LIYANNA'S POV
Bumuhos ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Ang asawa ko at ang bestfriend ko. Hindi lang sila naghahalikan dahil nakahugpong ang kaselanan nila. Abala sila at hindi man lang nila ako napansin. Nawalan ng lakas ang mga tuhod at kamay ko. Bigla kong nabitawan ang baunan na dala ko kaya napalingon sila sa direksyon ko."L-Liya," nauutal na bigkas ni Carlos sa pangalan ko."Bakit siya pa? Bakit ang bestfriend ko pa Carlos? Bakit?" Umiiyak na tanong ko sa kanya."Li—"Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tapusin ang sasabihin niya dahil mabilis akong tumakbo palabas sa opisina niya. Ang sakit, sobrang sakit na pati bestfriend ko niloko ako. Ito ba ang bago niyang secretary. Noon hindi ko pinapansin ang mga tingin ni Pia sa asawa ko dahil alam ko na hindi niya ako kayang lokohin pero nagkamali ako.She betrayed me, at hindi ko man lang makita sa mukha niya na nagkamali siya. Tirik na tirik ang araw pero ito ako naglalakad habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng pagkahilo."Miss, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ng isang babae."Okay lang ako," sagot ko sa kanya."Sigurado po ba kayo ate? Mukha po kayong hindi okay?" Nag-aalalang tanong niya."Oka—""Ate...! Tulungan niyo po ako!"Magising ako na masakit ang ulo ko at nahihilo ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kanina."Ate, kumusta po ang pakiramdam niyo? Okay lang po ba kayo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ng babae."Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya."Nasa ospital ka po ate, nawalan ka po nang malay kanina." Sagot niya sa akin."Salamat sa 'yo. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya."Vena po," sagot niya kaya napangiti naman ako."Ako naman si Liyanna. Maraming salamat sa tulong mo sa akin.""Wala po 'yon ate, nakita lang kasi kitang hindi maayos maglakad tapos umiiyak ka pa." Saad niya sa akin.Biglang pumasok ang doktor."Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin."Nahihilo lang po ako Doc," sagot ko sa kanya."Congratulations you're pregnant," nakangiting pahayag ng doktor sa akin.Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naiiyak ako sa saya pero umiiyak rin sa takot at lungkot. Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko man lang nalaman na may buhay pala sa loob ko."Kailangan mong maging healthy, maging maingat. You look stress kaya inomin mo ang mga vitamins na nireseta ko sa 'yo.""Thank you Doc, gagawin ko po 'yan." Sagot ko sa kanya."That's good para maging healthy rin si baby sa loob mo." Nakangiting sabi sa akin ni Doc.Lumabas rin kaagad ang doktor at naiwan kaming dalawa ni Vena. Doon ako umiyak ng umiyak. Hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit na para bang hindi ko kaya. Parang sinasaksak ang puso ko."Ate, bakit ka po umiiyak? Hindi ka po ba masaya? Magkakababy kana po?" Tanong niya sa akin."Vena, paano ako magiging masaya? Natatakot ako, hindi ko alam kung matatanggap ba ng asawa ko ang baby namin." Pag-amin ko sa kanya."Sigurado po na matatanggap niya po 'yan kasi baby niyo po 'yan eh.""Hindi niya ako mahal Vena, niloko nila ako." Umiiyak na sabi ko dahil hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko."Ate," niyakap ako ni Vena."Niloko nila ako ng bestfriend ko. Vena, hindi naman niya ako mahal. Pinilit lang siyang pakasalanan ako." Sabi ko sa kanya."Ang sama nila ate, paano nila nagawa 'yon sa 'yo?" Naiiyak na rin na sabi ni Vena."Vena, salamat sa 'yo pero kaya ko ang sarili ko. Kakagaling mo lang ba sa trabaho? Baka naabala kita?" Tanong ko sa kanya dahil napansin ko ang suot niya."Naku ate, hindi naman. Ang totoo niyan 'di naman ako nakapasa sa pinag-applyan ko. Mag-isa lang ako dito ate, nasa probinsiya ang mga magulang ko. Naloko kasi ako ng recruiter. Mag-aabroad sana ako." Malungkot na sagot niya sa akin."Gusto mo bang sumama sa akin?" Tanong ko sa kanya."Saan ate? Naku ate nakakahiya po sa 'yo, okay lang naman po ako eh.""Sa bahay ko, 'wag kang mag-alala dahil sasahuran kita. Kailangan ko lang ng kasama ngayon. Hindi ko kayang mag-isa Vena, natatakot ako para sa anak ko." Saad ko sa kanya."Thank you po ate, masipag po ako at mapagkakatiwalaan niyo kaya huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ang trabaho ko." Niyakap niya ako kaya napangiti naman ako.Isinama ko siya sa pag-uwi ko. At kagaya pa rin ng dati ay wala na naman ang asawa ko. Wala talaga siyang balak na magpaliwanag sa akin. Umiyak ako ng umiyak sa silid ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa sa akin iyon ni Pia? Naging totoo ako sa kanya. Siya ang nakakaalam ng lahat lalo na ng nararamdaman ko kay Carlos pero siya pa ang nanakit sa akin.At si Carlos ganito ba niya ako saktan? Ganito ba ang gusto niya para sumuko na ako?"Baby, matutuwa kaya ang daddy mo kapag nalaman niyang nabuo ka?" Tanong ko sa anak ko na nasa loob ng tiyan ko.Nakatulog na lang ako sa kakaiyak. Hindi na umuwi si Carlos halos tatlong araw na. Hindi man lang ba siya magpapaliwanag sa akin. Nagbihis ako dahil gusto kong puntahan si Pia gusto ko siyang kausapin. Isinama ko si Vena."Pia, puwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa kanya."Okay, pero saglit lang dahil may trabaho pa ako." Para wala lang na sagot niya sa akin.Pumunta kami sa lugar na walang tao. Nasa 'di kalayuan lang si Vena."Puwede ba bilisan mo na. Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na." Naiinis na sabi niya sa akin."Pia, bakit mo 'to nagawa sa akin? Bestfriend kita, bakit ang asawa ko pa?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.Hindi ito sumagot sa akin. Tumingin lang ito na parang wala lang sa kanya. Wala akong makitang emosyon sa kanya."Layuan mo na ang asawa ko, humanap ka na lang ng iba. Marami namang lalaki d'yan. Huwag lang si Carlos," umiiyak na sabi ko sa kanya."Siya lang ang gusto ko. At matagal ko na siyang gusto, siguro kung hindi pinilit ng daddy mo na ipakasal sa 'yo si Carlos ay sa akin pa rin ang bagsak niya.""Paano mo nasasabi 'yan? Balewala lang ba sa 'yo ang lahat ng pinagsamahan natin? Akala ko ba bestfriend kita?" Tanong ko sa kanya."Ikaw lang naman ang nag-iisip na bestfriend mo ako. You want to know the truth? You're not special to me. Hindi kita tinuring na bestfriend. Kaya lang ako nakipagkaibigan sa 'yo para mapalapit ako kay Carlos." Pag-amin niya sa akin. Nasaktan ako sa naging sagot niya."Pia, naging totoo ako sa 'yo. All this time pinaniwala mo ako na kaibigan ang tingin mo sa akin. Ang sama mo, naging mabuti ako sa 'yo!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya."Bakit sinabi ko ba na maging mabuti ka sa akin? I never asked you to do that. It's your choice, at please lang hayaan mo na si Carlos dahil nagsasama na kami. Huwag mo na siyang ikulong sa kasal niyo dahil hindi ka niya mahal." Akmang aalis siya ng hawakan ko ang kamay niya."Pia, please 'wag si Carlos. Buntis ako, magkakaanak na kami. Gusto ko ng buong pamilya para sa anak ko. Please, hayaan mo na ang asawa ko." Lumuhod ako sa harapan niya. Kung kailangan kong magmakaawa ay gagawin ko para layuan lang niya si Carlos.Umiwas ito ng tingin at iniwaksi niya ang kamay ko."Ano namang pakialam ko sa anak mo?""Pia, parang awa mo na. Kahit hindi na para sa akin sa anak ko na lang. Layuan mo ang asawa ko." Umiiyak na sabi ko sa kanya."Aray! Huhuhu," bigla itong sumigaw at biglang natumba kaya dinaluhan ko siya."Anong ginawa mo sa kanya?!" Nagulat ako dahil biglang dumating si Carlos na nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin."C-Carlos," umiiyak na tawag ko sa pangalan niya."Are you okay?" Tanong nito kay Pia at tinulungan niya itong makatayo. Yumakap naman si Pia habang umiiyak sa asawa ko.Doon bumuhos ang luha ko habang nakaluhod sa harapan nila. Naramdaman kong niyakap ako ni Vena."Bakit siya pa Carlos? Bakit ang bestfriend ko pa? Ito bang nais mo ang sumuko na ako? Mas pipiliin mo ba ang kabit mo?!" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na maiwasang hindi sumigaw.Hindi nila ako pinansin at umalis lang sila sa harapan ko. Naiwan kami ni Vena."Ate, umuwi na tayo." Sabi niya sa akin."Vena, kailangan ko na bang tumigil?" Tanong ko sa kanya."Sa tingin ko ate, oo kasi wala silang pakialam sa 'yo. Ate mahalin mo ang sarili mo, si baby. Isipin mo si baby," aniya sa akin.Umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong mailuha. Tama siya isipin ko ang anak ko. Nagpasya kaming umuwi na ni Vena. Pagpasok ko sa silid ko ay kinuha ko annulment paper. Umiiyak ako pero buo na ang desisyon ko.Pinirmahan ko ito at inalis ko ang singsing sa daliri ko. Ipinatong ko ito sa itaas ng annulment paper."Goodbye Carlos."Hello po, sana po ay maisama niyo po ito sa reading list niyo. Feel free to leave some comments and reviews. Marami salamat po ❤️❤️❤️
LIYANNA'S POVNilisan ko ang bahay namin. Doon ko naisip na wala namang magandang alaala, na kailangan kong baonin sa pag-alis ko. Puro maghihirap lang ang meron sa bahay na ito. Sa ginawa niya kanina ay pinatunayan lang niya na kahit kaunti ay wala siyang pakialam sa akin, na kahot katiting ay wala talaga siyang pagmamahal sa akin. Na mas pipiliin pa niya si Pia kaysa sa akin. They betrayed me and it's killing me inside. At habang buhay ko 'yong maalala ang lahat ng ginawa nila sa akin. She doesn't even care about my child. Na kahit nagmakaawa ako ay hindi niya ako pinakinggan. She also make a scene para maging masama ako sa paningin ni Carlos. Ang buong akala ko ay mahal ako ni Pia bilang kaibigan niya but he used me. Para mapalapit sa asawa ko. Ngayon ay malaya na si Carlos at puwede na nilang gawin ang lahat ng nais nila.Nais ko pa sanang sabihin kay Carlos na buntis ako pero mas mabuti na hindi niya alam. Dahil baka hindi lang niya tanggapin ang bata. Kung babalikan ko ang lahat
LIYANNA'S POVNang magising ako ay una kong kinapa ang tiyan ko. Nakaramdam ako ng kirot kaya nataranta ako. Akmang babangon ako nang bigla akong pigilan ni Vena."Ate, h'wag ka mo ng gumalaw." Sabi sa akin ni Vena."Vena, anong nangyari sa baby ko? Vena, nasaan ang baby ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya."Ate.. ang baby mo, inalis na nila sa tiyan mo. Kailangan nilang alisin si baby." Sagot niya sa akin."May nangyari ba sa baby ko? Vena, anong nangyari sa baby ko?" Natatakot na tanong ko sa kanya at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko."Nasa ICU ang baby mo ate, buhay siya at lumalaban para sa 'yo. Premature baby siya ate, kailangan kasi nilang ilabas si baby kahit kulang pa siya sa buwan." Umiiyak na sabi niya sa akin.Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Umiyak ako ng umiyak. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi niya pinabayaan ang anak ko. Pero masakit para sa akin na malaman na nahihirapan ang anak ko. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Ipinaliwanag sa akin ng d
LIYANNA'S POVSobrang sakit na nakikita ko ang ang ko na nahihirapan at nag-aagaw buhay. Kung puwede na ako na lang pero wala akong magawa. Humina ang pananalig ko at nawalan ako ng pag-asa para sa buhay ng anak ko. Bumalik ulit ako sa psychiatrist para magpatingin.At ngayon na maayos na ulit ako ay muli na naman akong sinusubok. Hindi na ba matatapos ang lahat ng ito? Bakit ba ipinagkakait sa akin na maging masaya? Ano bang nagingg kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. "Anak, lumaban ka. Huwag mo akong iiwan. Vena, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin." Umiiyak ako habang nakatingin sa anak ko na unti-unting bumabagsak ang heartbeat niya. Kahit siguro sinong ina ay hindi gugustuhin na mawalan ng anak."Diyos ko, parang awa niyo na po. Hayaan niyo po akong makasama ang anak ko. Siya lang po ang mayro'n ako. Ito lang po ang hinihiling ko sa inyo. Ang anak ko lang po, parang awa niyo na po." Umiiyak na kausap ko sa ka
LIYANNA’S POV “Charles, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. Nagulat kasi ako dahil bigla na lang may nag doorbell nang buksan ko ay si Charles pala. Ang buong akala ko kasi ay uuwi na ito sa Pilipinas. “Akala ko umuwi kana sa Pilipinas?” Tanong ko sa kanya.“Dito na muna ako,” sagot niya sa akin.“Wala ka bang game?”“Wala, i think hindi na ako maglalaro ulit.” Sagot niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko kasi na sobra niyang mahal ang basketball. Alam ko rin na ipinaglaban pa niya ito sa daddy niya. Galing si Charles sa pamilya ng mga politiko kaya inaasahan na lahat sila ay sasabak sa politika. Hindi na ako nagtanong sa kanya. Siguro ay pagod na rin ito sa paglalaro. “Nasaan si Mireya?” Tanong niya sa akin.“Nasa likod ng bahay, naliligo sa pool.” Sagot ko sa kanya.“Ang talino ng anak mo,” aniya sa akin.“Ang anak ko ay regalo sa akin ng Panginoon. Saksi ang panginoon sa lahat ng paghihirap ko Charles. Sa kabila ng lahat ay hindi niya kinuha sa akin ang ana
LIYANNA’S POVNanibago ako sa klima dito sa Pilipinas. Kahit si Mireya ay naninibago rin. Hindi pa stable ang kalagayan ni daddy. Salit-salitan kami ni mommy sa pagbabantay sa kanya. Ngayon ay ako ang magbabantay sa kanya. Naglalakad ako ngayon papunta sa room ni Daddy. Nang may biglang tumawag sa pangalan ko.“Liya, ikaw ba ‘yan anak?” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ng dati kong biyenan. Ngayon nakita ko ito ay bigla akong nagduda kong naging totoo rin ba siya sa akin noon. Baka katulad rin siya ng mga anak niya? Kahit na may doubt ako sa kanya ay kailangan ko itong irespeto. “Ikaw nga anak, saan ka galing? Namiss kita anak,” umiiyak na sabi nito sa akin.“Kumusta na po kayo mommy?” tanong ko sa kanya.“Okay naman ako anak, ikaw kumusta kana. Patawad sa ginawa ng anak ko.” Nagulat ako sa bigla niyang sinabi at niyakap rin niya ako.Nais ko siyang tanungin kong sino sa dalawa niyang anak. Lahat ng anak niya ay sinaktan ako. Pero pinili kong ngum
LIYANNA’S POVHindi ako pumunta sa birthday ng dati kong biyenan dahil hindi pa ako handa. Dahil mas pinaghahandaan ko ang party sa bahay nila Charles. Kinakabahan man ako pero alam ko na wala naman akong ginawa sa kanila para matakot ako. Habang naliligo ako bigla akong napatingin sa repleksyon ko sa salamin. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko. Ang malaking peklat na saksi sa lahat ng pinagdaanan kong hirap. Pero sa kabila ng mga hindi magandang nangyari ay ito rin ang patunay na may buhay na nabuo sa loob ko. Na siyang dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon at lumalaban.“Mommy, Tito Charles is already here!” Sigaw sa akin ng anak ko mula sa labas ng banyo.“Coming..!” Sagot ko sa kanya.Mabilis akong nag banlaw at lumabas na sa banyo. Nakita ko ang anak ko na nakaupo sa kama namin. Nakanguso ito kaya mabilis ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi hanggang sa pinugpog ko ng halik ang buo niyang mukha.“Kanina pa ba ang Tito Charles mo?” Tanong ko sa kanya nang tu
LIYANNA’S POV“Liya.” Sambit ni Carlos sa pangalan ko.Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon na kaharap ko siya. Sa loob ng ilang taon ay nagkita kaming muli. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Ayoko siyang bigyan ng pagkakataon na isipin na mahina pa rin ako. Na kagaya pa rin ako ng dati.“May kailangan ka ba, Mr. Ballarta?” Pormal na tanong ko sa kanya.“Puwede ba tayong mag-usap?” Tanong sa akin ni Carlos. Kakaiba ang tono ng pananalita niya. Mahinahon at may pag-iingat.“May dapat pa ba tayong pag-usapan? Hindi tayo magkaibigan para mag kumustahan pa. Excuse me, pero hinahanap na ako ng boyfriend ko.” Sabi ko sa kanya at akmang aalis na ako.Pero nagulat ako dahil pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Pero kaagad ko naman iwinaksi ang kamay niya.“Don’t touch me,” naiinis na sabi ko sa kanya pero pinilit kong maging kalmado.“Kahit saglit lang, just give me five minutes.” pakiusap niya sa akin. “Sorry, pero hinahana
LIYANNA’S POV“Good morning mommy,” nagising ako sa halik ng anak ko. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na ngumiti. She's such a sweet baby. Palagi siyang ganito tuwing ginigising niya ako.“Good morning my Mireya,” nakangiti akong nakatingin sa kanya. I hugged her so tight na para bang ayaw ko siyang pakawalan.“Mommy, it’s sunday po. Diba palagi tayong pumupunta sa church?” Nanlaki ang mata ko dahil tama ang anak ko. Simula noong ipanganak ko si Mireya ay ginawa ko ng panata ang magsimba every sunday. Pasasalamat ko dahil lumaking malusog si Mireya. Masigla akong bumangon, gusto ko na makita ni Mireya na palagi akong excited na pagsamba. Gusto ko siyang lumaki na maging mabuting tao.Sakto lang ang pagdating namin dahil kakasimula pa lang ng misa. Tahimik lang akong nakikinig habang hawak ang kamay ng anak ko. Nagtext rin sa akin si Charles na pupunta siya sa bahay. Kaya maaga rin kaming umuwi ni Mireya may balak pa sana kaming mamasyal kaya lang naisip ko na hindi ko pala siya
CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi
LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang
LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s
LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil
LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s
LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat
CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip
CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang
LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton