Ryker Chua Mondragon, the owner of the largest business in the country, tinitingala at hinahangaan ng maraming kababaihan. He was every woman's dream. But behind his sweet smile and kind nature, he was a beast, a devil in disguise that you wouldn't want to see. Can Kelly Venus endure the pain of being the man's obsession? May chance pa ba siyang makatakas sa kamay ng binata? What if everyone around her will be in danger if she tried to run away? Pipiliin ba niyang manatili o magtatago na lang at hindi na magpapakita sa kaniya?
view moreSa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin
Pagkatapos na masuri ni Kelly kung kompleto ang mga na-deliver na libro ay nagsimula na rin niyang ayusin ang mga ito sa shelves. Mag-iisang taon na siyang librarian sa maliit na library ng kanilang bayan at so far ay kabisado na niya lahat ng trabaho niya rito unlike noong bago pa lang siya. Mali lahat ng librong inayos niya at sa ibang shelf pa nakasalansan ang 'di dapat niyang paglagyan at nakaalalay ang dating librarian sa kaniya bago ito tuluyang nag-resign. Nilalagyan pa niya ng marka ang mga librong hindi pa na-deliver.Pagkatapos niyang makapasa last year sa librarian licensure examination ay dito niya pinili magtrabaho sa kanilang lugar kahit 'di kalakihan ang kaniyang suweldo. Malapit lang kasi ang bahay nila at kasama niya roon ang nag-iisang kapatid niyang lalaki at ang magulang niya. Dalawa lang silang magkapatid at wala ni isa sa kanila ang nagplanong maghanap ng trabaho malayo sa lugar nila.Noong nag-aaral pa lamang siya ay aminin niyang araw-araw niyang namimiss ang m...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments