Pagkatapos na masuri ni Kelly kung kompleto ang mga na-deliver na libro ay nagsimula na rin niyang ayusin ang mga ito sa shelves. Mag-iisang taon na siyang librarian sa maliit na library ng kanilang bayan at so far ay kabisado na niya lahat ng trabaho niya rito unlike noong bago pa lang siya. Mali lahat ng librong inayos niya at sa ibang shelf pa nakasalansan ang 'di dapat niyang paglagyan at nakaalalay ang dating librarian sa kaniya bago ito tuluyang nag-resign. Nilalagyan pa niya ng marka ang mga librong hindi pa na-deliver.
Pagkatapos niyang makapasa last year sa librarian licensure examination ay dito niya pinili magtrabaho sa kanilang lugar kahit 'di kalakihan ang kaniyang suweldo. Malapit lang kasi ang bahay nila at kasama niya roon ang nag-iisang kapatid niyang lalaki at ang magulang niya. Dalawa lang silang magkapatid at wala ni isa sa kanila ang nagplanong maghanap ng trabaho malayo sa lugar nila.
Noong nag-aaral pa lamang siya ay aminin niyang araw-araw niyang namimiss ang magulang. Minsan pa nga ay nagkakaroon siya ng insomnia sa gabi. Kahit na hating gabi na minsan ay tinatawagan niya ang kaniyang kapatid para lang makausap sila at mapapanatag ang kaniyang loob. Saka lamang siya dadalawin ng antok kapag narinig na niya ang boses ng magulang niya. Kahit ilang taon siyang tumira sa boarding house hanggang makatapos siya ay 'di pa rin siya nasanay. Kaya naman agad siyang nagdisisyon na umuwi rito pagkatapos makapasa.
Hinikayat pa siya ng magulang na maghanap ng magtrabaho sa ibang lugar pero tinanggihan niya iyon. Ayaw niyang mapalayo sa kaniyang mga magulang at ang gusto ay nasa tabi lang niya ang mga ito. Nasa edad na siya pero alam niya sa sarili niya na dependent pa rin siya sa kanila. She still wants to be spoiled by them. Ang kapatid niyang si William ay palaging nagbibiro sa kaniya na ang kulang na lang ay dumedè siya sa ina na parang sanggol.
Tinawanan lamang niya ito at hindi iyon itananim sa kaniyang utak. She knows that her brother also loves her dearly. He's even spoiling her rotten. Lahat ng hiling niya ay binibigay nito kaya ang kaibigan niyang si Arthur ay palaging sinasabi na sheltered siya at baka 'pag pumunta siya sa ibang lugar ay para siyang blangkong papel na hindi alam ang gagawin. Agad sumang-ayon ang isip niya pero hindi siya nagkomento. Kahit gusto niyang salungatin ang sinabi nito ay kilalang kilala na siya nito.
Napa-angat siya ng ulo at napatingin sa may kanan niya nang marinig ang tinig ni Arthur, ang kaibigan niya simula pa 'nung paslit pa sila. Isa itong high school teacher sa bayan nila at sa parehong university din sila nagtapos.
Nakasuot ito ngayon ng sky blue na uniform nito sa pinagtuturuan nito. Bagay nito ang suot na uniporme lalo pa at matangkad at guwapo ito. Marami ring kaklase nila ang nahumaling dito pero insensitive yata ang binata dahil hindi nito matukoy kung ano ang ibig sabihin ng malalagkit na tingin ng mga kababaihan. Kahit pa may hayagang nagpakita ng motibo ay clueless na tatango lang ito o kaya ay ngingiti at pagkatapos ay iignorahin na sila.
May malawak na ngiti ito sa labi habang kumakaway at naglalakad palapit sa kaniya. Kumaway din siya pabalik dito at ngumiti.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi pa naman uwian, ah!" taas ang kilay na usisa niya kapagdaka.
Tumabi ito sa kanya at tinulungan siyang ilagay ang libro sa shelf. "Katatapos lamang ng meeting namin kaya lumabas ako upang magpahangin," paliwanag nito.
Napatango siya at inabot ang libro sa book trolley. Inayos niya iyon sa shelves.
"Right, naalala mo ba 'yong balita noon na magpapatayo sila ng mall dito? 'Di ba ilang beses nang may dumating dito noong nakaraang buwan para suriin ang malawak na bakanteng lupa sa west side? Matutuloy daw iyon," hayag nito. Her hand paused and looked at him. Abala ito sa pagsiyasat sa libro na hawak nito at hindi nakatingin sa kaniya. "Narinig ko rin na ang taong magpapatayo ng mall ay isang Mondragon." He glance at her.
"Sinong Mondragon?" Balewalang nagpatuloy na siya sa ginagawa niya. Sa dinami rami ng magkakaparehong apelyedo ay hindi niya matukoy kung sinong tao ang sinasabi nito.
"Sino pa ba? Eh, 'di 'yong sikat na bilyonaryong si Ryker. 'Di ba siya ang namamahala ngayon sa family business nila nang bumaba sa puwesto ang kaniyang ama," anito. "Nakalimutan mo ba ang dream boy mo?"
Napangiti siya nang marinig ang pangalan ng lalaking palaging laman ng balita at pahagayan. Isang bachelor ang binata at maraming babae ang nahahalina sa malaanghel na mukha nito. Maraming pahagayan ang nagsasabing mabait at matulungin ito kaya katulad din ng iba ay humanga siya rito. Kung may free time siya ay palaging bumibisita siya sa fandom ng binata at nakikita niya ang mga litrato nito. Mga na-edit na galing sa interview at iba pang gatherings na nadaluhan nito.
Hindi man niya ito nakita ng personal ay animo kilala na niya ito dahil sa nababasang description nila rito at sa nakikitang larawan nito. May tangkad na anim na talampakan at one inches, may matangos na ilong, pula ang ang manipis na labi nito, kulay black ang mata nito at may kakapalan ang kilay. Walang makikitang ipipintas sa binata pagdating sa pisikal na anyo. Sayang lang at walang litrato ito na walang pang-itaas para masilayan nila kung gaano kaganda ang muscles at abs nito.
"Talaga? Personal bang siya ang paparito sa lugar natin? Gusto ko talaga siyang masilayan, eh!" excited na bulalas niya. Her eyes twinkled dreamily.
Natawa ito at marahang itinoktok sa kaniyang noo ang hawak nitong libro. Napahawak siya roon habang nakairap sa binata. "Kahit masilayan mo pa siya, sa taas ng pedestal na kinatutuntungan niya ay malabong mabigyan ka niya kahit isang sulyap lang," nagbibirong bigkas nito dahilan upang mapalabi siya. "Makontento ka na lang sa pagsilip sa litrato niya na edited," nakangising pang-aalaska nito sa kaniya.
Napasimangot siya sa sinabi nito at 'di napigilang sipain ang paa nito. Kahit kailan talaga ay panira ang kaibigan niya sa momentom niya.
"Hinahangaan ko lang 'yong mga magagandang ugali niya na nababasa ko tungkol sa kaniya. At'saka, loyal pa rin naman ang puso ko sa paborito kong actor, 'no!" nakangusong saad niya. "Alam ko naman na isa lamang akong sisiw habang siya ay agila, napakataas na niya at 'di ako makalipad para abutin siya!"
Nakangising inakbayan siya ng kaibigan at pinisil ang kaniyang balikat. "Bukas daw ay kasama siyang paparito sa lugar natin. Gusto mo siyang silipin bukas, 'di ba? Gusto kong makita na kumutitap iyang mata mo 'pag nasilayan siya," puno ng kapilyuhan na bigkas nito.
Kumislap ang mata niya at agad napatango. "Sure! Tamang-tama at day off ko bukas. Wala ka ring work dahil sabado kaya dapat lang na samahan mo talaga ako."
"Oo na! Sasamahan kita! Sige na kailangan ko nang bumalik. Susunduin kita mamaya kaya hintayin mo ako," paalam nito.
Tumango siya at nang tuluyang mawala ito sa kaniyang paningin ay pinagpatuloy na niya ang ginagawa.
Hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras at nang muli siyang mag-angat ng mukha ay nakatayo na uli sa harapan niya si Arthur. Inayos na niya ang mga gamit at nagpaalam sa kasama niya rito na siyang magsasara ng library. Twenty minutes lang ang biyahe mula rito hanggang sa kanilang bahay kaya agad silang nakarating. Nagpasalamat siya sa kaibigan sa paghatid nito sa kaniya. Ngunit bago niya ito tuluyang iwan ay nilinga niya ito.
"Kalampagin mo na lang ang kuwarto ko bukas 'pag hindi pa ako gising," saad niya dahilan para mapailing ito.
Ngingiti-ngiting pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay. Excited siya para bukas dahil masisilayan na rin niya ang lalaking pangarap niyang makita ng personal.
Maaga pa lamang ay dilat na ang mata ni Kelly. Nag-apply siya ng peeling mask sa kaniyang mukha. Hindi mabura-bura ang malawak na ngiti sa labi niya habang nakaupo sa silya sa harap ng salamin. Kanina pa siya tapos maligo at nagpalit ng isang fuchsia pink na blouse at jeans na hapit sa kaniya. Sa suot niya ay lumabas ang perpektong kurba ng kaniyang katawan. At kung maayusan siya ng husto ay magmumukha siyang anak mayaman.May katamtaman siyang tangkad na five feet and four inches. Mahaba ang itim na itim na buhok niya na umabot sa kaniyang baywang. She have slender brows, mahaba at malalantik na pilik mata na parang pakpak ng paru-paru kung kumukurap siya, straight nose, thin pink lips and expressive brown eyes. She's a perfect epitome of beauty. Lahat ay mahuhumaling sa angking ganda niya idagdag pa ang talino na kaniyang taglay. Subalit tulad ng sinabi ng kaibigan niya ay maliit ang hinaharap niya at maliit lang ang gamit niyang bra.At ito ang palaging napupuna ng kaibigan niya na
Kausap ni Ryker ang engineer niya nang maramdaman niya ang kakaibang tingin na nakatutok sa kaniya. Luminga siya para hanapin ang tingin na iyon; then his eyes met beautiful and seductive eyes. Hindi niya alam kung aware ba ang magandang dilag sa paraan ng tingin nito kaya napangisi siya at kinindatan ito.Malayo man ang babae ay nahuhulaan niyang pumula ang pisngi nito nang makita ang pagkagat nito sa ibababg labi. She's so gorgeous that she immediately grabbed his attention. Maraming kadalagahan siyang nakita at nakilala subalit ito lang ang masasabi niyang may taglay na eleganteng ganda. Nakakahalina at hindi nakakasawang pagmasdan.Binawi na niya ang kaniyang mata at bumalik ang atensyon niya kay Rob na pinag-aaralan kung paano itatayo ang gusali. Isang kakilala niya ang nagsabi tungkol sa lugar na 'to at nagkaroon agad siya ng interes. Kaya naman nagplano na agad siya at binili ang malawak na lupain. Ang may-ari nga lamang ang pumunta sa syudad upang magpirmahan sila."The entranc
Pagkapasok pa lamang ni Kelly sa loob ng kanilang bahay pagka-uwi niya ay nagtitili na siyang tinawag ang ina. Hindi na siya makapaghintay na ibahagi rito ang paghaharap nila ni Ryker. Na napansin ng binata ang alindog niya hindi katulad ng iniisip nila. Hinanap niya ang ina sa bawat sulok ng kanilang bahay ngunit hindi pa rin niya ito nakita.Pumasok sa isipan niya na baka pinuntahan na naman nito ang tanim nito kaya malalaki ang hakbang na pumunta siya sa likod bahay kasunod si Arthur na napapailing. Agad naman niyang nakita ang ina sa labas na nilalagyan ng black soil ang isang bakanteng paso. Narinig nito ang yabag nila kaya napalingon ito sa kanila at napangiti.Animo bituin na kumikinang ang kaniyang mata habang naglalakad palapit sa ina. Nangunot ang noo nito sa kinikilos niya at sumulyap kay Arthur na nagkibit balikat at naupo sa bangko."Mama, hulaan mo kung ano ang nangyari sa pagpunta namin doon," very eager na bulalas niya. Umaasang agad na mahulaan ng ina ang nangyari sa
Kinalunesan ay maagang pumasok sa trabaho si Kelly. Kahit halata ang malalaking eyebags sa mata niya at kakulangan sa tulog ay maliksi pa rin siyang kumilos. After having that kind of dream, hindi siya nakatulog ng ilang gabi at palaging naglalaro sa kaniyang utak ang mukha ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit at paano nagawang gumawa ng ganoong ekspresyon sa mukha ng binata ang utak niya.Sa tuwing pipikit siya ay animo sirang cassette na lumilitaw sa balintataw niya iyon dahilan upang bigla siyang mamumula at magigising ang kaniyang diwa. Pagkatapos ay 'di na siya makakatulog at madaling araw na kung aantukin siya.Humikab siya at sumandal sa swivel chair niya at pumikit. Wala namang darating na bagong libro ngayon kaya wala siyang gagawin. Isa pa ay hindi naman isang malaking library ang pinagtatrabahuhan niya kaya may araw talaga na wala siyang ginagawa at nakaupo lamang habang nagbabasa ng libro at naghihintay ng darating na customer. Lalo na kung natapos niyang i-check a
Kinahapunan pagkatapos magsara ng library si Kelly ay nagulat siya nang mamataan niya si Ryker na nakasandal sa hood ng isang wrangler at nakapikit. Napakurap pa siya ng maraming beses para masigurong hindi lang imahinasyon ang nakikita niya pero naroon pa rin ang binata. Atubling nilapitan niya ito at huminto ng isang dipa rito.Wala sa loob na isinubo niya ang hinlalaki at kinagat ang kaniyang kuko habang binibistahan ang hitsura ng binata. Iba na ang damit na suot nito ngayon, isang gray na sweater at jeans. Ang bangs nito ay malayang nakalugay sa noo nito kaya nagmukha itong teenager. Ngunit hindi pa rin nawawala sa aura nito ang isang pagiging bachelor.Bahagya siyang umatras nang makitang kumislot ang mga pilik mata nito at unti-unti itong nagmulat ng mata. Kumislot ang puso niya nang sa pagmulat nito ay tamang magkakatitigan silang dalawa. Dumiin ang ngipin niya sa dulo ng kaniyang daliri dahilan para mapadaing siya at mabilis na tinignan iyon.Nagulat naman ito kaya agarang na
Nang hindi na makita ni Ryker si Kelly sa side mirror ng sasakyan niya ay awtomatikong tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Dumako ang mata niya sa pilot seat kung saan niya basta inilapag ang isang folder na naglalaman ng imbistigasyon na nakalap ng inupahan niyang PI tungkol sa dalaga.Isang araw lang ang hinintay niya at dumating ito kaninang madaling araw. Kilala kasi siya ng PI na 'pag sinabi niyang isang araw lang ay hindi puwedeng lumagpas ng isa pang araw o dalawa. Kaya naman sa unang tawag pa lang niya ay agad na magtatrabaho na ang tao niya para ibigay ang kailangan niya.Dito niya natuklasan ang kursong tinapos ng dalaga. Alam niyang hindi konektado ang tinapos nito sa business niya pero ito lamang ang paraan niya para mahikayat na sumama sa kaniya para magtrabaho sa kaniyang kompanya. Kahit magpapatayo pa siya ng isang bookstore na ito ang magbabantay. Gusto niyang dalhin ito sa syudad kung saan siya nakatira upang palagi niya itong nasisilayan at nabibigyan ng buong atensyo
Humihikab na pumanaog si Kelly sa hagdan ng kanilang bahay. Magulo pa ang buhok at hindi man lang nakakapaghilamos ng kaniyang mukha. Balak niyang magpahatid sa kuya niya kaya naman hindi agad siya nag-shower at naghanda upang pumunta sa trabaho.Nasa may gitna na siya ng hagdan nang magulantang siya sa matinis na tinig ng isang bata at tinawag ang kaniyang pangalan. Kung hindi siya agad nakahawak sa balustre ng hagdan ay paniguradong nadulas siya at tuloy-tuloy na dumausdus pababa hanggang sa first floor. Hindi pa naman carpeted ang sahig nila at tiled floor lang.She was shocked silly that she glared to that person's voice. But when she realizes who she was she instantly smiled to Pierre and awkwardly descended to the stair. Subalit animo napako siya sa kinatatayuan nang sa pagtapak niya sa huling baitang ng hagdan ay natuon ang mata niya sa maliit na bird cage na nasa paanan ng bata. Her mouth gaped. There was two birds in it chirping. Nagpalipat-lipat ang tingin niya roon at kay P
Nakatingin si Kelly sa papalayong pigura ng binata habang magulo ang kaniyang isipan. Pakiramdam niya ay panaginip 'to lahat, ang pag-aalok nito ng trabaho sa kaniya at ang pagtanggap at pagpayag niyang magtrabaho sa kaniya. She didn't even see his mischievous smile as he nodded his head earlier in content. Nakaupo lamang siya na animo statue at hindi nagising sa parang langong pakiramdam niya. Napaiktad lang siya sa gulat ng katokin ni Samuel ang mesa niya at tinignan siya sa nagtatanong na mata.Ilang beses siyang napakurap bago alanganing ngumiriti rito."Narinig ko ang usapan ninyong dalawa. Tinanggap mo ang offer niya and you even wrote your resignation on the spot as if you were hypnotized," nakaarko ang sulok ng labing saad nito sa tonong may halong panunukso.Mariing pinaglapat niya ang kaniyang mga labi at hindi malaman kung ano ang isasagot sa sinabi nito. Nakita siguro nito kung ano ang reaksyon niya kanina kaya naman ito at inaasar siya nito."M-Mukga ba akong fanatic fan
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin