Bumagsak ang mga kompanya ni Miguel Montecarlo, lolo ng dalagang si Mia, at napilitan itong ipagkasundo ang kanyang apo sa mayamang si Don Rico. Noong gabi kung kailan siya kinutya at ipahiya ng mga kaibigan, nakilala naman ni Mia si Liam, isang gwapong lalaking akala niya ay isa lamang waiter at inalok ito ng pera kapalit ng pagtulong sa kanyang makalimot kahit isang gabi lamang.
View More“Kasal?! Ano po bang sinasabi niyo, ‘Lo?” nagtataka kong tanong. “Bakit naman ako magpapakasal?”
Huminga nang malalim si Lolo Miguel at linuwagan ang kurbata niya. Bakas sa mukha niya ang stress at pagod. “Apo, wala na akong magagawa. Nakipagkasundo na ako kay Don Rico,” paliwanag niya. “Nangako siyang aalagaan ka niya at tutulungan tayong maiahon ang kumpanya.” “Pero bakit naman kailangan kong magpakasal sa kanya para lang tulungan niya tayo? ‘Di ba kaibigan niyo siya?” “Iyon ang nag-iisa niyang kondisyon, Mia. Wala nang iba,” sagot niya sabay upo sa kanyang office chair. Kakauwi ko lang kanina galing sa mall nang sinabi ng maid na nasa home office niya si Lolo. Hindi siya madalas umuuwi nang maaga kaya excited akong umakyat para ipakita sa kanya ang mga binili kong damit. Pero nakita ko kaagad sa mukha niya na may problema. Dito na niya sinabi na tuluyan nang bumagsak ang stocks ng Montecarlo Realty Group. Matagal na palang may problema sa kumpanya pero ngayon lang niya sinabi sa akin. Ang mas nakakagulat sa lahat, kailangan ko raw magpakasal kay Don Rico Samonte, president ng RS Holdings at kasosyo ni Lolo sa ilan niyang negosyo. “Lolo, alam niyo naman kung gaano kalayo ng edad naming dalawa, ‘di ba? Kaka-graduate ko lang sa college. Siya naman, kaka-divorce lang sa pangalawa niyang asawa. Do you think it makes sense na magpakasal ako sa kanya?” “Stop it, Mia!” sigaw niya sabay ang malakas niyang hampas ng desk sa harapan niya. Nagulat ako at napaatras. Sa tagal naming magkasama ng lolo ko, never siyang nagalit sa akin o sumigaw sa harap ko. Siya na lang ang natitira kong pamilya simula nang mawala ang mga magulang ko maraming taon na ang nakararaan. Itinuring niya akong prinsesa at ni padapuan sa lamok ay hindi niya ginawa. Pero ngayon… nagawa niya akong sigawan at ipagtulakang magpakasal sa isang lalaking hindi ko naman gusto. “Kung gusto mong mabuhay kagaya ng nakasanayan mo, Mia, susundin mo ‘ko.” Matalas ang mga mata niya at tila wala nang magpapabago pa sa isip niya. Nanginginig akong tumakbo palabas at nagkulong sa kwarto. Hindi… hindi pwedeng basta na lang ako ipakasal sa lalaking ‘yon. Pinahid ko ang mga luha ko at ipinangako sa sariling hindi mangyayari ang binabalak nila. Agad akong nagbihis at tinawagan ang mga kaibigan ko. Galing din sila sa mga may impluwensyang pamilya kaya alam kong matutulungan nila akong maghanap ng ibang paraan para matulungan si Lolo. Nang makarating ako sa Elves Club, dumiretso ako agad sa second floor kung nasaan ang mga reserved tables. Dito, kita ang lahat ng taong nagsasayaw sa dance floor sa ibaba. Kumaway ako kaagad sa mga kaibigan ko na nakaupo sa usual table namin. I sighed in relief at ngumiti. “I'm so glad na nandito kayong lahat.” Dumiretso ako para umupo sa usual seat ko nang magsalita si Kate. “Teka, teka. Anong ginagawa mo?” Kumunot ang noo ko sa pagtataka. “Bakit? May problema ba?” “Bakit ka uupo?” tanong ni Kate. “Ang alam ko for VIPs lang ang floor na ‘to.” “Kate…” mahinang sita ni Mindy. “Don’t be like that.” “Bakit? ‘Di ba hindi na siya VIP? Malapit nang ma-bankrupt ang company ng lolo niya,” sabi ni Kate. “Right, Mia? Mahirap na kayo, ‘di ba?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko rin inaasahang alam na nila ang balita tungkol sa kumpanya namin. “May problema kami,” pag-amin ko. “Pero alam kong may chance pa kaming maka-recover. Kaya nga ako tumawag sa inyo—” “Para humingi ng tulong?” singit ni Alice. “Mia, hindi mo ba alam? Your company is under investigation for fraud. Gusto mo bang pati ang mga pamilya namin madamay?” Napakagat ako sa labi. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng sobrang hiya. “Pero kailangan kong gumawa ng paraan,” marahan kong sambit. “Matagal na tayong magkakaibigan, ‘di ba? Baka naman pwedeng kausapin niyo ang parents niyo para sa ‘kin?” Nakita ko ang pag-irap ng mga mata ni Kate. “At bakit naman namin gagawin ‘yon? Tingin mo ba hahayaan naming madamay ang parents namin sa kalat ng pamilya n’yo?” “Pero ‘di ba ako ang unang tumulong sa 'yo nang nagkaproblema ang titulo ng hacienda niyo?” balik na tanong ko sa kanya. “Hindi ba ang lolo ko ang bumawi no’n para sa pamilya mo?” Tumayo si Kate at lumapit sa akin. “Ang kapal naman ng mukha mong manumbat?” galit niyang turan sabay ang pamewang sa harapan ko. “So, dahil minsan mo akong natulungan gusto mong masira na rin ang pangalan namin?” Nanginginig na ang mga labi ko. Hindi ko ine-expect na ganito ang isasagot niya sa akin. “Mindy, can you…” pagbaling ko kay Mindy. Matalik ko siyang kaibigan simula pagkabata kaya akala ko hindi niya ako matitiis, pero umiwas lang din siya ng tingin. “Huwag mong idamay si Mindy, Mia,” sabat ni Alice. “Tama naman si Kate. It's not worth it. Ano bang mapapala namin sa pagtulong sa 'yo?” “Mapapala? Hindi ba ikaw ang isa sa mga nakinabang sa lahat ng privileges ko bilang Montecarlo? Maski ang rare luxury bag na suot mo. ‘Di ba ako ang nagbigay niyan?” Biglang tumalas ang tingin niya sabay tayo sa kinauupuan. “Anong sabi mo?!” Galit siyang naglakad patungo sa akin at itinulak ako. Nawala ako sa balanse at muntik matumba, pero may mainit na kamay na sumalo sa likod ko. Nang lumingon ako, isang matangkad at magandang lalaki ang nakaharap sa akin. Napalunok ako bigla. “Miss, okay ka lang?”Halos mahulog ang panga ko sa sahig nang ma-realize kung gaano kami kalapit sa isa't isa sa loob ng maliit na stall.At na-realize ko rin na hindi pa pala maayos ang pagkakasuot ko sa dress. Labas ang buong likuran ko, at dahil nga off-shoulder ito, maluwag pa ito sa harapan at mas mababa ang pagkakasuot.Bigla ring nag-iba ang tingin niya kaya agad ko itong inangat bago pa ito mahulog at may makita siyang hindi dapat.Akap akap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kanya.Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ramdam ko na ito sa lalamunan ko at nahirapan akong magsalita.“Ba—bakit ka pumasok dito? Nasisiraan ka na ba?”I saw a small smirk at the corner of his lips pero agad din itong nawala.“You need help, right?”“Oo nga pero dapat tumawag ka ng iba. Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nilang nasa loob tayo ng stall na magkasama?”He shrugged. “Akala nila fiancé mo ako. So, I don't think they would mind.”Nakatitig siya sa mga mata ko at para akong ice-cream na natutunaw s
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “May malapit na kainan dito. Why don't we—” “Hindi na siguro,” sagot ko kaagad. “Ano kasi… medyo busy ako ngayon eh.” Bigla namang lumabas ang isa sa mga staff ni Ms. Claire at lumapit sa akin. “Ms. Mia, meron pong mga ni-recommend na dresses si Ms. Claire. Nilagay ko na po sa loob ng fitting room.” Napansin niya ang kausap kong lalaki at ngumiti. “Ay, ang gwapo naman po pala ng fiancé niyo, Ms. Mia,” ani niya sabay paling kay Liam bago pa ako makapagsalita. “Sir, may couch po sa fitting room. Dalhan ko na lang po kayo ng champagne habang namimili si Ma’am.” Umalis siya kaagad at naiwan kami ni Liam sa gitna ng boutique. “Fiancé?” Napansin ko ang biglang pagkunot ng noo niya. I bit my lip and sighed. “Wala lang ‘yon. Sige, mauna na ‘ko.” Naglakad ako papunta sa fitting room pero nahuli niya ang braso ko. “Mia… anong sinasabi niyang fiancé mo?” tanong niya ulit. “Ikakasal ka na?” Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko bag
“Oh, Ms. Mia Montecarlo! Long time no see!” agad na bati ng babae pagpasok ko sa isang sikat na boutique. Pagmamay-ari ito ng isa sa pinaka-in demand na fashion designer sa bansa, si Ms. Claire Dechanel. Ilang beses na akong nagpa-customized ng dress sa kanya dati, pero hindi ko inaasahan na this time, dress na para sa engagement party ko ang gagawin niya. “Nice to see you again, Ms. Claire,” sabi ko sabay ngiti. “I was surprised nang makita ko ang pangalan mo sa booking list. You're here para sa engagement party mo, right?” tanong niya gamit ang matinis niyang boses. “Congratulations!” “Thank you,” mahina kong tugon. “Okay, let's start na. Kunin namin measurements mo as usual tapos, sisimulan na natin ang pag-design. Meron ka na bang style in mind?” Umiling ako. “Wala pa. Kahit ano na lang. Ikaw na bahala.” Siguro ay narinig niya ang disinterest sa boses ko kaya hindi na siya namilit. Kinuha niya ang measurements ko at pinaupo ako sa harap ng mesa niya sa loob ng off
Pagkauwi sa mansyon, napansin kong nagbalik nang muli ang mga tauhan namin.From my yayas, to the other maids, pati mga hardinero ay nakita kong nagtatrabaho ulit sa garden namin sa likod ng mansyon.Lahat ng gamit namin sa bahay ay hindi rin nagalaw ng bangko, at sa halip ay nadagdagan pa.Katulad ng bagong kama sa kwarto ni Lolo na parehas ng mamahaling higaan sa ospital.Kumpleto rin ang mga gamot na nireseta ng doktor bago kami umuwi. Nakalatag na 'yong lahat sa nightstand ni Lolo.Lahat ay pinaayos na ni Don Rico bago pa kami dumating.Gusto ko mang magpasalamat, may kurot pa rin sa dibdib ko dahil alam ko ang kapalit ng lahat ng ito.… Pagkatapos ng ilang oras, dumating na si Don Rico na may kasamang isang babaeng nakasuot ng asul na nurse uniform.“Don Rico…” sabi ko pagkababa ng hagdan.“Mia!” Malaki ang ngiti niya nang makita ako. “Kamusta si Don Miguel? Kamusta ang byahe? Pasensya na at hindi ako ang personal na sumundo sa inyo kanina.”Umiling ako at pilit na ngumiti. “Oka
“Under monitoring pa rin po si Mr. Montecarlo,” ani ng doktor na tumingin sa kaniya kanina. “But he is out of danger now. Hopefully, magigising na rin siya soon.”“Thank you po. Thank you po talaga,” sagot ko habang hawak-hawak nang mahigpit ang kamay ni Lolo.Tumigil daw ang puso niya kanina at kinailangan nila itong i-resuscitate. Mabuti na lang at mabilis nilang napatibok ulit ang puso niya.Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang nililigtas nila ang buhay ng lolo ko.Sobrang daming pagsisisi ang naramdaman ko.Sana… sana pala nakinig na lang ako sa kaniya noong araw na ‘yon. Sana hindi na lang ako nagplanong maglayas.Sana hindi ko siya binigyan ng sama ng loob.Hindi sana siya inatake sa puso… Hindi sana siya nakaratay sa ospital ngayon.Sa bingit ng kanyang buhay, napagtanto ko na may mas importante pa kaysa sa sariling kong kaligayahan.Aanhin ko ang pagiging malaya kung wala na si Lolo Miguel?Mas importante ang buhay niya. Mas importante ang buhay ng nag-iisa kong
Nanginig bigla ang laman ko.“Don Rico—”“Sinimulan ko na ang pag-aasikaso sa Montecarlo Realty Group. In a few weeks time, maibabangon na natin ang kumpanya niyo, isn't that good news?”Madiin ang pagkakakagat ko sa labi ko at halos may nalalasahan na akong dugo.Naiintindihan ko ang mga tulong na kaya niyang ibigay. Pero tama bang ako ang maging kapalit sa lahat ng iyon?Tama bang isakripisyo ko ang sarili ko para sa mga bagay na inaalok niya?Hindi… parang hindi ko ata talaga kaya.“Don Rico…” mahina kong ani sabay ang angat ng mukha ko sa pagkakatungo. “Alam ko hong may ipinangako ang lolo ko sa inyo. Pero hindi ako kasama sa pagdedesisyon niya. Hindi ata tama na basta na lang akong maikasal nang hindi naman ako pumapayag sa kahit ano.”Isang malalim na buntong hininga ang isinagot ni Don Rico, sabay rin ang pagkunot ng noo niya.“Naiintindihan ko, Mia. Hindi mo 'ko kailangang pakasalan,” sabi niya sabay iling. “Syempre desisyon mo pa rin ‘yon at wala akong magagawa kung ayaw mo.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang maalala ang utang ko sa kanya noong isang gabi. Malamang maniningil na siya. Sa laki ba naman ng bill sa hotel malamang ilang buwan niyang pagta-trabahuhan ang halagang 'yon.Lumingon ako ulit at binigyan siya ng nahihiyang ngiti. “Liam… oo nga pala. About do’n sa ibinayad mo sa Hanson Hotel…” Hindi ko mapigilang laruin ang mga daliri ko sa pinaghalong kaba at hiya. “Baka pwedeng saka ko na bayaran sayo. Pati na rin ang bayad na pinangako ko. Nagastos ko na kasi lahat ng pera ko sa ibang bagay…”Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas na makiusap lalo na tungkol sa pera. Kadalasan, ako ang hinihiraman, ako ang pinakikiusapan.Ngayon, ako na ang nakikisuyo.Pero mas malala ang hiya ko, knowing na hindi naman siya mayaman. “Bakit? May problema ba?”Napakamot ako sa ulo bago isalaysay ang mga nangyari. “‘Yong lolo ko kasi inatake sa puso kahapon kaya kinailangan ko siyang pa-operahan. Naibayad ko na lahat ng pera ko sa ospital. Nagkulang pa n
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, halos wala na akong marinig sa paligid ko. Nanginginig akong nakaupo sa labas ng operating room, naghihintay kung kailan matatapos ang operasyon ni Lolo.Inabot na ako ng madaling araw, pero hindi pa rin sila nakalalabas.Parang sasabog ang puso ko sa pag-aalala. Si Lolo Miguel na lang ang nag-iisa kong pamilya. Wala nang iba. Kapag mawala siya sa akin, baka hindi ko kayaning mabuhay mag-isa.Kailangan ko ang lolo ko, maghirap man kami o hindi. "Hindi mo ako pwedeng iwan, 'Lo," bulong ko habang humihikbi. Pagkatapos ng ilan pang oras ay lumabas ang doktor kasama ng ilang nurse at tumayo sila sa harapan ko. Agad akong lumapit at kinakabahang nagtanong, “Doc, kamusta na po ang lolo ko?” “Successful ang naging operasyon ni Mr. Montecarlo. Kailangan lang natin siyang hintaying magising para malaman natin kung walang naging komplikasyon,” sagot niya pero hindi nawala ang kaba sa dibdib ko. “So, magaling na po siya? Okay na po ulit ang pus
Malakas na pag-ring ng cellphone ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang paligid. Nasaan ba ako? Hindi ko kilala ang kwarto na ‘to. Tsk. Oo nga pala. Nagpunta ako sa Hanson Hotel kagabi. Agad akong umupo pero laking gulat ko nang malamang wala akong suot na kahit ano. Tanging puting kumot lang ang nakatakip sa katawan ko. What? Saglit. Ang alam ko sumama lang ako sa lalaki mula sa bar kagabi… Dinala niya ako rito sa hotel tapos… tapos… Uminom kami… Sumayaw… tapos… Lumaki ang mga mata ko nang maalala kung paano ko siya hinalikan at kung paano… niya ako hinalikan pabalik. Shit. Shit. Shit. Mia! Anong ginawa mo?! Halos sabunutan ko ang sarili ko. May nangyari ba sa amin? Sa dami kong nainom sobrang sakit ng ulo ko at wala akong ibang maalaala. Ano bang pinaggagawa ko?! Have I gone stupid? Inabot ko ang cellphone ko na kanina pa nagri-ring. “Hello?” “Mia!” halos sumigaw si Lolo sa kabilang linya. “Nasaan ka ba? Kagabi pa kita tinatawagan pe
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments