Dalawang oras na simula nang makatulog si Philip pero ako—heto at mulat na mulat pa rin ako. Kahit anong gawin kong pagpikit, ayaw pa rin makisama ng mga mata ko. Hindi na rin natuloy ang lakad namin ni Merry dahil sa nangyari. Mabuti na lang at naiintindihan niya rin.Nakailang tayo na rin ako para uminom ng tubig sa kusina. Ngunit wala pa rin itong epekto sa aking katawan. Marahas akong bumuntonghininga bago nagpasyang tumayo. Baka sa silid ni Angelo ako makatulog. Naninibago ako sa kuwarto ni Philip. Baka isa rin ito sa dahilan kung bakit ’di ako makatulog.“Where are you going?” Nagitla ako nang bigla siyang magsalita sa likuran ko. Natigil ako sa paghakbang at mabilis na napalingon sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa kama habang mataman akong pinagmasdan. Hindi ko alam ang sasabihin kaya yumuko akong lumapit sa kanya.“Hindi ka pa natutulog? Ano’ng oras na ba?” tanong niya. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mini table niya saka tiningnan ang oras. Napako agad ang mga mata
May ilang segundo rin akong natutulala habang nakatitig kay Merry. Kumunot ang noo ko at tila mabagal ang pagproseso ng sinabi niya sa aking utak. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Pero sa huli, pinili kong ngumiti kahit nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili na ayos lang sa akin kung anuman ang sasabihin niya. Pero nanaig sa akin ang kaba at takot. Hindi ko rin alam kung bakit, basta iyon ang nararamdaman ko. “Jessy, may kasalanan ako sa iyo,” ulit niya.Sa puntong ito, lalo pa akong kinakabahan. Lalong kumabog ang aking dibdib nang nagsimula nang tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nananatili na lamang akong tahimik. Gusto kong magsalita pero walang boses ang lumabas sa bibig ko. Para akong pipi sa lagay ko ngayon. Napalunok ako nang makita siyang seryoso at kinurot-kurot pa ang dalawang kamay habang walang patid ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Napailing ako. Nagpasya akong mag-ikot-ik
KALAHATING oras na akong naghihintay pero ni anino ni Merry ay hindi ko pa nakita. Nakailang bili na rin ako ng mineral water. Nangangalay na ang puwet ko sa kinauupuan. Tayo, lakad at upo ang ginawa ko ngunit wala pa ring Merry ang dumating. May usapan kasi kaming lalabas. Matagal-tagal na rin kasi noong lumabas kami. Nami-miss ko na rin lumabas kasama siya pero ganito pa ang nangyari. Nakaramdam na ako ng tampo sa ginawa niya. Hindi naman siya ganito noon. Nagtaka lang ako dahil wala namang bakas na makikita sa mukha niya na may tinatago siya sa akin dati o kahit noong nasa Baguio pa ako. Pero napapansin ko minsan na tahimik siya kapag magkasama kami. At kung minsan naman kapag hindi ko siya tinitingnan ay pasimple siyang tumingin sa akin. Pero pinagkibit-balikat ko lang iyon.“Jessy . . .”Dahan-dahan akong lumingon sa pinagmulan ng boses. Hinihingal siyang lumapit sa akin. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang pamumula ng kanyang braso. Kaagad napako ang mga mata ko sa kanya.
Wala sa sariling natutop ko ang aking bibig. Maluha-luha kong tinitigan sa mga mata si Philip na ngayon ay titig na titig din sa akin. “Pakasalan mo ako ulit. And this time, I will promise you na hindi na mauulit ’yung nangyari noon.” Natameme ako. Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa pero hindi maaari. May isang parte ng katawan ko ang hindi sang-ayon. Hindi ko alam kung bakit. “Pero. . . paano si Alma at Princess? ’Di ba kasal kayo ni—”“No. Kahit kailan hindi ako nagpakasal sa iba, dahil ikaw lang ang minahal ko nang sobra.”Tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Napapikit ako at napakagat sa labi. Pagmulat ko ay tumambad na sa harapan ko ang isang maliit na pulang kahon. Napatitig pa ako ro’n nang ilang segundo. “Marry me again, Jessy.” Binuksan niya ang kahon at tumambad sa harapan ko ang singsing na may diamond sa ibabaw. Hindi lang basta diamond. Kumikinang pa sa tuwing matutukan ng
Kalahating oras na kaming naghihintay sa labas ng ER mula nang makapasok si Princess. Hindi ko na alam ang gagawin lalo pa at hindi pa dumating ang ama niya. May emergency rin daw kasi sa kompanya kaya ’di rin niya ito maiwan-iwan. Pero nangako naman siyang darating siya kapag maresolba iyon agad.“What happen? Ano’ng nangyari kay Princess?” Napatayo ako nang marinig ang malakas na boses ni Alma sa harapan ko. Masama ang tinging ipinukol niya sa akin na animo’y kakainin na ako anumang oras. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang kasama niyang babae. Pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung alam kung saan, pero sigurado akong nagkita na kami before.“Aica, let’s go inside,” ani Alma bagay na nagpahinto sa akin sa pag-iisip.Aica? Siya ’yong babae na nakasalubong namin ni Philip sa mall? Sabi na nga ba, eh. Siya iyon. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha dahil siya ’yong tinutukoy ni Philip na kaibigan ni Alma. Tumingin ako sa ibang direksyon nang tingnan niya ako nang masama. Titig pa lan
“Open the door, Jessy. Gusto lang kita makausap,” mahinahon niyang sabi sa labas ng pinto.Hindi pa rin ako nakinig. Bagkus, tumayo ako para silipin si Princess. Kapag talaga nagwawala sa labas ang lokong iyon, sigurado akong magigising ang bata. Ipinikit ko ang aking mga mata. Dali-dali kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa saka hinanap ang pangalan ni Philip. Hindi ko alam saan nagpunta ang taong iyon. Wala rin naman kasi siyang sinabi. Marahas akong bumuntonghininga bago itinapat ang cellphone sa aking tainga. Nakailang ring din bago sinagot sa kabilang linya. “Philip, nasa labas ng pinto si Noah. Nagpumilit siyang pumasok. Gusto raw akong makausap.” “What?” Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang namatay ang cellphone. Kumunot ang aking noo nang mapagtantong dead batt na ito. Kapag minamalas ka nga naman. Ngayon pa talaga namatay kung kailan may mga masamang nangyayari. “Jessy, please. Talk to me. I’m sorry.”Nabaling ang paningin ko sa pinto. Hindi pa talaga umalis an
“What the hell are you doing here? Kasing tigas na ba talaga ng bakal ’yang pagmumukha mo?”“Hindi ikaw ang ipinunta ko rito Philip kundi si Jessy.”Literal akong napanganga sa narinig. Ano naman kaya ang sadya niya sa akin? Unti-unti kong inangat ang aking paningin sa kanya. Napailing ako. Masama ang kutob ko na may mangyaring ’di maganda ngayon. Napalunok ako at mabilis na pumagitna sa kanila. Hinawakan ko sa braso si Philip saka bahagya siyang hinila palayo sa kaharap. Pansin ko kasing medyo mainit na ang titigan nilang dalawa. Parang walang gustong magpapatalo sa kanila.“Hon, pumasok ka na sa kuwarto natin. Ako nang bahala rito,” mahinahong turan sa akin ni Philip. Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Tumalikod na ako ngunit mabilis nahaklit ni Noah ang braso ko. Napaigik ako nang maramdamang tila may matigas na bagay akong nasagi sa tagiliran niya. Napalunok ako. Hindi ako puwedeng magkamali. Matigas at parang…baril. Sa gulat ay mabilis ko siyang itinulak at walang pasabing
Tanging tunog lamang ng kutsara’t tinidor ang naririnig mula sa hapag. Hindi ako kumibo kahit nakaramdam na ako ng inis sa taong kaharap ko ngayon. Ang lakas ng loob magpakita sa amin pagkatapos niyang lasunin ang sariling anak. Ang kapal ng mukha.Napapailing ako bago binilisan ang pagsubo. Ayaw kong makikipagplastikan sa kanya. Sa totoo lang, ang sarap sapakin ng mukha niya kung wala lang sa harap si Princess. Kumukulo ang dugo ko hanggang ngayon nang dahil sa ginawa niya sa bata. Buong buhay ko, ngayon pa ako nakaka-encounter ng ina na sinubukang patayin ang sariling anak. Para siyang hindi tao sa ginawa niya.“Mag-usap tayong tatlo pagkatapos kumain,” walang buhay na sambit ni Philip.Mabilis akong napatingin sa kanya. Blangko ang mukha niya at gumagalaw pa ang panga habang nakatingin kay Alma. Hindi pa rin ako kumikibo sa halip, binilisan ko na lamang ang pagkain. Nang matapos, nauna na akong lumabas ng kusina at dumiretso ako sa sala. “Where’s Philip?”Mabilis akong napalingon
MAHIGIT ISANG ORAS na simula nang makaalis sina Cedric at Merry. Sinubukan kong umidlip pero hindi ako makatulog. Kaya lumabas na lamang ako sa silid at dumiretso sa kusina. “Jessy! We need to talk!” Natigilan ako nang marinig ang baritonong boses ni Philip sa labas ng bahay. Gumalaw ang panga ko at kuyom ang mga kamaong tinungo ang daan palabas ng bahay. “Anong kailangan mo?” malamig kong tanong sa kanya.Kumibot ang labi niya saka bahagyang lumapit sa akin. “We need to talk, Jes—”“Wala na tayong dapat pag-usapan, Philip! Tapos na tayo! Dahil ikaw na mismo ang tumapos sa l*tseng relasyong ito!”Hindi ko na napigilan ang sariling sumabog. At sa isang iglap lang ay dumapo ang palad ko sa mukha niya.“Tapos na tayo, Philip! Tama na ang pananakit mo sa akin!” “No! Hindi ako papayag! What’s wrong with you?” seryoso niyang tanong. Napalunok ako’t napakunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya alam na katabi niya si Alma sa kama kagabi? “Sinong inuuto mo, Philip? May amnes
“Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang panggugulo mo sa buhay namin? Ano pa bang kailangan mo, ha?!”“Gusto ko lang naman mag-usap tayo, Jessy.” “Wala tayong dapat pag-usapan, Noah. Wala akong obligasyon sa ’yo, kaya umalis ka na sa buhay namin!” singhal ko sa kanya.Narinig ko ang pagtagis ng bagang niya pero nananatili akong nakatingin sa kanya nang masama. Hindi ko alam kung bakit may mga taong mahilig manggulo ng buhay ng ibang tao. “Umalis ka na, Noah! Kung ayaw mong tumawag kami ng pulis!” banta naman ni Merry sa kanya. Pero sa halip na makinig ay unti-unting humakbang palapit sa kinaroroonan ko si Noah.“Hindi pa rito nagtatapos ang lahat, Jessy,” bulong niya sa akin bagay na nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong sistema ko.Napalunok at napayakap sa sarili. Ayaw kong isipin na banta ‘yun pero kakaiba ang sinasabi ng utak at isip ko. Ilang beses akong kumukurap hanggang sa nakarinig na lamang ako ng ugong ng sasakyan, tanda na papalayo na si Noah sa bahay.“Ayos ka
ISANG ORAS na ang nakalipas mula nang dumating kami rito sa hospital. Hindi na rin masyadong mataas ang lagnat ni Angelo. Hindi gaya kanina na nakakapaso ang temperatura niya.“Don’t worry, hon. Magiging maayos din ang lahat.” Mabilis akong napaangat ng tingin sa taong nagsalita. Walang buhay ko siyang tiningnan. Sa totoo lang, masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya, pero hindi rin puwedeng hindi ko sabihin sa kanya ang nangyari sa anak namin.Huminga ako nang malalim. “Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa anak ko, Philip.” “Hindi ko hahayaang mangyari ‘yan, hon. I promise na poprotektahan ko kayo. Magkasama nating harapin ang—”“Huwag ka nang mangako, Philip. Dahil alam ko naman na hanggang ngayon, may inilihim ka pa rin sa akin,” walang emosyon kong sagot. Marahas akong bumuntonghininga bago hinawakan ang maliit na kamay ng aking anak. Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang pinagmasdan ang natutulog kong anak. Wala pang muwang sa mundo pero kapag gumawa na naman
Nagtagis ang bagang ko habang sinusundan palabas ng bahay si Jessy. I didn't know kung bakit nangahas na namang pasukin ng Noah na ‘yun ang pamamahay ko. Alam ko ang motibo niya simula pa lang—ang angkinin kasama ng hilaw kong pinsan ang pagmamay-ari ko. Habang nabubuhay ako, ‘yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Magkamatayan muna kami bago nila makuha ang nais sa akin o sa pamilya ko.Pagdating sa labas ng bahay, tanaw ko mula sa ‘di kalayuan si Noah habang hawak sa kabilang kamay ang itim na sun glass. Nang makita niya kami ay malapad ang ngiting iginawad sa amin na batid kong kaplastikan lang naman ‘yun.“Oh, I thought wala ka rito, Philip? Well, hindi naman talaga ikaw ang sadya ko rito kundi si Jessy. So, puwede bang bigyan mo kami ng privacy?” Umigting ang panga ko dahil sa narinig. Privacy? Minamanduhan niya ako sa sarili kong pamamahay? “F*ck you, Noah! Wala kang karapatang utos-utusan ako sa sarili kong pamamahay! Now! Get out of my house! Leave my wife alone!” “Oh, wow! Ju
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Hindi nila napansin kaya nagtago ako sa mayayabong na halaman. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Leo habang nakipagsagutan kay Alma. Hindi ko eksaktong naririnig ang pinag-usapan nila. Pero narinig ko ang pangalan ni Philip. Ano na naman kaya ang plano nila? Makaraan ang ilang minuto ay tumalikod na si Alma papasok sa loob. Kaya naman nagmamadali akong lumayo at nagtungo malapit sa pool. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagtikhim niya sa likuran ko. Hindi ako nagpapahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Wala rin naman akong masyadong naiintindihan doon.“Jessy, aalis na pala ako bukas. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Napalingon ako nang marinig ang sinabi niya. Aalis na siya bukas? Edi mas mabuti kung gano'n para mapanatag na ang loob ko. Tipid akong ngumiti saka tumango.“Oo naman, Alma. Akong bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala, aalagaan at mamahalin ko na parang tunay na anak si Princess.” “Thank you,
“Anong ginagawa mo rito?” walang buhay kong tanong. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Kumuyom ang mga kamao ko habang matamang nakatitig sa harap. Napansin ‘yun ni Cedric kaya maagap niyang hinawakan ang balikat ko. “Don’t touch my woman, Cedric! Kung ayaw mong magkagulo tayo rito!” Namilog ang mga mata ko nang marinig ang malaking boses ni Philip sa likuran ko. At sa isang iglap lang ay mabilis niyang hinaklit ang braso ko. Napaigik ako nang makaramdam ng pananakit sa bandang hinawakan niya. “Hey. Relax, dude. Hindi ko aagawin sa ‘yo ang asawa mo. Nagkataon lang na nagpang-abot kami rito. Kapatid ang tingin ko sa kanya at wala nang iba,” maagap na sagot ni Cedric. Napalunok ako nang maramdamang bahagyang idiin ni Philip ang kamay niya sa braso ko. Kaya naman dahil sa gulat ay mabilis ko itong hinaklit saka dumistansya ng ilang dipa.“Hindi ba? E, malinaw naman na inaakit mo siya. May pahawak-hawak ka pa ngang nalalaman, eh!” maktol ni Philip sa kaharap. Akmang uundayan n
Nagising akong bumungad sa akin ang madilim na paligid. Nagpalinga-linga ako at pilit inaaninag ang bawat madadaanan ng mga mata ko. Mayamaya pa ay lumiwanag ang paligid. Binuksan pala ni Philip ang switch. May bitbit siyang tray na naglalaman ng pagkain.“How are you, Hon? May masakit pa rin ba sa ‘yo?” sunod-sunod niyang tanong habang papalapit sa kama. Tumango ako saka nagtangkang bumangon pero mabigat pa rin ang ulo ko. “Huwag kang bumangon baka mabinat ka pa.” Inilapag niya sa mini table ang tray bago kinuha ang kumot na nakatakip sa akin saka ako inalalayang bumangon. Ilang sandali pa, tumunog din ang kanyang cellphone. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa bago niyang kasosyo sa negosyo na si Cedric, pero nagdadalawang-isip din ako. Ayaw ko rin isipin niya na interesado ako sa lalaking ‘yun. Napalunok ako nang biglang sumagi sa isip ko ang pamilyar nitong boses. “Sure. Darating ako bukas ng 7:30 PM.” Nag-angat ako ng mukha nang marinig ang sinabi ni Philip. Mukhang minadali
Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang cellphone. Mayamaya pa ay narinig kong huminga nang malalim ang taong nasa kabilang linya. Lalong kumunot ang noo ko dahil hindi naman siya nagsasalita. Ilang saglit pa, biglang na lang namatay ang tawag sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla na lang tinambol nang matinding kaba ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ako mapalagay habang tinititigan ko ang cellphone na kasalukuyan kong hawak-hawak. Sandali akong natigilan saka nag-isip kung paano nakuha ng estrangherong lalaking iyon ang numero ko. Sino kaya siya? Saan kaya niya nakuha ang phone number ko? Pumikit ako at nagpasyang hindi na tutuloy sa paglabas. Pinapaintindi ko na lamang kay Princess kung bakit hindi kami makaalis ng bahay. “Wow! May baby na ulit tayo, Mommy?” excited niyang tanong habang hinahaplos-haplos ang aking tiyan.Tumango ako. “Oo, Princess. Kaya hindi na muna tayo tutuloy kasi biglang sumakit ang tiyan ni Mommy, ha?” Ala
Hindi ako nakatulog kaagad kinagabihan dahil sa misteryosong lalaking iyun. Huminga ako nang malalim. Umupo sa kama saka nag-isip ng paraan kung paano ko mahuhuli sa akto ang lalaking ’yun. Kailangan ko rin sabihin kay Philip ang tungkol doon para hindi siya mag-isip nang masama o ’di kaya’y mag-alala sa akin. Bumangon ako saka nagpasyang magtungo sa kusina. Baka sakaling dalawin na ako ng antok kapag uminom ako ng gatas. ’Yun kasi ang parating sinasabi sa akin ni Mama noon. Madali raw makatulog kapag gatas ang iniinom. Binuksan ko ang switch. Pagkatapos, dali-dali kong tinungo ang thermos saka kumuha ng baso. Habang hinahalo ko ang gatas, bigla na namang sumagi sa isip ko ang lalaking iyon. Ano kaya ang pakay niya? Bakit palagi siyang nagpapakita sa akin? Huminga ako nang malalim bago humakbang palabas ng kusina. Pagdating ko sa silid ni Philip, mabilis kong dinampot ang cellphone na nakapatong sa mini table. Hinanap ko ang numero niya. Ilang oras na siyang umalis pero hindi pa si