Dahil sa isang gabing pagkakamali ay ipinakasal si Liyanna Torres sa kanyang matalik na kaibigan na si Carlos Ballarta. Isang gwapong bilyonaryo si Carlos Ballarta. Dahil sa aksidenti niyang nagalaw ang kanyang kaibigan ay pinilit silang ipinakasal ng kanilang mga magulang. May pag-ibig kayang mabubuo? Hanggang kailan ka dapat manatili sa isang relasyon na sa simula pa lang ay ipinilit lang?
view moreCARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi
LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang
LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s
LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil
LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s
LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat
CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip
CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang
LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton
LIYANNA'S POV"NO, hindi ako magpapakasal kay Liya. Hindi ko siya mahal." Galit na sigaw ni Carlos.Kasalukuyan kaming nandito sa sala nila. Hindi ko alam ang nangyari basta nagising na lang ako kanina na masakit ang gitnang bahagi ng aking katawan. Hindi ko rin inaasahan na nasa tabi ko ang matalik kong kaibigan at pareho kaming walang saplot sa katawan."Magpapakasal ka and that's final. Hindi mo puwedeng takasan ang ginawa mo kay Liya!" Galit na sabi ng daddy ko."Iho, bakit hindi mo subukan. Besides she's your bestfriend." Sabi ni Tita Rona kay Carlos."That's the point mom, she's my best friend at hindi ko kayang magpakasal sa kanya!" Kalmado pero may diin sa boses ni Carlos. Masaktan ako sa mga narinig ko buhat sa kanya."Sana naisip mo 'yan bago mo ginalaw ang anak ko. Hindi ako makakapayag na hindi mo pakasalan ang anak ko." Galit na galit na daddy ko kaya pinapakalma ito ni mommy. Ako naman ay walang ibang magawa kundi ang umiyak na lang. Nalilito ako, hindi ko alam ang sasa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments