Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2023-03-09 18:18:49

LIYANNA'S POV

Nakaharap ako ngayon sa salamin. May bakat nang kamay ni Carlos sa pisngi ko. Maputi ako kaya kitang-kita ito. Wala akong balak na pumasok sa opisina. Nagkulong lang ako dito sa silid ko. Mamayang gabi ay family dinner namin sa bahay ng parents niya.

Biglang nagring ang phone ko at si Carlos pala ang tumatawag.

"Hello," sagot ko sa tawag niya.

"Where are you? Bakit wala ka dito sa office?" Galit na tanong niya sa akin.

"Masama ang pakiramdam ko. Puwede ba akong hindi pumasok ngayon?" Tanong ko kay Carlos, naging tahimik sa kabilang linya kaya tinignan ko ang phone ko. Akala ko ay ibinaba niya pero hindi pala.

"Wala akong pakialam, pumasok ka dahil marami kang trabaho ngayon!" Galit na sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Napaiyak na lang ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang suwayin. Ayaw ko man maglagay ng make-up pero tinakpan ko ang pasa ko sa pisngi. Ayoko rin ipakita sa iba ang pasa ko. Nagbihis ako at pumunta sa company niya. Pagdating ko sa opisina niya ay saktong palabas ang best friend ko.

"Besty, namiss kita." Sabi niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Pia. Hindi lang kasi ako makapaniwala na nandito siya.

"Ang totoo n'yan ikaw ang dinadalaw ko. Akala ko kasi hindi ka pa papasok kaya uuwi na lang sana ako." Sagot niya sa akin.

"Aalis kana ba agad? Anong nangyari sa damit mo? At bakit suot mo ang coat ni Carlos?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Napunit kasi, mabuti at mabait ang asawa mo pinahiram niya sa akin. Besty, i need to go now. I have some errands pa kasi. Chika tayo some other time, okay. Love you," paalam kaagad nito sa akin.

"Okay, ingat ka." Sabi ko sa kanya habang paalais ito.

Pumasok ako sa opisina ng asawa ko. Nakita ko itong nagbibihis ng damit. Hindi ko na lang ito pinansin. Nilagay ko sa table niya ang mga papers na kailangan niyang pirmahan. Akmang lalabas na ako ng bigla itong nagsalita.

"Liya," tawag niya sa akin.

"Yes, Sir may kailangan po ba kayo?" Pormal na tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayong maglunch," sabi niya sa akin na ikinabigla ko.

"Ha?"

"Bingi ka ba? Sabi ko sabay tayo maglunch." Mahinahon na sabi niya sa akin.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo ba?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Hindi, hindi sa ayaw ko, nagulat lang ako." Nakayukong sabi ko sa kanya.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinawakan rin niya ang kamay ko. Tumingin ako sa mga mata niya.

"Naisip ko lang, bakit hindi natin subukan? Puwede natin subukan na maging mag-asawa, for real." Sabi niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang luha ko. Kaagad kong niyakap si Carlos. Isa itong araw na ito ang hindi ko makakalimutan. Masaya ako dahil sa wakas ay bibigyan niya ako ng pagkakataon ang pagsasama namin.

"Thank you Carlos." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Huwag ka ng umiyak. Sorry, kung nasaktan kita." Sabi niya sabay hawak sa pisngi ko.

"Okay lang, naiintindihan ko. Sorry kung napilitan kang magpaka—"

"Ssshh.. Let's make new memories. Kalimutan na natin ang nangyari. Hayaan mo akong bumawi ako sa 'yo." Mahinahon na sabi niya sa akin.

"Okay," nakangiting sabi ko sa kanya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko at lumabas na para gawin ang trabaho ko. Hindi ko alam kung ano ang mayro'n sa araw na ito. Pero nagpapasalamat ako dahil masaya ako. Hindi ko ito inaasahan. Kaya kong kalimutan ang lahat para maging maayos ang pagsasama namin nang asawa ko.

Sumapit ang lunch time at sabay kaming lumabas ni Carlos. Doon kami kumain sa madalas naming puntahan noon. Ibang-iba na talaga siya ngayon. Parang hindi siya ang asawa ko. Parang ibang tao siya.

"May dumi ba ako sa mukha?" Biglang tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Wala, hindi lang ako sanay siguro."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ito.

"Masasanay ka rin, sasanayin kita." aniya sa akin na may ngiti sa labi.

"Doon na tayo matulog sa bahay nila mommy mamaya." Sabi niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Kumain na rin siya. Buong araw ay naging magaan ang lahat nawala bigla ang sama nang pakiramdam ko. Sumapit ang gabi at kasalukuyan akong nagbibihis nang biglang pumasok ang asawa ko sa silid ko.

Sinimulan niyang halikan ang leeg ko pababa sa balikat ko hanggang sa humantong kami sa isang mainit na tagpo. Pagkatapos namin ay kaagad kaming bumiyahe papunta sa Mansiyon ng parents niya. Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap nang mommy niya.

"Kumusta kana iha? Kumusta ang buhay may asawa?" Masiglang tanong nito sa akin.

"Okay naman po, masaya naman po. Namiss ko po kayo mommy." Masayang sabi ko sa kanya.

"That's good to hear. Pumasok na tayo para makakain na."

Ngumiti naman ako at sumunod sa kanya. Nauna na kasi si Carlos sa loob. Hindi ko inaasahan na pupunta ang bestfriend ko sa dinner. Inimbitahan pala ito ni Mommy. Inaanak si Pia ng biyenan ko, kaya malapit rin ito kay Carlos.

Naging masaya ang dinner namin. Nagkwentuhan kami ni Pia. Masaya ako dahil may boyfriend na pala ito. At mukhang seryoso na ito ngayon. Play girl kasi ito kaya nakakagulat na nagseryoso siya.

"Next time ipakilala mo sa akin ha," nakangiting sabi ko sa best friend ko.

"Kapag ready na siya, medyo complicated kasi ang relasyon namin." Sagot niya sa akin ngumiti naman ito bilang sagot sa akin.

"Carlos, inaantok na ako. Mauna na ako sa taas." Saad ko sa asawa ko.

"Okay, susunod ako sa 'yo mamaya." Sagot niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Umiinom kasi ito nang alak. Nagpaalam naman ako kay Pia. Kaagad akong nakatulog. Hindi ko alam kung ano oras na umakyat si Carlos. Maaga akong nagising, kasalukuyan kong pinagmamasdan ang gwapong mukha nang asawa ko.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na siya ang una kong masisilayan sa unang pagdilat ng mga mata ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. Hindi ko maiwasan na maalala noong mga panahon na matalik na kaibigan pa ang turing namin sa isa't-isa. He is my comfort zone. Everytime na magkasama kami. I feel safe, alam ko na walang mananakit sa akin. But everything change, napaisip ako kung kailangan ko bang maniwala sa mga sinabi niya.

Paano si Sammy? Kaya ba niyang maging faithful sa akin na kung noong nakaraang gabi lang ay sinabi niya na wala akong panama kay Sammy.

"Kailangan ko bang maniwala sa 'yo?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na tulog siya.

Bumangon na ako at naghilamos ng mukha. Walang siyang pasok ngayon sa opisina. Kaya hinayaan ko na lang itong matulog. Bumaba ako sa kusina para sana magluto ng breakfast pero nandoon na si Pia. Kumakanta pa ito habang nagluluto.

"Good morning, Besty," masiglang bati niya sa akin.

"Good morning rin sa 'yo, besty." Nakangiting bati ko sa kanya.

May kakaiba sa best friend ko. Sobrang masiyahin niya ngayon. Lumapit ako sa kanya at pinanuod siyang magluto. Bigla akong napatingin sa leeg niya. Maraming pulang marka.

"Besty, anong nangyari sa leeg mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ito ba? May gumagat lang, natamisan yata sa akin." Nakangiting sagot niya sa akin.

"Hindi ba 'yan makati? Ipacheck-up mo na kaya?" Nag-aalalang sabi ko sa kanya.

"Medyo makati, pero okay lang naman ako besty. Malayo ito sa bituka," pabirong sabi niya sa akin.

"Basta kapag sobrang kati na ay magpacheck-up kana."

"Okay po, besty. Ikaw na muna ang magtapos nito ha. Akyat lang ako sa silid ko may kukunin lang ako." Paalam niya sa akin.

"Sige, ako na ang tatapos nito."

Umalis ito at ako naman ay tinapos ko ang ginagawa niya. Sakto lang noong matapos ako ay bumaba na sila mommy, magkasunod lang si Carlos at Pia. Katabi ko si Carlos at tahimik lang ito. Hindi na lang rin ako nagsalita. Pagkatapos naming kumain ay umakyat ako sa silid namin. Inayos ko ang nagusot na kama bago ako pumasok sa banyo para maligo.

Saktong labas ko sa banyo ay ang pagpasok niya sa silid namin. Kaagad itong dumiretso sa banyo. Paglabas niya ay napatingin ako sa dibdib niya namumula ito. Mabilis akong lumapit sa kanya. Hahaplusin ko sana ng bigla niyang pigilan ang kamay ko.

"What are you doing?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.

"May pula kasi sa dibdib mo? Anong nangyari d'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang ito, magbihis kana dahil uuwi na tayo." Sabi niya sa akin.

Naging tahimik ang biyahe namin pauwi sa bahay. Pagkarating namin ay hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya.

"Carlos, paano si Sammy?"

"Bakit mo tinatanong 'yan?" Tanong rin niya sa akin.

"Gusto ko lang malaman. Sabi mo sa akin ay aayusin natin ang relasyon natin. Pero paano ang kabit mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"I'll fix everything Liya, just trust me." Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.

"Gusto kong ako lang, sana wala na akong kahati sa 'yo. Mahal kita Carlos," lakas loob na sabi ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin. At hinalikan niya ako ulit sa labi ko. Nasaktan ako dahil wala siyang naging tugon pero maghihintay ako. Hihintayin ko na handa na siyang sabihan ako na mahal rin niya ako.

Comments (10)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku liya bantayan mo yang asawa mo dahil hindi lang si sammy ang babae nya kundi pati bestfriend mong ahas
goodnovel comment avatar
Leni Isla
Gago ka Carlos buseeeeeeet ka buseeet
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
Nakuuu carlos langya ka talaga magkatulad talaga kayong tatlo sammy pia at ikaw mga higad..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 4

    LIYANNA'S POV"Maaga ka ba uuwi mamaya?" Tanong ko sa asawa ko. Naghahanda na ito sa pagpasok sa opisina."Hindi ako sure, why?" Parang wala lang na sagot niya sa akin."Gusto ko sana na sabay tayong magdinner mamaya." Saad ko sa kanya. Hindi kasi kami nagkakasabay kumain dahil palagi itong late umuwi. Minsan ay madaling araw na pero madalas hindi na talaga ito umuuwi ang dahilan niya ay sa opisina na daw siya natutulog."Maybe next time. I have a lot of works in the office." aniya sa akin."Okay, naiintindihan ko." Malungkot na sabi ko sa kanya."Babawi ako ako sa 'yo." Ganito siya palagi pero hindi naman nangyayari ang mga sinasabi niya."Okay lang alam ko na busy ka sa trabaho mo. Ingat ka sa pagmamaneho." Sabi ko sa kanya."Okay," tanging sagot niya sa akin at nagmaneho na palabas sa gate. Kahit na sinasabi niya na subukan namin ay pakiramdam ko wala pa rin nagbago. Kasing lamig pa rin siya ng yelo. Tuwing kausap ko siya ay parang napipilitan lang siya sa akin. Pinipilit kong pan

    Last Updated : 2023-03-20
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 5

    LIYANNA'S POV"Pirmahan mo 'to," utos niya sa akin.Umiling ako sa kanya. Dahil hindi ko kaya."Diba sabi mo gagawin mo ang lahat?" Tanong niya sa akin habang wala akong nababanaag na emosyon sa mga mata niya. Kagaya pa rin ito nang dati. Malamig at may kasamang pagkasuklam."Hilingin mo lang ang kahit ano, 'wag lang 'yan. Hindi kita papakiilaman sa mga ginagawa mo. Hindi ako magtatanong, basta ang mahalaga sa akin ka uuwi. Carlos, kaya kong tanggapin ang lahat. Gagawin ko ang lahat pero 'wag lang 'yan." Umiiyak na sabi ko sa kanya."Desperada kana," 'yon lang ang sinabi niya bago niya nilisan ang silid ko. Nasaktan ako sa sinabi niya pero tama siya desperada na ako. Kung 'yon ang tingin niya sa akin ay tatanggapin ko 'wag lang niya akong iwan.Alam ko na umalis ito dahil narinig ko ang kotse niya na lumabas sa gate. Dinampot ko ang annulment paper at itinago ko ito. Alam ko na hindi pa niya ako kayang mahalin ngayon pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Buong gabi akong dilat, hindi ak

    Last Updated : 2023-03-21
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 6

    LIYANNA'S POVBumuhos ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Ang asawa ko at ang bestfriend ko. Hindi lang sila naghahalikan dahil nakahugpong ang kaselanan nila. Abala sila at hindi man lang nila ako napansin. Nawalan ng lakas ang mga tuhod at kamay ko. Bigla kong nabitawan ang baunan na dala ko kaya napalingon sila sa direksyon ko."L-Liya," nauutal na bigkas ni Carlos sa pangalan ko."Bakit siya pa? Bakit ang bestfriend ko pa Carlos? Bakit?" Umiiyak na tanong ko sa kanya."Li—"Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tapusin ang sasabihin niya dahil mabilis akong tumakbo palabas sa opisina niya. Ang sakit, sobrang sakit na pati bestfriend ko niloko ako. Ito ba ang bago niyang secretary. Noon hindi ko pinapansin ang mga tingin ni Pia sa asawa ko dahil alam ko na hindi niya ako kayang lokohin pero nagkamali ako.She betrayed me, at hindi ko man lang makita sa mukha niya na nagkamali siya. Tirik na tirik ang araw pero ito ako naglalakad habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

    Last Updated : 2023-03-22
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 7

    LIYANNA'S POVNilisan ko ang bahay namin. Doon ko naisip na wala namang magandang alaala, na kailangan kong baonin sa pag-alis ko. Puro maghihirap lang ang meron sa bahay na ito. Sa ginawa niya kanina ay pinatunayan lang niya na kahit kaunti ay wala siyang pakialam sa akin, na kahot katiting ay wala talaga siyang pagmamahal sa akin. Na mas pipiliin pa niya si Pia kaysa sa akin. They betrayed me and it's killing me inside. At habang buhay ko 'yong maalala ang lahat ng ginawa nila sa akin. She doesn't even care about my child. Na kahit nagmakaawa ako ay hindi niya ako pinakinggan. She also make a scene para maging masama ako sa paningin ni Carlos. Ang buong akala ko ay mahal ako ni Pia bilang kaibigan niya but he used me. Para mapalapit sa asawa ko. Ngayon ay malaya na si Carlos at puwede na nilang gawin ang lahat ng nais nila.Nais ko pa sanang sabihin kay Carlos na buntis ako pero mas mabuti na hindi niya alam. Dahil baka hindi lang niya tanggapin ang bata. Kung babalikan ko ang lahat

    Last Updated : 2023-03-22
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 8

    LIYANNA'S POVNang magising ako ay una kong kinapa ang tiyan ko. Nakaramdam ako ng kirot kaya nataranta ako. Akmang babangon ako nang bigla akong pigilan ni Vena."Ate, h'wag ka mo ng gumalaw." Sabi sa akin ni Vena."Vena, anong nangyari sa baby ko? Vena, nasaan ang baby ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya."Ate.. ang baby mo, inalis na nila sa tiyan mo. Kailangan nilang alisin si baby." Sagot niya sa akin."May nangyari ba sa baby ko? Vena, anong nangyari sa baby ko?" Natatakot na tanong ko sa kanya at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko."Nasa ICU ang baby mo ate, buhay siya at lumalaban para sa 'yo. Premature baby siya ate, kailangan kasi nilang ilabas si baby kahit kulang pa siya sa buwan." Umiiyak na sabi niya sa akin.Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Umiyak ako ng umiyak. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi niya pinabayaan ang anak ko. Pero masakit para sa akin na malaman na nahihirapan ang anak ko. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Ipinaliwanag sa akin ng d

    Last Updated : 2023-03-23
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 9

    LIYANNA'S POVSobrang sakit na nakikita ko ang ang ko na nahihirapan at nag-aagaw buhay. Kung puwede na ako na lang pero wala akong magawa. Humina ang pananalig ko at nawalan ako ng pag-asa para sa buhay ng anak ko. Bumalik ulit ako sa psychiatrist para magpatingin.At ngayon na maayos na ulit ako ay muli na naman akong sinusubok. Hindi na ba matatapos ang lahat ng ito? Bakit ba ipinagkakait sa akin na maging masaya? Ano bang nagingg kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. "Anak, lumaban ka. Huwag mo akong iiwan. Vena, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin." Umiiyak ako habang nakatingin sa anak ko na unti-unting bumabagsak ang heartbeat niya. Kahit siguro sinong ina ay hindi gugustuhin na mawalan ng anak."Diyos ko, parang awa niyo na po. Hayaan niyo po akong makasama ang anak ko. Siya lang po ang mayro'n ako. Ito lang po ang hinihiling ko sa inyo. Ang anak ko lang po, parang awa niyo na po." Umiiyak na kausap ko sa ka

    Last Updated : 2023-03-24
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 10

    LIYANNA’S POV “Charles, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. Nagulat kasi ako dahil bigla na lang may nag doorbell nang buksan ko ay si Charles pala. Ang buong akala ko kasi ay uuwi na ito sa Pilipinas. “Akala ko umuwi kana sa Pilipinas?” Tanong ko sa kanya.“Dito na muna ako,” sagot niya sa akin.“Wala ka bang game?”“Wala, i think hindi na ako maglalaro ulit.” Sagot niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko kasi na sobra niyang mahal ang basketball. Alam ko rin na ipinaglaban pa niya ito sa daddy niya. Galing si Charles sa pamilya ng mga politiko kaya inaasahan na lahat sila ay sasabak sa politika. Hindi na ako nagtanong sa kanya. Siguro ay pagod na rin ito sa paglalaro. “Nasaan si Mireya?” Tanong niya sa akin.“Nasa likod ng bahay, naliligo sa pool.” Sagot ko sa kanya.“Ang talino ng anak mo,” aniya sa akin.“Ang anak ko ay regalo sa akin ng Panginoon. Saksi ang panginoon sa lahat ng paghihirap ko Charles. Sa kabila ng lahat ay hindi niya kinuha sa akin ang ana

    Last Updated : 2023-03-25
  • Hiding the Miracle Heiress    Chapter 11

    LIYANNA’S POVNanibago ako sa klima dito sa Pilipinas. Kahit si Mireya ay naninibago rin. Hindi pa stable ang kalagayan ni daddy. Salit-salitan kami ni mommy sa pagbabantay sa kanya. Ngayon ay ako ang magbabantay sa kanya. Naglalakad ako ngayon papunta sa room ni Daddy. Nang may biglang tumawag sa pangalan ko.“Liya, ikaw ba ‘yan anak?” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ng dati kong biyenan. Ngayon nakita ko ito ay bigla akong nagduda kong naging totoo rin ba siya sa akin noon. Baka katulad rin siya ng mga anak niya? Kahit na may doubt ako sa kanya ay kailangan ko itong irespeto. “Ikaw nga anak, saan ka galing? Namiss kita anak,” umiiyak na sabi nito sa akin.“Kumusta na po kayo mommy?” tanong ko sa kanya.“Okay naman ako anak, ikaw kumusta kana. Patawad sa ginawa ng anak ko.” Nagulat ako sa bigla niyang sinabi at niyakap rin niya ako.Nais ko siyang tanungin kong sino sa dalawa niyang anak. Lahat ng anak niya ay sinaktan ako. Pero pinili kong ngum

    Last Updated : 2023-03-26

Latest chapter

  • Hiding the Miracle Heiress    SPECIAL CHAPTER

    CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi

  • Hiding the Miracle Heiress    WAKAS

    LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 13

    LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 12

    LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 11

    LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 10

    LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 9

    CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 8

    CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang

  • Hiding the Miracle Heiress    Part || — Chapter 7

    LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton

DMCA.com Protection Status