Home / Romance / One Night With My Ex-Husband / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of One Night With My Ex-Husband: Chapter 11 - Chapter 20

33 Chapters

Chapter 11

“Are you sure? Angelo is my son?” Mariing naglapat ang mga labi ko. Unti-unti akong lumingon bagay na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Kumuyom ang mga kamo ko na hindi naman nakaligtas sa paningin niya.Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan niya at binigyan siya nang masamang tingin. “Talaga ba’ng gano’n karumi ang tingin mo sa akin para pagdudahan mo? How could you, Philip? Ikaw nga ’tong unang nagloko!” Hindi ko napigilan ang sarili at mabilis ko siyang sinampal sa mukha. Natabingi ang mukha niya sa ginawa kong pagsampal dito. Hindi pa ako nakontento, sinampal ko rin ang kabila ngunit sa pagkakataong iyon ay nahuli niya ang kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Napapikit ako nang pumasok agad sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango. Umigting ang panga niya at madilim ang mukha. “I’m sorry, but I need to confirm kung nagsasabi ka nga ba talaga sa akin nang totoo.”Oo nga pala. Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang bagay na iyon sa umpisa pa lang?
Read more

Chapter 12

Rated SPG. PASADO alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, uminom na rin naman ako ng gatas. Sinilip ko ng tingin si Angelo sa kanyang kuna, mahimbing na ang tulog niya. Kinumutan ko siya nang mahawakan ang malamig niyang balat. Hininaan ko na rin ang air con. Napangiti ako. Napagod yata siya kanina sa pamamasyal namin. Dito na rin ako natulog sa kuwarto niya para maasikaso ko siya agad. Maaga pa naman kami aalis bukas. Marahas akong bumuga ng hangin sa aking ilong bago ipinasyang bumangon. Dahan-dahan akong naglakad upang hindi makalikha ng ingay. Nang tuluyang makalabas ng silid ay maingat kong isinara ang pinto. Napalunok ako nang makita si Philip sa sala na kasalukuyang umiinom. Dalawang bote na rin ng red wine ang naubos niya.Nag-angat siya ng mukha sa akin. Mataman niya akong tinitigan sa mga mata. Tila kinikilatis niya pa ako nang husto. Ilang saglit pa ay tumayo na siya. Umakma siyang maglakad pero mabilis din siyang natumba.“Philip
Read more

Chapter 13

“Tell her kung anong pinagdaanan mo no’ng iniwan ka niya at nagpakasal pa sa iba.”“No. Hindi na, Cholo. Huwag na natin balikan ang nakaraan. Matagal nang tapos ’yun. Basta ang mahalaga ngayon, kasama ko na siya at ang anak namin.”Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway nang marinig ang usapan nila sa sala. Nasa kusina ako at kasalukuyang nagtitimpla ng gatas ni Angelo. “Mommy, magkapatid po kami ni Baby Angelo?” Nabaling ang atensiyon ko kay Princess nang marinig ang sinabi niya. Napalunok ako saka unti-unting tumango-tango. “Yes, baby. Magkapatid kayo sa ama.” Feeling ko, naiintindihan naman niya ang sinasabi ko.Tumango siya. Kumuha siya ng slice bread saka ito kinagat-kagat. Napangiti ako. Mabait na bata si Princess. Sana hindi magbabago ang pagtingin niya kay Angelo paglaki nila. Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Nang matapos ay tinawag ko si Aira para puntahan si Angelo sa kanyang silid. Ilang saglit pa ay dumating na rin naman siya karga ang bata.Umupo ako sa tabi ni Prin
Read more

Chapter 14

“What are you doing here?”Sa halip na sagutin ang tanong ni Philip, humakbang siya palapit sa akin. Tnaasan ako ng isang kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa paraan ng pagtitig niya ay parang nangungutya siya. “Jessy, right? You look losyang,” maarte niyang sabi. Umismid pa siya sabay irap sa kawalan.Hindi ako sumagot kahit kating-kati na akong sapakin ang bunganga niya. Hindi ako mapagpatol sa mga taong abusado sa akin. Nagsasayang lang ako ng oras. Pumikit ako. Nararamdaman ko ang isang kamay na nakalingkis sa aking baywang. Nahigit ko ang aking hininga nang dumikit siya sa akin. “Why are you here, Aica?”Nag-angat ako ng paningin kay Philip nang marinig ang sinabi niya. Sino naman kaya itong babaeng kaharap namin nagyon? Ipinilig ko ang ulo. Hindi ko alam pero bigla akong nagkainteres sa kanya. Hindi dahil sa tsismosa ako kundi biglang nabuhay ang natutulog kong dugo. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng babae. Muli niya akong pinasadahan ng tingin pero sa p
Read more

Chapter 15

PhilipPASADO ALAS-OTSO na ng gabi pero hindi pa rin dumating ang taong kausap ko. Isang oras na akong naghihintay pero ni text o tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya. Naiinip na ako. Panay na rin ang sulyap ko sa aking suot na relos. “I’m so sorry, Mr. Montana. May emergency lang. By the way, I’m Cedric Ferrer,” pagpapakilala niya ulit sa sarili. Nagkausap lang kami sa cellphone pero hindi ko inaasahan na ganito pala siya sa personal. Medyo madaldal at pailalim kung tumingin. Nag-angat ako ng mukha. Tiningnan ko siya nang mabuti. Napahawak ako sa aking baba nang mapansin ang kakaiba niyang tattoo sa kanyang pupulsuhan. Parang ang weirdo lang dahil s*so ng babae ang naka-drawing doon. “So, ano’ng plano mo?” basag niya sa katahimikan. Mabilis nabaling ang atensyon ko kay Cholo. Sakto at sa akin din siya nakatingin. Sumilay ang kakaibang ngiti sa aking labi nang tumango-tango siya. Tila alam na alam niya ang laman ng isip ko.Tumikhim ako at muling ibinaling ang paningin sa
Read more

Chapter 16

MATINDING takot ang lumukob sa aking buong sistema nang mapagmasdan ang maamong mukha ni Philip habang nakahiga sa kama na walang malay. Nasa hospital kami ngayon at kasalukuyang sinusuri ang kalagayan niya. Nasaksak siya ng kutsilyo sa tagiliran kahapon. Pauwi na sana siya nang bigla na lang harangin ng dalawang lalaki ang kotse niya. Mabuti na lang din, hindi isinama si Sam ng mga masasamang loob na iyon. Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa ang totoong nangyari at kung anong motibo ng mga taong gustong pumatay kay Philip.“Ano’ng nangyari?”Nabaling ang paningin ko sa taong nagsalita. Hindi ko namalayan ang biglaang pagsulpot ni Cholo sa harapan ko. Lumapit siya sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Philip. Mataman niyang pinagmasdan ang kaibigan na tila kinikilatis ang buong katawan nito. Nagtagis ang bagang niya nang mapako ang kanyang mga mata sa sugat ni Philip. Hinaplos-halpos niya ito. Mahimbing pa rin ang tulog ni Philip.Mayamaya pa ay tumikhim ako para maagaw niya ang ate
Read more

Chapter 17

Dalawang oras na simula nang makatulog si Philip pero ako—heto at mulat na mulat pa rin ako. Kahit anong gawin kong pagpikit, ayaw pa rin makisama ng mga mata ko. Hindi na rin natuloy ang lakad namin ni Merry dahil sa nangyari. Mabuti na lang at naiintindihan niya rin.Nakailang tayo na rin ako para uminom ng tubig sa kusina. Ngunit wala pa rin itong epekto sa aking katawan. Marahas akong bumuntonghininga bago nagpasyang tumayo. Baka sa silid ni Angelo ako makatulog. Naninibago ako sa kuwarto ni Philip. Baka isa rin ito sa dahilan kung bakit ’di ako makatulog.“Where are you going?” Nagitla ako nang bigla siyang magsalita sa likuran ko. Natigil ako sa paghakbang at mabilis na napalingon sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa kama habang mataman akong pinagmasdan. Hindi ko alam ang sasabihin kaya yumuko akong lumapit sa kanya.“Hindi ka pa natutulog? Ano’ng oras na ba?” tanong niya. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mini table niya saka tiningnan ang oras. Napako agad ang mga mata
Read more

Chapter 18

May ilang segundo rin akong natutulala habang nakatitig kay Merry. Kumunot ang noo ko at tila mabagal ang pagproseso ng sinabi niya sa aking utak. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Pero sa huli, pinili kong ngumiti kahit nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili na ayos lang sa akin kung anuman ang sasabihin niya. Pero nanaig sa akin ang kaba at takot. Hindi ko rin alam kung bakit, basta iyon ang nararamdaman ko. “Jessy, may kasalanan ako sa iyo,” ulit niya.Sa puntong ito, lalo pa akong kinakabahan. Lalong kumabog ang aking dibdib nang nagsimula nang tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nananatili na lamang akong tahimik. Gusto kong magsalita pero walang boses ang lumabas sa bibig ko. Para akong pipi sa lagay ko ngayon. Napalunok ako nang makita siyang seryoso at kinurot-kurot pa ang dalawang kamay habang walang patid ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Napailing ako. Nagpasya akong mag-ikot-ik
Read more

Chapter 19

KALAHATING oras na akong naghihintay pero ni anino ni Merry ay hindi ko pa nakita. Nakailang bili na rin ako ng mineral water. Nangangalay na ang puwet ko sa kinauupuan. Tayo, lakad at upo ang ginawa ko ngunit wala pa ring Merry ang dumating. May usapan kasi kaming lalabas. Matagal-tagal na rin kasi noong lumabas kami. Nami-miss ko na rin lumabas kasama siya pero ganito pa ang nangyari. Nakaramdam na ako ng tampo sa ginawa niya. Hindi naman siya ganito noon. Nagtaka lang ako dahil wala namang bakas na makikita sa mukha niya na may tinatago siya sa akin dati o kahit noong nasa Baguio pa ako. Pero napapansin ko minsan na tahimik siya kapag magkasama kami. At kung minsan naman kapag hindi ko siya tinitingnan ay pasimple siyang tumingin sa akin. Pero pinagkibit-balikat ko lang iyon.“Jessy . . .”Dahan-dahan akong lumingon sa pinagmulan ng boses. Hinihingal siyang lumapit sa akin. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang pamumula ng kanyang braso. Kaagad napako ang mga mata ko sa kanya.
Read more

Chapter 20

Wala sa sariling natutop ko ang aking bibig. Maluha-luha kong tinitigan sa mga mata si Philip na ngayon ay titig na titig din sa akin. “Pakasalan mo ako ulit. And this time, I will promise you na hindi na mauulit ’yung nangyari noon.” Natameme ako. Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa pero hindi maaari. May isang parte ng katawan ko ang hindi sang-ayon. Hindi ko alam kung bakit. “Pero. . . paano si Alma at Princess? ’Di ba kasal kayo ni—”“No. Kahit kailan hindi ako nagpakasal sa iba, dahil ikaw lang ang minahal ko nang sobra.”Tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Napapikit ako at napakagat sa labi. Pagmulat ko ay tumambad na sa harapan ko ang isang maliit na pulang kahon. Napatitig pa ako ro’n nang ilang segundo. “Marry me again, Jessy.” Binuksan niya ang kahon at tumambad sa harapan ko ang singsing na may diamond sa ibabaw. Hindi lang basta diamond. Kumikinang pa sa tuwing matutukan ng
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status