusin ang mesa ay dali-dali kong tinawagan si Niko. Kaarawan niya ngayon kaya ipinaghanda namin siya. Simpleng handaan lang naman pero memorable. Napansin ko ang gulat sa mga mata niya nang madatnan niya kami sa kusina. Nilapitan ko siya at binati. Tanging ngiti lang ang itinugon niya sa amin. Matapos ang batian ay sama-sama naming pinagsaluhan ang nakahandang pagkain.“Jes, may sasabihin sana ako sa iyo,” seryoso niyang sambit bagay na ikinabahala ko.Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sana lang hindi bad news ang maririnig ko mula sa kanya. Bahagya kong ipinilig ang ulo bago tumango-tango. Nandito kami ngayon sa terasa habang kapwa umiinom ng kape. Hapon na at medyo malamig din ang panahon. “Ano iy—”“Gusto kita,” putol niya sa sasabihin ko. Lihim akong napangiti. Nagbunyi ang puso ko sa tuwa at walang pasabing niyakap siya nang mahigpit. Nagtataka niya akong tiningnan sa mga mata pero nang makitang unti-unti akong tumango ay mabilis niyang tinugunan ang aking yakap.Mas mahigpit pa sa yakap na binigay ko sa kanya. “Gusto rin kita, Niko. Pero natatakot ako,” ani ko sabay kalas ng yakap sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata.Sandali siyang natigilan sa narinig. Pero biglang lumambot ang mukha niya ay umiling-iling.“Wala kang dapat ikatakot, Jessy. Nandito ako at mamahalin kita. Hindi ko man maibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo pero sisikapin kong magawan nang paraan,” sinseredad niyang sabi. Pinaharap niya ako at matamis na ngumiti.“Ang totoo niyan, noon pa man ay minahal na kita pero natatakot akong ipagtapat sa iyo dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin.”Namilog ang mga mata ko sa narinig kasabay niyon ay ang paghaplos niya sa magkabila kong pisngi.“I love you, Jes.”Chapter 3:ISANG malakas na tili ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkatulog. Hindi na ako nag-aba pang magsuot ng bra at basta na lamang akong lumabas ng silid saka dumiretso sa sala. Naabutan kong umiiyak si Aling Bebeng, siya iyong kasa-kasama namin ni Lola Esme rito sa bahay.“Ano’ng nangyari? Bakit ho kayo umiiyak?” taranta kong tanong. Nilapitan ko pa siya para pakalmahin.Itinuro naman ni Aling Bebeng ang kuwarto ni lola habang patuloy siyang umiiyak. Mabilis kumabog ang aking dibdib nang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang dahilan kung bakit umiiyak si Aling Bebeng. Nanghihina kong inihakbang ang mga paa palapit sa silid ni lola at dito’y naabutan kong nakahiga siya sa manipis nitong kama habang wala nang buhay. Nanlumo akong napahawak sa malamig na bangkay ni Lola Esme habang walang patid ang pagtulo ng mga luha ko. “Lola Esme,” tanging nasambit ko. Napahagulhol ako nang iyak kasabay niyon ay ang pagyakap ko sa malamig niyang katawan. Isinubsob ko ang mukha
Parang kailan lang ay magkasintahan pa kami ni Niko. Pero ngayon magkahawak-kamay na kaming lumabas ng simbahan. Hindi ko akalain na sa mahabang panahong paghihintay ay nagkatuluyan din kaming dalawa. Sana wala nang balakid sa pagsasama namin. Sana lang ay hindi na mangyari sa kasalukuyan ang nangyari sa amin ng ex ko noon. Baka hindi ko na kakayanin.“MAHAL, may pupuntahan tayo,” bungad sa akin ni Niko. Katatapos lang namin kumain ng agahan at ngayon ay nagyaya na naman siyang umalis kami. Napangiti ako pero kaagad din napakunot ng noo nang mapansin ang butil-butil na pawis sa noo niya. Para din siyang kinakapos sa paghinga. “Mahal, may sakit ka ba?” takang tanong ko. Hindi siya sumagot. Nang makabawi ay mabilis niya akong nilapitan at ginanap ang aking dalawang kamay. Napalunok ako. Mataman niya akong tinitigan kapagkuwan ay kinintalan ako ng halik sa labi. Ramdam ko ang pananabik nito. Tinugunan ko naman ang bawat halik niya pero bago pa mauwi sa kung saan ang ginawa namin ay hi
“Sigurado ka ba na malaki ang sahod? Baka naman—”“Trust me, friend. Mabait naman ang batang aalagaan mo. Kung wala lang akong trabaho na maayos din, mas gusto pa roon para naman mapalapit ako sa ama niyang malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa mga babae,” putol ni Merry sa sasabihin ko.Napatango na rin ako bilang tugon. Pero kumunot din agad ang noo ko dahil sa huli nitong sinabi. Malamig pa sa yelo? Ano iyon, cold hearted ang ama ng bata? Kung totoong malaki nga ang pasahod doon bilang yaya, tiyak hindi ako aabot ng ilang buwan makapag-ipon agad ako. Mapapagamot ko na rin agad ang asawa ko.Humugot ako ng hangin saka ibinuga sa kawalan. Hawak-kamay kaming naglakad ni Merry ngayon papunta sa paradahan ng traysikel. Nakilala raw niya ang magiging amo ko— kung sakaling matatanggap ako sa isang mall kasama ang anak nito. Naghahanap daw ng mag-aalaga sa bata. Sana nga lang ay matanggap ako agad. Kailangan ko ng agarang trabaho ngayon. Kailangan ko pa si Niko.Makalipas ang ilang minuto
Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Matagal nag-sink in sa utak ko ang katagang, “Kapalit ng isang gabi.” Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kumuyom ang mga kamao ko na hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang paningin.“Tumatakbo ang oras, Mrs. Alonzo,” nakangisi nitong sambit. Tinitigan niya ako na tila nang-uuyam. Marahas akong bumuntonghininga bago nagtipa ng mensahe para kay Mama Pilar. Gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. “Ilang buwan na lang, magkikita na ulit tayo,” kausap ko sa sarili. Bumalong ang luha sa aking mga mata kasabay niyon ay ang unti-unti kong pagtango bilang pagsang-ayon. Lulunukin ko ang kahihiyan na ito madugtungan ko lamang ang buhay ni Niko. KINAGABIHAN, maaga pa lang nakatulog na si Precious. Naghanda na rin ako. Naligo at naglagay ng kaunting pabango. Pantulog na terno ang suot ko. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib pagkatapos ay ibinuga ito sa kawalan.Nabanggit na rin ni Philip sa akin kanina na naipadala na raw niya ang pe
ISANG buwan na simula nang mailibing si Niko. Masakit man ay kinakailangan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa isang iglap lang. Nanubig ang gilid ng mga mata ko habang matamang tinitigan ang mga naiwan niyang letrato kasama ako. Kuha pa namin ang mga ito sa bukid nila.Mapait akong napangiti. Ang pinapangarap kong masaya at matiwasay na pamumuhay ay hinaharangan ng kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay nabigo na naman akong makasama ang taong mahal ko.“Jessy, may naghahanap sa iyo.” Napalingon ako sa nagsalita. Pinahid ko muna ang natuyong luha sa aking pisngi bago nagpasyang tumayo. Nakangiti kong nilapitan ang biyenan kong babae habang nakatayo sa bukana ng pinto.Nasa poder pa rin ako ng mga magulang ni Niko. Gustong-gusto ko na sanang umalis pero hindi nila ako pinapayagan. Nahihiya man ay pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaupo si Merry sa sopa habang hawak ang kanyang cellphone. Mabilis siyang tumayo upang salubungin ako
Nagising akong sumasakit ang aking tiyan. Kumukurap-kurap ako. Ilang beses kong sinubukang bumangon pero bigo ako. Sobrang bigat ng katawan ko. Nabaling ang paningin ko sa bukana ng pinto nang iniluwa roon si Estong. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. Siya ang naisipan kong tawagan bago ako mawalan ng malay kanina. “Kumain ka mo na para malamanan ang sikmura mo.” Inilapag niya sa mesa ang pagkain. Hindi ako kumibo dahil masakit pa rin ang tiyan ko. Ano’ng klaseng sakit kaya ito at bakit hindi mawala-wala? Uminom na rin ako ng gamot para sa sakit sa tiyan pero lalo lamang itong sumasakit. Marahas akong bumuntonghininga bago sinulyapan si Estong. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang gumagalaw ang panga. Napatitig ako bigla sa kanya. Sumagi sa isip ko ang sinabi niya noong nakaraang araw. Napalunok ako. Kung puwede lang turuan ang puso, ginawa ko na. Sinubukan kong tumitig sa mga mata niya pero walang sign na may gusto ako sa kanya, kung mayro’n man akong narara
Hindi na mabilang kung ilang beses na akong napalunok ng laway habang matamang pinagmasdan ang labas ng sasakyan. Bawat bahay na nakikita ng mga mata ko ay sinusuri ko nang mabuti. Hindi ko rin alam kung bakit. Kumakabog din ang aking dibdib sa ’di maipaliwanag na dahilan. Nilingon ko si Angelo nang gumalaw siya. Karga siya ni Nika. Nagprisenta siyang sumama sa akin. Wala rin naman daw siyang gagawin sa kanila kaya pumayag na ako at para na rin may makasama ako pagbalik sa Baguio. Bumalong ang luha sa mga mata ko nang maalala ang gagawing pag-iwan sa anak ko. Hindi ko man iyon gugustuhin pero wala na akong ibang maisip na paraan. Habang tumatagal ay palala na nang palala ang sakit ko. Hindi ko alam kung gagaling pa ba ako o hindi na.“Ate Jessy, malapit na po ba tayo? Ihing-ihi na kasi ako.” Napaigtad ako nang marinig si Nika na nagsalita. Ipinilig ko ang ulo nang makaramdam na naman ng pananakit sa aking tiyan. Pinilit kong huwag intindihin pero lalo lamang itong sumasakit. “Mala
ISANG LINGGO na ang matuling lumipas simula nang nakalabas ako ng ospital. Patuloy pa rin ang pagsusuri sa akin ng doktor na siyang binayaran ni Philip upang masusubaybayan ang kalagayan ko kahit nasa bahay lamang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran dahil sa ginawa niya sa akin. Pero sa ngayon, isa lang muna ang dapat kong iisipin, ang magpagaling para makasama ko pa nang matagal ang aking anak. “Are you alright?”Napalingon ako sa nagsalita. Kasalukuyan akong nakatayo sa veranda. Tinatanaw ko ang mga sasakyan na dumaraan.Mataman niya akong pinagmasdan na tila hinihintay ang aking sagot. May hawak siyang laptop na sa tantiya ko ay pupunta na naman siya sa library niya para doon magtrabaho.Tumango lamang ako. Ayaw kong makipagtitigan sa kanya nang matagal. Ayaw ko ring nakikita siya parati dahil binabalikan lang ako ng mga alaala namin noon. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa tuwing matitigan ko ang mga mata niya. Tumikhim ako nang hindi pa rin siya umaalis.
“Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang panggugulo mo sa buhay namin? Ano pa bang kailangan mo, ha?!”“Gusto ko lang naman mag-usap tayo, Jessy.” “Wala tayong dapat pag-usapan, Noah. Wala akong obligasyon sa ’yo, kaya umalis ka na sa buhay namin!” singhal ko sa kanya.Narinig ko ang pagtagis ng bagang niya pero nananatili akong nakatingin sa kanya nang masama. Hindi ko alam kung bakit may mga taong mahilig manggulo ng buhay ng ibang tao. “Umalis ka na, Noah! Kung ayaw mong tumawag kami ng pulis!” banta naman ni Merry sa kanya. Pero sa halip na makinig ay unti-unting humakbang palapit sa kinaroroonan ko si Noah.“Hindi pa rito nagtatapos ang lahat, Jessy,” bulong niya sa akin bagay na nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong sistema ko.Napalunok at napayakap sa sarili. Ayaw kong isipin na banta ‘yun pero kakaiba ang sinasabi ng utak at isip ko. Ilang beses akong kumukurap hanggang sa nakarinig na lamang ako ng ugong ng sasakyan, tanda na papalayo na si Noah sa bahay.“Ayos ka
ISANG ORAS na ang nakalipas mula nang dumating kami rito sa hospital. Hindi na rin masyadong mataas ang lagnat ni Angelo. Hindi gaya kanina na nakakapaso ang temperatura niya.“Don’t worry, hon. Magiging maayos din ang lahat.” Mabilis akong napaangat ng tingin sa taong nagsalita. Walang buhay ko siyang tiningnan. Sa totoo lang, masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya, pero hindi rin puwedeng hindi ko sabihin sa kanya ang nangyari sa anak namin.Huminga ako nang malalim. “Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa anak ko, Philip.” “Hindi ko hahayaang mangyari ‘yan, hon. I promise na poprotektahan ko kayo. Magkasama nating harapin ang—”“Huwag ka nang mangako, Philip. Dahil alam ko naman na hanggang ngayon, may inilihim ka pa rin sa akin,” walang emosyon kong sagot. Marahas akong bumuntonghininga bago hinawakan ang maliit na kamay ng aking anak. Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang pinagmasdan ang natutulog kong anak. Wala pang muwang sa mundo pero kapag gumawa na naman
Nagtagis ang bagang ko habang sinusundan palabas ng bahay si Jessy. I didn't know kung bakit nangahas na namang pasukin ng Noah na ‘yun ang pamamahay ko. Alam ko ang motibo niya simula pa lang—ang angkinin kasama ng hilaw kong pinsan ang pagmamay-ari ko. Habang nabubuhay ako, ‘yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Magkamatayan muna kami bago nila makuha ang nais sa akin o sa pamilya ko.Pagdating sa labas ng bahay, tanaw ko mula sa ‘di kalayuan si Noah habang hawak sa kabilang kamay ang itim na sun glass. Nang makita niya kami ay malapad ang ngiting iginawad sa amin na batid kong kaplastikan lang naman ‘yun.“Oh, I thought wala ka rito, Philip? Well, hindi naman talaga ikaw ang sadya ko rito kundi si Jessy. So, puwede bang bigyan mo kami ng privacy?” Umigting ang panga ko dahil sa narinig. Privacy? Minamanduhan niya ako sa sarili kong pamamahay? “F*ck you, Noah! Wala kang karapatang utos-utusan ako sa sarili kong pamamahay! Now! Get out of my house! Leave my wife alone!” “Oh, wow! Ju
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Hindi nila napansin kaya nagtago ako sa mayayabong na halaman. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Leo habang nakipagsagutan kay Alma. Hindi ko eksaktong naririnig ang pinag-usapan nila. Pero narinig ko ang pangalan ni Philip. Ano na naman kaya ang plano nila? Makaraan ang ilang minuto ay tumalikod na si Alma papasok sa loob. Kaya naman nagmamadali akong lumayo at nagtungo malapit sa pool. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagtikhim niya sa likuran ko. Hindi ako nagpapahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Wala rin naman akong masyadong naiintindihan doon.“Jessy, aalis na pala ako bukas. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Napalingon ako nang marinig ang sinabi niya. Aalis na siya bukas? Edi mas mabuti kung gano'n para mapanatag na ang loob ko. Tipid akong ngumiti saka tumango.“Oo naman, Alma. Akong bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala, aalagaan at mamahalin ko na parang tunay na anak si Princess.” “Thank you,
“Anong ginagawa mo rito?” walang buhay kong tanong. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Kumuyom ang mga kamao ko habang matamang nakatitig sa harap. Napansin ‘yun ni Cedric kaya maagap niyang hinawakan ang balikat ko. “Don’t touch my woman, Cedric! Kung ayaw mong magkagulo tayo rito!” Namilog ang mga mata ko nang marinig ang malaking boses ni Philip sa likuran ko. At sa isang iglap lang ay mabilis niyang hinaklit ang braso ko. Napaigik ako nang makaramdam ng pananakit sa bandang hinawakan niya. “Hey. Relax, dude. Hindi ko aagawin sa ‘yo ang asawa mo. Nagkataon lang na nagpang-abot kami rito. Kapatid ang tingin ko sa kanya at wala nang iba,” maagap na sagot ni Cedric. Napalunok ako nang maramdamang bahagyang idiin ni Philip ang kamay niya sa braso ko. Kaya naman dahil sa gulat ay mabilis ko itong hinaklit saka dumistansya ng ilang dipa.“Hindi ba? E, malinaw naman na inaakit mo siya. May pahawak-hawak ka pa ngang nalalaman, eh!” maktol ni Philip sa kaharap. Akmang uundayan n
Nagising akong bumungad sa akin ang madilim na paligid. Nagpalinga-linga ako at pilit inaaninag ang bawat madadaanan ng mga mata ko. Mayamaya pa ay lumiwanag ang paligid. Binuksan pala ni Philip ang switch. May bitbit siyang tray na naglalaman ng pagkain.“How are you, Hon? May masakit pa rin ba sa ‘yo?” sunod-sunod niyang tanong habang papalapit sa kama. Tumango ako saka nagtangkang bumangon pero mabigat pa rin ang ulo ko. “Huwag kang bumangon baka mabinat ka pa.” Inilapag niya sa mini table ang tray bago kinuha ang kumot na nakatakip sa akin saka ako inalalayang bumangon. Ilang sandali pa, tumunog din ang kanyang cellphone. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa bago niyang kasosyo sa negosyo na si Cedric, pero nagdadalawang-isip din ako. Ayaw ko rin isipin niya na interesado ako sa lalaking ‘yun. Napalunok ako nang biglang sumagi sa isip ko ang pamilyar nitong boses. “Sure. Darating ako bukas ng 7:30 PM.” Nag-angat ako ng mukha nang marinig ang sinabi ni Philip. Mukhang minadali
Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang cellphone. Mayamaya pa ay narinig kong huminga nang malalim ang taong nasa kabilang linya. Lalong kumunot ang noo ko dahil hindi naman siya nagsasalita. Ilang saglit pa, biglang na lang namatay ang tawag sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla na lang tinambol nang matinding kaba ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ako mapalagay habang tinititigan ko ang cellphone na kasalukuyan kong hawak-hawak. Sandali akong natigilan saka nag-isip kung paano nakuha ng estrangherong lalaking iyon ang numero ko. Sino kaya siya? Saan kaya niya nakuha ang phone number ko? Pumikit ako at nagpasyang hindi na tutuloy sa paglabas. Pinapaintindi ko na lamang kay Princess kung bakit hindi kami makaalis ng bahay. “Wow! May baby na ulit tayo, Mommy?” excited niyang tanong habang hinahaplos-haplos ang aking tiyan.Tumango ako. “Oo, Princess. Kaya hindi na muna tayo tutuloy kasi biglang sumakit ang tiyan ni Mommy, ha?” Ala
Hindi ako nakatulog kaagad kinagabihan dahil sa misteryosong lalaking iyun. Huminga ako nang malalim. Umupo sa kama saka nag-isip ng paraan kung paano ko mahuhuli sa akto ang lalaking ’yun. Kailangan ko rin sabihin kay Philip ang tungkol doon para hindi siya mag-isip nang masama o ’di kaya’y mag-alala sa akin. Bumangon ako saka nagpasyang magtungo sa kusina. Baka sakaling dalawin na ako ng antok kapag uminom ako ng gatas. ’Yun kasi ang parating sinasabi sa akin ni Mama noon. Madali raw makatulog kapag gatas ang iniinom. Binuksan ko ang switch. Pagkatapos, dali-dali kong tinungo ang thermos saka kumuha ng baso. Habang hinahalo ko ang gatas, bigla na namang sumagi sa isip ko ang lalaking iyon. Ano kaya ang pakay niya? Bakit palagi siyang nagpapakita sa akin? Huminga ako nang malalim bago humakbang palabas ng kusina. Pagdating ko sa silid ni Philip, mabilis kong dinampot ang cellphone na nakapatong sa mini table. Hinanap ko ang numero niya. Ilang oras na siyang umalis pero hindi pa si
Tanging tunog lamang ng kutsara’t tinidor ang naririnig mula sa hapag. Hindi ako kumibo kahit nakaramdam na ako ng inis sa taong kaharap ko ngayon. Ang lakas ng loob magpakita sa amin pagkatapos niyang lasunin ang sariling anak. Ang kapal ng mukha.Napapailing ako bago binilisan ang pagsubo. Ayaw kong makikipagplastikan sa kanya. Sa totoo lang, ang sarap sapakin ng mukha niya kung wala lang sa harap si Princess. Kumukulo ang dugo ko hanggang ngayon nang dahil sa ginawa niya sa bata. Buong buhay ko, ngayon pa ako nakaka-encounter ng ina na sinubukang patayin ang sariling anak. Para siyang hindi tao sa ginawa niya.“Mag-usap tayong tatlo pagkatapos kumain,” walang buhay na sambit ni Philip.Mabilis akong napatingin sa kanya. Blangko ang mukha niya at gumagalaw pa ang panga habang nakatingin kay Alma. Hindi pa rin ako kumikibo sa halip, binilisan ko na lamang ang pagkain. Nang matapos, nauna na akong lumabas ng kusina at dumiretso ako sa sala. “Where’s Philip?”Mabilis akong napalingon