Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, halos wala na akong marinig sa paligid ko. Nanginginig akong nakaupo sa labas ng operating room, naghihintay kung kailan matatapos ang operasyon ni Lolo.Inabot na ako ng madaling araw, pero hindi pa rin sila nakalalabas.Parang sasabog ang puso ko sa pag-aalala. Si Lolo Miguel na lang ang nag-iisa kong pamilya. Wala nang iba. Kapag mawala siya sa akin, baka hindi ko kayaning mabuhay mag-isa.Kailangan ko ang lolo ko, maghirap man kami o hindi. "Hindi mo ako pwedeng iwan, 'Lo," bulong ko habang humihikbi. Pagkatapos ng ilan pang oras ay lumabas ang doktor kasama ng ilang nurse at tumayo sila sa harapan ko. Agad akong lumapit at kinakabahang nagtanong, “Doc, kamusta na po ang lolo ko?” “Successful ang naging operasyon ni Mr. Montecarlo. Kailangan lang natin siyang hintaying magising para malaman natin kung walang naging komplikasyon,” sagot niya pero hindi nawala ang kaba sa dibdib ko. “So, magaling na po siya? Okay na po ulit ang pus
Last Updated : 2025-01-25 Read more